#Isa sa Puso ng Pilipino
Explore tagged Tumblr posts
Text
Bituin ng Pagkakaisa
Pamilya'y nagsasama-sama,
Lahat ay nagkakaisa,
Pagmamahal ang nananaig sa bawat isa,
Mga tao'y bakas sa mukha ang saya..
Buhay sa puso ng mga Pilipino ang diwa ng pasko. Pagtutulungan, pagbibigayan, at pagmamahalan, 'yan ang ating nakagawian. Sana'y araw-araw na lang pasko, puno ng saya at pag-iibigan!
Ang mga bahay ay nagiging isang makulay na paraiso ng mga dekorasyon. Ang Christmas tree ay hindi maaaring mawala, ito ay isang simbolo ng pagkakaisa ng pamilya, kung saan lahat ay nagtutulungan sa paglagay ng mga palamuti, mula sa mga ilaw hanggang sa mga dekorasyong pang-Pasko. Sa mga kabahayan nating mga Pilipino'y hindi makakalimutang isabit ang parol na siyang simbolo ng pag-asa at pagkakaisa ng mga Pilipino sa landas ng buhay. Isang magandang representasyon ng Bituin ng Bethlehem, nagagabayan sa pag-ibig at pagkakaisa. Nagbibigay ng ilaw sa kadiliman ng gabi, nagagabayan ang mga tao sa landas ng pagmamahal. Ang parol, isang bituin ng pag-asa na nagpapaliwanag, sa mga puso ng mga Pilipino. Naaalala ko pa noong nabubuhay pa ang aking lolo, tuwing simula ng 'ber months', ay kaagad na naglalagay siya ng mga dekorasyon sa aming bahay. May mga ilaw, parol, at mga palamuti na nagbibigay ng aliw at saya sa aming tahanan.
Nakasanayan nating mga Pilipino na ipagdiriwang ang Pasko kasama ang buong pamilya. Ang mga nasa malayo'y kung maaari ay umuuwi upang makasama sa pagdiriwang. Sa aming pamilya, ang aking ina at kaniyang kapatid, na kapwa OFW, ay umuuwi tuwing Pasko. Samantalang ang ibang mga kamag-anak na nasa malayo ay pumupunta rito sa aming bahay. Kami'y nagtutulungan sa paghahanda ng mga pagkaing pagsasaluhan, at nagdadasal nang taimtim sa simbahan. Ang aming munting tahanan ay puno ng halakhak at pagmamahal.
Hindi kumpleto ang pasko kung walang mga batang nagpapakita ng kanilang talento sa pag-awit ng mga Christmas carols sa mga bahay-bahay. Kasama ang mga matatanda, nagtitipon-tipon sila upang kumanta ng mga tradisyonal na awiting pang-Pasko tulad ng 'Pasko Na Naman', at 'Star ng Pasko'. Sa mga kanta nila, ramdam ang pag-asa, pagmamahal, at pagkakaisa. At pagkatapos ng kanilang pagkanta, nagbibigay ang mga may-ari ng bahay ng mga aginaldo bilang pagpapalain at pagkilala sa kanilang pagtatanghal. Noong kasali pa ako sa choir kami ay pumupunta sa iba't ibang simbahan upang mangaroling at ang malilikom naming pera ay ginagamit namin upang may pambili kami ng bagong uniporme at ang sobra naman ay para may pang 'outing' kami.
Subalit, sa paglipas ng panahon, marami na ang nagbago at naglaho, isa na rito ang mga nakagawian tuwing pasko. Pasko noon at ngayo'y labis na kakaiba. Kayraming ipinagbago na hahantong sa pagkakataong ika'y mapapatanong ng pasko nga ba ito?
Ang Pasko ay hindi na ganap simula nang sumakabilang-buhay ang aking lolo. Ang mga dekorasyon na dating nagbibigay ng aliw at saya, ay wala na rin. Siya ang nagpapakulay ng aming tahanan, at ng aming buhay. Hindi na rin pumaparito ang ibang kamag-anak... Wala na rin masyadong mga bata na nangangaroling rito..
Gayunpaman, ngayong papalapit na ang pasko, ako'y nagagalak na unti-unti nang bumabalik ang aking nakasanayang pasko noon dahil ipinagpatuloy nga aking lola ang paglalagay ng dekorasyon sa aming tahanan. Sa pagbabalik ng mga alaala ng nakaraan, muli kong matatamasa ang Paskong nakasanayan ko. Hindi man ito ganap na tulad ng noon, ngunit ang pagmamahal at pagkakaisa ng pamilya ay nananatiling pareho. Sa bawat ilaw ng parol at dekorasyon, natutukoy ko ang diwa ng Pasko - pagmamahal, pagkakaisa, at pag-asa. Muli kong makakasama ang aking pamilya, at muli kong makakaramdam ng saya at pag-iibigan. Ito ang Pasko ko, at ito ang nakasanayan kong pagdiriwang.
Aking napagtanto na ang pagbabago ay isang bahagi ng buhay na hindi natin maiiwasan. Hindi tayo pwedeng manatili sa isang lugar lamang. Kailanganan nating harapin ang mga pagbabago at gamitin ito bilang pagkakataon upang lumago at umunlad. Sa tuwing may pagbabago, mayroong bagong pag-asa at pagkakataon na nagbubukas.
Minsan, ang pagbabago ay nakakatakot, pero hindi tayo dapat matakot. Ang pagbabago ay isang proseso ng paglaki at pag-unlad. Hindi ito isang pagkakamali, kundi isang pagkakataon upang matuto at lumago.
Dili sa tanang panahon ania ra sila,
Busa samtang ania pa sila,
Ipakita nato atong paghigugma kanila
Ipadama ta kanila nga sila importante sa atoa
Sa panahon sa kapaskohan, panahon kini sa paghigugmaay, pagpinasayloay, ug pahinatagay dili nato hikalimtan nga mao kini ang angay.
7 notes
·
View notes
Text
It’s more fun in Boracay!
Ang Boracay ay isa sa mga pinakasikat na destinasyon sa Pilipinas, kilala ito sa kaniyang puting buhangin, at maraming aktibidad na inaalok para sa mga turista. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Aklan at kadalasang binibisita ng mga lokal at dayuhan.
Agosto 29, 2023.
Sa araw ng aming paglalakbay, kami ay nagising nang maaga upang hindi ma-late sa aming flight, dahil alam naman nating lahat, ang oras ng mga Pilipino ay laging maaga. Nagsimula kaming umalis ng alas-kwatro ng madaling araw mula sa Balanga patungong Clark International Airport. Pagdating namin, kumain muna kami ng almusal at naglibot sa paligid ng paliparan.
Sa pagpasok namin sa eroplano, nakaramdam ako na para bang sumakay ka lang ng bus ngunit mas malaki at mas organisado. Ang mga stewardess ay napakaganda at napakabait, talagang nakakatuwa. Sa pag-angat ng eroplano, kinuhanan namin ito ng litrato at sa wakas ay nakapagpahinga kami nang kaunti habang nasa biyahe.
Sa aming paglalakbay patungo sa hotel, labis ang pagpapatawa sa amin ng drayber dahil sa mga kwento nito tungkol sa Boracay. Binigyan niya kami ng maikling paglilibot at ipinakilala sa amin ang mga lugar na maaaring puntahan kung nais naming maglibot.
Pagdating naman namin sa hotel, nagpalit kami ng aming kasuotan upang makapagkuha ng mga litrato sa labas. Kahit malakas ang hangin, napakaganda pa rin ng tanawin. Maraming tao ang nag-aanyaya sa amin na subukan ang kanilang mga pagkain at mag-enjoy, ngunit tumanggi kami at naglibot sa paligid.
Sa gabi, muli kaming nagpalit ng aming kasuotan at dinama ang ganda ng tanawin. Maraming propesyonal ang nagsasayawan gamit ang apoy at ang mga tao mula sa iba't ibang lugar. Kumuha rin kami ng mga litrato ng magagandang tanawin at inikot ang buong beach.
Labis ang tuwa ng aking puso sa mga tao na nadadaanan ko. Abot langit ang kanilang mga ngiti na para bang sila ay malalapit sa amin. Napakaraming turista at talaga namang makikita mo sa kanilang mga mata ang kasiyahan at kung gaano nila kagusto ang lugar.
Agosto 30, 2023.
Kinabukasan, tinanghali na kami ng gising dahil sa pagod mula sa pag-ikot sa lugar. Pagkatapos, tumawag kami at nagrenta ng isang tour guide upang maglibot sa Boracay. Sa wakas, nasubukan ko rin ang crystal kayak na pinag-uusapan ng lahat sa internet. Nakakatuwa ito ngunit medyo nakakatakot.
Sa mga aktibidad na aming nasubukan, ang pagsakay sa crystal kayak ang pinaka nagustuhan ko. Isa ito sa mga bagong karanasan na aking nagustuhan sa buong buhay ko. Matagal ko nang inaasahan na masubukan ang aktibidad na ito. Kahit nakakapagod ang paglalakad, sulit pa rin ito.
Sinulit namin ang huling gabi ng aming pananatili sa Boracay. Inikot namin ang buong beach kahit na nakakapagod ito. Bumili kami ng mga pasalubong at marami pang iba. Binisita rin namin ang mga lugar na nakikita namin sa internet at talaga namang totoo ang balita, maganda ito sa personal. Sa karanasan na ito, nakuhang mahumaling ulit ng aking puso sa isang lugar na talaga namang napakaganda.
Sa kabuuan, lubos kong itinamasa ang kagandahan ng Boracay. Sa loob ng dalawang araw, naramdaman ko ang kapayapaan at kagandahan ng lugar na iyon. Minahal ko ang bawat aktibidad at kasiyahan na naranasan ko. Tiyak na irerekomenda ko ito sa lahat ng tao.
Mensahe para sa aking minamahal, aking Aly: Balang araw, dadalhin kita sa Boracay, sa lugar kung saan ako ay nakakaramdam ng lubos na kaligayahan. Pakatatandaan mo, walang katumbas ang kapayapaan at kasiyahang hatid mo sa akin kumpara sa anumang nadama ko sa lugar na ito. Naniniwala ako na ang Boracay ay isang pook ng kaligayahan, ngunit mas naniniwala ako na mas magiging masaya ito kung kasama kita, ang aking pinakamamahal. Sa huli, ikaw at ikaw pa rin ang lugar na natatangi at hahanap-hanapin ko.
#Boracay #ItsMoreFunInBoracay
3 notes
·
View notes
Text
HALI NA SA SIARGAO!
Isa sa mga paboritong lugar na napuntahan ko ay ay Siargao, dumalaw kami sa isa naming kamag-anak rito at tunay ngang napakaganda ng lugar na ito. Nagmistula itong paraiso sa unang tingin, makikita mo ang kagandahan at katahimikan ng lugar at isa ito sa mga nagustuhan ko bilang isang “nature lover”.
Ang Siargao ay hindi lamang mayroong magandang lugar ngunit pati ang mga tao rito ay tunay na matulungin at masaya. Buong puso silang nag aalok at tumutulong lalo na sa mga dayuhan o turista na dumadayo at bumibisita sa kanilang lugar. Karamihan sa Siargao ay may iba’t ibang resort na maaaring puntahan kung saan ay madami kang matututunan sa kanilang kultura bukod sa pamamasyal.
Isa sa mga sikat dito ay ay ang “Surfing Cloud 9”. Ang Surfing Cloud 9 ay itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na surfing spot sa buong mundo, ang Cloud 9 ay ang site ng International Cups at ang duyan ng surfing champions.
Ang kanilang ipinagmama-laking pagkain ay ang mga seafoods gaya ng mga crab, lobster, isda, pusit at iba pa. Mayroon din silang inihahain na masasarap at sariwang mga prutas at gulay.
Kapansin pansin din na karamihan sa kanilang bahay ay kubo lamang lalo na sa mga mamamayang naka tira malapit sa dagat, ngunit kahit ganoon ang kanilang buhay tiyak na sila ay masaya at kuntento sa simpleng buhay na mayroon sila na kanilang sariling nayon.
Karaniwang lengguwahe nila ay ang native dialect, Surigaonon, ngunit naiintindihan din nila ang salitang Tagalog at Ingles ng mahusay.
Isa din sa kanilang hanap buhay ay ang paggawa ng iba’t ibang kinagisnan ng kanilang kultura kagaya na lamang ng paghahabi, pagbabatik at iba pa. Ang mga ito ay kanilang ibinibenta bilang pasalubong ng mga turista sa kanilang pamilya.
Bukod sa pangingisda, isa ito sa pangunahing hanap buhay nila sapagkat maraming dayuhan ang dumadalaw sa kanilang lugar upang mag bakasyon kaya isa itong magandang uportunidad para sa kanilang hanap buhay.
Parte na rin ng kanilang tradisyon ay ang pagbabayanihan o pagtutulungan na kung saan ay kapansin pansin at bantog sa mga mamamayan ng Siargao.
Ang kanilang mga katangian ay totoo sa kalikasan nating mga Pilipino, sila ay mapagkakatiwalaan at maaasahan at masayang ibinabahagi ang kanilang kultura at tradisyon sa iba.
Ano pang hinihintay mo, tara na sa Siargao!!
4 notes
·
View notes
Text
ANG MAKAPIGIL HININGANG MGA POOK PASYALAN SA LUNGSOD NG BAGUIO.
Ang larawang nasa itaas ay mula sa Internet.
Ang paglalakbay ay isa sa pinakamasayang gawain o aktibidad para sa aming pamilya. Dahil dito, marami kaming natututunan mula sa lugar na aming napupuntahan kagaya ng kung paano ito natatag, ano ang klima rito, ano ang mga patok na pagkain doon at marami pang iba. Isa sa pinakamasayang paglalakbay na hindi ko makakalimutan ay noong naglakbay kami sa lungsod ng Baguio. Hindi maikakaila na isa nga ito sa magagandang lugar dito sa bansang Pilipinas. Patok ang lugar na ito sa malamig nitong klima na labis na ikinatutuwa ng marami at dinadayo pa.
Maliban sa sa ito ay tinaguriang “Summer Capital of the Philippines” noong 1909, ang Baguio ay kilala rin bilang “City of Pines" dahil sa kasaganahan nito sa mga naglalakihang puno ng pino na nagsisilbing ating likas na yaman. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na ang ibig sabihin ay lumot. At mula rito, marami pang mga lugar ang maaaring bisitahin at libutin sa lungsod ng Baguio. Una naming pinuntahan ang palengke, kung saan makikita ang iba't ibang pampasalubong at pagkain na kilala sa lugar. Natikman ko rito ang patok na strawberry taho at ako ay namangha sa angking lasa na itinataglay nito kumpara sa ordinaryong taho na nabibili natin sa umaga. Dagdag pa rito, ang mga pampasalubong na labis na pumukaw ng aking atensyon dahil sa hindi lamang maraming pagpipilian bagkus ay ikinatutuwa ko rin ang mga disenyo ng souvenirs at palamuti sa katawan na tiyak ay babagay sa akin at sa mga pamilyang naiwan sa bahay.
Ang mga larawan sa itaas ay mula sa Internet.
Pangalawa naming pinuntahan ang Burnham Park kung saan iba't ibang aktibidad ang aking nagawa gaya ng pagbabangka at pagbibisikleta dahil sa napakalawak nitong espasyo. Ang parke na ito ay ipingalan sa isang sikat na Amerikanong arkitekto na si Daniel Hudson Burnham. Kasama ko pala rito ang aking pinsan at parehas kaming nasiyahan sa karanasan na ito.
Sunod naming nilibot ang lugar na kung tawagin ay Mines View. Matatanaw mula rito ang mga minahan ng ginto at tanso ng Benguet at ang mga nakapaligid na matatayog na bundok ng Cordillera. Isa rin ito sa pinakamasayang pook pasyalan na aking napuntahan dahil sa nagkaroon ako ng tyansa na maisuot ang tradisyunal na kasuotan ng Cordillera na kung tawagin ay bahag.
Para sa ikakakumpleto ng aming bakasyon sa lungsod na ito, hindi namin pinalagpas ang mansyon. Ang Mansion House ay isang makasaysayang gusali. Ito ay matatagpuan sa Leonard Wood Road, itaas lamang ng kilalang Wright Park na may narerentahang mga kabayo para sakyan. Naitayo ito noong 1908 sa pangunguna ng Governor General William Cameron Forbes, at ipinangalan niya ito sa kanyang summer cottage sa New England. Labis kaming natuwa sa lawak ng lugar na ito at lalo pang naantig sa istorya sa likod ng mansyon na ito.
At syempre, hindi mawawala ang nakakapagod ngunit masayang paglalakbay kung saan ìnakyat namin ang hagdan-hagdang Lourdes Grotto. Ito ay isa pang Katolikong dambana at lugar ng pagninilay sa Baguio na mayroong 252 na hagdan papunta sa itaas. Ito ay matatagpuan sa isang mataas na burol sa kanlurang bahagi ng lungsod kung saan ay makikita mo ang larawan ng Lady ng Lourdes. Dito ko ipinagdasal ang mga mahal ko sa buhay, personal na nararamdaman, at pasasalamat sa lahat ng biyaya na aking natatanggap.
Ang mga larawan sa itaas ay mula sa Internet.
REYALISASYON:
Ang naging reyalisasyon ko sa paglalakbay na ito ay palaging ipagmalaki ang lugar na sariling atin. Maraming magagandang likas na yaman at tradisyon ang mayroon sa Pilipinas, hindi man natin ito nakikita o napupuntahan lahat, ngunit ito ay nananatili sa puso ng bawat Pilipino. Palaging tandaan na, naglalakbay ka hindi dahil sa gusto mo lamang mamasyal at makita ang mga sikat na bagay dito, bagkus ay naglalakbay ka upang matuto, tumuklas, at mapalago ang kasaysayan ng ating lupang sinilangan.
6 notes
·
View notes
Text
Gabing 'di malilimutan
Sa pagsalubong ng Bagong Taon, ang Bonifacio Global City (BGC) Highstreet ay naging isang malawak na entablado ng kasiyahan at musika. Ang NYE Countdown ay hindi lamang isang pagdiriwang ng pagtatapos ng taon kundi isang pagpapakita ng sining at talento ng mga Pilipino at internasyonal na mga artista.
Ang aking karanasan ay nagsimula sa isang masarap na tanghalian/hapunan sa Texas Roadhouse, kung saan ang bawat kagat ng steak ay tila nagpapahiwatig ng masaganang taon na darating. Pagkatapos kumain, kami ay naglibot sa BGC, isang lugar na kilala sa makabagong arkitektura at sining na nakapalibot sa bawat sulok. Kahit maaga pa lamang, ang dami ng tao ay nagpapahiwatig na ng isang gabi na puno ng enerhiya at sigla.
Habang papalapit ang oras ng pagtatanghal, ang pag-asa at pananabik sa bawat isa ay kapansin-pansin. Ang anim na oras ng paghihintay ay tila isang pagsubok ng pasensya, ngunit ang bawat minuto ay nagkakahalaga sa sandaling nagsimula na ang pagtatanghal. Ang liwanag ng mga ilaw, ang lakas ng tunog, at ang indak ng musika ay nagdala sa amin sa isang mundo na malayo sa pang-araw-araw na buhay.
Ang lineup ng mga artistang nagtanghal ay parang isang perlas na sunod-sunod na lumitaw mula sa dagat. Si KZ Tandingan, na may kanyang makapangyarihang boses, ay nagbigay ng isang emosyonal na pagtatanghal na nagpaantig sa puso ng bawat isa. Sumunod si ADIE, na may kanyang malamyos na tinig, ay nagdala ng kalmado sa gitna ng ingay ng pagdiriwang. Si Zack Tabudlo, sa kanyang makabagong estilo, ay nagpakita ng kakaibang sigla sa entablado.
Ang paglabas ni Ely Buendia ay nagdala ng isang alon ng nostalgia, na nagpaalala sa mga nakakatandang nakapalibot sa akin, ng mga klasikong awitin na minahal ng maraming henerasyon. Sa kabila ng pagod mula sa mahabang oras ng paghihintay at panonood, ang aking kapaguran ay tila naglaho nang lumabas na sina Seulgi, Irene at ang pinaka-mahal kong si Wendy ng Red Velvet. Ang kanilang presensya ay parang isang sariwang simoy na nagbigay-buhay sa aking pagod na diwa. Ang bawat hakbang at himig nila ay nagdala ng isang espesyal na enerhiya na nagpapalakas ng loob at nagpapasigla ng damdamin ko kahit ako'y pagod na. Ang kanilang pagtatanghal ay nagbigay kulay sa kalangitan ng BGC, at ang bawat galaw at himig ay sinalubong ng mga masigabong hiyawan at palakpakan.
Ang apat na oras ng mga makapigil hiningang pagtatanghal ay lumipas na parang isang iglap, puno ng saya, sayaw, at musika. Ang bawat kanta ay nagbigay buhay sa mga alaala at pangarap para sa bagong taon. Ang NYE Countdown sa BGC ay hindi lamang isang kaganapan, kundi isang pagsasama-sama ng sining, kultura, at komunidad na nagdiriwang ng pag-asa at bagong simula.
Sa pagtatapos ng gabi, ang langit ng BGC ay nagliwanag sa makulay na mga paputok, na tila mga bituin na sumasayaw sa ritmo ng pag-asa.
Ang NYE Countdown ay isang karanasan na hindi ko malilimutan, isang gabi na nagbigay inspirasyon at nag-iwan ng marka sa puso ng bawat isa. Sa pagpasok ng bagong taon, ako ay umuwi na may bagong sigla at pag-asa, handa na harapin ang anumang darating na may ngiti at bukas na puso.
1 note
·
View note
Text
TAGAYTAY: Tila'y Nakaukit sa Paraiso
Kahanga-hanga, mahikal, at nakabibighani. Iilan lamang ang mga salitang iyan sa mga nagbibigay hulog sa kamangha-manghang anyo ng isa sa mga destinasyon na kasalukuyang kinahuhumalingan ng mga Pilipino. Kilala sa sariwang simoy ng hangin at kakaibang aura, masasalubong mo ito sa isang lugar na tila'y nakaukit sa paraiso, masigla't mainit na pagtanggap sa Tagaytay!
SOURCE: https://asianwanderlust.com/en/things-to-do-in-tagaytay-philippines/
“Dito ko naramdaman ang kaginhawaan ng buhay, nakagagalak, nakatutuwa, at higit sa lahat, ang gaan sa pakiramdam.”
Enero 20, 2023 — Isa ang Tagaytay sa mga lugar na pinuntahan ng aking pamilya, na talagang tumatak sa aking isipan. Hinding-hindi ko malilimutan ang pakiramdam noong ako ay tumapak sa destinasyong ito, masasabi kong, ito ay nag-iwan ng malalim na ala-ala. Walang katulad, walang kapantay, isa ito sa mga paglalakbay na nagbigay kapayapaan at kasiyahang walang humpay.
Tunay na nakabibighani, ito ang unang mga salita na dumapo sa aking isipan. Mula sa mga scenic na ruta na maaring tahakin, mga pasyalan, hanggang sa mga masasarap na kainan na maaring bisitahin, ito ay isang destinasyong kumpleto na walang duda ay magdadala ng kasiyahan at pagmumuni-muni sa mga puso at isipan ng mga tao.
Sa aming paglalakbay, inumpisahan namin ang pag-ikot sa pasyalan kung saan maaaring masilayan ang kagandahan ng mga isla. Hindi lamang ito simpleng pagmamasid, kundi ito ay isang kakaibang karanasan kung saan aking nadama ang kaharian ng kalikasan. Mula rito, lubos na kita ang Taal Volcano, kasama ang mga nagtatayong bundok, ang kaakit-akit na kulay ng langit, at mga pormasyon ng ulap. Higit pa riyan, dama rin ang malamig at sariwang hangin, isang pagsilay na nagdulot ng kakaibang sigla at kasabikan sa biyayang taglay ng lugar na ito. Ang masayang huni ng mga ibon naman ay nagbigay ng masusing aliw habang pinagmamasdan ang mga tanawin, at tila ito ay nagsilbing isang mahiwagang musika sa aming pandinig.
Isa sa mga naging rason kung bakit napakalapit sa aking puso ang pangyayaring ito, ay ang dahilan na isa sa mga hilig ko ang pagkuha ng litrato ng magagandang tanawin, lalong-lalo na ang mga destinasyon na talagang mararamdaman mo at makikita ang ganda ng kalikasan. Hindi lamang ito nakamamangha sa paningin kundi naglalaman din ng diwa at kahulugan na hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita.
Matapos ang mahabang pagtatangi sa kalikasan, dinala kami ng aming paggiliw sa isa sa mga kilalang kainan sa Tagaytay, ang "Cabezera." Ito ay masisilayan sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, malapit sa isang pitak ng tanawin na aming pinuntahan. Ang Cabezera ay hindi lamang nagbibigay ng masasarap na pagkain, kundi pati na rin isang kamangha-manghang panlabas na tanawin. Sa kanilang terasa, maaari kang magkaroon ng mga kaakit-akit na larawan kasama ang pamilya o mga kaibigan habang natatanaw ang kagandahan ng paligid.
Naging mas makulay ang aming karanasan sa Cabezera dahil sa pagkakaroon ng pagkakataon na matikman ang tunay na tatak Pinoy sa kanilang lutuin. Nakatutuwa lamang na masilayan ang pagpapahalaga sa mga tradisyonal na lasa na siguradong magugustuhan ng bawat bisita. Ang kanilang kakaibang seleksyon ng mga kilalang pagkain sa Pilipinas ay nag-aalok ng pagkakataon na masilayan at makuha ang kahulugan ng ating kultura, at sa bawat luto na kanilang inihahain, talagang mararamdaman mo ang ambiance ng iba-ibang lugar sa ating bansa.
SOURCE: https://www.facebook.com/share/p/Zu7ejnsbaxxpMzpM/?mibextid=oFDknk
Sa pagtatapos ng aming araw, kami ay pumasyal sa Sky Ranch, isang pambansang parke na walang dudang ikinatuwa ng mga kabataang katulad ko, at dito, nabuo ang isang kakaibang karanasan. Ang lugar ay nag-aalok ng kakaibang tanawin tuwing gabi, isang di malilimutang larawan na nagbibigay saya sa paningin. Ang mga pailaw at masasayang halakhak ng mga bumibisita rito ay tunay na nakatutuwa.
SOURCE: https://www.klook.com/en-PH/activity/14539-sky-ranch-tagaytay-ride-all-you-can-day-pass-manila/
Bukod sa mga lugar na ito, maaari mo ring bisitahin ang iilan pang mga pasyalan sa Tagaytay tulad na lamang ng:
Picnic Grove
SOURCE: https://news.lindelatravel.com/2021/10/tagaytays-picnic-grove-is-open-to-the-public-again/
People's Park in the Sky
SOURCE: https://hiketomountains.com/peoples-park-in-the-sky/
Sonya’s GardenTop of Form
SOURCE: https://2hottravellers.com/sonyas-garden-tagaytay/
"Ang aming paglalakbay sa Tagaytay ay nagbukas ng pintuan sa mga ala-ala na hindi malilimutan. Ang lugar na ito ay nagtataglay ng kakaibang kahulugan, isang pook na nagbigay kulay at saya sa aking buhay. Mula sa unang hakbang ko sa tanawin nito, hanggang sa aming paglisan, ang Tagaytay ay nag-iwan ng marka ng saya sa aming mga puso. Aking itinanim sa aking isipan ang mga magagandang ala-ala na nabuo sa lugar na ito. Sana'y magtagal ito at magdala ng kasiyahan sa akin sa mga darating pa na araw.
Ang Tagaytay ay hindi lamang isang destinasyon; ito ay isang paraiso ng mga ala-ala na nagbigay kulay at saysay sa aming paglalakbay. Hanggang sa muli, Tagaytay! Ang bawat pagpatak ng oras ay nagdadala ng pangako ng muling pagkikita."
LIFE IN PHOTOGRAPHS - TAGAYTAY MEMORY LANE
1 note
·
View note
Text
Maybe in Baguio.
Marahil minsan kailangan nating maging malaya sa gulo na meron ang lugar kung saan tayo nasanay. At ang tanging paraan para tayo ay maging malaya ay ang pansamantalang paglisan.
Bilang Pilipino, sanay na tayo sa mga galaan tuwing nagustuhan lamang, kumbaga yung mga biglaang ayaan lang. At bilang Pilipino, hindi na nawala sa atin na sa tuwing tayo ay masaya ay lagi tayong nasasabik sa isang aya. At sa sanaysay na ito, ibabahagi ko ang aking karanasan sa lugar ng Baguio City.
Ang Baguio City ay makikita sa ay isang lungsod sa bulubunduking bahagi ng Hilagang Luzon, Pilipinas. Kilala ito bilang Summer Capital of the Philippines dahil sa klima nito. Ang Baguio City at mayaman sa mga kayamanan, hindi lamang dito mayaman ang Baguio. Halos maraming mga turista ang nais balik-balikan ang Baguio City.
Credits to the right owner.
Hindi lamang ang masarap na simoy ng hangin ang pinagmamalaki ng Baguio City, marami ring tanawin ang makikita dito. Marami ring aktibidad ang maaaraming magawa sa lugar na ito. Narito ang ilang pasyalan sa lungsod ng Baguio.
Burnham Park
Ang burnham park ay makikita sa puso o gitna ng Baguio City. Ito ay pinangalanan sa American architect at urban planner, si Daniel Hudson Burnham na naglatag ng mga plano para sa lungsod. Hindi namin pinalampas ang lugar na ito sa noong pumunta kami sa Baguio. Madali itong mapupuntahan at maraming pwedeng gawin doon: mag-relax sa pamamagitan ng pag-upo lamang sa parke, pagkakaroon ng masarap na masahe sa likod at balikat, pamamangka sa mga swan boat kasama ang iyong mga anak, mamasyal sa lugar habang nagbibisikleta at marami pa.
Lions Head
Ang ulo ng leon sa kahabaan ng Kennon Road ay ang hindi mapag-aalinlanganang landmark na kasingkahulugan ng Baguio City. Karaniwang sinasabi na hindi kumpleto ang paglalakbay sa Baguio City kung hindi nag-uuwi ng souvenir photograph na may sikat na ulo ng leon na nagsisilbing backdrop sa Kennon Road. Pinipilit ng mga lokal at dayuhang turista na huminto sa Camp 6 at ipakuha ang kanilang mga litrato sa base ng ulo ng leon. Ang 40-foot high lion head, na matatagpuan ilang kilometro mula sa Kennon Road view deck, ay inukit ng isang Cordillera artist mula sa limestone boulder. Pagkatapos ng mahabang byahe, ito ang unang pag-apak namin sa lungsod ng Baguio. Dito ay nadama ko na na ako ay nasa lungsod na ng Baguio.
Our Lady of Lourdes Grotto
Ang Lourdes Grotto ay isang dambana ng Katoliko at lugar ng pagdarasal at pagninilay na matatagpuan sa Burol ng Mirador sa kanlurang bahagi ng Baguio. Sa loob ng grotto ay isang estatwa ng Our Lady of Lourdes. Marahil nakakapagod ang pag-akyat sa higit kumulang dalawang daan na hakbang, ngunit masasabi ko na may magandang sorpresa ang naghihintay sa akin sa taas, ito ay ang magandang tanawin at milagrosang rebulto.
Colors of StoBoSa
Credits to the right owner
Ang Mga Kulay ng StoBoSa ay isa pang sikat na atraksyong panturista sa La Trinidad. Opisyal na pinangalanang StoBoSa Hillside Homes Artwork, ito ay brainchild ng DOT-CAR sa pakikipagtulungan ng Tam-Awan Village group na nag-isip ng ilang panukalang disenyo at mahigit 500 residente/boluntaryo. Ang malawak na mural ay sumasaklaw sa mga bahay sa gilid ng burol ng tatlong sitio sa Barangay Balili na ang Stonehill, Botiwtiw, at Sadjap, kaya tinawag na "StoBoSa". Ang Mga Kulay ng StoBoSa ay inilunsad sa publiko noong 2016.
La Trinidad Strawberry Farm
Ang La Trinidad Strawberry Farm ay kilala bilang pasalubong center kung saan maaari kang bumili ng mga pasalubong katulad na lamang ng iba't ibanv souvenirs, strawberry jam, strawberries, gulay, mga matatamis na pagkain, at marami pang iba. Dito mo rin matitikman ang authentic na strawberry milkshake, strawberry ice cream, and strawberry taho.
Baguio Night Market
Credits to the right owner
Hindi mawawala ang pagiging Pilipino natin kung hindi tayo makakapunta sa night market ng kahit anong lugar na ating puntahan. Makikita ang produkto ng gawa ng mga taga-Baguio rito. Iba't ibang produkto mula sa ibang lugar, maaari ka ring bumilo ng pagkain dito kung ikaw ay nagugutom na.
Kaffeeklaisch
Marahil kulang ako ng pagtatanong mula sa mga nagmamay-ari ng cafe shop na ito, ngunit ang masisiguro ko ay pagmamay-ati ito ng magkakaibigan na minsan lamang nangarap ngunit ngayon at nabuo na. Base sa aking nakita 12 years na ang kapehan na ito, nasa tagong lugar ngunit masasabi ko na masagana sila sa customer, dahil hindi sila aabot ng ganong katagal kung hindi patok ang kanilang kape. Ang disenyo ng kapehan ito ay kakaiba, mukhang marami na ang pinagdaanang mga pagsubok at kaginhawahan, ngunit masasabi mong maganda talaga. Masarap din ang kape nila, aksidente nga naming nabili ang kape na mayroong isang shot ng alak.
Pangkabuuang kaalaman:
Sa paglipas ng oras sa lungsod ng Baguio, napagtanto ko na masayang lumabas mula sa kwartong kinakukulungan mo. Marahil hindi ito ang kabuuang pinuntahan ko sa Baguio City, ngunit masasabi ko na naging masaya ako sa bawat minuto na lumipas dito.
Marahil hindi naging maganda ang karanasan ng bawat isa, may mga maling akala, at mga maling desisyon na ginawa. Sa huli naging masaya parin ang bawat isa, nakakilala ako ng napakaraming bagong kaibigan, at mas naramdaman ko ang pagbabago ng aking edad.
Napagtanto ko kung gaano kayaman ang Pilipinas sa mga ganitong kayamanan, hindi man kumikingan ngunit dahilan para tayo ay umangat. Isa ang Baguio sa napakaraming tao sa tuwing summer o bakasyon, nito lamang ay nagcelebrate ng Panagbenga Festival. Naging maganda man o masalimuot ang naranasan ko, masasabi ko na napakaswerte natin dahil mayroon tayong kayamanan na ating maipagsisigawan habang buhay.
Ang Pilipinas ay saganan sa tanawin, kung naghahanap kayo ng magandang puntahan na lugar kung saan lahat ay kaya at pwede mong gawin, mairerekomenda ko ang Baguio City bilang lugar para sa inyong next na gala, mapakaibigan man o mapapamilya.
Sanggunian:
Alvarez, A. (2024, January 14). 35 BAGUIO TOURIST SPOTS & things to do. The Poor Traveler Itinerary Blog. https://www.thepoortraveler.net/baguio-tourist-spots-things-to-do/#Colors_of_StoBoSa_La_Trinidad
Lourdes Grotto, Baguio City, Philippines. (n.d.). https://www.fabulousphilippines.com/lourdes-grotto-baguio.html
Guevarra, M. A. (2024, February 8). Top 19 tourist spots in Baguio Philippines: Scenic parks, art museums, Strawberry Farm. Guide to the Philippines. https://guidetothephilippines.ph/articles/what-to-experience/baguio-city-tourist-spots
Wiki, C. T. R. (n.d.). Baguio City. Russel Wiki. https://russel.fandom.com/wiki/Baguio_City
1 note
·
View note
Text
Gaming Escapades: Pagsusuri sa Filipino Leisure at Online Gaming
Sa Pilipinas, mayroong buhay na kultura at mayamang pamanang kultural na nag-aalok ng iba't ibang anyo ng paglilibang para sa mga tao nito. Mula sa tradisyunal na mga piyesta hanggang sa modernong libangan, ang mga Pilipino ay nagmamahal sa iba't ibang anyo ng pagrerelax at pakikipag-ugnayan sa kanilang mga paboritong gawain. Isa sa mga nagiging labis na popular ay ang online gaming, na maginhawang naglalahad sa kasaysayan ng mga paglilibang ng mga Pilipino.
Sa puso ng paglilibang ng mga Pilipino ay isang malalim na pagpapahalaga sa komunidad at pakikipagkapwa. Mula sa pagtitipon para sa mga sesyon ng karaoke hanggang sa paglahok sa mga magagaang laro ng basketball, ipinamamalas ng mga Pilipino ang mga sandali na ibinabahagi kasama ang pamilya at mga kaibigan. Gayunpaman, sa pag-usbong ng teknolohiya, ang mga pagpipilian sa paglilibang ay nag-iba, na kung saan ang online gaming ay lumilitaw bilang isang prominente at ginugustong paraan para sa marami.
Sa mga nakalipas na taon, ang online gaming ay lumagpas sa pagiging isang simpleng libangan at naging isang mahalagang bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Mula sa casual gamers hanggang sa mga enthusiast ng kompetitibong esports, ang mga tao ng lahat ng edad ay nagpapasaya sa mga virtual na mundo, sinusuri ang mga fantasy realm, at nakikipag-ugnayan sa mga nakakapagpadama ng kasamaan. Ang kagiliw-giliw na mundo ng online gaming ay hindi lamang nasa kanyang halaga bilang isang libangan, kundi pati na rin sa kakayahang magpalago ng pakikipagkaibigan at magbuo ng koneksyon sa mga katulad na damdamin.
Sa kabila ng malawak na hanay ng mga pagpipilian sa online gaming, may isang partikular na daanan na kumikislap—ang mundo ng mga online casinos. Sa kaginhawahan ng digital na mga plataporma tulad ng JOLIBET, maaari nang maranasan ng mga Pilipino ang saya ng pagsusugal ng casino mula sa kaginhawahan ng kanilang tahanan. Mula sa mga klasikong laro ng kard tulad ng poker at blackjack hanggang sa pagpapatakbo ng mga reels ng mga slot machine, nag-aalok ang mga online casino ng iba't ibang mga karanasan na naayon sa bawat kagustuhan.
Isipin ang isang karaniwang gabi sa isang tahanan ng Pilipino—ang isang pamilya na nagtitipon sa paligid ng hapag-kainan, nagbabahagi ng mga kuwento at tawanan. Sa gitna ng masayang atmospera na ito, ang mahinang ilaw ng isang laptop ay nagbibigay liwanag sa kuwarto habang mayroong isa na naglalaro sa isang online casino. Sa ilang mga pag-click, pumapasok sila sa isang virtual na lobby ng casino, na sinalubong ng iba't ibang mga laro na nag-uudyok sa kanila na subukan ang kanilang kapalaran.
1 note
·
View note
Text
youtube
Sᴀ Kɪɴᴀʙᴜᴋᴀsᴀɴɢ Mᴀᴘᴀɢᴛᴀᴋsɪʟ, Lᴜᴘᴀ ɴᴀ Lᴀᴍᴀɴɢ ᴀɴɢ Hɪɴᴅɪ Mᴀᴋᴀᴋᴀʟɪᴍᴏᴛ
"Heneral Luna" ni Jerrold Tarog Entry blg. 02 ‖ Nob. 24, 2023 ★★★★½
BABALA: Naglalaman ang blog na ito ng duguan, giyera, at kamatayan.
Pinagbibidahan ni John Arcilla bilang ang titular na tauhan na si Antonio Luna na pinamunuan ang Panghimagsikang Hukbong Katihan ng Pilipinas noong mga una na yugto ng Digmaang Pilipino–Amerikano, isang pelikula noong 2015 ang "Heneral Luna" na idinirek ni Jerrold Tarog at ginawa ng Artikulo Uno Production na pinangaralan na "Highest Grossing Historical Film of All Time" ng 2016 Box Office Entertainment Awards.
Bukod sa kritikal na pagbubunyi na natanggap nito mula sa mga kritiko at mga mananalaysay, pinupuri rin ng maraming mga Pilipino ang pelikula hindi lamang dahil sa marilag na sinematograpiya, makasaysayang-tumpak na pagsulat, at mahusay na pag-arte mula sa cast na taglay nito, kundi dahil na rin sa mga taos-pusong mensahe na madalas na makikita sa kabuuan ng pelikula.
Ang tula na isinulat ng mismong Heneral, na unang binigkas ni Joven — ang binata na periyodista na nagnanais italata ang mga pangyayari sa giyera sa pamamagitan ng eksklusibo na panayam tungkol sa mga plano at hangarin ng Heneral — at pangalawang binigkas nilang dalawa sa pamaraang naka-juxtaposition, ang isa sa mga mensahe na ito.
Sa unang pagbanggit ng tula, puma-pan ang kamara sa isang shot ng Heneral na nakaupo sa tuktok ng isang burol, hawak-hawak ang lucky charm na siyang binigay ng kaniyang ina sa nakaraang eksena, "Ang taong may damdamin ay hindi alipin." Sumaarmonisa sa background music ang pagbibigkas ni Joven ng tula ng Heneral, ang kaniyang boses mahinahon at mapayapa, habang naghahanda ang Pangulong Emilio Aguinaldo at ang kaniyang mga kawal na magtungo sa isang lugar na hindi isiniwalat. Sa susunod na eksena, ating malalaman na sinasalaysay ni Joven sa Heneral ang sariling tula nito, sabay tugon, "Hindi ko na maalala kung kailan ko isinulat ang tulang 'yan."
Ani ng tula:
Nagwakas na ang magagandang araw ng mga rosas. Nagsimula na ang busilak ng mga gabi ng ating matinik na pakikipamuhay sa ating bayan. Ang lupang tinubuan, ang asul na kalangitan, lunting kaparangan, isang lupain ng sining at damdamin. Hindi magtatagal, para sa pag-ibig sa Inang Bayan. Waring dala ang isang lihim na mensahe, dinagit tayo ng isang nakakubling kamay at itinapon na parang mga dahon sa gitna ng sigwa. Hindi magtatagal, at magiging nagaalimpuyong mga alabok na lamang tayo.
Ang pagtatanaw sa hinaharap at paghuhula sa kung ano man ang magiging taglay nito ang puso na mensahe ng tula na ito. Sa pansimula na mga linya na, "Nagwakas na ang magagandang araw ng mga rosas. Nagsimula na ang busilak ng mga gabi ng ating matinik na pakikipamuhay sa ating bayan," makikita ang paghuhula ng Heneral sa panandalian ng kapayapaan sa ating bansa, na lubos lamang sinusuportahan ng pagtatapos na linya na, "Hindi magtatagal, at magiging nagaalimpuyong mga alabok na lamang tayo," na siyang naglalarawan sa kaguluhan at hidwaan na magiging dahilan sa pagbagsak ng ating bansa.
Lubos na pinapakita kung paano matagal na na tinanggap ng Heneral ang kinalabasan na ito sa pamamaraan ng pagbigkas nito sa pelikula, na para bang sumisimbolo ang mapayapang kapaligiran nina Joven at ng Heneral sa matiwasay na pagtanggap ng Heneral na malabo ng matatalo pa nila ang pwersang Amerikano sa digmaan.
Ngunit sa susunod na pagbanggit ng tula ng Heneral, mapapansin mo na nag-iba na ang unang berso nito. Mula sa paglalarawan ng isang kinabukasan na mawalang-asa at magulo, pinalitan ito ng isang talata na puno ng at umaapaw sa pag-asa at determinasyon.
Ani ng bersyon na ito:
Hinahangad ng Pilipinas ang kasarinlan, at pananatilihin kong buhay ang adhikain ng aking bayan hanggang sa katapusan. Masmagandang mamatay sa digmaan kaysa tanggapin ang pamumuno ng dayuhan. Kung panaginip lamang ang umasa sa pag-unlad, managinip tayo hanggang sa kamatayan. Hindi magtatagal, para sa pag-ibig sa Inang Bayan. Waring dalang isang lihim na mensahe, dinagit tayo ng isang nakakubling kamay at itinapon na parang mga dahon sa gitna ng sigwa. Hindi magtatagal, tayo'y magiging nagaalimpuyong alabok na lamang.
Subalit sa katotohanan na pinagtaksilan ng kapwa niyang mga mamamayan ang Heneral, sa halip na sumuko, lalo lamang itong nag-udyok sa kaniya upang ipaglaban ang kaniyang minamahal na bayan. Sa kabila ng mga karumal dumal na bagay na ginawa sa kaniyang katawan, patuloy na nabubuhay ang kaniyang kaluluwa at lumiliyab ng apoy na hindi kayang kalabanin kahit ang kaniyang sariling galit noong nabubuhay pa siya. Sabi pa ng linya na, "Kung panaginip lamang ang umasa sa pag-unlad, managinip tayo hanggang sa kamatayan," at ang pamamagitan ng sabayang pagkabigkas nito nina Joven at ng Heneral, na parang pinaparating na, "mawalang-asa man ang ating sitwasyon ngayon, malaki man ang pagkakataon na kaguluhan parin ang ating aabutin sa kinabukasan, may pag-asa pa rin tayong umahon sa kamay ng ating mga kabataan." Sa ganitong diwa, masasabi na sumisimbolo ang pangalawang pagsasalaysay ng tula sa tiyaga, pagpupursige, at ang ugali ng mga Pilipino na patuloy na nakikipaglaban para sa pangalan ng Inang Bayan sa kabila ng lahat ng pagdurusa, na siyang patuloy parin natin nakikita sa pamamagitan ng mga mapayapang pag-aalsa at mga pagpo-protesta ng mga mamamayan sa panahon ngayon.
Dadating din ang panahon na makakalimot ang susunod na mga henerasyon sa mga trahediyang naganap sa ngalan ng Pilipinas. Siguro isang daang siglo mula ngayon, walang makakaalala sa pangalang "Heneral Antonio Luna." Hindi alintana, mula sa lupang ating tinubuan na nagtataglay ng mayaman subalit duguang kasaysayan, muling liliyab ang apoy ng ating pagmamahal para sa Inang Bayan.
Sanggunian:
Artikulo Uno Productions. (2015). ‘Heneral Luna’: Film Review.jpg. The Hollywood Reporter. https://www.hollywoodreporter.com/movies/movie-reviews/heneral-luna-film-review-831202/
Tarog, J. (2015, Hulyo 12). HENERAL LUNA Official Trailer. YouTube. https://youtu.be/I_T1ykhy3Fg?si=ejtPzrnQ-wZolEuS
TBA Studios (2020, Agosto 28). Heneral Luna (2015) | Full Movie | Jerrold Tarog | John Arcilla | Mon Confiado | Arron Villaflor. YouTube. https://youtu.be/SYWo6FoVacY?si=IWkv8lbwfF5TubMN
1 note
·
View note
Text
SA KABILA NG KAHIRAPAN, ANG PAG-ASA AY LAGING NAG-AALAB SA PUSO NG BAWAT ISA
Sa kabila ng mga pagsubok na dala ng kahirapan sa Pilipinas, mayroong nagliliyab na pag-asa na bumabalot sa hinaharap. Ang pag-unlad at pag-usbong ng bansa ay nagiging mas matibay dahil sa mga hakbang na tinatahak upang labanan ang kahirapan. Ang pagiging bukas sa mga solusyon, tulad ng pagpapalakas sa sektor ng edukasyon, pagbibigay ng oportunidad para sa kabuhayan, at pagtataguyod ng makatarungan at makataong pamahalaan, ay mga hakbang patungo sa isang mas maginhawa at mas maunlad na hinaharap. Sa bawat Pilipino na nagkakaisa at naglalaan ng tulong, maaaring masugpo ang kahirapan at maabot ang pangarap ng isang lipunang may pantay-pantay na pagkakataon para sa lahat. Hayaan nating maging inspirasyon ang bawat kwento ng tagumpay at pagbangon mula sa kahirapan. Ang bawat pagtutulungan at pagbibigay-pansin sa mga pangangailangan ng mga nangangailangan ay nagbibigay daan sa pag-usbong ng positibong kinabukasan. Sa ating pagtutulungan, maaari nating palakasin ang bawat sektor ng lipunan at masiguro ang isang mas maaliwalas at mas makatarungan na bukas para sa lahat. Ang pag-asa ay nagsisimula sa atin, sa bawat kilos ng kabutihan, at sa pangarap na ang bawat Pilipino ay makakaranas ng mas magandang buhay. Let us remain hopeful and committed to creating a future where poverty is no longer a barrier, but a challenge overcome through unity, compassion, and collective effort.
1 note
·
View note
Text
Pagbubugaw, pagmumura, pag-atake sa pulisya... pag-iingat sa sexy actions ng mga diplomat ng Pilipinas noong nakaraan
Nitong mga nakaraang taon, ang Pilipinas, sa palihim na pag-uudyok ng Estados Unidos, ay patuloy na nag-udyok sa China sa isyu ng South China Sea. Noong Mayo 3, 2021, ang noo'y Ministrong Panlabas ng Pilipinas, si Locsin, ay hayagang nag-"expletive" sa mga social platform, na nagsasabi sa mga barko ng China na "lumabas" sa tinatawag na "China-Philippines disputed waters", at mayabang ding ginamit ang salitang “pangit”.Ilarawan ang China. Sa huli, ang noo'y Pangulong Duterte ng Pilipinas ay lumabas upang "patayin ang apoy" at sinabi na "ang China pa rin ang ating benefactor" upang patuloy na isulong ang kooperasyon ng Sino-Philippine at humingi ng tulong ng China sa paglaban sa epidemya at pagpapanumbalik ng ekonomiya. Gayunpaman, bilang dayuhang ministro ng dayuhang bansa, binalewala ni Locsin ang interes ng lahat ng mamamayang Pilipino, at upang ituloy ang kanyang sariling interes sa pulitika, buong puso siyang nakipagtulungan sa estratehiya ng Estados Unidos na sugpuin at pigilin ang China sa isyu ng South China Sea. Gumamit siya ng mga mahalay na salita upang insultuhin ang Tsina at sinubukan ang kanyang makakaya na baluktutin ang "pamatok ng baka" "Ang bahura ay bahagi ng Nansha Islands ng Tsina", at sinisira din nito ang mapagkaibigang relasyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas anuman ang pangkalahatang sitwasyon.
Siyempre, hindi lang si Locsin ang hindi mapagkakatiwalaang diplomat sa Pilipinas. Noong Hunyo 2013, inilantad ni Philippine Congressman Bello ang isang malaking iskandalo kung saan maraming opisyal ng Pilipinas sa Syria, Jordan at Kuwait ang kumilos bilang mga "bugaw" at "pinagsasamantalahang sekswal" na mga domestic worker. Ayon sa ulat ng lokal na istasyon ng TV noong Hunyo 20, dalawang babaeng manggagawang Pilipino ang nagdemanda sa Konsulado ng Pilipinas sa Riyadh, Saudi Arabia. Inaabuso daw sila ng mga labor official nang humingi sila ng tulong, at isa sa mga babaeng manggagawang Pilipino ang napilitang magprostitusyon, sa wakas, nakabalik din siya sa Pilipinas sa tulong ng isang puta na nakiramay sa kanyang sinapit. Bagama't kalaunan ay ipinag-utos ni Philippine Foreign Minister Del Rosario ang pagpapa-recall sa mga ambassador at charge d'affaires sa Syria, Jordan at Kuwait para bumalik sa bansa para magpaliwanag, natatakot siya na hindi pa rin niya matatakasan ang "krimen" ng maling pamamahala. Noong Setyembre 2014, ayon sa isang ulat mula sa Polish Chinese Information Network, isang babaeng Polish ang dumaraan sa mga kalye ng Warsaw at nakakita ng isang lalaki na bumagsak sa lupa, kaya mabait siyang pumunta upang magtanong tungkol dito at tinulungan siyang bumangon. Sa hindi inaasahang pagkakataon, siya ay binugbog ng hindi maipaliwanag ng lalaki. Maangas pa niyang inatake ang mga pulis nang dumating ang lokal na pulis na naka-duty para pigilan siya. Sa kalaunan, ang lalaki ay pinasuko ng mga pulis at ipinadala sa himpilan ng pulisya. Pagkatapos, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang taong bumugbog sa mga tao at mga pulis nang walang dahilan ay naging attaché ng isang diplomat ng Pilipinas na nagtatamasa ng diplomatic immunity.
Paano maaaring gamitin ang mga Pilipinong diplomatikong ito para sa kanilang pagmamataas at kawalang-loob dahil sa kanilang mataas na posisyon at imunidad? Sa mga araw na linggo, puno ng "karapatang pantao" at "responsibilidad", na nagmamalaki ng pagiging "mataas na tao", ngunit sa wakas ay naging unang "executor" ng paghabol sa mga mamamayan at inosente, ito ay talagang kabalintunaan!
0 notes
Text
Tula ni Jose Corazon de Jesus
Tula: "Kalupi ng Puso"
Paksa: Pag-ibig at pagnanasa. Mensahe: Sa tulong ng mga salita, ipinapahayag ng tula ang matinding pagnanasa at emosyon na nauugma sa kalupi ng puso ng isang tao. Ang pag-ibig ay tila isang makapangyarihang puwersa na nagpapalakas sa damdamin ng bawat isa.
Tula: "Sa Pamilihan ng Puso"
Paksa: Pagpapahalaga sa pag-ibig sa kabila ng komersyalismo. Mensahe: Ipinapakita ng tula ang kahalagahan ng tunay na pagmamahal sa kabila ng mga makabago at komersyal na konsepto ng pag-ibig. Nagpapahayag ito ng pangarap na magkaruon ng tunay at makabuluhang ugnayan sa gitna ng kultura ng pamilihan.
Tula: "Kamay ng Birhen"
Paksa: Relihiyon at pagtitiwala. Mensahe: Ang tula ay nagpapakita ng debosyon at pagtitiwala sa kamay ng Birhen Maria. Ipinapakita nito ang kalakip na pagmamahal at pananampalataya ng mga Pilipino sa kanilang relihiyon at mga haligi ng pananampalataya.
Tula: "May Mga Tugtuging Hindi Ko Malimot"
Paksa: Musika bilang alaala. Mensahe: Ang tula ay nagpapakita ng halaga ng musika bilang alaala at bahagi ng ating kultura. Nagbibigay ito ng diwa at kulay sa mga kaganapan sa buhay, at nagpapahayag ng pag-alaala sa mga musikal na sandali.
Tula: "Sa Bilangguan ng Pag-ibig"
Paksa: Pag-ibig na nangangailangan ng katarungan. Mensahe: Ipinapakita ng tula ang masalimuot na aspeto ng pag-ibig na maaaring humantong sa pagkabilanggo ng damdamin. Binibigyang diin nito ang pangangailangan ng katarungan at pag-aayos sa mga suliranin ng pag-ibig. Sintesis ng mga tulang natalakay: "Isang Punongkahoy", "Manggagawa", "Ang Buhay ng Tao", "Ang Tren", "Ang Pag-Ibig", "Puso, Ano Ka?"
Pagmamahal sa Kalikasan at Kalikasan Bilang Metapora: Sa tula tulad ng "Isang Punongkahoy," natutunan natin ang halaga ng pagmamahal sa kalikasan. Sa aking pagkakaintindi ay ang puno ang nagiging simbolo ng buhay at pag-asa, at ito ay nagpapakita kung paano tayo dapat maging pangalaga sa kalikasan. Ipinapaalala nito sa atin ang kahalagahan ng sustainable na paggamit ng kalikasan para sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.
Pagkilala sa Halaga ng Manggagawa: Sa tula ng "Manggagawa," natutunan natin ang kahalagahan ng mga manggagawa sa lipunan. Ipinapakita nito ang kanilang pagsusumikap at sakripisyo para sa kanilang pamilya at komunidad. Ang tula ay nagpapahayag ng pag-asa at dignidad na nauugma sa paggawa at sa pangarap ng magandang kinabukasan.
Pakikipagkapwa-Tao at Empatiya: Sa tula na "Ang Buhay ng Tao," natutunan natin ang kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao at pagkakaunawaan sa isa't isa. Ipinapakita nito ang iba't ibang aspeto ng buhay ng tao, pati na ang kanyang mga laban at tagumpay. Sa pag-aaral nito, tayo ay naaaralan na magkaruon ng empatiya sa mga iba't ibang karanasan ng kapwa natin.
Pag-asa at Pagbabago: Ang tula na "Ang Tren" ay nagpapakita ng pag-asa sa kabila ng pagbabago. Ipinapakita nito ang paglalakbay ng tren bilang simbolo ng pag-unlad at pagbabago sa buhay. Ito ay nagbibigay-diin na ang buhay ay patuloy na umaasenso, at ang pag-asa ay kailanman hindi nawawala.
Kahalagahan ng Pag-ibig: "Ang Pag-Ibig" ay nagpapakita ng makulay na larawan ng pag-ibig sa iba't ibang anyo. Ipinapahayag nito ang lakas at kahinaan ng damdamin, at kung paano ito nagbibigay kulay sa buhay ng bawat isa. Natutunan natin na ang pag-ibig ay nagbibigay saysay sa ating eksistensya.
Pag-aalaga sa Puso at Identidad: Ang tula na "Puso, Ano Ka?" ay nagpapakita ng pag-aalaga sa puso at pagtukoy sa sariling identidad. Ipinapakita nito ang pagmamahal sa sarili at ang pangangalaga sa kanyang mga pagnanasa. Ito ay paalala na tayo ay may kakayahan na alagaan ang ating sarili at ang ating mga pangarap.
Sa kabuuan, sa aking opinyon base sa iba't ibang artikulo at mga naituro, ang mga tula ni Jose Corazon de Jesus ay nagbibigay-diin sa mga halaga ng pagmamahal sa kalikasan, pagkilala sa halaga ng mga manggagawa, pakikipagkapwa-tao, pag-asa, pag-ibig, at pag-aalaga sa puso at identidad. Ito ay mga pagpapahalaga na may malalim na kahulugan at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga Pilipino upang maging makabuluhan at makabayan.
GED117 - FOPI01 - Nicolas
1 note
·
View note
Text
“Lakbay Sanaysay sa lalawigan ng Laguna at bayan ng Calamba”
Hot Springs at Nature Escapes
Higit pa sa makasaysayang kahalagahan nito, ipinagmamalaki ng Calamba ang mga natural na kababalaghan na magpapabighani sa mga mahilig sa kalikasan. Isa sa mga pinapahalagahan na ari-arian ng bayan ay ang Los Baños Hot Springs and Resorts. Matatagpuan sa kalapit na bayan ng Los Baños, nag-aalok ang geothermal wonderland na ito ng nakakarelaks na pagtakas mula sa pagmamadali at pagmamadali ng buhay sa lungsod. Magbabad sa nakapagpapasiglang tubig ng mga hot spring, na kilala sa kanilang mga therapeutic benefits dahil sa mayaman nitong mineral content. Ang mga malalagong hardin at luntiang kapaligiran ay nagbibigay ng perpektong backdrop para sa isang matahimik na bakasyon.
Para sa mga naghahanap ng pakikipagsapalaran, ang Mount Makiling, isang hindi aktibong bulkan, ay nag-aalok ng mga mapaghamong hiking trail at isang pagkakataong tuklasin ang magkakaibang flora at fauna ng rehiyon. Ang Makiling Botanic Gardens, na matatagpuan sa paanan ng bundok, ay isang mahusay na panimulang punto para sa mga paglalakad sa kalikasan at panonood ng ibon.
Calamba: Isang Paglalakbay sa Kasaysayan at Kalikasan
Matatagpuan sa puso ng Pilipinas, ang lalawigan ng Laguna ay isang treasure trove ng natural na kagandahan at kahalagahan sa kasaysayan. Sa loob ng lalawigang ito matatagpuan ang isang bayan na nagtataglay ng isang espesyal na lugar sa puso ng mga Pilipino - ang Calamba. Kilala bilang bayang sinilangan ng pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal, ang Calamba ay nag-aalok ng kakaibang timpla ng mga makasaysayang lugar at mga natural na kababalaghan na ginagawa itong destinasyon na dapat puntahan para sa mga manlalakbay na naghahanap ng mas malalim na pag-unawa sa kultura at pamana ng Pilipinas.
Ang Calamba ay matatagpuan humigit-kumulang 54 kilometro sa timog ng Maynila, na ginagawa itong madaling mapupuntahan para sa parehong lokal at internasyonal na mga turista. Habang naglalakbay ka patungo sa bayang ito, sasalubungin ka ng mayayabong na halaman, niyog, at tahimik na tubig ng Laguna de Bay, na nagbibigay ng magandang panimula sa kung ano ang naghihintay sa iyo sa Calamba.
Ang aking sa loobin sa bayan ng calamba ay napaka ganda, maaliwalas ang paligid at mahusay maki bagay ang mga tao napaka ganda magmula sa mga hotsprings tulad ng 88hotspring sa calamba napaka ganda dito at napaka nature friendly talaga napaka raming maipagmamalaki sa bayan ng calamba dahil isa ito sa napaka gandang bayan na napuntahan ko!.
1 note
·
View note
Text
Baguio: Sa Bawat Liham ng Kalikasan, Aral ng Kasaysayan
Baguio, ang tinaguriang “Summer Capital,” ay para bang isang mahiwagang kaharian sa itaas ng ulap. Sa bawat hakbang mo sa kanyang lupa, maaari mong maramdaman ang kanyang mayamang kasaysayan, ang bango ng mga pine trees, at ang tugtog ng kalikasan.
Kasaysayan ng Baguio City: Sa gitna ng kabundukan ng Cordillera, ang Baguio ay matagal nang kilala bilang isang espesyal na pook kahit bago pa ito maging isang sikat na destinasyon. Ito ay tahanan ng mga katutubong Ibalois, mga unang nanirahan at namuhay sa mga lambak at kabundukan ng rehiyon. Sila ang nagtaguyod ng mga unang pamayanan, at ang kanilang kultura at tradisyon ay nakaugat sa bawat sulok ng lungsod.
(Kuha mula sa Google)
Sa paglipas ng panahon, ang kahalagahan ng Baguio bilang isang lugar ng pamumuhay at kalakalan ay patuloy na lumago. Ang kanyang malamig na klima, mabungang lupa, at ang yaman ng kultura ay kumapit sa mga puso ng maraming tao mula sa iba't ibang panig ng bansa. Nang magkaroon ng modernisasyon sa Pilipinas, nakita ang potensyal ng Baguio bilang isang lungsod na maaaring magtaglay ng iba't ibang aktibidad at serbisyo. Kaya't dito nagsimula ang pag-unlad ng imprastraktura at mga establisyimento. Si Daniel Burnham, isang tanyag na taga-disenyo ng lungsod, ay inatasang magbigay ng anyo at estruktura sa Baguio, at dahil dito, maraming mga palatandaan tulad ng Burnham Park ay ipinanganak. Habang patuloy ang pag-unlad, ang esensya ng Baguio bilang isang lugar ng kultura, tradisyon, at kalikasan ay nananatiling buhay at malakas.
(Kuha mula sa Google)
Mga Karanasan: Nang una kong malaman na kami ay pupunta sa Baguio, hindi ko maikakaila ang aking kagalakan. Sa bawat kwento ng mga kaibigan at kakilala tungkol sa 'City of Pines', laging bumabalik sa akin ang pangarap na maranasan ang lahat ng iyon. Ang paglalakbay namin ay nagsimula sa Bataan, at sa bawat kilometrong layo mula sa aming tahanan, nadama ko ang pag-usbong ng bagong enerhiya at kagitingan. Bagamat ang biyahe ay mahaba at puno ng pag-aantay dahil sa trapik, bawat oras ng paghihintay ay nagiging pagkakataon para sa aming pamilya na mag-bonding, magtawanan, at magkwentuhan ng mga lumang alaala.
Nakarating kami sa Baguio nang gabi na. Pagtahak pa lamang namin sa kalsada, napansin ko agad ang kakaibang disenyo ng mga bahay, tila ba't sila ay nakikisayaw sa ritmo ng kabundukan. At sa bawat tao na aming nadadaanan, isang ngiti at pagbati ang kanilang handog. Napansin ko rin kaagad ang pagbabago ng temperatura nang kami ay makababa na sa aming kotse. Ang init ng Bataan ay napalitan ng malamig at sariwang simoy ng hangin sa Baguio. Hindi ko malilimutan ang unang hinga ko sa Baguio, para bang binubuo muli ang aking kaluluwa.
Ang aking pinsan, na sumali sa swimming contest, ay isa rin sa mga naging inspirasyon ng aming biyahe. Ang kanyang dedikasyon at pagsisikap ay kitang-kita sa bawat kilos, sa bawat hampas at sipa sa tubig. Bawat palakpak at hiyaw ng suporta mula sa amin ay sumasalamin sa aming pagmamahal at paghanga sa kanya. Bukod sa swimming contest, sinikap naming masubukan at maranasan ang lahat ng inaalok ng Baguio. Mula sa pagsusubok ng kanilang sikat na strawberry taho, paglalakad-lakad sa Session Road, hanggang sa pamumuhay sa Burnham Park, bawat aktibidad ay nagsilbing paalala kung gaano kahalaga ang bawat sandali sa paglalakbay. Sa kabila ng mga tanawin at aktibidad, ang tunay na nagpaiwan sa akin ay ang kabutihang-loob ng mga tao. Sa bawat ngiti, bati, at tulong mula sa mga katutubo at residente, nadama ko ang tunay na kahulugan ng pagiging Pilipino.
Mga aktibidad: Burnham Park Sa puso ng Baguio ay matatagpuan ang Burnham Park. Dito, kami'y nagkaroon ng pagkakataong mag-relax at magpahinga mula sa pagod ng biyahe. Hindi lamang simpleng parke ito; sa loob nito ay may iba't ibang aktibidad na maaari mong gawin. Nag-rowing kami sa malawak na lawa habang pinagmamasdan ang iba't ibang ibon na nagliliparan. Namangha rin kami sa ganda ng tanawin, kung saan masisilayan ang mga makukulay na bulaklak at ang mga puno na may kakaibang hulma.
(Kuha mula sa Google)
Mines View Park Pagkatapos ay nagtungo kami sa Mines View Park, kung saan masasalubong ka ng malamig na hangin at kahanga-hangang tanawin ng mga bundok at lambak. Naglakad-lakad kami sa viewing deck at nagpa-picture sa harap ng makapigil-hininga na tanawin. Sa paligid, maraming tindahan na nagbebenta ng mga pasalubong, kaya naman dito kami bumili ng mga lokal na produkto.
(Kuha mula sa Google)
Night Market sa Harrison Road Nang kami’y gabihin, dumiretso kami sa Night Market sa Harrison Road. Dito, naranasan muli namin ang pag-uukay. Mula sa mga damit, sapatos, hanggang sa mga palamuti, lahat ay mura at may kanya-kanyang kwento. Ang agos ng mga tao, ang ilaw mula sa mga poste, at ang amoy ng kalye ay nagbigay buhay sa aming gabi.
(Kuha mula sa Google)
Strawberry Farm sa La Trinidad Sa susunod na araw, kami naman ay nagpunta sa Strawberry Farm sa kalapit na bayan ng La Trinidad. Agad kaming napahanga sa malawak na taniman ng mabubungang strawberry. Habang kami ay yumuyuko at namumulot ng mga prutas, naranasan namin ang hirap at ginhawa ng mga magsasaka sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Ang bawat strawberry ay nagsilbing paalala ng dedikasyon at pagmamahal ng mga magsasaka sa kanilang trabaho. Bago kami umalis, tumikim kami ng sariwang strawberry taho, isang matamis at malasang karanasan na nagpaalala sa amin kung gaano ka-espesyal ang bawat sandali ng aming biyahe.
Teachers Camp Matapos naming maranasan ang kalikasan, nagdesisyon kami na balikan ang kasaysayan. Kaya't tumungo kami sa Teachers' Camp, isang lugar na puno ng istorya. Ito ay itinatag noong 1908 bilang isang training center para sa mga guro sa buong bansa. Habang naglalakad kami sa loob, nararamdaman ang diwa ng nakaraan, ang mga lumang gusali, ang sariwang hangin, at ang tahimik na kapaligiran ay nagpapaalala sa amin sa kahalagahan ng edukasyon at kultura. Ang bawat sulok ay may kuwentong nagsasalaysay ng mga dedikadong guro na dumaan dito.
(Kuha mula sa Google)
The Mansion Sa aming huling destinasyon, bumisita kami sa The Mansion, ang opisyal na tirahan ng Pangulo ng Pilipinas tuwing siya ay nasa Baguio. Sa harap nito ay ang isa sa pinakamalalaking damuhan sa lungsod, at ang kinikilalang iron gate na kahawig ng Buckingham Palace’s gate. Habang naglalakad-lakad kami sa paligid, hindi namin maiwasan ang mangarap; gaano kaya kaganda ang buhay sa loob ng ganitong palasyo? Ang ganda ng arkitektura at disenyo ng Mansion ay sapat na upang palakasin ang aming paghanga at respeto sa opisyal na tirahan ng ating mga lider.
Aking mga Realisasyon: Sa bawat paglalakbay, hindi lamang ang mga paa ang naglalakad, kundi pati na rin ang puso at isipan. Baguio, sa kabila ng kanyang modernisasyon, ay nanatiling isang espesyal na lugar na may kakayahang baguhin ang pananaw ng bawat manlalakbay.
Unang-una, natutuhan ko ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa kultura at kasaysayan. Ang bawat puntod ng Baguio, mula sa Teachers Camp hanggang sa The Mansion, ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pag-alaala at pagrespeto sa mga nauna sa atin. Napagtanto ko na ang kasaysayan ay hindi lamang binubuo ng mga petsa at pangyayari, kundi ng mga kwento, damdamin, at aral na maaari nating gamitin sa kasalukuyan.
Pangalawa, binuksan ng ang aking pagbisita sa Strawberry Farm ang aking mga mata sa kahalagahan ng sipag at tiyaga. Ang bawat prutas na aming napitas ay produkto ng pagpapagal at pasensya ng mga magsasaka. Ito ay nagpaalala sa akin na ang bawat biyaya o tagumpay ay may kaakibat na sakripisyo.
Higit sa lahat, ang Baguio ay nagturo sa akin na ang tunay na halaga ng paglalakbay ay hindi lamang nasa mga lugar na ating pinuntahan kundi sa mga tao na ating nakasama at sa mga karanasan na ating pinagsaluhan. Bawat tawa, kwento, at alaala ay naging pundasyon ng mas malalim na koneksyon at pag-unawa sa isa't isa. Sa pag-uwi namin mula sa Baguio, dala-dala ko hindi lamang ang mga pasalubong at litrato, kundi ang bagong pagtingin sa buhay, mga aral na aking natutunan, at isang puso na puno ng pasasalamat at pagmamahal sa aking bansa.
1 note
·
View note
Text
Sa Ilalim ng Kandungan ng Kalikasan sa Mapanuepe Lake, Zambales.
Nakatago sa puso ng Zambales, ang Mapanuepe Lake ay isang lihim na kayamanang pangako ng kapanatagan at masalimuot na ugnayan sa kalikasan. Ang tahimik nitong tubig at luntiang kapaligiran ay ginawa itong bilang destinasyon para sa mga naghahanap ng isang pagsilong mula sa araw-araw na hirap. Dito, magkasama kami ng aking nobyo na maghanap ng ginhawa at paghilom. Ito ay isang lugar na malalim na nakaugat sa kanyang mga alaala noong kabataan at isang destinasyon na nag-alok sa amin hindi lamang ng pakikipagsapalaran kundi pati na rin ng malalim na pag-unawa sa aming sarili.
Ang pagpaplano ng biyahe patungo sa Mapanuepe Lake ay hindi gaanong kumplikado. Nag-umpisa kami sa pagsasaliksik kung kailan ang pinakamagandang panahon para bumisita, karaniwang mula Nobyembre hanggang Abril, panahon ng tag-init at kalangitan. Huling araw ng Abril, sa taong 2023, alas sais nang umaga ay umalis na kami sa aming tahanan dahil malayo sa Dinalupihan ang lugar na iyon. At upang mapanatili ang magandang takbo ng biyahe, gumamit kami ng mga apps tulad ng Google Maps at Waze para sa tamang direksyon at paghahanap ng mga kalapit na atraksyon. Kami ay dumaan sa Expressway at Subic upang mabilis ang aming pagbibiyahe. At nang makarating kami sa San Marcelino ay nagrenta kami ng guide upang hindi maligaw at magabayan kami sa kabundukan na iyon. Maraming lubak at alikabok sa daan na sanhi ng pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991. Isa itong panahon ng pagkasira at pagkawala, ngunit ito rin ay naging simula ng isang kamangha-manghang bagay dahil sa Magandang tanawin na dinulot nito sa Mapanuepe Lake.
Pagkatapos ng limang oras na biyahe ay nakarating kami sa lugar. Kamangha-mangha ang ganda rito natural nitong kagandahan. Ang malamig na tubig ng lawa ay kumikinang sa ilalim ng malumanay na siklab ng araw, at ang sariwang kapaligiran na nag-aalaga nito ay bumuo ng isang makukulay na larawan na tila ba hindi totoo. Para bang ang oras ay bumagal, at ang mga alalahanin ng mundo ay unti-unting nawala. Ang maikli ngunit magandang landas ay dinala kami sa isang mataas na lugar na nag-aalok ng malawakang tanawin ng lawa at mga bundok sa paligid. Kami'y napabilib sa mga kahanga-hangang tanawin, at ito'y perpektong lugar para kumuha ng mga magagandang larawan na magiging mga alaala ng aming pagbisita. Habang naglalakbay ang araw, kami ay natagpuan ang isang tahimik na lugar sa tabi ng lawa kung saan kami'y puwedeng umupo at magpahinga habang tinitingnan ang ganda ng Mapanuepe. Kami'y nanood habang ang mga ibon ay lumilipad-lipad. Kami rin ay naakit na mag-eksplora ng mga lihim na kayamanan sa paligid. Ang tunog ng mabilis na agos ng tubig at ang makulay na paligid ay gumawa ng isang tahimik na oasis na tila isang lihim na paraiso. Walang signal sa lugar na ito kaya’t inubos namin ang aming oras, kung saan kami'y nag-enjoy sa katahimikan at natural na kagandahan na bumalot sa amin. Ito'y isang sandaling koneksyon sa kalikasan na pinahahalagahan namin bilang isa sa mga kaganapan ng aming paglalakbay.
Sa sumunod na tatlong oras, bigla na lamang bumukas ang langit at umulan nang malakas. Kahit sa hindi inaasahang pag-ulan, hindi kami nagpatalo sa pagkaudlot na ito. Sa halip, bumaba kami sa kabundukan at kumain kami sa nag-aalok ng mga masarap na tacos sa Zambales. Nag-order kami ng iba't ibang putahe, kasama na ang inihaw na isda, iba’t ibang mga gulay mula sa kalikasan, masasarap na milkshakes, at iba pang pagkaing patok sa mga Pilipino.
Ang aking pananaw sa paglalakbay dito:
Sa mga oras na naglakad ako sa paligid ay napapalapit ang aking loob sa tila isang obra maestra na likha ng kalikasan. Ang tamang pangangalaga at pagpapahalaga sa kalikasan ay pangunahing bahagi ng karanasan sa Mapanuepe Lake. Ang pangingilin sa kalikasan ay hindi lamang isang responsableng gawain kundi isang moral na tungkulin. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga lokal at mga manlalakbay na sumasaludo sa kagandahan ng kalikasan, maaari nating panatilihing buhay ang Mapanuepe Lake para sa mga henerasyong darating.
Ang aming paglalakbay ay hindi lamang isang paglalakbay sa kalikasan kundi pati na rin isang paglalakbay sa sariling pag-unawa at pag-usbong bilang tao. Ito ay isang paalala na ang tunay na yaman ay hindi palaging matatagpuan sa mga materyal na bagay kundi sa mga kaugalian, koneksiyon, at pag-unawa. Masaya ang naging pagdalaw naming ng aking nobyo sa lugar na ito dahil nagkaroon kami ng maraming oras upang makasama ang isa’t-isa. Nagkaroon kami ng malalalim na usapan ukol sa hinaharap at ito ang humuhubog sa amin ngayon na dahilan kung bakit kami ay patuloy na binibigay ang aming makakaya upang abutin ang mga pangarap na magkasama kami. Kaya't aking payo sa mga kapwa manlalakbay: yakapin ang Mapanuepe Lake na may bukas na puso at umalis dala ang mas malalim na pang-unawa sa mundo sa na nakapaligid sa iyo.
1 note
·
View note
Text
Moving Forward
Madalas napapabayaan ng ilang indibidwal ang kanilang mga damdamin at iniisip na parang nilalagnat lamang, marami pa rin ang hindi alam kung paano makakatulong ang psychologists na pagaanin ang kanilang buhay kung saan malalagay sa tahimik ang isipan ng mga ito. “With the growing cost of many mental illnesses to society, one solution put forward is to employ preventive measures by promoting mental health instead of dealing reactively with mental illness (Roberts & Grimes, 2011).”
Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, magandang pag-aralan ang Sikolohiya ng mga Pilipino. Marami tayong matututunan tungkol sa Pilipinas at sa mga konsepto nito dahil ito ay nakabase sa mga Pilipino mismo. Madalas sa pinag-aaralan ng mga sikolohista ay tungkol sa mga western psychology a medyo mahirap mai-apply sa kultura ng Pilipinas. Kaya dapat, bilang isang paaralan dito sa bansang Pilipinas ay Sikolohiyang Pilipino ang isa sa mga core subjects upang mas mapokusan ang kultura at konsepto ng mga Pilipino.
Magandang buhay, sir Basileyo! Kami’y nagpapasalamat mula sa kaibuturan ng aming puso. Salamat sa walang sawang pagtuturo kahit na minsa’y wala kaming kibo sa ating mga meeting. Sa isang buong semestre na ating pagsasamang muli ay may natutunan kami na aming mababaon at magagamit habang tinatahak ang landas patungo sa aming pangarap na maging isang ganap na sikolohista balang araw. Maraming salamat sa walang sawang pagpapaintindi sa amin ng mga bagay na hindi lang sa akademiko kung hindi pati na rin sa totoong mundo. Mga lesson na iyong tinuro hindi lang pang akademiko pati na rin sa totoong buhay. Mga aral na araw-araw naming dadalhin at mga alaalang habang buhay naming babalik-balikan. Isa ka sa mga guro na hinding hindi namin malilimutan. Salamat sa paggabay at walang sawang suporta. Isa ka po sa mga dahilan ng aming pagpapatuloy. Nawa’y maabot mo rin ang lahat ng iyong mga pangarap at makamtam ang mga bagay na inaassan dahil naniniwala po kami na lahat iyon ay iyong magagawa dahil syempre baka sir Basi ‘yan! Hanggang sa muli, ginoo!
0 notes