meatmojooo
Fertilized duck egg
9 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
meatmojooo · 1 year ago
Text
Tumblr media
hindi naman ako mailap sa pagmamahal eh. minsan, sinusubukan ko, pero laging it ends with me breaking piece by piece in the process. i am easily affected, and love, in my head, is a sort of pretty anguish. gusto ko ng karamay. it is nice to see a familiar person searching for you in the midst of an overstimulating crowd; to have a pair of eyes that you can associate with comfort and to meet them when it's the most essential. intimacy happens when you stare at them so intently na you begin to be more absorbed of your own reflection in their eyes, and as someone who's long been inclined to self-hatred, to confront that feels like the kindest approach to accepting my own face. vulnerability is where i feel the loveliest, yata, and i have learned to nurse it for the sake of telling people that it really is beautiful to just walk around bare and unprotected. what are walls for when i have nothing worth hiding for, anyway?
i don't know if it's confidence or i'm essentially wounded from constantly being left empty-handed by the world, pero i always just feel like a revelation myself.
i've never taken it as an insult when i'm referred to as someone who wears their heart beneath their sleeves. i mean, honestly, if you ask me to rip my heart open so you can understand me better, i know very well that i wouldn't mind getting a knife and digging a grave upon my own chest. violence. it is harsh to let people in. it is terrifying to feel so caught up that you forget about how you've been holding your breath for the past couple of minutes already. your lips turn blue, but all your scars are lighting up. like a moth to the flame, i don't know, maybe i'm destructive in this particular way. i always have to mean it. and to mean it, in my point of view, is to earn it; to be soft, to be quiet, to offer, to rot, to develop, to uncover, to grow, to foster, to mourn, to be fearful of tomorrows taking it away from me because eventually, it has to leave.
ewan ulit. i know i'm capable of stretching all my things out and being ever so selfless. it's not martyrdom, para siyang more and beyond everything that i want you to give me, i know i wouldn't force them to you. you can tell me whatever and each bit of it is certainly going to affect me, but i've figured that out earlier and still, i've allowed it to happen: an unconditional hurt or something along those lines.
love breaks my bones and i laugh — galing kay charles bukowski. you can be cruel to me, not because you're totally a cruel person (i'd like to believe that), pero i don't know, siguro because love can just be cruel like that sometimes.
0 notes
meatmojooo · 2 years ago
Text
Tumblr media
bilang isang sensitibong tao, madalas kong isipin kung ano ang dapat kong itugon tuwing may kung sinumang nagbabahagi sa akin ng kuwento patungkol sa kanya-kanya nilang mga sugat. hindi abot ng sampu kong mga daliri ang segundong maaari ko ring angkinin 'pag nag-iisip; kakarampot lamang ang oras at sobrang tulin pa nila kung tumakbo't tumakas sa puwang ng mga palad ko. makupad ako sa ganitong mga bagay: parang pagong na walang inaasahang direksyon pero pinipili pa ring maglakad. nakatatakot man ang katotohanang hindi ko batid kung saan ako tutungo, mayroon pa rin namang pananabik para sa posibilidad na maligaw ako sa isang mabuting destinasyon. ani nila, isang abentura ang mabuhay— siguro'y ganito ang paraan ko para intindihin iyon.
ganoon pa man, iniiwasan kong makasakit sa loob ng mismong proseso. oo nga't alam ng lahat ang pakiramdam ng pagkakaroon ng mga sugat, ngunit iba-iba pa rin ang uri ng hapding nararanasan at kinikilala natin araw-araw. walang mababaw o malalim para sa akin— tanging nakararamdam at hindi. ayaw kong maging sanhi ng paglago ng lungkot sa kaninuman, at mas lalong ayaw kong ukitan sila ng panibagong sugat sa anumang bahagi ng kanilang balat o kaluluwa.
hindi ito mga palamuti sa kanya-kanya nating katawan o diwa bilang kakabit nila ang isang masalimuot na alaala. hindi ko gustong ikumpara ang noon sa kasalukuyan at pagmukhaing biyaya ang isang bangungot. ayaw kong isipin ng nagsasalaysay sa aking binago siya nito 'pagkat may mali sa kanya bilang tao kahapon. dulot ng nakababalisang pagpatak ng mga segundo, humantong ako sa isang pangungusap: “mas maganda ka na ngayon...”
— mga salita para sa nasalanta, jada
0 notes
meatmojooo · 2 years ago
Text
'sino ka ba?'
Tumblr media
naging bahagi na yata ng payak kong araw-araw ang pagsubok na tapalan ng kung anumang kasagutan ang tanong na iyan. tuwing alas-nuwebe ng gabi, kung kailan tinatangka ring angkinin ng abong mga ulap ang buwan, umaalingawngaw ang singhap ng klarong pagkadisgusto sa lahat ng mga negatibong maaari; marami akong nawawaring pagkakikilanlan mo, at pinatutunayan lang nito ang katotohanang isa ka pa ring estranghero sa kabila ng nagdaan nating mga pagbati.
hindi ako sigurado sa kung ano'ng nararamdaman ko para sa bagay na iyon— ngunit bilang iyon nama'y ang katotohanan, tanging pagtanggap lang ang iniaalok na hakbang ng kapalaran. mapalad pa rin naman siguro ako kung maituturing, hindi nga lang iyon mananatili sa habang-buhay; idagdag mo pang hindi rin ako paborito ng suwerte, at ang minsanang pakikipagpalitan ng kung ano-ano sa iyo'y natural lang sigurong 'di abutin ng katagalan.
hindi maiiwasan ang mga pagtatapos; hindi matatakbuhan ninuman ang kamatayan. limitado ang buhay ng kandila 'pag pinagkaisa sa mayuming apoy: gayunpaman, hindi naman maituturing na malungkot ang isang kuwento sa kadahilanang ito'y nagwakas. habang kinakain ng pagliliyab ang katawan ng kandila, nandoon ang init ng katiyakan; ang pagkaubos ay isa ring paraan para makamtan ang pagkabuo.
nakikita pa rin naman kita sa karamihan ng mga bagay na nadadapuan ng aking mga mata: sa parehong maganda at hindi gaanong kaaya-aya. natatandaan ko ang mga mumunti mong mga kuwentong kontrolado sa iniisip mong sakto. naririnig kita sa mga uyaying naglalagi sa aking mga tenga tuwing nagpupuyat ako sa magdamag. ilang ulit ko nang naiguhit ang gawa-gawa kong palayaw mo sa iba't ibang mukhang pagmamay-ari ng langit.
simula pa lang, alam ko nang 'di ka magtatagal— gayunpaman, masiyado pa rin kitang pinahalagahan.
0 notes
meatmojooo · 2 years ago
Text
ano ba ang mundo kung atin mang iwan ang romansa sa mga abo pagkatapos 'tong silaban?
siguro tayo'y mga alaala na napapaloob lang din sa mga huwad na paggunita ng pusong gusgusin.
baka tayo'y mga ideya ng malikhaing sarili: mga tulang nagsasalita nang higit pa sa bawat nasasabi, mga larawang naipinta sa gitna ng lubhang pagkukubli, o mga nailikhang kanta habang tahimik pa ang gabi.
baka tayo'y mga ideya ng malikhaing sarili— na bastang inabandona nang nag-alangan ang sandali.
baka tayo'y walang iba kundi ang mga tinalikuran— na kahit ang luha sa atin ay walang pagkakakilanlan.
ano ba ang mundo kung atin mang iwan ang romansa sa mga abo pagkatapos 'tong silaban?
0 notes
meatmojooo · 2 years ago
Text
buhay na 'di pa natatapos,
matagal-tagal na rin nang huli akong nagsulat ng liham para sa kung sinuman. ngayon kasi, napapadalas na ang biglaan kong eksena; lumalabong paningin, malalakas na pintig ng puso't pagblangko ng magulo kong isipan. Wala sa sarili akong napapatitig sa kung anong nasa harapan ko't walang malay na iginuguhit sa hangin ang mga salitang pumasok nang basta-basta at nang-abala.
hindi ito ang katahimikang gusto kong kamtin, sasabihin ko sa'yo. dahil ang ganoong uri ng pananahimik ay tanda ng katotohanang wala akong magawa kundi ang magmukmok sa isang tabi. iyon ang biglaang panlalamig ng aking mga palad at paninigas ng mga tuhod, ang pamamanhid kahit ng mga daliri, pagkatuliro at pangangapa ng masasambit. iyon ang pinakamalala, ito ang pinakamalala; ang kawalang kakayahan kong tanungin ang aking sarili kung ayos pa ba ang lahat.
kusang tinutuyo ng mga mata ko ang luha bago pa man sila magsilabasan. kusang pinipigil ng aking lalamunan ang nagbabadyang mga hikbi. kusa akong tumatahimik, nilulunok ang mga salita't hinahayaan silang manirahan sa aking kaibuturan. kusa.
sasabihin ko sa'yo, ayaw ko rin ang ganito.
0 notes
meatmojooo · 2 years ago
Text
“bawal tumambay rito; nakamamatay.”
Tumblr media
pinitik ako sa noo ni mama, ang sabi'y 'yung uling na isinalang ko kanina— nagbabaga na. inilapit ko ang katauhan sa init habang umaasang magagawa kong pumuslit ng kakarampot sa 'king kalooban: nagiging desperado nga siguro'ng mga malalamig na bangkay para lang papasukin sa palasyo ng habambuhay na kukupkop sa kanila.
bumubungisngis ako sa lababo habang naghuhugas ng pinggan: ganito pala sumambit ng pahimakas ang katinuan. tangan-tangan ng mga sugat ko ang tuwa sa bawat paglalabas nito ng dugo— at doon, naintindihan kong hindi lang pala mga mata ang marunong umiyak. kinakausap ko ang bawat uri ng galos na lulan ang kaluluwa ko't awtomatikong sumisikat ang inulila kong kamuwangang madalang kung kumibo nang tahasan. madalas, iniisip kong hindi na ako bata para maging ganito kahina o kasimple. madalas, ayaw kong damdamin ang mga damdaming kinakalantari ang pag-ibig sa akin. madalas, wala akong masimot na liwanag kahit sa mga sisidlang inimbakan ko pa sana ng ligaya.
tipikal ang ganitong kalungkutan sa akin. inaakbayan ako ng mabibigat na braso sa araw-araw, at hindi ako nakatatanggi. sa paraang 'to kasi, para na rin akong may kasa-kasama. kaibigan ang turing ko sa mga anino kahit na naglalaho sila tuwing 'di ko nasisindihan ang lampara. ayos lang, bumabalik naman sila.
at tinitipid ko ang mga gamu-gamong inipon ko pa sa isang babasaging bote. itinago ko sila sa aparador kasabay ang mga damit na 'di ko masuot-suot dulot ng kaduwagan. ayaw kong maging laruan o pang-aliw sa mga kinikilalang mabuti't may saysay— baka roon umikot ang mundo ko. ang mga kahulugan, unti-unti'y mas lumalayo kapag tinutunton ko ang kalsadang tinitirahan daw nila. baka nabiktima lang din ako ng mga manlolokong gusto lang akong nakawan ng huwisyo: nasabi pa naman sa aking ang bilis ko raw mapapaniwala.
nagsusulat ako ngayon kasi nagiging dambuhala na ang mga kakaning ipinasusubo sa akin ni ina sa nagdaang mga linggo. palagi akong may kinakain; ni hindi na nga ako natutunawan. nagiging lila na ang kulay ng langit, at maya-maya, baka mabulok na rin sila sa masangsang kong pag-iisip.
sana may mapulot akong ginto sa daan— nayayamot na rin ako.
0 notes
meatmojooo · 2 years ago
Text
gentle people
Tumblr media
0 notes
meatmojooo · 2 years ago
Text
Tumblr media
band recommendation: comiclyde
napadako ako randomly sa private youtube playlist ko last year: parang compilation lang din ng random things i found pretty in my own vast definition of the word, then i saw this familiar name.
what i first heard is nostalgia in a softer melody. i don't really know much about music theories or any of that sort, pero ang naaalala ko sa kaniya eh 'yong mga mainstream bands kadalasan sa 1990s to early 2000s such as: eraserheads, rivermaya, siakol, parokya ni edgar, etc.
in contrast to those bands that i mentioned which generally possess a livelier mood in most of their songs, comiclyde gives this sense of mellowness with their music arrangements together with the vocalist's voice. i don't exactly know why i remember the older bands with them; maybe it's their way of production, or perhaps it has something to do with their approach of introducing the musical elements within their songs—i am never sure, pero one thing I'm certain is it provides this comfortability by listening. ito 'yung tipong hindi aapaw sa paglalayag ng isip mo (although, that's subjective); almost like a background music that also helps in setting the atmosphere of your random staring at the void (lmao).
i also like thinking na maybe it gives that vibe because again, my mind has highly associated it with nostalgia—with it firstly bringing me to the bands i used to listen (and I still am currently listening too, by the way) in the past up to the younger version of myself with the objectively simpler lifestyle compared to what I have now. not that i want to go back tho, this is all solely for the sake of recognizing the reminiscent factor that the band (comiclyde) has given me.
i do have some personal favorites from them, namely: gone away, rameira, and somebody else. although, these are their older songs na nakalagay rin talaga roon sa una kong na-mention na youtube playlist ko at i haven't checked their new songs yet. i may do it in some other time, but I really am still enjoying these older pieces so i might just stick to them as of the moment, lol.
i think i strayed further away from the initial topic na i originally wanted to discuss about at baka rin 'di ko na-explain nang maayos ang mga gusto kong sabihin kaya pasensiya na if I ever was unsuccessful in conveying my message rin ahasjxsnxj. anyway, iyon lang din siguro.
comiclyde's youtube channel: https://youtube.com/channel/UCDg0rmhKJ5jKpGjMxVcgd2Q
0 notes
meatmojooo · 2 years ago
Text
i feel the massive exhaustion like it's the thick blanket of my furry bones. my skull is as empty as the every queer midnight i've spent on carelessly letting my body be nothing but an abandoned cathedral: when the things that we desire to keep the most are bound to slip away; when faith is merely a generic human fraud—a pretentious smugness derived from the common pity for ourselves. what are we but the dull miracles of death? and tell me, how exactly is it better to be beautiful than not? i am sad. that is as far as i can enable myself to become. the slaughterhouse has always reeked violence—and it may have been contagious; i might have caught it.
love sinks into my stomach and i vomit. over and over again.
1 note · View note