avrillaignee
ᜎᜃ᜔ᜊᜌ᜔
1 post
you’re not lost, you’re here.
Don't wanna be here? Send us removal request.
avrillaignee · 11 months ago
Text
It’s more fun in Boracay!
Ang Boracay ay isa sa mga pinakasikat na destinasyon sa Pilipinas, kilala ito sa kaniyang puting buhangin, at maraming aktibidad na inaalok para sa mga turista. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Aklan at kadalasang binibisita ng mga lokal at dayuhan.
Agosto 29, 2023.
Tumblr media
Sa araw ng aming paglalakbay, kami ay nagising nang maaga upang hindi ma-late sa aming flight, dahil alam naman nating lahat, ang oras ng mga Pilipino ay laging maaga. Nagsimula kaming umalis ng alas-kwatro ng madaling araw mula sa Balanga patungong Clark International Airport. Pagdating namin, kumain muna kami ng almusal at naglibot sa paligid ng paliparan.
Sa pagpasok namin sa eroplano, nakaramdam ako na para bang sumakay ka lang ng bus ngunit mas malaki at mas organisado. Ang mga stewardess ay napakaganda at napakabait, talagang nakakatuwa. Sa pag-angat ng eroplano, kinuhanan namin ito ng litrato at sa wakas ay nakapagpahinga kami nang kaunti habang nasa biyahe.
Tumblr media
Sa aming paglalakbay patungo sa hotel, labis ang pagpapatawa sa amin ng drayber dahil sa mga kwento nito tungkol sa Boracay. Binigyan niya kami ng maikling paglilibot at ipinakilala sa amin ang mga lugar na maaaring puntahan kung nais naming maglibot.
Pagdating naman namin sa hotel, nagpalit kami ng aming kasuotan upang makapagkuha ng mga litrato sa labas. Kahit malakas ang hangin, napakaganda pa rin ng tanawin. Maraming tao ang nag-aanyaya sa amin na subukan ang kanilang mga pagkain at mag-enjoy, ngunit tumanggi kami at naglibot sa paligid.
Tumblr media
Sa gabi, muli kaming nagpalit ng aming kasuotan at dinama ang ganda ng tanawin. Maraming propesyonal ang nagsasayawan gamit ang apoy at ang mga tao mula sa iba't ibang lugar. Kumuha rin kami ng mga litrato ng magagandang tanawin at inikot ang buong beach.
Labis ang tuwa ng aking puso sa mga tao na nadadaanan ko. Abot langit ang kanilang mga ngiti na para bang sila ay malalapit sa amin. Napakaraming turista at talaga namang makikita mo sa kanilang mga mata ang kasiyahan at kung gaano nila kagusto ang lugar.
Tumblr media
Agosto 30, 2023.
Kinabukasan, tinanghali na kami ng gising dahil sa pagod mula sa pag-ikot sa lugar. Pagkatapos, tumawag kami at nagrenta ng isang tour guide upang maglibot sa Boracay. Sa wakas, nasubukan ko rin ang crystal kayak na pinag-uusapan ng lahat sa internet. Nakakatuwa ito ngunit medyo nakakatakot.
Sa mga aktibidad na aming nasubukan, ang pagsakay sa crystal kayak ang pinaka nagustuhan ko. Isa ito sa mga bagong karanasan na aking nagustuhan sa buong buhay ko. Matagal ko nang inaasahan na masubukan ang aktibidad na ito. Kahit nakakapagod ang paglalakad, sulit pa rin ito.
Tumblr media
Sinulit namin ang huling gabi ng aming pananatili sa Boracay. Inikot namin ang buong beach kahit na nakakapagod ito. Bumili kami ng mga pasalubong at marami pang iba. Binisita rin namin ang mga lugar na nakikita namin sa internet at talaga namang totoo ang balita, maganda ito sa personal. Sa karanasan na ito, nakuhang mahumaling ulit ng aking puso sa isang lugar na talaga namang napakaganda.
Tumblr media Tumblr media
Sa kabuuan, lubos kong itinamasa ang kagandahan ng Boracay. Sa loob ng dalawang araw, naramdaman ko ang kapayapaan at kagandahan ng lugar na iyon. Minahal ko ang bawat aktibidad at kasiyahan na naranasan ko. Tiyak na irerekomenda ko ito sa lahat ng tao.
Mensahe para sa aking minamahal, aking Aly: Balang araw, dadalhin kita sa Boracay, sa lugar kung saan ako ay nakakaramdam ng lubos na kaligayahan. Pakatatandaan mo, walang katumbas ang kapayapaan at kasiyahang hatid mo sa akin kumpara sa anumang nadama ko sa lugar na ito. Naniniwala ako na ang Boracay ay isang pook ng kaligayahan, ngunit mas naniniwala ako na mas magiging masaya ito kung kasama kita, ang aking pinakamamahal. Sa huli, ikaw at ikaw pa rin ang lugar na natatangi at hahanap-hanapin ko.
#Boracay #ItsMoreFunInBoracay
3 notes · View notes