#AYAN PARA HINDI MAWALA
Explore tagged Tumblr posts
thewhizzyhead · 2 days ago
Text
hi its me so back when wattblr was at its peak (2020), watt basically gave me a drug that made me really fuckin creative and want to do a bajillion musicals. 4 years later, warriors has now force-fed me this drug again. Welcome back to me being annoying as fuck woo here's the Izzy Original Rambly Musical Masterlist - Part 1
+ Misfits - been developing this SINCE I WAS 13 and um its Basically A Show Within A Show idea inspired by my past experiences with my former church and their Christmas musicals. TO UNDERSTAND THIS HERE IS SOME BACKSTORY: so when I was 10-13 I used to be in Christmas musicals staged by my sunday school. These musicals were Pilipino translations (the songs stayed English) of Typical American Children Christmas Musicals found on youtube (check out A Rocking Royal Christmas on YouTube yes we did a Filipino translation of that and I played the narrator when I was 11 I'm not kidding). When I was 13, I wanted to make something more resonant to the teen crowd as um to be quite honest the stuff my fellow Sunday school people were going through were Fucking Heavy and i wanted to feature that + I always knew that the Very Kiddy Musicals we set up were mainly a show for the parents and all that. I wanted a message of faith that actually resonated with my age group - and i developed it far enough that at 14, i was commisioned by my sunday school teachers to work with the church's orchestra in actually having this developed! But 15 happened and I started questioning a lot of the stuff my Sunday school and church does in terms of like politics, mental health stuff, sexuality and identity and pressuring me and my fellow teens to become something we were not, and it really felt alienating, almost as if I was simply putting on a show to appease all those that look to me and want me to be the Best of Young Christian Soldiers
So the concept of Misfits is um okay just read this ramble i wrote 3 years ago that is MUCH MORE COHERENT AND COHESIVE than the descriptions ive been whipping up for three hours now:
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
There is more to this like I have been developing this for 7 years now and there IS A TRACKLIST and each character has a storyline and a certain dynamic with all of the characters - like all are connected one way or another - but the basic gist is:
1.) The Narrators Put On A Show For The Religious Audience, then Start Crumbling at The Questions Presented and Prompted by The Misfits, but also Upon The Realization Of How Much Pressure They Are Under in Supporting A Narrative They Are Conditioned To Unquestionably Trust + the reveal of the secrets they hide and deny about themselves in order to seem as the Perfect Model Christian (sexuality, mental health issues, parental/pastoral pressures, abuse, psychological trauma as a result of Putting On The Show - the Time Travel element is not just there for the purposes of the show, it has a very important plot element too that connects the leader of the Narrators with the defacto leader of the Misfits) + how do they deal with these secrets being slowly revealed when They Know They Are Being Watched
2.) The Misfits Try To Navigate The Strange Musical Scenario and Why The Narrators Seem Preachy, While Also Being Forced to Address Their Pasts and Presents on why They Are Deemed "Misfits" in the First Place (outside of Christian conservatism, there exists undeniable concern for the wellbeing of the "Misfits" aka juvenile delinquency and poverty, mental health issues, and um the defacto leader being a Former Member of the Narrators wHICH WILL BECOME THE RUNNING THREAD TO THE PLOT TWIST which is why they were chosen in the first place), so basically The Misfits Are Challenged to Acknowledged that They Are Indeed Troubled (especially with carefully planted plot points and script prompts used by the Narrators to have these in the open) - but the original Producers Approved plotline has them Turn Back To God, but how can they do so if the problems they face are rooted in the current religious institutions in place? That is the question presented by the Misfits to the Narrators - which is what causes their show to fall apart
3.) Through Questioning The Mission They Were Given and the Environments That Mandate Them To Do So Despite Their Own Struggles (Narrators), and Through Questioning Themselves, Their Struggle, and The Acknowledgment That They Do Need Help (Misfits), the two groups face what I want to be the ultimate thesis question of the musical: when you grow up, where does one find hope? This is my attempt at breaking down the concept of religion because ultimately, people look to a higher figure in the dream of hope and the want for answers - thus, religion cannot ultimately be taken away from people who truly want and seek it. But we gotta deconstruct the narrative that hope is only limited to these religious institutions - and criticism must be relayed to the institutions that mandate that people serve them for the hope they supposedly provide but subsequently break because of prejudice, conservatism, and close-mindedness towards the people the Bible says to serve above all.
So yea the thesis slogan is basically: grow as you go, redefine your mission, and break the script if needed be.
Also it's pop rock, very inspired by SPRING AWAKENING, we are the tigers, and a dash or rent. The songs are English when They Are Part of the Producer's script, and Tagalog when They Are Not Part of the Script (like the characters being honest or unexpected rebuttals to the narrators' preaching moments or when the narrators themselves reveal their secrets). Otherwise, dialogue is taglish YAY
#warning: THIS IS VERY FUCKING LONG#that i had to make the text tiny#it was supposed to be longer likE I HAD THE CHARACTERS' BIOGRAPHIES ALL TYPED OUT#bUT FUCK IT DIDNT SAVE FUUUUCK#anyways thats okay#that'll be for fucking next time i suppose even if i just SPENT AN HOUR WRITING THEM KFJSNVJSJ AAAAA#but anyways here we go yhis is Izzy Project 1#even tho i am more keen on producing Patron rn#i still wanna complete this because like fuck ive been sitting on this one for 7 years now#like for my thirteen year old self's sake i really wanna accomplish this#also this is like i dunno#the 7th complere redraft of misfits like there have been sSO many changes as i grow#i'll probably have to like put a stop to the narrative changes soon because like#i wanna keep the youthfulness of it all#like Patron is very much mature and like political and shiy#i wanna keep how like genuinely confused the spirit is here with Misfits cause that is entirely the point here#its a story of kids figuring shit out#and they dont get it all figured out and thats okay!#all they know is that they wanna break out of the script imposed on them#and find their way from there#ANYWAYS THATS PROJECT 1#next is Patron which will um#take a while#personal shit#izzy's projects#AYAN PARA HINDI MAWALA#also there are so many additional themes that i wANTED TO ADD THROUGH THE TYPED OUT BIOGRAPHIES PERO WALA THEY WERENT SAVED#like the theme of forgiving oneself before anything else and finding hope within and beyond religious faith#Crumbling beneath the pressures of following a predetermined script that does not befit you at all#i HAD SO MUCH TO SAY IF ONLY THE FUCKING BIOGRAPHIES I TYPED OUT WERE FUCKING SAVED
6 notes · View notes
lilithaban · 2 years ago
Text
edge
Tumblr media Tumblr media
pairings: wonwoo x female reader
— filo setting
🖋️: smut, angst!
warnings: 🔞, profanities, mature content, suicidal, protected sex
— dni minors!
posted: february 01, 2023
happy reading!
————————————————————————————
“Bakit ka ba nagkakaganito ha, yn?”
“Hindi naman kita girlfriend para umasta ka ng ganito! pinahiya mo lang ako sa mga ka classmates ko!”
Para akong binuhasan ng malamig na tubig sa mga sinabing kataga sakin ni Wonu. T-tangina.
Alam ko namang wala akong karapatan pero ang sakit sakit pa rin lalo na kung buong campus ang may alam sa nararamdaman ko sayo.
“Sorry… wons” bulong ko habang nagpipigil ng iyak.
Napakagat na lang ako ng labi dahil parang anytime lalabas na ang mga dapat kumawala. Para akong winawasak sa mga naririnig ko mula sa kanyang bibig.
“Tangina, ayan ka na naman. Sorry sorry sorry! punyetang sorry yan! nanadya ka ba talaga? Hinahayaan lang kita sa mga ginagawa mo pero ngayon sumusobra ka na. Kaibigan kita pero kung umasta ka akala mo girlfriend kita. Wag na wag ka ng lalapit sakin please lang. Lumayo ka na muna sakin.” bawat salitang lumalabas sa bibig niya tila isang patalim na sumasaksak sakin.
Tangina ang sakit sakit naman pala magmahal...
“Ang bobo naman kasi yn bakit ka pa sa bestfriend mo nagkagusto.” natatawa kong sinabi sa sarili ko
“Maganda ka naman at maraming manliligaw pero pinili mo pa rin mag mahal ng isang Jeon Wonwoo.”
Kahit na alam mong hindi niya kayang suklian yung nararamdaman mo. Natatawa ka na lang sa mga naiisip mo at bigla na lang nagbagsakan ang mga luha mong kanina pa gustong kumawala.
Tangina yn hindi ka ba nauubusan ng luha? ayun si Wonwoo nasa club kasama mga kaibigan niya samantalang ikaw pinapatay na sarili mo sa alak.
Hindi habang buhay magpapakatanga at luluha ka na lang dahil lang sa isang lalaki yn.
Pero kasi si Jeon Wonwoo siya.
Bestfriend at taga pagtanggol mo mula pa noon.
Naging sandalan mo na rin siya nung nagka tres ka sa isang major mo.
Hindi niya man kayang ibalik yung nararamdaman ko pero pinili niya pa ring alagaan at protektahan ako. Sobrang sakit lang dahil humantong ka kung saan ayaw na ni Wonwoo ang inaakto mo. Binago mo sarili mo para lang kay Wonwoo at hindi sayo.
Nagpaka possessive ka at sinakal mo siya kahit na magkaibigan lang kayo.
“Ginawa ko naman yung l-lahat eh pero bakit hindi mo pa rin ako magawang mahalin?”
Humagulgol ka lalo dahil wala kang narinig na sagot. Nanginginig ka na sa lamig at sakit kasabay din nito ang unti-unting pagkahilo mo dahil sa mga alak na ininom mo.
Habang humagagulgol ka napasulyap ka sa boteng binasag mo kanina. Dinampot mo ito at sinugatan ang sarili mo.
“Putangina wala pa rito yung sakit na nararamdaman ko sa mga sinabi mo”
Kung may nakakakita man sayo ngayon baka isipin pa nilang baliw ako.
Tinapat mo ito sa harap ng dibdib mo. Natatawa ka at lumuluha habang hawak-hawak ang basag na bote.
“Wala na rin namang kwenta yung buhay ko bakit hindi ko na lang tapusin to ngayon?”
Sobrang sakit na para akong pinapatay sa mga pinagdadaanan ko ngayon.
“Mabuti na rin siguro itong mawala ako”
Tumingala ka sa langit at ngumiti habang mga luha'y tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos.
“Sorry... Wonwoo”
Akmang isasaksak mo na ang basag na bote ng may biglang umagaw nito sa kamay mo.
“Putangina yn, anong ginagawa mo!”
Nanigas ka sa kinauupuan mo nang marinig ang boses na yun.
“Wonwoo....”
Hinila ka nito palapit sakanya at niyakap ka ng mahigpit. Ramdam mo ang mabilis na tibok ng puso nito. “A-akala ko kung ano na nangyari sayo.”
“Isang linggo kang nawala. Hinahanap kita pati na rin ang mga magulang mo”
“Nag-alala ako sayo”
Nanlaki ang mga mata mo sa mga narinig mo mula sa bibig niya. Hindi ka makapaniwala na maririnig mo ulit yan sa kanya dahil grade 6 ka nung huling marinig mo yan.
Hinarap ako nito at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Titig na titig sayo ang lalaking kaharap mo at mga mata nito'y punong-puno ng pag-aalala.
“Saan ka ba galing ha? pinakaba mo ako.”
“Bakit mo binalak patayin sarili mo?”
“Bakit yn? bakit naabutan kitang handa na kitilin ang sarili mong buhay. paano kapag hindi kita naabutan ha?” malungkot ang himig nito at bakas ang pag-aalala na siya namang pag-iwas ko ng tingin.
“W-wala...”
“P-pagod na akong m-mabuhay”
“Paano naman ako yn? hindi ko alam gagawin ko kung mawala ka”
Ramdam ko ang panginginig at pagbilis ng tikbok ng puso ko dahil sa mga katagang binitawan nito.
“Please yn wag mo na gagawin yon. Mahal kita, ayokong mawala nag-iisa kong bestfriend”
Kung kani-kanina’y nakaramdam ako ng kaunting saya pero agad din naman binawi ito.
Tangina kahit pala mawala ako kaibigan pa rin ang tingin mo sakin
Nanghihina akong sumubsob sa tuhod ko at muling humagulgol. Ramdam ko naman ang mabilis na aksyon ni Wonwoo.
“Y-yn?”
Kinagat ko ang labi ko baka sakaling tumigil ang pagdurugo ng puso ko pero hindi eh.
Si wonwoo to..
mahal ko siya eh...
“U-umiiyak ka ba?”
Nagulat ako ng hinila ako nito at muling hinagkan ng mahigpit
Pinunasan nito ang mga luhang umaagos mula sa mata ko at tinitigan ako nito ng diretso.
“Please wag mo na ulit akong tatakutin...”
Hindi ka na nakasagot dito dahil nanlalambot ka sa mga titig nito. Natawa ka sa isip mo dahil kahit anong nasakit ang gawin sayo ni Wonwoo at the end of the day siya pa rin ang kahinaan mo.
Dahil sa dulot ng alak sayo parang may demonyo ang sumapi sayo ng inilapat mo ang labi mo sa labi ng lalaking kaharap mo.
Para akong sinaksak nang paulit-ulit dahil hindi ito nagre-response sa mga halik ko. Kumirot ang puso ko at nagbabadya na naman ang mga luha ko kaya akma na sana akong tatayo at tatakbo paalis ng bigla akong hiniit at hinalikan nito.
-
Hindi ko alam kung paano kami nakapunta sa sasakyan niya pero heto kaming dalawa pinagpi-pyestahan ang katawan ng isa’t isa.
Kanina lamang ay sobrang sakit ng puso ko at para na akong mamatay dito ngayon naman nangingibawbaw na ang sarap. Kasalukuyan nitong hinahalikan ang baba ko kaya hindi ko mapigilan ang pag-ungol at ang pagdiin ng kamay ko sa buhok niya upang mas lalo pang lumalim ang marating ng dila nito.
“O-oh my god”
“Lalabasan na ata ako Wonu” kahit na hirap na hirap ako nagawa ko pa ring sabihin sakanya yon
Hindi siya nagsalita at bagkus para na akong mababaliw dahil mas lumalim pa at pinasok pa nito ang dalawang daliri sa ari ko. Hindi rin nagtagal ay nakaramdam na akong likidong lumalabas mula sa ari ko.
Kitang-kita ko ang pamumungay ng mga mata ni Wonwoo.
“You taste so good, fuck”
Masisira ko na ata ang backrest ng upuan na to dahil sa malagkit na pagtitig nito sakin. Hindi na nito sinayag ang oras at inutusan ako na pumwesto sa backseat. Maya-maya lang din ay nakapatong na siya sakin.
Napasigaw ako ng makaramdam ako na parang pinupunit ang ari ko. Fuck first time ko lang to at ang laki pala ng ari niya!
“Shit, virgin ka? fuck”
“Tell me if itutuloy ko pa ba o hindi. Ayokong gawin to sayo lalo na’t lasing ka”
Ramdam ko ang pag-aalala sa boses nito “Hindi ako lasing Wonu. You have my permission”
“You can fuck me in every possible way”
Pagtapos ko sabihin iyon ay binaon na ni Wonu ang ari niya sa loob ko kaya’t napasigaw ako at medyo naluha dahil sobrang sakit.
Imbis na magsalita ay binigyan lamang ako ni Wonu ng mababaw na halik hanggang sa maging malagkit ito at nagsimula na rin itong bumayo.
Para akong mababaliw
Para akong nasa langit
Sa hindi malamang dahilan bigla ko na lamang nasabi ang mga katagang ito habang bumabayo ito sa ibabaw ko at napapaungol.
“A-aahhh ang sikip mo kingina”
“I love you, Wonwoo”
Pero wala kang narinig dito at patuloy pa rin ito sa pagbayo sayo. Kaya para kang maiiyak ulit dahil kahit anong gawin mo hindi ka talaga pinapakinggan ng mundo.
Hinayaan mo na lang na may tumakas na mga luha sa mata mo at nagpanggap na lamang na naiiyak sa sarap kahit na totoo’y nasasaktan ka na hinayaan mo na lang itong gamitin ka. Napakagat ka na lang sa labi at pumikit.
Libo-libong mga boses na ang bumubulong sayo na tama na. Hindi talaga kayo tinadhanan para sa isa’t isa.
Tama na kasi mas lalo ka lang nahuhulog sa mga patibong nito at baka hindi ka na makabangon pa sa sakit.
Hindi mo na namalayan na nilabasan na pala siya at sumalampak sa tabi mo, naghahabol ng hininga.
“Shit that was so fucking hot”
"I'm hoping we don't get awkward after this, yn, since you're my friend."
Napatawa ka na lang at inayos ang sarili. “Of course not,”
“Sige na Wonu, uuwi na ako”
Hindi ko na siya hinintay pa at tumakbo na ako palabas sa sasakyan niya.
Sa gabing ito hindi ko alam kung may mas sasakit pa sa nararamdaman ko eh
Nagpakatanga ako sa kanya at hinayaan na may mangyari samin.
Hindi ko alam kung makakabangon pa ako sa sakit na to.
Binigay ko na lahat kahit pa katawan ko’y binigay ko na rin sa kanya
Nag confessed na ako pero tila naging bingi ito sa oras na yon
Lahat ginawa ko para sa kanya pero sa huli ako pa rin itong uuwing sugatan. Hindi ko na maipalawinag nararamdaman ko dahil sakit at kirot ang nangingibabaw sa puso ko.
Mahal na mahal kita Wonwoo.
At hindi ko na yata to kaya…
104 notes · View notes
poleeeng · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
The constant reassurance I need.
Never talaga sya nagkulang.
— when your partner feels scared, insecure, or what, kapag naffeel nya yung takot na mawala lahat ng meron sya ngayon, lahat ng nararanasan nya, she just needs some reassurance, hindi yung sasalubungin ng inis and ipapafeel nyong naiirita kayo. If you want to know the right words to say, ganito lang naman, hindi naman mahirap, diba?
Back story: kagabi kasi the whole night iyak lang ako nang iyak kasi di ko alam san nanggagaling yung lingering thought sa utak ko. Wala namang reason para maisip ko yung mga negative thoughts na yon pero ayaw mawala. He was busy tattooing and doing his school project kaya mej di kami gaano nag-uusap the past two days. And nung nag-usap na kami finally, ayan na. Just what i needed.
42 notes · View notes
pansamantalamo · 1 year ago
Text
Tumblr media Tumblr media
| 060723 . WEDNESDAY . 1:30PM
kagabi nag chat saken si choykiee na namamaga yung mata nya dahil na allergy daw sya sa gamot na ininom nya. Uminom kase sila ng ka work nya ng medicol dahil masakit daw ulo nila. Sabi ko sa kanya kagabi magpa doctor na sya, kaso sabi nya i cocold compress nalang daw nya dahil pinakain na daw sya ng asukal at mawawala din daw naman yun. Kaya kagabi maaga sya natulog dahil sabi ko ipahinga na nya kung ayaw nya magpa doctor para di mawala.
Edi eto na nga, kanina akala ko naman ok na sya kase di naman sya nag chachat saken or update regarding sa mata nya. Then mga bandang 3:30pm habang asa work ako nag chat sya saken na nagpapabili sya gamot citrizine at antihistamine. Sabi ko nga sa kanya ulit magpa doctor na sya, ayaw pa din nya makinig saken. Nagtanong na daw sya kay tita sa mama nya at sa tita nyang nurse. So saken o sige sya bahala kase naiinis lang ako dahil di sya nakikinig saken ayaw ko makipag away dahil may saket sya.
Nagpapabili sya saken ng gamot & food. E ang layo ko and may pasok ako. Sabi ko baka naman pwede nya utusan yung kasama nya sa bahay na kababata nya. Sabi nya hindi daw maaasahan wala daw pakialam sa kanya. TAENA! dun talaga ako pinaka na badtrip! mga ungas talaga! kapag sila umaabsent pa si choy sa work masamahan lang sila sa ospital. Tapos sila ni hindi man lang mabilhan o maasikaso man lang sya. Kakapal ng mukha talaga naiirita ako. Ano ba naman yung kababata ka at kaibigan ka ni care wala ka mapakita.
So ayun after work bumili ako gamot & food tapos pina lalamove namin. Paguwe ko sinabi ko agad kay Momcy ko at pinakita ko picture nya. Nagalit si Momcy kase sabi nya magpa ospital na sya dahil ang allergy hindi pinapatagal lalo na sa mata pa yan ay malapit sa ulo. Delikado daw yun pag ganun. Kasi sinabihan na dati si Momcy ng doctor nung nagka allergy pamangkin ko na wag papaabutin ng ulo dahil masama daw.
Kinausap ni Momcy si choykiee at ayun natauhan ata. Nagpa ospital na. Umuwe ng Cavite at sinamahan na ni tita (mama nya). Sabi pa nga ni Momcy kung gusto ni Choy pumunta sya dito at samahan namin sya pa ospital kaso ayun na nga mama na daw nya kasama nya.
Sobra talaga kame nagaalala sa kanya. Yung gusto ko sya pagalitan talaga. Mapakita na asar at bwisit ako sa katigasan ng ulo nya, dahil ilan beses ko ng sinabi na pa doctor na. Puro sya hindi mawawala to. Kaya ayan sa katigasan ng ulo nya Stage 2 allergy na sya. Di na kaya ng antihistamine. Naka dextrose na sya sa ospital ngayon.
Sana next time makinig na sya. Kase wala naman mapapala kung katigasan ng ulo papairalin. Imbis mapabuti lalo lang mapapahamak. Kapag pinagalitan hindi naman ibig sabihin nun panget na ugali ko o ano pa man, o napaka bossy ko. MAY CARE AT NAGAALALA LANG NAMAN AKO. Sino ba ang magalala sakanya kundi ako na #1 na lage sya asa isip.
Haaaayss sana gumaling na sya ay mawala na ang maga sa face. Alam ko naman na di sya pababayaan ni Lord. Dahil isa sya sa favorite nito.
5 notes · View notes
kimdalanon · 2 years ago
Text
Ba't ba ang hirap?
Tumblr media
Ang hirap din pala kapag nagkaron ka ng output para i-share sa mga tao 'yung nararamdaman at pinagdadaanan mo through art. Simula nung nabuhay ulit ang Linaw, wala akong nagawa kundi harapin 'yung mga bagay na iniiwasan ko sa buhay ko dahil alam kong kailangan ko silang ayusin at 'yung mga gantong issues sa buhay ko ang nagiging dahilan kung bakit meron akong napproduce na designs na may meaning. Nitong mga nakaraan, 'yung concept ng pagl-let go talaga 'yung nananaig. Ilang beses ako dinala nang iba't ibang dahilan para harapin 'yung katotohanang may mga bagay na kailangan bitawan at tanggapin na walang permanente. Dahil sa mga oras na hinayaan ko 'yung sarili ko na wag umiwas sa pag-process ng mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko na kaya naman pala talaga ako nahihirapan bumitaw sa mga bagay na kailangan bitawan ay dahil sa takot na hindi na maulit, hindi na makita o hindi na maexperience ulit 'yung ganap.
'Yung takot na 'to 'yung inaaral kong alisin sa sarili ko kasi wala naman talagang mga bagay na kawalan. Kung may mga bagay na nawala, dahil 'yon sa simpleng rason na hindi 'yon para sayo.
Minsan kasi, tayo na mismo 'yung namimili ng mga bagay na akala natin the best pero hindi natin kinoconsider na sablay din tayo magdesisyon minsan. Gusto ko lang naman gawin 'yung tama. Gusto ko lang mabuhay nang mapayapa. Wala naman akong ginagawang masama, pero alam kong may mga bagay na kailangan baguhin para maging smooth sailing na 'yung mga kasunod na mangyayari.
Para sakin, napaka importante talaga kasi na ayusin 'yung sarili above anything else. Mahirap tumulong na bumuo ng iba kung ikaw mismo kailangan ng tulong.
Alam mo 'yung masaya ka naman sa nangyayari, alam mo naman na okay lahat, pero there's this thing at the back of your mind that resurfaces every now and then. 'Yung bagay na 'yon ang binigyan kong pansin ngayon. Inaalam ko kung bakit matagal siya naimbak don sa likod ng kamuhian ko at bakit hindi siya naayos agad.
Lahat talaga tayo work in progress, walang perpekto. Pare-parehas na tao na nakakaramdam at nagiisip. Bilang isang tao, nahihirapan din ako at sinusubukan na ituwid 'yung mga dapat ituwid.
Madami naman akong natutunan. Itong experience na 'to, ito 'yung nagsasabi lalo na gawin ko 'yung tama para tuluyan nang magkaron ng kapayapaan sa isip.
Magkaiba kasi 'yung peaceful sa labas na walang issue at gulo, pero sa loob ng puso at isip mo merong bumabagabag. Iisa lang naman talaga ang tanong ko sa sarili ko e at ayun ay "Kailan?" Alam ko naman 'yung dapat gawin. Alam ko naman 'yung mga steps na need ko para makamit ko 'yung inaasam kong kapayapaan sadyang naguguluhan lang ako kung paano sisimulan magsimula ulit.
Ganun kasi talaga ang buhay e no? Laging in pairs 'yung mga bagay bagay. Kung gusto mo magsimula uli, kung gusto mo magkaron ng panibagong beginning, kailangan may tapusin ka muna. Para mapunta ka sa next chapter, dapat may isasara kang chapter. Gusto ko na kasi umusad nang mas malayo. Malayo na 'yung narating ko e. Andito na ako oh. Dati pinapangarap ko lang 'yung estado na kung nasaan ako ngayon at ayoko na ulit maging dahilan para mawala sakin kung anong meron ako ngayon.
Parte ng healing kasi talaga is 'yung closure na hinahanap ng past self at inner child natin e. 'Yung mga bagay na hindi natin nareceive at nakuha nung mga panahong kailangan na kailangan natin sila, di naman nawawala 'yon kahit ilang taon na makalipas, kaya minsan, kapag dumating 'yung hiniling nung dating ikaw sa kasalukuyan, nahihirapan tayo na bitawan at iwan 'yung dumating kasi inantay 'yon ng dating ikaw pero gusto ko lang ipaalala sayo at sa sarili ko na din na hindi dahil inantay mo 'yan noon e ayan parin ang para sayo ngayon.
Naniniwala naman ako na ang isip ng tao, dependent 'yan sa mga bagay kung saan naexpose ang isang tao at hindi nangangahulugan na kung ano 'yung nasa isip niya e ayun ang magdedefine kung sino 'yung tao na 'yon. Madaming mga bagay na pumapasok sa isip ko pero hindi ko kinikilusan basta basta 'yung mga 'yon kasi hindi ako 'yon e. Alam kong hindi na ako 'yon at gusto ko patunayan sa sarili ko na hindi na ako 'yon. Nagbabago talaga ang tao e, kailangan lang talaga ng mga taong marunong at handang umintindi. Kaya sobrang importante na laging pagmamahal ang nananaig sa bawat isa. Ang tao kasi, kapag narealize na niya na unlimited talaga ang enerhiya at pwedeng ibigay sa mundo ng isang tao, madali nalang talaga na mag-cling sa mga bagay at experience dahil hindi mo naman nakukuha 'yan dati e. Kaya mahirap talaga maging tao kasi 'yung mga bagay na masarap, madalas ayun pa 'yung nagpapasama. Ayan 'yung irony ng buhay e, nilagay tayo sa sitwasyon na pwede tayong magfocus sa sarap at pagiging chill pero ayun mismo ang challenge na wag malulong sa sarap.
Kung tutuusin, pwede naman kasi talaga na hindi nalang problemahin 'yung ganto. 'Yung tipong is-shift mo nalang 'yung focus mo sa ibang bagay na mas makabuluhan pero nagawa ko na kasi 'yon e. Hindi pala siya effective kasi dadating at dadating ka sa punto na hahabulin ka ng mga bagay na tinatakbuhan mo.
Alam kong hindi lang ako 'yung may gantong problema. 'Yung problema na prone sa pag-cling at sa pagiging hirap sa pag let go. Gets ko naman din kasi kung bakit lalo na kung matindi din pinagdaanan mo para makuha mo 'yung bagay na hindi mo mabitawan. Naiintindihan ko 'yon kasi ayun mismo ang dahilan kung bakit din ako nahihirapan. Para mabuild pala kasi 'yung future nang maayos, need na maging maayos lang sa present at para maging maayos sa present, kailangan magkaron ng peace with the past. I don't have a good relationship with my past in a sense na ginugusto ko na ako nalang nakakaalam nang mga nangyari sa buhay ko, na ako nalang nakakaalam ng mga natutunan ko at gusto ko magfocus ang tao sa kung ano ako ngayon. Wala naman mali dito kung tutuusin, kailangan lang tanggapin ng mga nasa paligid na ganto talaga ako kaso ako mismo, need ko din ayusin 'yung relasyon ko sa nakaraan ko kasi kung di dahil don, di din naman ako magiging ako. Malalaman ko din 'yung mga sagot sa mga katanungan ko at magagawa ko din 'yung mga dapat kong gawin sa tamang panahon. Gusto ko lang magpasalamat sa mga taong umiintindi sakin sa mga oras na mahirap akong intindihin.
Ginagawa ko 'to kasi gusto ko lalo makilala ang sarili ko. Sa pagkkwento sainyo ng mga nasa isip at nararamdaman ko, nakikita at mababasa ko din mismo kung paano ako magisip at maghandle ng mga ganap. Ang weird no? Ako 'yung writer ako din 'yung critic. Kung umabot ko dito, maraming salamat sa pakikinig. Sana mas nakilala mo ako nang mas malalim pagkatapos nito. Sa susunod na magtatagpo tayo, alam mong 'yung kaharap mo ay parang ikaw lang din na pwede mong makausap at pwede mong masabihan na hindi ka nagiisa. Looking forward ako na sana 'yung mga sunod na ilalabas na art e hindi na tungkol sa hardships at struggle. Samahan niyo ako umabot sa point na 'yon.
5 notes · View notes
sourender · 1 year ago
Text
Sa iyong tabi, pangakong mananatili.
Taragis ang dami ko pang plano para satin, Keigo. Huwag ka bibitaw. Hindi pa tayo nagsisimula.
Ayan ang mga salitang binitawan ko nung tinanong mo ako bakit pa ako nananatili, na bakit pa ako naghihintay sa walang kasiguraduhan. Hindi ko rin mawari kung bakit. Napakalalim na rin kasi ng nasisid ko sa pagkatao mo nung mga panahong iyon, at hanggang ngayon patuloy pa rin akong nagpapakalunod sa iyo. Hindi ko na ninais umahon pa simula nung naramdaman ko ang pagdampi ng agos ng katahimikan at init na magpapaalala ng pagsikat ng araw; unti unti akong binalot hanggang sa ito na ang tinawag kong tahanan. Ito na ang naging espasyo ng puso ko na kailan man ay hindi ko na naisipan na kunin muli ito dahil ikaw na ang nag may-ari simula nung araw na iyon.
Naalala ko pa na parang sirang plaka lahat ng mga kanta na ibinibigay mo sa akin. Hindi mabura ang ngiti sa aking labi sa tuwing tinatawag mo akong baby kahit na wala namang tayo. Lubos ang galak tuwing nanonood tayo ng mga pelikula na tayo lang makakaintindi, mga pelikula na nagpapasabi sa akin ng “Tayo ‘yan eh.”
Natandaan ko, tinatanong ako noon kung tayo na ba. Akala kasi ng pamilya ko sinagot mo na ako, ganun din ang mga kaibigan ko. Halos lahat naghihintay para sa matamis mong oo, pero ang hiling ko lang noon ay ang iyong kasiyahan. Mawala man ako, basta masaya ka, ayos na sa akin.
Iyon ata ang nagdikta at nagpabuo ng loob ko na ikaw na nga talaga. Kasi sino ba namang handa magsakripisyo ng kung ano man ng walang pag aalintala. Na mahal nga kita ng walang pasubali, na walang kondisyon.
Tuwing nakakalahati ang buwan, tila may mga bagay na nagbabago sa relasyon natin noon. Ika-15 ng Agosto, niligawan kita. Ika-15 ng Setyembre nanatili ka at nagtiwala kahit na may pag-alinlangan. Ika-15 ng Oktubre, kasal na tayo sa larong nagbuklod sa atin. Ika-15 ng Nobyembre, may singsing ka na sa daliri at naghahanda na tayo ikasal. Ika-15 ng Disyembre, dinala kita sa bansa kung saan ako lumaki at pinakita ko sa ‘yo ang kung anong meron ako.
Ika-15 ng Enero, taong 2022, binago mo ang buhay ko dahil may katuwang na ako sa habang buhay. Binigay ko sa iyo ang apelyido ko kapalit ng matamis mong salitang inilahad mo, marahang sinambit ang iyong pagmamahal sa akin sa harap ng mga taong saksi kung paano tayo nagsimula. Ako ang pinakaswerteng lalaki sa mundo nung araw na iyon. Ako ang pinakaswerte dahil meron akong ikaw. Bukod tangi, ikaw ang palagi, Keigo.
Ngayon, isang taon at walong buwan na ang lumipas, magkasama pa rin tayong bumubuo ng mga pangarap at patuloy na nagmamahalan tulad ng ipinangako natin sa altar. Ako ang sumalubong sa ‘yo sa dulo, kaya nawa’y ako talaga ang kasama mo sa una, simula, at huli.
Mahal na mahal kita. Ikaw ang paroroonan.
Nagmamahal,
Genezo
Tumblr media
Isinulat ni Genezo para kay Keigo habang natutulog ito ng mahimbing sa tabi niya.
1 note · View note
kulayorange · 2 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
3/8/2023 1:48 AM (9)
Dear J,
naalala mo pa kaya to? It all started here. Hindi mo alam nung una palang interesado na talaga ako sayo. Mga pasimple kong ganyan para mapansin mo ko. Nag screenshot pa ko na nalaman ko mga paborito mo para sa susunod ako naman magbibigay sayo ng mga ganyan. Sa simpleng ganyan napapasaya na araw ko at napapangiti ako ng sobra. Ngayon, iniisip ko sana ganyan nalang ulit. Sana umulit ulit, sana hindi nagbago, sana ganyan parin, sana hindi ka nagbago. Pero wala hanggang sana nalang. Hindi ko rin inaasahan na magugustuhan at mamahalin mo rin ako. Hindi ko makakalimutan ang init ng pagmamahal natin sa isa’t isa. Mga halik na walang nakakapigil at mga yakap na sobrang higpit. Kaso wala na e. Hindi na kita mapilit. Dahil sa sakit na nagawa ko sayo ayan mas lalo kang lumayo na sakin. Yung dating mahal ako, biglang hindi na ako mahal. Yung dating kailangan ako, hindi na ako kailangan. Yung dating gusto akong kasama, ngayon ayaw na ako makita. Yung dating gusto ako kasama sa lahat ng bagay, ngayon hindi na. Yung dating kasama ako sa mga plano, ngayon hindi na. Yung dati nagsabi ng mga pangako, ngayon nawala na. Ang sakit pala maiwanan ng tuluyan. Sa lahat ng pinagsamahan natin at pagmamahalan, lumaban ka pero hindi ka lumaban hanggang dulo. Pero hindi kita masisisi kasi sobra na, naubos na kita, pinaramdam ko sayo na hindi kita mahal. Pasensya na ha? Hindi kita minahal ng tama. Dapat lang talaga na iniwan mo ako kasi hindi ako marunong magmahal ng tulad mo. Sorry sa mga kasalanan ko, sorry sa lahat ng pananakit ko sayo. Hindi kita gusto pakawalan pero kahit kasi anong gawin ko ayaw mo na ayaw mo na ako balikan at ayusin. Sayang lahat ng pinaghirapan nating dalawa. Lumaban ka nga pero hindi tulad ng paglaban ko, hindi ka nga sumuko pero sumuko ka sa huli. Iniwan mo sakin mga salita mo na hanggang salita lang. Hindi mo ako pinanindigan talaga. Siguro hindi kasi talaga ako yung mapagmamalaki mo. Hindi kasi ako lalaki, hindi ako christian. Makasalanan na ako sa tingin mo. Na dati na alam mo tama lahat ng ito, pero ngayon diring diri kana. Miss na miss na kita palagi at araw araw. Walang araw na hindi kita namiss. Pero wala na e. Hangin nalang ako sayo. Hindi mo na ako nakikita, wala ka ng pake, kasi wala ka ng nararamdaman. Sobrang lungkot araw araw at gabi gabi. Buti ka pa masaya at maayos na. Ang bilis mo tanggapin at iproseso lahat, samantalang ako aabutin pa ata ako ng ilang taon para tuluyang matanggap na yung taong pangarap kong makasama at pakasalan, nawala nalang agad. Alam ko kaya naman natin to, sadyang ayaw mo nalang talaga. Wala ka ng lakas para sa relasyon natin. Kasi pinagod at napagod kana. Ang hirap hindi na kita nakikita palagi. Ang sakit inalis mo nalang ako sa buhay mo ng ganun. Basta tandaan mo, kahit anong mangyari alam ko kung paano tayo magmahalan. Alam ko alam mo kung gaano kita kakilala. At kapag kailangan mo ng taong iintindi sayo, alam mo kung saan ako matatagpuan. Mahal na mahal parin kita. Kahit ano mangyari mahal kita. Kahit wala na talaga, nandito lang ako palagi. Marami akong sakit na nararamdaman pero yung pagmamahal ko sayo palaging mananatili. Hanggang ngayon tandang tanda ko parin kung paano nagsimula ang lahat. Yung tamis at saya. Pero wala eh. Natakpan na ng galit, sakit, pagdududa, hanggang sa mawala na ng tuluyan yung pagmamahal mo sakin. Alam ko, ang gago ko kasi. Naging kampante ako na kahit anong mangyari satin, tayo at tayo parin. Nabulag ako sa alam kong sobrang mahal natin isa’t isa. Kung maibabalik ko lang yung oras at lahat ng mga nagawa ko. Pero huli na ang lahat kaya mamahalin nalang kita hanggat nakikita ko pa ang buwan. 
0 notes
dwtwn-rndabt-ride15 · 11 months ago
Text
Hello Beibu,
Happy Anniversary to us. 💖
Ayan nakita mo na tuloy tong original blog para sana satin. Di ko na naupdate kasi sa dami ng picture tapos madalas naman rin tayo magkasama. Dont worry, iupdate ko ito soon para pag nagpunta ka na Canada. Para, may shared blog tayo. Tapos, pag may di magandang mangyare, may mababalikan kang ganto. Ganun. 🙂
Anyways, medyo nasad naman ako kasi nag expect ako na babatiin mo ko ng midnight ng anniversary natin kasi nga madalas ka rin naman na magpuyat tapos baka kako may paganun ka. Pero hamuna, siguro ganun talaga.
Wish ko sa anniversary natin, na sana naging masaya ka kapag kasama mo ako. Alam ko, may mga pagkakataon na hindi maganda. May mga away na akala ko hanggang doon na lang tayo. Minsan naiisip ko, di talaga ako deserving kasi parang di ko alam kung may nagmamahal ba talaga sakin. May mga panahon na pinanghihinaan ako, kasi pakiramdam ko hindi ko kaya makipagsabayan. Na kapag dumating ung araw na ako na lang, walang maghahanap sa akin. Di naman sa umaasa ako na maging ganun ako sa maraming tao. Pero ung naramdaman kong importante ako para sa isang tao, masaya na ako dun.
Ngayong anniversary natin, tatanungin ulit kita at bibigyan ng huling pagkakataon. Kung ayaw mo na po sa akin, sabihin mo na po. No hard feelings. Magpapasalamat ako kasi naka isang taon tayo. Na sana sa panahon na un, napasaya naman kita kahit paano. Kahit ganto ako.
Pasensya ka na kung ganto bungad ko sayo sa anniversary natin. Lately ang dami ko naiisip. Alam ko marami akong issues na kailangan pa ayusin. Pero kung pakiramdam mo po na gusto mo pa tumagal kasama ako, lagi naman po akong nandito. Masaya ako pag ganun, kasi alam ko may makaksama ako sa mga pagkakataong di ko alam ang gagawin ko. May mga oras na naiisip ko, gusto ko na lang mawala. Kaso minsan naiisip ko, may kasama ako pag ganto, kailangan mag reach out ako.
Sabi ko dati, baka di na ako mag asawa. Kasi pakiramdam ko di naman ako pang ganun. Sino ba may gusto na ung nanay ng anak nila ganto? Lagi kong nararamdaman na di ako deserving sa mga ganun kasi kulang ako ng emotional capacity para gawin un. Pero ewan, sabi mo wife material nga po Beibu. Sobra siguro kong nakundisyon sa ganoong mindset, na tipong lahat nalang ng negatibong bagay lang ang nakikita ko. Salamat kasi pag may mga pagkakataong ganun, nakikita ko na di naman pala ako ganoong klase ng tao. Kasi pinaparamdam mo sakin at hinahayaan mo na marealize ko na ganun pala ako. Na di lang ako basta ganto. Salamat po kasi di ka nagsasawa sa akin. salamat palagi. sa mga pagkakataon na masaya tayo, hanggang sa pinakalowest natin, di mo pa rin po ako iniwan.
Ang saya balikan nung mga ala ala natin sa nakalipas na isang taon. Nung pumunta tayo ng MOA, tamang trip lang ng lasing pero natuloy pa rin. 😅 hehehehe. Tapos late night nating uwi galing Baliuag food park. Mga time na OT kami tapos magpapang abot naman tayo. Binigyan mo pa ko ng yumyum. Late nights na punta mo dito sa bahay, yung unang sama ko sa QA. Dyan pa ko sa inyo nagpasko tapos bago pa umalis sila lola and tita mo,pinakilala mo na rin ako. Late november to December pa lang na happenings yun, lalo na nung nag january and so on. Sa dami ng naging lakad natin, nasanay na ko na lagi ka kasama. Na kapag lumakad ako minsan mag isa, pakiramdam ko may kulang. Salamat, kasi lagi mo ako sinasamahan kahit sa mga maliliit na bagay. Sa pagtulong mo kapag magpapalaba ako tas sasama ka. Dati, ako lang mag isa gumagawa nun, tas aaminin ko medyo nagtatampo ako kay dadi pag ganun kasi ako di tinutulungan tapos si ate rose nakaabang na sya. Sa simpleng bagay na yun, nararamdaman ko na talaga sigurong mag isa ko bubunuin to. Pero nung nakilala kita, nakahanap ako ng katuwang. Na kapag nagkasakit ako, may tutulong sakin tas mag aalaga. Overall na pakiramdam, di na kagaya dati na ako lang mag isa.
Tapos sasabihin nila na nasa mali tayo? Di ko alam ah, pero sa tingin ko nasa tamang tao ako. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, naramdaman ko na ayaw kong mawala ung taong importante sakin. Sana maintindihan mo, sabihin na nating selos kahit minsan wala sa lugar, na ikaw lang rin ang mayroon ako. Sila dadi may kanya kanya na. Nagkanya kanya na sila lahat sa bahay na to. Gusto ko rin maramdaman na may katuwang. 9 years old pa lang ako ganun na. Naisip ko na panahon na rin para isipin ko ung sarili ko. Ung kinabukasan ko. Kasi ako nalang ang walang kasama. Kaya ngayon alam mo na ibig ko sabihin pag sinasabi kong oag nawala ako, wala naman mag eexpect sa akin. Kasi nga, ayun...
Hinihiling ko sa atin na sa bawat araw, lalo pa nating mahalin ang isat isa. Pero syempre, yun ay kung gusto mo pa ako diba. Part one palang to ng mga pagdadaanan natin. Marami pa to.
Alam kong hindi madali, pero alam kong kakayanin natin kasi ikaw ang kasama ko. Ikaw ang John David Camua De Leon na nakilala kong lagi kong makakasama sa hirap at ginhawa. Sa saya at lungkot, magkalayo man tayo sa magkabilang panig ng mundo. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin at hahanapin ko palagi.
Happy Anniversary. I Love You 💖
-sai
0 notes
karismaganda · 3 years ago
Text
Hi baby, My Babu! My Happy Pill!
By the time na matanggap mo 'to, for sure hindi na tayo magtatawagan ng "by". Bye na pala kasi hahaha charot. I am writing this from the moment you turned your back to me. Ang dami kong narealize. Ang dami ko ring nalaman at natutuhan.
To begin, gusto kong paulit ulit magpasalamat sa pagdating mo sa buhay ko. Meeting you made me so happy and let me feel how to love and be loved. Maraming "first time" na ikaw lang nakapagparamdam sa akin. Sa maikling panahon, minahal kita agad dahil sobra sobra mo akong alagaan at pag effortan. It was a love so pure na first time ko mafeel. First time ko ngang maligawan e. First time kong makipag date sa tagaytay, first time kong naging vulnerable and honest if I can't handle my emotions anymore.
Tinuruan mo akong hindi naman masamang maging mahina, umiyak paminsan minsan, lalo na andiyan ka naman para patawanin ako pagkatapos kong umiyak. Tinuruan mo akong magkaroon ng "sweet escape" kasi sabi mo toxic sa trabaho ko, ilalayo mo muna ako, isosoli rin pag okay na hehe. You've taught me to do everything para sa pangarap. Naniwala kang kaya kong maging reporter. Naniwala kang magaling ako at malayo mararating ko at palagi kang magiging number 1 fan ko.
Super sarap sa pakiramdam na hindi lang pag push yung ginawa mo sa akin, parang pangarap mo rin kung ano yung pangarap ko. Sobrang excited ko nga nung tumirik mrt di ba haha tas pangalan ko nandon, nakita ko gaano ka kasupportive non kasi inabangan mo sa tv. I know, i made you proud pa rin naman, naging proud ka at some point na ako ang girlfriend mo.
First time kong magdala sa bahay ng jowa hehe first time kong maipakilala jowa sa buong angkan ko, first time kong umuuwi na kasama jowa para magbakasyon. You were my everything. Ikaw naging pamilya ko, kaibigan ko, mentor ko, boyfriend ko. Ikaw nga yung pahinga ko di ba? Tanda mo ba non kahit ilang oras lang ako makakatulog, basta katabi kita narerecharge na ako. Sayo ko naranasan lahat lahat by. Sayo ako naging masaya ng sobra sobra.
Thankful ako for the good and bad days. Super mabuti kang tao, sa pera ka lang talaga nagkakaproblema kaya kinakailangan mo magsinungaling o nakakagawa ka ng di tama by, and i dont blame you for that. Lahat yun by tanggap ko sayo.
Hindi ako perpektong girlfriend, i wronged you many times din. Inaamin ko lahat ng pagkakamali at pagkukulang ko bilang girlfriend mo. Pinipilit kong bumawi, sana nakita mo rin yon. Alam mo naman yan lagi kong niyayabang di ba harapan ko pang sinasabi sa ex ko na ikaw at ikaw yung pipiliin ko. Na walang papantay sayo.
First time ko tumira sa inyo hehe 3 months yon na puno ng pagmamahal. Umuwi ako, okay tayo. Nagulat na lang ako nakikipag hiwalay ka na. Pero naaalala mo rin ba yung panahon na akala ko di ko na kaya? Sabi mo sa akin wag kitang iwan. Hindi kita iniwan kasi mas nananaig yung pagmamahal kaya gusto ko lumaban di ba?
Hanggang sa ayan na nagkaroon ng iba, sabi mo wala lang, may atraso ka lang tinanggap kong harapan di ba? Na dalawa kami wag ka lang mawala sa akin. Tinanggap ko lahat hanggang sa nalaman kong mahal mo na pala talaga, na may nangyayari na pala. Tinanggap ko lahat kahit ang sakit sakit, na sa kabila ng lahat ng yon hangad ko pa rin di ba na maging okay lahat? Lalo ka na. Nag aapply ka non kasa kasama mo ako di ba? Lahat ng pwede ko maitulong, ginawa ko para maramdaman mong di kita sinusukuan. Na kahit tinalikuran ka ng mundo, may RC na tanggap ka ng buong buo.
Nung gabing pinili mo ang ibang tao, hindi ko alam saan ako magsisimula. Saan ako nagkulang? Na bakit nagawa mo yon kahit hindi kita tinalikuran?
Lumipas yung mga araw na tanong ako ng tanong sa sarili ko kung bakit hindi ko naipanalo yung laban? Kung bakit mo ako sinuko? Masakit na yung taong naging mundo ko, tinalikuran ako ng ganon ganon lang. I tried moving forward kahit ang totoo para kong pinapatay ang sarili ko araw araw, umaasa na baka kausapin mo ako. Sagutin mga tanong ko. And you did, message ka ng message pero di para kausapin ako. I tried ignoring your calls, and messages kasi alam ko sa sarili ko na may nagpapasaya sayo e.
Not until nagmessage ka gamit account ng papa mo. Dito ako umiyak ng sobra di ba kinekwento ko sayo na kung paano ko sinusurvive yung araw na yon, tapos nabasa ko message mo. Hindi ko rin alam anong nangyari, eventually nag-uusap na tayo, feb 18, tumawag ka umiiyak ka. Na ako iyak na rin ng iyak kasi humihingi ka ng tawad sa tawag. Na pinagsisisihan mo sabi mo yung nangyari nung gabing pinalayas mo ako.
Nagkita tayo for the first time ulit. Strong strong pa nga ako non biruin ka na nung ako ang girlfriend mo alaga ka sa akin tanda mo pa ba? Sa popeyes tayo nagdinner, tumambay sa centris, pinag usapan lahat nung nangyari nung gabi. Humingi ka ng tawad. Yung mga tanong ko binigyan mo ng sagot.
Hanggang sa naging maayos na, sumama na ako pauwi sa inyo di ba kahit ilang beses mo akong ayain, di ako sumasama? Okay na tayo, pero may kausap ka na agad. Pinapili kita, sabi mo wala na yon, kausap lang. Nangyari na ang mga dapat mangyari, wala naman akong pinagsisisihan kasi wala naman akong ibang gugustuhin pagbigyan ng sarili ko kundi ikaw lang.
Halos live in na nga tayo sa loob ng 1 taon na nagbalikan tayo e. Mahirap sa part mo pag nag aaway tayo dahil sa kakaisip ko naiintindihan ko naman. Pero sana, sana naiisip mo rin na may part ka rin kung bakit ako naging paranoid. Kung bakit ako natatakot pag may kausap ka. Na pag lalabas ka gusto ko sumama, kasi gusto ko mafeel na happy ka na ishow off ako.
Sobrang daming nabago by. Iba kasi yung sinasabi mo sa pinaparamdam mo e. Gustong gusto ko laging kasama ka, gusto kong kasabay kang kumain. Kilig na kilig pa ako pag pinaghihimay mo ako ng isda.
Totoo naman by, wala akong ibang alam kundi prito lang. Walang wala akong panama sa kanila. Pero di ba sumusubok naman ako? Nag eeffort akong pagsilbihan ka. Hindi mo na ba talaga nakita yon? Hindi mo na ba talaga naappreciate yung effort ko?
Bago ka ma-hire sa cnx, minessage kita di ba na natatakot ako, na paano ako pag may work ka na? Kasi baka ipagpalit mo ako. Lahat ng worries ko sinabi ko sayo, sabi mo sa akin wag ako mag isip. Kasi di ka naman mawawala.
Anong nangyari? Anong nangyari sa atin? Bakit ang bilis bilis mong sumuko? Bakit ang bilis bilis mong magmahal ng iba? bakit hindi ka naghanap man lang ng kahit isang rason para lumaban? Ang dali para sayo by e. Naiwan ako sa ere. Naiwan ako na mas maraming tanong. Naiwan akong lumalabang mag isa.
Akala ko masakit na yung una, hindi pala. Wala palang mas sasakit dito. Kasi sabi mo naman hindi ako kulang. Kaya hindi ko rin alam saan dapat magsimula. Kahit nga sana kausapin mo lang ako ng maayos same sa kanila, makakabawas na sana ng sakit e. Di naman ako ang kalaban mo by. Nagmahal lang ako. Mahal lang kita. Nasaktan at nasasaktan pa rin ako by. Sana marealize mo rin yon. Wala ng natira sa sarili ko, kasi lahat binibigay ko sayo. Ikaw lagi inuuna ko pero di ba para sayo, selfish ako? Gusto ko na nga lang maging selfish by e. Yung akin ka lang. Kaso kahit naman anong laban ko, talo na ako. Kasi matagal mo na akong isinuko. Sana may maganda rin akong nagawa bilang girlfriend mo. Sana i made you happy and proud.
Alam ko naman kasing pinagsisisihan mong binalikan mo ako. Pati nga ata pagkakakilala natin pinagsisisihan mo, di ba sabi mo non sana si e... na lang at hindi ako. Sana siya na lang unang nakilala di ba? Hindi ko na talaga alam kung ano naging lugar ko kung ganon naiisip mo. Paulit ulit mo naman akong pinipili. Kaya sobrang hindi ko alam anong nangyari. Ako yung kasama mo sa bahay pero di naman ako yung mahal mo. Kaya ang sakit sakit na binubuo ko pangarap ko kasama ka, out na pala ako sa buhay mo. Masakit lahat ng nalaman ko at nangyari. Masakit na sinukuan mo yung laban. Masakit na talikuran mo ako habang binubuo kita. Never kong pagsisisihan lahat sa atin. Kasi Im at my happiest years of my life when im with you. I apologize sa lahat ng shortcomings ko bilang girlfriend mo. Sana mabigyan mo rin ng chance na patawarin ako sa lahat ng pagkakamali at pagkukulang ko. Gusto kong sabihin na iintayin kita, pero kasi alam kong hinding hindi na kita makakasama, hindi mo na pipiliin pang makasama ako. Mapapatawad din naman siguro ako ng sarili ko for wanting the best for you.
I'll be happy for you. I'll continue rooting for you. Ipagdadasal pa rin kita palagi. Proud ako sayo by sa lahat lahat, kinaya natin. Kinaya mo. I'll be okay, I promise. Di lang siguro agad agad pero pipilitin ko.
Thank you for everything. Thank you for the love and memories na babaunin ko for life. Hangad ko ang kaligayahan at kung ano ang makabubuti para sayo kahit hindi na ako. I want you to be happy even that doesn't include me. I love you by! So much! Mahal na mahal kita Dexter Ian. Palagi mong tatandaan na may RC na maniniwalang kaya mo lahat, mahal na mahal na mahal kita ha. You will always have a special place in my heart, in my life. Sayang nga lang di na ako ang kasama mo mawitness lahat na natutupad mo na goals mo. Tatandaan mo lagi, isa ka sa mga naging best decisions ko sa buhay ha. I love you so much! Hindi ko kayang magalit sayo, mas nangingibabaw lang talaga yung sakit. If God permits, I would love to see and be with you again. I love you. Im sorry.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Letter that I can't send to him.
5 notes · View notes
allinsidehermind · 2 years ago
Text
HINDI AKO MAGPAPAAPEKTO SA’YO, ABIGAIL. KUNG BABALIK KA, BUMALIK KA. PERO KUNG HINDI AT WALA NA TALAGA, UTANG NA LOOB ‘WAG KA NA GUMAWA NG PARAAN O KAHIT ANO PARA MAPANSIN KITA. MAHINA PA AKO.
alam mo ‘yung feeling na nilalakasan ko lang loob ko para mawala ka sa sistema ko, tapos ayan ka magpaparamdam, you’ll catch my attention and i’ll come running towards you tapos kapag nandyan na ko - ikaw ‘yung parang walang reaction? ba’t naman ganon? inaano ba kita?
3 notes · View notes
sunajax · 3 years ago
Note
babe ko happy valentine’s day
babe thank you because you always there for me, loving me unconditional and i love you.,
babe i know we argued sometimes but i the end of the day we always settled it,
i love you babe, you are my only one., i vow to love you,. and no matter what challenge might carry
us apart.. we always find our way back to each other,. pangarap ko babe ko (future wife ko), sexylove ko
mahal na mahal kita babe ko.,. happy valentine’s day..
finally!! tiwala lang babe magkakasama rin tayo.. dito na tayo mag celebrate sa wall ko.,. wait kita babe ko..ayyyyiiiie exited na ko babe ko na makasama ka,. magagawa din natin ang hindi na natin magawa.,.
pero pag legal na po tayo bothside i think babe baka naman tau na ang magsawa.,. thank you po sa lahat
lahat babe ko.,. suportahan na lang po natin ang isat-isa babe ko para mas lalo pa po natin mapagtibay
ang relasyon natin.,. nag papasalamat ako kay god kase ikaw yung special gift nia sa akin.,. babe ko
pasensya na minsan nagliligalig din ako babe ko, na mimiss lang po talaga kita,. salamat babe ko kase kahit tupakin ako andito ka paden sa tabi ko, hindi mo ko magawang iwanan, hindi ka nagbabago,..
para sayo babe ko di kita ipagpapalit sa iba kase mahal na mahal po kita.,.
sana pag na basa mo to.👋kahit busy ka😂👊 basahin mo padin to kahit paulit ulit hangang sa maumay kana sa ka kornehan ko😄😄babe ko..
haha d mo pa nasisimulan ako na yung kinikilig.. kahit araw araw ko man gawi to.ok lang mapasaya lng kita.,. pasenya na babe sa kadramahan ko kung baga. 😑 sasabihin mo nanaman dami kong alam😒😒. e sa gusto ko e. 😂 hmm paano ba to wag kang kiligin hah mainis ka nalang haha oa e. 😅 miss na miss na kita 😕 gusto kita ult makasama.ksi nga diba alam mo na. oh sya uumpisahan ko na pwede na tong ipadala sa mmk✉ 😂. sa kasweetan kong to pati kilikili mo namamawis na. 😂 oh sya. ehem.mahal kita kaya iintindihin kita ☺. kahit sobrang hirap na di tau legal bothside..
kahit nakakapagod na minsan. pero alam mo ba kahit na ganun 😏😪. hindi ko inisip na sumuko 😒. hindi ko inisip palitan ka. kasi nga mahal kita! 😂. alam mo ba yun? nakakainis at nakakatanga man isipin pero hinding hindi kita iiwan. kahit nagmumukha pa mang akong tanga sa ibang tao 😂.kahit ilang beses mo pa akong pinapaiyak tuwing nag aaway tayo (oops sory babe nadulas ako). titiisin ko ☺💔🙈. ayoko kasing mawala ka eh. wag ka sanang mainis kung masyado akong selfish 😅. gusto ko kasi akin ka lang. ayoko ng kaagaw. wag mo akong ipagpapalit sa iba ha?😂 i love you so much more babe 😍💘
i hope u appreciate my simple gift for you.🎁 wag kang kiligin jan simple lng yan haha tumigil ka!.😁 tapos😆 wedding na 👰⛪��🙉🙈😻😹 chos! *nangarap* yung sabi mong kapit lang ha👫 uo naman alangan bumitaw pa ako hahaha di na kita bibitawan. haha joke. kakapit ako as long as i can. as long as i love you
☺😊 be patient lang ha. kasi ako sobra sobra sobrang haba ng pasensya ko kahit na sarap mo ng batukan.😡hindi man ako kagwapohan atleast totoo ako sayo😊😄 sorry kasi minsan malandi ako 😠👊 kasi palagi mo nalang akong pinagseselosan😶😈😈 wag mo akong iwan kotong ka talaga sakin😛😂👊 hahah hah ha d joke lng babe😂😂✌ syempre hindi ko magagawa sayo yun😚😘 mamahal kita eh babe.😍👑 salamat sa pag iintindi sa ugali ko. 😅 thankyou din sa pag checheer up sakin tuwing down na down ako  at sasamahan mo pa ng pang aasar e. 😑 haha alam mo, syempre d mo pa alam ksi sasbihin ko pa lng . eto na 😁 even though we have our fights, we get pissed at each other and sometimes we just go off. but one things is for sure i never give up on you. 😗 💪ugh shit! english. ako na nosebleed 😨😧😂 haha mahal na mahal kita alam mo yun diba sabihin mong hindi... makakatikim ka talaga ng kotong 😂💪👊 tas kakagatin kita sa braso mo😁😁 tas may pahabol pang kurot sabay kiss😘😘😄😄 kasi pagktapos ko gawin yun babawi ka 😝😝😝😜 mababaliktad ang lahat ikaw na ang galit 😞😂 ikaw na ang mangbubugbog hahhha pero ang lakas mo talaga maki pagaway sakin💪👊😂 kagabi lang😱 kaya hindi ako napapagud sayo kasi ako kumukuha ng lakas babe😍👑
you are the reason why i became stronger. but still, you are my weakness. i promise not to go away if u promise to stay. 🔒 stay with me please just hold on. 🙏😔 bat kasi sobrang ganda mo. 😑 hahahaaa😁😁😚! yan naman talaga yung kanina mo pa hinihintay na sabihin ko wag kang ngumiti jan ngayon lang yan. ganda mo kasi. 😍 haha naalala ko tuwing nagmamayday ka pacute ka ng pa cute 😂
*kalog*nakakagigil lang e.😘😊. tuwang tuwa kana niyan? 😂 yang pang aasar mo na wagas at sagad alam ko naman na yun yung way mo para maging sweet. 😑 pero over na a👊 kiss nalang sa pisnge dapat 😂 oh baka d kana fucos sa pag-aaral niyan kakagatin nman kita😂 😍 a may bukas pa para makapagchat pa tayo. taposin mo to ha. 😙😘😚 ngayon lang ult ako magpopost ng ganitong long sweet message. 😀😁 i love you, i’m inlove with you 😍 and all your little things. hahaha english again!! mahihimatay kana niyan! 😅miss ko na yng kalog mo sakin e *mapagasar* uwi kana nga dito sa bahay para naman maakap ulit kita.,.hnd na ako magagalit! ang hirap lang kapag maganda ang gf mo daming nag hi/hello 👊 dami mang humahaliparot sau deretsyo lang ang tingin! 😡👀 at sakin lang ah! kung hindi naku! mananapak talaga ako. 💪😂 hahah😁😁👊! yung mga promises ha pakitupad pls! 😊 yung mga bilin ko ha. wag kalimotan matanda na ako pero hnd ulyanin alalahanin 😘. at kahit na minsan wla kang pasimtabe. nababalewala ako. ok lng matatag to. 😊 change for the better! but don’t change the whole you. stay sweet,carring, and masungit 😑😊. babe! akin ka lng puedi? haha sorry madamot ako e. 😊 ohh siya taposin ko na ng maisara mo na yang nakabuka😨😷 mong bunganga.😁😂🙈 ill always be here for you. to support you. i’ll always love you no matter how the world tries to separate us. 👊 i’ve never loved anyone the way i love you. your my other half. my love. my girlfriend. my happy ever after. you’re everything i have ever hope and wished for. thank god that you found me and i found you.  😍😍😍😍😘😘😘😘😚👉i love you babe muah😍😘
akala ko dati wala nang tatanggap sakin kase ganito ko pero hindi pala meron pa palang ikaw 👸❤ na mamahalin ako kung ano ako at tanggap ako thankyou. i just want you to say i love you with pure honesty is morethan enough ❤❤❤💕💓💑 muaahhhh 💋💋💋 trust makes us stronger together 💑👫👪❤ gusto ko lang ipagmalaki sa lahat ng makakabasa yung girlfriend kong walang katulad. una sa lahat at hindi sa huli happy valentine’s day charot hahahaha i love you babe😊😍😘 hindi ko alam pano i eexplain sayo kung gano kita kamahal because words aren’t enough to explain how much i do. uy kiligin ka jusme kahit araw araw ko man ginawa to at hindi ko inakalang ma’s mahaba pa to sa pagmamahal ko sayo. hahaha ang corny neto pero wala eh tinamaan ako sayo mahal kitang maligalig ka kaya ayan gusto ko malaman mo kung gano kita kamahal gusto kita mapangiti at mapasaya kahit hindi ako ganto, kahit anong klase ng kakornihan hahamakin ko para sayo (haneeep😂) sobrang thankful ako na pinakilala ka ni god sken. alam mo na rin naman yun walang nag akala na aabot tayo sa ganto imagine dati ang sinasabi nila hindi tayo tatagal pero now yung mga nagsabi nun nakailang jowa na but we’re still together. 😨😍😍 siguro isip isip ng mga yun wow sila pa din? hahaha. oo tayo pa din ❤ at hindi ko hahayaan na masayang yung kung ano mang meron tayo 😊 (walang papalag👊) ang dami na kaya nating pinagdaanan, ilang beses na din tayo muntik na tuluyang maghiwalay, sa huli tayo pa din talaga 😊❤ (hays inlove na inlove ka kasi sken pero its a tie ganun din naman ako sayo😊) alam kong napakaselosa mo, alam ko din na kung minsan napipikon kna sa ugali ko, alam ko na minsan sumosobra na pagiging insensitive ko at nasasaktan na kita pero hindi mo ako iniwan 😊 nagtiis ka. pinakisamahan mo ako ng maayos kahit madalas ang sarap ko ng sapakin. (di mo ko masapak kasi boss ka pero big boss ako. bwahaha) hindi mo ako binitawan kahit nung time na alam kong pwede mo akong iwan, sumosobra na ko pero ikaw natitiis mo. pag may topak ako damay ka pero napapakamot ka na lang ng ulo sabay tanong ng “anong gusto mo gawin ko abnuy ka” at syempre dahil abnormal ako papakantahin kita. papasayawin or pagtitripan tapos ikaw okay lang sayo. okay lang sayo kasi ang gusto mo lang naman ay ang makitang masaya ako. 💯😊😍 ang lakas makahaba ng hair nung feeling na alam ko at some point napagod ka pero kahit ganun nag stay ka 😍💋 every relationship has bumps but the ones that prosper are able to do so because they dont give up. ang dami nating away bago umabot ng isangbuwan. ilang beses ka nasaktan, ilang beses ako nasaktan, ilang beses tayong nagkasakitan, ilang beses tayong nahirapan pero ganun naman talaga diba? true love ain’t easy and easy ain’t true love 💘✔💯 ngayon mag-isang buwan na tayo next month tapos ngayon papakasalan na kita joke lang po 😊💋❤ hindi perfect yung relationship naten but i dont want a perfect relationship cause all i really need is a relationship with you. hindi ko kailangan ng perpekto ikaw lang ang kailangan ko. diba palagi kong sinasabi sayo na sayo lang ako hanggang bukas pati sa mga susunod na bukas. kahit gwapo ako (joke) papanindigan ko yan 😊 kung meron man akong hindi gagawin hindi kita bibigyan ng dahilan para iwan ako dahil hindi ko kayang mawala ka sken 😊 sorry kung masyado akong oa, at seloso ang ganda mo kasi kaya takot na takot akong mawala ka haha but i fell in love with you not for how you look, just for who you are 😍😊😘 so there’s this girl, and the way she laughs makes me smile, and the way she talks gives me butterflies, and everything about her makes me happy, and that is you, you are my one and only 😊 ang pagkamamahal ko sayo parang pabebe boy.. walang makakapigil 👊✋💯😛 kahit bigyan mo ko ng isang daang dahilan para iwan ka may isang dahilan para mag stay sayo at yun ay dahil mahal na mahal kita. hindi ko sasabihing mamamatay ako pag nawala ka gasgas na yun haha, pero seryoso pag nawala ka mawawalan ng saysay ang buhay ko. at pag inagaw ka hindi ako magpapakamatay dahil makakapatay ako (hahaha matakot na kayo mga bes 🐍🐍🐍) joke lang, masyad
first of all pota?!?!?! did u make this or what HAHAHA second of all ofc sayo lang ako yieeee pota gatekeeping HAHAHA,, geh nga give me 100 reasons why you love me HAHAHA tangina jae what is this AHAHHA the fact that i read it but pota i had a hard time kasi there was so much tagalog gago AHHAHA
7 notes · View notes
kwentongclengguh · 3 years ago
Text
pause - then communicate
This fight started from a joke. We had a different perspective on the question he asked me.
“If you had a superpower, and you’re a mom - would you teach your kids your superpowers, to become like you, a superhero?”
I said undoubtly said, “yes.” He asked why. “Because I’ll be leaving soon enough and for all I know, it’s how you protect the people you love. You teach them how you protect them, so if mawala ako, they’ll know how to protect themselves, also, others.” He said, “ako, I won’t. Kasi kung concern ka talaga sa mga anak mo, you wouldn’t risk them or make them learn your way to just adapt what you have, that’s protecting. Delikado mag fight ng evil eh.” Then I said, “eh paano pag nawala ako? Who would protect them?” sabi pa rin nya, “no - mga anak mo sila e. Sino bang magulang ang ipapahamak ang mga anak?” Then that’s how it started. “So you’re telling me, I’m gonna be an irresponsible mother?” He thought I was joking, so he said “yes, kasi ipapahamak mo ang kids eh.” 
To be honest, binaba ko halfway yung laptop screen. Sa laptop ko kasi sya kausap. Nabadtrip ako - ang sakit ng puson ko, ng ulo ko, wala pa akong tulog, may inom pa sya. He kept on explaining - pero maya maya, sabi nya, “you can’t take a joke? wow. okay. nakakasira ka ng mood.” When he said that, I hung up.
Ayokong magsalita. Ayokong magsabi ng masasamang words. Tapos nagchat sya. “Really? You really can’t take a joke??? Fine by me.” IT GOT ON MY NERVES. Gusto kong manapak. So I called him. Me: Anong problema mo? Sya: Ako ba ang may problema? Wag mong idahilan yang period mo. I was joking and you know it. Me: I don’t. And plus, that’s not a good joke. Really, you’re gonna say that to my face, that I’m going to be an irresponsible mother? You don’t have the right to say that. I know a lot of irresponsible mothers and I know I’m never gonna be one. Sya: I was joking! Alam mo, we’re fighting non-sense. *hangs up*. Me: *Calling* SAGOT (sa chat). *hindi sinagot, calls again*. sagot. (sa chat) Sya: What Me: You talk to me! Look at me! Sya: I’m talking to you! Diba??? Ano ba to Me: Wow really???? Then look at me. Sya: Okay, edi sorry. Yun naman diba ang gusto mo, magsorry ako? Edi sorry. Okay na? Me: *looks in disbelief* *mutes myself* *naiiyak na* After approximately 5 minutes... Sya: Beb.. beb.. Me: Ano Sya: Look, I did not mean it that way. It was supposedly a joke and funny. But I think I joked in a bad timing. I’m sorry. You know, that’s not how I meant it. I know you’re going to be a great mom, alam mo bakit? Kasi look at how you take care of your dogs.. and nieces and nephews.. sobrang alaga mo. How you manage to still clean your house, kahit pagod ka na from work, how you wash the dishes.. inuuna mo ang iba kesa sa self mo, tapos paano ka mag aral mag luto, gumagawa ka pa rin sa bahay kahit pagod na pagod at wala ka pa ring tulog.. You’re going to be a great mom, and I know it, and you already know it. I’m sorry beb.  Me: *starts crying* Sya: Are you crying na??? Ala. Wag na umiyak please. Me: Alam mo, alam ko na yan. Alam ko na I’m going to be a great mom. Pero you being fine na hindi magcommunicate after a misunderstanding?? Bakit ganon, parang okay lang sayo na hindi tayo okay? Sya: *laughs* Eh ano na bang ginagawa ko ngayon? I’m communicating na nga. I’m telling you na nga my point, and I’m sorry. *laughs again* Alam mo beb, natutunan ko nun sa ex ko, na obviously, kaya ko syang mawala. Kasi ang taas ng pride ko dun beb. Alam mo yun, ginagawa ko lahat para umayaw na lang sya. Let me tell you what, and let’s discuss this habang maaga pa. 
“When we’ve come to a point, na super nag aaway na tayo, yung as in sobrang away, tipong bad and big fight talaga - let’s pause. And even if we don’t make up by the end of the day, it’s because maybe we still need some time to cool off our heads and mind. We talk in the morning, when we’re both calm, and able to talk about our feelings and sentiments and lahat from the fight. Kasi nothing good ever happens from two angry souls. To tell you honestly, I could go on and not talk to you - but I’ve thought of you agad after the silence. I can’t lose you. So I’m putting my foot on the pedestal. I’m ready to talk, and honestly, I don’t know how I can make it without you, beb. I can’t see and let my self lose you again. I don’t want to lose you, that’s the truth.”
Of course, I burst into tears, again.
Sya: Beb, ano ga yang iyak na yan, happy tears or sad tears pa rin? Me: Happy tears!!
Sya: Ehh.. stop crying na.
For all I know, I love you talaga. I might not show it enough through actions because I’m away, but that doesn’t mean I love you less. Always remember that. I can’t lose you. Tahan na ikaw. I love you and I can’t wait to hug you.
Ofc I’m still crying.. Me: Beb, I’m sorry din ha. I’m sorry if I used that “I'm on my period” card. Kasi totoo naman, masakit ang puson ko and my hormones are raging - I know it’s irrelavant but, nasaktan ako when you agreed na I’m going to be an irresponsible mother - then I felt like okay lang sayo na hindi tayo mag communicate after the misunderstanding, which made me angrier. Kasi you know ayoko ng hindi nagcocommunicate. Tapos wala pa kong tulog. *starts crying again kasi naalala kong wala pa rin akong tulog* Sya: *laughs* Oo nga, wala ka pang tulog. Sabing matulog! Ayan, ligalig ka na naman. Sya, magsend na ng log in at ikaw ay matulog na. Me: I’m sorry ulit beb ha. I love you nag madaming madaming madami. Sya: I love you too!!!
You see kids, PAUSE, THEN COMMUNICATE. 
Thank you Lord kasi pinagtagpo mo ulit kami!!!!!!!!!! Love is sweeter the second time around~
1 note · View note
felinememory · 4 years ago
Text
•CHASING MEMORIES•
"Why do you travel alone?" He asked.
"Finding bliss in solitude", then she smiled and take a sip of her coffee.
"Lalim.. Hahahaha..."
"I wanted to travel and enjoy.. Ayan simple na.. Hahahaha"
"You're shots were good. Nakita ko yung mga pinost mo".
"Oh, you're stalking me?" she said with a laugh.
"No. No. I'm sorry. I didn't mean it that way".
" I'm just kidding". She smiled, "ang seryoso mo eh. Stalker ba talaga kita? Hahaha"
"You're taking too many photos. Why not enjoy the view instead. It's already in front of you. Professional photographer ka?"
"Nope. Travel enthusiast lang. Memories. I wanted to collect memories."
He nods, "but you can instill it in your heart and mind you know. That's what other people do. Masarap ienjoy lang yung view, yung ambiance. "
"I'm enjoying. Masarap yung hangin. Maaliwalas. I've never been here. Atleast i know na ito ang unang beses. And i never went to a place twice. Kaya sinusulit ko".
"Even if the place is as beautiful as this? Masarap bumalik dito. It's my third time and I'm still inlove"
"I wanted to reach different places first while I still can. Kaya hindi ako bumabalik sa lugar na napuntahan ko na."
"Ohhhh, mabilis magmove on.. Hahahaha wag ganun..."
She sipped her coffee.
"Eventually I'll forget that I've been to this place. Those photos will be my memory of it. Yun lang yung pwede kong pang hawakan na nanggaling na ko dito. Na minsan sa buhay ko, hindi ko man maalala. Alam kong totoo pag nakita ko sa mga litrato. " she said with a smile but with the saddest eyes.
While he hide his. His own sadness hearing it from her.
They sipped their coffee in silence. But not an awkward one.
"Wanna try creating a memory with me?"
"Akala ko ba hindi kita stalker? Crush mo ko noh? Ahahahaha"
"No and Yes. No I'm not your stalker and Yes I like you"
" Wow. That's .. That's too straightforward", she felt a bit akward.
"You're asking"
"Yeah , oo nga naman. I asked."
"So is it a yes?"
"I have 3 rules".
"Fire it."
"First, be my photographer during this trip.
Second, let's both cut our connections to everyone outside this travel.
And last, no attachment. When this trip is over. We'll forget everything. Back to strangers. Deal?", she raised her cup.
"Deal.", and he did the same.
That happened a year ago.
He is still looking for her. Maling mali ang naging decision nyang bitiwan ito pagkatapos ang isang linggo nila sa Siargao.
Every where he went, sa tuwing magtatravel sya. He was still hoping na magkikita sila ulit.
She deleted her social media accounts.
She changed her number again.
Her blog stopped posting travel pictures more than 6 months already.
Nawalan na sya ng mapa para sundan ang dalagang nagpapatibok ng puso nia.
Nagtatanung pa din sya kung anung ibig sabihin ng mga huling salita na binitiwan nito bago sila maghiwalay sa airport. Akala nya ay tulad lang ulit yun ng dati.
"Thank you for making this travel different" like before, her smiles were trying to hide the sadness.
"Malay mo naman magkita tayo ulit sa sunod nating travel"
"Third rule dba?"
"Then we'll start over. Hahahaha.. I'll introduce myself and make you mine again for real." He kidded.
"Hahaha.. puro ka biro. We enjoyed this one. Memories dba?"
"Pero seryoso, sana magkita tayo sa Manila or sa sunod nating travel. I'll be in Batanes next. Baka lang naman".
"Hey." Aniya ng may halong lungkot, "rule 3".
"Oo na.. Oo na.. I'll stop. Fate na ang bahala".
Yumakap ang dalaga sa binata.
"My mind might forget this place and everything we've had. But i know my heart won't. Thank you so much. Kung sakali man na magkita nga ulit tayo. Maaring nabura na lahat ng alaala ko. Pero alam ko, makikilala ka ng puso ko. At kung ito man ang huli, salamat."
Hinigpitan ng binata ang yakap. He felt like if he let go. He won't ever see her again.
This is the first time he felt that way. Hindi tulad ng dati.
"Goodbye Kian." It hurts him hearing those words from her.
"See you again Allen."
And until now, He's searching.
Iba na naman ang numero ng dalaga.
Her Facebook's deleted.
Blogsite lang nito ang tanging paraan para masundan ito and her facebook page.
Pero tila ayaw talaga nitong magpahanap.
This time iba.
Batanes. El Nido. Cebu. Coron. Laguna. Davao. Hongkong. Singapore. Kung saan saan pa. At heto sya. Nasa Siargao ulit.
Kahit na sinabi ng dalaga na hindi sya bumabalik sa lugar na napuntahan na nya.
Umaasang magkikita sila.
He even used all his connections. Bigo syang mahanap ito. He went to her place pero wala na ito doon. No one could answer his questions. They were helping pero bigo pa din.
It already took him a year. A year of searching. A year of regret.
His phone beeps. A notification from a blog site. At halos mabitiwan nia ito ng makita kung anu ang notification na 'yon.
Allen's blogsite just posted an update.
A picture of a man holding his coffee. A silhouette with the sunset. With the caption," I think my heart find its way back".
To his shock, it was him.
Napatayo sya. Inikot ng tingin ang lahat ng direction malapit sa kanya. And there , he saw her. Holding the camera. In her white summer dress and fedora hat on. Smiling at him full of love and longing.
Teary eyed he went near close her. He wanted to know if this isn't just an imagination.
Tangina. Kape ang ininom nya hindi vodka. Kaya imposibleng naghahallucinate sya sa kalasingan.
"Hi." That's all he could say ng makalapit sya. Yun lang ang tanging nasabi nia.
"Hi," she answered.
And there, he pull her close to him into a tight longing hug.
Finally. Finally.
The search is over.
"Sorry it took me long to come back" she sobs on his chest.
"I've searched and waited. I even trusted fate."
"I will never leave you again."
"Hinding hindi na kita bibitawan. Hinding hindi ko na hahayaang mawala ka ulit."
"Hinding hindi na ko aalis. I'm sorry. I'm sorry for the selfish decisions I've made. Ayokong masaktan ka".
He hugged her tighter.
"Napakamakasarili ko. Natakot ako. Natakot akong mawala lahat ng alaala ko ng tuluyan . Natakot akong hindi na kita marecognize. Last year.." , she cried even more reminiscing what happened last year there in Siargao.
"Shhhhh.. Tama na. You're here. Andito ka na."
"Sorry Sweetheart. Sorry for not recognizing you that time."
"It's all over now. Andito ka na. Andito ka na", he said in tears.
"Hinding hindi na ko mawawala ulit."
"At hinding hindi na kita bibitawan. Makalimutan mo man lahat, mawala man ang alaala mo dahil sa sakit mo. Hinding hinding na ko papayag na aalis ka sa tabi ko. Ipapaalala ko sayo lahat at gagawa tayo ng mas marami pa.."
"Hindi na mangyayari ulit yun. I'm good now, magaling na ko. And I won't ever forget you. I will never forget how much i love you".
He kissed her. That's the only answer he could give. He's happy. Ecstatic actually. Akala nia nawala na ito ng tuluyan sa kanya.
But no.
She's there.
She's back.
The search is finally over.
Tumblr media
2 notes · View notes
blindsidedguy · 5 years ago
Text
Tumblr media
Hindi na naman ako makatulog.
Ilang linggo nang ganito pero di ko pa din naitatama. Gusto kong isulat yung nararamdaman ko ngayon, pero kanina pa ko nakatitig lang sa keypad, paiba iba ang tinatype andyan na buburahin at uulitin lang ulit. Wala akong mailagay na salita para ipaliwanag yung nararamdaman ko. Wala nga ba? O ayaw ko lang aminin?
Nalulungkot ako. Ayan naisulat ko na. Ang hirap na masanay sa lungkot, araw araw palungkot ng palungkot, pasakit ng pasakit, pahirap ng pahirap. Na minsan gusto ko na lang matapos at mawala. Kahit subukan mo ipaliwanag sa ibang tao yung meron ka, hindi pa din nila maiintindihan ng buo. Madaling sabihin na okay lang yan, na lilipas lang yan, na nasa isip mo lang yan, na subukan mong ituon sa iba ang atensyon mo. Akala ba hindi ko lahat yan naisip o ginawa, sinusubukan ko pero mahirap pag mag isa ka na lang, pag solo mo na lang, lahat na naman tumatakbo sa isip mo. Kung ano ano na ngang katangahan ang ginawa ko para lang mawala to, kulang na lang ibigay ko na ang sarili ko sa iba para lang maramdaman yung saya kahit di totoo kahit pansamantala. Ang galing lang niya, palagi akong talo.
Pasalamat na lang ako sa platform nato kahit papano nasasabi ko lahat, nasusulat ko lahat ng sakit at lungkot ng walang manghuhusga at magtatanong. Kada gabi ito ang laban ko.
Hindi na naman ako makatulog.
27 notes · View notes
yawningpolarbear · 5 years ago
Text
To the future me
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Dear future ren,
So ayan kakatapos mo lang magdrama nyan sa buhay mo. Mukha kang gago diba? Hahaha namamaga mata mo, napakauhugin, nagpapakaemo sa mga sad songs, damang dama yung lungkot sa buhay. Pinopost ko to kasi para kapag binalikan mo tatawanan mo nalang yung mga kadramahan mong to kasi okay ka na. Kaya future ren dapat maging okay ka, wag kang papahiya kay past ren okay? Don’t worry, present ren is working hard. We gotchu!! Hahaha napakasabaw diba? Ganyan kaluwag turnilyo mo sa utak eh. Kaya siguro walang nagtatagal sayo lol.
Pero sa totoo lang, mejo tanga ka kasi eh. Pinapapasok mo yung mga taong hindi naman dapat. Actually hindi mejo, tanga ka talaga. Pero hayaan mo na, hindi ka naman kasi perpekto. Okay lang magkamali. Ang mahalaga, matuto ka na ha. Okay lang magmahal, pero magtira ka para sa sarili mo. Ang ganda mo kaya. Sabi pa nga nila you’re funny, smart and pretty. Tanggapin mo nalang yung mga compliments haha minsan lang yan. Build yourself up. Di ko alam kung yung ‘future ren’ na nasa isip ko ay happy and contented kapag binasa nya na ulit to. Kung oo, edi good. You’re doing great. Kung hindi pa rin, laban lang. Everything will turn out fine.
Di ko alam if I’m making sense. Pero kasi kung walang nagchicheer up sayo at the moment? Eto na, ginawa ko na para sayo. Mawala na ang lahat, wag lang ang sarili. Love yourself. Accept your imperfections. Change your toxic traits. And embrace change. Walang permanente sa mundo. Hindi palaging happy. Hindi rin palaging sad. Okay lang yan, ren. Kung umiiyak ka habang binabasa mo to, okay lang yan. Sabi nga nila “you can’t have a rainbow without a little rain”. Pagsubok lang yan, magpakatatag ka. Kung masaya ka naman habang binabasa mo to, I’m proud of you. You managed to get through the hardships and challenges with a smile.
Whatever you’re feeling or experiencing right now, always know that you always have yourself. You are your strong foundation. If anyone hurts you, don’t pass it on to others. Give yourself some time to heal, okay? Also, don’t be afraid to love again. Don’t let past experiences dictate your future. Let love flow naturally. If it’s for you, then it’s for you. If it’s not, learn to let go. And most important of all, it’s okay to lose people but not yourself. People come and go and not everyone will stay. You just gotta cherish the time and moment you have with them. Don’t lose yourself. Get your shit together. Don’t be afraid to fall because if there’s no one to catch you at least you have yourself. What’s life without a little scratch, right? Wounds will heal and pain will eventually go away. Just be happy. As long as you’re not hurting anyone and yourself, you’re doing okay. You go girl! Fighting!
P.S. Wag ka magmadali magkajowa. Yung nga may dumating na hindi mo hinahanap, nasaktan ka pa rin. Yun pa kayang naghahanap ka hahaha. Di ka mawawalan. Hayaan mo nalang dumating. Let fate and destiny do their work. God will do the rest. But don’t be rusty. Landiin mo na rin kapag nandyan na charot hahaha
P.P.S. Basahin mo uli tas pakinggan mo yung “Hindi tayo pwede” ng The Juans, ‘Saglit’ ni Moira Dela Torre atsaka ‘Halik sa Hangin’ ni KZ Tandingan. Yan yung pinapakinggan ko habang sinusulat ko to, tignan mo kung may matrigger lol hahaha
Love,
Ren from the past
3 notes · View notes
crushakongcrushkolol · 5 years ago
Text
Nakakatakot
Naglalakad ako papuntang Direct Way (Grocery to) nakasalubong ko yung frenny ko with her alam niyo na. HAHAHA hindi naman sila pero alam niyo yung stage ng MU ganon. Kaya ayun sinamahan niya ko sa direct way. Kinamusta ko siya tapos nag tanong din ako kamusta sila nung ka MU kuno niya. Actually wala pa tong nagiging BOYFRIEND. NBSB to and we love her so much kaya iniingatan namin to. Nagkaron kami ng convo hanggang sa umabot kami sa usapan tungkol sa “SAWA”. Hindi SAWA na ahas ha? HAHAHAHA. 
Sabi niya saken NAKAKATAKOT DAW KAPAG DUMATING SA POINT NA MAGSASAWA SAYO YUNG TAO. 
Sabi ko, OO! Nakakatakot talaga, I’ve been there. Halos mabaliw ako kakaisip dati na baka magsawa lang to sakin, mawalan ng gana, mabawasan pagmamahal or what. Pero dahil nga medyo BAGO pa yung relasyon syempre sasabihin ng PARTNER mo na , “HINDI AKO MAGSASAWA SAYO” “MAPAPAGOD AKO PERO HINDI AKO MAGSASAWA” “KAHIT ANONG MANGYARE HINDI MABABAWASAN PAGMAMAHAL KO, HINDI TO MAGIIBA” so dahil sa mga mabubulaklak na salitang ganon MANINIWALA KA. MAGTITIWALA KA
Kapag BAGO pa nanjan lagi yung EFFORT, SWEETNESS.. alam mo yun? Yung parang ang SARAP SARAP SA PAKIRAMDAM. yung talagang maHUHULOG ka talaga, yung MASASANAY KA SA GANON? Pero ONE DAY napapansin mo na unti unting nag BABAGO YUNG LAHAT. Unti unting nawawala yung mga efforts na kahit hindi bongga yung simple lang pero effort like LOVE LETTERS yung effort na ALAM NIYANG MAGPAPAKILIG SAYO , MAGPAPASAYA SAYO.
and then one day naramdaman mo nalang bigla na parang WALA NA SIYANG GANA SAYO. Pero nagpatuloy ka padin. Kunwari nalang na hindi mo nararamdaman. Pero napapansin mo din na parang NAGBABAGO NA SIYA. Yung mga GINAGAWA niya DATI hindi na niya GINAGAWA YON NGAYON. Kung dati TAKOT NA TAKOT SIYANG MAWALA KA pero ngayon parang HINDI NA. HINDI MO NA MARAMDAMAN NA TAKOT SIYANG MAWALA KA. 
Hanggang sa may mga BAGAY na AYAW MO pero GUSTO niyang gawin ngayon. tapos sa isang iglap bigla nalang niya sinabe sayo na MAHAL KA NIYA, PERO NAGSASAWA NA SIYA.Dahil MAHAL MO, handa kang magadjust. Kung ano yung gusto niya yun susundin mo. Kumbaga ikaw tong mag AADJUST PARA LANG MAG STAY SIYA, PARA LANG WAG MASIRA RELASYON NIYO. Tinanggap mo nalang. tinignan mo nalang yung BRIGHT SIDE. At the END ikaw tong NAGHABOL.
Yung tipong parang ang UNFAIR? kase ikaw kahit sobrang sakit na nung mga napapansin mong CHANGES SAKANYA? Hindi ka nag SAWA. Gusto mo padin, parang MINAMAHAL MO YUNG PAIN? HAHAHAHA. Pero siya, GANON LANG KADALI.
Pero yung mas nakakatakot? Yung PAGSAWAAN KA ULIT tapos kelangan mo nanaman mag ADJUST ulit hahaha. TAPOS IKAW, ayan ka nanaman. Ikaw tong nakipaghiwalay pero at the END parang ikaw din yung NAGAYOS hahahahhaa. Parang ikaw nalang din yung NAGADJUST NANAMAN sa GUSTO niyang mangyare. kase MAHAL NA MAHAL MO EH. HAHAHAHHAA.
Nakakapagod e no? nakakapagod yung kahit anong gawin mong pagAADJUST nakukuha padin na PAGSAWAAN KA. Sasabihin niyang SAWA NA SIYA para ikaw magADJUST KA ULIT para yung gusto niyang FLOW ng RELASYON niyo masunod. 
PERO OKAY LANG YAN. DARATING YUNG ARAW NA MAPAPAGOD KA DIN. YUNG TIPONG WALA KA NG MARAMDAMAN. YUNG TIPONG SOBRANG TIGAS MO NA. Ganun naman mga babae, handang mag tiis niyan. KAHIT GAANO KASAKIT PA, PERO ONCE NA MAGSAWA YAN? MAPAGOD YAN? MATAUHAN YAN? ASAHAN MO, 99%  chance na TULUYAN NA SIYANG BUMITAW, TULUYAN NA SIYANG MAWALA SAYO. TULUYAN NG MAWALA YUNG TAONG WALANG IBANG GINAWA KUNDI MAHALIN KA NG SOBRA, INTINDIHIN YUNG UGALI MONG NAKAKASAWA. MAWAWALA SAYO YUNG BABAENG UMIINTINDI NG MGA FLAWS MO NA KAHIT SOBRANG SAKIT NG PINAPARAMDAM MO SAKANYA NAGAGAWA PADIN NIYANG MAHALIN KA NG SOBRA.
13 notes · View notes