#APost1
Explore tagged Tumblr posts
arielley · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Ang dami kong gusto, hindi ko alam kung mapagkakasya ko ba yung buong buhay ko sa dami ng bagay na gusto kong gawin. Una sa lahat gusto kong magaral ng photography. Siguro kasi sa mundo ngayon pictures nalang ang constant (malamang? Haha) sa pictures nalang may forever (lol). Pictures nalang ang tanging makakapag paalala sa'yo ng mga bagay bagay na nakatago sa ilalim ng utak mo. Pangalawa, gusto kong libutin yung buong mundo. Kahit na sa kalye nalang ako matulog ayos lang basta masaya akong nakakapaglibot sa iba't ibang lugar. Ang saya siguro nun no? Yung magawa yung mga bagay na pangarap mo talaga? Pangatlo, tumulong. Ako yung tipo ng taong ayaw lumabas ng comfort zone niya. Nakukuntento nalang sa simpleng pamumuhay at sobrang boring. Pangako ko sa sarili ko na kapag kumikita na ako ng sarili kong pera, tutulong ako sa iba. Mag vovolunteer ako sa kahit anong project. Basta maibalik ko lang yung kabutihang ibinigay ng Diyos sakin. Pangapat, kumita ng malaki para mabili ko lahat ng luho ng magulang ko! Kung ngayon ako yung spoiled, next time sila naman! Pang lima, mahanap si mr.right. Hahahaha. Uso pa ba yun? 😂 Marami pa sana akong gustong sabihin kaya nga lang masyado na tong magiging mahaba (mahaba na nga diba? 😂) Salamat sa'yo kung umabot ka man sa parteng to. Ako nga pala si Arielle, nice to meet you! 😊
0 notes