patagongdiaryyy
patagongdiaryyy
Diary Ng Cute
1K posts
17 yrs of existence. BSA Student. MNL. Blogging since 7/4/13 {Former:patagongdiary}
Don't wanna be here? Send us removal request.
patagongdiaryyy · 10 years ago
Text
Tips Para Mapa-Oo si Nanay sa Galaan
by Mhad F.Hacker
Araw ng Linggo at nagpaalam ka sa nanay mo na pupunta ka sa eskwela. Hapung-hapo na tila subsob na sa pag-aaral kang lalapit sa nanay mo para humingi ng baon. Mabuti na lang at nakalimutan ng nanay mo na second year ka na at graduate na sa ROTC o CWTS. Salamat sa acting skills mo at masaya kang makakagala ng may baon. 
Ang payo ko lang sa’yo, magsimba ka tuwing Linggo at magsisi sa ginagawa mong pangga-gantso.
Kung pakiramdam mo ay tuyot na tuyot ang social life mo at kailangan mo nang gumala ng birit, hindi naman siguro masamang magpaalam sa mga taong nagpapakain, nagbibihis at nagpapatuloy sa’yo sa bahay kahit na madalas ay para kang boarder dahil sa tulog na lang at pagligo ang dahilan mo para umuwi.
Heto ang mga tips tungo sa matagumpay na paggala:
1. Mandamay ka ng iba
Tumblr media
Panigurado ay meron kang isang kaibigan na “role model” sa paningin ng mga magulang mo. ‘Yung tipong hindi nila paghihinalaan na gagawa ng masama, kaya naman kung kasama mo siya sa gala ay baka akalain pa nilang mag ba-Bible study kayo.
2. Maghugas ng pinggan kahit hindi inuutusan
Tumblr media
Maging ang siyensya ay hindi maipaliwanag kung bakit sa lahat ng gawaing bahay, pinakamatimbang ang paghuhugas ng pinggan. Wag kang tamad at literal na isang pinggan lang ang huhugasan mo. Idamay mo na ‘yung mga kalderong may tutong at syempre, kumilos ka sa oras na nakikita ng nanay mo. Plus points ‘yan para payagan kang umalis dahil mahihiya sila sa kasipagan mo.
3. Tumulala ka
Tumblr media
Umuulan man o hindi, madramang eksena ang pagtanaw ng malayo sa bintana. Kung sakaling abutan ka ng nanay mo na nakatulala sa kawalan, baka siya pa ang kusang magpayo sayo na gumala ka naman. Takot lang niya na isang araw, abutan kang nagbibilang na ng buhok.
4. Magkunwaring a-attend ng debut
Tumblr media
Sa hindi malamang dahilan, parang hindi tumatanggi ang mga magulang kapag nalamang debut ang pupuntahan mo. At dahil madalas na gabi ginaganap ang mga debut, magdiriwang ang mga party cells mo dahil may karapatan kang umuwi ng dis oras. Sa tactic na ito, nagkunwari ka man, ang mahalaga ay nagpaalam ka.
5. Isabay mo sa utos ng nanay mo
Tumblr media
Madalas ay nagpapasabay ng utos ang nanay mo sa tuwing lalabas ka ng bahay. May mga eksenang magpapaload ka lang, biglang
“Nak, lalabas ka? Pasabay naman nito kay Aling Taling.”
Malaman laman mo na lang ay tatlong jeep pala ang layo ng bahay nila sa inyo. Sa mga di inaasahan at maswerteng pagkakataon na ‘to, maging matalino at isabay na ang gala mo. Matagalan ka man, di ka ga’nong papagalitan dahil may inutos naman sa'yo.
6. Do the puppy eyes
Tumblr media
Disclaimer: Hindi ‘to gagana kung hindi ka cute.
Kahit nasa kolehiyo na, may iba sa’tin na Grade 1 pa rin kung ituring ng mga magulang kaya naman konting pa-cute lang ay pinagbibigyan kaagad. Kung tiwala ka sa mukha mo, gagana ang pagpapaawa at pagpapacute mo habang nagpapaalam sa galaan.
7. Gawin mo ang project ng kapatid mo.
Tumblr media
Supportive ate/kuya ang dating mo habang naggugupit ng colored papers para sa scrapbook ni bunso. Eto ang back up plan mo sakaling di kayanin ng mukha mo ang pagpapacute. 
8. Wag kang mag-inarte
Tumblr media
Wag na wag kang mag-iinarte kapag hindi ka pinayagan na umalis. Kung gumana ang tactic mo sa bintana, hindi gagana ang pagda-drama mo kung tapos ka ng magpaalam at hindi ka talaga pinayagan. Konyat ang aabutin mo kung magdadabog at magma-make face ka sa harap ng magulang mo. Paniguradong mabubulilyaso rin ang susunod mong plano kung ngayon pa lang ay banas na sila sa'yo.
9. Makipagsabwatan sa kapatid
Tumblr media
Madalas, sila ang dahilan kung bakit di ka pinapayagang umalis. Nanjan ang mga kontrabidang ate at over protective na kuyang hadlang sa paglalakwatsa mo. Pero, mataas ang posibilidad na payagan ka kung sila mismo ang magpapaalam sa'yo. Sa eksenang ito, maririnig mo ang litanyang: “Payagan mo na, Ma. Bihira lang naman umalis 'yan.”Kakaway ka man sa isang linggong labada na kapalit ng ginawa nila para sa'yo, siguradong effective naman ‘to. 
10. Magpaalam kapag masaya sila
Tumblr media
Matapos ang dalawang taon, sa wakas at  nagbayad na rin ang kapitbahay niyo ng utang sa nanay mo. Paniguradong nagbubunyi ang puso niya ngayon at walang dahilan para masigawan ka. Pero  kung  talo si Pacquiao kay Mayweather, wag kang lalapit sa tatay mo. 
Ang lahat ng ito ay based on experience. Walang sisihan kung ‘di uubra sa magulang mo ang mga gumana na sa iba. Kung alam mo sa sarili mo na 'maliit na bagay’ lang ang paglalakwatsa mo at papayagan ka naman ng magulang mo, wag ka ng gumawa ng kasalanan at magpaalam ka ng maayos.  
16 notes · View notes
patagongdiaryyy · 11 years ago
Text
Lahat ng bagay may limitasyon
Minsan kelangan mo ding itikom yang bunganga mo. Hindi porket di nagrereact yung binibiro mo, tuloy tuloy ka pa din sa pagjojoke. Hindi porket hindi kumikibo, okay lang na ganyan ganyanin mo. Minsan nakakapikon at nakakainis na. Feeling mo cool ka kasi may nagaganyan ka? Alam mo yung salitang sensitive? Malamang hindi.
2 notes · View notes
patagongdiaryyy · 11 years ago
Text
Why most people say FOREVER never exist?
Because of such LOVE-LIFE. In love, we choose what we like. In life, we choose what we need... Love-life then became confusing.
4 notes · View notes
patagongdiaryyy · 11 years ago
Quote
New year, new life. Wag lang din maging new ang minamahal
2 notes · View notes
patagongdiaryyy · 11 years ago
Text
New year, new life.
Minsan nakakatawang isipin na kung kelan new year, dun palang tayo nagdedesisyong magbago kahit pwede namang magbago kahit hindi pa bagong taon.
8 notes · View notes
patagongdiaryyy · 11 years ago
Text
Friend (?)
Nakakalungkot lang isipin na may mga kaibigan ka, na naging sobrang close mo pero kapag may kasama na silang iba, nangiiwan na. Yung feeling mo lagi ka ng naoout of place kapag kasama mo sila. Tapos kapag sila ang may kailangan, lagi kang nandyan, pero kapag ikaw na ang may kailangan, ni isa sa kanila hindi mo maramdaman. lol, so unfair.
8 notes · View notes
patagongdiaryyy · 11 years ago
Text
Ang pag-ibig parang jeep...
Kung alam mong hindi ka na kasya at masikip na.. Wag mong ipagsiksikan yung sarili mo lalo na kung hindi na talaga pwede, kasi ikaw lang din yung mahihirapan. Try mong maghintay, darating din yung jeep na para sayo, yung maluwag at mas maginhawa.
Tumblr media
2 notes · View notes
patagongdiaryyy · 11 years ago
Text
Guys.. lumakas pa daw yung bagyo
Hindi na daw mario, SUPER MARIO na daw. HAHAHAHA tawa na kayo
#fb
7 notes · View notes
patagongdiaryyy · 11 years ago
Text
Anong tawag sa mas matandang Malabon Zoo?
Edi.... Malapanganay! HE-HE-HE-HE
3 notes · View notes
patagongdiaryyy · 11 years ago
Text
PIRMA.
Para ka lang nagsulat ng pangalan mo, tas buburahin mo. HAHAHA ge
3 notes · View notes
patagongdiaryyy · 11 years ago
Photo
Tumblr media
Are you a Junior Accountant? Then Join our Group! "Tumblr Accountants"
We don’t Study Hard,
We study well!
http://creditcedric.co.cc/ask
http://xinnekharla.tumblr.com/ask
http://doublerule.tumblr.com/ask
Reblog and Spread our group Fellow Accountants!
2K notes · View notes
patagongdiaryyy · 11 years ago
Text
That one feeling when you can't get out of your feelings about this one person. How this one person puts you in your feelings.
10 notes · View notes
patagongdiaryyy · 11 years ago
Text
WTF.
Sabi  sa inyo eh!! Terror tong teacher ko! AYAW KO NA SYA MAGING TEACHER PROMISE, TO THE HIGHEST LEVEL ANG PAGKAHATE KO SA KANYA. Actually kanina lang siya nagtext sa block namin.
Tumblr media
GRABE SIYA DIBA??!!!!! DI KO KINAKAYA. WTF TALAGA.
0 notes
patagongdiaryyy · 11 years ago
Text
Buti pa ang weather, may PAGASA
Ako kaya para sayo?
1 note · View note
patagongdiaryyy · 11 years ago
Text
Kung inaakala mo ang pag-ibig ko'y magbabago itaga mo...
Tumblr media
HAHAHAHAHAHAHAA. TAWA TALAGA KO NG TAWA DITO XD
11 notes · View notes
patagongdiaryyy · 11 years ago
Text
Wala naman talagang madali sa buhay,
Lahat ng bagay pinaghihirapan.
9 notes · View notes
patagongdiaryyy · 11 years ago
Text
Yung naglalakad ka tas may kasabay kang pogi, tapos bigla kang natisod.
...AWKWARD...
8 notes · View notes