Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
May Happy Ending
Bawat kilos mo sinusundan ko,
Kahit anong sabihin mo, nakikinig ako,
Parang pelikula, Ikaw at ako ang bida,
Pero kahit anong pilit, nagtatapos din pala.
Masarap ang pakiramdam ng kinikilig,
Ok yan kung ikaw din ang kanyang iniibig,
Ang saklap kung sa ending mo lang malalaman,
Hindi ka pala yung bida sa buhay nya, kundi extra lang.
Hindi lahat ng love story may happy ending,
Yung iba, ending lang.
Walang refund, pero minsan may part 2,
Sana this time parehas na tayo natuto.
0 notes
Text
Tayo
Sino ka ba? Ano ka ba sa buhay ko?
Ang hirap i-define mag-ano nga ba tayo dati?
MU? It’s complicated? Relasyon na walang malinaw na simula at wakas.
Relasyon na bawal, relasyon na hiram? Relasyon na mali?
Relasyon na lokohan lang?
Walang “tayo” at hindi naging “tayo”.
Bigla ka nawala, hahanapin ko pa ba ang taong ayaw magpakita?
Gusto magtago, gusto kumawala?
Nag-try naman ako, baka isipin mo hindi. Hinanap kita, naghintay ako.
Hindi pa uso noon ang term, pero ikaw ang classic example ng paasa,
umasa naman ako, si tanga.
Sa maikling panahon na nagkasama tayo, masasabi ko ba na mahal nga kita?
Totoo bang mahal kita? Totoo bang gusto mo din ako? mahal mo din ba ako?
Iniisip ko, ako lang ba ang may kagustuhan neto?
Naghangad ako na sana ako na lang, sana ako lang
Sana sa akin ka na lang at ako ang piliin mo
Pero sa huli ako yung nabigo, ako yung nasaktan nang husto,
Naghangad ako na sana hindi na lang kita nakilala
Naghangad ako na sana hindi na lang kita minahal
Kathang isip ko lang ba lahat ng nangyari?
Nilinlang ako ng sarili kong puso, nagpalinlang naman ako.
Baket ganun? parang ako lang ang nahihirapan, baket ako lang yung labis na nasasaktan?
Guni guni ko lang ba, wala na ba ako sa huwisyo? Baket nde ko nakayang pigilan damdamin ko?
So walang malinaw, ano na? anong nangyari? Nasaan ka na ba? Babalik ka pa ba?
Hindi nga naman pala tayo, walang akong ibang pinanghahawakan kundi yung pag-asa na babalik ka
baket ba kaseh umasa at naghintay pa ko.
Matagal, matagal bago naghilom yung sugat, yung sakit.
Hanggang sa nakaya ko na, unti unti naka-move on na ko,
tutal wala na ko idea kung saan lupalop ka napadpad,
limang taon ang lumipas, bigla kang lumutang,
parang tae, gusto na kitang iwasan.
Hindi ba lumayo ka na?
Hindi ba parang understood naman na hindi ako yung napili mo?
Baket nagparamdam ka pa?
Matapang kong sinabi, nakaramdam ng yabang, kita mo bumalik ka rin
Gusto ko ipamukha sa’yo na nakaya ko na wala ka,
Na meron na ibang mas makaka-appreciate sa akin,
Yung makikita ang worth ko, at hindi sasayangin yung pagmamahal ko,
Hindi tulad mo na makasarili,
Kasalanan mo, nagpabaya ka, napunta na ako sa iba.
ano ba tong galit na nararamdaman ko? Kung wala na, baket pa rin ako affected?
Baket ba ako nagagalit, di ba dapat parang wala na lang, parang indifferent na dapat ako sa’yo
sabi ko naka move on na ko, na get over ko na feelings ko sa’yo.
Pero nun nag-usap ulet tayo, hindi ko alam, baket parang hindi nawala?
Pwede ba yun? Or baka unsettled lang kaseh walang closure,
kelangan pa ba ng closure ang pseudo-relationship?
Pero kahit pagbaliktarin ko man ang mundo, hindi naman talaga naging “tayo”.
I’m already in a serious relationship that time, dahil sa mabuti naman akong tao,
so malamang nagkajowa naman na ko ng iba akala mo,
Gusto ko sabihin na iba na laman ng puso ko, pero kahit ako nagdalawang isip
medyo on the rocks kame nun, so parang napapaisip ako nun,
Muntik na ko bumigay, muntik ko na hiwalayan yung jowa ko that time,
We got in touch for a couple of days, I think.
Kung kelan parang decided na ko na sige I’ll talk to you, see if we can give it a try,
nun sasabihin ko na sana, bigla ka na naman nawala, parang bula.
Ikaw mismo, you gave me the reason to doubt you. Eto na naman ba tayo?
bigla ka nagpaparamdam, hindi ka naman multo,
pero natakot ako, natakot ako para sa puso ko, kaseh alam ko masasaktan na naman sya.
Naguguluhan na ko sayo, aatras ka ba o aabante?
Hindi ako laruan, wag mo naman sana paglaruan puso ko
Kung gusto mo paglaban kita, paglaban mo din sana ako.
Gusto mong piliin kita? Eh ilang beses ka nang nawala, ni hoy ni ha, wala,
pano kita pipiliin kung hindi naman ako sigurado sa nararamdaman mo,
ako lang ba? pero baket parang nde ko matandaan kung sinabi mo ba sa akin na mahal mo ko.
Nasaktan ako, ayoko na, babalik na naman sa dati, kaya ako na mismo ang nagpaalam.
Matapos ang ilang buwan, ayan ka na naman, but it is too late, I’m getting married in a few days.
That was the last time we talked. Until recently…
10 years have passed, bigla ka na naman nagparamdam,
dahil sa isang kanta, sa isang banda na ako ang nagrekomenda.
Nagreminisce ok fine, nagkamustahan, nagkaalaman, we’re both settled and have a family of our own.
Ganon pa din, nagja-jive pa din tayo, parang natural sa atin ang biruan,
Lokohan na akala mo parang kahapon lang at walang nagbago,
Balik ulet sa dating kulitan, parang college days, 15 years ago.
Parang bata, puno ng asaran. Diskusyon tungkol sa nakaraan.
Bilib naman ako sa’yo, dahil parang sariwa pa sa alaala mo, eh ako ang dami ko na nakalimutan,
ang tanging natandaan ko lang, at tumatak sa akin, yung sakit at pait.
Pero ikaw memorized mo pa din number ko, naaalala mo pa kung san tayo nagpunta,
Tanda mo pa kung ano ginawa naten, pati mga tropa ko kinamusta mo.
Hindi ko pa din mawari, minahal ba talaga ako ng gagong toh?
Gusto ko sana iwasan ka, pero naku-curios din ako,
Ano ba talaga nangyari? Anong nangyari sa atin?
Nagsisisi ka ba? Baket lagi mo sinasabi “ikaw kaseh”,
Na parang ako ang may kasalanan, na parang ako yung nang-iwan?
pero teka sandali, ako ba yung naduwag? Ikaw tong walang bayag!!
Sabi mo kaseh sobrang gulo lang ng mundo mo noon,
kahit naman sabihin mo yun, malinaw naman hindi pa nag-umpisa laban sumuko ka na.
Ang ending hindi naman ako napili mo, yon o baka nde mo naman ako ganun kamahal.
Ako tanggap ko na, minahal kita kahit gago ka sinaktan mo lang ako,
ni hindi mo ko napaglaban, at least ako naging totoo ako, at hindi ako naging paasa.
Basta malinis ang loob ko na hindi ako nag-loko, at wala akong niloko.
Siguro kung sa ibang pagkakataon, kung hindi wrong timing lahat,
Siguro baka naging “tayo”, pero walang kasiguraduhan kung tayo pa rin hanggang sa huli,
Sabagay ano pa ba silbi nun ngayon? Hindi naman na naten mababalik ang panahon.
Masaya lang ako nakausap kita, at masaya ako malaman na ok ka na.
Pero ok pa rin, parang talking to an old friend masaya magcatch up,
Baka nga ang role naten sa buhay ng isa’t isa, hindi maging “tayo” kundi isang magulong tropa.
1 note
·
View note