nixnixnixtmblr-blog
nixnixnixtmblr-blog
Filipinolohiya at Pambansang kaunlaran
11 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
nixnixnixtmblr-blog · 5 years ago
Text
The Social Movements and the Current National Political Scene
Noong binabasa ko ang akdang ito, agad kong naisip ang aking naging karanasan noong sumama ako sa Rally sa Sasndigang Bayan noong ako ay Grade 11. Naalala ko  pa noong na sumama ako para sa grades at hindi ko pa ganoong naiintindihan ang mga nangyayari. Sa kauna-unahang pagkakataon,  nakita ng aking sariling mga mata at narinig ko sa aking sariling mga tainga kung ano ang ipinaglalaban ng mga aktibista na naroon, at kung bakit sila nagpapatuloy sa kanilang ginagawa.
Mahihinuha na luma na ang akdang ito ni Tujan sapagkat ito ay kaniyang naisulat sa kasagsagan ng unang mga taon ni Arroyo at pagbagsak ni Estrada. Kung makikita ng akdang ito ang kasalukuyan ng nagaganap sa ating bansa, Nakakalungkot isipin na bumabalik nanaman tayo sa nakaraan. Nakita ko noong mga panahong iyon kung paano ipinaglalaban ng mga aktibista ang mga inhustisya na nangyayari sa bansa ng dahil sa pang-aabuso ng administrasyon ngayon. Mga masasalimuot na nakaraang napagtagumpayan na sana ng social movements. Makikita natin sa akdang ito kung ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng boses, paglaban at pagrereklamo sa mapang-abusong gobyerno. Ngayoing sa henerasyon na ito ay marami na rin ang bukas ang isipan sa mga isyung panlipunan, ngunit mayroon apring mga kabataan na tinitignan ang mga aktibista na para bang kasalanan pa nilang ipinaglalaban nila ang kanilang mga karapatan. 
Sa nakaraang administrasyon, ay panay din ang prostesta ng mga ito, hanggang sa panahon din ng People Power 2, kung saan malaki ang naging epekto at pagbabago sa Pilipinas. Sapagkat sa mga oras na iyon, napatalsik ang dating pangulong Joseph Estrada sa kaniyang pwesto nang dahil sa kaliwa’t kanang protesta ng taumbayan.
Aking nahinuha sa akdang The Social Movements and the Current National Political Scene ni Antonio Tujan Jr., na malaki ang naging ginampanan ng mga mag-aaral sa kilos protesta na nagpasimuno ng People Power 2. Sa tulong ng Transformative Education, nakapag-debelop ng social awareness ang mga kabataang ito upang magkaroon ng pakialam sa pulitikal na mga isyu ng ating bansa. Hangga’t may mga suliranin sa ating bansa na patuloy na nagpapahirap sa mga maralitang Pilipino, ay patuloy na magkikilos protesta ang mga kabataang ito. Bagamat sila’y patuloy na itinataboy at ipinapatigil ng gobyerno sa ganitong gawain, patuloy pa rin na kanilang ipaglalabban ang mga karapatan ng mga naghihirap na Pilipino. Ipinokus din ng akda ang pamamalakad ni dating pangulong Arroyo matapos ng korap at immoral na administrasyong Estrada.
Ang administrasyong Arroyo ay nagpokus sa pagbabangon ng bansa mula sa ekonomikal na pinsala na iniwan ng nakaraang administrasyon. Muli nitong pinag-unlad ang sistemang kapitalismo ng ating bansa upang tayo’y makaangat mula sa krisis ng ating ekonomiya.Ngunit, hindi pa rin maiaalis ang mga protesta na nagaganap, dahil binalak man isulong ni dating pangulong Arroyo ang pagtatalaga ng charter change, pinigilan pa rin ito ng mga Pilipino nang dahil sa ating masalimuot na karanasan mula sa diktaduryang pamamalakad ng dating pangulong Marcos.
Papasok na rin dito ang pagpatuloy ni Arroyo ng peace talks sa mga rebeldeng grupo gaya ng NDF at MILF para mapaunlad ang kapayapaan at turismo sa ating bansa. Ngunit ang pag-iral ng mga militanteng grupong ito ay nagpapahiwatig lamang na hindi pa rin nawawala ang puno’t dulo ng mga problema sa ating bansa: korapsiyon, inhustisya at sosyal na hindi pagkakapantay-pantay. Bagamat, hindi ko naman sinasabi na sumali dapat tayo sa mga grupong ito para mapa-unlad ang bansa. Dahil hindi lang naman ito ang paraan para makapagbuo ng pagbabago sa Pilipinas.
Bahagi ng ating mapagmahal na demokrasya ang pagpoprotesta laban sa maling gawi ng gobyerno, kahit na anong administrasyon pa man iyan. Sa panahon ngayon kung saan tinatatakan ang bawat aktibista at mga estudyante bilang komunista (nang dahil sa pagpoprotesta at pamumuna sa gobyerno) ay mas lalo dapat paigtingin ang pagmamartsa at pagsigaw para sa karapatan at hustisya ng maraming Pilipinong inaapi para sa sakim at kapitalistang adhikain ng mga makasariling pulitiko. Dahil hindi komunista ang ipaglaban ang tama, ang makakatulong at magpapaganda sa buhay ng bawat Pilipino. Hindi komunista ang pagpo-protesta. Ito ay bahagi ng demokrasya. Kung wala ito, hindi malalaman ng pamahalaan kung ano ang kanilang mga mali, kailangang baguhin, at gawin, para sa ikabubuti ng Pilipinas at mamamayan nito.
Bilib ako sa mga kapwa ko Iskolar na walang tigil at walang sawa sa pag mumulat ng mga estudyante sa mga isyu ng lipunan. Kung iisipin ay wala naman silang nakukuha sa mga paglalaan nila ng oras. Bakas sa kanilang mga kilos ang kanilang tunay na pagmamahal sa kanilang bayan. Pinaglalabana nila ang mga ito hindi para sa kanilang pansariling kapakanan ngunit para sa kabutihan ng nakararami. Ngunit kadalasan nagiging masama pa ang imahe nito sa mga taong hindi lubos na nakakaunawa dito. Kadalasan ang tingin lamang sa kanila ay perwisyo, dagdag sa traffic at mga reklamador. Dahil rito, ninais ko ng maging guro dahil napakalaki ng gampanin nila upang mahimok ang mga susunod na henerasyon na huwag ng tularan ang mga nakaraan pang kaganapan. Nais kong maging guro dahil alam kong may mga estudyanteng handang makinig sa daing ng bayan, handang imulat ang kanilang mga mata at umaksyon para sa ikakapagbago nito.
Sa tulong ng kritikal na pag-iisip at transformative education, aking naintindihan na ang social movements ay isang makapangyarihan na daan patungo sa social transformation na kabuuang magpapaunlad sa buhay nating mga Pilipino.
2 notes · View notes
nixnixnixtmblr-blog · 5 years ago
Text
Tranformative Education
Ito ang babsahin na talagang nakapag bigay ng hamon sa akin bilang isang mag-aaral. Naimulat ako ng sanaysay na ito sa totoong bulok na kalagayan na mayroon ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Nabigyan din ako ng mga ideya na nararapat gawin kung nais kong makatulog sa pagbabago sa aking bansa. Sa pagbabasa ko nito at sa pagtalakay sa aming klase ay mas lalong sumidhi ang aking kagustuhan na maka ambag at makatulong sa pagsulong ng  pagbabago sa Pilipinas.
Isa sa paraan o ambag sa proyekto ng pagbabagong panlipunan ay magkaroon ng transpormasyon ang sistema ng lipunan. Ito ay maisasakatuparan hindi lang ng isang kilos lamang kung hindi pang lahatang kilos. Inisa isa sa sulatin na ito kung paano ang aktwal na ginagawa at kung ano ang lugar natin sa bulok na sistema na mayroon sa ating bansa. Ang paaralan ang pinaka kritikal na isntitusyon sapagkat ito ang may pinaka mabigat na gampanin sa paninigurado na ang mga mamayan ng bansa ay aktibong kalahok sa pagunalad ng bansa. Ang paaralan ang may responsibildad sa pag hahanda at pag aayos ng mga propesyunal sa bansa. Ngunit mapapansin sa sistema na mayroon sa ating bansa, ditto kinukurapt ang kaisipan ng mga bata kung ano kanilang dapat maging pananaw sa pag aaral. Naitattak sa isipan ng mga mag aaral na mag aaral sila ng mabuti para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya at panghuli na lamang sa prioridad ang pag nanais na makatulong at maka ambag sa pagpapaunlad ng bansa. Hindi itinuturo ang mga ganitong bagay sa paaralan na nagdudulot ng pagkahina ng mga ipinoprodyus na mga mag aaral. Mahalagang malaman ng bawat mag aarala na ang edukasyon ay hidni lamang pansariling kalinangan kundi maging panlipunan.
Paano nga ba aktwalna nakatutulong ang edukasyon sa pagpapaunlad ng lipunan?
Gawin na lamang nating halimbawa ang mga ui ng trabaho na kadalasang kinokunsidera na nasa mababang uri dahil sila ay may mababa na sahod – ang mga janitor. Paano kung nakapag kamit sila ng maayos na edukasyon? Paano kung maalam sila sa  kasaysayan ng kanilang mga propesyon? Hindi na lamang sila makokonsidera na “Janiitor lang” dahil sa ganoon. Ang punto ko ay may nakikinabang sa kanilang kamangmangan. Pilit islang ginagawang mangmang ng mga mapagsamantala dahil  na kapag madami silang nalalaman, matututunan nilang lumaban kaya pinagkakait ang edukasyon upang mauto sila na mapaunlad ang kanilang sarili.
Sa ibang bansa tulad na lamng sa Cuba ay ng kanilang mga katutubo ay pinag aaral sa syudad ng mga medisisa upang kapag natuto sila at naging propesyunal ay matugunan ang pangangailangan medical ng mga lugar doon sa kanilang bansa. Sila ay nanalo sa rebolusyong kanilang isinagawa dahil ito lamang nag nakikita nilang solusyon at paraan. Ang mahkaroon sila ng edukasyon upang maging produkibong kalahok sa pagpapaunlad ng kanilang lipunan.
Sa mga bansang maituturing na third world country tulad ng Pilipinas ay maituturing na mahlaaga ang mga pagaaral ng mga teknolohiya dahil ito ay pinaniniwalaan na ag modernisasyon, at industriyalisasyon ang makakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Kung ating babalikan ang Ph 2000 ni dating pangulong Fidel Ramos, ipinatupad ang pag gamit ng lenggwaheng Ingles sa mhga paaralan sa kadahilanang ito ang magbibigay daan upang maging globally competitive ang mga mag aaral na Pilipino at makakapg bukas ng daan sa mga investors at iba’t ibang business sa bansa. Ngunit kung titignan, ang naging epekto lamang nito ay ang pagunlad ng iilan at hindi nakita ang magandang epekto nito sa pangkalahatan.
Ang akda na ito ang isa sa solusyon sa isang dokumentaryo na ginawan narin namin ng blog – ang misEdukasyon.
                   Malaki ang naging impluwensiya ng mga bansang nanakop sa Pilipinas kung kaya’t naging Kanluranin na tayo mag isip. Sa papel na ito inisa isa ang mga maaring gawing solusyon – una ay ang pagkakaroon ng isang epektibong edukasyon. Baguhin ang sistema at gawin itong “transforming society”, Kinakailangan na magkaroon ng “Social commitment” na kung saan hindi dapat ginagawang komersyo ang edukasyon na pinapaburan ang mga mayayaman. Panagalawa ay dapat ikaw ay maging “conscious active citizen” Maraming isyu ng lipunan ang kailangang pagtuusan ng pansin at kinakailangang mangielam sag a usaping ito dahil kapag ipiansawalang bahala ang mga ganitong usapin ay tiyak ikaw lamang ang makakaranas ng mga hindi magandang epekto nito sa hinaharap. Kailangang lumaban ngunit dapat una ay kinakialangan na pag aralag mabuti ang ksaysayan ng Pilipnas ata panagalawa, kaialngan ding malaman kung paano ang takbo na mayroon sa lipunan ng sa gayon ay maging epektib kang taga pag bago ng lipunan.
Nakikita na kinalailangan ng pagbabago sa curriculum na mayroon ang isang edukasyon na tutgon sa pangunahing pangangailangan ng bansa. Gawin nating halimbawa ang K-12 program na ipinatupad taon pa lamang ang nakalipas. Kung kritikal kang magisip ay agad mong makikita na ang mga maga aral na prinoprodyus ng programang ito ay mga mang aggawa na mag sisilbi sa ibsang bansa at hindi sa ating bansa. Hndi ito tumutugon sa pangangailangan ng ating bansa kundi sa pangangailangan ng mga kapitalistang bansa. Kung gayon, ang kaialngan ay ang curriculum na ang mga iproprodyus ay mga mag aaral na kritiakal mag isip, may kamalayan sa lipunan at tutugon sa kanyang responsibilidad sa bansa.
Ang mga pagbabasa at pag aanalisa ng mga ganitong babasahin ay mawawalan lamang ng silbi kung hindi ito magagamit upang mamulat at magkarorn ng kaalaman ang mga ibang tao. Ang maiaambag ko bilang mag aaral ay makisali sa mga diskursyo na makakapagpabago ng kaisipan. Ito ay ang mga mahahalagang usapin o mga isyu na mayroon ang bansa.
“Education is a tool to change the world. “
0 notes
nixnixnixtmblr-blog · 5 years ago
Text
Literatura ng Anakpawis
Ito ang masasabi kong isa sa pinaka nagustuhan kong paksa sa aming mga natalakay sa klase sapagka’t lubos akong namulat at higit na naunawaan ang kahalagahan ng aking pag susulat ng blog. Naging maganda an gaming talakayan sa klase dahil narin sa gabay ng aming guro na talaga naming napakahusay sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman patungkol sa mga ganitong isyu.
Sa pagsusuri sa babasahin, ang akda na ito ni Ordones ay maituturing na literatura ng kahirapan. Ito ay para sa mga uri ng magsasaka at mga manggagawa. Ang literaturang ito ang naglakas loob tinuligsa ang mga nananamantalang uri – mga mababang pasahod at kontraktwalisasyon. Ang babasahin na ito ang gumising sa damdamin ng mga  mamamayan at upang labanan ang uring mapang api. Sa panimula ay nabanggit ni Ordonez ang Cultural Production na kung saan pinuntirya niya ang Media. Kanya ring nabanggit na ang literatura ay para sa mga mayayaman lamang dahil paano nga naman makakapagbasa ng isang akda ang mahirap kung umaga pa lamang ay nagtratrabaho na ito.
                  Tinalakay rin ang “Poverty porn na kung saan maituturing na banta sa literatura ng anak pawis. Dito kase ipinapakita lamang ang mukha ng kahirapan upang makakuha lamang ng simpatya mula sa mga tao ngunit hindi nito pinuputol o tinutukoy man lamang ang ugat kung bakit mayroong kahirapan. Ilan sa mga halimbawa ng mga ganitong uri ng palabas na mapapanood sa telebisyon ay ang programang “Wish ko lang” na kung saaan pinupunan lamang ang mga pangangailangan ng mga tao bilang “charity”. Mapapansin na ibinebenta ang kahirapan bilang isang entertainment. Pinapaniwala nito ang mga tao na may pag-asa pa ang sistemang umiiral uoang hindi na ito baguhin pa. Sa mga ganitong usapin batid naman talaga natin na hindi indibidwal na solusyn ang kinakailangan.
Reporma ang pinaka matinding kalaban ng rebolusyon.Sa sulating ito ay malinaw ang adhikain ng may akda. Una ay maimulat ang mga tao sa totoong klaagayan ng lipunan at pangalawa ay maituro ang nararapat na gawin patungkol dito.
                  Binaggit ang sistemang kapitalismo.Upang makabili ka ng libro kinakailangan na una ikaw ay may pambili at panagalawa ikaw ay may oras sa pagbasa ng binili mong libro. Mapapansin na ang mga taong mayroong katangian nito ay yoon lamang mga mayayaman na tao.
Ngunit may isang tao na nagngangalang Mike Gold na kahit mahirap siya, nakapag sulat siya ng akda niya na pialutang ang sistemang proletariat at nagsulat para sa kanyang mg aka uri. Ipinakita niya na posibleng magsulat at dapat magsualat. Dahil alam niya na hindi mayaman ang makakapaglarawan ng mga mahihirap. Kapwa mahirap ang totoong makakpag sabi at lathala ng tunay na anraramdaman ng kapwa niya mahirap. Ang maling kaisipan na wala kang oras ay mas lalo lamang nito pahihirapan ang mga naaapi kapag di natuto at hidni binago ang kanilang pananw. Ang pagsusulat ay may magandang maidudulot tulad ng pag mapapunlad nito ang sarili at mailalabas ka sa kahon na kinagisnan.
Ang kapitalismo ay kulungan na hindi nakikita ang bars kung walang kritikal na pag iisip at ito ay mag reresulta lamang ng pagka mang-mang at patuloy na pagka api.
Pangalawa ay an sistemang pyudalismo. Ang lupang pag aari na pinapasaka sa mga tauhan. Malinaw na ito ay nag papakita ng kawalan ng hustisya. Tunay nga naming nakakalungkot isipin na nagsasaka sila upang may makain ang mga tao ngunit sila mismo ay hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw. At pangatlo ay ang sistemang Imperyalismo. Dito ay ang mga makapangyarihang bansa kinokontrol ang politika at resources ng ibang mahihina na bansa.
Ang pinaka layunin ng akda ay itaas ang dignidad at uri ng mang gagawa. At maipabatid na ang ibig sabihin lamang ay laganap at umiiral ang mga ganitong uri ng panitikan. Ngunit nakakalungkot na kakaunti lamang ang na ilalathala at naiimprinta na mga ganitong uri ng akda sapagkat ayaw ng mga publisher dahil hindi ito tatagkilikin ng masa dahil gusto kadalasan ng mga mamababasa  aymga paksa na magbibigay lamang sa kanila ng entertainment. Kaya naman ang mga writer ay nag seself roduce nalang kaya limitado ang pagbasa sa mga ganito. Makikita na malaki ang kapangyarihan at impluwensya ng publisher na hubugin ang kamalayan ng tao.
Ginagamit ang mga ISA para lumikha ng mga taong mag papatuloy sa sistemang bulok na mayroon tayo.Pinapatay nito ang sistemang mababang uri.
Ano ang solusyon sa suliraning nabanggit sa akda?–DEMOKRATIKONG REBOLUSYONG BAYAN
 Dapat ang mga tumatakbo ay laking mahirap dahil alam ang pamumuhay ng mahihirap. Maayosna serbisyong bayan, mataas na sahod at lupa para sa mga mag sasaka. Ang pangako ng Demokratikong rebolusyong bayan ay mabaliktad ang uring mayroon sa lipunan. Mas sisipagin kapag nabibigyan ng tamang halaga ang kanilang ginagawa halimbawa na lamang nito ang mga guro. Biktima lang din sila.
Sa pagtatapos ng babsahin, nalaman ko na marami tayong mga magagaling na manunulat at marami silang naisulat upangalamin at gibain ang bulok na sistema gamit ang literature. Ginagamit nila ang mga ito upang gisingin ang damdamin ng Pilipino at pabagsakin ang mga mapangabuso.
0 notes
nixnixnixtmblr-blog · 5 years ago
Text
BLOG ANG MUNDO: PAGSASALSAL AT PAKIKIBAKA SA INTERNET
Lahat kami ay naatasan na pagaralan ang isang sanaysay at ibahagi ito sa kalase. Ako ay napabilang na isa sa mga mag-uulat ng paksang isinulat ni Eliserio. Sa unang pagkabasa ko palamang ng pamagat ng kaniyang isinulat ay agad akong natuwa dahil alam kong agad at madali ko itong maibabahagi sa aking mga kamag-aral dahil umusbong ang internet sa panahon naming.
Sa pagsusuri ng kaniyang akda, ipinapaliwanag ni Eliserio na ang mundo ng blog ay siyang naging mundo ng mga taong hayok na hayok sa atensyon Sa sipi niyang ito, imunulat niya ang mga mambabasa na may mga maganda at hindi rin magandang epekto ang Internet. Maganda naman ang layunin ng mga blogsites na ito dahil hinayaan nitong maglabas ng opinyon at hinanaing patungkol sa iba’t ibang aspeto at malaya kang magbigay ng kritiko, ng reaksyon, at maging ng iyong saloobin at opinyon. Binibigyan nito ng kalayaang magpahayag at mapakinggan subalit masasabi ko na ang iba ay sinasayang ang pagkakataong ipinagkakaloob nito at ang kakayanan nito sa pagpapalawak ng kaisipan ng mga tao.
Marahil dahil nga sa makabagong teknolohiya, mas madali na sa henerasyon ngayon ang matuto sa lahat ng bagay dahil sa dulot ng inobasyong ito. Sa pagusbong ng  “Internet” naging isa itong tila baga nagpabaliw sa mga tao sa buong mundo. Dahil sa internet ay mayroon tayong facebook, twitter, at iba pang social media sites na ating ginagamit ngayon upang ibahagi sa iba ang ating kinakain, mga hinanakit, omaging ang mga bagay na walng kabuluhan. Sa internet din ay makikita natin ang nagsilipanang iba’t ibang balita na kung sa’n ang karamihan ay pinaniniwalaan ng mga Netizen kahit hindi naman katiwa-tiwala ang sumulat o ang nagpaskil nito sa internet sa kadahilanang malaya kang magsulat at magpaskil sa internet. Ang internet ang siya ring tinuturing nagpapabobo sa mga tao, dahil sa internet o cyberspace ay nahuhubog o kayang manipulahin ang kanilang mga kaisipan.
Ang blog at ang mundo ng Internet ay isa sa mga pinakamakapangyarihang midyum sa panahon ngayon, at tayo, bilang gumagamit nito, ang ilan sa pinakamakakapangyarihang tao sa loob ng mundong ito. Ngunit kung magsasalsal lang tayo nang magsasalsal at patuloy na babalewalain ang mga krisis na dapat mas binibigyan ng pansin, abng tanong ay:
Ano pang silbi ng puwersang mayroon tayo?
Pagdating sa usapin ng blog, isang magandang instrumento ito sa internet para makatulong sa mga taong nais ilabas yung mga saloobin at maging ang kanilang mga ideya na maaaring makatulong sa iba at maaari rin makakuha ng impormasyong hindi niya pa nalalaman. Magandang insturmento man ang mga blog spot, nagagamit namin ito ng ilan sa maling paraan. Base sa mga tala ng mga blog na tinalakay sa sanaysay, talagang maraming mga blog ang kapupulutan mo ng aral at ang iba’y makakatulong sa iyo pero ang iba aman ay takaw atensyon lamang at ang tanging nais ay makatawag ng atensyon.  Tulad nga ng sinabini Bienvenido Lumbera, ang blog ay kapangyarihan, dahil dito kayang mong makaimpluwensya o di kaya nama’y makatulong sa maraming tao.
Sa diskusyon sa aming klase ukol sa sulatin na ito, sinabi na ang internet, blogging, o social media na ang  internet ay siya nang makabagong rebolusyonaryong moda ng komunikasyon.
Sa internet ay maaari magsulat tungkol sa kanilang mga tagumpay, kabiguan, galit sa mundo, reklamo tungkol sa pag-aaral ngunit ang nais ipahiwatig ni U.Z Eliserio na maaaring gamitin ang blog upang tuklasin kung paano gamitin ang cyberspace upang talakayin at palaganapin ang mapagpalayang kaisipan. Nais ni Eliserio na magamit ito sa mas malalim na layunin upang bigyang pansin at interpretasyon ang mga mahahalagang isyu sa lipunang ating ginagalawan hindi lamang tungkol sa ating mga sarili. Sa paggamit ng blog sa mga usapin sa isyu ng lipunan, maraming tao ang makakakita nito at maaaring magbigay ang mga mambabasa ng kanilang saloobin sa isyung inyong pinag-uusapan at dahil dito magkakaroon ng interaksyon ang bawat isa na at magkakaroon ng palitan ng opinyon ang bawat isa na magreresulta malawakang pagkamulat sa kamalayan ng ibang taong hindi nakakaalam nito.
Mabisang midyum o kasangkapan ang blog upang pag-usapan ang mga isyu tungkol sa pulitika at ekonomiya na hindi ipinapalabas sa radyo at telebisyon. Gamit ang blog, maisisiwalat mo ang mga impormasyon na hindi inilalabas sa radyo at telebisyon dahil kontrolado ito ng mga makapangyarihan kaya limitado ang impormasyon at minsa’y itinatago nila ang katotohanan sa mga tagapakinig at manonood. Minsan kaya rin nilang manipulahin ang balita upang hindi lumabas ang katotohanan. Kaya napakalaking tulong ng blog upang mas maging mabilis ang pagkalat ng balita at impormasyon, at nagkakaroon ng kalayaan ang bawat isa na magpahayag ng kanilang saloobin tungkol sa isang isyu.
Binanggitni Eliserio ang totalitaryanismo na kung saan dito iisang pag iisip lamang ang namamayani. Binibigyan diin dito ang pagtatanggol sa iisang katotohanan, iisang kabutihan, iisang kagandahan. Kung saan malinaw naman na ito ay pilisopiya nang pang aabuso at paniniil. Na kung saan,  dito hindi pinahihintulutan ang mga ideyang maaring tumuligsa sa naghaharing moda ng pag iisip. At ito ang nagsisilbing gahum sa mga naghaharing uri.Binanggit din ang rhizomatic thinking na kung saan ito ay kumukonekta sa iba pang sangay ng pag-iisip o kaalaman.
Ang konspetong ito ang pinaka rebolusyunaryong aspekto ng blog na kung saan, ito ay kontra sa paraang puno. Ang pagtubo ng puno na vertical, ay sumisimbolo sa struktura ng ating lipunan kung saan mayroong sistema at hierarkiyang nasusunod mula sa isang pundasyon o ugat. Makikita rin na sa strukturang ito, hindi maaari ang bagong ideyang umuusbong sapagkat ito ay maituturing na iba sa kanila.
            Ang rhizome ay wala itong pinakapundasyon at sa halip ay mayroon itong kalat na ugat. Tunguhin ng konseptong ito nila deleuze at Guattari na umaklas sa totalitaryanismong pag-iisip na ang lahat ay hawak ng nag-iisang naghaharing uri.May isa pang konsepto na binaggit, ang rhizome ay inasembol na kumukonekta sa mga hypertext o links na mag-uugnay sa Iba pang teksto.  Ngunit mayroon  nga lang isang problema, ito ang kapitalismo.
 Tunay na nga bang hindi natin mapipigilan ang pagusbong ng kapitalistang pagiisip?
Ang tinutulak ni eliserio na maging domain ng blog ay sistemang may mga kapangyarihan ng hypertext ngunit wala ang pagkakaalipin nito sa pag hahangad ng kita. Ang blog ay hindi lamang isang paraan ng pagpapahayag ng mga kuro-kuro, reaksyon o sentimento. Ito ay isang rebolusyonaryong paraan upang kumawala sa dinidikta ng lipunan.
2 notes · View notes
nixnixnixtmblr-blog · 5 years ago
Text
Si Kristo, Ronnie Poe at Iba Pang Idolo: Apat na Pagpapahalaga sa Pelikulang Pilipino”
Sa pamagat pa lamang ng sulatin ay talagang nakuha na nito ang aking atensyon. Marahil bukod sa hilig kong manood ng mga pelikula lokal man ito o internasyunal, ay nakuha din ng atensyon ko ang pangalan ni Kristo na isinama sa pamagat. Maaga akong gumising upang gumayak para maaga ako sa klase, ngunit dahil nga nasa Pilipinas pala ako at mayroon tayong bulok na transportasyon, hindi ko nasimulan ang aming klase. Nakakalungkot pa na nakapag  attendance na an gaming propesor at ako ay namarkahan ng absent. Ngunit ganon pa man, hindi naman attendance lang ang pinunta ko sa klase kundi upang matuto at making sa diskursyon patungkol sa panibago naming tatalakayin sa klase. Ang akda ni Nicanor Tiongson na “ Si Kristo, Ronnie Poe at Iba Pang Idolo: Apat na Pagpapahalaga sa Pelikulang Pilipino”
Kung susuriing mabuti, iba naman talaga ang nadudulot na aliw sa atin ng mga pelikula kaya naman hindi maipag kakaila na ganon nalang ang pagkahumaling  ng mga Pilipino dito. Mapapansin sa mga pelikulang ito, na tila alam na alam ng mga prodyuser ang mga nais na temang mapanood ng mga Pilipino kaya naman ito ay pumpaatok sa kanila.
Sa pagtalakay naming sa teksto na Si Kristo, Ronnie Poe, at iba pang “Idolo”: Apat na Pagpapahalaga sa Dula at Pelikulang Pilipino ni Nicanor G. Tiongson ay mayroong apat na negatibong pagpapahalagang masasabing pinakamapinsala at pinakalaganap na ang kaniyang  binanggit. Tinalakay din niya na dahil sa mga ito, tayo ay nagiging bulag sa mga negatibong epekto nito sa ating pag-iisip at pagkatao.Tunay nga naming napakalaki ng impluwensiya nito sa atin sapagkat ito ang humubog at patuloy na humuhubog sa ating kamalayan.
 Maganda ang maputi            
Sa pananakop ng mga Espanyol at mga Amerikano sa Pilipinas, binago nito maging ang ating pananaw sa kagandahan. Naging batayan ng kagandahan ang pagiging maputi, matangkad, at matangos ang ilong. Tila ba naging isa na sa mga responsibilidad ang pagiging maganda at maputi sa mga biada na  gaganap sa pelikula. Sapagkat kung ikaw ay hindi akma sa standard ng lipunan, tiyak na ang magiging papel mo lamang ay inaabuso, isang alalay, kaibigan ng bida, mahirap, o di kaya naman ay katawa-tawang karakter. Malinaw na ganoon ang nagiging patakaran sa pagpili ng mga karakter at malinaw din na ang mga ito ay epekto ng ating kaisipang kolonyal.  Hindi kaaya-aya sa ating paningin sa tuwing tayo’y nakakikita ng maitim o kayumanggi, pandak, at pango. Ngunit kung titignan, ito ang natural na hitsura nating mga Pilipino pero mas mataas ang tingin natin sa mga taong hindi nagtataglay ng ganitong pisikal na hitsura. Makikita na maging sa aspeto ng kagandahan at hindi lamang sa aspeto ng pelikula, ay di maikakaila na nagkaroon ng malaking epekto sa atin ang pananakop ng mga mga dayuhan na ginamit na kasangkapan ang pelikula. Nabulag nito ang mga Pilipino na isiping kasalanan ang pagiging kayumanggi at nagpalaganap sa inferiority complex na ang ating lahi ay pangit kaya naman, tayo ay tuluyang nahuhumaling sa mga korporasyong nagbibigay ng abot-kayang beauty packages upang maabot ang lebel ng kagandahang kanilang ninanais na madalas ay lingid sa kakayahang pinansiyal.
Masaya ang may palabas
Sa bahagi ng tekstong ito, ito ay nakapokus sa unting-unting pagkabulag natin na tuluyang ituon na lamang ang ating atensiyon sa aliw ng palabas. Karamihan sa pelikula ngayon ay gasgas na ang takbo ng istorya.  Halimbawa nito ay mga palabas na tungkol sa mga kambal ipinanganak na nagkahiwalay ng landas noong lumaki sila, may mga kabit ang asawa na kaibigan ng bida,  o di kaya naman ay mahirap na nakapangasawa ang kanilang boss. Patok din ang mga istorya na nakakatawa at aksyon. Hindi naman masama ang aliw, an pinupunto lang ni Tiongson dito ay ang aliw na  naglilipad sa mga manonood sa daigdig na ginagakalawan niya. Ang aliw na ito ang nagsisilbing lagusan para takasan ang sitwasyon na meron siya sa kasalukuyan. Ibinibigay lang ng mga ganitong uri ng palabas ang kaisipan na hindi na kailangan pang lumaban sa totoong buhay dahil naipanalo nan g bida sa pelikula ang laban sa buhay.
 Mabuti ang inaapi
Karamihan sa mga Pilipino ang natutuwa sa mga palabas na ang bidang karakter ay patuloy na inaapi ng mga masasamang tao. Ang Espanyol at Amerikano ang nagpalaganap ng koseptong bayaning api apihan. Ang mga ganitong tema ng pelikula ay nagpapakita lamang na ayos lamang na magtiis at  apihin ang bida dahil sa huli ay maakamit naman niya ang hustisya.  Ang sinasabi sa akda ay dapat talikdan na ang mga ganitong uri ng tema sa pelikula na may pagnanasa na siya’y apihin, alipustahin, saktan at pagdanasin ng kahirapan. Lason ang masokismo na ito dahil inuudyukan lamang nitong tanggapin ng walang angal  ang lahat ng uri ng kahirapan, kahit na yaong mapaniil at walang-katarungan. Halimbawa nito ang katangian ng mga Pilipino na kapag tumaas ang presyo ng bilihin, hindi na niya ito tinatanong bagkus patuloy lamang na tatapalan ng panandaliang solusyon ang problema niyang ito dahil nga sa kaisipang “mabuti ang inaapi” Ang nakikita kong di magandang epekto nito ay ang katotohanan na ang implikasyon lamang ng mga ganitong uri ng palabas ay “wala nang kailangan pang ilaban ang mga tao sa totoong buhay dahil nailaban naman na ito ng mga karakter na meron sa pelikula at hahihntayin na lamang na mangyari din ang katarungang hinihingi nila na naibigay sa bida sa pelikula.”
 Maganda pa ang daigdig
Ito ay sumasalamin sa kaisipan natin kung paano haharapin ang mga problema at sa dulo ay makakamtan ng bida ang magandang buhay na kanyang ninanais. Sinabi na maghirap ka man ngayon ay wag ka nang magreklamo sapagka’t makakamtan mo din naman ang magandang hinaharap na tulad ng mga nasa palabas. Malinaw na sa mga ganitonguri ng palabas, tinutulungan nito ang mga tao na takasan ang realidad at magkaroon ng false hope.
Sa makatuwid, patuloy tayong binubulag ng mga pelikulang may ganitong mga tema. Dapat piliin o suriin nating mabuti ang mga pinapanood natin upang hindi tayo tuluyang mabulag at mas mamulat tayo sa realidad ng buhay. Tunay nga na nabuksan ang aking mga isipan patungkol sa mga palabas na isinusubo sa amin ng mga prodyuser at mas naging kritikal ang aking pagtingin mula sa mga pelikula.
Sa panonood ng mga pelikula at paghahanap ng aliw, kadalasan  tingin nati’y kahit papaano ito ay makatatanggal ng problema natin, kaya mas pinipili natin ang pumila at gumastos sa mga sinehan.
Makaturungan nga ba ang daigdig gaya ng ipinakikita sa mga dula at pelikula? Lagi nga bang umaayon sa tama ang mundo at pinarurusahan ang mali?
Dapat ang iniisip ng mga tao ngayon ay kung paano nga ba dapat binabago ang sistema na lumilikha ng problema sa lipunan. 
0 notes
nixnixnixtmblr-blog · 5 years ago
Text
Ang Kabastusan ng mga Pilipino ni Isagani Cruz
Sa pagpili ko ng babasahin ay agad nakakakuha ng aking atensyon ang pamagat ng Akda marahil dahil alam kong ang mga magagandang pamagat ay naglalaman ng isang magandang paksa at hindi ako nagkamali ng basahin ko ito. Sa pagsusuri ng akda ni Isagani Cruz ,  makikita na kanyang tilakay ang dalawa sa pinakakontrobersyal na teyorya ang Marxism at Feminism.
Ayon kay Cruz, “hindi pang-masa kung sa masa ay tinutukoy natin ang naaping mga manggagawa , magsasaka, mandirigmang bayan, petiburgis sa kalunsuran, at mangingisda” Mababasa sa akda na may tinatawag na pop culture. Ang kultura ng masa ay ang mga ideyang burgis na sinusundan lamang ng masa. Isang kaisipan na ginamit ng mga mapang-aping uri upang makontrol ang mga mababang uri. Inaakit nila ang mga Pilipino sa pamamagitan na lamang ng mga drama sa telebisyon, mga palabras sa sinehan na ang mga tema ay pawing paulit-ulit lamang, at ang mga nauusong mga bagay-bagay Maaring operasyonal na depenisyon ng kulturang masa ang kabuuan ng mga bagay-bagay, gawain, paniniwala, at anupaman na tinatangkilik ng masa o ng milyun-milyong Pilipino.
Tinalakay rin ni Cruz ang mga gahum na patuloy na tumatapak sa mga Pilipino lalong lao na sa mga kababaihan. Napapamunuan tayo ng sistemang umiiral para sa mga kalalakihan na tinatawag na patriarkal. May mentalidad ang ating lipunan na tumitingin sa mga lalaki bilang mas mataas, mas malakas, at mas may kakayahan Ang konsepto tulad ng pataasan ng ihi ay siyang nagpapaliwanag ng kamaliang paglagay sa mga lalaki sa tuktok ng structura na bilang makapangyarihan at intelektuwal ng bayan. Sinasagisag ng pagtayo sa pag-ihi ng mga lalaki ang pagiging dominente nito. Ang metaporang itoay sumasagisag sa gahum ng kalalakihan. Ito ay mga larong pang kalalakihan na pawang may malalim pang pagpapakahulugan. Di naman kayang maglaro ng isang babae ng pataasan ng ihi sapagkat nakaupo ito kung umuhi. Masusuri na naaapi sa lipunan ang kababaihan. Marami na rin ngayong mga babaeng lakas loob na ring lumalaban sa mga pang-aapi mula sa  gahum ng kalalakihan. Maraming kaso ng oppresyon at inhustisiyang nararanasan ng mga babae sa araw araw. Kabilang na rito ang Rape Culture, isang sistema na nagtatanggol sa mga tao upang magdiskrimina sa mga biktima ng pambabastos. Gaya ng mga sexist na pag-uugali, catcalling, rape jokes, victim-blaming, at iba pa.
Binigyang diinni Cruz ang peminismo. Nabanggit sa kanyang sulatin na mayroong tatlong dibisyon ang nasabing teyorya. Nais kong talakayin ang ang liberal na peminismo, na naglalayong magkaroon ng pantay na trato sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan. Katulad ng karamihan, naniniwala ako na dapat maging pantay ang pampulitika, pangkabuhayan, pangkultural, at panlipunang mga karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan. Dahil isa ring isyu ang  objectification sa mga babae. Dito naman makikinabang ang mga kapitalistang negosyo ng beauty products, surgery, at fashionable na mga damit. Inilalagay ng lipunan sa isipan natin ang mga standards upang masabing maganda ang isang babae o gwapo ang isang lalaki. At pag hindi natin nakuha ang mga standards na ito, ay malalait o mababaliwala tayo. Para bang ang halaga natin bilang tao ay nakabase sa ating panglabas na anyo.
Hindi naman imposible namawakasan ang gender inequality. Matatapos din ang gahum ng patriarka, at ang istrukturang ito sa lipunan.
Kung papakinggan ang kanta ni Gloc-9 na “Upuan” ay mapagtatanto na hindi lang ito para sa mga buwaya sa senado at kongreso ang kantang ito kundi maging  sa mga kapitalistang nagpapaikot sa mundo.
Ang marxismoni Karl Marx, ay isang teyoryang naglalayong ipakita ang tunggalian sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, ng mga malalakas at mahihina, at ng mga makapangyarihan at mga api. Ipinapakita ng marksismo ang ganitong ideya. Mayroon lamang dalawang klase o uri ang isang lipunan—ang mga burgis o yaong mga kapitalista, elitista at kung sino-sino pang nakaaangat sa lipunan, at yaong mga proletariat o mga mahihirap na nasa laylayan at nakaasa sa oportunidad na binibigay ng mga nasa taas.Ganito ang uri ng lipunan na mayroon tayo. Isang lipunan na mapang-api at may kinikilingan. Dito mo lubusang mauunawaan na ang kaakibat ng kahirapan ay kawalan ng boses.
Isa sa mga ideyang hindi ko matanggap ay ang mga sinasabi ng mga elitista na kaya ang mahihirap ay nananatiling mahihirap ay dahilsila ay tamad. Tila ba kasalanan natin na mabuhay sa sistemang hindi uso ang pagkapantay-pantay ng bawat tao; na para bang kasalanan natin kung bakit kulang ang trabaho, kita at oportunidad na mayroon tayo.
Ang dapat maunawaan ng mga kapwa ko Pilipino na dapat mabatid ang ugat ng mga ito upang ito ay masolusyiunan. Malaking porsyento sa mga walang trabahong ito ay hindi matanggap sa mga kompanya dahil walang sapat na edukasyon. Bakit hindi makamit ang edukasyon? Dahil sa mataas ang matrikula. Bakit walang pantustos sa pag-aaral? Maliit ang sweldo ng mga magulang na hindi sumasapat maski sa pang araw-araw na gastusin sa bahay. Tinalakayni Cruz ang peminismo. Nabanggit sa kanyang sulatin na mayroong tatlong dibisyon ang nasabing teyorya. Nais kong talakayin ang ang liberal na peminismo, na naglalayong magkaroon ng pantay na trato sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan.
Iilan lang ‘yan sa mga malalaking isyu sa lipunan. Bukod pa ang problema sa korapsyon, pagpatay, pagnanakaw, rape cases, fake news, at iba pa. Ang iingay ng protesta patungkol sa mga bagay na ito.
Hindi ko alam kung tabingi lang ang utak ng mga dapat na nakikinig o talagang nagbibingi-bingihan lamang sila.
0 notes
nixnixnixtmblr-blog · 5 years ago
Text
Ang Kapangyarihan ng Wika, Wika ng Kapangyarihan
Ang masaya sa aming klase ay lahat ay aktibong nakikilahok ang bawat isa kapag may talakayan kami sa klase. Nakakatuwa na ang bawat isa ay nakakapag palitan ng mga ideya na nakakatulong sa aming kritikal na pag iisip. Nang basahin ko ang isinulat ni Quiros patungkol sa kanyang akda na “Ang kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng kapangyarihan” kasabay din nito ang aking binasa sa inirekomenda ng aking kaibigan noong ako ay highschool, “Ang kaugnayan ng Wikang pambansa at Edukasyon” ni Emerita S. Quito ay hindi ko maiwasang malungkot kasabay ng pagtatanong sa aking sarili kung bakit ngayon ko lamang nalaman ang mga bagay na ito.
Ayon kay Quiros, sa mula’t mula pa ay alam na ng mga kastila ang katotohanang ang wika ay kapangyarihan kaya’t sinikap nila na hindi tayo matuto nito at itinuro ang kristyanismo sa ating sariling lengwahe sapagkat dito natin ito mas maiintindihan. Malinaw na ang wika ay isang paraan upang makapaghari. Hindi lamang susi ito sa impormasyon kundi susi ito sa kapangyarihan.
Ayon sa aking nabasa, noong ika-70 dekada, nagkaroon ng isang malaking alon ng nasyonalismo ang bumalot sa ating bayan, nagsimula tayong gumamit ng pananaw-Pilipino sa pamamagitan ng pagbubuwag ng mga bakas ng kolonyalismo. Sa panahong ito, nagbago ang lahat. Ito na ang panahong natuklasan na natin ang ating sariling kaluluwa bilang Pilipino. Ngunit  ang pinakamatindi sa mga bakas na ito ay hindi natin kayang buwagin ito  ang wikang  kolonyal  na ingles.
Sa Atikulo 14: 1935 ng saligang batas, ipinatupad ang pagaaral ng wikang Ingles. Sang ayon din sa Bilingual Education Policy o BEP, ang Filipino ay sinabay sa pag-aaral ng ingles. Kung kaya naman.tayong mga nakapag aral na sa panahon ngayon ay namulat na sa edukasyon na ginagamitan ng Ingles. Isang halimbawa nito sa mga klase na mayroong “English Only Policy” na pinilit ang mga Pilipino mag Ingles at kung sinuman ang magsalita ay pagmumulathin. Nakakatawa na sa paggamit natin ng ating sariling wika sa ating sariling bayan tayo ay pinapatawan ng kaparusahan. Makikita din ito maging sa mismong paaralan na sa transaksyon ang ginamit ay wikang Ingles, hindi lang sa mga pribadong paaralan kundi maging sa mga pampublikong paaralan. Ang ganitong sistema ay mayroong masamang ibinunga, napinsala ang dalawang Wika.
Makikita ito sa “Taglish” na pananalita, obserbahan mo ito sa iyong panonood ng telebisyon o pakikinig  ng radio o kahit makinig at makipag usap ka na lamang sa iyong mga kamag-aaral. Ang pamamaraang ito ang masamang halimbawa sa ating mga kabataan na hindi nagsususmikap na matuto ng matuwid na Ingels o matuwid na Filipino.
Ang wika ang nagiging instrumento ng isang bansa upang sila ay magkaintindihan. Ito ang kasangkapan sa komunikasyon Ito ang susi sa pandaigdigang impormasyon. Sa usaping ito, malaki ang halaga ng Ingles bilang isang paraan ng komunikasyon. Walang duda na kailangan natin ng Ingles sapagka’t kahit magkaiba ang kultura ngunit iisa ang wikang  ginagamit, napagiisa ang ideya. Halimbawa nito pagdating sa teknolohiya, malalaman mo kung paano ito gamitin dahil ikaw ay marunong sa Ingles, pagdating sa usaping internet, madali kang makakabasa at makakauha ng impormasyon kapag ikaw ay marunong sa Ingles, at kapag nag nagpunta ka sa ibang bansa, hindi ka maliligaw kapag marunong ka sa Ingles. Sa makatuwid, inaasahan ng lahat ang isang intelektwal na hindi lang nakapagsasalita ng kanyang sariling wika kundi nakapag aral at nakaunawa ng salitang ingles
Sa isinulat ni Quito, nais niyang ipabatid na na ang isang tao ay maaring maging dalawa ang wika una ang kanyang sariling wika at ikalawa sa kanyang wikang banyaga na  maari niyang gamitin sa pakikilahok sa paligsahang pan daigdig at usaoang propesyunal
Hindi naman talaga masamang manatili ang Ingles bilang isang ikalawang wika bagkus ang ating pag kaalam ng isang wikang international ay kanais-nais. Ngunit ang binibigyang diin dito ay kapag dalubhasa na tayo sa ating wika, maari na tayong mag aral ng ikalawang wika, Hindi maaring pagsabayin ito. Tayo ay mabibigo sa isa o sa dalawa. Hayaan natin na manatili an gating unang wika o wikang pambansa, ang ingles ang panagalawa at kung maaari ay isa pang pangunahing wikang banyaga natin sa pamantasan.
Napaka ganda ng adhikain at propaganda na inilahad ni Quito, ayon sa kanya, ang pangulo at ang kanyang  gabinete ang siyang dapat mauno sa kampanyang ito. Ang ating mga intelektwal ay may tungkuling tumayo sa unang hanay ng mga tagapag taguyod ng Filipinasyon sa pmamagitan ng malawakang pagsali, pagpapanayam at pagdaraos ng mga pagtitipong gagamitan ng Filipino.
Ang industriya at kalakalan ay dapat hikayatin na sa tabi ng kanilang mga memos, paunawa at paalalang nakasulat sa Ingles ay dapat ilagay ang katumbas niito sa Filipino. Ang lahat ng Pilipino ay dapat pagpayuhan, sa pamamagitan ng radio, panawagan at telibisyon, na pagsumikapang maihayag ang ano pa mang mga ideya sa isang wastong Filipino osa isang wastong tambalan ng Wikang Filipino at Ingles. Naararapat na atasan ng DEPED at CHED ang bawat paaralan, kolehiyo at pamantasan na magtatag ng lkomite ng wikang pambansa upang mangalaga sa pagsasalin at manguna sa Filipinisasyon. Dapat gisingin ang ating kamlaayang nasyonal tungkol sa wikang pambansa. Bawat Pilipino ay dapat na akiting gumamit ng Filipino sapagkat ang isang wika ay uunlad lamang sa pamamagitan ng paggamit.
Ang wika ay nanggagaling sa ikabuturan ng kaluluwa, kung gayon, ang ingles ay hindi angkop sa kaluluwa natin bilang isang Pilipino. Sapagka’t salat ang salitang Ingles upang mailarawan ang ating buhay at diwa. Kung kaya’t hanggang ngayon ay di padin tayo nakakalikha ng matayong na pilioospiya at panitikan, ito ay sapagkat tayo ay nahaharangan ng wikang banyaga Nahahati ang ating pagkatao sapagkat hindi natin maipahayag ang ating damdamin sa isang wikang akma sa ating kaluluwa Paano nga naman kase natin maibubunyag ang ating malalim na kalungkutan o pighati kung hindi sa ating sariling wika?
“Ang Ingles ay hindi lamang naging paraan ng komunikasyon kundi paraan ng kolonisasyon.Ang Ingles ay hindi naging paraan para sa pag uusap ng mga mamamayan bagkus naging paraan ito para sa paghahati ng mga mamamayan.” Sangayon ako ditto sapagkat malinaw na makikita ang epekto nito sa ating lipunan – nagkaroon ng iba’t ibang class.
Dagdag pa “Ang wika ay siyang buhay na bagay. Tumutubo ang wika mula sa puso ng isang bayan. Sumususo ang wika sa pambansang kasaysayan at karanasan”. Tama si Henri Bergson nang sabihin niya  “Sinuman ang marunong ng wika at panitikan ng isang bansa ay hindi maaring maging kaaway nito. (Bergson, 1961:302-205)
Nais kong magtapos sa mga katagang ito na sinabi ng isang pantas-Pranses, “Ang tao ay wika” sa pamamagitan ng wika, tayo ay nakakaalaam, nakapagtuturo, at nakapagpapahayag ng ating mga ideya at damdamin.
#AngKapangyarihanngWikaWikangKapangyarihan#FilipinolohiyaAtPambansangKaunlaran
1 note · View note
nixnixnixtmblr-blog · 5 years ago
Text
Edukasyon Para sa Iilan: Bakit Asal- Mayaman si Pedrong Maralita
Ang masaya sa aming klase ay lahat ay aktibong nakikilahok ang bawat isa kapag may talakayan kami sa klase. Nakakatuwa na ang bawat isa ay nakakapag palitan ng mga ideya na nakakatulong sa aming kritikal na pag iisip. Nang basahin ko ang isinulat ni Quiros patungkol sa kanyang akda na “Ang kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng kapangyarihan” kasabay din nito ang aking binasa sa inirekomenda ng aking kaibigan noong ako ay highschool, “Ang kaugnayan ng Wikang pambansa at Edukasyon” ni Emerita S. Quito ay hindi ko maiwasang malungkot kasabay ng pagtatanong sa aking sarili kung bakit ngayon ko lamang nalaman ang mga bagay na ito.
Ayon kay Quiros, sa mula’t mula pa ay alam na ng mga kastila ang katotohanang ang wika ay kapangyarihan kaya’t sinikap nila na hindi tayo matuto nito at itinuro ang kristyanismo sa ating sariling lengwahe sapagkat dito natin ito mas maiintindihan. Malinaw na ang wika ay isang paraan upang makapaghari. Hindi lamang susi ito sa impormasyon kundi susi ito sa kapangyarihan.
Ayon sa aking nabasa, noong ika-70 dekada, nagkaroon ng isang malaking alon ng nasyonalismo ang bumalot sa ating bayan, nagsimula tayong gumamit ng pananaw-Pilipino sa pamamagitan ng pagbubuwag ng mga bakas ng kolonyalismo. Sa panahong ito, nagbago ang lahat. Ito na ang panahong natuklasan na natin ang ating sariling kaluluwa bilang Pilipino. Ngunit  ang pinakamatindi sa mga bakas na ito ay hindi natin kayang buwagin ito  ang wikang  kolonyal  na ingles.
Sa Atikulo 14: 1935 ng saligang batas, ipinatupad ang pagaaral ng wikang Ingles. Sang ayon din sa Bilingual Education Policy o BEP, ang Filipino ay sinabay sa pag-aaral ng ingles. Kung kaya naman.tayong mga nakapag aral na sa panahon ngayon ay namulat na sa edukasyon na ginagamitan ng Ingles. Isang halimbawa nito sa mga klase na mayroong “English Only Policy” na pinilit ang mga Pilipino mag Ingles at kung sinuman ang magsalita ay pagmumulathin. Nakakatawa na sa paggamit natin ng ating sariling wika sa ating sariling bayan tayo ay pinapatawan ng kaparusahan. Makikita din ito maging sa mismong paaralan na sa transaksyon ang ginamit ay wikang Ingles, hindi lang sa mga pribadong paaralan kundi maging sa mga pampublikong paaralan. Ang ganitong sistema ay mayroong masamang ibinunga, napinsala ang dalawang Wika.
Makikita ito sa “Taglish” na pananalita, obserbahan mo ito sa iyong panonood ng telebisyon o pakikinig  ng radio o kahit makinig at makipag usap ka na lamang sa iyong mga kamag-aaral. Ang pamamaraang ito ang masamang halimbawa sa ating mga kabataan na hindi nagsususmikap na matuto ng matuwid na Ingels o matuwid na Filipino.
Ang wika ang nagiging instrumento ng isang bansa upang sila ay magkaintindihan. Ito ang kasangkapan sa komunikasyon Ito ang susi sa pandaigdigang impormasyon. Sa usaping ito, malaki ang halaga ng Ingles bilang isang paraan ng komunikasyon. Walang duda na kailangan natin ng Ingles sapagka’t kahit magkaiba ang kultura ngunit iisa ang wikang  ginagamit, napagiisa ang ideya. Halimbawa nito pagdating sa teknolohiya, malalaman mo kung paano ito gamitin dahil ikaw ay marunong sa Ingles, pagdating sa usaping internet, madali kang makakabasa at makakauha ng impormasyon kapag ikaw ay marunong sa Ingles, at kapag nag nagpunta ka sa ibang bansa, hindi ka maliligaw kapag marunong ka sa Ingles. Sa makatuwid, inaasahan ng lahat ang isang intelektwal na hindi lang nakapagsasalita ng kanyang sariling wika kundi nakapag aral at nakaunawa ng salitang ingles
Sa isinulat ni Quito, nais niyang ipabatid na na ang isang tao ay maaring maging dalawa ang wika una ang kanyang sariling wika at ikalawa sa kanyang wikang banyaga na  maari niyang gamitin sa pakikilahok sa paligsahang pan daigdig at usaoang propesyunal
Hindi naman talaga masamang manatili ang Ingles bilang isang ikalawang wika bagkus ang ating pag kaalam ng isang wikang international ay kanais-nais. Ngunit ang binibigyang diin dito ay kapag dalubhasa na tayo sa ating wika, maari na tayong mag aral ng ikalawang wika, Hindi maaring pagsabayin ito. Tayo ay mabibigo sa isa o sa dalawa. Hayaan natin na manatili an gating unang wika o wikang pambansa, ang ingles ang panagalawa at kung maaari ay isa pang pangunahing wikang banyaga natin sa pamantasan.
Napaka ganda ng adhikain at propaganda na inilahad ni Quito, ayon sa kanya, ang pangulo at ang kanyang  gabinete ang siyang dapat mauno sa kampanyang ito. Ang ating mga intelektwal ay may tungkuling tumayo sa unang hanay ng mga tagapag taguyod ng Filipinasyon sa pmamagitan ng malawakang pagsali, pagpapanayam at pagdaraos ng mga pagtitipong gagamitan ng Filipino.
Ang industriya at kalakalan ay dapat hikayatin na sa tabi ng kanilang mga memos, paunawa at paalalang nakasulat sa Ingles ay dapat ilagay ang katumbas niito sa Filipino. Ang lahat ng Pilipino ay dapat pagpayuhan, sa pamamagitan ng radio, panawagan at telibisyon, na pagsumikapang maihayag ang ano pa mang mga ideya sa isang wastong Filipino osa isang wastong tambalan ng Wikang Filipino at Ingles. Naararapat na atasan ng DEPED at CHED ang bawat paaralan, kolehiyo at pamantasan na magtatag ng lkomite ng wikang pambansa upang mangalaga sa pagsasalin at manguna sa Filipinisasyon. Dapat gisingin ang ating kamlaayang nasyonal tungkol sa wikang pambansa. Bawat Pilipino ay dapat na akiting gumamit ng Filipino sapagkat ang isang wika ay uunlad lamang sa pamamagitan ng paggamit.
Ang wika ay nanggagaling sa ikabuturan ng kaluluwa, kung gayon, ang ingles ay hindi angkop sa kaluluwa natin bilang isang Pilipino. Sapagka’t salat ang salitang Ingles upang mailarawan ang ating buhay at diwa. Kung kaya’t hanggang ngayon ay di padin tayo nakakalikha ng matayong na pilioospiya at panitikan, ito ay sapagkat tayo ay nahaharangan ng wikang banyaga Nahahati ang ating pagkatao sapagkat hindi natin maipahayag ang ating damdamin sa isang wikang akma sa ating kaluluwa Paano nga naman kase natin maibubunyag ang ating malalim na kalungkutan o pighati kung hindi sa ating sariling wika?
“Ang Ingles ay hindi lamang naging paraan ng komunikasyon kundi paraan ng kolonisasyon.Ang Ingles ay hindi naging paraan para sa pag uusap ng mga mamamayan bagkus naging paraan ito para sa paghahati ng mga mamamayan.” Sangayon ako ditto sapagkat malinaw na makikita ang epekto nito sa ating lipunan – nagkaroon ng iba’t ibang class.
Dagdag pa “Ang wika ay siyang buhay na bagay. Tumutubo ang wika mula sa puso ng isang bayan. Sumususo ang wika sa pambansang kasaysayan at karanasan”. Tama si Henri Bergson nang sabihin niya  “Sinuman ang marunong ng wika at panitikan ng isang bansa ay hindi maaring maging kaaway nito. (Bergson, 1961:302-205)
Nais kong magtapos sa mga katagang ito na sinabi ng isang pantas-Pranses, “Ang tao ay wika” sa pamamagitan ng wika, tayo ay nakakaalaam, nakapagtuturo, at nakapagpapahayag ng ating mga ideya at damdamin.
#AngKapangyarihanngWikaWikangKapangyarihan#FilipinolohiyaAtPambansangKaunlaran
1 note · View note
nixnixnixtmblr-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Magical girl that we deserve
20K notes · View notes
nixnixnixtmblr-blog · 6 years ago
Text
Edukasyong Kolonyal: Sanhi at bunga ng mahabang pagkaalipin
Araw-araw ay lalo akong nagkakaroon ng uhaw sa kung ano pa ang aking mga matututunan sa aming klase. Bukod sa klase ko sa Filipinolohiya, nakatutulong din ang aming pinag aaralan sa Contemporary World sa pagsusulat ko sa aking mga blog kaya naman tuwing darating ang araw ng Martes at Biyernes hindi na ako mapakali at nakahanda na ang aking papel at panulat dahil ayaw kong may hindi maisulat na kahit isang ideya na tatalakayin ng aking propesor at mga kaklase. Ngayong araw tinalakay namin ang isa sa mga sanaysay ni Bienvenido Lumbera, ang “Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng mahabang pagkaalipi.
Ayon sa kanya, “Hindi mahirap tukuyin ang sanhi ng mahabang pagkaalipin ng ating mga pinuno. Kailangan lamang balikan ang mga salita ng mga naunang administrador na kolonyal, at agad ay matatalos natin kung paano nalubos ang tagumpay ng imperyalismong EU sa pagpapaamo sa mga Filipinong nabigyan ng mga Amerikano ng kapangyarihan”.  
Natalakay ko sa aking naunang blog na “misEDUKASYON” na kinilala ang mga Amerikano bilang mga “bayani” dahil sa kanilang pagbibigay ng edukasyon sa mga Pilipino.
Sabi  ng aking propesor,  isa daw sa kongkretong halimbawa upang maging laganap ang pagsakop ng malalaking bansa na tulad ng Amerika sa maliliit na bansa na tulad na lamang ng Pilipnas ay ang mga ito ay pumasok sa bansa sa “ Ngalan ng kaunlaran” ngunit lingid sa kaalaman ng nakararaming Pilipino na kaya tayo gustong pasukin at sakupin ay upang maging bihag at pangunahing konsyumer ng mga kapitalismong dayuhan na ito. Doon ko lamang napagtanto na ito pala ang kanilang pangunahing motibo! Hindi  natin ito nakikita at onti lang ang mga taong nakakakita nito.
Ayon ulit kay Bienvenido Lumbera, “tunay nga namang magkaakibat ang kalakalan at edukasyon. Dahil sa pagsusulong ng kaalamang intelektwal at materyal mas matatali ang mga Filipino sa kanilang mananakop. Ang pangunahin sa kaisipan ng mga kolonyalista ay habang nagiging edukado ang mga Filipino tungkol sa Amerika na dulot ng edukasyon, mas nagiging bukas ang mga ito sa produktong ipagbibili ng Amerika.”Sa pahayag na ito, talakayin natin ang usapin ng globalisasyon na pinahapyawan kong ipaliwanag sa nauna kong blog. “Globalisasyon”,  kung bakit mayroon nito at ano ang mga hindi magandang epekto nito sa ating bansa. Ang globalisasyon ang nag bubukas sa mga bansa upang magkaroon ito ng pagkakaugnay-ugnay at kaakibat nito ang malayang paggalaw at palitan ng produkto, serbisyo, kultura at tao. Pilit na idididikdik sa isipan natin na maganda ang epekto ng globalisasyon, ngunit kung titignan sa mas malawak na pagtingin, ito ay pakana lamang ng mga mayayamang bansa upang kontrolin ang ekonomiya ng buong daigdig. Na kung saan nag kakaroon ng “overproduction” sa kanilang bansa dahil mas mura ang pag gawa ng produkto kung ito ay maramihan, at dahil nga sa “overproduction” na meron ang kanilang bansa, ay itinatambak ang mga produkto na ito sa mga maliliit na bansa at ito ay patuloy na tinatangkilik dahil sa impluwensya na naidulot nila.
Ano nga ba ang tunay na itsura ng isang maunlad na bansa?
Sa panahong ngayon na ang kaisipan sa pagiging maunlad ng isang bansa— ito ay dapat isang industralisadong bansa na may mga iba’t ibang uri ng pabrika, kabi-kabilang malls, at makabagong teknolohiya. Sa madaling sabi, ang pagkakaalam natin sa itsura ng pagiging maunlad na bansa ay ang itsura na mayroon ang “Amerika”.
Hindi ba maari na ang maging itsura ng isang maunlad na bansa ay isang bansa na isang agricultural at bansang mayaman sa natural resources?
Sa kaso ng ating bansa, ang Pilipinas ayisang agrikultural na  bansa. Ngunit dahil nga sa kaisipan na mayroon tayo sa kung ano ang dapat itsura ng isang maunlad na bansa,  ay pinapalitan ang mga bukirin, palayan at kabundukan ng mga malalaki at nagtataasang mga gusali, malls at pabrika sa pagasang ito ang solusyon sa lumalalang paglugmok ng ating ekonomiya.
Ngunit ito ay hindi nararapat dahil sa kaisipang ganoon ay magiging patuloy na biktima lamang  tayo.
Hindi bat dapat kung ano ang meron tayo ay un ang pagyayamanin? At hindi natin dapat sila tignan bilang modelo ng pagiging maunlad?
Hindi naman natin masisisi ang mga Pilipino dahil mababalangkas na ang mga kaisipang ito ay dulot ng kung ano anong mga sangkap ng edukasyong humubog sa isipan ng mga unang Filipino.Makikita na gayon na lamang makapangyarihan ang Ingles dahil ito ang nagdidikta ng kung ano ang dapat maging kaisipan ng mga tao. Dahil nga kung nakanino ang seat of power, nasa kanya ang kapangyarihan maging sa wika na dapat umiiral sa buong mundo.
Patuloy na nilalason ang kaisipan natin sa hindi pagalam at pagkatuto patungkol sa sariling atin sa pamamagitan ng edukasyon kung kaya’t tila naaakit tayo sa “kaunalaran” na mayroon ang bansang Amerika at tinatangkilik at pilit inaabsorb ang mala Amerika na kaisipan na kung sa tutuusin ay kaya naman nating umunlad kung pauusbungin at pag yayamanin lamang ang sariling atin upang sa gayon ay hindi na kailangan pang kumuha sa ibang bansa ng mga kagamitang ikauunlad ng bansa at sa gayon ito ay lilikha ng trabaho ang mga Pilipino na hindi na kinakailangan pang mag ibang bansa, malayo sa pamilya at pagsilbihan ang hindi naman nila kamag anak at kababayan.
Ang edukasyon ay para sa lahat. Pero ang edukasyong kailangan ay hindi edukasyon lang kundi edukasyon na hindi alipin ng dayuhan.
‘Dapat pangalagaan at itaguyod ng estado ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ang gayong edukasyon.’ Ito ay sang-ayon sa nakasaad sa 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, Seksyon 1.
Nangangahulugan na obligasyon ng gobyerno na ibigay ang karapatan at pangangailangan ng mga nasasakupan nito lalo na ang sapat at pinag-isang sistemang pangedukasyon na naaangkop sa pangangailangan ng sambayanan at lipunan.
Samakatuwid, hindi pa huli para baguhin pa ang mga maling nakikita sa ating lipunan. Ito ay masososlusyunan sa pamamagitan ng edukasyon. – Transformative Education.
0 notes
nixnixnixtmblr-blog · 6 years ago
Text
misEDUKASYON
Noong nabanggit ng aming propesor sa aming asignatura  na Filipinolohiya at Pambansang kaunlaran na magsusulat kami ng blog, una kong naisip na mahihirapan ako sapagkat hindi naman ako mahilig magbigay ng mga opinion patungkol sa mga bagay-bagay at baka wala lang akong maisulat. Pero kinalaunan noong sinubukan kong gumawa ng aking kauna-unahang blog, napagtanto ko na madali lang naman pala ito dahil ito ay malaya at maari mong sabihin ang iyong mga saloobin at maging mga sariling karanasan sa iyong mga mambabasa. Bukod pa dito, mayroon akong gabay mula sa aking propesor at mga kamag-aral sa kung ano ang aking mga isusulat dahil sa tinatalakay namin sa aming klase tuwing araw ng Martes at Biyernes.
Isa lang naman ang layunin ng aming propesor sa pagsulat namin ng blog, ito ay magkaroon kami ng kritikal na pagsusuri sa mga sanaysay na inihanda niya para sa aming klase at makapagsulat kami ng isang blog patungkol dito. Dahil sa pagsulat namin, dito makikita kung paano kami magisip at ito ang ebidensiya ng aming pagkatuto at sa pamamagitan din ng pag bloblog na aming nasulat, makakapag bahagi kami ng aming mga tinatalakay at aming mga natututunan sa klase sa pamamagitan ng medium na ito. Sa ganitong paraan, hindi lang nalilimitahan ang aming talakayan sa apat na sulok ng aming silid-aralan kundi maging sa tinatawag ding “internet”.
Una naming tinalakay sa aming klase ang “Misedukasyon”. Ito ay isang maikling dokumentaryo na mapapanood mo sa youtube na magmumulat sayo patungkol sa sistema ng edukasyon na mayroon ang Pilipinas. Noong aking muling tignan ito sa youtube, nakakalungkot na kakaunti pa lamang ang “views” nito kahit ilang taon na itong na I – upload. Ang mga ganitong palabas ay dapat mas ipinapanood sa mga kabataan ngayon, dahil kung susumuhin, maikling palabas lamang ito na hindi naman kakain ng mahabang oras mo.
Bago mo basahin ang aking blog, kung isa ka sa mga hindi pa nakakapanood nito, irerekomenda kong panoorin mo muna ito at sabay tayong mag hayag ng ating kuro-kuro at mga natutunan mula sa dokumentaryong ito.
Link: https://www.youtube.com/watch?v=_ouvNEbDHLY
Una nating talakayin ang kalagayan ng edukasyon sa kasalukuyan.
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act nitong ikatlo ng Agosto.  Nakasaad sa batas na ito na magbibigay ng libreng subsidiya sa tuition ng mga estudyante sa mga nag-aaral ng state colleges and universities (SUCs), local colleges and universities (LCUs), at mga technical-vocational institutes (TVIs) na pinapatakbo ng TESDA.
Sakop rin ng batas ang mga iba pang bayarin ng mga estudyante tulad ng library fee, student ID fee, at computer fees at magbibigay naman ng subsidiya sa mga mahihirap na estudyante at ipinahayag rin ng Comission on Higher Education (CHED) nitong Hunyo 16 na aayudahin ang mga mag-aaral ng medisina sa mga ‘medical schools’.
Nagtagumpay na ba dahil free education na?
Sa kabila ng mga batas na ito, malaking problema pa rin partikular na sa ating Sintang Paaralan ang bulok na pasilidad na mayroon ang unibersidad. Hindi ba ayon sa dokumentaryo na ating napanood, “Responsibilidad ng lipunan na para sa kanyang pagunlad, lahat ng mamamayan ay nabibigyan ng mahusay na edukasyon.”
Pero alam naman natin na sa mahusay na edukasyon na tinutukoy, ay kasama din ang usapin ng  serbisyo na natatanggap ng mga Iskolar ng bayan na sakop ng nasabing batas. Hindi maikakaila na sa kabila ng 659.3 billion pesos na pondo ng Department of Education (DepEd) - na isa sa may malaking napaglaanan ng pondo ngayong taon, ay hindi padin maayos ang ilan sa mga pasilidad sa mga pampublikong paaralan at isa na doon ang Sintang Paaralan.
Salamat sa mga sector na lumalaban para sa libreng edukasyon sa kolehiyo dahil sa tagumpay ng pagpapatupad nito, ngunit sa kabila ng mga ito, masasabi ba na talagang nasolusyunan na ang matagal nang problema ng ating bansa?
Napatupad man ang libreng edukasyon para sa mga mag-aaral, hindi padin nasosolusyunan mag pasa hanggang ngayon ang pinaka ugat ng problema - ang kurikulum sa edukasyon.
Paano nga ba tayo napunta dito?
Balik tayo sa panahon ng mga kastila na kung saan ang edukasyong pinatupad ay Elitista. Ipinagkait ang edukasyon sa mga Indio at hindi binigyang pagkakataong makapag-aral ang mayorya ng mga Pilipino. Hindi itinuturo ang matematika, siyensya at pilosopiya .
Nakita ito ng mga mananakop na Amerikano, kaya naman sa panahon ng kanilang pananakop sa Pilipinas, binago nito ang sistema ng edukasyon kung saan pinayagang makapag-aral ang mga kababaihan at mahihirap na mga Pilipino. Dahil sa “pagbabago” na ito umano na dulot ng mga mananakop, nabansagan sila na “tagapagligtas sa kumunoy ng kamangmangan”
Sa unang tingin tila maganda naman talaga ang naidulot ng mga Amerikano sa ating bansa. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararaming Pilipino ang totoong motibo ng mga mananakop sa kanilang pagbibigay ng Edukasyon sa Pilipinas. Na kung susuriing mabuti, ipinilit ang pagtuturo ng wikang Ingles sa lahat ng paaralang-bayan at ang mga aklat na ipinagamit sa mga mag-aaral ay sinulat lahat at nilimbag sa Amerika. Ito ay nagbunga nang higit na pag-unawa ng mag-aaral na Pilipino sa salitang Ingles at kulturang Ingles kaysa mga bagay na maka-katutubong Pilipino. Ginamit ang edukasyon upang hubugin ang kamalayan at maimpluwensyahan ang mga Pilipino upang sa gayon ay maging katulad natin sila magisip at sa ganoong kaparaanan ay masakop nila tayo sa paraang hindi natin napapansin.
Nagkaroon ng mahabang epekto ang mga ito na makikita pa rin natin magpa hanggang sa kasalukuyan. Hayaan niyo akong isa-isahin ang mga ito.
Tignan niyo na lamang ito sa pagpapatupad ng programang K+12 sa ilalim ng Republic Act (RA) 10533 na pinirmahan ng dating Pangulong Benigno Aquino noong May 15, 2013. Kung titignan at pagaaralang mabuti, ang mga kurso at ang mga asignatura o ang mismong kurikulum na inilalatag sa mga mag aaral ay nakaayon pa rin sa pangangailangan ng mga negosyante at monopolyo sa mauunlad na bansa. Sa pamamagitan ng programang ito, madudulot ito na ang Pilipinas ay gawing pangunahing bagsakan ng produkto at mababang sweldo ng lakas pag gawa. Sa gayon, sa panahon ngayon, kung titignan ang kurikulum ng ating edukasyon, hindi maikakaila na sakop pa rin tayo ng Amerikano pagdating sa sistema ng ating edukasyon.
Isa pa sa nagpapakita ng epekto ng mga mananakop na Amerikano hanggang ngayon ay ang usapin sa kamakailan lamang na isyu tungkol sa pagtatangal ng CHED sa siyam na unit ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.
Makikita na malaki pa rin ang impluwensya  ng mga kolonyalistang Amerikano pagdating sa sistema ng edukasyon sa bansa dahil alam naman ng lahat na sa pag papatupad nito ay magbubunga lamang ito nang  tuluyan na pagkasira at paglimot sa pagkakailanlan bilang Pilipino.
Papasok din dito ang isyu ng globalisasyon na tulad sa nabanggit sa dokumentaryo, “nahahagip ang sistema ng edukasyon sa bansa”  dahil kasabay ng patuloy na intensipikasyon ng globalisasyon na inililihis ang pag iisip ng madaming kabataan sa pamamagitan ng social media, kabi-kabilang malls at intertainment, kasabay nang pagtatanggal sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay magbubunga lamang ang lahat ng ito ng mga  mag aaral na hindi kritikal ang pag iisip patungkol sa mga nangayayri sa kinabibilangan niyang lipunan at magdudulot ng pagsasawalang pakielam sa mga isyu ng bansa.
Sa aking konklusyon, ang mga natututuhan ng mga Pilipinong mag-aaral ay mga bagay na mala - Amerika  at hindi maka-Pilipinas. Iyon ang problema na hindi padin masolusyunan.
Bilang aking konklusyon, patuloy na lumalaban ang mga kabataang Pilipino, dahil may mga dapat pang ipaglaban. Ang nakikita ko na dapat tugunan at bigyang solusyon ay ang ugat ng mga pangyayaring ito – Ang Sistema ng EDUKASYON. Nararapat lamang na ang ibinubunga ng edukasyon ay tunay na MAPAGPALAYA na sanhi lamang ng mahusay at dekalidad na edukasyon ika nga “para ito ay maging tunay na makabansa at siyentipiko”. Karunungang labas sa apat na sulok ng silid aralan, at karunungang makatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at ng bansa. Ito’y makakamit kung ang mga kabataan ay imunumulat sa mga isyu ng lipunan upang maging aktibong kalahok  sa pagharap ng mga ito.
May simula ang lahat ng ito, at sa paglakas ng paglaban ng mga estudyante, kabataan at mamamayan ng Pilipinas, magwawakas din ito.
Ikaw bilang mag aaral, ano ng parte mo sa pagwawakas at pagbabagong ito?
1 note · View note