#Babae laban batas militar
Explore tagged Tumblr posts
kalakian · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ngayong araw, alalahanin natin ang kabayanihan ng mga babaeng walang takot na lumaban sa diktadurya ni Marcos. Mula kaliwa: - Maita Gomez - Carol Araullo - Sister Porferia Ocariza - Lualhati Bautista - Etta Rosales - Sr. Mary John Mananzan - Cory Aquino - Judy Taguiwalo - Eva Kalaw - Nelia Sancho - Soledad Duterte - Gemma Cruz - Maria Lorrena Barros Iilan lamang sila sa daan-daang mga bayaning Pilipina na hinarap ang kamay na bakal at mapang-aping Batas Militar. Mula man sa iba't-ibang sektor at iba-iba man ang naging uri ng kanilang paglaban, ipinakita nila na ang babaeng Filipino ay walang kapantay sa katapangan.
---
Kuha ang larawan at impormasyon mula sa Project Gunita
4 notes · View notes
mylifecrumbs · 5 months ago
Text
TANGHALING PANAGINIP
Sinaunang panahon yung tema
Magkasama kami ni arcee para pumasok
Then may isang guro na mabait
During ng klase habang papauwi kami ni arcee
May mga nakasalubong kaming mga militar
*merong war parang yung isa filipino yung isa mga kastila ganun pero parehas na nagtatagalog
Tapos habang naglalakad nakakita kami ng sobrang habang pila doon parang sa bandang harap may gulo
Hanggang sa pinabalik kami sa school para magtago at during war may nakikilala akong tao na mataas ang posisyon (general) naging magkaibigan kami hanggang nung nalaman niyang isa kaming taga kabilang panig. Simula nun umiiwas na siya.
Nagsimula ang laban nung nagkagulo na sa school, tumakbo kami ni arcee may mga nakita kaming mga bata at matatanda na nag tatakbuhan din. May mga kwartong malalaki kung saan andun din yung mga iba para magtago at may kwarto naman na normal lang yung mismong gibagawa.
Kami ni arcee napunta kami sa isang building kung saan yung general ng kalaban doon parang gumaan pakiramdam ko kasi alam kong kaibigan ko siya. Pero yung mga militar na nakapaligid sa kanya ang sasama ng titingin.
General: bakit kayo andito?
Ako: tumtakbi at magtatago kami ni arcee.
*ako na may hawak na papel
General: *napansin at parang familiar sa kanya yun hawak hawak ko* tumakbo na kayo at magtago paparating na sila
Ng lumabas kami sa kwarto, maraming look out sa labas
Lalaki: anong ginagawa niyo sa loob?
*habng may hawak siyang pana na may lason sa dulo*
Lalaki: alam niyo bang isang pagpana ko lang sa inyo mamatay na kayo sa lason na nilagay ko dito?
Ako: dito kami napadpad, sorry, aalis na kami ayaw namin ng gulo
Lalaki: eh kung ayaw ko kayo paalisin? Gustong gusto ko na to gamitin:
*tinututok sa amin yung pana*
*ng bihlang lumabas ang general*
General: wag mo sila, kayong dalawa umalis na kayo dito.
Sabay na kaming tumakbo ni arcee. Biglang may nakasalubong kaming mga naglalaban na tapos may paparating sa aming bata na handa rin kaming patayin may hawak ding pana. Tumakbo kami para makalayo ng biglang may naririnig kami sa hagdan kung saan mas maraming grupo ang naglalaban. Na corner kami ni arcee ng biglang napana sa arcee sa tagiliran at ako naman nasaksak sa binti. Nawalan ng malay si arcee. Tinanggal ko yung kutsilyo na sinaksak sa akin hanggang sa inaksak ko din sa dibdib yung yung lalaki. Nagkunwari kunwarian akong patay dahil may narrinig nanaman akong grupong paparating mga kalaban sinisigurado nila na clear at walang kalaban sa paligid. Nabosesan ko yung teacher na mabait. Pero nag kunwari parin kaming patay. Nakita kami sa gilid na nakhiga ng isang kawal.
Kawal: may dalawang patay na babae dito sa gilid
Teacher: hayaan mo na sila patay na mga yan
Hanggang sa wala na yung mga boses nila. Nawalan din ako ng malay. Hanggang sa nag gabi pagising ko nagising na ulit si maru kaya’t dali dali kaming tumakas pataas para maghanap ng ligtas na mapagttaguan. Haggang sa may naririnig nanamn kami paparating dali dali akong tumakbo at si arcee pala sa kabilang daan agad akong nagtago. Narinig ng mga kalaban kung san patungo si arcee. Mas natakot ako nagkahiwalay kami ni arcee.
Yung wala na akong naririnig na mga kawal sinundan ko kung san pumunta si arcee nang biglang.. may lalaking humawak sa aking balikat at dali dali ako tumakbo patungo kay arcee. Nang makarating ako biglang nakita ko dun ang general.
General: bakit kayo andito?
Ako: may humahabol sa akin. Si arcee? Andito ba siya? Nagkahiwalay kami.
Arcee: aileen, tara dito andito ko.
Ako: okay ka lng ba?
Arcee: okay okay na ko
*sabay tingin sa general
General: pwede ko ba makita yang hawak mo na papel?
Aileen: bakit? Bigay po ito sa akin ng nanay ko.
General: pamilyar kasi sa akin yan.
*inabot ko ang papel. Nung nakita ng general ang nilalaman ng papel. Naluha ito.
Aileen: bakit po kayo umiiyak?
Generall: sulat kasi to ng babaeng pinakamamahal ko. At meron akong babaeng anak na nawawala.
Bigla na lang tumulo luga ko yung pakiramdam ko sobrang saya. Kasi nung una palang na nakilala ko siya sobrang gaan ng pakiramdam ko.
Ayun happy ending ahahah..
But the funny thing is si Zoren Legazpi ang general na tatay ko dun sa panaginip. Ahahahhaha! 😂✌️
-MACL 5/20/21
0 notes
casilihanjet · 6 years ago
Text
Basag
Pumasok sa madilim na silid si Kristal. Nakahanda na ang kaniyang kulot at itim na buhok maging ang punit na puting bestidang nagpapalitaw sa sugatang kayumangging balat. Nakayukong tumayo ang batang babae sa harap ng isang matandang kuba. Hinubaran ng kuba ang bata at nakipaglaro ng “bahay-bahayan”. Walang imik ang batang nakatitig sa dilim habang sinasakal at sinasabunutan; wala rin naman siyang ibang magagawa.
Sanay na si Kristal sa ganitong uri ng buhay. Namatay ang kaniyang putang inang may malaking utang na hindi nabayaran kay Hipig. Bilang kabayaran, kinailangang magtrabaho ng kawawang musmos sa bahay putahang pag-aari ng walang-awang negosyante. Araw-araw at gabi-gabi, may darating na mga dayo sa bahay na hindi babaeng nasa edad ang hanap. Bahagi si Kristal ng eksklusibong serbisyong bata ang alay. Hindi rin naman masama, mataas ang bayad kapag bata.
Sa buong labimpitong pagkabuhay ni Kristal, tanda niyang palaging maraming dayo sa bahay putahan ni Hipig. Nagbawas lang ang bilang ng dayo nang maluklok sa kapangyarihan si Prinsipe Liwanag. Nakuwento minsan ng isang sundalong nakipagtalik sa kaniya na salbaheng hari si Liwanag. Kinukuha ng hari ang lahat ng hayop pati ani at pinapatawan ng agarang kamatayan ang sinumang ayaw ibigay ang buong pinaghirapang mga bunga sa kaniya. Hindi tumagal, nag-alsa ang mga mamamayan at nagbantang pugutan ang hari.
Digmaan, pero may laban nga ba? Maraming tagabayang lalaking binitay o binaril ng mga sundalong maharlika. Pababa nang pababa ang bilang ng dumalo sa bahay ni Hipig. Paunti-unting nasira ang kahoy at batong bahay dahil sa kakulangan ng tubo sa pagpaayos. Kinalaunan, buwal na ang negosyo at kailangang ibenta ang mga kalapating mababa ang lipad.
Dahil sa digmaan, halos maubos na ang kalalakihan sa bayan. Hindi nakapagtatakang kumuha ng mga babaeng alipin para makipagdigma laban sa gahaman. Sa ganoong paraan pumasok si Kapitan Dimasilaw sa maikling buhay ni Kristal.
“Hipig, magkano ‘yang bata?”
“Si Kristal? Walong tanso ‘yan, ‘Di pa nga n’yan bayad ang utang sa’kin pero pabili ko na.”
Kinamot ng kapitan ang kalbong ulo at hinimas ang mahabang puting bigote.
“Ayos na. ‘Yan na lang. Mas mura sa dayuhang sundalo. Mga isa o dalawang putok ng baril lang ‘yan bago mamatay, kaso kulang pa ang hukbo ng tagabaril.”
Lumapit si Kristal sa kapitan. Sa edad na labing-anim, maliit pa rin ang bata dahil sa pagtipid sa pagkaing ipinambabayad na lang sa utang ng ina. Halos kalansay si Kristal na kulang na lang ay mabaril nang maging bangkay.
“Mula ngayon, ang buhay mo ay para sa pag-alsa at magtatapos para sa pag-alsa,” sabi ng kapitan.
Lumisan mula sa bahay ni Hipig ang kapitan kasama ang kalansay. Tumungo sila sa mabundok na kagubatang taguan ng mga manghihimagsik. Walang imik si Kristal, subalit hindi nagtagal ay natuto ang babaeng makisalamuha sa mga kagaya niyang api.
Iba-ibang babae ang nagtutulungan upang mag-ayos ng mga sandata. May mga matatandang babaeng nagluluto at mga batang naghahasa ng patalim. May mga sumusubok bumaril at tinuturuan kung paano ang tamang paghawak ng baril. Napasabak si Kristal sa mga gawain.
Natuto si Kristal sa mga gawain habang pinapanood ang mga babaeng mag-ayos ng sibat, maghasa ng kutsilyo, at magbaril ng manok. Naging mahusay ang babae sa pag-aayos ng mga sandata, ngunit sadyang hindi niya kayang humawak ng baril at magpaputok nang tumatama sa manok. Ang katotohanan ay naging malapit siya sa iba-ibang babaeng nakasalamuha niya. Matulungin sa gawain si Kristal. Kapag may nahihirapan ay agad siyang lalapit upang maghatid ng tulong sa pagbuhat ng armas, pag-ayos ng armas pero hindi nga lang sa paggamit ng armas. Naging popular si Kristal sa birong bansag na “gabay kalansay”. Sa walong buwan niya sa taguan, nakahanap ang babae ng kaniyang lugar sa mundo, ngunit hindi nito inalis ang katotohanang may digmaan.
Parami nang parami ang mga inuuwing sugatang manghihimagsik sa hukbo. Palakas nang palakas ang sandatahang militar ng gahamang si Liwanag. Sa dami ng sugatan, kinailangang gamitin na ni Kapitan Dimasilaw ang lahat ng kababaihan maging matanda o bata.
“Mamayang gabi... Ito na ang huling pag-aalsa,” nakasimangot na sabi ng kapitan.
“Mamaya, susugurin natin ang pasukan sa likod ng kastilyo.”
Walang imik. Walang kibo. Walang nagnais na maabot sa pagpatiwakal ang huling paglusob ng mga manghihimagsik. Ramdam na ramdam ang nakapangingilabot na igting ng kamatayang palapit.
Tagamanman si Kristal. Kahit na hindi nais ng babaeng magdala ng baril, mahalagang maibigay niya ang hudyat sakaling nakaantabay ang kalaban. Nanginginig niyang hawak ang riple. Alam niyang hindi niya kayang makaputok nang maayos dahil wala ni isang manok siyang natamaan ng bala noon.
Sa dilim ng daan at liwanag ng buwang nagmumukhang kristal nakalapit ang babae sa mataas na damuhang ilang metro lang ang layo sa nakaantabay na sundalo. Walang kamalay-malay sa tagamanman ang nakatayong kawal. Inihanda ni Kristal ang baril at tinutok sa kawal habang nanginginig na nakatago sa damuhan.
Bang! Lumabas ang bala at tumama sa pader. Naalisto ang kawal at nagpaputok. Bang! Tumama sa leeg ang bala. Maliksing tumakbo sa babae ang sundalo at binaril muli ito. Bang! Sa malapad na dibdib pumasok ang bala.
Bang! Bang! Bang! Sunod-sunod na putok ang pinakawalan. Napatumba ang kawal. Dali-daling sumugod ang kababaihan at hinila ng ilan ang naghihingalong si Kristal sa labas ng putukan. Naalisto ang mga kawal at sumugod papuntang lagusan. Pinatunog ang mga kampana. Dinala ang mga tanglaw at sunod-sunod ang naging putukan.
Dumudugo sa leeg at dibdib ang kawawang bata. Dalawang putok lang ay tumumba na siya. Kapit ng isang matandang babae ang kamay ng bata. Walang kibo si Kristal. Walang imik ang batang nakatitig sa buwan habang patuloy ang digmaan sa kapaligiran; wala rin naman siyang ibang magagawa. Napakaingay ngunit napakapayapa. Hindi na kailangan pang pakinggan ni Kristal ang tunog ng puso niyang basag.
0 notes