Tumgik
superfriendssssss · 5 years
Text
It is 2019! >_<
We’re the great super friends! 
0 notes
superfriendssssss · 7 years
Text
[Realization Post]
Hi. Alam kong medyo natagalan bago ko masabi yung sasabihin ko sayo. Haha.
Hindi ko kilala sarili ko pero alam kong hindi ako masayahin na tao. Oo, mabilis akong patawanin, pero hindi talaga. Palashare akong tao pero di ko kayang sabihin yung super bigat na nararamdaman ko kasi pakiramdam ko, hindi naman ako maiintindihan, itatawa ko nalang, para at least, less burden. In short, magulo, complicated na tao kasi di ko alam kung ano ba talaga gusto ko. Super naattached ako sa tao pag nafeel kong naaappreciate nila, the same time, natatakot kasi baka next day, di na nila ako mapapansin. Marami akong issues sa buhay.
Siguro nga ganun ako sayo. Super natutuwa ako pag kailangan mo ng tulong ko. Nafeel ko na may silbi ako sa ibang tao. Willing ako tumulong sa tao. Yan ako eh.
Hindi naman ako nag expect na magiging magkaibigan tayo. Masaya na ako dun sa pag dumadaan daan ka, tapos ichichika ko kay Marvin na nakita kita, pag CWTS, mga ganun lang. Pero nung Mar 15, 2016, ayun na. Chinat mo na ako. Di ko alam mafifeel ko nun sa sobrang shocked kala ko nananaginip ako, syempre contented ako sa ganun diba tapos biglang nagkausap tayo. Doon ko din narealize, may something in common kayo ni Jordean (ayan ah, namedrop na) Ayun, nagworry na ako. Kasi baka ma attach na ako sayo, baka makasanayan na din kitang kausap tapos dadating din yung araw na baka mawala lang din agad. Sabi ko, hanggat maaga pa eh, puputulin ko nga yung connection since kakaumpisa palang naman. Pero nakakausap padin kita. Nakikilala kita kahit papaano. Bakasyon yun diba? I realized na wala siguro, hindi mo naman ako magugustuhan haha. So ayun contented ako sa kung anong meron. Nagkekwentuhan tayo. Everything was fine. Then, classmates tayo, medyo nakakatakot kasi baka mas maattach nga ako pero na control ko naman sarili ko eh. Tinutulungan kita sa mga problems mo, ikaw din naman sakin kahit makulit ako. Nasa usapan naman natin si Joyce that time pero okay lang talaga. Sabi ko sa sarili ko, friends lang siguro kami ni Khris, and I would love that. Kahit naman may alam ka diba, hindi mo naman ginawang advantage yung feelings ko eh.
Nagsimula yan nung bandang end of June. Nagtataka na din ako na bakit ganun treatment mo sakin, kahit alam kong ganun ka din naman sa iba. Worried ako sa issues. Then sinabi mo. Super natakot ako kasi nakikinig lang naman ako sa mga kwento about kay Joyce, tinutulungan kita pero dun sa sinabi mo eh, naisip ko na kaya ka siguro naguguluhan kasi nasa eksena ako. “Nakikita mo lang ako pag di kayo okay.” Ayan palagi kong sinasabi sayo. Syempre kahit papaano, it hurts my pride kasi nga napapansin lang ako pag passive yung isa. Hindi ba pwede na nakita mo ko kasi nakita mo lang ako? Hindi yung napansin mo ko kasi ganto. Then weeks later, okay na kayo ni Joyce. Ayun naman pala, panggulo lang pala talaga ako. Iniwasan kita. Dyan naman ako magaling diba? Nag adjust.
Issues dito, issues doon. Nakakainis. Ako na nga tong umiwas, nasakin padin yung blame. Kahit kaibigan pa kita, kung di na nakakatulong, tinigil ko kahit di ganun kadali. Marunong ako rumespeto. Nag aaway tayo, nakakainis na, nakakasawa. Yung last chance sana kahit papaano eh maging okay ulit, yung bday ko. Super tampo ko kasi di ka makakapunta. Syempre alam ko naman and marami kang reasons. Hindi naman kita mapipilit diba? Ayun tumigil na. Tanggap ko naman. Syempre umiiwas ako sa gulo. Nasanay ako sa set up. Sabi ko, salamat at tahimik na. May iba na naman na nanggulo. Pero nahandle ko naman. Magulo na nga buhay ko, may manggugulo pa.
So dumaan yung halos two months, ayun di tao nag uusap sa room. Awkward pag kailangan mag usap, sa groupworks and pairworks. Napapakwento ka na din paminsan and ako din in return ng kwento mo. Nung IE Week, alam kong di ka talaga okay nun. Medyo di di ako masyado lumalapit kasi baka maging ganun ulit. Tsaka ayaw ko masabit sa gulo jusq parang awa talaga nun. Buti nalang may focus ako nung time na yun. Thankful ako kasi nandyan yung tropa mo na dinamayan ka. Okay naman na. Okay na ako sa ganto tayo. Casual. :) And 2017 na, nasanay na ulit ako na nag uusap tayo sa room kasi sa seatplan. Napapakisamahan ko na yung pang aasar mo. Super tahimik na ako nun. Kalmado.
Nagkaproblema yata, sa akin nung bago ka magbirthday. May habit ako na gustong gusto ko mapasaya yung mga taong special sakin pag birthday nila. Ewan ko ba. In return lang sa mga tulong na ginawa nyo. Ayun lang siguro. Naging big deal kasi pakiramdam ko na hindi mo kailangan ng efforts ko sa birthday mo. Oo naman haha alam ko naman yun kaso parang di mo man lang ako napagbigyan. Ang sad talaga nun.
Nagstart na naman ako maparanoid. Iniisip ko na naiinis ka na sakin. Dami kong what ifs. Sobra. Madami akong gustong itanong. Nastressed na din ako sa acads kaya hinayaan ko nalang. And medyo nagresurface yung akala ko wala na. And nakakainis ako noon sobra, like “Jeanne, ang tanga mo.” Feb 12, yung nagtext ako sayo nun. Hayahay yata yun and nagkwento ako sa mga hs friends ko tungkol sayo, sabi ko sa kanila paano mawawala yun kasi nakakagulo ako kasi nagiging magkaibigan na ulit tayo tapos ako naman yung matigas yung ulo, di nag iisip. Napadami yung inom ko that night and buti nalang, kabilang baranggay lang yung bahay ng friend ko. Di ko din inexpect na itetext kita, hindi ko nga alam bakit may number mo ako. San ko nakuha T_T. Nagtaka sila Anna kasi alam nila, wala na talaga eh. Akala ko din talaga eh. Hindi na din ako masyado din nagkekwento kila Anna kasi para saan pa, eh baka naooverwhelm ako, baka natuwa lang ako, lilipas din yun. Ganun mindset ko. Gulo na naman T_T And hindi ko naman din ineexpect yung mga sinabi mo sakin nung Engg Week, alam kong tanga ako. Alam kong kaibigan mo lang ako. Alam ko. Sa tingin mo ba hindi ko naisip yun? Jusq kulang nalang isulat ko para mas matandaan ko. Alam kong di dapat. Alam ko, pero pinangalandakan mo pa. Naiinis ako sobra. Nakakaiyak. Sabi ko walang patutunguhan to. Kaya umalis ako. Awkward ulit, kasalanan ko. Alam ko naman. Hinayaan ko nalang kahit sobrang naiinis ako. Nakakapagod kasi eh. Sabi mo, kalimutan. Okay. Kalimutan. Okay kunwari wala lang. Nagkdrama ako (legit yan, medyo di ko naiisip problema ko) Naging okay ulit. Kaso may naririnig ako, di ako comfortable. Di ko nalang pinapansin hanggang sa talagang mapapansin nalang. Mahirap sabihin na walang pakialam kahit sobra sobra akong nacucurious ako. Di ko alam nacocompare ko na sarili ko sa kanya. Marami akong tanong. Kakayanin ko. Ako pa, kaya ko to. Ayun, naiinis ako sayo, that way kahit papaano nalalabas ko yung inis ko sa sarili ko. Kinakausap mo ko kahit umiiwas ako. Nag usap kami ni Marvin, nagtanong ako about dun. Sabi niya, tigil ko na. Hindi na kasi nagiging maganda pag tumatagal, palagi nalang tayo may gulo. Sabi ko, okay, pagkatapos nung reporting sa Econ. Sabi ko, di na tayo mag uusap. Para magiging okay na talaga, for real.
Ayan IE Convention na, isang taon na pala. Ayan na yung results nung nagkausap tayo nung last year sa hindi na natin pag uusap after 1 year. Sad. Pero ayun na nga, madami ng nagbago. Yung mga gusto ko itanong sayo, hindi ko na itatanong kasi alam ko na yung sagot. Yung mga tanong ko nung July, netong March mo lang sinagot through actions. Matagal din diba? Paano ko itatanong kung alam ko na yung sagot? Hindi ko din kaya marinig yung sagot kasi di ko alam paano ko tatanggapin.
Pinilit mo ko akong kausapin ka. Nagtry ka ulit mag reach out. Nandyan na, minsan lang gawin ni Khris yan. Nung unang beses ka pa nagreach out, pinaandar ko pride ko nun. Nirealtalk mo nga ako nun eh ^O^. Nag usap tayo. Alam mo na yun. Hanggang sa ano tayo ngayon. Ang haba nung process tapos dito lang bagsak ko. Nakakaloka. Nakakapagod kaya.
Gusto ko magsorry. Kasi kung hindi naman ako nakicharge sa dorm nyo, walang ganun eh ╯︿╰ . Sana pinanindigan ko yung sinabi ko na kaibigan lang talaga. Di na ako aasa. Pero wala eh. Matagal ko yun hinintay eh. Yung maisip mo man lang na kung magkaibigan lang ba talaga tayo. Yung sana kahit paano nakita mo na pwede magkachance, sobra ko ng tuwa. Binigyan mo ako ng chance na mapansin, maappreciate. Sht can’t explain the feeling talaga. Super mixed emotions na. Inisip ko na minsan ko lang mafifeel yun. Tanggap ko naman na hanggang dun lang. Tapos kinabukasan, wala na ulit. Pero may mga nasabi ka na sobra na sa ineexpect ko na sobrang kinatakot ko. Gusto ko na umuwi na hindi. Gusto ko na ayaw ko kasi natatakot ako. Gusto ko pero parang mali. Nilalagay ko yung sarili ko, ako mismo nilalagay ko sa sitwasyon na baka option lang ulit ako. Kasi di ka okay, emotionally. Baka naoverwhelm ka sa attention, sa lahat. Pero masaya ako na natatakot. Nakakainis diba. Tapos ayun na. Bakit ba gustong gusto kita nakakainis talaga.
Sorry kasi may kasalanan ako. Sorry kasi naging ganun nga. Madami kang problema ngayon tapos paminsan minsan dumadagdag ako. Oo, napapadalas ang inom ko. Oo, dahil depressed ako kasi pinipilit kong tanggapin kahit di pa naman kaya. Oo, nakakainis kasi ayaw pa magsink in. Oo, dahil di ko matanggap pucha. Oo nakakadespressed kasi tinatakasan ko na naman. Sorry kung naging annoying ako. Hintayin mo nalang, bear with me. Kakayanin ko din.
Pipilitin ko iset aside. I promise. Alam kong kailangan mo ng kaibigan and yun nalang yung magagawa ko, di ko na ibibring up. Iiwasan ko para maging kumportable ka. Nandito lang ako, I promise. I promise. I got your back. Please maging comfortable ka sakin. Ayusin natin yung friendship natin kasi hanggang dito lang talaga tayo. Di ko na iisipin yung beyond that. Napagod na ako masaktan. I want to help you ngayon. Kausapin mo lang ako, magkwento ka lang. Time will come, mawawala din to. Kakayanin ko. Sana kayanin mo din. Sorry natagalan kasi naging selfish ako. Inisip ko na ako lang nahihirapan. Ikaw din pala. Sorry talaga. Magpapakagoodgirl na ako.
Thank you for everything. Eto nalang yung papakiusap ko sayo. Please don’t hesitate. I’m willing to help. Always. Basta para sayo. :)
0 notes
superfriendssssss · 8 years
Photo
Tumblr media
Life goes on. :)
0 notes
superfriendssssss · 8 years
Text
Why drink kasi? -Kasi plano ng squad Why get wasted? -Idk. How. That was first time. Kasi naman, nag alala ako. - Bakit nga? Bestfriends, superfriends.. -Speechless ako ah Friends, special friend - Hanggang dyan lang talaga no? This is crazy. 03/25/17
0 notes