scrumptiouswombatkidbear
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
scrumptiouswombatkidbear · 4 years ago
Text
Korupsiyon: Paano MaSosolusyonan
 I. INTRODUCTION
Matatalakay Dito Kung Papaano Masosolusyonan Ang Korupsiyon sa Bansang Pilipinas at sa Iba’t Ibang Bansa na rin. Kung Papaano Nagkakaroon ng Korupsiyon sa isang Bansa 
II. SULIRANING PANG-EKONOMIYA: KORUPSIYON
Ang Korupsiyon ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan. Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan. Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral na kawalang puridad at paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal. Ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korupsiyon sa pamahalaan nito. Kabilang sa mga paraan ng korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas ang graft, panunuhol, paglustay ng salapi, mga kasunduan sa likurang pintuan, nepotismo, padrino. Ito ay mula sa mga nakaraang Pangulo ng Pilipinas hanggang sa mga lokal na unit ng pamahalaan. Ayon sa Ombudsman’s Finance and Management Information Office, ang kabuuang 3,852 kaso ay inihain laban sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan noong 2011. Sa mga ito, ang 633 ay inihain sa Luzon, 600 sa Visayas at 544 sa Mindano. Ang Philippine National Police (PNP) ang ikalawa sa dami ng mga kasong inihain laban dito sa Ombudsman noong 2011. Kabilang sa mga kasong inihain laban sa mga sumusunod na kagawaran ng pamahalaan noong 2011: Department of Education (562 kaso), Philippine Information Agency (490 kaso), Bureau of Internal Revenue (416 kaso), Armed Forces of the Philippines (304 kaso), Bureau of Customs (177 kaso), Department of Environment and Natural Resources (155 kaso), Department of Social Welfare and Development (148 kaso), Department of Justice (98 kaso). Noong 2012, ang Pilipinas ay may ranggong 105 na may 3.4 CPI sa talaan ng Transparency International na rumaranggo ng 176 mga bansa at teritoryo batay sa kung kaagano silang katiwali ayon sa publikong sektor. Ang Pilipinas ay karanggo ng mga bansang Algeria, Armenia, Bolivia, Gambia, Kosovo, Mali, at Mexico. Ang mga 30 % ng pambansang badyet ng Pilipinas ay iniulat na nawawala dahil sa graft at korupsiyon kada taon.
III. ANALYSIS
Dahil sa Korupsiyon na Nararanasan naten sa Bansang Pilipinas O Kahit sa ang Bansa ay Mas Dumarami ang Gumagawa/Gumagaya sa mga Sinimulan na Korupsiyon. Nang Dahil sa Kapangyarihan at Gampanin sa Bansa ay Ginagawa nila na MagKorupsiyon para sa Kanilang PanSariling Pangangailangan.
IV. KONKLUSYON
Dapat ay Matuto Tayong Makuntento Kung Ano Meron Tayo at Mas Mabuting Gumawa ng Mabuti kaysa sa Gumawa ng mga Bagay na Masasama at Makakasira sa ating Bansa o Bansa ng Iba’t Ibang Bansa. Dapat ay Kung Anong Pera ang Ibinibigay ng Tao ay Dapat Ginagamit sa Tamang Paraan at Maayos na Proseso Hindi yung Nanakawin at Gagawa ng Korupsiyon Pag nasa Senado na.
V. SOLUSYON
Para sa akin, napakaraming solusyon para sa korupsyon na karamihan ay mga GOBYERNO lamang ang nakakagawa ng solusyon doon dahil ang korupsyon ay nagmumula sa mga gobyernong ninananakaw ang mga kaban ng bayan kaya't naghihirap ang mga Pilipino. Ngunit para sa akin, masosolusyunan ito kung ito ay pagtutuunan ng pansin ng pangulo, at matitinong gobyerno. Aalisin ko ang KORAPSYON!  Isa yan sa madalas nating mapakinggan ngayong panahaon ng kampanya. Madami ang nagsasabi at nangangako na susugpuin nila ang korapsyon kapag sila ay nahalal sa puwesto. Pero walang nangyayari, mabuti na na magpapakatotoo. Ang korupsyon ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas.
1 note · View note