#8 lubak
Explore tagged Tumblr posts
messvoid · 28 days ago
Text
Tumblr media
posting this little thing here...
123 notes · View notes
alltmehigh · 7 years ago
Text
3/8/18
I miss writing letters to you, so starting today I will. I may not be able to give it to you like old times, I will post it here. I love you so much. I miss you =) ❤❤😍
So today, I woke up, I always get so kilig kapag nababasa ko yung mga morning messages mo, kahit tungkol saan man yan. I feel so prioritized and important. You're the best ever ☹😭❤ me is so lucky
Then then I took a bath. Sira yung shower pft so i had to lipat lipat cubicle HAHHAHAHAHA. Tapos ayun, sumakay na ako ng e trike and I hate yung oart ng road na dinadaanan namin, kasi lubak siya tapos ayun nag aalog alog yung bilbil ko. HAHHAHAHAH tas basta nakakainis yung lubak. Tapos ayun nakarating na ako sa school. Tas nag stats kami. Puro kwento si sir naka 3 examples lang kami, I have to review stats kasi di ko maintindihan sa dami niyang kwento at jokes. HAHAHHAH super funny dun ko nakuha yung lambda lambda and broke eh HAHAHAH 😂😂. Tapos ayun nag DRRRRRRRRRR HAHAHAH nag debate lang pft boring kasi next meeting pa kami mag dedebate na una lang yung jbang group. Tapos nag vacant then kumain then nag tambay sa lib. Tapos SS01 na ayun grabe na woke as f*** ako about sa education system ng Pilipinas. Grabe hay. Nakakapanghinayang na after all of the hard work, mas preferable sa economy na mag ibang bansa :/. Tapos ayun umuwi na kumain and then I did my assignment. Grabe kasi may mga nakakalitong part. AY oo nga pala ininterview pala ako tas yung dalawa kong kaklase nila valle. HAHHAJA yun lang tapos ang ironic nga eh, kasi dalawang group sila yung grp nila valle ano yung marijuana tas yung isa ano mas prefer sa pag share ng ones feelings, through social media ba or face to face. And I said na minsan mas prefer ko mag share sa social networking sites kasi mas madali instantaneous, then mas madali kasi diba nasa manila ako mostly di ko nakakasama yung family ko or friends ganun. Tapos nung natapos na yung interview nung pauwi na ako, i felt na ang ironic ng sinasabi ko. HAHAHHA kasi nag shashare ako face to face about my opinion and it's like i dont feel scared or anything. Parang ang ironic na mas prefer ko yung social media nowadays kasi nga sa distance but then nag shashare ako through face to face interaction. HHAHAHA yun lang i felt weird.
Sana di nila ako i judge HAHHAHA im a good boi confused with his interview answers
Tapoos ayun, I miss you so much. When im at mcdo sa bayleaf, i would imagine seeing you :' ( i miss you im so sorry kung di pa ako kakavisit, i wasnt able to tell you but kasi medyo short kami sa pera now, dahil si lolo nag sumakabilang bahay my mom had to transfer the name of our company to her (kasi nakapangalan yun kay lolo) so ayun andaming conflicts sa transaction and all, and ayun si lola ko pa may bukol sa lungs. Andaming gastusin. Allowance ko pa. Kaya as much as possible nag titipid ako, and i dont want na guluhin si mommy with her plans. Di naman sa magulo if nagkita tayo or anything, i just dont want her to be bothered kaya di rin ako makapag paalam. Im scared rin kasi. I cant promise pero maybe sana payagan niya ako,maybe next week sasabay ako kila valle and i hope wala akong gagawin nun or any project. And sana payagan ako, I cant promise pa :--( But i really hope i can see you because I miss you babyy. I miss you so muchhh. I know this has been a rough day, and you know babu is always here for you. Mahal kita. Kakayanin natin ito. Pasensya na kung minsan late ako magreply. It's my fault im so sorry. Babawi ako saiyo baby mahal na mahal kita. GOODNIGHTYYY MWA MWA.sweet dreams mi penguin ❤
3 notes · View notes
pilyongpinoy · 7 years ago
Text
Pimple Power Revolution
Pinakamalaking kaaway na siguro hindi lang ng mga Pinoy kundi ng buong mundo ang tigyawat. Nakakastress yung paggising mo sa umaga ay makikita mong may nakaumbok na sa mukha mo. Pagkatapos ay lalaki ito ng lalaki hanggang sa kulang na lang ay sumigaw sa mukha mo na "TIGYAWAAAAAAT AKOOOOOO!" Nakakaasar yung unti-unti syang dumadami sa mukha mo hanggang sa mag iwan ito ng marka sa iyong pisngi.
Nagsisimula ang pagtubo ng mga kontrabidang pimple sa iyong mukha sa panahon ng iyong pagdadalaga at pagbibinata. Alalahanin mo yung panahon kung saan sinira ng tigyawat mo ang pagpapapogi o pagpapaganda mo sa crush mo. Hiyang-hiya ka diba na makita nya na may tigidig ka. Ayon sa pag-aaral ay nakukuha natin ang pagkakaroon ng pimples kapag nabarahan ang ating mga pores ng dumi o alikabok. Kapag nagsimula na itong mainfect ay mabubuo na ang nana na pinanggigigilan nating patalsikin kapag tinitiris natin ang ating mga tigyawat.
80% ng mga teenagers ang naapektuhan ng mga pimples. 8 sa 10 minor de edad ang pilit na nilalabanan ang kanilang pimple power revolution. Maswerte ang 2 sa 10 teenagers na biniyayaan ng makinis na mukha. Wag lang silang dadaan sa kanto namin at ipapabugbog ko sila.
Ang pinakakontrabida sa mga kontrabidang pimples ay yung nag-iiwan ng lubak sa mukha. Pagkatapos mong pisain ang tigyawat mo at ipahid sa shorts mo ang nana ay magbubutas-butas ang mukha mo. Shet! Imagine mo na isa kang planeta na binagsakan ng maraming asteroids. Ito ang mga panahon na pinapapangit ka sa nga sandaling pilit kang nagpapagwapo.
Kaya hindi nakakapagtaka na napakaraming mga produkto ang naglabasan para sugpuin ang lumalalang tigyawat sa mukha mo. Samu't-saring mga solution na depende sa type ng skin mo. Sa ganitong paraan, binibigyan ka ng chance na maging kaakit-akit. Totoo naman talagang ang mukha natin ang nagbibigay ng confidence sa atin. Sa mga papuri at pambobola sa atin ay tumataas ang tingin natin sa sarili natin at napapaniwala natin na mas mataas tayo kaysa sa kapwa natin. Iilan na nga lang siguro ang kuntento na sa kanilang mukha. Karamihan ay nakikipagsapalaran sa mga produktong magbibigay pag-asa sa kanilang mukha.
Minsan kapag namamalengke ako ay nahahalata ko kung sino ang mga taong gumagamit ng produkto sa mukha. May ibang nagbabalat o kaya naman ay patchi-patchi ang pagkaputi sa mukha na parang dalmatians. Ang masagwa ay sobtang puti ng mukha na namumula tapos ang itim naman ng leeg. Hindi pantay. Yay
Sa mga mayayaman, hindi sapat ang mga panglinis lang sa mukha. Ang iba ay dumadaan sa derma at pagpapaopera. Gumagastos sila ng malaki para makuha ang mukha na kanilang minimithi. Okay lang daw sa kanila ang gumastos basta maramdaman nila na may nagkakagusto sa kanila. Isa ako sa naniniwala na karamihan sa mga pinoy ay kasama sa kanilang standards ang itsura ng tao. Kailangan pogi o maganda ang kanilang magiging syota. Dapat kailangan ay kamukha sila ng artista na crush nila. Kaya nga sa mukha unang naiinlove ang mga tao at hindi sa ugali. Kung hindi ka naniniwala, isipin mo yung pinakapangit mong classmate. Kaya mo ba syang mahalin? Kung hindi, totoong tao ka. Pero kung oo ang sagot mo, either mabuting tao ka o plastic ka.
Hindi masama na ayusin natin ang itsura natin. Kung nakakadagdag ito para tumaas ang confidence mo sa sarili mo, go lang. Wag lang nating kakalimutan na hindi nagagamot ng mga pamahid sa mukha ang problema sa ugali.
77 notes · View notes
rajabrachmat · 4 years ago
Text
Kapsul Minyak Bawang Dayak HRI
Bawang dayak bisa di sebut juga juga dengan nama lokal yang beragam seperti Bawang Tiwai, bawang Sabrang, bawang berlian, bawang lubak, teki sebrang atau bawang hantu. Bawang Tiwai merupakan tanaman khas Kalimantan Tengah tempat tinggal suku Dayak. Tanaman ini sudah secara Empiris dipergunakan masyarakat Dayak sebagai tanaman obat.
Tanaman ini memiliki warna umbi merah dengan daun hijau berbentuk pita dan bunganya berwarna putih. Sudah sejak lama bawang dayak dimanfaatkan sebagai obat aneka penyakit, antara lain sembelit, sulit buang air kecil, radang usus, disentri, luka, bisul, muntah, hingga penyakit kuning. Bukan hanya itu, beberapa penyakit berat, seperti kanker payudara, diabetes melitus, hipertensi, dan hiperkolesterol dipercaya dapat diatasi dengan bawang dayak. Meskipun demikian, studi mengenai manfaat bawang dayak untuk kesehatan masih belum banyak dilakukan. Umbi bawang dayak mengandung beberapa senyawa fitokimia yakni alkaloid, fenolik, steroid glikosida, flavonoid dan tannin. Alkaloid merupakan bahan organik yang mengandung nitrogen sebagai bagian dari heterosiklik. Bahkan senyawa alkaloid, flavonoid, glikosida dan saponin memiliki aktivitas hipoglikemik atau penurun kadar glukosa darah yang sangat bermanfaat untuk mengatasi diabetes melitus.
Bawang dayak untuk obat hipertensi dan diabetes. Senyawa alisin bermanfaat menurunkan tekanan darah dan menurunkan kekentalan darah. Kandungan naphtoquinones dalam bawang dayak dikenal sebagai antimikroba, antifungal, antivirial, dan antiparasitik. Selain itu, naphtoquinones memiliki bioaktivitas sebagai antikanker dan antioksidan. Bukan hanya naphtoquinones, kandungan alkaloid, flavonoid, glikosida, dan saponin juga mendatangkan khasiat kesehatan, yakni sebagai hipoglikemik atau penurun kadar glukosa darah untuk terapi penderita diabetes melitus. Bawang dayak juga memiliki efek anti-inflamasi atau antiperadangan.
Antioksidan, Penangkal Radikal Bebas. Bawang dayak juga berkhasiat sebagai antimelanogenesis (mencegah timbulnya bintik atau titik-titik hitam di kulit) dan antioksidan (menangkal radikal bebas). Hal ini disebabkan oleh kandungan senyawa golongan alkaloid, flavonoid, steroid (triterpenoid), glikosida, glikosida antrakinon, dan saponin dalam bawang dayak.
Bawang dayak kaya akan antosianin senyawa pewarna alami yang memberikan warna merah pada bawang dayak. Antosianin merupakan antioksidan yang berperan menetralkan radikal bebas. Berkurangnya kadar radikal bebas dalam tubuh, risiko untuk menderita penyakit kanker, jantung, dan diabetes semakin berkurang.
Khasiat bawang dayak dapat menyembuhkan berbagai penyakit, mulai dari yang ringan hingga penyakit berbahaya, bahkan mematikan. Misalnya, diabetes mellitus, jantung koroner, hipertensi, tuberkulosis, bronkitis, radang rektum, asam urat, radang prostat, ambeien, peluruh lemak, bisul, hepatitis, dan peningkat gairah seksual.
Dengan izin Allah Kapsul Minyak Bawang Dayak HRI telah melalui proses higenis dan telah diruqyah serta mengobati sebagai berikut:
1. Amandel
2. Ambeien
3. Asam Urat
4. Asma
5. Bisul
6. Bronkhitis
7. Darah Rendah
8. Diabetes Melitus
9. Epilepsi
10. Gangguan Pencernaan Lambung
11. Gangguan Seksual
12. Ginjal
13. Gondok
14. Hepatitis
15. Hipertensi/Darah Tinggi
16. Insomnia
17. Jantung
18. Kanker Kelenjar Getah Bening
19. Kanker Paru Paru
20. Kanker Payudara
21. Kanker Rahim
22. Kanker Usus
23. Keputihan
24. Kista
25. Kolesterol
26. Maag
27. Migrain
28. Myom
29. Obat Muntah
30. Pelupa/Menurunnya Fungsi Ingatan
31. Peluruh Kemih
32. Pencahar
33. Prostat
34. Radang Usus
35. Rematik
36. Sakit Kuning
37. Sakit Perut
38. Sakit Pinggang
39. Stamina
40. Stroke
41. TBC
42. Vertigo
43. Vitalitas
Dosis:
Pengobatan 3x sehari 2 kapsul
Pencegahan 2x sehari 1 kapsul
Semoga Allah memberikan kesembuhan. Tidak ada kesembuhan kecuali kesembuhan dari Allah, kesembuhan yang tidak meninggalkan penyakit lain dan semoga kesembuhan yang semakin mendekatkan Anda dengan Allah. Aamiin
Isi 60kps
Berat 90gr
Harga 60.000 belum ongkir
Harga Agen/Reseller/Distributor 47.500
Pemesanan/keagenan hub Whatsapp 0895-6201-90928 atau klik https://wa.me/62895620190928
Tumblr media
0 notes
foryoutooseee · 6 years ago
Text
Road trip sa Cagayan de Oro with the squad! 😘 (Part 1)
Adventure sa seven seas with the squad with the( Part 2)
Tumblr media
📍Cagayan de oro
Tumblr media
Ito trip na to pinagplanuhan namin ito months ago pa! Kaka open lang ng water park sa cagayan. Ang lapit lapit lang so we really need to go! I even took a leave para sa trip na to. Tiniming pa namin sa holiday yung trip para long weekend talaga! So the plan was 1st day (morning) is the ride papuntang cagayan (8 hours drive kasi cagayan to davao) ayaw ni A mag drive ng gabi since di kabisado ang daan. 2nd day is yung mismong punta namim sa seven seas. And the third day is yung biyahe pabalik sa davao. That was THE plan! But on the day before the trip something came up! Nabalitan ni A na yung nanay ng teacher niya (na super close) passed away. Kailangan niya bumiyahe pa cotabato para makilibing! Yung libing is yung mismomg araw na tratravel kaming pa cagayan! He almost backed out! Disappointed na rin ako. (Malapit na akong maiyak that time since super excited talaga ako sa trip na to!) Buti na lang nagawan ng paraan. Di na siya pupunta dun sa mismong libing instead makilamay na lang siya. So need niya parin pumutang cotabato. So the first day na dapat travel namin was compromised! Since yan yung araw na pupunta siyang cotabato, makilamay, and then balik davao to travel pa cagayan. Yung dapat travel namim ng morning sa first day gabi na nangyari. Oras yung kalaban namim dito since we had to squeezed our 3 day plan into two nights (the first night is yung travel) and two days. So while A is traveling papuntang davao ( nag commute lang siya since mas nakakapagod mag drive buong araw. Siya kasi darive samin papuntang cagayan so he really need to rest) nasa mall na kaming tatlo waiting for him to pick us up. We had to buy him his rash guard and yung pagkain namin sa travel! Nag take out na lang kami for dinner( sa biyahe na kami kakain since di kaya ng oras para umupo sa fast food chain😅) and so the adventure begins....
Tumblr media
The travel papuntang cagayan was a mixtures of fun, scared and tiring. First time namin lahat pumunta ng cagayan so di namin alam ang daan we had to rely on google map. At first the travel was okay nothing unusual naadaan pa namin yung road na ang raming paikot ikot. (We called it ahas) swirly road! 😊 may mga nakakasabayan pa kaming bus and truck sa road. We stopped at a bus to take a break. Bili ng snacks, Bus stop ata yun since may mga bus na humihinto dun. 🤦🏼 After our break travel ulit. As the night become deeper. Wala na kami masyadong nakakasalubong na mga truck or kahit na anong mga sasakyan. At first di na namin pinansin since gabi naman na. Medyo nawala rin kami since A missed a turn. Di siya nakaliko sa isang kalye, later niya ng napansin sa google map na parang humaba yung oras ng travel namin. ( so ikot nanaman kami para balik sa dating routa) after that turn lubak lubak na yung kalsada. Go pa rin kami akala namin konti lang yung lubak lubak. But as we go deeper sa road ganun pa rin. Parang di nadadaan yung lugar. May mga road pa na putol putol. ( underconstructed road) medyo kinakabahan na ako kasi ang bagal ng takbo namin since lubak lubak nga. Wala kami nakakasalubong na mga sasakyan. And yung mga bahay is may mga flag na white ( I didnt see it. Kinwento lang sa akin ni A in our room later) tahimik na kami. We cannot make a U turn rin naman since ang layo na ng napunta namin. Mixtures of emotions yung na feel ko dun. Kinkabahan din ako kasi baka dead end yung road di kami makakadaan kasi nga yung kalsada is putol putol. Ang hirap pang umusad since sobrang lubak yung daan. Malapit ko ng isuggest kay A na U turn na lang. Pero sayang yung usad namin. ( what if the if the other route ganun dun yun daan?) Tahimik kami buong ride na yun. Yung attention ko nasa kalsada lang tinitingnan ko kung makakita na ba kami ng sementong kalsada. So yung time na nakabalik na kami sa high way ( after an hour or so) sobrang relieved ko! (Nasa isip ko atlast semento na. Nadadaaan na to ng sasakyan. Tapos na kami sa lubak lubak ng daan yun! Wheew) nakatulog ako after nun. Then maya maya bigla na lang kami ginising si A ( tinulugan kasi namin siya lahat siya lang yung gising. Sorry A! 😁) fog naman yung kalaban namin. Wala siyang masyadong makita. So need ng support. ( di rin dapat tinutulugan ang driver.) After 7 hrs drive and adventure! at last we reached Cagayan 😅 at first medyo disappointed ako ang liit ng kalsada yun pala di pa yun yung mismong city. Sa likod pala kami ng cagayan dumaan. Yung probinsyang side ng cagayan. Sa route na napili namin is yung daan sa likod ng cagayan ( yung mas delikado, di nadaanan ng sasakyan at may npa. Buti safe kaming nakarating na cagayan.) Pag dating namin doon nag search kami agad ng place to stay for a few hours since yun na lang ang time na makatulog kami.
Tumblr media
3:00 am na ng makarating kami ng cagayan. So we only have 4 hours to sleep and prepare. Para makarating kami ng maaga sa 7 seas. Kailangan pumila. At the time patok pa ang 7 seas so kailangan kaming pumila ng maaga. Para sure na makakapasok kami. ( Limited number of people lang kasi yung kayang iaccomodate ng place. So dapat early para sure pasok) Sayang yung travel namin kung di kami makakapasok sa 7 seas. So first we search d morvie. Yun lang kasi ang mura. Pero nung makarating na kami fully booked na. Then nag hanap kami ng mga inn sa gilid gilid. Dahil maarte kami di namin gusto yung place. Wala pa rin. At last someone suggest na meron drive inn. Per hour yung room (145 ata yung per hour) yun 3 to 4 hours lang naman yung kailangan namin so ok na rin. Sulit na. The room is actually decent for its price. Aircorn, may c.r, and separate garage. (Actually the place is for the couples na gusto mag short time. 😂😂😂 or whatever.) Whatever kung san kami nadala. We just need some place to sleep. (Two room yung kinuha namin. Kami dalawa ni A. Yas and jp naman sa other room) 1st night done!
Tumblr media
The morning after ( ewan if nakatulog ba kami) nag ready kami agad para makaaga kami punta sa seven seas. Sinearch lang din namin sa google map ( medyo nawala pa nga kami sa likod nanaman kasi kami dinaan ng google map eh wala naman daan papasok dun. Dead end lang! The funny thing is ang dami rin sasakyan papunta dun sa dead end! Nadale lahat kami ni google map! 🤦) anyways! At last we reached the place medyo marami rami na ring tao. Pero wala pa naman pila. We asked the guard if kayang ba ma accomodate lahat sabi niya oo naman since di naman daw ganun kadami tao. At di naman peak days. So medyo na ok na kami. Since we an hour early before mag open ang place. Nag kain na lang muna kami sa car ( may baon sila yas! Hahaha. Tipid sila eh.) Then picture2x kami. ( syempre di na yan mawawala) sa labas pa lang ng place maganda naman na pwede na mag picture picture instagrammable! 🤗 nung may tao na sa ticketing booth abtik! Pumila agad si A. 1000 ang entrance unlimited ride na! May mga facilities na rin dun na pwede rentahan like yung cottage nila. Pero di na kami kumuha since may mga lamesa naman dun for na pwede daw upuan for free. And so the adventure begins..
Pag pasok sa seven seas meron silang locker area para pag lagyan ng mga gamit. (Kumuha kami ng dalawa) dun din banda yung shower area. Before going sa mga rides nag picture picture muna kami! (Sayang ang outfit) maganda pa naman ang place. So explore muna namin ang place. Picture picture. (May mga castle din dun na ang ganda pinuntahan namin) nung na satisfy na kami sa mga pictures namin. Nag bihis na kami ng rash guard para mag swimming talaga! 😂😁
Tumblr media
Before swimming kumain muna kami. Para isahan na lang. Meron silang canteen area. Ok naman ang foods mura na rin. Anyways after kain.
Tumblr media
First namin pinuntahan is yung wave pool na every hour grabe yung wave! First is ok pa. Dun talaga kami sa malalim pumunta. Confident na kaya namin. Kaso ang liit ko ko compare sa mga kasama ko so yung lumakas na ang wave kapit agad ako. Ang lalim para sa akin. Ang lakas pa ng tubig. Actually enjoy siya. At first pero habang tumatagal nauubosan na akong hininga kakatalon! Grabe pang hampas sakin ng tubig! ( feel ko andami kong nainom na tubig dun! But i like it. Super enjoy! Lalo na pag kasama barkada)
Tumblr media
After the wave pool ang next na pinuntahan namin is yung malaking bilog na good for four. Slide siya na iikot ikot kami hanggang sa makababa. ( i forgot kung ano tawag sa slide) so para makaride dito kailangan tingnan if meron bang group na ayaw ng umulit sa ride so pwede ng kunin kunin yung float, ( sharing bes! ) then kailangan namin buhatin yung "float" paakyat sa third floor para maka slide. (Ang bigat ng nun! Yun yung pinaka nakakapagod anyways) at the ride was fun. Mas lalo ng yung sa pinaka unang hulog! Grabe adrenaline! Since feel ko mahuhog kami dun sa bilog! Kadalawang beses namin tong tinry. Second medyo ok na. Since alam na namin kung anong ieexpect! 😉
Tumblr media
And then we tried the slides. 4 parts yung slides first try namin is yung pinakamababa may mat siya nakasama naka dapa kang slislide, ok lang wala masyadong thrill since mababa pa naman paikot lang siya. The second try is medyo may thrill na. Dapat commit ka talaga sa position pinagawa sayo para dirediretso yung slide may mga ibang tao kasi na humihinto sila mid slide, nag change position daw yun sabi ni kuya nag aassist sa slide. 😂 the third slide medyo kumalabog na puso ko nun pa curve kasi yung slide may feeling na matatapon ako. Pero ok naman super enjoy. I remember sa time na to grabeng encourage namin kay jepoi na mag slide na. Lahat kami sa baba na. Siya na lang yung natira sa taas. He was hesitant na mag slide since super takot siya, but he did it. Na conquer niya yung fear og height niya dun. Before doing last slide yung pinakamataas na bigla ka na lang ihuhulog we tried muna yung slides for couple. Kaming dalawa ni A mag kasama dito.for two person lang to. Uupo kami sa float ako yung sa harap si A ang sa likod tapos ihuhulog ako. Akala ko thrilling siya pero no. Ok lang. I remember saying "Yun na yun?" Hahaha. 🤦 And the we tried the last slide yung pinakamataas papasok ka sa tube. Then biglang bubukas yung sa paanan mo na mahuhilog ka. Paikot yung slide (360 degree talaga). Sabi ni kuyang nagbabantay dun para makaabot ka talaga hanggang dulo. Dapat atleast 50 kgs ka. Or else di ka aabot dun sa paikot. No worries dun sa mga di makaabot may butas naman sa gitna. Dun ka lalabas if di ka nakaabot hanggang dulo. I almost didn't try this one. Kasi ang taas 3 stories ata nung building. Tapos medyo hesistant din kasi ako kasi di naman ako abot 50 kgs, i know di ako aabot hanggang dulo. But after thinking so hard. Tinry ko na din. Paminsan lang kami sa seven seas so dapat ma try ko lahat mg slide. As expected di nga ako nakaabot hanggang dulo. The slide was ok may thrill ung ibabagsak ka na since biglaan pero di ako masyadong kinabahan since sa loob naman ng tube and di ko alam when biglang bubukas. Mas kinabahan pako dun sa third slide since dun may feeling na malalagpot ako. Dito kasi yung slide is close. (Worth the try!)
Last stop namin is yung lazy river. Ito wala lang ito naka upo lang kami sa salbabida and mag floflow lang kami sa "river" ito yung part na relaxing lang. Walang thrill go with the flow. Picture picture. Dito namin tinapos yung araw namin until sa mag close na ang seven seas.
Tumblr media
This trip was an adventure! I love it. Masyadong maraming memories. First time ko sa water park and I really love it. Parang bata ako ulit. Away from work. Di para mag relax but to experience thrill. I love it. Uulit ulitin ko ang araw na ito. Memories to keep ❤
0 notes
inahfranco-blog · 7 years ago
Text
72 hours
Oo nga pala, halos mahigit 72 hours na akong gising mula ng hindi tayo magkaayos. Salamat sa byahe ko sa madaling araw at kapag nasasandal ako sa bus naiidlip akong saglit alinsabay sa aking pagiisip tungkol sayo. Sanay na ata talaga ang katawan ko sa byahe kung kaya’t dito ako nagiging kumportable. Kaya pati itong byahe ng pagibig ko sayo nakasanayan ko na ring sakyan.
Bagamat masyadong maraming lubak naniniwala ako na pasasaan ba’t mararating ko rin ang magandang destinasyon sa huli. Ang destinasyon sa puso at sa buhay mo. Kahit gaano pa kalayo at kasalimuot ang daan, handa akong bumyahe. Kahit ang pamasahe ko lang ay tibay ng loob at pananampalataya sa Maykapal at sa ngalan ng pagibig. Walang hindi tatahakin. Lahat ay hahamakin.
Sa loob ng pitumpu’t dalawang oras ang tanging naging karamay ko lang ang kape. Sabi sayo dba? Buti pa ang kape kahit kailan hindi ako iiwan. Eh ikaw? Ngayon pa lang iniiwan mo na ko. Simula nung Jan. 8 hindi na ako nakatulog hanggang makarating ako ng Quiapo ng January 9, January 10,at ngayon January 11. Noong January 9 maghapon na lang akong umiiyak sa bahay. Nagiisip ano ba talaga ang problema, saan nanaman ba ako nagkamali? O nagkulang? Hanggang kailan ba tayo ganito? Gaano katagal ka kayang ganyan? Maaayos pa ba? O tulad rin ng iba magiging isang ala ala ka na lang rin sa alapaap? Mawawala ka na rin ba sakin ng tuluyan?
Lahat na yata ng panalangin ay nasabi ko na nuong araw at ng magdamag na yun. Hindi ko alam saan ako huhugot ng lakas ng loob at ng pag-asa. Hindi ko alam kung anung mga salita pa ba ang dapat kong sambitin sayo maramdaman mo lang ang tunay na nilalaman ng puso ko para sayo. Napakahirap. Naramdaman kong muli na magisa nanaman ako. Magisang lumalaban, nagbabakasakali, sumusugal, nangangarap, nananalangin, at magisang nagmamahal.
Nagiisip kung ano na kaya ang ginagawa mo sa mga oras na iyun, kung naiisip mo rin ba kaya ako, kamusta ka kaya, mahal mo pa ba ako.. May magagawa pa ba ako.. Susuko na ba ako..
Hanggang mag-alarm ang cellphone ko alas tres na pala, papasok na nga pala ako. Nagkape ako bago umalis ng bahay, pagdating ko sa trabaho bumili ako ulit ng kape, ng maubos ang binili kong kape sa 7/11 nagtimpla akong muli at isa pa ulit at isa pa ulit hanggang matapos at mairaos ko ang duty ko. Dumaan muna pala ako sa chapel, lumuhod, nagdasal, nagrosaryo, at humiling na sana maging malinaw na ulit ang isip mo, sana mahanap mo ang daan ng puso mo patungo sakin, at sana maging maayos na rin ang lahat. Ngayon na lang pala ako ulit humawak ng rosaryo, mahal. Parang pakiramdam ko desperate measures na eh. At pagdating sa pila ng sakayan ng van na napakahaba, muling bumili ng kape, at lungkot ang ipinambayad.
Habang nasa byahe pauwi naramdaman ko na ang pagbilis at paglakas ng tibok ng puso ko. Ngunit kahit gaano man kabilis hindi pa rin napantayan ang pagtibok ng pangungulila para sayo, Victor. Mas lalong hindi napantayan ang paglakas ng araw araw na takot na mawala ka na ng tuluyan sa akin. Ganun pa man, hindi ko inalintana ang layo at tagal ng byahe. Tuloy lang ang byahe. Tatahakin pa rin ang nakakahilong daan hanggang makarating sa tahanan. And so will my love and hopes for you, as you are the destination my love. Your love is my home..
Pagdating sa bahay, naulit lang ang mga pangyayari hanggang inabot nanaman ng magdamag kakaisip. Hanggang kailan ko kaya ito kakayanin? Kaya ko pa nga ba talaga? Hanggang kailan mo rin kaya ako matitiis? Mas masaya ka ba talaga ng wala ako? Pinakinggan ko lang magdamag yung kantang "Two" ng Sleeping At Last.
I don't even know where to start
Already tired of trying to recall when it all fell apart
I just want to love you, to love you, to love you, and
I just want to learn how to somehow be loved myself
Like a force to be reckoned with
A mighty ocean or a gentle kiss
I will love you without any strings attached
What a privilege it is to love
A great honor to hold you up
Like a force to be reckoned with
A mighty ocean or a gentle kiss
I will love you with every single thing I have
Magdamag na akong umiiyak. Sobrang lungkot na. Bibigay na yata ako. Gusto kong maglaho, gusto kong lumubog sa kaila ilaliman ng dagat, gusto kong malasing ng lasing na lasing, gusto kong magwala, gusto kong sumigaw.. "Ano nanaman ba ito?"
Nahimasmasan nanaman ako ng magalarm ulit ang cellphone ko. Alas tres nanaman. Papasok at bbyahe nanaman ako. Tsaka ko na lang naisip na oo nga pala lumilipas rina ng lahat ang laging may bagong umaga na dumarating. Naligo, nagbihis, at nagkapeng muli. Pagsakay sa bus, tumingin ako sa relos nagbilang ng dagdag na tatlong oras 7am na sa kinaroroonan mo, gising ka na kaya? Nagalmusal ka ba? O nasa gym ka? Ano kayang ginagawa mo.. Hanggang naidlip ako. Nagising ako sa gitna ng byahe ng maramdaman kong muli ang pagpintig ng puso ko, "Victor" ang sambit ng puso ko sa bawat pintig, kasabay ng pangangasim ng sikmura ko na umaakyat hanggang sa lalamunan ko at hanggang sa hinahabol ko na ang paghinga ko. Oo nga pala, may hika ako. Pero bakit parang hindi lang hininga ko ang kinakapos, bakit parang pati pag asa ko kinakapos na rin.. Natakot akong muli.. Ayoko pa eh, hindi pa ako handang sumuko sa atin Victor, kaya ko pa naman ang laban.. Kaya ko pa ang daan. Bagamat kinakapos sa pag asa, naniniwala pa rin sa milagro.. Maybe just maybe, miracles still do exist. Naiyak nanaman ako. "Ganda okay lang ba?" tanong ni kuyang kundoktor ng bus sakin. At may tumapik sa likuran ko "Reina ikaw pala yan" bati ng isang kakilala, "parang payat ka yata. Stressed ka ba? Saan? Sa byahe ba yan?"
Pagdating sa MRT, nagsalamin ako baka namamaga na ang mata ko dahil sa inhaler ko. At ng makita ko ang reflection ko, maitim na pala ang ilalim ng mga mata ko dahil sa walang tulog, tila naging singkit ang mga mata kong bilog gawa ng iyak. Kaya pala..
Pagdating sa Rockwell, nakaramdam ng antok, oo nga pala maraming pasyente ngayon kailangan ko ng lakas at gising. Punta ulit ng 7'11 bumili ng kape. Nagduty. Di mapakali tingin ng tingin sa cellphone kung may message ka na. Maghapon nakabukas ang pocket wifi nagaabang sayo. Hanggang sa nagmessage ka na rin, naiyak ako sa isang sulok ng OR ng mabasa ko sabi mo "Any normal person dealing with would prolly just leave me. But you stayed. And not a single day you havent encouraged me that things will get better". Sa totoo lang mahal, hindi madaling magstay lalo kapag alam mo na anytime mawawala sayo yung tao, anytime susuko, iiwan ka na lang bigla. ".. Mahirap mahal, pero I've chosen to stay because I love you. Gusto kong patunayan sayo na worth it ang lahat, at worth it ka, na hindi ako katulad ng iba, na totoo ang pagmamahal ko sayo. Kaya patuloy akong sumusugal kahit mahirap.. Naisip ko baka eto ang kailangan mo, yung taong magiging consistent sayo in spite all odds, baka sakaling you'll finally have the change of heart.
Tuloy ang duty, kape pa rin ang karamay ko sa maghapon. Tahimik lang ako maghapon, tinatanong ako ng lahat kung okay lang daw ba ako. Sabi ko na lang hinihika ako. Dumaan ako ulit sa chapel, mataimtim ulit na nagrosaryo habang umiiyak. At ng makasakay ako sa van ulit, tumugtog yung Falling Slowly. At gusto kong ipaalala rin sayo:
You have suffered enough
And warred with yourself
It's time that you won
Take this sinking boat and point it home
We've still got time
Raise your hopeful voice, you have a choice
You've made it now
Falling slowly sing your melody
I'll sing it loud
Tatapusin ko na lang ito sa tanong, tutal naman maraming tanong sa isip ko ngayon: Kung susuko ba ako pipigilan mo ako? Kung ako ba ang lalayo, hahayaan mo na lang rin ba ako na mawala ng tuluyan? Sasayangin na lang ba natin ang magandang nasimulan? Mas magiging masaya ka ba talaga ng wala ako?
Miss na miss na kita, love.. Tara na dito ulit, oh. Mahal kita.
0 notes
phgq · 4 years ago
Text
Tagalog News: 21 sambahayang benepisyaryo ng 4Ps nakatawid lagpas kahirapan
#PHinfo: Tagalog News: 21 sambahayang benepisyaryo ng 4Ps nakatawid lagpas kahirapan
LUNGSOD CALOOCAN, Marso 8 (PIA) -- Abot sa 21 sambahayan na benepisyado ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) sa Metro Manila ang namaalam na sa pagtanggap ng 4Ps kamakailan lang.
Ito'y matapos ang 21 pamilya, sa tulong ng pamahalaan, ay nakatawid lagpas sa tulay ng kahirapan.
Ang kanilang graduation ceremony na may titulong “4Ps Regional Pilot Graduation Ceremony for Exiting Households in NCR [National Capital Region]" ay ginanap umaga ng Marso 8 sa Legislative building ng Lungsod Mandaluyong at binigyang dangal nina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista, Mayora Carmelita “Menchie” Abalos, mga opisyal ng DSWD at ng pamahalaang lungsod at mga miembro ng Regional Advisory Council na binubuo ng mga ahensiya ng pamahalaan na direktang nagbibigay tulong sa programa.
Sinabi ni DSWD-NCR Regional Director Vicente Tomas na ang pamamaalam ng mga benepisyado sa programa ay dumaan sa masinop na pagsusuri gamit ang social welfare indicator o Kilos Unlad Social Management Case at revalidation output ng kanilang nakatalagang case managers.
Nakita sa dalawang balidasyon na sila ay mga “self-sufficient” na, at puede nang mabuhay ng wala nang tulong mula sa pamahalaan.
Nagpasalamat naman si Tomas sa Pamahalang Lungsod Mandaluyong sa pamumuno ni Mayora Menchie Abalos sa kanilang magandang suporta sa programa.
Ibinahagi naman ni Joel Cam, Regional Coordinator ng 4Ps ng NCR ang mga dinaanan ng mga benipisyaryong mamamaalam na sa programa. Sinabi niyang hindi naging madali ang kanilang paglalalakbay sa lubak lubak na daan para makatawid sa tulay ng kahirapan. Mula sa pagpili para maging benipisyaryo, pagsunod sa mga kondisyon na kalakip ng programa para maiangat ang kanilang abang kalagayan.
Sa patunay ni Rowena Umali de Castro ng Barangay Addition Hills, isa sa mga benipisyado, tatlo ang kaniyang anak, dalawa ang babae at isang lalaki. Malaki ang naitulong ng programa para mapagtapos niya sa kolehiyo ang unang dalawang anak at ang bunso naman ay magkokolehiyo na. 
Aniya, sa gitna ng pandemya, natuto siya sa Family Development Session (FDS) gumawa ng lumpiang sariwa na kanilang itinitinda online kaya’t mayroon silang kita habang nakalockdown. Hindi rin naman problema ang kanilang kalusugan dahil alam niyang kaagapay nila ang PhilHealth.
Itinampok naman sa graduation ceremony ang pagpirma ng “Specific Implementation Agreement” para sa after-care program ng Pamahalaang Lungnsod Mandaluyong para sa kanilang palabas na mga benipisyado.  Pagkatapos ng pirmahan ay isinagawa din ang pagbibigay ng case folder ng 21 pamilya kay Mayor Menchie para naman sa after-care na mga programang ibibigay nila sa mga gradweyts.
Sinabi ni Mayor Abalos na nakita niya kung gaano ipinagmamalaki ng bawat exiting benipisyaryo ang kanilang pag-ahon sa kahirapan, ang kanilang mga napagtapos na mga anak. Hiling niya na sana ay maging gabay sila sa kapwa 4Ps para makaahon din.
Ipinaabot din ni  Mayora Menchie ang kaniyang taos pusong pasasalamat sa mga tulong na pinaaabot ng DSWD sa kanilang mamamayan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Nagpasalamat naman si DSWD Secretary Rolando Bautista  sa tulong at suporta sa programang Pantawid Pamilya Pilipino Program ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Menchie Abalos.
“Salamat sa inyong pagtupad sa mga pangako na umunlad at abutin ang inyong mga pangarap. Naipakita ninyo na bagaman may unos, ipinakita ninyo ang inyong katatagan. Patunayan [natin] sa mamamayang Filipino na hindi sayang ang ang pondong inilaan sa inyo ng pamahalaan," bahagi ng mensahe ni Sec. Bautista.
"Magsilbing inspirasyon sa mga komunidad at kapwa benipisyaryo. Maging katuwang sana sa paggabay sa iba pang benipisyaryo. Patuloy na gamitin ang inyong naging kaalaman lalo na sa FDS. Hangad namin ang inyong pag-unlad at huwag nang bumalik sa kahirapan," dagdag pa ng kalihim.
Ang Pantawid Pamilya Pilipino Program ay programa ng pamahalaang nasyunal na sinimulan ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Layunin nitong maiahon sa abang kalagayan ang mga mamayang Filipinong nakalublob sa kahirapan.
Tumutulong ang programa na maiangat ang kanilang pisikal, panlipunan at ekonomiyang kalagayan/ Ito ay sa pamamagitan ng pagpapataas ng kamalayan ng sambahayan upang pahalagahan ang kanilang kalusugan, desisyon, edukasyon at aktibong pakikilahok sa komunidad.
Ang tulong ng pamahalaan ay maykaakibat na mga kondisyon na kailangan sundin ng bawat sambahayan upang hindi sila matanggal sa programa.
Maaring maalis sa programa kapag ang huling batang minomonitor ng programa ay umabot na ng 18 taon, ang kinikita ng pamilya ay mas mataas na kaysa sa povery threshold kaya may kakayahan nang tugunan ang kanilang pangangailangan, pitong taon na sa programa at nagkaroon ng paglabag sa kasunduan sa kontrata. (PIA NCR)
***
References:
* Philippine Information Agency. "Tagalog News: 21 sambahayang benepisyaryo ng 4Ps nakatawid lagpas kahirapan." Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1069242 (accessed March 11, 2021 at 10:48AM UTC+08).
* Philippine Infornation Agency. "Tagalog News: 21 sambahayang benepisyaryo ng 4Ps nakatawid lagpas kahirapan." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1069242 (archived).
0 notes
benefits1986 · 6 years ago
Text
Siargao Draft 007
Meet Jing. Ang tour guide na nag-try mag-Manila pero bumalik sa Siargao. 
19 hours daw siyang nagwo-work noon sa isang tindahan na pagmamay-ari ng Instik sa may Divisoria. Syempre tulad ng ibang tubong-probinsiya, inisip niya baka mas maraming opportunities sa Manila. Nakaka-sakal daw ang experience niya. Sabi niya, kaya naman daw niya kaso mas maganda ang buhay niya sa Siargao. 100 per head per person. Noong tour namin, 18 lang kami, so medyo maliit daw ang kita niya pero ayos na rin. On a really good day, loko niya, she can easily take home 3,000 pesos tapos nakikiinom pa siya at nakaka-chill at maraming nakikilala. She does not need to work at all din kasi proud na proud siya sa mga isla ng Siargao. Nakapag-pundar na siya ng sariling scooter at nakakapag-bayad na rin ng bills sa bahay. Sabi niya, ayaw niyang umasa sa magulang niya lalo na ‘yung pang-inom at pang-gala niya.  Mga 24 years old na siya at swerte nga raw niya kasi ‘yung mga magulang niya hindi siya pinipigilang mag-suot ng mas liberated clothes hindi tulad ng iba niyang kamag-anak. May stigma pa rin pala sa isla ng pagiging conservative. Sabi niya oo naman raw. Nagkwento siya ng mga ex niya na iba’t ibang lahi pero pinaka nasaktan daw siya sa surfer ex niya. Natawa ako. Natawa rin siya. Sabi niya alam naman daw niyang hindi lang siya ‘yung girlfriend nung surfer pero go pa rin. After ng kanila lovestory, hindi na siya nagpagago. Chill na lang siya. Maingat din si Jing sa puso niya these days kasi naranasan na raw niya masaktan. Kung ayaw sa kanya, e ‘di wag. So funny and entertaining siyang kausap. Akala mo chill lang pero ‘yung focus niya sa gusto niyang gawain sa life no matter how simple it is, kita mo e.  So paano ba kami nagkakakilala? Sabi ko, kelangan ko makakilala ng local in the safest possible way so, since tour guide namin siya, e di chika mode ako ng slight. Hirap kasi medyo aloof siya noong una. Sabi niya, mukha raw kasi akong maarte. Sabi ko naman, mukha lang, girl. Hindi ako maarte. Medyo lang. Napangiti siya. So, green light ko na ‘yun. Over lunch, nakwento niya ‘yung misadventures niya sa Manila. Panget daw ng Manila. Sabi ko, jusko, oo naman. Tapos ayun na, yaya na sa tagay after shift niya sa Kermit. Sobrang convenient pa kasi as in lalampas lang ako sa Gwapitos, may tagayan session na ulit. Hindi naman super mahal ng drinks sa Kermit, pero ewan ko, mas masaya ako ‘pag locals ‘yung kasama ko. Masaya rin namang kasama ‘yung mga kasama ko, don’t get me wrong, pero ‘yung topics are mostly generic: work, love life, gender preference, travels, funds, depression/anxiety, being lost, being found, self-chararat, and the list goes on. So, effort talaga akong maghanap ng “Live Like A Local” vibe kasi mas enriching ‘yung kwento at most of the time, sobrang mura or libre pa. So nagsimula sa long neck with Coke at Sprite. Alam mo ‘yung sobrang sedatedly happy ako kasi ang galing lang ng transition from Kermit na hype na hype and worth it naman talaga ‘yung hype tapos mapapadpad ka sa spot na hindi kelangan ng kilay or kahit anong make up para makasabay. Nga pala, during my stay sa isla, wala akong kilay and makeup 98% of the time. ‘Yung paalis at pabalik lang ng Manila meron. And damn, I like the feeling. Walang arte. Walang chararat. Tagay. Kwento and good vibes lang.  Si Jing sobrang bait. Sabi niya, after ng inuman, party daw kami kasama ni Kuya Tats and Lala. Syempre gusto ko na lang mag-chill at manood ng buwan and mga bituin sa beach or kung saan man, kaso, wala e. Game na lang. Sabi naman ng friend ko na nakailang punta na sa isla, kahit mag-bra at panty ka habang nagpaparty, safe na safe ka dito. Totoo naman. Hanggang tingin lang mga tao sa isla pero ibang usapan na ‘pag lumapit ka sa kanila or nilipitan ka nila at nag-respond ka. Bago kami mag-party mode, nagpadudgo muna ako meaning 4 na lapad kasi wala ng long-neck sa kaisa-isang parang 711 nila doon. Wala rin yelo pero sabi ni Jing siya na raw bahala. Coke saka Chippy. Sabi ko kay Jing parang kulang ‘yung chichiriya. Sabi naman niya, okay na raw ‘yun kasi nahihiya siya sa akin. Sabi ko naman, girl, go lang. Sabi niya, keri na raw ‘yung isang pirasong Chippy na malaki with yosi.  Bump mode mga tao sa isla. Nasabi ko sa previous blog ko, ang mahal ng yosi at limited choices pa. Saka in a way, parang given na ‘yun ‘pag dayo ka. Hindi naman smoker si Jing pati si Lala so sina Kuya Tats lang saka ‘yung isa pang driver na nakalimutan ko name na naman. Pero si Kuya e sobrang nakakatawa kasi siya ‘yung driver namin sa isa pang tour tapos sabi niya sa akin sa van daw niya ako sumakay. Sinama ko friends ko. Buti maganda, malinis at mabango van niya. I love it. Natawa ‘yung travel buddies ko kasi puro mga taga-ibang bansa na ubusan lakas sa English, beshiekeyks. Nahirapan akong iraos ‘yun pero game lang. Tip pa ni Kuya sa akin kasi dapat iiwan ko ‘yung yosi ko sa van is dalhin ko na lang daw kasi baka walang yosi sa mga island na pupuntahan namin.  Speaking of Kuya, nagpakawala siya ng feelings sa inuman session. So matagal na raw silang mag-jowa nung asawa niya pero iba pa rin daw kapag kasama mo na sa bahay. Okay lang naman page-emo niya kasi bata pa. Siguro mga 25 pa lang siya. Hindi nga raw niya inisip na magpapakasal sila ng ganoong kabata pero they had to do what they had to do for their baby. Natawa ako sa kanya and said na ginusto mo ‘yan, so uwi na siya. Sabi niya grabe naman daw ako. Sabi ko joke lang. Wala naman daw siyang ibang hilig kung ‘di basketball. Sabi ko baka may chixx. Sabi niya wala. Sabi ko sure ba siya. Sabi niya oo lalo na may singsing na siya. Sabi ko, wow, talaga lang ha. Sabi niya, payosi na lang daw siya. Si Jing natatawa lang sa gilid kasi problemado si Kuya. Sabi ko kay Jing, ‘wag siya gagaya kay Kuya. Sabi ni Jing, oo naman daw. Matalino na raw siya. Natuto na. Biro ko paano ‘pag dumaan sa harap namin ‘yung surfer ex. Sabi niya, hindi raw daraan ‘yun. Tanong ko sa kanya kung alam niya pa ba schedule ni ex. Sabi niya, baliw raw ako. Sabi ko naman nagtatanong lang naman ako. Sabi niya, move on na raw siya. Sabi ko, cheers, ate girl!  Tatlo kami sa scooter. Jusko. Ang stressful kasi ang tinde ng lubak sa daan. Sabi ko mag-habal na lang ako pero ‘wag daw. ‘Yung scooter niya e hindi para sa tatlo ‘pag lubak pero sobrang saya nila ni Lala. Naka-sandwich ako sa gitna nila. Mahahaba hair nila so wild lang ng ganap ‘pag may hangin. Alam mo ‘yung feeling na though first time nila akong ma-meet I felt truly welcome. Sobrang uneasy ako kasi ‘pag dumadaan sa batong medyo malaki at dahil nakainom na nga kami, sadsad yung ilalim ng motor ni Jing pero tawa lang sila ng tawa. Sabi ko baba na lang ako kasi baka masira ‘yung motor or whatever sabi nila ‘wag daw. Kaya daw nila. Nadama ko ‘yung big hearts ng dalawa. Grabe. Finally, living like a local na ako. Basta, next time, magmo-motor na ako. Pray na lang and work it ang peg ko. 
First stop is Jungle. Beshiekeyks, Jungle nga. ‘Yung mga staff ng Kermit kaya wala pa sa lupa kahit 8:30 AM na kasi wagas mag-party which is what I admire. Grabe nila seryosohin ang work-life balance nila. As in parang nasa Manila nightlife pero may sand on your toes. Naupo lang ako at uminom sa gilid. Nakakatawa kasi ‘yung mga locals pati sina Jing and Lala nakatingin sa akin sabay yaya na sumayaw ako. Sabi ko, okay na ako. Sabi nila, iba raw ako. Sabi ko introvert kasi ako. Sabi nila ‘di halata. Hahaha. Wala akong paki. Okay na sa akin manood at magyosi at uminom. So nagpunta rin kami sa Baile parang Padi’s Point na may pa-band. Nilibre naman kami ni Kuya Tats ng beer. Jusko. Hindi pa tapos. Hindi ata matatapos. Nahiya ako. Ako pa nilibre pero sige lang. Tapos si Lala hatawan sa dance floor na sa kanya lang. Sobrang pak. Sobrang galing lang ng confidence ng mga tao doon. As in. Solid. Saka ‘yung mga manyak hindi sila like napaka-walwal. Titignan si Lala tapos babaling ang tingin sa ibang bagay tapos titingin ulit. Sabi naman ni Lala, foreigner hanap niya. Natawa na naman ako. Ikaw na girl. Iyo na korona. Enjoy kasi para akong nanood ng Netflix IRL. May loko pa nga na Kuya na nag FB Live. Alam mo ginawa ni Lala? Lalong nagsayaw. Tumuwad pa in her super tiny shorts. Tawang-tawa si Jing. Ako naman napaisip? Safe ba talaga? Pero since sobrang tawa ni Jing, nag-loosen up na ako. Wala namang masama. So pinapanood namin siya. Hindi naman bastos sina kuya. Natapos ‘yung pak dance songs so natapos na rin si Lala.  In fairness sa banda, okay sila! Sobrang passionate kumunta noong male singer. Long hair, may edad na, pero as in alam na alam niya bawat birit at pagka-mellow ng mga requests.  Napansin yata ni Kuya Tats na nase-stress ako ng slight sa mga ganap. He assured me na safe mga babae sa isla. Sabi ko okay po. Sabi niya don’t worry. Be happy lang tayo lagi dito. Ganyan daw sa Siargao. Happy always sa GL.  Lipat naman kami sa Loose Keys pero since doon ‘yung party at medyo maliit ‘yung place, wala na kaming spot. So derecho kami sa Octopus Bar. Eto parang B Side tapos sa gilid niya beach. Gusto ko na nga lang mag-stay sa beach at manood (ayaw tumigil no?) ng buwan at bituin sa langit kasi whole stay ko full moon. Pero syempre si Lala at Jing, party mode. Beshiekeyks, ‘yung energy ko, may major gap na. Hindi ako pagod, bored lang. Okay naman ‘yung vibes. Okay mga tao. Sobrang enjoy lang. Walang pasikat. Pero as for me, upo lang ako sa tabi. Yosi. Inom. Ganyan. Sabi pa nga nila Jing and Lala hanap ko raw sila ng foreigner. Sabi ko maling tao nakausap nila. Hahaha. Sobrang tinde ng competition sa IAO kasi hindi pinapansin or rarely mapansin mga taga-Manila. Hanap ng locals puti. Default ‘yan. Not only because they are puti pero sabi ko nga, kasi mga taga-Manila tingin sa locals medyo mas iba. ‘Yung mga puti naman, mas gusto nilang mag-interact sa locals kasi nga naman mas authentic saka hindi maarte. Go with the flow lang. Walang hassle.  Sigh. Wala pa rin akong mahanap na ticket pabalik pero ‘di ako susuko. Waiting for my friend pa rin if pupunta kami together doon in the next few months!!! Raket mode na ulit. 
0 notes
yesimokaythanks · 7 years ago
Text
Dalawang dekadang something something (medyo hindi blog post)
BABALA: Ang post na ito ay hindi cheesy o #Feels kind of post. Hindi rin ito fully blog post kasi pakiramdam ko pang-malulupet na tao lang yun. Ito ay produkto lamang ng katamaran kong mag-sulat ng paper na due two days from now. Kinakausap ko lang ang sarili ko dito. Paumanhin kung di kayo makaka-relate.
Pare, bente anyos ka na.
Bilangin mo yung mga daliri mo sa paa’t kamay. Ganyan na karami (o kakonti?) ang edad mo.
Gulat ka, no? Parang kailan lang nakadapa ka pa sa dibdib ng tatay mo habang tulog. Ngayon, ganun pa rin naman ang posisyon mo matulog pero sa lehitimong kama ka na nakahiga. Malamang, kasya ka pa ba kay daddy e halos magkasing-laki na nga kayo?
Pre, sana may natutunan ka sa dalawang dekadang pamamalagi sa mundong ito. Hindi kasi lahat nabibigyan ng pagkakataon na umabot sa ganyang edad. Wag mo sana aksayahin.
Sige nga. Kung may natutunan ka talaga, i-lista mo nga dito. Para na rin hindi mo makalimutan tulad ng password mo dito sa Tumblr na dalawang beses ngayong linggo mong pinalitan.
Sige game.
1. Wag tumigil matuto. Live by the philosophy (naks ikaw lang naman nag-isip niyan) that the day one stops learning is the day one stops living. Sa dalawampung taon na buhay ako, natutunan kong tratuhin lahat ng bagay at pagkakataon bilang chance na matuto. Kahit pa BS yung movie o libro o yung tao, maniwala kang may matututunan ka.
2. Importante ka. Hindi mo man ramdam o hindi man sayo ipakita ng mundo, pero pare importante ka dahil ginawa ka Niya. Stop with self-pity and self-loathing. Para mo na ring ininsulto ang Panginoon.
3. Take responsibility. Wag mo na isisi sa iba kung bakit ganyan ka ngayon dahil tapos na yun. Don’t let the past haunt your present and future. You’re more than just your pains. Kung ano man ang maramdaman mo, tandaan mo na ikaw ang may control jan at ikaw rin ang mananagot sa mga bagay na gagawin mo in accordance with your emotions.
4. Let’s sing! WAG MAHIHIYANG MAGTANONG~ hindi lang kung may ritemed ba nito pero kung kailangan ng tulong, humingi ng tulong. Hindi masama yun pero wag mo ring abusuhin. No one is under the obligation to help you; they are just doing it out of good will so be grateful instead of pointing out how lacking they are.
5. Kumain ng matinong mga pagkain! Bente ka na. Utang na loob at utang na labas, pigilan mo na ang sarili mong kumain ng junk foods at street foods. Ikaw rin ang mahihirapan mag-lose ng weight at mag-control ng BP someday.
6. Wag mo itulak papalayo yung mga taong gusto mong makasama. Ano ka, tanga? Gusto mo nga makasama tapos tutulak mo palayo. Tigilan mo nga yang kalokohan na yan.
7. Commit. It’s perfectly fine to feel scared but once you gave your word, you also made a commitment and you should abide by it. Of course may mga times na hindi talaga maiwasang umatras na lang; pero otherwise, GROW UP AND STAND BY YOUR WORD.
8. No to whining. Ito, natutunan mo ito kay ma’am Bucoy sa ENG 106 (Creative Writing). Kasama ito sa house rules niya diba? We are to face the universe with confidence and glee. Toughen the hell up. You’re hurt? Go on, cry. But not too long. The world won’t stop being what it is just because pagod ka na.
9. Magmahal. Kahit mahirap. Kahit nakakapagod. Kahit nakakainis sila. Kahit di nila alam ang difference ng “your” at “you’re.” Kahit wala kang makuhang kapalit. Kahit hindi ka nila mahalin pabalik. Piliin mong magmahal sa mundong ‘to na ang nagmamahal ay pinapatay. At least namatay ka para sa tamang rason.
10. Do not give power to any name besides His Name. Because His Name is what truly matters. :) #Jesus Whew! Ayos pala e. So may natutunan ka pala talaga sa dalawang dekada mo dito sa mundo. E may natutunan kaya ang mundo sayo?
Ewan ko. Di ko sigurado.
Yan ang goal mo dapat, pare. Yung hindi lang ikaw ang matuto kundi pati iba. Kasi ganun naman talaga diba? Matatandaan ka nila sa kung anong ginawa mo para sa kanila.
Pero ano nga bang alam mo?
E bente anyos ka pa lang naman?
Malayo pa ang lalakbayin, pare. Lubak lubak ang daan. Yang DPWH kasi di matino e. Pero de, kaya mo yan. Kakayanin mo yan. Naka-survive ka ng dalawang dekada. Kaya mo pa ang isa pang dalawang dekada.
Hanggang sa susunod na dalawang dekada ha? Hihintayin kita. :)
(Sana may Tumblr pa non.)
0 notes
mikodepp-blog · 7 years ago
Text
Alamo nag titinda nko ngaun ng sisig kasama ko si meryl., nung una akala ko madali lng lahat lalu n nung mag uumpisa plang kami yun pla hnd, grabe hnd xa biro kakainin lahat ng oras mo, mula sa pamamalengke pag luluto pag hihiwa, pero tinutulungan nmn ako ni meryl pero hnd pa kami sapat para matapos ng maaga ung gagawin nmin madalas nkakapag bukas kami ng 8 ng gabi dapat 6 plang bukas n kmi kaso mag dadrive pako ng motor mula camarin hanggang kla lola, hnd n din kc ako mabilis mag drive natatakot n kc ako lalu n kasama ko p si meryl grabe ung takot ko kung alam mo lng minsan umiiyak nko habang nag dadrive lalu n pag hnd ko macontrol mahirap tlga., tapos dumating p sa point n umulan ng malakas tlgang malakas basa kami pati loob ng tindahan nmin muka kming mga kawawa., sa totoo lng hnd yun ung gusto kong buhay sanay ako sa hirap hnd rin nmn kc kmi mayaman pero ayoko n sana balikan ung hirap gusto ko sana ung takbo ng buhay ko ehh,, deredretso lng kaso pakiramdam ko ngaun parang nalubak ako at malalim n lubak at tumumba., ayoko magreklamo kc business nmin yun kaso hnd nila ako nauunawaan alam mo yun ung sasabihan k ng walang lakas ng loob andami dami pinag aralan nya sa sisig bumagsak, walang faith k God angaling nila magsabi ni hnd nga nila alam ung pinag dadaanan ko alam mo kung bakit, una kailngan ko ng malaking sweldo para sa binabayaraan ko kung 100 lng susuwelduhin ko at magpapa gas ako minsan pagpumupunta sa tindahan ano nlng maiipon ko magbabayad ako sa Sun. Bibili ako ng stocks sa bahay,. Sa mga aso pa ano nlng ipang bibili ko hnd nila ako maintindihan kc hnd nmn nila alam ung mga ginagawa ko pagnagsabi k ng nahihirapan kna sasabihin ganun sa umpisa alam ko nmn wLang madali pero kung may pinaggagastusan ka kailangan mo ng panggastos sa totoo lng ayoko n nahihirapan nko hnd nko nakakatulog kakaisip ng pwd kong gawin wala akong mapagsabihan ng iniisip ko pati laman ng puso ko wala mahirap pla pag wala kang magulang nung bata ako sabi ko sa sarili ko ok lng ng walang magulang, kc hnd ko pa nararamdaman n wala sila pero ngaun kung klan lumaki nko ngaun ko laging nasasabi n anghirap pla ng walang magulang sanay ako mag isa, sanay ako n kung ano ung nararamdaman ko at naiisip ko sanay ako n sa sarili ko lng sanay ako umiyak mag isa sanay ako n walang masumbungan sanay ako nawalang pinagsasabihan ng kung ano tungkol sa buhay ko sa sobrang sanay ko narealize ko sobrang hirap din pla, alam mo kung bakit kc wala akong matakbuhan wala akong mayayakap kapag hnd ko n kaya alam mo sukong suko nko sa buhay hnd lng masama magpakamatay cguro matagal ko nang ginawa pero dati napipigilan ko pa sarili ko nakakapag isip pako ng magagandang nangyayari sa buhay ko pero ngaun wla n wala nakong maisip n dahilan para magpatoy sorry kaso gusto na tlga matulog kc tuwing natutulog ako nawawala ng lahat ng iniisip ko kaso ngaun hirap nko makatulog. Cguro kailngan ko n ng pampatulog thank u ulit sa pakikinig mo sorry kc puro hinanakit nlng ung naririnig mo sakin.,
0 notes
rajabrachmat · 4 years ago
Text
Check out this post… "Kapsul Minyak Bawang Dayak HRI".
Bawang dayak bisa di sebut juga juga dengan nama lokal yang beragam seperti Bawang Tiwai, bawang Sabrang, bawang berlian, bawang lubak, teki sebrang atau bawang hantu. Bawang Tiwai merupakan tanaman khas Kalimantan Tengah tempat suku Dayak tinggal. Tanaman ini sudah secara Empiris dipergunakan masyarakat Dayak sebagai tanaman obat.
Tanaman ini memiliki warna umbi merah dengan daun hijau berbentuk pita dan bunganya berwarna putih. Sudah sejak lama bawang dayak dimanfaatkan sebagai obat aneka penyakit, antara lain sembelit, sulit buang air kecil, radang usus, disentri, luka, bisul, muntah, hingga penyakit kuning. Bukan hanya itu, beberapa penyakit berat, seperti kanker payudara, diabetes melitus, hipertensi, dan hiperkolesterol dipercaya dapat diatasi dengan bawang dayak. Meskipun demikian, studi mengenai manfaat bawang dayak untuk kesehatan masih belum banyak dilakukan. Umbi bawang dayak mengandung beberapa senyawa fitokimia yakni alkaloid, fenolik, steroid glikosida, flavonoid dan tannin. Alkaloid merupakan bahan organik yang mengandung nitrogen sebagai bagian dari heterosiklik. Bahkan senyawa alkaloid, flavonoid, glikosida dan saponin memiliki aktivitas hipoglikemik atau penurun kadar glukosa darah yang sangat bermanfaat untuk mengatasi diabetes melitus.
Bawang dayak untuk obat hipertensi dan diabetes
Senyawa alisin bermanfaat menurunkan tekanan darah dan menurunkan kekentalan darah. Kandungan naphtoquinones dalam bawang dayak dikenal sebagai antimikroba, antifungal, antivirial, dan antiparasitik. Selain itu, naphtoquinones memiliki bioaktivitas sebagai antikanker dan antioksidan. Bukan hanya naphtoquinones, kandungan alkaloid, flavonoid, glikosida, dan saponin juga mendatangkan khasiat kesehatan, yakni sebagai hipoglikemik atau penurun kadar glukosa darah untuk terapi penderita diabetes melitus. Bawang dayak juga memiliki efek anti-inflamasi atau antiperadangan.
Antioksidan, Penangkal Radikal Bebas
Bawang dayak juga berkhasiat sebagai antimelanogenesis (mencegah timbulnya bintik atau titik-titik hitam di kulit) dan antioksidan (menangkal radikal bebas). Hal ini disebabkan oleh kandungan senyawa golongan alkaloid, flavonoid, steroid (triterpenoid), glikosida, glikosida antrakinon, dan saponin dalam bawang dayak.
Bawang dayak kaya akan antosianinsenyawa pewarna alami yang memberikan warna merah pada bawang dayak. Antosianin merupakan antioksidan yang berperan menetralkan radikal bebas. Berkurangnya kadar radikal bebas dalam tubuh, risiko untuk menderita penyakit kanker, jantung, dan diabetes semakin berkurang.
Khasiat bawang dayak dapat menyembuhkan berbagai penyakit, mulai dari yang ringan hingga penyakit berbahaya, bahkan mematikan. Misalnya, diabetes mellitus, jantung koroner, hipertensi, tuberkulosis, bronkitis, radang rektum, asam urat, radang prostat, ambeien, peluruh lemak, bisul, hepatitis, dan peningkat gairah seksual.
MINYAK BAWANG DAYAK ini dengan izin Alalh sudah melalui proses ruqyah dan higenis serta mengobati sebagia berikut:
1. Amandel
2. Ambeien
3. Asam Urat
4. Asma
5. Bisul
6. Bronkhitis
7. Darah Rendah
8. Diabetes Melitus
9. Epilepsi
10. Gangguan Pencernaan Lambung
11. Gangguan Seksual
12. Ginjal
13. Gondok
14. Hepatitis
15. Hipertensi / Darah Tinggi
16. Insomnia
17. Jantung
18. Kanker Kelenjar Getah Bening
19. Kanker Paru Paru
20. Kanker Payudara
21. Kanker Rahim
22. Kanker Usus
23. Keputihan
24. Kista
25. Kolesterol
26. Maag
27. Migrain
28. Myom
29. Obat Muntah
30. Pelupa / Menurunnya Fungsi Ingatan
31. Peluruh Kemih
32. Pencahar
33. Prostat
34. Radang Usus
35. Rematik
36. Sakit Kuning
37. Sakit Perut
38. Sakit Pinggang
39. Stamina
40. Stroke
41. TBC
42. Vertigo
43. Vitalitas
Semoga Allah memberi kesembuhan yang sempurna, sehingga tidak sakit lagi. Aamiin
Harga 60.000, tidak termasuk ongkir. Isi 60 kapsul.
*Harga menarik untuk agen*
Pemesanan/keagenan hub Whatsapp 0895-6201-90928 atau klik https://wa.me/62895620190928
0 notes