Text
Women fighters, in fiction and in reality, have always fascinated me.
I grew up never getting tired of The Mummy Returns (2001) and its action-packed adventures. It features one of my most favorite cinematic moments: the fight scene between Nefertiri and Anck-su-namun, both tasked to be protectors in the kingdom of Egypt some 3,000 years ago. One may think they must be ahead of their time for training women for battle and assigning such tasks to them.
Fight scene from The Mummy Returns (2001)
There are many other scenes in the said film showing both women as their 1930s reincarnation, Evy (Nefertiri) and Meela (Anck-su-namun), fighting with and among men. Not once did Rick, Evy's husband, handed over guns to her to help them battle the enemies and save their son. Their kind of relationship was yet another reason why I have always loved that film.
Seeing The Mummy Returns again for the nth time, I figured these female characters have played a significant part in my upbringing. They showed me women can fight, too, when it was most needed. They didn't have to be the stereotypical damsels in distress waiting to be rescued because they can save themselves while saving others, as well. In retrospect, at such a young age I knew I wanted to be like them. I wasn't very much into the princess thingy, except for the Xena the Warrior Princess kind. In fact, I once dreamed of becoming like the Power Rangers with all their skills and stunts.
Through the years, I have been learning more about Filipinas who left their mark in our history. In an era of a patriarchal society where women were reinforced to be homemakers & deemed as the lesser sex, there were several of them who strayed against the conventions and took part in the never-ending fight for freedom.
Illustrations of Gabriela Silang (by Carlito Rovira) (top) and the first female general Agueda Kahabagan (from SCOUT Magazine) (bottom) during the Philippine Revolution
One of them was notorious for polishing her nails and putting on red lipstick before going to battle, because she believed she also fought for the freedom to be herself as a woman. Another one used to be a movie superstar until the war. She joined the guerrilla movement to avenge for her husband's murder, and in the process she saved an entire village from being killed by the colonizers.
The women of HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa Hapon), clockwise from left:
Remedios Gomez-Paraiso AKA Kumander Liwayway and her red lipstick (art from Rejected Princesses); Carmen Rosales, movie star-turned guerilla fighter (from Flickr); Felipa Culala AKA Kumander Dayang-Dayang (art by Dos Garcia); and Simeona Punsalan-Tapang AKA Kumander Guerrero (art by @RoriComics on Twitter)
But the courage of Filipina women in history has been witnessed not only at home and in the battlefield. There were women who stood up for their right to receive formal education and their right to vote.
Top photo: a painting of The Women of Malolos (art by Rafael del Casal); bottom photo: U.S. First Lady Florence Harding w/ Filipina suffragette delegation, 1922 (From US-Philippines Society)
There were women who saved people's lives by caring for the injured and the sick and feeding the hungry.
Clockwise from left: Melchora Aquino AKA Tandang Sora (from Wikipedia); Josefa Llanes-Escoda (from Bayaning Filipino on Blogger); Maria Orosa (from Orosa Family); and Dr. Fe del Mundo (from National Academy of Science and Technology)
There were women who continue to fight for justice and for their right to be heard, not just as victims but survivors of a violent, tragic past.
Top photo: the Malaya Lolas of Candaba, Pampanga; bottom photo: the lolas of Lila Pilipina. Both are groups of “comfort women,” survivors of military sexual violence during the Japanese Occupation. (From Facebook)
There were women who prove themselves worthy to be recognized by the world for their talents, abilities, and dedication in their respective fields.
Hidilyn Diaz, the first Filipino Olympic gold medalist; and Maria Ressa, the first Filipino Nobel Laureate (From Esquire Philippines)
There were women leaders who empowered their countrymen towards a better quality of life.
Campaign images of Senator Risa Hontiveros and former Senator Leila de Lima for the 2022 National Elections (From Facebook)
Atty. Leni Robredo, former Vice President of the Philippines (From Esquire Philippines)
And before I forget, I was raised and surrounded by strong women who all the while face their own share of battles in life.
We as women are fighters, and we should never let anyone tell us otherwise.
Meanwhile, I believe I have arrived at a full circle. I may haven't reached my dream of becoming a Power Ranger but who would have thought that as an adult, I would portray a woman fighter myself?
Happy Women's Month!
5 notes
·
View notes
Text
Gunita’t Panaghoy sa Stoplight ng Control
"Ako'y taga-Basilan
Nagkaroon ng putukan
Kaya kami’y lumisan
Sana ako ay pagbigyan
Kahit dal'wang piso lamang..."
Sa simula, parang hindi Tagalog ang kinakantang chant ng batang babaeng namamalimos sa mga pasahero.
Tumatawa-tawa pa ang driver ng jeepney habang napapa-"Ano raw?" ito sa pagkanta ng bata. Patuloy nitong tinatawanan ang awitin kahit nagiging malinaw na ang pinapahiwatig nito. Noong pagpapasalamat na ang tinutukoy sa kanta, saka lang nagpahiwatig ng pag-intindi rito ang driver.
Pumunta ang batang babae sa pinakaunahan ng mga pasahero sa jeepney. Doon, may dalawang pasaherong sabay na nag-abot sa kanya ng barya.
Tig-dalawang piso mula sa bawat isa sa kanila.
At least, nakikinig nga sila.
Inilapag muna iyon ng bata. Lumuhod siya at muling umawit. Sa pagkakataong ito, kumikilos ang kanyang mga braso't kamay sa saliw ng panibagong kinakanta niya. Tila ba pagpapatunay iyon ng kultura ng kanyang pinagmulang bayan na siyang nabanggit na sa nauna niyang awitin.
Hindi na gaanong maintindihan ang kanyang mga kataga. Ngunit sa pamamagitan ng kanyang mismong presensya, ng kanyang buong boses, pati ng pag-indayog ng kanyang mga kamay sa ere, matatanaw ang bakas ng kalungkutan maging ng iba pa niyang pinagdaanan. Marahil, naroon na rin pati ang pangungulila niya sa lupang pinagmulan na kinailangan nilang lisanin upang makagpatuloy sa paglalakbay sa buhay.
Ngayon, sa mga awitin na lamang niya magugunita ang Basilan.
Hindi nagtagal, natapos na rin ang kanyang pangalawang awitin. Bumalik siya sa kinauupuan matapos kolektahin ang mga sobreng nauna na niyang ipinamigay. Nanatili muna ang bata sa loob ng sasakyan, tahimik na nakatanaw sa dinaraanan sa biyahe. Kung gaano kakulay ang suot niyang malong na ginawang palda, siya namang ikina-blangko ng kanyang mukha.
Gayunpaman, sa kanyang pananahimik, umaalingawgaw ang kwento ng kanyang mga dinanas na pahapyaw na nailahad sa kanyang mga awitin.
Huminto ang jeepney habang naka-red light sa may Control. Bumaba na ang batang babae mula sa sasakyan pero bago iyon, nagpasalamat siyang muli sa mga pasahero. Kinakapos man sa sigla ang papanalita niya, nag-uumapaw naman sa sinseridad ang kanyang pagpapasalamat.
Lumapit siya sa mga nakahintong sasakyan sa kalye. Naglahad siya ng palad at sumenyas ng pagsubo ng pagkain. Baka sakaling may mabuting loob na mamahagi rin sa kanya ng kakaunting barya.
November 28, 2017
0 notes
Text
Mga Pagkain at Panaginip
I.
Sabi nila, huwag na huwag ka raw kakain ng kahit ano man sa mga panaginip mo. “Nangunguha” raw ang mga nagbibigay ng pagkain sa panaginip, kaya may ganoong pagbabawal.
Dati na akong nananaginip ng mga pagkain. Pero bago pa ako maka-isang kagat, bigla-bigla akong nagigising.
Dismayado pa ako noon, kasi nga nabibitin ako. Gutumin pa naman ako.
Hanggang sa malaman ko yung pagbabawal na kumain sa panaginip. Baka 'ka ko ang guardian angel ko na pala ang pumipigil sa akin na kumain doon.
Mabuti na lang.
II.
Noong Lunes ng madaling-araw, marami na naman akong napanaginipan. Pero gaya ng dati, iilan na lang ang naaalala ko nang maigi.
Doon sa isang parte, may dumating na isang babae at isang lalaki na hindi ko kilala. Mukha silang mga puti (hindi Pilipino o Asian), sa pagkakatanda ko. May dala silang mga pagkain. Maraming inumin ang bitbit nung lalaki. Nasa mga bote ng magkakaibang sizes ng Coca Cola. Iba-iba ang mga kulay ng nilalaman ng mga bote. Natuwa naman ako sa mga inumin kahit na kasalukuyan na akong umiiwas sa soft drinks.
Agad kong kinuha 'yung mga pagkain para ilagay sa refrigerator na biglang nasa tabi ko na. Hindi pa ako natatapos mag-ayos sa ref nang sumibat 'yung dalawang bisita nang ganoon na lang.
Hinabol ko naman sila. Lumalangoy na sila sa may beach na sumulpot din. Ilang beses ko silang tinawag; parang hindi na nila ako naririnig.
Hanggang sa wakas ay lumingon na sila sa akin. Saka ko na sinabing, ang ganda ng timing ng pagbibigay ninyo ng inumin, kung kailan hindi na ako umiinom ng soft drinks.
(Ganito ba ang lucid dreaming? Kaya ko sila nilapitan at kinausap dahil sa sarili kong kagustuhan at hindi dahil kontrolado ako ng panaginip ko.)
Hindi ko intensyon na maging sarcastic. Actually, nanghihinayang pa nga ako. Pero dama ko na naging awkward ang usapan dahil sa binunyag ko sa kanila. Para kasing natigilan silang dalawa. Doon ko na-realize, hindi ko na yata dapat sinabi 'yun sa kanila.
Hanggang doon na lang ang naaalala ko. Nag-fade to black na ang eksena.
Iniisip ko pa rin 'yung panaginip na 'yun pagkagising ko. Naalala ko kasi ulit 'yung pagbabawal sa mga pagkain.
Napatanong ako sa sarili ko: paano kung, kaya hindi na nila ako pinapansin pagkabigay sa mga pagkain at inumin ay dahil inaasahan nilang kukuha na ako/kami sa mga 'yun? At kaya naging “awkward” ang pakikipag-usap ko sa kanila ay dahil na-realize nila na hindi ko matitikman ang bigay nilang inumin kasi nga umiiwas na ako ngayon doon?
III.
May aaminin ako.
Nitong mga nakaraang buwan, lagi akong nananaginip ng may pagkain. Maraming-marami.
Noong minsan nga, may handaan sa bahay ng kamag-anak namin.
Hindi ko tuloy napigilang makikain.
At kung tama ang pagkakatanda ko ay may isang beses pa na hindi ako nakatiis at bumigay sa kalam ng sikmura ko, kahit ba sa panaginip lang 'yun.
Dapat na ba akong matakot?
0 notes