mangkaknow-blog
Mang-KaKnow
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
mangkaknow-blog Ā· 8 years ago
Text
alam mong love at first sight pero..
Ā  Ā  Ā  Ā Papasok sa trabaho, (ehem huwarang empleyado po ako) nasa kaliwang isle ng bus sa pang tatluhang upuan, malapit sa bintana.(gets mo??) malayo ang tingin, habang nakikinig sa kantang SILA by SUD mula sa radyo, habang naghihintay ng mga sasakay na pasahero para lumarga na at makarating sa patutunguhan nang biglang... umakyat mula estribo (pinto sa bus na me hagdan) ang isang maganda, simple, maputi, cute, maganda ulit na babae.Ā 
Ā  Ā  Ā  Ā  Napatingin ako sa kanya at sya din sa akin.. dun na pumasok ang mala MABAGAL na lakad nya papalapit sayo, nagkakatitigan kayo na wari ay nag uusap ang inyong mga mata, ang tugtog sa radyo ay nagbago at naging IF WE FALL IN LOVE na sakto pa talaga sa chorus(nilipat yata ni manong ung radio station). Napangiti ka nalang sa narinig mo pero nakalimutan mong nakatitig ka din sa kanya, habang sya ay nakatitig din sayo at biglang ngumiti na tila iisa ang inyong naiisip at tumigil ang takbo ng oras, (nangyayari lang ito tuwing ang dalawang tao ay nagkaroon ng sabay na pag pintig ng puso).Ā 
Lumapit sya, nakangiti at alam kong tatabi sya sakin,inayos ko ang upo ko at damit na nagsasabing tabi tayo. At oo Tabi kami sa buong byahe, nais mo magsalita dahil nakangiti padin sya at alam ko na gusto nyang kausapin ko sya pero hangang sa huling byahe walang nangyari...
Nanghihinayang? hindi siguro, bakit? dahil madaming bagay pa na mas importante ang dapat unahin. Sapat na ung minsan kang naging maligaya, naranasang mainlove, nagusap kahit walang salitang lumabas sa bibig. Bakit?! anu yun pag kinilig ka MAHAL MO NA? di ganun yun, ang tunay na pagibig pinaglalaanan ng oras, marahil ang iba ay gumamit ng credit card para installment ang bayaran sa pag-ibig, iba ay naghintay ng tamang panahon na parang bonus sa trabaho, iba ay nagmahal.nasaktan.nagfuckboy/fuckgirl (wag kang ano jan alam kong madami kayo), pero inuulit ko hindi porke KINILIG KA E MAHAL MO NA, baka tawag lang ng LAMAN yan or NAIIHI ka lang.
ā€œang nararamdaman mo na kilig ay galing sa pituary gland na nag papadala sa utak natin ng pakiramdam na kinikiligā€ kaya bago ka magmahal, tignan mo muna kung ano ang priorities mo.. malay mo kakahanap mo sa letcheng mahal na yan, nakalimutan mong mahalin sarili mo...
0 notes