soontobemomma-blog1
Mommy Zelly โค
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
soontobemomma-blog1 ยท 6 years ago
Text
How I found out ๐Ÿ’š
May 13, 2018- Date ng supposed to be menstruation ko. Regular ako kaya monthly monitored ung period ko. Madelay man ako maximum na ang 3 days. Dumating na ang May 13 pero wala pa din akong nararamdaman na symptoms na magkakaron na ako. So inisip ko baka delay lang ako. I've waited and waited and waited. Bandang May 16, 3rd day ng delay ko nakakaramdam na ako ng symptoms like pag tender ng breast, pagsakit ng puson at balakang. So inantay ko na naman. Everyday ganun. Sinabe ko sa partner ko na baka kaya ganun kase malapit na ako magkaron. Nung mga time na yan nag aapply na ako ng work. Bali duon sa work, pabalik balik ako sa agency which is sa Sucat pa. And I'm from Makati. May 19-May 21 nag start na ako ng training. Paiba iba ung schedule ko, may schedule ako na 7pm-4am. Puyat overload. Hirap pa nun dahil sa maya't mayang cramping. May 22, exam ko. Dun ko malalaman kung nakapasa ba ako sa training o hinde. Then yes! Pumasa ako!!! I was excited na mag start na.
May 23, 2018- Pumunta ako sa agency para kunin ung list ng requirements. Ready na ako nun. Kinabukasan balak ko na magpa medical. Pero nung gabi naisipan kong bumili ng Pregnancy Test just to make sure na di ako preggy. Since hindi pwedeng magpa xray hangga't hindi pa nagkakaron. Baka dun pa ako pagastusin ng PT. Kapag ganun pa naman, mas mahal.
Kinagabihan, tinest ko sya without my partner knowing kahit nasa bahay sya that time. I peed in the stick and 2 lines sha. Kinabahan ako nun. Di ako makaalis sa cr kasi nangingig ako. Naiiyak na din ako that time. Ni hindi manlang malabo ung pangalawang line. Super linaw!
Tumblr media
Ang dameng pumapasok sa isip ko nung time na un. "Itutuloy ko ba to? Pano kapag tinuloy ko. Ano kayang magiging reakshon ng fam ko? Magagalit kaya sila saken? Gugulpihin kaya nila ko? Pano na yan? Balak ko pa naman mag aral next sem, October un, for sure malaki na chan ko nun."
Naiiyak nakong lumabas sa cr pero pinigilan ko kase andun si partner. Nakakutob na sha kasi hindi ako mapakali nung time na un. Tinatanong nya ako kung anong nangyare pero hindi ako nagsasalita. Hanggang sa nagyaya na sha na uuwi na sya. Nag away pa kami nun dahil naiinis sya sakin, hindi kasi ako nagsasalita.
Nasa sakayan na ng jeep nung sinabe ko sa kanya yun. Naalala ko ang pagkakasabe ko "Kaya nagbubura ko ng message kasi..." Ayan lang ung sinabe ko kahit natatakot ako. Nahihiya ako sa kanya. "Positive?" Napatingin ako sa kanya nung sinabe nya yon, napayakap ako and out of nowhere tumulo agad ung mga luha ko. Iyak ako ng iyak, halos mabaliw nako kakaiyak. Niyakap lang nya ako tapos tinanong nya? "Anong balak mo? Gusto mo ba ituloy yan? Nasa sayo yan, ok lang sakin kung itutuloy o hinde, baby natin yan eh." Lalo akong naiyak that time. Nung nahimasmasan ako pinakita ko sa kanya ung PT at tinago nya yon. Sinabe ko sa kanya na bukas bibili ulit ako ng dalawa pa para iconfirm talaga.
Kinabukasan, bumili agad ako at napatunayan kong hindi pala talaga nagkakaroon ng False Positive. Confirmed na buntis nga ako. Sinubukan ko ule sa dalawang Pt pero parehas na positive talaga.
Tumblr media
Magkaibang Pt sa magkaibang oras.
Jan ko napatunayan na magiging mommy na pala talaga ako. Kinakabahan at excited. Lalo sa parents ko. Pano ko sasabihin sa kanila. Yari ako ๐Ÿ˜‚
-Mommy Zelly ๐Ÿ’š
Tumblr media
0 notes
soontobemomma-blog1 ยท 6 years ago
Text
Know your momma ๐Ÿ’š
Welcome to my blog! โค
I'm Zel, 22 years old from Makati ๐Ÿ’• As for now na hindi ko pa alam ang gender ni baby and hindi pa ako nakakaisip ng magandang name, I call him, Little Peanut.
In this blog, ise-share ko sainyo ang mga nangyayari sa buhay ko. Since I'm a first time mom, expect the unexpected. Meaning, may mga bagay na hindi pa ako sigurado pero gagawin ko lahat ng paraan para pagaralan at ishare dito sa blog ang aking mga natutunan.
I know I'm a bit late. Naisipan ko kasing gawin itong blog ngayong 19weeks na ako pero I'll catch up. Every month I'll update my baby bump by uploading picture of Little Peanut. My rants about everything, my cravings, life happening, struggle at shempre ung mga masasayang ganap sa buhay namin ni Little Peanut.
Before nagkaroon ng Little Peanut, I'm a typical young adult lady na nag eenjoy ng life. I love to party, go out with friends, kumaen sa mga trending na food stalls. I admit, I smoke, I drink, I do my thing. Bitchesa no? It's me! Rebelde-type, di napipirmi sa bahay, laging nasa inuman, laging nasa labas, in short- walang kwenta. I used to work pero since uso ang endo, ayun! Na endo ang mommy Zel nyo. I tried applying for a job rekta pagkatapos ma endo but Little Peanut came. (story of how I found out is my next blog)
Sobrang saya at nakakaexcite at the same time, sobrang nakaka kaba. But Little Peanut is here.
-Mommy Zelly ๐Ÿ’š
0 notes