ohcrapitsren
WIP
3K posts
Wait, inaayos pa ni Lord.
Don't wanna be here? Send us removal request.
ohcrapitsren · 7 years ago
Text
Bawat araw
Bawat araw ay blessing. Wala tayong dapat pagtalunan tungkol diyan. Na-late man tayo sa pagpasok sa eskwela o sa trabaho, hindi man naging maganda ang pakiramdam natin, hindi man tayo na-appreciate sa nagawa nating mabuti, o kung anuman ang bagay na nakaka-badtrip, ilagay pa rin natin sa isip natin na ang araw na ito ay biyaya mula sa Diyos.
May dahilan ang mga bagay kung bakit ito nangyayari, pero ito ang lagi nating tatandaan: mabuti ang Diyos at sapat ang Kanyang biyaya para sa atin. He only wants what's best for us.
Chill ka na. Tama na pag-o-overthink. Mahal ka ni Lord, and that's all that matters.
12 notes · View notes
ohcrapitsren · 7 years ago
Text
Dream within a dream
Takte grabe yung nangyari kaninang madaling araw. I had a dream within a dream. Nakakainis. Ayaw ko na lang ikwento in details yung mga pangyayari, pero nung nagising ako sa dream within a dream ko, may nakita akong sobrang natakot ako kaya nagsisigaw ako ng malakas. Hindi ko alam, sumisigaw na rin pala ako sa totoong buhay. Nagising na lang ako dahil niyuyugyog na ako ng lola kong katabi ko matulog.
Anyways, greater is He that is in me than he that is in the world. Kaya I’ll sleep tonight again in peace. Alam kong kasama ko ang Diyos at hinding-hindi Niya ako papabayaan.
6 notes · View notes
ohcrapitsren · 7 years ago
Text
Random Thoughts
Sinulat ko itong blog post na ito sa kasagsagan ng dami ng bisita ng kapatid ko sa pa-graduation party nina mommy sa kanya.  Ang daming nagkukwentuhan sa labas, may kumakanta sa videoke, may naggigitara, may mga nagmo-Mobile Legends.
Wala akong masyadong pake sa labas. Nandito ako ngayon sa kwarto (na hindi masyadong sound proof kaya dinig na dinig ko pa rin mga ingay nila).
Anyways, ano ba? Magkukwento na lang ako.
Monthly meeting ng mga managers at mga department heads namin kahapon (June 24, 2017) so kami-kaming mga rank and file at iba pang mga empleyadong hindi “matataas ang ranggo” ang naiwan sa office.
Part of me was happy kasi kapag walang mga matataas, nakakapagpatugtog kami ng medyo malakas-lakas at medyo kahit anong genre ng music. Nagpatugtog kami ng mga Curse One, Willie Revillame, at iba pang rap at novelty songs noon. Isang bagay lang ang hinding-hindi ko ginagawa, na ginagawa ng ilan sa amin kapag walang matataas-- ito yung maglugaw at hindi magtrabaho nang maayos. I would never do that. Sa totoo nga, mas ginaganahan akong magtrabaho kapag kami-kami lang. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi pakiramdam ko, mas madali magtrabaho kapag kaunti lang kayo sa office. I dunno.
Pero ayun nga, part of me was unhappy at the same time. Hindi ko man aminin sa sarili ko, pero feeling ko talaga hindi ako masaya kapag may mga araw na wala siya. I know I shouldn’t feel this pero paano hindi ma-feel? Ayaw ko nito. Kung sosobra ‘to, hindi ‘to katanggap-tanggap. Hindi pwede. No.
Gusto kong maging malapit sa kanya pero hindi ko pwedeng hayaang sumobra ‘to. Ayaw kong hindi siya nakakasama araw-araw pero ayaw ko rin namang magkasawaan kami sa isa’t isa.
Ang good part na lang din siguro is yung kahit wala siya, lagi pa rin kaming in touch sa isa’t isa. Updated sa lahat ng bagay. Kaya okay na rin. Ayaw ko lang talagang ganitong parang napapasobra na yung nararamdaman ko. Dapat hanggang dito lang kami, at hindi na umabot pa doon.
7 notes · View notes
ohcrapitsren · 7 years ago
Text
It Was a Good Day
Sa NLEX kanina, pauwi na kami ng kuya ko. Sabi ko sa kanya, “It was a good day today.” Tapos pagdating namin sa Bocaue, grabe itim ng langit. Parang uulan na talaga nang malakas, pero hindi pa rin talaga kami nagkapote kasi ang weird naman namin kung nagkapote kami kahit hindi umuulan.
Kaso pagdating sa Sta. Maria, nung bumibili kuya ko ng fish crackers, bigla nang bumuhos malakas na ulan. Grabe. As in buhos talaga yun, mga kaibigan. Kasi biglang bumaha sa kalye nung tindahan ng chicharon at fish crackers eh.
Pero nung nakapagsuot na kami ng kapote at lumarga na kami, sabi ko, “It was still a good day today. I won’t take back what I said earlier.” Why? I dunno. I just want to choose that today was a good day. Kung iisa-isahin ko ang mga dahilan, hindi ko lahat siguro masusulat sa dami, at siguro di ko na rin ma-identify.
Pero all in all, good day talaga today.
1 note · View note
ohcrapitsren · 7 years ago
Text
Let Them Know
Am I giving out too much love, care & importance? Napapasobra na ba ako? Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay kailangan kong maiparamdam sa mga taong importante sa akin ang mga taong mahal ko.
Kailangang maipakita ko ang pagpapahalaga ko sa kanila hanggang kaya pa nilang mag-respond sa pagpapahalagang ipinaparamdam ko sa kanila. Ayaw kong magsisi sa huli, kapag hindi ko pa agad sinabi at pinaramdam na mahalaga sila sa akin.
3 notes · View notes
ohcrapitsren · 7 years ago
Text
Panibagong Araw
Panibagong araw na naman po, ano? Masaya ako kasi binigyan pa ako ng isa pang araw dito sa mundo. Masaya ako kasi makakasama ko pa yung mga taong mahahalaga sa akin. Masaya ako kasi magagawa ko pa yung part ko sa mundong ‘to.
Lagi kong tinitingnang “blessing” ang bawat araw na dumaraan. Sabihin man ng ibang “Hay, it’s just another day”, to me, it’s not just another day. Chance ko pa ‘tong araw na ‘to para itama o makabawi man lang sa Diyos sa lahat ng mga pagkukulang ko sa Kanya. Chance ko ‘to para maibahagi yung pag-ibig na naranasan ko sa Kanya.
Huwag nating isiping ang mga dumadaang araw ay basta-bastang araw lang. Lagi nating i-appreciate ‘yan.
0 notes
ohcrapitsren · 7 years ago
Text
Giqil
Kaya ko kayang hindi magsulat ng mga negative experience dito simula ngayon? Kaya ko kayang sa Diyos lang sabihin lahat ng mga pinagdadaanan kong problema’t qiqil moments?
Ngayong araw lang kasi, sobrang sama na ng loob ko sa katrabaho ko eh. Iniisip ko na lang ngayon, ayaw ko ng stress at ayaw kong mag-isip ng masama sa kanya.
At naiisip ko na lang lagi na sana tulungan ako ng Diyos na ma-tolerate yung mga ganung klaseng ugali ng mga taong nakakasalamuha ko. Na sana mas makita ko na lang yung mga magagandang bagay sa kanila.
Sinisikap kong maging positibo sa lahat ng aspeto ng buhay ko ngayon. Ayaw kong dahil lang sa kanya, masisira pagiging positibo ko.
3 notes · View notes
ohcrapitsren · 7 years ago
Text
Araw
Ang tingin mo ba sa isang araw ay isang araw na naman *sigh* o isang araw na naman yey? Kung ako ang tatanungin mo nito ngayon, honestly, ang isasagot ko sa’yo ay isang araw na naman yey!
Bakit? Kasi para sa akin, kahit gaano pa kasama ng panibagong isang araw, araw mo pa rin iyan. Ipinagkaloob sa iyo ng Diyos nang libre. Bigay niya sa’yo iyan.
Kaya kung ang tugon mo sa panibagong araw ay isang araw na naman *sigh*, you’re missing the whole point of living.
1 note · View note
ohcrapitsren · 7 years ago
Text
Adventure
Mula Lunes hanggang Sabado, angkas-angkas ako ng kuya ko (hindi sa laman, pero magkapatid ang turingan). Minsan mula sa kanila sa Catmon kapag papasok, madalas mula sa Bocaue kapag pauwi.
At sa araw-araw naming pagjo-joyride, dumating sa puntong parang hindi na kumpleto ang araw ko kapag hindi kami magkasabay (papasok man o pauwi).
Sa isang banda, masasabi kong pabor sa akin ang pagsabay sa kanya dahil nakakamura ako sa pamasahe, mas maaga pa kaming nakakapasok/nakakauwi dahil dinadaanan lang namin ang heavy traffics.
Pero sa isa pang banda, gusto ko lang talagang sinasabayan siya para hindi siya mag-isa kapag nagda-drive. Kanina pumunta kami sa bahay ng mama niya sa Muzon dahil may ibinigay siya, at nangumusta na rin. Tinanong niya kung sa crossing ng Muzon niya na raw ba ako ibababa (yun kasi yung malapit na sakayan kapag pauwi sa amin), o sama na lang din daw ako sa bahay ng mama niya para sabay na kami umuwi. Sabi ko sama na lang ako.
So ayun, nakarating kami doon ng around 7:30 PM. Nagkwentuhan sila ng mama niya. Medyo awkward kasi medyo personal yung usapan pero hindi rin ako makaalis sa loob ng bahay nila. Hindi ko alam gagawin sa mga ganung pagkakataon.
Umalis din kami agad after mga 15 minutes na kwentuhan nila kasi gagabihin daw kami. Dumaan kami sa San Jose tapos ibinaba niya ako sa kanto ng Proper.
Ang the best part nito, yung kwentuhan namin habang nasa daan kami. Masaya ako kapag nag-o-open up siya sa akin. Feeling ko sobrang pinagkakatiwalaan niya ako kaya ikinukwento niya sa akin yung mga bagay na yun.
Bukod sa nasasamahan ko siya kahit saan siya dumaan bago umuwi, feeling confidant din ako kapag kwentuhan time na.
Ewan ko kung anong iisipin ninyo, at kung ano man ang iisipin ninyo sa amin, wala rin naman akong pake kaya ayos lang. Ang mahalaga sa akin, masaya at makabuluhan ang araw-araw na adventure ko papasok at pauwi galing trabaho.
2 notes · View notes
ohcrapitsren · 7 years ago
Text
Part ng Buhay 2
Ito yung part ng buhay ko na feeling ko graduate na ako sa mga kalokohan. I mean, hindi naman sa parang pwede mo na akong putungan ng halo sa ulo sa sobrang tino ko. Pero ito yung tipong kung papipiliin ako ngayon kung magloloko ako o hindi, pipiliin ko nang hindi magloko.
Mahirap? Oo, mahirap talaga. Pero dadating talaga yung ganitong part sa buhay mo na pipiliin mong magtino. Pipiliin mong magtino para sa mga mahal mo sa buhay, para sa Diyos, para sa kinabukasan mo, at para sa sarili mo rin mismo.
Hindi madali ang pinagdaanan ko para makarating sa part ng buhay kong ‘to. Katulad mo (o baka ako lang), marami akong kalokohang nagawa noon na sobrang pinagsisisihan ko ngayon. Maraming bagay ang ngayon ko lang na-realize na sobra pala ako nitong nailubog.
Pero ang masayang part, sa kabila ng mga napagdaanan kong mga mali, may sumalubong sa akin sa part ng buhay kong ‘to na parang hindi ako galing sa kung anu-anong kawalang hiyaan noon. Pakiramdam ko man na hindi ko deserve, pero nag-insist pa rin yung sumalubong sa akin na ‘to na yakapin ako. Niyakap ako kahit ang dumi-dumi ko. Kahit halos mahubaran na ako sa pagkakagula-gulanit ng damit ko dahil sa mga dinaanan kong maling daan.
Salamat na lang din talaga dahil itong sumalubong sa akin na ‘to ay hindi ako sinukuan. Kahit na kasuko-suko ako at hindi deserve ng awa at habag, hindi pa rin ako binitawan. HIndi pa rin ako pinabayaan.
Kaya ngayon, sa part ng buhay kong ‘to, hayaan n’yong ako naman ang bumawi. Hayaan ninyo na ibigay ko nang buong-buo ang sarili ko sa sumalubong sa akin nang buong-buo.
God, sa Iyo na ako. Gusto kong mahalin kita nang buong-buo. Kapag po dumating yung time na parang nawawalan na ako ng gana na mahalin Ka, please po, tulungan mo akong mahalin Ka constantly. Huwag mo po akong bibitawan. Hanggang sa mga susunod na part ng buhay ko. Hanggang sa dulo.
1 note · View note
ohcrapitsren · 7 years ago
Text
Mas Magaling
Inaayos ko yung fan page ko sa Facebook. Gumawa kasi ako ng “artist page” haha! Kunyari artist ako. Hindi ko naman kasi talaga kino-consider na artist ang sarili ko. I just love art, pero to be called an artist? Medyo mabigat dalhin. Lalo’t may mga nakapaligid sa iyo na alam mong mas may ibubuga.
To be honest, masaya magkaroon ng kasama sa trabaho na mas magaling sa iyo. Mas marami kasing matututunan sa kanila. Kapag ikaw na kasi yung pinakamagaling sa inyo, parang ang liit na ng room for improvement mo, though laging sinasabi sa akin ng kasama ko sa trabaho na lahat kami ay natututo sa bawat isa.
Kahit sabihin kong masaya magkaroon ng kasamang mas magaling sa iyo, hindi pa rin talaga maiaalis sa isip yung factor na parang nai-intimidate ka sa kanya to the point na minsan hindi mo na pinagkakatiwalaan ang sarili mo.
Sabi ko tuloy minsan sa sarili ko, “Sana naman mahigitan mo siya kahit minsan.” Kahit isang beses lang kako. Kahit sandali lang. Pero hindi talaga eh. Hinding-hindi pwede mangyari dahil sobrang ekspiryensado na niya.
Sa kabilang banda, hindi pa rin nawawala yung paghanga ko sa mga mas magagaling sa akin. Hindi pa rin nawawala yung hope na baka minsan, baka lang naman, baka paggising ko mas magaling na ako sa kanya. O kung hindi man mas magaling, kahit kasing galing na lang.
Ewan ko. Naiingit ba ako? Siguro? Hindi ko alam, pero gusto ko na lang isipin na lahat ng bagay ay may dahilan. May dahilan kung bakit mas magaling ang isang tao, at kung bakit kailangan pang magtagpo ang landas ninyo.
3 notes · View notes
ohcrapitsren · 7 years ago
Text
Part ng Buhay 1
Gusto ko uling mag-blog. De, gusto ko lang magsulat uli. Gusto kong magkwento.
Ito siguro yung part ng buhay ko na sobrang uncertain ng mga pangyayari. Yung tipong wala talaga akong ka-clue-clue kung anong susunod na mangyayari. I have doubts. I have worries. I have stuff that I’m afraid to find out what it really is. I have so many uncertainties.
Pero sa palagay ko, ito rin yung part ng buhay ko na mas natututo akong magtiwala sa Diyos. Ito yung part ng buhay ko na parang mas nagiging needy ako sa Kanya. Ito yung part na parang hinding-hindi ko ma-imagine kung ano at nasaan ako ngayon kung hindi ko Siya kasama.
Ito yung part na sobrang na-appreciate ko yung mga taong tumatrato sa akin ng espesyal. Masaya akong araw-araw, naa-appreciate ko yung kahit kaliit-liitang effort ng pagpapahalaga nila sa akin. Natutuwa ako kasi alam kong sa part ng buhay ko ‘to, mas nahuhubog ako na mas maging mabuting kapwa, at mabuting anak ng Diyos.
Hindi man mawala sa ngayon yung mga agam-agam at mga alalahanin ko, gusto ko pa rin laging isipin na mayroong malaki, makapangyarihan at mapagmahal na Diyos na umiibig sa akin sa kabila ng aking mga kakulangan. Siya yung Diyos na alam kong hindi ako pababayaan. Yung Diyos na walang hindi kayang gawin para sa mga anak Niya.
Kaya sa palagay ko, sa part ng buhay kong ‘to, masasabi ko pa ring pinagpala ako. Hindi man naging maganda ang dahilan kung bakit ako nakarating sa pagkakataong ‘to at sa dami man ng agam-agam sa puso ko, masaya pa rin ako kasi alam kong sa Diyos, may katiyakan ang kinabukasan ko. 
9 notes · View notes
ohcrapitsren · 8 years ago
Text
Sobra-sobra
Bakit ba kapag nakakausap kita, I feel secured & contented? Okay lang naman sa akin na ganto nararamdaman ko, kaso nag-aalala ako dahil baka mapasobra na naman ako. Ayaw ko nang maulit yung katulad ng dati. Ayaw ko nang bumalik sa dating ako. Ayaw ko nang ulitin yung dati kong pagkakamali.
Kapag nagtuloy-tuloy ‘tong lumala, hindi ko alam kung kanino na ako sasandal bukod sa Diyos. Hindi ko alam kung sino pang pwede kong malapitan kapag nagkaroon ako ng problema o ng kung ano.
Mahalaga sa akin yung kung anong meron tayo ngayon, at ayaw kong masira ‘to dahil sa sobra-sobrang feelings para sa’yo.
1 note · View note
ohcrapitsren · 8 years ago
Text
Literal na 24
Actually, masaya akong makakaabot ako ng 24 years of existence dito sa Earth. I have never appreciated life this much before. Kahit pa sabihing napakaraming mga pinagdaanang pagsubok, tukso, pagbagsak, pagsuko, at kung anu-ano pa sa nagdaang taon ko, nakakatuwa dahil sa mga pinagdaanan kong ‘yan mas naka-close ko si Lord.
Totoo yung sabi nila na everything happens for a reason. Totoong-totoo yun sa buhay ko. Naalala ko rin tuloy yung analogy na ang buhay daw ay parang isang malaking connect-the-dots. Habang hindi pa natatapos i-connect lahat ng dots, hindi pa talaga makikita yung “big picture”-- yung magandang plano-- na inilaan ni Lord para sa atin. Ang tiningnan ko nang husto nitong mga nakaraang panahon e yung isang dot lang sa connect-the-dots. Hindi ko tuloy maintindihan at hindi ko ma-appreciate yung situation. Pero ngayon, natuto na akong tumingin sa malayo. Natuto akong tingnan yung bigger picture.
Kaya ngayon, talagang sobrang ipinagpapasalamat ko sa Diyos yung mga taong ginamit niya para mas maging better person ako. Nagpapasalamat din ako kay Lord mismo dahil maraming beses niyang ipinaranas sa akin yung mayaman niyang habag at biyaya. Sobrang grateful ako dun. Masaya akong mas nakilala ko pa siya nitong nagdaang taon.
Kung ano man yung mga naging mali ko nitong nakaraan, alam kong pinatawad na ako ni Lord. At lahat ng mga iyon-- lahat ng mga naging downfall ko, gagamitin ko ngayon para mas maging matatag pa.
2 notes · View notes
ohcrapitsren · 8 years ago
Text
Mahabang biglang umiikli
May mga pagkakataon talagang kahit gaano mo kagustong sabihin sa isang tao yung totoo mong feeling--yung talagang totoo mong feelings na ga-nobela ang haba kapag nai-put into words mo--hindi talaga minsan uubra e.
Yung nobela, nagiging short story. Yung short story, nagiging summary ng short story. Yung summary ng short story, nagiging isang simpleng paragraph na lang.
Mahirap. HIndi ko alam kung paano nagkakaroon ng lakas ng loob ang iba na masabi talaga ang totoong nararamdaman nila.
1 note · View note
ohcrapitsren · 8 years ago
Text
Alam mo yung miss na miss?
Alam mo yung miss na miss mo na yung isang tao pero wala kang magawa kundi maghintay na dumating yung time na magkita uli kayo? Yung wala kang pwedeng gawin para magkita kayo agad-agad? Ang hirap.
Papasok ka sa school o sa trabaho na naiisip mo siya kasi noon, alam mong pagdating mo sa school o sa trabaho, alam mong magkikita kayo.
Buong maghapon, hindi siya mawala sa isip mo dahil sobrang nasanay ka na lagi mo siyang kasama.
Kapag pauwi ka na, mas lalo mo siyang nami-miss kasi lagi kayong sabay umuwi.
Nakakalungkot pero wala ka talagang pwedeng gawin kundi maghintay, aliwin yung sarili mo, gawin mong abala yung sarili mo. Nakakalungkot.
1 note · View note
ohcrapitsren · 9 years ago
Text
Pakiramdam ko nakakapogi yung camera ng Snapchat. Ang pogi ko dun e hahahaha! Pa-add nga ako: nhorrenjaz.
9 notes · View notes