Text
Chicken Inasal Easy Recipe
Mga sangkap:
6 cloves ng bawang, tinadtad
2 kutsara luya, kudkurin
1/4 baso ng calamansi juice
1 kumpol ng tanglad, tadtarin ang ulo
1 buong manok, hiwain sa 6 na piraso
bamboo sticks, pangtusok
1/4 baso ng oil
1 kutsarita atsuete (anatto seeds)
asin, ayon sa panlasa
toyo, ayon sa panlasa
sukang tuba (coconut sap vinegar), sa paghain
siling labuyo, sa paghain (opsyonal)
Paraan pagluto:
Sa malaking mangkok, pagsamahin ang bawang, luya, katas ng kalamansi, at tanglad. I-marinate ang manok ng 30 minuto man lang. Ibabad ang bamboo sticks sa tubig.
Samantala, sa kawali sa medium heat, mag-init ng mantika. Ilagay ang buto ng atsuete at lutuin, haluin paminsan-minsan, para malipat ang kulay nito sa mantika. Gumamit ng slotted spoon para alisin at itapon ang mga buto.
Magpainit ng charcoal grill o i-preheat ang grill pan sa medium heat. Alisin ang manok sa marinade. Lagyan ng asin at pamintang durog. Tusukin ang manok gamit ang mga binabad na bamboo sticks.
Pahiran ng atsuete oil ang manok. Ilagay sa grill at lutuin hanggang sa maluto nang husto, habang regular na pinapahiran ng atsuete oil. Ihain kasama ng garlic rice, atsara, at sarsa na gawa sa toyo, sukang tuba, at sili, depende sa kung gusto
At pwede na itong ihain para makain ng buong pamilya
2 notes
·
View notes