Text
Tuwing lumuluwas kami papuntang Pangasinan, lagi akong nakatanaw sa may bintana. Isa sa mga paborito kong tanawin ay ang malalawak na lupain habang binabagtas namin ang mga sulok ng Pangasinan. Medyo malayo kasi ang parokya ng Tito ko na pari kaya matagal at malayo talaga ang byahe. Isa sa mga panglibang sa isip ko bilang pasahero ay ang makakita ng taotao o scarecrow. Sabi nila, panakot daw sa mga peste ang taotao para hindi masira ang mga tanim na mga palay. Ilang beses na kami nakabalik sa Pangasinan, walang taotao pero hinahanap ko pa rin sa daan. Sa paglipas ng panahon, madalang na kami lumuwas. Sumabay ang COVID 19 at sunod sunod na deadline sa online class sa mga rason kung bakit mas nanatili ako sa bahay. Habang nag aaral sa kolehiyo, natutunan ko na ang taotao ay wala sa gitna ng palayan. Ang taotao ay maari rin maging oras. Nakakatakot ang oras habang lumalaki. Pakiramdam mo ay minsan mo siyang matalik na kaaway o 'di kaya mabuting kaibigan. Nakakaramdam ako ng takot araw araw dahil pakiramdam ko ay hindi sapat ang bente kwartong oras para maabot lahat ng pangarap. Ang taotao pala ay posible rin makasira ng pangarap. Ang taotao ay maari rin maging pag asa at paghihintay. Sa gitna nito ay ang kawalang kasiguraduhan sa mga minimithi na pangarap. Gusto mong akapin ang sarili ngunit hindi rin sumasapat ang init sa mga palad. Palaging nanlalamig o nag iisa. Ang taotao ay nakakatakot dahil ay buhay ay puno ng patlang na hindi natin kayang punan ngunit dapat natin abangan.
Written: June 26, 2022
0 notes
Text
Anong gagawin mo kapag hindi ka na pinapatulog ng iyong mga demonyo sa gabi? Iyong pwersahan ka nitong tinuturuan na umalala ng mga ala-ala na ikaw mismo ang lumimot. Ang mga mata, na hapo sa maghapon, ay kaya lamang pumikit ngunit hindi humimbing. Sapagkat, pagod na itong magbilang ng tala sa kalangitan. O, maghintay ng pagdaan ng bulalakaw. Hindi naman nabubura ang mga pagkakamali tulad ng sulat sa pisara, 'di ba?
Written: June 26, 2019
0 notes
Text
We create perfect ideals of the person whom we want to love. Yet, when we have come to see their flaws, we're lost in the moment instead of being delighted. We don't know how to act around their imperfection, we're lost in the moment. Maybe, we don't really love them. We just like the idea of their being, their perfect side. Love is so grand that it could detest your faith to each other, your likeliness to compromise and your capability to understand. Yet, it's too much to contain what love is through words. Sincere feelings isn't easily expressed through words. Just like how I am trying to put together all of my thoughts. Maybe I still know a little. After all compromising for someone I like felt like too much to me. I know I'll meet someone whom I will compromise and give all of my own.
Written: June 28, 2019
0 notes
Text
mirasol dilaw ang kulay ng kasiyahan at kung tatanungin kung ano ang aking paboritong kulay sasabihin kong ikaw sapagkat sa bawat sandali na ikaw ang kapiling ang bawat pighati, hindi gumagaan ngunit kinakaya ang bawat luha, hindi agad tumatahan ngunit lalong gumagaan ang bawat yakap, kailanman ay hinding hindi agad bibitaw ikaw ang tangi kong paborito.
written: jul 6, 2019
0 notes
Text
ang iyong mga mata, na kung susuriin ay para bang maraming sinasabi pati na rin ang ngiti sa 'yong mga labi, at bigkas ng pagsuyo na kay dami ang rason kung bakit sa 'yo ko gustong umuwi. wala namang nagsabi, na ang daigdig ay higit sa mga planeta o, mga bituin na makikita sa gabi pagkat natagpuan ko ito sa 'yong mga balikat, at kamay na para bang kaya akong alagaan, hawakan nang pagkatagal tagal. hindi sigurado sa nararamdaman hindi sanay sa mabilisan kaya sana 'wag ka munang lumisan.
written: sept 23, 2019
0 notes
Text
Minsan, hindi sumasapat Anumang bugkos ng mga salita o parilala Kaya naman ang musika Ang magsasabi ng nais itudla Kung ito ba ay malungkot, o masaya Kasabay nito Ang paghigpit ng paghawak sa kamay —sa pagkakahugpo ng mga daliri —sa pagtama ng mga siko —sa pagdantay ng aking ulo sa iyong balikat Mapayapang nakaupo, nang magkatabi Saka titignan ang sarili sa salamin At maabutan ang iyong pagsilay sa akin.
written: sept 23, 2019
0 notes
Text
madilim, malamig lumulutang sa gabi ang kaniyang mga ngiti ngayon na lang muli naging dalisay, at ang kaniyang mata nakapikit ngunit may kalakip na munting ningning. ang tagal hinintay nang pagtigil ng mundo nagnilay itong sandali ay iaalay kung sino man ang babathalain sana ay pagbutihin. ang pag-ikot ng kamay sa mga numero na walang saysay titigil ang isa at muling iikot ang iba ang pag-ikot ng kamay sa kalagitnaan hindi na muling malulumbay.
written: jul 9, 2019
0 notes
Text
NANDITO LANG pagkasambit ng yaong mga salita agad na umalis ang anino tila sa ilaw saglit lang dumaplis. sa bawat gabi na walang bituin kung mayroon man kayang kayang bilangin o di kaya'y nabilang sa haba ng libreng oras —sila ang tanging kapiling. at sa mga pagkakataon na kahit buwan ay tumalikda at hindi nakinig sa kung kanino man, o sino man, ano man ang ngalan n'ya; humihiling na sana ay maging manhid at hindi na makaramdam. —kapag sinasabi yaong mga salita hindi malaman ang madarama matutuwa? hindi; sapagkat kakaunti lamang ang totoong makikinig at hindi lahat ng may tainga ay maaring maging pahinga.
written: sept 23, 2019
0 notes
Text
i hate letting people in, i never liked small talks i don't want dead silence i dislike gazes without words it puts me in anxious state of mind. yet, when i met you it was all different as if i was a different person or maybe, it was the real me i am that person. someone who's capable of loving a person who can yak yet another bullshit not only i endure but i enjoy dead silence it wasn't really dead but it felt like an intimate moment between the two of us. how do fate make people meet? and make them feel, foreign emotions? god, i am so scared.
written: aug 27, 2019
0 notes
Text
alitaptap
tuwing gabi sa gitna ng damuhan, paminsan sa tabi tabi o kaya sa likod ng bahay pati na rin sa paligid ng tangkay ng puno ng santol kita at natatanaw saka pinagmamasdan kung paano ka nagliliwanag at lumilikha ng sariling hiwaga— sa munting kislap at mabilis na pag-ikot na tila ba may hinahabol ngunit mas mabilis ang aking mga palad upang ikaw ay kandiliin saglit at saka papakawalang muli.
written: aug 27, 2019
0 notes
Text
di mo naman kailangan sagutin lahat ng tanong dahil hindi lahat ng tanong ay tanong. may pagkakataon din na ito lamang ay binigkas sa hangin, na tulad ng mga tugon na hindi narinig, ay maglalaho. makakalimutan ngunit narinig at may nakarinig, kahit 'sang beses.
written: aug 27, 2019
0 notes
Text
I write when I'm sad. I don't know if there is a qualitative research that corelates sadness and literature but this is how writing works for me. Though, my mind is often opiated by thoughts about the past, mistakes I've done, the embarrassing moments I have and the guilt that is frequently evoked by this sadness, I still manage to write. Though, I also acknowledge that I don't finish pieces at all or I have uncertainty in my heart with regards to how to end it. However, there are times when I just can't write even when I'm sad. It's kinda torture because no matter how much I crave words, my vocabulary is not enough to describe and to illustrate how sad I am or how I am feeling.
Written: June 28, 2018
0 notes
Text
Bakit nga ba lagi tayong natutuksong alisin ang langib? Bakit di natin hayaang gumaling ang mga sugat natin? Siguro dahil lagi tayong nakatuon sa resulta ngunit ‘di sa proseso ng paggaling.
Written: Feb 25, 2019
0 notes
Text
maraming upos ng sigarilyo sa gitna ng kalsada sa may mendiola naroon sila nakatihaya, hinahangin ngunit nanatili sa pagkakahiga na para bang pinabayaan ng panahon. written: sept 4, 2019
1 note
·
View note