Empty Shell. Broken. Defeated. The psalms will never call me again.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Pagpasensiyahan aking pagluha at pagyakap Mahigpit Buhos ng luha sa ilalim ng takipsilim Masakit at mapanakit
Patawarin mo sana kung ako'y pipikit Magpapahinga Na tila wala ng hawak sakin ang oras Mahimbing at tahimik
Alalahanin sana ang mga sandali Makabuluhan Bawat talata sa ating storya Malalim at mahiwaga
Sana'y malaman na ako'y lumalaban Tahimik Makita muli ang kahulugan sa mga kulay Pilit na pinipilit
Patawarin mo ako Hayaan mo akong lumaban Pagod lang ako Pagpahingahin sa mga yakap mo
0 notes
Text
At di nanaman mapigilan Ang pagbuhos ng mga luha Ang pagkupas ng mga ngiti
Pinaikot ang tiwala Kulay sa paligid ay humupa Pagod ay muling nadama
Hapdi ng usok sa dibdib Pinipiling makatulog Panatiliin ang pagkahimbing
Pero isip ay gulong gulo Mabuhay o matulog Naglalaban, nagtatalo
Gusto ko magpahinga Napapagod na kaluluwa
Di na kumikinang ang mga ulap Di na maramdaman ang init ng buwan
Pagod na pagod
0 notes
Text
Nakalimutang Sining
Unti-unti na akong nawawala, di na mahanap ang sarili Dumadalas na ang pagkabahala pero pilit parin na ngumingiti Nasan na ang kaluluwang lumalaban? Kaluluwang nahilig sa sining Tuluyan na bang namamatay ang apoy, at nawawala na ang pagningning
Pagkamalikhaing napakayabong, sana'y muling magbalik Kaluluwa'y muling mag-ingay, o tuluyan na bang mananahimik?
Wala ng kontribusyon sa mundo, isip at puso'y litong-lito Kaya ko pa nga bang tuparin mga binitawan kong pangako? Lalaban sa dilim, mangangapa ng dahan-dahan Ibig ko lamang na wag sana'y maisipan kong muling lumisan
0 notes
Text
Quiet
Keep quiet to avoid drama Keep quiet, it’s not what they want to hear Keep quiet and bottle it up Keep quiet because it’s just too much to bear Keep quiet until it’s too late for them Keep quiet until everything’s quiet Keep quiet
3 notes
·
View notes
Text
I hope you’re all still there I hope you’re all still carrying on I hope you’re all still fighting I hope you’re all still holding on I hope you all get better For a better life
0 notes
Text
Di marinig at masukat ang bigat ng mga pasanin Kung mawala man balang araw maalala kaya nila ang hinaing? Nagpapakatatag kahit nakakaladkad, tumatayo, tumatakbo, tumutumba Di na alam pano babangon sa damdaming napakababa
Matutulog ng mahimbing at masusunog sa dilim Hindi na yata mahihintay ang takip silim
0 notes
Text
Tunay na Winarak
Dahil patuloy parin silang namamayagpag Mga swapang at mga bulag Pagtataksil ng lantaran Nakakaawa na ang ating inang bayan
Hustisya Kelan makakamtam ang hustisya? Sapat pa ba ang hustisya para sa pambababoy ng mga hijo de puta? Hustisya para sa inang bayan
15 notes
·
View notes
Text
Pos 4 - Pos 5
No man is an island but I-- land where worn outs are tossed and scratched
You always wanted to be part of a team a crowd the roar of a frenzy
I perform best when I'm doing everything on my own They will follow me the unsung the uncredited the reason we lost the blamed
You can never step up with your team past experiences you choke and give up eventually
the unsung the uncredited the reason we won the reason they were able to carry I am the true core the one who was able to fulfill his role
1 note
·
View note
Text
Sun Bullet
They'll keep pulling and tearing you like an unwanted scab
Tearing at the seams, counting your sins
They'll discard what you're made off Until they've had their fill
And slowly I find myself wondering again
Who's in charge? The man behind the curtains might be tangled up in strings as well
I remember a dream I had of a boy clinging on to me
"It's going to be better, and if it doesn't you can always come with me"
I could've taken that offer
And everyday I try to sleep more and more and more and more just to get another chance at that offer
"I'm sorry, son. You can't win, you can't win this one"
I'm sorry for being a constant mess
But this is expected of me
Someday dear boy, I promise we'll scream our lungs out and finally, just maybe finally we'll be able to
breathe Free.
0 notes
Text
Kendi
Isang hapon, sa foodcourt sa QC. Isang apo na sabik sa matamis. Sa nanay sinubukan ang kanyang tiis.
“Gusto ko ng samo't saring kendi.” “Hindi, subukan mong sa lola mo magpabili.”
Pinagmasdan iba't ibang kulay na hiyas. Naupo at nangarap maambunan ng biyaya. Isang hatak, isang ngiti. “Pwede po ba ako magpabili?” Turo dito, turo dun. Di magkandamay sa pagpili. Inabot ng lola sa apo. Nagpasalamat at tila bumalik kulay sa mundo. Dahan dahan na pagbukas ng balot sa inaasam na kayamanan. Hindi ginto, hindi alahas, kundi kendi ang bumungad sa apo. Nagningning mga mata at kumalat ang ngiti sa kanyang mukha. Labis ang pagaantabay ng lola'ng napuno rin ng labis na tuwa. Sa di kalayua'y nakamasid ang ina'ng napupuno na ng galak ang mga luha. Bata sa kendi, Lola sa apo, nanay sa parehong tao Pagmamahal ng bawat henerasyon
0 notes
Text
Make Yourself At Home
Comfortably stuck in quicksand and I’m here to hold your hand. Through the piercing cold and the scorching heat, I’ve always been here. But will we ever see the light? I’m still hopeful that someday everything’s going to be all right. Everything seems all right.
0 notes
Text
All Might
Just when I thought that the tables have turned The past comes back, bad karmas I've earned My body's broken now, in pieces, all torn It's too late now, the bridges can't be burned
The cross I bear proves to be too heavy This journey has made me very weary Still I chose to walk, slow and steady Wipe those sad eyes, not time to be teary
The journey's long, chaotic path I dread Keeping emotions bottled, it's better not said Accepting all this, the life I led Until I finally find home in the land of the dead
0 notes
Text
Death’s a Funny Thing
“I used to think it was a big, sudden thing, like a huge owl that would swoop down out of the night and carry you off. I don’t anymore. I think it’s a slow thing. Like a thief who comes to your house day after day, taking a little thing here and a little thing there, and one day you walk round your house and there’s nothing there to keep you, nothing to make you want to stay. And then you lie down and shut up forever. Lots of little deaths until the last big one.”
0 notes
Text
Romantico: Agimat
Ang inspirasyon, titulo, at ibang linya ng storya ay hango sa bandang Kamikazee at sa kanilang album na “Romantico”. Di dahil dun nakuha ang inspirasyon at ibang linya ng storya ay aakma o tutugma ang storya sa kanta. Tulad ng naisaad, inspirasyon ang hinugot at hindi ang buong storya.
“Akala ko nawala ka na. Lahat ng alaala”
“Di mawawala. Hanggang huling hininga.”
1 note
·
View note