nvrvie
Nicole
3 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
nvrvie · 2 years ago
Text
Hello. September 07,2022. Wednesday. Achievement na siguro sa'kin kapag nakapasok ako ng maaga, 10:00am nakarating na ako ng room and 10:20am ang start ng class. First discussion lang ng P.E And Health sa morning class. After class, nagkwentuhan lang kami ng mga ka-seatmates ko about random things. We talked about Kpop Groups na mga iniistan namin. Around 11(?) sabay kami naglunch ng mga ka-seatmates ko. While eating, tawanan lang kami ng tawanan about sa mga random jokes na lumalabas sa bibig namin. After lunch namin, nagbasa muna ako ng novel book na dala ko while waiting sa next class since mahaba ang vacant. Lectures and nagbigay ng mga assignments kanina. Nag play din kami ng game sa OralCom and 2nd place ang group namin! Last period is PreCal, ang aking dinner charot. Sobrang baba ng tingin ko sa sarili ko habang nagsasagot kasi ako yung huling nagpasa. After class, sa sobrang lutang ko imbis na sa Alfamart diretso, nakalimutan ko tumawid BWHAHA. Naglakad nalang ako mula school hanggang Crossing and tumigil ako sa 7-Eleven para bumili ng snack and magpahinga sa sobrang haba ng nilakad. Nagmumuni muni ako habang nasa trycycle kasi feeling ko nalleft out ako kapag nagddiscuss kasi minsan hindi na ako makasunod. Under pressure ako pag-uwi ng bahay and dahil bilang iyakin, umiyak ako HAHAHA. One of my coping mechanism ay umiyak. After ko mag cry, lumabas ako para magpahangin, bumili ako ng ice cream pang-pagaan ng loob and nagbike. Gumawa lang ako ng activities na due tommorow, nag take ng half bath, nagtoothbrush. That's all! 🦋
0 notes
nvrvie · 2 years ago
Text
Today is September 06, 2022. Tuesday, Maaga ako nakapunta sa school kanina which is good kasi laging 5 minutes before class ako nakakarating HAHAHA. More on discussion lang naman ang nangyari sa class kanina pero nasurprise nga kami sa surprise quiz sa ICT kanina. Na-mental block ako and hindi ko inexpect na mag qquiz, kaunti lang rin ang nasagutan ko sa quiz kanina and buti nalang talaga hindi graded and may time pa ako para mag review kahit papaano. Nag seatwork lang kami sa OralCom and nag try magsagot ng PreCal kanina. After class, sabay kami bumaba ng mga ka-seatmates ko and habang nakasakay ako sa trycycle, nagulat ako kasi sumakay din yung classmate ko na hindi ko pa ka-close HAHAHA tiga VDC lang din pala siya. Nag chit-chat lang kami ng kaunti kasi nauna siyang bumaba sa'kin. Bumili lang ako ng takoyaki after ko umuwi and natulog. Around 9 pm, nag videocall kami ng cousin ko and sabay kaming nagsasagot ng assignments namin at nag usap about random things. Nagdinner lang ako after videocall, naghalf bath and nag toothbrush, That's all for today!
Tumblr media
0 notes
nvrvie · 2 years ago
Text
Today is September 05, 2022. Second week of class. Maaga ako nagising kanina dahil tinapos ko yung activity ko sa philosophy and after ko matapos activity ko nagbasa lang ako ng book, tumulong din ako maghugas ng plato at magsaing. Fast-forward, nag pprepare na ako pumasok ng school and muntik pa ako malate huhu. So far, so good naman sa new school ko. Nafeel ko na mas naging close kami ng seatmates ko kasi nagtatawanan kami at nag kkwentuhan habang walang teacher kanina. I feel so happy kasi i thought magiging loner ako sa classroom dahil transferee ako. Nag-elect din kanina ng homeroom officers and sobrang masaya ako sa mga naging part ng homeroom officers. I know na malaking responsibility siya but naniniwala ako sa kanila na magagampanan nila ang tungkulin na binigay sa kanila. More on lectures lang ang nangyari kanina. Last class namin ay GenMath, scary hahaha. Nag check kami ng assignment kanina and hindi ako masaya sa outcome ng score ko pero i know there's always a room for improvement. Bago ako umuwi is dumaan muna ako sa AlfaMart para bumili ng favorite drink ko which is C2. After ko makauwi ng house ay natulog ako HAHAHA. That's all!
1 note · View note