#Hiyas ng Pilipinas 2018
Explore tagged Tumblr posts
Text
Maria Angela Bueno
Name: Maria Angela Dalupang Bueno
Nickname: Gela
Birthday: January 05, 2000
Age: 18 yrs old
Place of Birth: Tarlac City
Favorite Movie: Titanic
Favorite Color: Pastel Colors (Light Pink)
Favorite Food: Chopsuey
Favorite Sports: Volleyball
Favorite Actor: Vin Diesel
Favorite Actress: Michelle Rodriguez
Favorite Quote: Where there is love, there is life.
Favorite Place: Old Town Dubai
College/University: Bath Spa University
Primary: United International Private School Dubai
High School: English Language Pvt. School Dubai
What are you looking forward to as a student, daughter, and candidate of Hiyas ng Pilipinas?
Maria Angela Bueno
As a student, I am looking forward to finishing my Business and Marketing Management course at Bath Spa University which I know that I’m so close to completing it. For the upcoming years, I would say that I am prepared to face more challenges so that I can get a great opportunity to learn and grow.
Being the only child of my parents, in the near future I am looking forward to standing confidently in front of them holding my Doctorate Degree with my other achievements, to show them on what have I become because of their patience, love, and support for me.
Being a candidate of Hiyas ng Pilipinas, I find it a big opportunity for me to serve the community through volunteer work like charity mission, participating in community programs and promoting discipline and good values among others.
Maria Angela Bueno with SINAG Training Academy Family during Charity and Medical Mission held on the 6th of April 2018 at POLO Dubai.
What are the things that most people don’t know about you that you wish they know?
I wish everyone would know that despite my young age, I am able to face whatever circumstance or situation because I was made to be strong by my experiences and by the love of God. I am able to control my emotions and I have the gift of holding on to myself when everything is falling apart.
What would be the change you wish to see in the world?
I have always wanted PEACE AND UNITY everywhere…with anyone…with everyone!
I know it is not easy but if I have a magic wand, I will transform the world into a better place where love, joy, peace and unity reigns. Every child deserves a happy family, a peaceful life, and a successful journey.
What else does she do?
Oh well, let some of these photos tell you all.
This slideshow requires JavaScript.
Maria Angela Bueno: close up shots in up close views. Name: Maria Angela Dalupang Bueno Nickname: Gela Birthday: January 05, 2000 Age: 18 yrs old Place of Birth: …
0 notes
Text
Pag-Usapan ang Mental Disorder? Bakit?
Dapat pag-usapan ang Mental Disorder upang ang mga tao ay maging maalam kung ano-ano nga ba ito at maintindihan kung paano i-manage ang nakakaranas niito. Ayon sa mga pagsusuri, ang pagkakaroon ng sakit sa kaisipan ay dulot ng biochemical disturbances sa utak. At ayon sa mga propesyonal ay mayroon pang ibang mga sanhi na nakakaapekto sa sikolohiyang pag-iisip at ito ay may kaugnayan sa lipunan, kapaligiran at mga taong nakaka halubilo at mga nasa paligid natin. Bukod pa roon, sinasabi rin na ang ang kalusugan ng kaisipan ay maapekto rin kung gaanong pagmamahal, suporta at pagtanggap ang nakukuha mula sa mahal sa buhay at iba pang mga tao. Hindi dapat pinapagsawalang bahala ang usapin tungkol sa Mental Disorder dahil dito magiging simula ng pagbibigay atensyon ng mga tao sa mga sakit na ito at upang maging sensitibo at aware sila sa kanilang kilos kung sila ay nakikipag halubilo sa mga taong may karamdaman tulad ng mga ito.
Ayon sa World Health Organization o WHO, and estado ng mental health sa Pilipinas na kinonduk noong 2020 ay sinasabi na 3.6 miyon na mga Pilipino ang naghihirap sa mga uri ng mental, neurological o kaya naman ay substance use disorder. Gayunpaman, ang iba ay hindi ito binibigyan ng diin upang mapagusapan sapagkat sinasabi na isa sa mga kilalang paniniwala ng mga Pilipino na ang Depresyon, anxiety at iba pang mga sakit sa isip ay hindi totoo at ito ay mga sakit na gawa-gawa lamang. Sinasabi rin na ang pagkakaron ng mga ganitong uri ng sakit ay isang bagay na kahiya-hiya sa lipunan. At dahil sa stigma na ito, ang pag-tutok sa mga usapin na gaya nito ay hindi na nabigyan pang importansya ng gobyerno at mga pampublikong sektor at hindi lamang iyon kundi pati narin ang lipunan. Kaya naman ganun na lamang ang pagsasawalang bahala ng mga tao sa ganitong usapin, at ang kaso nito ay mas lalong nagiging malala.
Ayon kay Martinez (2020) ang Pilipinas ay tinaguriang pangatlong bansa na may pinakamataas na rate ng mental disorders sa Western Pacific. Hindi lamang iyon, dahil ang Suicide rate din sa Pilipinas ay sinasabing 3.2 per 100,000 population na kung saan ay may mas mataas na rate ang mga lalaki (4.3/100,000) kesa sa mga kababaihan (2.0/100,000). Sinasabi rin sa pag-aaral ng WHO na ang mayroong 154 milyon katao ang naghihirap sa depresyon, 1 milyon sa schizophrenia at 15.4 milyon sa paggamit ng mga substance o pagkaadik, at 877,000 na namamatay dahil sa pagkitil ng kanilang sariling buhay na nangyayari kada taon (Department of Helath,2018) Kaya bakit hindi natin bigyan ng diin ang paguusap patungkol sa mga sakit sa pag-iisip upang masolusyunan ang paglaganap nito? Hihintayin paba natin na isa sa mga mahal natin sa buhay ay magkaroon at maghirap sa mga karamdamang ito? Kailangan natin bigyan ng aksyon at kaalaman ang bawat pilipino patungkol sa mga ito upang malaman natin kung ano-ano ang mga bagay na maaaring makatulong sa mga taong may ganitong karamdaman at pati narin ang pagiging edukado ng tao sa pagtrato sa mga taong may pinagdadaanan ng mga sakit na nabanggit.
0 notes
Text
Para sa mga Pabalik Na
"Ang hirap sa kabataan ngayon, walang ibang inatupag kundi gadgets. Babad sa social media at online games. Napakapusok din pagdating sa pag-ibig! Nariyan pa ang mga ke babata pa e utak kriminal na. Hindi rin nila sineseryoso ang edukasyon.Tunay na kahiya-hiya para sa bayaning si Rizal na naniwalang ang kabataan ang pag-asa ng bayan."
Ayon sa isang artikulo ng Abs-Cbn noong Hulyo 2019, nasa 500 kabataang babae ang nanganganak sa Pilipinas kada araw. Para sa isang relihiyosong bansa, nakababahala na tatlumpung bahagdan sa kabataan ang nakaranas na ng premarital sex at karamihan dito ay walang gamit na proteksyon. Masasabing isang salik sa suliraning ito ang paggiging hindi katanggap-tanggap ng usapin ng seks o pakikipagtalik sa ating konserbatibong kultura na kalauna'y nagiging dahilan ng kawalan ng konkretong kaalaman ng kabataan sa ganitong usapin.
Naisulat naman ng The Manila Times noong Enero 2019 ang mga krimeng kadalasang kinasasangkutan ng mga menor de edad. Nangunguna dito ang physical injury, sinundan ng pagnanakaw, malicious mischief, mga aktibidad na may kinalaman sa droga, at panggagahasa. Tinatayang umabot ng 11,228 ang bilang ng mga batang gumawa ng krimen noong 2018 na karamihan ay nasa 12-14 taong gulang. Malaki ang papel na ginagampanan ng kapaligiran at ng mga taong nakakasalamuha ng isang bata hanggang sa kaniyang paglaki. Ang maagang pagkamulat niya sa masasamang gawi ay malaking dahilan upang maaga niyang yakapin ang ganitong buhay.
Pagdating naman sa usapin ng edukasyon, sa resultang inilabas ng Programme for International Student Assessment (PISA) noong 2018, lumabas na sa 79 na bansang lumahok, Pilipinas ang may pinakamababang puntos sa Reading Comprehension at ikalawa sa may pinakamababang puntos pagdating naman sa Mathematics at Science. Nitong Abril 2020 lamang din ay napabalita na kahit nasa Senior High na ay hirap pa ring makagawa ng disenteng pangungusap sa Ingles ang mga estudyante. Masasabing sa kabila ng mga pagbabago sa kurikulum ay hindi pa rin nasusulusyunan ang mga pangunahing problemang pang-edukasyon. Sa katunayan, nadaragdagan pa ang mga ito.
"Nasaan na ang kabataan na pag-asa ng bayan?","Iyan na ba 'yong sinasabing pag-asa ng bayan?", "Anong pag-asa pa ang bitbit ng kabataan?" 'Yan ang paulit-ulit niyong itinatanong. Totoo, nasasadlak ngayon ang napakaraming kabataan sa mga karumal-dumal na sitwasyon at hindi maipagkakailang nagiging sakit sa ulo ng lipunan ngunit nariyan pa ang iba na nangangarap at nag-aasam ng progresibong pagbabago para sa bayan.
Si Greta Thunberg, isang labing-anim na taong gulang na aktibista ay nagsimulang makibaka noong 2018 para sa layuning masolusyunan ang lumalalang sulinarin sa climate change. Ang munting tinig niya ang naging mitsa upang magkaroon ng lakas ng loob ang iba pang kabataan hindi lamang sa US kundi sa iba pang parte ng mundo na makibahagi sa lipunang kanilang ginagalawan.
Si Alaminos City Mayor Bryan Celeste, dalawampu't tatlong taong gulang, ang kasalukuyang pinakabatang mayor sa Pilipinas. Ngayong humaharap ang bansa sa krisis na dulot ng COVID-19, ang kaniyang lokal na gobyerno ay bumili ng mga ani ng mga lokal nilang magsasaka upang maipamahagi sa kaniyang nasasakupan. Masasabing sa kabila ng kaniyang edad at kahit hindi maituturing na batikan sa larangan ng politika, ay maayos niyang nagagampanan ang kaniyang tungkulin.
Sa kasalukuyan, napakaraming kabataan ang kumikilos upang makamtan ang isang maayos at makatarungang lipunan. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit hindi niyo ito makita. Ayaw niyo itong makita. Ni ayaw niyong pakinggan ang kanilang tinig. Ayaw intindihin at bigyang importansya ang kanilang panig. Ang mas masaklap pa ay hinahanay niyo sila sa mga terorista at itinuturing na kalaban.
Sa mga pagkakataong nakikibahagi ang kabataan sa diskusyon patungkol sa mga usaping panlipunan, politika, relihiyon, seks at kasarian, nagsisipagtaasan ang inyong mga kilay 'pagkat para sa inyo ay usapin lamang ito para sa matatanda. Sabi niyo pa'y masyado silang nagmamagaling; kung makapagsalita'y parang alam nila ang lahat. Bagay na para sa inyo'y isang pambabastos sa dunong at karanasan ng mga taong papunta pa lamang sa mga taong pabalik na. Ang bawat pagbibigay nila ng opinyon at paninindigan ay itinuturing niyong kawalan ng respeto ngunit hindi ba't mas kawalan ng respeto ang pagturing sa kanila na wala silang alam dahil lamang sa edad? Sapat nga bang batayan ang edad sa kapasidad ng taong umunawa? Nasusulat ba na pagdating sa edad na singkwenta ay nalalaman mo na ang lahat?
Tungkulin ng nakatatanda na maging modelo at magturo ng daang maaaring tahakin ng susunod na henerasyon. Kung darating man ang panahon na gumawa ng panibagong daan ang mga sumunod, huwag sana itong ituring na kalapastanganan. Hindi ba malaking gantimpala na malamang nakagawa sila ng panibagong landas sa tulong ng mga naibahagi niyong kaalaman?
Ang kabataan ay pag-asa pa rin ng bayan kung bibigyan ng pagkakataon; Kung susubukan niyong pakinggan. Sila ang pag-asang hindi huwad. Hindi duwag. Hindi bingi. Hindi bulag. Hindi sunod-sunuran. Hindi mang-mang. Bigyan niyo lamang sila ng gabay, opurtunidad, at tiwala. Sisibol sila't mamumukadkad.
#Fil210
#ProyektongSanaysay
0 notes
Text
ika - 20.
December 9, 2018
HULING PAALAM José Rizal
isinalin ni Vicente De Jesus
Paalam na Bayang pinipintuho ko, na mahal sa araw, sa dagat Silanga’y Mutya kang sa ami’y lwalhating pumanaw; sa iyo’y masayang handog ang malungkot at laing na buhay, na kung may ningning man, sariwa at hitik sa kabulaklaka’y ihahandog ko rin dahilan sa iyong mga kabutihan.
Sa parang ng digma, na taboy ng hibang na pakikibaka, ang handog ng iba ay buhay nang walang alinlanga’t dusa, walang kailangan kahit saang pook, lungkot o ligaya, bibitaya’t parang, digmaa’t pahirap, lahat ay iisa, kung gayon ang nais ng Baya’t tahanang pinakasisinta.
Mamamatay akong tanaw nang may kulay iyang langit nati’t Ibinababala, sa wakas, ang araw sa likod ng dilim; Kung pula ang iyong kinakailangan upang pakinangin Ang iyong liwayway, dugo ko’y ibubo, at gintuan na rin Ang taglay na sinag ng sumisikat mong araw na maningning.
Ang aking pangarap noong ako’y batang halos kamusmusan, ang mga pangarap nang magbinata nang puspos kasiglahan, ay Makita kitang isang arw’y hiyas ng dagat Silangan, ang itim mong mata ay wala nang luha’t ang noo mo naman ay wala nang kunot, ni gatla o bahid niyong kahihiyan.
Ang mga pangarap nitong aking buhay, maalab na hangad, Mabuhay! – ang sigaw niring kaluluwang yayao na agad, Mabuhay! – kay gandang malugami ako’t ikaw’y makalipad, mamatay nang ikaw’y mabuhay, yumao sa langit mong tapat at sa mabalaning lupa mo’y maidlip nang wala nang wakas.
Kung sa libingan ko, minsan isang araw’y makita mong nasnaw ang isang bulaklak sa masinsing damo na nayayapakan, sa mga labi mo’y ilapit at yaring kaluluwa ko’y hagkan, upang sa noo ko’y aking maramdaman sa lamig ng hukay ang bulong ng iyong lambing at ang init ng hingang taglay.
Bayaang itunghay sa akin ng buwan ang kanyang liwanag, bayaang sinagan ako ng liwayway na dagling lumipas, bayaang humibik ang hangin sa kanyang banayad na lipad, at kung sa kurus ko ay may isang ibong dumapo paglapag, bayaang ihuni ng ibon ang awit ng pamamanatag
Bayaang ang tubig ng ulan sa init ng araw’y sumingaw, ibalik sa langit na kasunod itong aking panambitan; bayaang iluha ng katoto yaring maagang pag panaw, at sa dapit-hapon kapag may nag ukol sa akin ng dasal dumalangin ka rin sa Diyos, Bayan kong ako’y matiwasay.
Idalangin mo rin ang mga namatay na kinulang-palad, ang nagsipagtiis ng mga pahirap na walang katulad; mga ina namin na inihibik ang kanilang saklap, ang mga kapatid, balo’t napipiit sa madlang pahirap at ang sarili mong nawa’y makakita ng paglayang ganap.
Kung ang libingan ko’y mabalot nang gagap ng gabing madilim, at doo’y wala na kundi pawang patay ang nagtatanod din, ang katahimika’t pati ang hiwaga’y huwag bulahawin; kaipala’y tunog ng isang kudyapi ang iyong mapapansin, ako yaon, Bayan, inaawitan ka nang boong paggiliw.
At kung ang libingang kinabaunan ko’y limot na ng madla, wala na ni krus, ni kahit na batong maaaring tanda, bayaan sa taong yao’y araruhi’t isabog ang lupa ng kanyang asarol, bago ang abo ko’y mauwi sa wala ay makahalo na ng iyong tuntungang lupang pinagpala.
Kung magkakagayon na’y hindi na mahapding ako ay limutin; Aking lilibutin ang iyong paligid, lambak, papawirin; Malalaman mo ri’t iyong maririnig na ako’y taginting, Halimuyak, ilaw, mga kulay, ugong, awit at hinaing, Na ang kalinisan ng pananalig ko’y uulit-ulitin.
Bayang sinasamba, na sakit ng lahat niring mga sakit, sintang Pilipinas, pakinggan mo ngayon ang huli kong sulit; diya’y iiwan ko ang aking magulang at mga pag-ibig, at ako’y yayao sa walang alipi’t mga manlulupig; Diyos lang ang hari’t hindi pumapatay ni ang pananalig.
Paalam magulang, mga kapatid kong kapilas ng buhay, mga kaibigan ng kabataan ko sa sawing tahanan; pasalamat kayo’t mapapahinga na sa hirap ng araw; paalam, banyagang aking kaibiga’t aking katuwaan; paalam sa lahat, mamatay ay siyang pagpapahingalay.
Nasyonalismo. Pagmamahal sa Bayan ang sa ngayon ay pag-alabin sa damdamin ng bawat isang Pilipino nang sa gayon ay maitaas natin ang ating watawat sa buong mundo at maiparating sa lahat kung sino ba talaga tayo. kasabay nito ay ang pagtanggi sa mga inihandang patibong ng mga kolonyal na bansa nang mapigilan ang kanilang pagkaganid sa kapangyarihan. At upang ipabatid sa kung kanino man ang masidhi nating pagmamahal sa bayan.
Ang katotohanan ang siyang dapat pinapanigan at kahit kailan man ay di’ dapat kinakaligtaan. Ito ang magsisilbing taga tanod sa atin tungo sa tamang landas at gawain bilang isang mamamayan. At sa pagmamahal ay maipapakita natin ang tunay na pagpapahalaga sa kung ano man ang meron tayo sa kasalukuyan at sa dadating pang mga araw. Ang Hiraya.
0 notes
Text
July 4 2018
Ito na ata ang pinakamalungkot na birthday ko! Wala nang suprise, wala nang ganang gumising dahil ang malaking parte sakin ay nawala na :(, Binati din ako nung ka tinder ko na medyu aligaga sakin, thankyou sa birthday gift at love letter niya kahapon, Subalit, hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa tuwing kasama siya. Hindi ko rin alam kung pagmamahal ba ang nararamdaman ko sa teacher na iyon, or landian lang masabi ko lang sa sarili ko na “OK LANG AKO” masakit at sobrang hapdi parin ang mga bagay na nangyayari sakin, siguro nga masasaktan ko lang toh, dahil sa tingin ko masaya lang ako pag kasama siya. Bwiset! dahil mukang makakasakit lang ako ng damdamin ng iba, feel ko pa naman anu feeling na maiwan sa ere, Sumatotal napaka lungkot ko kulang na lang hampasin mo ako ng bato sa ulo para tuluyan na akong makatulog habang buhay ang sakit talaga :(
Paalis na kami mamaya maya papunta CANADA.. siguro ito na ang pampalipas oras ko para malaman kung ano ba dapat kong gawin ano ba ang dapat talaga, balikan kahit masakit, or iwanan dahal masakit na, at si teacher tuluyan ko lang nakikita bilang isang kaibigan lamang. Maling-mali ako at sa tingin ko napaasa ko siya ng sobra!, haaay WALA TALAGA AKONG KWENTA ,umasa siya sa wala pero sorry mah friend gustu ko lang naman mapag isa, gustu ko lang sumaya kahit sandali na mag isa or habang buhay mag isa. Natatakot ako sa kung anong meron kinabukasan :(
Nakakatuwa dahil may nag message sakin, yung nakilala ko sa wechat na girl, na dati ko binigyan ng importansya pero mas pinili kong lumayo dahil alam kong magugulo ko lang ang buhay niya noon kasama ng manliligaw niya. Tang ina hahaaha! hindi ko na kilala kung sino si jonabelle, at kung hindi ko pa i scroll up hindi ko pa siya maalala haha! pero sa matuwid siya ang unang unang bumati sakin sa araw na yun, na kahit sobrang galit ako sa mundo tang inaa gumaan ang aking daing na nadarama sa aking puso. Gorilla daw ako! pootang ina hahampasin ko toh pag nakita ko pero ewan ko ba hahaha! sa dami dami na pwedeng bumati sa araw na yun ito pa bumungad sakin... hindi ko ba alam kung maiinis ako or what! 😂🤣
Maiyak iyak ako nung nabasa ko toh, Hindi kami ganun ka close,, sa chat lang naman, pero nakakaiyak putang ina Lalo na sinabi niya yung magic word na “DITO LANG AKO ALWAYS” ni mga kaibigan ko hindi sinabi yan... siya lang na hindi ko pa ganun ka kilala 😢at isapa sabi niya
“STAY KIND, HUMBLE, CARING AND SWEET KUYA POY”
at bigla ako lumuha ng sobra dahil sa araw araw na ka chat ko toh dati pano niya masasabi na sweet ako... kung Naglaho lang ako bigla sa buhay niya, iniwan ko lang siya bigla.. 😥 Tang ina siya nga yung dapat mag sabi na wala kang kwentang kaibigan, di kaman marunung mag paalam ganoon pero mas pinili niya padin sabihin yun sakin. 😥 ang sama ko sobra tang ina “NAHIHIYA AKO SA MGA PINAGSASABI NIYA” dahil ang Poy na kilala niya noon ay patay na... Hindi ko alam kung ano dapat i reply ko sa kanya, kung dapat bang mag thankyou, dapat bang mag sorry, pero mas nakakadurog sa puso na sa mga mata niya “KIND, HUMBLE, CARING AND SWEET” oo ganyan ako pero pooota bakit padin ako pinagpalit sa iba? bakit hindi niya pinahalagaahan ang relasyon namin at Bakit kung sino pa ang hindi ko ganun kilala siya pa magsasabi niyan sayo.😢 At dun ko naalala kung sinu si poy, at kung bakit niya nasabi yun sakin... Maging poy nalang kaya ako ulit? sabi ko sa sarili ko marahil siguro mas okey yun, mas okey para sa lahat dahil ang bait ni poy kesa kay ernest/john na puro nalang kagaguhan.
HAAAAY!!!!! sa point na toh napaisip ako kung bakit ako minessage nito last year naman hindi ako binati at last last year! pero natuwa ang puso ko sa mga sinasabi niya ❤ parang nagkaroon ako ng gana sa buhay bigla,.. parang nasabihan ka na “KAYA MO YAN” kamusta na nga ba si jonabelle? ni minsan di ko nabati ng birthday niya! after ng huli kong regalo nung birthday niya noong 2013.. pero sa tagal namin nahindi nag usap at nagkikitaan lang sa school at putang!! hi hello lang...😂 ni minsan hindi ko natanong kung kamusta na siya... sa tagal ba naman naisip ko nakalimutan niya na ako.. pero kahit sa gaanong katagal pa yun ang nakita niya padin sakin eh yung poy na nakilala niya noong 2013 at hindi man lang nagbago? ang pananaw niya sa akin,, haaay :( TANG INA KO TALAGA... sa mga oras na toh hiyang hiya ako sa tinuring kong kapatid dahil siya naalala ako at ako hindi na 😢😔
Shet! nag ask pa siya ng yelo? haha king ina nukayayun? pero kinilig ako ha at bakit ganto reply ko sa kanya? ayieeee ang poota!!! hoy! wag si aika!! may atraso ka dyan hanap ka na lang ng iba... pa ..
PAAALIS NAKO SA PILIPINAS! AT EXCITED PERO NAIISIP KO PADIN SIYA. yung mga sinabi niya.. “SWEET” Tang inaa! kung ganun nga ako edi sana di ako iniwan ng ex ko... haaay :(.... natuwa paadin ako kasi ito yung mga kupal na nakipagbubugan sa team gilas kagabi hahaha! mukang kasabay namin sa airlines hahahaa! goodluck sakin paalis na kami
0 notes