princessxii-blog-blog
❤️
903 posts
prinsesanggustonglumaya
Don't wanna be here? Send us removal request.
princessxii-blog-blog · 6 months ago
Photo
Tumblr media
post secret 08.04.18
101K notes · View notes
princessxii-blog-blog · 8 months ago
Text
Ang lakas ng ulan. Ang gloomy. Ang lamig. Ang lungkot. Nakaka-antok. Gusto ng yakap, gusto ng lambing. Gusto ng napakaraming bagay na ikaw lang ang makakapagbigay. Namimiss kita. Pauwi ka na ba?
43 notes · View notes
princessxii-blog-blog · 8 months ago
Text
Day 3
May mga bagay talagang darating, pero hanggang dating lang. Papakiligin ka tapos hanggang doon lang. Hindi ka papanindigan kahit pinahulog ka. Bahagya kang bibigyan ng pag-asa pero sa umpisa lang. Tapos kung kailan gusto mo nang ipag-patuloy, tsaka ka bibitawan.
May mga bagay talagang sa una lang magaling. Hahawakan niya ang mga kamay mo, Ipaparamdam na sa kanya ligtas ang mundo mo. Sasabihing gusto niya lang masaya ka, Ipapaunawang hindi ka niya iiwan. Tapos pagkatapos ng ilang araw, andyan na yung paalam.
May mga bagay talaga na hindi para sa atin. Pero bago nating mapagtanto na para sila sa iba, Unti-unti muna nila tayong sasaktan. Minsan ginusto nila, minsan hindi lang talaga sadya. Kaya kahit nasa umpisa pa lang, Pakiramdam mo dulo na.
May mga bagay talagang kabaliktaran ng isa. Mahal mo nga, mahal ka ba? Mahal mo, may mahal namang iba. Pinili mo, pinili ka ba? Kakapit ka, bibitaw naman siya. Pero ang masahol sa lahat, Lalaban ka pa pero siya, sumuko na.
May mga bagay talagang kahit kailan hindi masasagot. Kahit sandamakmak na tao ang tanungin mo, walang may alam ng konkretong tugon. Halimbawa, Bakit pa kasi siya binigay, Kung di naman pala magtatagal? O di kaya, Bakit kasi buo ko siyang minahal, Kung di rin naman pala ako masusuklian.
May mga bagay talagang kailangang magtapos. Hindi dahil sa hindi mo na gusto. Pero kasi pagod ka nang sumabay sa agos.
Nagkasalubong kayo sa daan ng pag-ibig. Huminto, nagtitigan. Pero pagkatapos, nagpatuloy ulit sa paglalakad.
Diyan na yung parteng hihilingin mo na sana nagkasalisihan na lang. Para kahit papano wala ka na lang sakit na nararamdaman.
Para sana yung mga bagay na hindi umayon, hindi mo na lang nararanasan ngayon.
3 notes · View notes
princessxii-blog-blog · 8 months ago
Text
all they do is make promises they can't keep lol no one's different these days lahat sinungaling
6 notes · View notes
princessxii-blog-blog · 9 months ago
Text
Sana kaya mo rin akong ipaglaban.
Ang hirap maging babae. Minsan naiisip ko, grabe siguro yung kapasidad kong lumaban alang-alang sa pag-ibig kung isa akong lalaki. Kasi sa punto na 'to, kahit sabihin nating iba na ang panahon ngayon at pwedeng manligaw ang babae o siyang unang lumapit at gumawa ng paraan makuha lang yung taong gusto o mahal niya.. nakakulong parin ako sa mga salitang "babae ako." Oo, maituturing na kaduwagan, ngunit 'yun ako.
Araw araw iniisip ko, kung kaya mo lang akong ipaglaban, masaya siguro tayong dalawa sa bawat araw na nasasayang. Kung nakikita mo lang sana na napapasaya mo ko at kaya rin kitang mapasaya, na kaya nating pakalmahin nang magkasama ang bawat problema, at kaya kitang bigyan ng kasiguraduhan sa lahat ng bagay.. siguradong ang kasunod ay pag-ibig na sapat lang. Hindi labis, hindi rin kulang.
Hindi ko maintindihan yung parte na sinasabi ng ibang tao na may mga pagmamahal na hindi mo magawang ipaglaban. Marahil, hindi ako ganon, kaya hindi ko maintindihan. Marahil, talagang magkakaiba ang tao. Marahil, Love is really not enough. O kaya naman, hindi ganun kalalim yung nararamdaman, kaya naman kayang mabuhay kahit mawala yung taong yun sa mga kamay niya.
Bakit ang komplikado magmahal sa panahon ngayon? Bakit hindi kagaya noon, na kapag gustong-gusto ka ng lalaki, hahamakin niya ang lahat makuha ka lang. Bakit ngayon, hindi sapat ang may nararamdaman ka lang? Bakit ngayon eh parang laging may hinahanap at may kulang?
Hindi ba't wala namang sapat?
Hindi ba't walang perpektong sangkap?
Siguro hindi lang "tayo" yung totoong nakalaan. Siguro nga, hindi parin ikaw-at-ako ang itinakda para sa "walang hanggan."
Siguro'y isa ka na namang aral sa buhay ko. Pero, hindi parin ba sapat yung mga naranasan ko noon, para masabing natuto naman na 'ko? Hay jusko.
Kung pareho lang sana tayo, marahil ay alam mong pwede natin ilaban 'to. Alam mo rin na magiging masaya tayo, dahil hindi naman nag umpisang komplikado. Alam mo rin na kaya natin lumaban hanggang dulo.
Kung isa ka na namang leksyon sa buhay ko.. Siguro h'wag nalang natin pahabain pa ang istoryang 'to. Tara, bigyang tuldok na ang masasayang araw na magkasama tayo. Dahil nararamdaman kong - kung patatagalin pa, mas masakit ang kapalit kapag nasanay lang tayo sa panandaliang bagay na 'to.
Siguro nga, ako na dapat ang mag wakas nito.
Ngayon ay ika-12 na buwan ng taong 2023. Masasabi kong hanggang dito nalang ang kaya ko, mahal ko.
16 notes · View notes
princessxii-blog-blog · 10 months ago
Text
so buntis ako.
Overwhelmed ako sa idea na buntis ako. Finally! Ddeam ko to e because iam already 33 years old and this will be my first ever!
Ano nga ba unang pumasok sa isip ko? Right after I found out, sobra akong kinabahan! Happy but athe same time natakot. If magging mabuti bkong ina, or maprovide kp ba mga needs niya.
Second, natakot ako sa Tatay ng anak ko, because meron siyang 7 years ex gf na hindi matanggap na kami na ta magkakaanak kami and nagbabanta na magpapakamatay. Plus yung parents nung girl minemessage din jowa ko na hindi na daw kumakain anak nila.
And nakikita ko sa jowa ko na takot siya sa pagbabanta nun. So ang nangyayari nag uusap pdn sila. PUTANGINA db?
Gusto ko sana maging masaya habang nagbbuntis pero may mas worst pa!
Of course ang fsmily ko, concern lang naman sila skin and i know na gusto lang nila yung best para skin.
They keep on asking me kung ano plano namin ni John, or kelan kasal inaapura ako. Di ko naman sila masisisi na hindi mag isip ng di maganda kasi nga throught out oir 1 month stay here in MNL 2x lang siyang nagvisit skin while im pregnant. And my mom os asking bakit di ko siya pinopost sa fb or tinatagged. I cant because baka ma trigger magpakamatay ung ex.
And right now throughout my pregnancy wala akong ginawa kundi umiyak. And I dont know what to do. Minsan gusto ko nalang mawala sa buhay niya para di na sila mahiraoan ng ex niya.
Plus, yung parents ng jowa ko They loved the ex gf 😭 so pano ko 😭 pano ko iintroduce yung Self ko sa family niya kung siya mismo parang takot akong ipakilala sa kanila.
alm ko naman mahirap pero sana mag exert naman ng effort para smin ng anak ko.
feeling ko para kaming basura na walang gusto sumalo.
2 notes · View notes
princessxii-blog-blog · 10 months ago
Text
i’m starting to learn that i don't have to react to everything that bothers me, sometimes i just need to breathe, let it go, and keep my peace.
12K notes · View notes
princessxii-blog-blog · 11 months ago
Text
I'm starting to believe that there's no happy ending in reality.
It's like happiness will come and slowly fading away....
15 notes · View notes
princessxii-blog-blog · 11 months ago
Text
Sana kaya mo rin akong ipaglaban.
Ang hirap maging babae. Minsan naiisip ko, grabe siguro yung kapasidad kong lumaban alang-alang sa pag-ibig kung isa akong lalaki. Kasi sa punto na 'to, kahit sabihin nating iba na ang panahon ngayon at pwedeng manligaw ang babae o siyang unang lumapit at gumawa ng paraan makuha lang yung taong gusto o mahal niya.. nakakulong parin ako sa mga salitang "babae ako." Oo, maituturing na kaduwagan, ngunit 'yun ako.
Araw araw iniisip ko, kung kaya mo lang akong ipaglaban, masaya siguro tayong dalawa sa bawat araw na nasasayang. Kung nakikita mo lang sana na napapasaya mo ko at kaya rin kitang mapasaya, na kaya nating pakalmahin nang magkasama ang bawat problema, at kaya kitang bigyan ng kasiguraduhan sa lahat ng bagay.. siguradong ang kasunod ay pag-ibig na sapat lang. Hindi labis, hindi rin kulang.
Hindi ko maintindihan yung parte na sinasabi ng ibang tao na may mga pagmamahal na hindi mo magawang ipaglaban. Marahil, hindi ako ganon, kaya hindi ko maintindihan. Marahil, talagang magkakaiba ang tao. Marahil, Love is really not enough. O kaya naman, hindi ganun kalalim yung nararamdaman, kaya naman kayang mabuhay kahit mawala yung taong yun sa mga kamay niya.
Bakit ang komplikado magmahal sa panahon ngayon? Bakit hindi kagaya noon, na kapag gustong-gusto ka ng lalaki, hahamakin niya ang lahat makuha ka lang. Bakit ngayon, hindi sapat ang may nararamdaman ka lang? Bakit ngayon eh parang laging may hinahanap at may kulang?
Hindi ba't wala namang sapat?
Hindi ba't walang perpektong sangkap?
Siguro hindi lang "tayo" yung totoong nakalaan. Siguro nga, hindi parin ikaw-at-ako ang itinakda para sa "walang hanggan."
Siguro'y isa ka na namang aral sa buhay ko. Pero, hindi parin ba sapat yung mga naranasan ko noon, para masabing natuto naman na 'ko? Hay jusko.
Kung pareho lang sana tayo, marahil ay alam mong pwede natin ilaban 'to. Alam mo rin na magiging masaya tayo, dahil hindi naman nag umpisang komplikado. Alam mo rin na kaya natin lumaban hanggang dulo.
Kung isa ka na namang leksyon sa buhay ko.. Siguro h'wag nalang natin pahabain pa ang istoryang 'to. Tara, bigyang tuldok na ang masasayang araw na magkasama tayo. Dahil nararamdaman kong - kung patatagalin pa, mas masakit ang kapalit kapag nasanay lang tayo sa panandaliang bagay na 'to.
Siguro nga, ako na dapat ang mag wakas nito.
Ngayon ay ika-12 na buwan ng taong 2023. Masasabi kong hanggang dito nalang ang kaya ko, mahal ko.
16 notes · View notes
princessxii-blog-blog · 11 months ago
Text
Tumblr media
0 notes
princessxii-blog-blog · 11 months ago
Text
Hindi kasama sa choices yung iiwan mo ko kaya wala kang karapatang gawin yun.
9 notes · View notes
princessxii-blog-blog · 11 months ago
Text
She's smiling but i know she's dying.
82 notes · View notes
princessxii-blog-blog · 11 months ago
Text
Hindi mo man sabihin,
Kitang-kita naman sa'yong mata,
Ang mga bagay na ayaw mong ipahalata sa kanila—
Ang lungkot na iyong nadarama.
Napapansin naman sa'yong kilos,
Ang paghahanap ng pag-asa sa mga pagsubok na parang malabo nang matapos.
Kung paano mairaraos—
At ang pagod na unti-unti sa'yong umuubos.
Pilit mo mang itago,
Ramdam pa rin naman ng iyong puso.
Ang bigat na maghapon mong dala—
At sa gabi'y pakakawalan na bilang mga luha.
Sabihin mo mang ayos lang,
Pero hindi pa rin maipagkakaila,
Na madalas ito'y isa lamang pagkukunwari—
Dahil ayaw mo lang magkuwento at magsabi.
Subalit—
Nasasalamin naman sa mata.
Ang mga tahimik na labang pilit na kinakaya.

Ang problema kasi sakin ginawa kitang mundo. Dinipende ko yung kaligayahan ko sayo, ngayong wala ka na, hindi ko na alam kung paano pa sumaya ng hindi na ikaw yung dahilan.
17 notes · View notes
princessxii-blog-blog · 11 months ago
Text
Tumblr media
33 notes · View notes
princessxii-blog-blog · 1 year ago
Text
Lagi mong sinasabi sa akin na mag-ingat ako. Hindi mo naman sinabi na sayo pala. Gagong 'to!
17 notes · View notes