Isang blog tungkol sa impluwensya nang Naruto sa aking masculinity
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
“That’s My Ninja Way”
Yan ang pinaka tumatak saakin na quote mula sa Naruto. Lahat ng mga mga character mula sa Naruto ay sinasabi etong line na eto pag nasa kagipitan na sila sa kanilang laban o kaya naman kung sila ay minamaliit ng kanilang kalaban. Pero etong line na eto ay napaka laki ang halaga sa anime dahil pinapakita kung anong klaseng tao sila. Eto ang pinaka tumatak na itsura ng masculinity para saakin kaya ito rin ang aking pinaka natatandaan sa palabas at ang pinaka nagbigay ng epekto sa aking masculinity noong bata ako. Ang kanilang ninja way ay ang kanilang paraan sa pamumuhay. Parang ako lamang, pwede kong sabihin na ang akin Ninja Way ay ang aking pagiging mabait sa aking mga kaibigan o kaya naman ang aking pagiging masipag sa eskwelahan. Ang quote na ito na galing kay Naruto ay parang nagpapakita rin ng isang pagkagaya sa typical masculinity sa ating lipunan ngayon na pag lalaki ka, you never go back on your word. Kaya bilang isang batang lalaki, lumaki rin ako na nagsasabi na I never go back on my word.
Unang beses kong napanuod ang Naruto noong bata ako, lumaki ako sa panunuod ng mga tagalog dubbed anime sa aking telebisyon kagaya ng mga tagalog version ng Ghost Fighter, Dragonball, Inuyasha, Fairy Tail, at syempre Naruto. Sa lahat ng aking mga anime na napanuod, walang tatalo sa Naruto para saakin kahit napakaraming epal na filler episodes na pinapalabas, para saakin Naruto parin ang pinaka OG na anime noong bata ako.
youtube
Pero bukod sa masculinity na pinaka kita nila sa quote nila sa pagiging matatag sa kanilang sinasabi, ay mayroon ding senyas ng hegemonic masculinity sa palabas na ito. Ang mga ninja village sa palabas ay mayroong mga sariling Kage na namumuno sakanila. Sa Leaf Village kung saan lumaki si Naruto, ay yung unang apat na Hokage nila ay puro lalaki. Dito pinapakita na ang mga lalaki ay mas pabor bilang isang lider para sa kanilang mga tribo, pero makikita rin sa palabas na mawawala etong hegemonic masculinity na ito noong nagkaroon naging Hokage na si Tsunade. Siya ang pinaka unang babaeng Hokage sa palabas at dito pinapakita rin ang pagpalit ng mga ideya na lalaki lamang ang pwedeng maging dominante.
Kinokontra din ng palabas na ito ang nakasanayan ng masculinity na ang mga tunay na lalaki ay hindi marunong umiyak. Kaya noong bata ako, isa sa mga aral na akin natutunan sa panunuod na ang mga lalaki ay pwedeng umiyak. Dahil sa panunuod ng Naruto, lumaki ako bilang isang lalaking nagpapakita ng emosyon kung kailangan at hindi ko pinipigilan eto.
Makikita rin sa palabas ang gender domain dahil laging pinapakita na mas malaki ang halaga ni Sasuke at Naruto sa palabas kumpara kay Sakura na isang babae. Sa unang kalahati ng palabas, mayroong pag ka sexist POV dahil hindi binibigyan pansin ang mga babae sa istorya at nakapokus lamang sa mga lalaki. Pero ang kinagandahan netong palabas na ito, susubukan din nila bigyan pansin ang mga babaeng tauhan sa kwento. Sa huli pinapakita na si Sakura ay kaya ng makipag sabayan sa mga lalaki niyang kaibigan. Ang lipunan natin ay parang ganito din dati, hindi nabibigyan pansin ang mga babae dati pero sa nagdaan na panahon, kaya narin nila gawin ang mga ginagawa ng mga lalaki.
Pero ang pinaka nagbigay epekto saakin sa panunuod ng Naruto na dapat ang lalaki ay nagpapahalaga sa pamilya at mga kaibigan. Kahit man ang Naruto ay isang palabas na tungkol sa mga laban ng mga ninja, hindi parin nawawala ang mga importanteng aral na makukuha ng mga manunuod neto. Dahil sa patuloy na paghangad ni Naruto na tulungan ang kaniyang kaibigan na si Sasuke, pinapakita ng palabas kung gaano ka importante ang ating mga kaibigan sa ating buhay, na kahit lahat ng tao naiinis na sayo, meron paring isang taong mag mamahal at magmamalasakit sayo.
Kahit sino ang manuod ng Naruto ay matututunan rin ang pag papahalaga sa ating mga kaibigan dahil sa hanggat sa dulo ng istorya, naging malaking parte parin ang pag kakaibigan ng dalawang bida. Dahil dito, ako rin ay isang taong nagiging mapagmahal sa aking mga kaibigan kagaya ni Naruto. Kung kaya ko man sila tulungan ay gagawin ko ang aking lahat para tulungan sila dahil ika nga that’s what friends are for. At dahil sa Naruto, nasasabi ko ngayon na ako ay isang lalaki na tutulong sa aking mga kaibigan dahil un ang aking ninja way.
2 notes
·
View notes