heiquinz
Rytheriean
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
heiquinz · 4 days ago
Text
Bituin ng Pagkakaisa
Tumblr media
Pamilya'y nagsasama-sama,
Lahat ay nagkakaisa,
Pagmamahal ang nananaig sa bawat isa,
Mga tao'y bakas sa mukha ang saya.. 
Buhay sa puso ng mga Pilipino ang diwa ng pasko. Pagtutulungan, pagbibigayan, at pagmamahalan, 'yan ang ating nakagawian. Sana'y araw-araw na lang pasko, puno ng saya at pag-iibigan! 
Ang mga bahay ay nagiging isang makulay na paraiso ng mga dekorasyon. Ang Christmas tree ay hindi maaaring mawala, ito ay isang simbolo ng pagkakaisa ng pamilya, kung saan lahat ay nagtutulungan sa paglagay ng mga palamuti, mula sa mga ilaw hanggang sa mga dekorasyong pang-Pasko. Sa mga kabahayan nating mga Pilipino'y hindi makakalimutang isabit ang parol na siyang simbolo ng pag-asa at pagkakaisa ng mga Pilipino sa landas ng buhay. Isang magandang representasyon ng Bituin ng Bethlehem, nagagabayan sa pag-ibig at pagkakaisa. Nagbibigay ng ilaw sa kadiliman ng gabi, nagagabayan ang mga tao sa landas ng pagmamahal. Ang parol, isang bituin ng pag-asa na nagpapaliwanag, sa mga puso ng mga Pilipino. Naaalala ko pa noong nabubuhay pa ang aking lolo, tuwing simula ng 'ber months', ay kaagad na naglalagay siya ng mga dekorasyon sa aming bahay. May mga ilaw, parol, at mga palamuti na nagbibigay ng aliw at saya sa aming tahanan.
Nakasanayan nating mga Pilipino na ipagdiriwang ang Pasko kasama ang buong pamilya. Ang mga nasa malayo'y kung maaari ay umuuwi upang makasama sa pagdiriwang. Sa aming pamilya, ang aking ina at kaniyang kapatid, na kapwa OFW, ay umuuwi tuwing Pasko. Samantalang ang ibang mga kamag-anak na nasa malayo ay pumupunta rito sa aming bahay. Kami'y nagtutulungan sa paghahanda ng mga pagkaing pagsasaluhan, at nagdadasal nang taimtim sa simbahan. Ang aming munting tahanan ay puno ng halakhak at pagmamahal.
Hindi kumpleto ang pasko kung walang mga batang nagpapakita ng kanilang talento sa pag-awit ng mga Christmas carols sa mga bahay-bahay. Kasama ang mga matatanda, nagtitipon-tipon sila upang kumanta ng mga tradisyonal na awiting pang-Pasko tulad ng  'Pasko Na Naman', at 'Star ng Pasko'. Sa mga kanta nila, ramdam ang pag-asa, pagmamahal, at pagkakaisa. At pagkatapos ng kanilang pagkanta, nagbibigay ang mga may-ari ng bahay ng mga aginaldo bilang pagpapalain at pagkilala sa kanilang pagtatanghal. Noong kasali pa ako sa choir kami ay pumupunta sa iba't ibang simbahan upang mangaroling at ang malilikom naming pera ay ginagamit namin upang may pambili kami ng bagong uniporme at ang sobra naman ay para may pang 'outing' kami. 
Subalit, sa paglipas ng panahon, marami na ang nagbago at naglaho, isa na rito ang mga nakagawian tuwing pasko. Pasko noon at ngayo'y labis na kakaiba. Kayraming ipinagbago na hahantong sa pagkakataong ika'y mapapatanong ng pasko nga ba ito? 
Ang Pasko ay hindi na ganap simula nang sumakabilang-buhay ang aking lolo. Ang mga dekorasyon na dating nagbibigay ng aliw at saya, ay wala na rin. Siya ang nagpapakulay ng aming tahanan, at ng aming buhay. Hindi na rin pumaparito ang ibang kamag-anak... Wala na rin masyadong mga bata na nangangaroling rito.. 
Gayunpaman, ngayong papalapit na ang pasko, ako'y nagagalak na unti-unti nang bumabalik ang aking nakasanayang pasko noon dahil ipinagpatuloy nga aking lola ang paglalagay ng dekorasyon sa aming tahanan. Sa pagbabalik ng mga alaala ng nakaraan, muli kong matatamasa ang Paskong nakasanayan ko. Hindi man ito ganap na tulad ng noon, ngunit ang pagmamahal at pagkakaisa ng pamilya ay nananatiling pareho. Sa bawat ilaw ng parol at dekorasyon, natutukoy ko ang diwa ng Pasko - pagmamahal, pagkakaisa, at pag-asa. Muli kong makakasama ang aking pamilya, at muli kong makakaramdam ng saya at pag-iibigan. Ito ang Pasko ko, at ito ang nakasanayan kong pagdiriwang.
Aking napagtanto na ang pagbabago ay isang bahagi ng buhay na hindi natin maiiwasan. Hindi tayo pwedeng manatili sa isang lugar lamang. Kailanganan nating harapin ang mga pagbabago at gamitin ito bilang pagkakataon upang lumago at umunlad. Sa tuwing may pagbabago, mayroong bagong pag-asa at pagkakataon na nagbubukas.
Minsan, ang pagbabago ay nakakatakot, pero hindi tayo dapat matakot. Ang pagbabago ay isang proseso ng paglaki at pag-unlad. Hindi ito isang pagkakamali, kundi isang pagkakataon upang matuto at lumago.
Dili sa tanang panahon ania ra sila, 
Busa samtang ania pa sila, 
Ipakita nato atong paghigugma kanila
Ipadama ta kanila nga sila importante sa atoa
Sa panahon sa kapaskohan, panahon kini sa paghigugmaay, pagpinasayloay, ug pahinatagay dili nato hikalimtan nga mao kini ang angay.
7 notes · View notes