Mga Salik na Nakaaapekto sa Pangingibang-bansa ng mga Pilipinong Certified Public Accountant
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Panimula
Kasabay sa pagbabago ng panahon at pag-usbong ng globalisasyon ay ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Bunga ng patuloy na pag-suporta ng iba’t ibang institusyon, tulad ng gobyerno, at ang impluwensiya nito sa aspirasyon ng mga mamamayang Pilipino, binansagan ang penomenang ito bilang “kultura ng migrasyon” sa Pilipinas (Asis, 2006). Bagama’t marami nang pag-aaral tungkol sa kontribusyon sa ekonomiya (McKay, 2010; Siar, 2014; Tullao, 2006; Semyonov & Gorodzeisky, 2005), mga nararanasang abuso (Sancho-Liao, 1993; Palmes, 2013; Anderson, 2010), pamilya (Asis, 2002; Cortes, 2013), at pangkabuuang karanasan (Manzano, 2014; Fernandez & Krootjes, 2007; Aguilar, 1999) ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) mayroon pa ring pagkukulang sa pagsusuri, partikular na ang mga Pilipinong Certified Public Accountant (CPA), sa mga salik na nakaaapekto sa kanilang pangingibang-bansa.
Sa ngayon, makikita kung papaano umiral ang larang ng pagtutuos o accounting sa bansa. Ayon kay Joel Yan-Torres, ang tagapangulo ng Board of Accountancy (BoA) of the Professional Regulatory Commission, umaabot nang pitong libo limang daan (7,500) hanggang walong libo (8,000) ang nakapapasa at nakakukuha ng lisensya sa larang na ito taon-taon. Noong Nobyembre 2016 sa seremonya ng pagsasampa ng panunumpa sa Philippine International Convention Center (PICC), kanyang inilahad na mula sa bilang na ito, tunay ngang ang bansang Pilipinas ang mayroong pinakamalaking dami ng mga nagagawang CPA sa rehiyon.
Sa pagtaas ng bilang na ito ay ang pasulong din ng demand para sa propesyon na ito—hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi pati na rin sa mga dayuhang bansa, sapagkat natutugunan ng mga kakayahan at kahusayan ng ating mga CPA ang kanilang mga pangangailangan. Kaya naman kaakibat ng hindi tumitinag na demand ng mga dayuhang bansa para sa propesyong ito ay ang pangangailangan ng bansa na mag-produce ng sapat na mga CPA upang matugunan at masabayan ang demand na ito, at para na rin maiwasan ang shortage ng propesyong ito sa bansa.
Hinahangad ng kasalukuyang photoblog ang sumusunod: Una, alamin ang mga oportunidad at suliranin na kinahaharap ng industriya ng pagtutuos sa Pilipinas, na siyang maaaring humihikayat sa mga ito upang mangibang-bansa; Ikalawa, tukuyin ang mga kakayahan at kahusayan ng mga Pilipinong CPA na hinahanap at tumutugon sa pangangailangan ng mga taga-pagempleyo ng mga karatig na bansa; Ikatlo, ilahad ang mga bansang mayroong pinakamaraming bilang ng nagtatrabahong Pilipinong CPA at; Ikaapat, suriin ang iba’t ibang epekto ng pangingibang-bansa ng mga Pilipinong CPA sa ekonomiya ng bansa. Kinakailangan ang pag-aaral na ito sapagkat tunguhin nitong makatulong sa pagdedesisyon ng mga CPA sa kasalukuyan, mapaunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong may kinalaman dito, at maipabatid sa gobyerno ang presensya ng lumalaganap na suliranin na ito upang ito’y mabigyan pa ng mas malawak na pansin at mas epektibong solusyon.
Ang pagtutuos ay kilala bilang isang propesyon na mahirap tahakin dahil sa mga pagsubok na kinakailangan lampasan hindi lamang sa pag-aaral ngunit hanggang sa pagpasok at pananatili sa industriyang ito. Ang mga CPA ang gulugod ng mga negosyo na gumaganap ng malaking papel sa ating ekonomiya. Kaya naman, sa photoblog na ito, partikular nitong saklaw ang mga maaaring rason na nakaiimpluwensya sa pangingibang bansa ng mga Pilipinong CPA; at kung ano ang maaaring implikasyon nito—hindi lamang sa kanilang sarili, ngunit sa ibang panlabas na aspekto na bukod pa sa nakapalibot sa kanila at kung paano sila naaapektuhan ng panlabas na pwersa na tumatangay sa kanila upang tahakin ang buhay bilang isang CPA sa dayuhang bansa.
Upang masigurong makakamit ang mga tunguhin ng photoblog na ito, ang mga sumusunod na mga katanungan ay nararapat na matugunan sa pagtatapos ng photoblog na ito:
Ano-ano ang mga oportunidad at suliranin na kinakaharap ngayon ng industriya ng pagtutuos?
Ano-ano ang mga kakayahan ng mga Pilipinong Certified Public Accountants (CPA’s) na hinahanap at tumutugon sa sa pangangailangan ng mga karatig na bansa?
Ano-ano ang mga bansa na may pinakamalaking bilang ng mga Pilipinong CPA?
Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa pangingibang bansa ng mga Pilipinong CPA?
Ano-ano ang mga apekto ng pangingibang bansa ng mga Pilipinong CPA sa ekonomiya ng bansa?
3 notes
·
View notes
Text
MICHELLE S. TAMBAL
Isang mag-aaral na nakatira at lumaki sa lungsod ng Maynila, isinilang noong ika-dalawampu’t anim ng Setyembre taong 1999. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Batsilyer sa Agham ng Pagtutuos (Bachelor of Science in Accountancy) sa kilalang kolehiyo sa larangang kanyang pinili na matatagpuan sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Pinili niyang mapabilang sa programang ito dahil nais niyang maging isang matagumpay na Certified Public Accountant balang araw. Buong hayskul ay may mga medal siyang naibibigay sa kanyang mga magulang na nagsisimbolo ng kanyang dedikasyon at pagsusumikap sa kanyang pag-aaral na nagsasabi na siya ay isang honor student. Minsan na din niyang napatunayan ang kanyang sarili sa larangan ng pagsulat ng sanaysay nang kanyang naiuwi ang ikalawang gantimpala sa Biglaang Pagsulat ng Sanaysay.
Ang kanyang hilig sa matematika ang naging dahilan kung bakit niya pinili na maging miyembro ng Math Club at ang programang Pagtutuos. Ito rin ang naging dahilan ng kanyang pagsali sa mga kompetisyon at pagkuha ng scholarship sa paaralan. Masasabing may maganda at epektibo siyang pamumuno dahil simula palang ng unang taon hanggang matapos ang senior high school ay nakaupo siya bilang kalihim (secretary) ng klase. Kilala siya ng kanyang mga kaibigan bilang isang mahilig na magbasa ng mga libro lalong-lalo na ng mga nobela at mitolohiya. Mahilig din siyang magsulat ng mga istorya na epekto ng kanyang pagmamasid sa kanyang kapaligiran at binibigyan niya ito ng buhay sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang imahinasyon.
0 notes
Text
JULIA ANDREA C. LAURETA.
Isinilang noong ika-dalawampu’t pito ng Agosto noong taong 2000 sa barangay ng Baclaran, Lungsod ng Parañaque. Siya ay kasalukuyang nag-aaral ng Batsilyer sa Agham ng Pagtutuos (Bachelor of Science in Accountancy) sa pinakamatandang unibersidad sa Asya, ang Unibersidad ng Santo Tomas.
Pinarangalan bilang Best in Research ng taon noong siya ay nasa ika-sampung baitang. Sa ika-labingisa ng Senior High School naman ay nagkamit siya ng pinakamataas na General Weighted Average at bumigkas ng talumpati. Kasapi rin siya sa mga lumahok ng “Battle of the future CPA’s” noong siya ay nasa ika-labindalawang taon at nag-uwi ng ikatlong karangalan sa patimpalak. Kasabay ng pakikibaka niya sa iba’t ibang kamunduhan ay umiiral pa rin ang misyon niya sa buhay; ito ay ang pagsulat ng mga hugot at kadramahan niya sa buhay. Sa ngayon ay nagpaplanong mag limbag ng kanyang sariling libro kung papalarin. Patunay na isa siyang makata sa panitikan.
0 notes
Text
Bibliograpiya
Anderson, B. (2010). Just another job? Paying for domestic work. Gender & Development , 25-33. Asis, M. (2002). From the Life Stories of Filipino Women: Personal and Family Agendas in Migration. Asian and Pacific Migration Journal, 11 (1), 67-93. Asis, M. (2006, Enero 1). The Philippines' Culture of Migration. Kinuha sa Migration Policy: goo.gl/wiPAsY noong Disyembre 11, 2018.
Cortes, P. (2013). The Feminization of International Migration and its Effects on the Children Left Behind: Evidence from the Philippines. World Development, 1-17. Cu, R. (2016). Local, overseas demand for accountants seen rising. Kinuha mula sahttps://businessmirror.com.ph/local-overseas-demand-for-accountants-seenrising/ Fernandez, & Krootjes. (2007). Seaman—Invisible Part of the Filipino Diaspora in Europe: Scenarios from Onboard Research. In F. M. Hoegsholm, In De Olde Worlde: Views of Filipino Migrants in Europe (pp.56-82). Siyudad ng Quezon: Philippine Social Science Council and Philippin Migration Research Network. Manzano, J. (2014). (Ini)lihim sa Dagat: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman. Daluyan, 117-138. McKay, S. (2010). 'So They Remember Me When I'm Gone': Remittances, Fatherhood, and Gender Relations of Filipino Male Migrants. Conference on Transnational Labour Migration, Remittances, and the Changing Family in Asia. Asia Research Institute, National University of Singapore. Palmes, D. (2013). Buhay-Indo: Suerte-Muerte ng mga Gurong OFW. Dalumat, 4 (1-2), 14- 33.
Philippine Overseas Employment Administration. (2014). 2010-2014 Overseas Employment Statistics. Mandaluyong: Philippine Overseas Employment Administration. Sancho-Liao, N. (2007). 'Clutching a knifeblade' Human rights and development from Asian women's perspective. Gender & Development, 31-36. Semyonov, M. & Gorodzeisky, A. (2005). Labor Migration, Remittances, and Household Income: A Comparison between Filipino and Filipina Overseas Workers. International Migration Review. 39(1), 45-68. Siar, S. (2014). Highly Skilled Migrants' Strong Ties with Their Home Country: Evidence from Filipinos in New Zealand and Australia. International Migration & Integration, 15, 655-676. Tullao, T. (2006). Padalang Salapi ng mga OFW: Nagdadala ng Kabuhayan, Katatagan, at Kaunlaran sa Ekonomiya. Malay, 19 (1), 67-87.
Fontinelle, A. (2018, Mayo 2). Careers in Accounting Information Systems: A Guide Kinuha sa https://www.investopedia.com/articles/financialcareers/11/accountinginformation-systems-careers.asp noong Disyembre 8, 2018.
Tan-Torres, J. (2017, Agosto 21). Dawning of the new era in accountancy education. Kinuha mula sa https://businessmirror.com.ph/dawning-of-the-new-era-inaccountancy-education/ noong Disyembre 8, 2018.
Tsai, F. (2016, Mayo 24). Accounting, corruption and ethics. Kinuha mula sa https://medium.com/ask-the-accounting-advisor-ph/accounting-corruptionand-ethics-baed8df081e0 noong Disyembre 8, 2018.
Asis, M. (2017, Hulyo 12). The Philippines: Beyond Labor Migration, Toward Development and (Possibly) Return. Kinuha mula sa Migration Policy Institute: https://www.migrationpolicy.org/article/philippines-beyond-labormigration-toward-development-and-possibly-return noong Disyembre 11, 2018. Cu, R. (2016, Nobyembre 16). Local, overseas demand for accountants seen rising. Kinuha mula sa Business Mirror: https://businessmirror.com.ph/localoverseas-demand-for-accountants-seen-rising/ noong Disyembre 11, 2018. Jaymalin, M. (2006, Agosto 21). After nurses, more Pinoy accountants seen to work in US. Kinuha mula sa PhilStar: https://www.philstar.com/headlines/2006/08/21/354004/after-nurses-morepinoy-accountants-seen-work-us noong Disyembre 11, 2018.
Macabacyao, R. (2012, Hulyo). Bakit maraming Pilipino ang nangingibang-bansa? Kinuha mula sa http://renzmacabacyao.blogspot.com/ noong Disyembre 11, 2018.
Natividad, F. (2012, Nobyembre 19). 11 Reasons Why Filipinos Want to Work Abroad. Kinuha mula sa BusinessTips: https://businesstips.ph/reasons-whyfilipinos-want-to-work-abroad/ noong Disyembre 10, 2018.
Tan-Torres, J. L. (2017, Agosto 21). Dawning of the new era in accountancy education. Kinuha mula sa BusinessMirror: https://businessmirror.com.ph/dawning-of-the-new-era-in-accountancyeducation/ noong Disyembre 10, 2018.
What do Filipinos value most? (2011, Enero 16). Kinuha mula sa PhilStar: https://www.philstar.com/inbox-world/2011/01/16/648260/what-do-filipinosvalue-most noong Disyembre 10, 2018.
Boiles, B. (2013, Nobyembre 10.) Iba’t ibang Modelo ng Paikot na Daloy ng Kita at Paggasta. Kinuha mula sa https://billyjawboiles.wordpress.com/2013/11/10/248/ noong Disyembre 10, 2018. Cu, R. (2016, November 16). Local, overseas demand for accountants seen rising. Kinuha mula sa https://businessmirror.com.ph/local-overseas-demand-foraccountants-seen-rising/ noong Disyembre 9, 2018.
Rivas, R. (2018, September 17). OFW remittances slow down in January-July 2018. Kinuha mula sa https://www.rappler.com/business/212191-ofw-remittancesjanuary-july-2018 noong Disyembre 9, 2018.
Takumi, R. (2017, May 3). DOLE eyes limiting number of skilled workers sent abroad to address local shortage. Kinuha mula sa https://www.gmanetwork.com/news/pinoyabroad/news/609405/dole-eyeslimiting-number-of-skilled-workers-sent-abroad-to-address-localshortage/story/ noong Disyembre 9, 2018. Gross National Product. Kinuha mula sa https://tradingeconomics.com/philippines/gross-national-product noong Disyembre 9, 2018. Labor Force. Kinuha mula sa http://www.psa.gov.ph/statistics/survey/labor-force noong Disyembre 10, 2018. Philippines Remittances. Kinuha mula sa https://tradingeconomics.com/philippines/remittances noong Disyembre 9, 2018.
0 notes
Text
Kakayahan
Kasabay ng paglipas ng panahon ay tumataas din ang bilang ng Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang panig ng mundo. Maraming bansa ang tumatanggap ng Pilipinong trabahador dahil sa likas na kasipagang taglay nila. At madalas, ang tagumpay ng mga Pilipino ay hindi lamang dahil sa kahusayan sa larangan ng kanilang trabaho kundi maging sa karakter na kanilang pinapakita. Kaya naman, tunay na maraming oportunidad ang naghihintay sa mga Pilipino sa labas ng bansa.
0 notes
Photo
LISAN
Ayon sa Bureau of Internal Revenue, maraming Pilipinong Certified Public Accountant o CPA ang nagtratrabaho sa ibang bansa partikular na sa Middle East, Singapore, United States at Australia. Masasabing in demand ang mga Pilipinong CPA sa labas ng bansa marahil sa mga angking kasanayan at abilidad na taglay nila. Dahil dito, mas nakikilala ang kahusayan ng mga Pilipino sa larangan ng Accountancy
Isinaad ni Alex Malley, presidente ng CPA Australia: “The thing about being a CPA is you don’t actually have to be in an accounting role. There are strategic leaders and so what you find is they work in many areas of management and leadership. And they have skills around governance, risk management, strategy development, and people management. All of these areas are in demand and having a CPA qualification gives you that opportunity.”
0 notes
Photo
DESTINO
Para sa kanya, ang pagiging CPA ay hindi lamang nakapaloob sa papel ng pagiging Accountant bagkus sa larangan ng pangangasiwa at pamamahala rin sa isang kumpanya. Masasabing ang kakayahang mamahala ay isa sa pinakamahalagang karakter na hinahanap ng mga kumpanya sa kanilang mga aplikante. At ang mga Pilipinong CPA ay pasok sa kwalipikadong ito na nagbunsod sa pagiging in demand nila.
0 notes
Photo
BIHASA
Bukod pa rito, taglay din ng mga Pilipinong CPA ang mga kasanayang katulad ng mga sumusunod:
- Pagiging organisado - May pamamahala sa oras - Kakayahang makibagay o adaptability - Epektibong komunikasyon - Katapatan at integridad
0 notes
Photo
HUSAY
Ang mga kasanayan at abilidad na ito ang nagbukas ng mga oportunidad sa mga Pilipinong CPA na makapagtrabaho sa ibang bansa. Patunay ito na ang mga Pilipino ay maaasahan at mapagkakatiwalaan sa iba’t ibang larangan ng trabaho sa loob at maging sa labas ng bansa na ating maipagmamalaki.
0 notes
Text
Bansa
Hindi maipagkakait ang pagkasilaw ng mga Pilipino sa mga oportunidad na inaalok ng ibang bansa, hindi lang dahil sa mas malaking sahod kumpara dito sa Pilipinas, pero dahil na rin sa posibilidad ng mas maginhawang buhay kapag sila’y nakapag-migrate na. Katapat ng mga alok na ito ang pangangailangan ng ibang bansa para sa mga CPA at dahil sa katangian ng propesyon nito na madaling maibagay sa iba’t-ibang trabaho sa industriya ng pagnenegosyo, hindi natutugunan ang kakulangan sa CPA ng mga bansang malago ang ekonomiya.
0 notes
Photo
SAPALARAN
Marami sa mga nagtatapos ng Accountancy ang nagtatrabaho muna sa mga malalaking kompanya ng pagtutuos katulad ng SGV at PWC at kapag nakalikom na ng sapat na karanasan sa kanilang propesyon para mangibang bansa, ay nagpapadestino sa kompanya nila dito sa Pilipinas, papunta sa kaakibat na kompanya nito sa ibang bansa. Dito sila makikipagsapalaran sa paligid na hindi nila kilala at kakapain muna bago malibot nang malaya.
0 notes
Photo
Wala mang istatistikang naglalahad nang matibay na impormasyon ukol sa kung anong bansa ang may pinakamaraming Pilipinong CPA, nagpresenta naman ng artikulo ang BusinessMirror na nagsasaad na ang mga bansang Middle East, Singapore, United States at maging ang Australia ay kung saan maraming Pilipinong CPA ang nag-eensayo ng kanilang propesyon. Ito ay bukod pa sa hindi rin matustusan na pangangailangan sa Pilipinas. Sadyang nakalulungkot na napipilitang pagsilbihan ng ating mga kababayang CPA ang mga banyaga, kaysa sa sarili nating bansa, na hindi kayang pangalagaan at magbigay ng sapat para sa mga Pilipino.
0 notes
Text
MARY NICA D. BARCELO
Tubong Palawan at kasalukuyang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas ng Batsilyer sa Agham ng Pagtutuos (Bachelor of Science in Accountancy). Siya ay nagtapos ng primarya at sekondaryang edukasyon sa Palawan Hope Christian School na kabilang sa Accountancy, Business,and Management na pangkat ng 11 katao lamang.
Pinanganak siya noong Setyembre 17, 1999 at bago pa man maging 19-anyos ay nakapagtrabaho na bilang kontraktuwal na manggagawa sa BreadTalk ng summer ng 2018. Siya ngayon ay kabilang sa Junior Philippine Institute of Accountants: Debate Committee kung saan ay mahilig siya magpamalas ng aliw sa pakikipagtalastasan. Hilig niya rin ang gumuhit ng mga damit at pangarap niya maging designer balang araw kung may oras pa siya.
Nagsusulat siya ng mga tula kapag siya ay lugmok at kulang na sa kagustuhang mamuhay. Hindi niya na maalala ang mga nakamit niya sa buhay sa kadahilanang hindi niya ito binibilang at wala siyang paraan para maalala ang mga ito.
0 notes
Text
Ekonomiya
May humigit kumulang sa tatlong milyong Pilipino ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa at nagpapadala ng kanilang mga kinita sa kanilang mga naiwang pamilya sa Pilipinas. Sa isang araw, may mahigit 2,500 manggagawang Pilipino ang lumalabas ng bansa para maghanap ng trabaho na may mas malaking kita. Higit sa 18 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay nagtatrabaho bilang service at sales worker at kabilang dito ang mga Certified Public Accountants (CPA). Ang pangingibang bansa na ito ng ating mga kapwa Pilipino ay may positibo at negatibong implikasyon sa ating ekonomiya.
0 notes