Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/a5fa86cf6895bb7a8c0de456d23ea603/tumblr_nyq7w0rE8e1qckutxo1_540.jpg)
Half of my life I am dealing with Acne Vulgaris: face, chest, bacne, name it, I have it.
It was back in my freshman year (HS) when I realized these aint just white or black heads poppin'. Those years had me crying buckets of tears to my mom. Alam din ng close friends ko how I rant about it. Jumped in to different dermatologists just to have this treated, consumed a lot of cashings as well. Pati tita ko nag offer na ng āŖ#ļæ½ļæ½Beloā¬ para saakin. Hahahaha
I was diagnosed with polycystic ovaries syndrome almost 3 years ago after I had an ultrasound, prior to that I experienced irregularity in menstruation that sorted the OB-GYNE to prescribe me with hormonal pills for 6 months and thankfully it regularized my menstrual cycle.
I've also taken oral and topical antibiotics since Acne Day 1 and when I have outbreaks and that super duper mega ultra big zits all over. Nakakatulong naman sila. However, that didn't stop my acne to show so my dermatologist on the otherhand prescribed me with accutane, a drug that controls the sebaceous gland to overproduce oil that promotes acne and I took it religiously for 2 months out of 11 months she computed. I stopped because upon blood checks, since its hepatotoxic, it gotten my liver enzymes to shoot up and that signals me to stop. A no no for me. Ayoko namang mamatay agad. And besides hindi alam ni Mama yung pinagagagawa ko nung time na yun.
During that time, almost 2 years ago, I had an emergency operation. Polycystic ovaries got excited and all that and then poof it became coco crunch... Nah, it raptured. MDs, they were able to extract 500ml of blood inside my tummy. Imagine that internal hemorrhage can cause me to say bye-bye, thank God I had it removed. PS. wala na din pala akong appendix. Hahaha. So I have the marks beside my navel. Isa na akong ganap na operada.
I eat veggies naman, I drink a lot of water, I even have so many derma products... Since I rarely sleep on time or early, isa ata to sa dahilan kung bakit may pimples pa ako. I prefer tuna/fish or chicken than meat but since I am not at home making them for myself, at wala kaming supply for that instance, I still eat pork or beef and fast foods. May vitamin C naman ako na tini-take din. As for my regimen, I found a product that works for me, siguro nakatulong yung accutane saakin tsaka mas naging ok nung gumamit ako nun prod na yun. Its much cheaper and also works well for me.
Sabi nila sa pag tanda ko mawawala din to tsaka kung sino man ang magmamahal saakin kahit my pimples ako e sya na yun at matatanggap ako. Jusko, para naman helpless na tong condition ko, e tigyawat lang naman. Excuse me, I still feel pretty. Mas magandang naappreciate mo muna ang sarili mo kesa magantay kang may magappreciate sayo. Hindi man ako biniyayaan ng makinis na mukha at perfection, hay nako Day, i-hashtag mo yan. āŖ#ābutinalangmagandaakoā¬
Daily rants lang, since you know, I am that madrrama. smile emoticon
7 notes
Ā·
View notes
Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/49153ba211c79c29605d44c751c07e84/tumblr_nyb1dbA1om1qckutxo1_540.jpg)
May kwento ulit ako: isa akong witness.
May patients kami, 3 sila, actually, isang pamilya (tatay, nanay, anak). Lahat nakaconfine at lahat nagka-lagnat.
Unang pasok ko, madilim yung kwarto, yung parang hindi pwede silang sikatan ng araw, yung tipong mga bampira sila sa dilim, yung mukhang pang horror house. Pag lapit ko sakanila, nagpa-kilala ako, "Ako po si Marra, isa po sa magiging nurse nyo ngayong araw." (English ako kasi banyaga sila). Walang imik. Walang response. Ni-hindi mo sila makausap ng maayos, at hindi sila makamulat. May lagnat sila at may dinadaing na sakit. Bilang isang nurse, nilapatan ko sila ng lunas: yun yung mga independent, dependent at collaborative kung tawagin sa nursing care plan (at bigla kong naalala ito nalang kaya ang gawin kong NCP? Requirement kasi yun). Ito ay ang pag-lalagay ng malamig na towel sa ulo, pag-punas sa katawan at pag bigay ng gamot, dagdag pa ang pagbigay ng kumportableng environment, pag-papainom ng maraming tubig, pag-silbi sa mga daing nila at pagiging available kung kinakailangan.
Nakatulong naman kahit papano ang mga ito, makalipas ang ilang oras bumaba na din ang lagnat nila at medyo nakakapag-salita na rin sila. May improvement kung baga. Umuwi akong may karamdaman pa rin sila pero mas umayos kesa nung unang pasok ko sa kwarto. Kasama ang iba pang propesyonal, tulong-tulong kaming nag-alaga sakanila.
Kinabukasan, sa shift ko ulit, pag pasok ko, naka-bukas na ang ilaw nila, naka-bukas na ang bintana, maaliwalas na ang paligid at higit sa lahat nakakangiti na sila. Bati ko,"How are you Ma'am/ Sir?" "Feeling better (Sabay ngiti)." Sabi nila. "Im glad to see you smile today, I notice you feel better than yesterday."
May mga bisita na sila at nakakausap na rin sila.
Nakaka-tuwang isipin na isa ka sa mga nagdulot ng "health at wellness" sakanila. Nakakatuwang na-witness mo kung gaano kadevastated ang isang tao hanggang sa naging magaling at maayos na sila. Magaan sa feeling na isa ka sa nakatulong para gumaan lalo ang pakiramdam nila at pag-katapos ay makaka-uwi silang nalutas ang dahilan kung bakit sila nagka-problema.
Yung phase palang na yun mapapaluha na ako eh. Nasabi ko rin to sa kasama ko. Yung feeling na kahit pagod ka pero at the end of the day may napagaling ka, nakatulong ka ay isang malaking fulfillment na yun saakin.
Nagsi-simula palang ako. Alam kong marami pa akong bigas na kakainin pero sa stage ko ngayon, I DONT MIND. Masaya akong isa ako sa libo-libong nars na nakakapag-patunay na sa isang milagro.
Until then.
1 note
Ā·
View note
Quote
Gusto ko pag nagkkwento ako nararamdaman nyo kung anong gusto kong sabihin. Gusto ko pag nagkkwento ako naririnig nyo sa isip nyo kung paano ako magsalita at paano ako mag roll ng mata kung naiirita, paano ako magtapik pag kinikilig at pag seryoso. Wala lang, gusto ko lang. ā
MarraMadrama
3 notes
Ā·
View notes
Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/6708ff6d26e039e518ef18ae6d2d515a/tumblr_ny066kvzVk1qckutxo1_500.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/93448f9b6b12a4159c11787395c35c2e/tumblr_ny066kvzVk1qckutxo2_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/0a85649484ba428f797fbfce386f3709/tumblr_ny066kvzVk1qckutxo3_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/d2be38f0bb2ae5b16efb15497be155a2/tumblr_ny066kvzVk1qckutxo4_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/41f84ffe7f042b406ee952f3fe88f3ca/tumblr_ny066kvzVk1qckutxo5_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/97e729fb7d9a1489715391d09face8df/tumblr_ny066kvzVk1qckutxo6_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/124c1f0577c22ad6f9b66dfb5473b3d7/tumblr_ny066kvzVk1qckutxo7_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/63d43356ca9837f4dee59d0ecee25622/tumblr_ny066kvzVk1qckutxo8_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/008af7aeb51dca089519334098060ae7/tumblr_ny066kvzVk1qckutxo10_540.jpg)
TRAVEL GUIDE: BORACAY
Buwan ng September 2014 noon ng bigla kaming nag-decide ng kaibigan kong magbakasyon sa Boracay, tamang-tama ito sa halos isang buwan din namin na off sa trabaho. Walang kung ano pa man at nag book kami. May travel agency kaming kausap and smooth naman yung naging transaction namin. Limot ko na yung budget namin dito pero rough estimate ay 7000php/each: included na yung hotel, air fare at may mga food vouchers pa sila, 3D2N na yun. Meron silang iba't ibang mode of transaction kaya hindi kami nahirapan makipag-usap sakanila. Ang gastos nalang namin doon ay yung mga personal na chuchu namin, at mga pagkain pa na kung ano-ano. All in all, parang 10,000-11,500php yun. Tama ba? Via Caticlan kami so medyo malayo pa kami sa island mismo, mag-iisang oras din yung byahe galing sa Airport, arrangement na ng hotel na may magsusundo saamin doon kaya less hassle. Maaga yung byahe namin pero nakarating kami doon lunch time na siguro kasi marami kaming dinaanang pwerto. Nag-enjoy ako sa trip na yun, may mga kasama kami sa bus, family din ata yun at isang grupo, kaya medyo maingay yung bus, yung ingay na hindi nakakabingi kasi tawanan lang sila ng tawanan. Syempre kaming dala nung maaga yung flight e natulog lang ng bongga at nagising nalang kami papa-akyat na ng bangka papunta sa isla mismo. May travel/environmental fee doon, siguro mga 70php yun kada isang tao. Pagdating namin doon, may nag-yaya saamin sa Astoria hotel, isang agent, babae yun. Libreng lunch daw yun, so since malapit naman yun sa hotel namin, pumayag kami. Libre nga, pero makikinig ka sa lecture at tour nila, inabot kami ng 4 na oras din dun kasama yung lunch. So tama naman at after namin ikutin ang Astoria, e nagmuni muni na kami sa beach, madilim na kasi. Ang ganda ng sunset sa beach parang pwede ko syang titigan hanggang sa humalo ang mga kulay orange at yellow sa blue at green na tubig. Ang gandang tingnan ng isla ng Boracay, kakaiba naman sya sa paningin ko, at ang sand nya, warm, pwede kang pumagulong-gulong sa sand nito kasi malinis at pino (maghahanap ka nga lang ng spot kasi lahat may tao). Marami ding nakapalibot na activities sa harap ng hotel namin, Station 2 kasi kami, so alam na this. Buong magdamag wala kang hindi pwedeng puntahan kasi puro ito inuman, gimik, at iba pa. Unang activity namin yung skim boarding, 300 yung isang oras. May nagtuturo naman saamin at nakaka-ilang sigaw din ako dun, nakakaloka at impatient si kuyang natuturo saamin: Kuya: First time? Kami: OO, bakit po? Kuya: Halata, sigaw kayo ng sigaw. Ako: *Sa isip ko: Loko to ah!* *Inasar ko pa sya.* Paikot ikot kami doon, Station 1 - Station 2 - Station 1 - Station 2 sa unang gabi namin. Yung mga vouchers namin na libre galing sa Travel Agency inisa-isa na namin, libre na dinner namin doon. Red Coco (?) pizza house yung unang pinuntahan namin kaya drinks nalang yung binayaran namin doon. Tapos nag cocktail pa kami sa isang open bistro. Umupo kami doon, tapos itong si Kris, yung kaibigan ko, napa-kanta, marunong kasi tong kumanta kaya pinilit na namin. Ayun, parami ng parami yung tao. Nagpa-braid din si Kris ng buhok nya parang 100php ata yun, naki-pagkwentuhan na kami doon, mabait yung nagbraid sakanya, babae yun. May kasama syang banyagang lalaki at Daddy ang tawag nila doon, residente na daw siya doon. Una daw, pabalik-balik daw sya sa Bora kasi nagandahan daw sya sa lugar, tapos ayun, di na bumalik sa bansa nya. Di pa sya sanay mag-salita ng tagalog pero nakaka-intindi naman daw sya. May mga kaibigan na sya doon, at dun daw madalas ang tambayan nya sa spot na yun. Ako, gusto sana mag-pa-henna, iniisip ko, sayang pera, chos lang! Marami kaming nakitang banyaga doon, mostly nga lang Koreano. Aba! Malaporselana ang mga kulay nila, walang pores kaso wala ding dibdib at konti lang yun may korte ang katawan. Sa isip ko, may lamang parin ako ng konti, mga 20/100 lang. Pagkatapos non, ikot ulit kami. May tugtugan sa isang hotel, ako naman syempre tugtog yun, kaya ang pwet ko, may sariling buhay, sumayaw sayaw ako doon, nagpa-pilit muna ako at binigay ko naman yung cellphone ko sa kaibigan ko (aba! matinding documentation dapat to). Ikot ulit kami, walang pahingang gabi yun kasi nagpunta kami para mag-enjoy doon. Siguro mga 12am na din kami umuwi non. After, nag Banana Hut (?) kami, syempre sabi ng pinsan ko try ko daw yun. Akala ko naman e malaking restau sya kaya hanap kami ng hanap, isang oras yung ginugol namin para hanapin yun, eh sobrang liit lang pala nun at nasa-looban pa. Pero masarap yung cocktail nila doon. Siguro nasa 120php ang non-alcoholic doon, syempre saakin yung may alcohol diba? What is Boracay without alcoholic beverage? May mga souvenir shops din doon, mga mura lang din ang mga products nila, 10php may keychain ka na, depende pa sa dami at way mo ng tawad doon, may binili din kaming ref magnet para sa pamilya ko at refs nila. Doon na din kami nag-hanap ng activity para sa kina-umaga-han, may nakuha kaming deal, more than 2000php ata yun, or 1600php each ata: Parasailing, underwater churva, mura na yun sa mag-hapon naming pakiki-bargain. Second day namin, ayun, maaga kami pumunta doon sa meet up place, kabila ng Station 2. Kaso medyo madilim ang kalawakan kaya nag-dadalawang isip kaming tumuloy. Pero ayun, sa ngalan ng "fun at enjoyment" pinush namin yun. May guide naman sila doon, ata sinasabi naman nila saamin kung bawal, or hindi na pwede kaming matuloy. Safe naman kami all throughout ng activity namin. Parasailing: Ang ganda sa taas, hindi ako natakot at nagenjoy lang ako sa itaas, gusto ko ulit yun maulit. Chillax lang yun, at nakaka-enjoy kasi hindi pa sya mainit kaya hindi masyado nakakaitim yung panahon nya, naulan ng konti, at mahangin kaya mas malakas yung hatak saamin. After nun, underwater naman kami, buti nalang may picture at may CD pa na kasama, kaso syempre may bayad din yun, hati nalang kami ni Kris, tutal soft copy lang naman ang kailangan namin, pang-post lang sa instagram. May activity pa sana kami kaso hindi na pumayag sa coast, delikado na daw panahon. Ayun, ikot ulit kami, naghanap naman kami nung shake house, may voucher pa kasi, doon na kami tumambay naman, Station 1 yun sa may grotto. Sobrang layo sya sa spot namin pero ok lang, ang haba ng stretch ng Boracay pala. Sa layo nitong shake house saamin, mas napansin kong less ang tao, less ang dumi, at mas nag pure yung itsura ng beach at sand. Mas maaliwalas syang tingnan at apakan. Mas kalmado ang tubig kahit yung agos nito at napa-bilis gawa nung hangin.
Noong magdidilim na, lalong naging matao ang dinadaanan namin, lalong umiilaw ang bawat poste, lalong nagiging party place ang beach. Nakapag-isip kaming mag-cocktail ulit ng kaibigan ko, at doon sa malapit sa hotel namin na bar, may nakilala kaming 3 foreigners. Una, ayokong lumapit doon kasi di ako fan ng notion ng foreigner/pinay (sorry naman) pero wth! nasa Boracay kami for crying out loud. So buti nalang itong kaibigan ko ay likas na friendly kaya itong mga Belgian waffles ay naging kausap namin.Mababait naman sila, DJ sila sa bansa nila, 22-24-24 ang edad nila, so di din naman nagkakalayo sa age namin. Not bad. Ayun, nag-usap-usap kami hanggang 11pm ata yun at nagkayayaan na lumipat ng bar. Hindi gusto ni Kris yung vibes kasi puro mga older men at liberated yung andun kaya umalis kaming dalawa at iniwan namin yung 3 doon sa loob. At ayun, natulog na kami kasi kinabukasan ay may byahe pa kami.
Hindi naman kami nagswimming ng bongga doon,dinampian lang namin ang kaluluwa namin ng Boracay vibes at hindi kami nabigo. Short hair pa ako noon, at medyo malaki din yung katawan ng kabigan ko, kaya pareho nalang kami nag lipstick ng bongga kasi may nagtatanong, "Couple?". Kaloka diba? Hello. Masarap mag bakasyon sa lugar na hindi mo kabisado, hindi mo kakilala, ibig sabihin sa puso mo may chance na mag-karoon ka ng self renewal, may chance sa sarili mo e makakilala ka ng ibang tao, open kung baga at malay mo doon mo makita ang forever mo. Yun nga lang, hanggang ngayon, wala pa akong forever.Ā
Until then...
0 notes
Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/92c9f4e542754bdd5c341856106c321c/tumblr_ny05sqfMi81qckutxo1_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/73b0ecf7ba126fa60819f563588bc1a2/tumblr_ny05sqfMi81qckutxo2_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/7003c78eb65a4da36221a99a556656f0/tumblr_ny05sqfMi81qckutxo3_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/2fdf3af1fce083eeeb328d5e4e2d684f/tumblr_ny05sqfMi81qckutxo4_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/c3a6deb0bcbf655cb64a9c54f81e3e9f/tumblr_ny05sqfMi81qckutxo5_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/3bc1c1f192b3e380188b0e1e21e2a609/tumblr_ny05sqfMi81qckutxo6_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/9a6dd354278997b69fb1c2bb7320034c/tumblr_ny05sqfMi81qckutxo7_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/b34133599c97f4bc0cbe0534709ded51/tumblr_ny05sqfMi81qckutxo8_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/1ac92e05ed72e4291a862d6e84300cd5/tumblr_ny05sqfMi81qckutxo9_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/5d94d06aff5c19bcd56f4ff1a6e2c3d1/tumblr_ny05sqfMi81qckutxo10_540.jpg)
TRAVEL GUIDE: SUKHUMVIT
July 2015 ng na-invite kami for the meeting sa Bangkok. Isa ako sa ma-swerteng inimbitahan para doon, nagmadali akong i-renew ang passport ko kasi pa-expire na sya sa October. Sa DFA Alabang na located sa Metro Gaisano, nagpa-appointment ako para mabilis at walang hassle. Nung araw ng appointment ko, around 8am, dala ko ang 1200php ata na fee para sa rush nito then documents like: old passport at valid ID. Very efficient yung mga staff ng DFA, nag-s-smile sila at mabilis din ang trabaho, organized din sila, so in a span of 30 mins, tapos na ako. And in 10 days, delivered na yung aking passport. I am ready to join the trip! All expense paid yung trip namin from plane tickets, transfers at hotel. So ang gastos lang talaga namin ay yung mga personal na binili namin. Budget ko P10k, pero siguro mga P3-5k lang nagastos ko. Yung exchange rate noon ay P1.50 = P1.00, kaso $100-200 yung ginamit namin, at hindi ko na matandaan yung conversion nun in Peso sa time na yun. Travel time: almost 2 hours din yun, maganda yung airport ng Bangkok, pag labas namin, habang nasa byahe, mukha lang pinag-halo halo na Manila, Makati, Pasay puro sila overpass. Ang climate nila dun mainit din kagaya sa atin, at may traffic din, yan din kasi yung comment na nababasa ko online at mga nakarating doon. Yung mukha nila, kamukha lang din natin, di ko nga ma-distinguish kung mga Pinoy o taga-Thailand sila kung hindi sila magsasalita, base yung sa obserbasyon ko. Mahigit 20-30mins din kami sa byahe galing BKK Airport to Westin Grande Hotel, Sukhumvit. Centro kasi yung hotel na pupuntahan namin, tapat lang yun ng Terminal 21 at iba pang mga prestigious malls, around the area lang din yung platinum, then yung mga tiangge-tiangge nila. More than my expected accommodation yung stay sa Westin Grande, 5-star hotel kasi yun. Isang deluxe na kwarto kada participant, so 4 kami sa opisina at may hahabol na isa pa. Sobrang ganda ng room, may office table, may coffee table at flatscreen, ang ganda din ng CR at ang amenities nila, bongga din. Para saakin na jologs, sobrang kakaibang experience naman yung kinainan namin na buffet breakfast, iba't ibang klase yung food nila doon; japanese, pasta, bread, desserts, fresh fruits, fresh everything. Nakaka-takam lang lahat ng food nila. Heaven ang feeling ko for the whole stay during breakfast time. Halos apat na araw din yun, kaya pati supplies ng CR kumuha ako, sorry, Pinoy na Pinoy kasi. Mas sumaya pa ako kasi super bango din ng hotel na yun. Lahat ata ng sulok doon may scent. For more details: Top Ten Shopping Malls in Sukhumvit Wala kaming sinayang na oras doon, may tour guide din kami, yung Boss ko, madalas na kasi syang nandito kaya alam nya na yung mga magagandang punthan. Kaya pumunta agad kami sa Emporium Shopping Center, mga bulk items yung doon, mga dapat bibili ka ng 10, ganun, para mas makakamura ka. Via taxi kami, pumatak ng 80 baht yung isang ride kasi traffic, mga 20 mins galing Hotel din yung byahe. Binaba kami sa may kalye lang din, naglakad pa kami, parang Pinas lang, Maynila to be exact, mabaho yung imbornal nila at may mga bystanders din, madumi nga yung paligid bago kami umabot ng mall. Yung Platinum mall naman, parang divisoria ng Pilipinas, walking distance lang sya galing Emporium mura yung mga damit, kaso yung mga nabili ko, halos kasing price lang o mas mahal pa kesa sa Pinas, naka-aircon din yung mga malls nila. After kumain kami sa 5th floor ng Platinum, nagsilbi rin itong tagpuan namin incase mag kawalaan at maghiwa-hiwalay kami. Ang mga kinain ko yung hindi nakakain sa Pinas, mga noodles noodles na lasang Thai, syempre, eat like a local daw. Ang galing ng payment nila, parang debit lang, bibili ka ng 200 baht na card loadable yun then yun yung isswipe nila sa kada stalls nila, kung sakaling may sukli, at ayaw mo ng gamitin, pwede mo ng irefund sa ibang cashier station naman. Nakauwi kami via Tuk-tuk, syempre sinubukan namin yun, 60-70 baht ata yung isang ride. Gabi na kasi kaya medyo mahal. Umuwi kami ng puro plastic yung dala namin,Divisoria feels at Thailand. Hindi pa natatapos ang araw saamin noon at pagkatapos namin ilapag ang mga pinamili namin ay nag BTS kami papunta ng Asiatique, nasa tapat lang kasi nung hotel yung BTS, or MRT saatin, dalawang sakay yun, pero para connecting din, malinis at maluwag yung bullet nila at maayos pang tingnan, well-maintained, yung mga pasahero, hala puro iPhone user, nung time na yun, teenagers at students yung kasabay namin. Yung papunta sa Asiatique, pwede via Taxi at BTS-boat ride, pinili namin yung may boat ride, para maiba naman. Mga 10 mins na byahe galing BTS-boat ride-Asiatique. yung lugar na yun floating market na tinatawag kasi nasa river sya mismo, malaking lugar ng kainan, bars at #instagrammables. Around 11pm na kami nagdecide umuwi, nag-enjoy kami ng bongga doon, pero antok na sila, ako buhay na buhay pa. Ang diwa ko kasi, sobrang saya dahil sa panibagong experience. Wag dapat sayangin. Second day namin, umikot kami sa mga Templo. Wat ang tawag doon, Wat Pho, Wat Arun, at yung isa pang di ko na patandaan yung place, ang ganda ng mga lugar na iyon, inikot namin yung mga yun kahit sobrang init. Yung Wat Pho, may bayad dun, 50 baht at 20 baht deposit/rent para sa sarong, bawal doon ang nakashort or sleeveless, sagrado kasi kaya nagpapa-rent sila nun. Simula nun, gusto ko ng bumili ng sarong na ganun, ang ganda lang sa katawan ko. Nasa listahan ko na sya ng what to bring back home. Ang ganda ng designs nila, parang mga basag basag na sosyal na plato yung mga ginamit sa kada structure, gusto ko ang kulay, simple lang at hindi masakit sa mata. Yung ibang temple, moss green, yung iba naman, red at gold at yung iba, gold at white. Yung mga buddha naman nila may mga history syempre, nagbigay sila noon ng leaflet para mabasa namin. Sa Wat Arun, mga 7 mins galing sa Wat Pho, may bayad din, 60 baht ata yun, may libreng bote ng tubig, pamatid uhaw, dun yung nakapwesto si lying buddha. Yung last namin na Templo, hindi na kami nakapasok, sobrang daming tao at kakapusin kami sa oras kung nakipag-siksikan pa kami sakanila. Sa lahat ng templo na pinuntahan namin, isa sa mga wish ko, unti-unting natutupad. Yung iba, alam kong, nasa process pa yun at mag-aantay ako ng tamang panahon. Kinagabihan, nagpa-massage kami sa ibaba ng Hotel, sabi kasi ng Boss namin, dapat matry namin ang massage ng Thailand, specialty daw nila yung foot reflexology, nakaka-relax. Gusto ko sana matulog nun kasi yun naman yung nagagawa ko parati, kaso since katabi ko kwento ng kwento, ayun, natapos yung relaxing na massage ng gising ako, bagong ligo kami nun bago kami nagpa-hilot kaya ang sarap ng tulog namin. Sa third day namin, meeting na kami, isang buong araw din yun ng protocol discussion ng isang upcoming na clinical trial. Sobrang innovative talaga natin, sobrang technological at futuristic. Yan lang ang masasabi ko sa mga Clinical Trials. Pang apat na araw namin, meeting ulit, pero buti na nga lang at half-day lang, continuation lang ng kahapon namin na topic, naging speaker noon isang Doctor sa pinagttrabahuhan ko, matatalino sila at very knowledgeable, talagang alam nila ang topic na dini-discuss, kung may kailangan i-clarify, agad-agad ang response nila. After nung meeting namin, umalis ulit kami, bumalik kami sa Platinum at Emporium para ipagpatuloy ang pamimili, pasalubong at iba pa, last stop namin yung Terminal 21, nasa tapat lang naman ng Hotel. Nung patapos na yung araw, nagdecide kaming pumunta na isang shopping street, hindi ko maalala yung lugar na yun kaya nag Waze kami via taxi kami, apat kami sa taxi kasi hindi na sumama yung Boss namin. Sa lugar na yun para naman syang Baclaran, nasa stalls lang sila, hanay-hanay, mas makakatawad ka kaya dapat magaling kang makipag-bargain. Nakabili ako ng T-shirts ng kapatid ko, maganda kasi yung tela nila, pati na rin yung pinaka-aasam ko na sarong. Thank goodness! Ayun, one to sawa kami sa mga lakarin, kumain sa kung saan at makakita ng kung ano-anong tanawin. Sarap bumyahe, sarap maka-experience ng bago. Ayun, sa susunod ulit.
0 notes
Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/24ebf7ded25a4535fb6f603d2e25fc6c/tumblr_ny05m8QDPX1qckutxo1_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/f5726118f646dfe0f1a0b9d8ab04d60f/tumblr_ny05m8QDPX1qckutxo2_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/8e0d9533020f824e128ff9a43428556c/tumblr_ny05m8QDPX1qckutxo3_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/2d6465ec50d5329b78a193186d5b675a/tumblr_ny05m8QDPX1qckutxo4_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/87612b6c32d3504e69ef33f0e49b0e55/tumblr_ny05m8QDPX1qckutxo5_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/a312996a91aeb5d2f86a922d10a96f61/tumblr_ny05m8QDPX1qckutxo6_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/2af5f6aa05a6e31d0f304ad68099d38d/tumblr_ny05m8QDPX1qckutxo7_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/fb7f52d50e95b267d7d658f57daf5181/tumblr_ny05m8QDPX1qckutxo8_540.jpg)
TRAVEL GUIDE: TUGUEGARAO CITYĀ
Sa dalawang beses kong pagbalik sa Tuguegarao City (5 araw na review at exam, at 3 araw na nilaan para sa graduation ng MSN) masasabi kong nag-enjoy ako sa lugar na yun.
Ways to get there:
By plane: Yung ticket nag-vary ng 1,600php - 1,900php nung pagkakuha ko, hindi pa sya sale. One-way lang yan, may kamahalan, pero kung may sale seat makakamura ka naman for sure. Meron silang Cebu Pacific (malaking eroplano) at Philippine Airlines (maliit lang yung plane na gamit). Yung travel time naman nya: 1hr and 15mins saamin.
At by bus: Pwedeng sa Kamuning, Cubao at Sampaloc na terminal. Byaheng Norte kaya Tuguegarao yung sign, Florida yung sinakayan naman namin pabalik. Ranging from 600php - 700php yung ticket/one way lang din yan 12 hours yung inabot namin sa daan.
Sa 5 days na unang stay namin doon, saĀ Balai B + BĀ kami nagstay, affordable and convenient sya kasi super lapit nya sa kainan, gimikan at supermarket, pwede mo ng lakarin, kung hindi ako nagkakamali, Burgos St. yung lugar na yun, first time ko naman kaya ginamit ko angĀ WazeĀ na application, helpful talaga sya. With regards to food, sabi saamin ng may ari, per request yung gawa nila, kami kasi (15 ata kami sa batch na nandun) hindi na namin in-avail yung breakfast. Maayos ang facilities doon, at kung nagkataon na may bara, sira or anu man, may assistance naman agad sa may-ari, Tito Oscar yung name nya.
Syempre hindi maiwasan as a turista na maghanap ng ka-aliwan doon, sa tulong ulit ng Waze at mga lokal doon, nakarating kami sa Macapagal Ave, may mga videoke dun at bars. Meron ding walking distance na mga cafe at bistro (Pan de Cagayan, sosyal sya, pwedeng #instagramable din yung place, maliit lang na shop. Yung food na binili ko: puttanesca pasta at margarheta na pizza, thin crust yun) at parang sa Makati na Banchetto, Luna strEAT yung tawag sa lugar na yun. Dun kami madalas tumambay pag-after 5pm, masasarap ang pagkain dun, lalo na yung Thailand style food stall nila dun. May mga waiter sila kaya malinis din yung lugar na yun, punuan lagi dun, siguro kasi syempre masarap at affordable yung food nila.
Sa St. Paul talaga ang pakay namin dun para mag exam, malaki yung University na yun at very efficient yung mga professors namin, very accomodating sila sa mga estudyente kaya love namin sila. Syempre bago kami umuwi ng Maynila man lang ay kumain muna kami ng mga pansit-pansit nila. Pansit Batil Patung at Pansit Cabagan yung famous dun, na-try namin yun saĀ Hotel Roma. Sulit kasi masarap yung order namin at syempre presentable. Maraming sahog at mabubusog ka sa sarap. Pwede na ring sharing ang isang serving noon lalo na't kung hindi ka mahilig sa pansit at nag-d-dieta ka.
----
Doon naman sa 3 araw namin doon, pangalawang beses kong pagpunta; graduation na kasi yun after a month. Nakapasa naman kami lahat ng Batch 11 sa compre exam. Thank God!
Sya nga pala nasa Centro lahat yung mga pinuntahan namin kaya 10php lang yung bayad/ person, so kung ok lang sayo ang lakaran sa initan, makakatipid ka ng bongga.
Unang araw namin ay wala kaming sinayang: 12pm kami nakarating doon at nag lunch lang kami sa malapit na restau saka pumunta ng St. Paul at kinuha ang toga at invitation para sa kinabukasang graduation, after nun, Luna strEAT ulit kami, pinatikman ko kasi yung food sa kapati ko, first time kasi nya sa Tuguegarao.
SaĀ Hotel JoselinaĀ kami nag stay, 1,000php yung room, deluxe na yun, maganda rin yung ambiance nya, tema ng hotel parang makalumang bahay, puro kahoy yung wall decor pero maayos din ang service nila.
After nung graduation namin, tuloy tuloy na gala ulit kami, pumunta kami bahay ng kaibigan namin (di ko matandaan yung place ng nila eh), residente kasi sila doon, mga 15mins na byahe galing sa tinuluyan naming Hotel Joselina. Saka kami pumunta ng Callao Cave, kaso late na rin kami naka-alis since nagchikkahan pa kami sa bahay nila. Alas-singko ang closing time ng cave buti nalang nakahabol kami, mahigit 30-45 mins din ang byahe galing bahay nila, dun nag-shooting yung "The Mistress" syempre #instagrammable yun.
Kinabukasan, sa Piat Church naman kami pumunta, may flight kami ng 3pm so dapat ma-maximize namin yung stay doon, 7am (late na yun) byahe kami papuntang Piat Church, 45 mins yung byahe galing Joselina, saglit lang kami dun, nag pray, nag wish at nag picture, dun din kami bumili at nag pa-bless ng glow in the dark na rosary, pasalubong.
Around 10-11am, sa Light House na kami bumili ng ibang pasalubong: Chicharabao, Carabao candy at iba pang delicacies nila, sayang at wala kaming naiuwi na longganisa kasi wala kaming ref sa apartment.
Yung travel time pala ng bus station galing centro (Tugue) ay 10 mins, at papuntang airport ay 10-15mins din depende sa traffic.
Ayun, next time ulit.
0 notes
Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/c04a1d30f69c3f6dcbf75912dd15ef20/tumblr_ny05esW13a1qckutxo1_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/e47ed1e32e03c59fff8430d7cf1d345c/tumblr_ny05esW13a1qckutxo2_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/92832d4d751cba723a959ca447b97610/tumblr_ny05esW13a1qckutxo3_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/e043f95b3251d5b21a093db2c482e435/tumblr_ny05esW13a1qckutxo4_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/f93acc36364a7dcdf04239a192ae00a0/tumblr_ny05esW13a1qckutxo5_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/3efe8b1e70b80191a4b04815bdc4aab5/tumblr_ny05esW13a1qckutxo6_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/1c8c14f2b9ee020aae4de4515511696a/tumblr_ny05esW13a1qckutxo7_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/566e399108f4820097bd54ab07daf721/tumblr_ny05esW13a1qckutxo8_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/75822221b309d493ee432096b6611b59/tumblr_ny05esW13a1qckutxo9_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/71d05823ce402a12b09e009eda378647/tumblr_ny05esW13a1qckutxo10_540.jpg)
Halos papatak na 3630php yung gastos namin /2 = less than 2000php/each. Pasok sa banga!
Hindi man sumakto yung offset ko sa Birthday ko e ok na yun, buti nalang magka-sabay pa kami ng kapatid kong naka off nung Nov 5. Wala akong plan mag-celebrate, kaso sayang ng araw at tamang-tama naman ay may time kami para makapag-relax.Dali-dali akong nagsearch kung anong magandang puntahan na malapit lang sa Quezon City. Antipolo ang unang-unang pumasok sa utak ko. "What to do in Antipolo" ang guide ko, turistang-turista lang ang datingan. Walang isip-isip at nag set na ako ng oras ng alis, ng pupuntahan at ng budget namin.So ito ang naging ruta namin: 1. From MRT Cubao sumakay kaming Van papunta ng Antipolo mismo (buti nalang at may "How to get there" sa google, Haha.) - 50 pesos each yung fare at bumaba sa may Our Lady of Peace and Good Voyage Shrine, dito din kasi ang terminal nila.
2. Una, syempre dumaan kami sa Shrine para magpasalamat, humingi ng tawad at guidance, at nag-wish, sabi kasi nila, pag-first time mo sa isang church, mag-wish ka. Maganda ang history ng Shrine at ukit nito. Matigas na kahoy daw ang gamit sakanya at lalong tumatagal e lalo syang tumitibay, parang puso. āŖ#āhugotā¬. Nagsindi kami ng kandila dun at nag-offer ng mass para saamin special intentionssss.
3. At dahil āŖ#ācommuterphā¬ kami, kailangan alamin namin ang mga pasikot-sikot sa lugar na yun. So nagtanong kami sa mga authorized na tao, ang next stop kasi namin ay: ā¬#CrescentMoonCafe (Tricycle nun, 60 pesos) maganda yung reviews dun, fresh ang luto at may pottery lesson galing mismo sa may-ari. Unfortunately, hindi sila nag-aallow ng walk-in, reserved dapat sila at may time. Tues - Wed merienda 9am-4pm, Thur- Sun lunch 12pm-2pm, so Monday closed sila. Si kuya Ricky yung nag-guide saamin nun, accomodating siya, sayang nga at hindi man lang kami naka-experience dun. Magaganda ang pots na nakadisplay nun, may-ari nun si Lanelle, yun yung naka-ukit na name kasi sa mga pots.
4. So lumipat kami ng place nalang: āŖā¬#PintoArtMuseum naman kami (Tricycle: 80pesos, kasi inikot-ikot kami ni Kuya driver, pero unang usapan namin 60pesos lang). Maganda din sa Museum may 180php each na entrance fee. Kulang ang ilang oras nyo lang dun. Pwede ngang from lunch till 5pm dun eh kasi may cafe and restau sila dun, yun nga lang, medyo pricey ang food, masarap yung carbonara na inorder namin, 360pesos ata yun good for sharing na din naman tas nag sandwich pa kami na 150-200pesos ata yun, 3 pcs na dalawahang subo. Hahah. Anyways, ayun, yung mga paintings, sculptures at designs dun well-separated base dun sa motif/theme nun. May sci-fi, may morbid/dark, may mga out-of-this-world (itsurang ET kasi) at syempre abstract talaga. Hindi ako masyadong nakaka-appreciate ng maraming kulay, mas type ko kasi yung plain at minimalist lang, (hindi man halata sa itsura ko pero opo, plain at simple lang). Marami silang gallery, meron silang veranda na mukhang mediterranian style, tas mamaya nasa ibang dimension ka nanaman. Super nakaka-relax, kung sakali ngang wala kaming ibang pupuntahan, magandang mag-muni-muni dun, mag-emote hanggang maibuhos ang lahat ng nararamdaman mo. 5. Sunod naman ay papunta na kami sa main destination namin: Luljetta's Hanging Garden and Spa, Loreland farm yun, galing museum 100php yung bayad namin (malayo at mahal talaga ang tricy, ever). Napaka-amazing ng view sa āŖ#āluljettasā¬. Again, kulang ang isang araw dun. May package kami na kinuha, buti walang masyadong tao, first come first serve kasi sila at by reservation din, naginquire na din kasi ako the night before kung marami sila at kung pwede pa kami maaccomodate. Ang calming ng surrounding nila, lahat ng stations may refreshments (lemon, mint at cucumber water) iwas dehydration din yun. Included sa pack na kinuha namin, 1100php each ay hyrdropool, infinity pool, Dr. Fish spa, jacuzzi at sauna, sa iba pang rates at package may website sila: bienvenidotours.com. May free use of robe at slippers din, syempre bawal dun ang loose shirts, swimsuits talaga dapat at may free crispy suman at juice. Masarap yung servings. Partida din ang mga āŖ#āinstagrammableā¬ na views. Perfect kung gusto mo ng āŖ#ānofilterā¬ na shots, raw footage swak na. 5 hours lang kami dun so 6pm ahon na kami at alis, sobrang nakakabitin kasi parang sa view palang sobrang relaxing na. Picture picture pa kami dun at nakatulog din sa buddha lounge nila.
6. Back to base na kami, 60php yung balik namin ng terminal, tricycle pa rin at Cubao na van ulit yung sinakyan namin another 50php/each yun. Nag dinner kami sa āŖ#āfarmersā¬ after.Gusto ko maulit yung Do-it-Yourself Day tour sa ibang lugar naman. Next time mas maaga umalis mas maganda para sulit byahe.āŖ#āprebirthdaycelebrationā¬
0 notes
Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/e47ed1e32e03c59fff8430d7cf1d345c/tumblr_ny051ht2FY1qckutxo1_540.jpg)
Ang dami kong sinasabi. Mahilig akong magsulat, minsan random lang minsan yung talagang hindi ko ma-open up kahit kanino. Syempre pag naisulat ko na, bawas dalahin ko yun tapos parang nai-share ko na din yun saiba. Ganito ako. Ever since elementary ata or highschool may Dear Diary ako. Nandun yung first crush ko, first boyfriend, first kiss, yung pinag-selosan ko, yung friend ko then eventually naging kami, yung struggle ng isang dalaga, yung sa mga barkada - mostly pala problema ng puso. Marami kasi akong naiisip na kung ano-ano, at hindi ko din namamalayan na humaba na ng humaba ang sinasabi ko. Mas gusto kong magshare sa tao, pero pag kulang ang guts ko, or marami pa akong gustong ibuhos na feelings, ayun... Isusulat ko nalang yun. Noong nauso ang Multiply na website, doon ako nagstart mag-blog, then nawala yung amor ko, lipat ulit sa papel, then nagkaroon ng Tumblr na website, doon na ulit, then papel, hanggang sa kung saan saan na ako nga bubuhos ng feelings. Feeling ko kasi kahit sino pwede magbasa, magcomment man sila, edi wow. Pero ang point ko lang kasi, mas gusto kong nararamdaman din nila yung nararamdaman ko. Kahit hindi sila magreact, gusto ko, alam nila ang sitwasyon ko. Nakakatuwa minsan na may nagbabasa ng randomness ko. Merong isa akong kaibigan, Mark yung pangalan nya. Gusto nya daw kung paano ako magsulat sa blog, ewan ko ba, minsan mali-mali yung spelling, minsan mali-mali din yung point, random nga eh. E nagustuhan nya daw, nung birthday ko ata yun or Christmas matagal na, binigyan nya ako ng pen, "Kate" yung nakalagay, wala naman daw kasing "Marra" na ready na, tapos binigyan nya ako ng maiksing letter, sabi niya, mas maganda daw old school, kaya magsulat daw ako sa papel. Simple lang yung msg at gift nya saakin pero super natouch ako dun. Kumusta na kaya sya ngayon? Anyways, para saakin, maswerte yung mga taong laman ng mga blog ko, ibig sabihin sila yung tumatak sa buhay ko. Sila ang dahilan kung bakit ako may nararamdaman sa ngayon. Minsan lang ako magsulat ng kung ano pag ka-inlove ako. Parang yung blog ko, way ko narin mag-paalam sa mapait na feelings ko para sa kung kanino. Sana ganun nalang no? Pag naisulat ko na, naka-move on na din sana ako. Parang tulad nung book na nabasa ko "To All the Boys I Loved Before", nagsusulat sya ng letters at yun yung end point ng feelings nya sa boy na yun, tapos nakatago lang sa box. Sana isang araw, may maisulat din ako kung gaano kagandang feeling yung main-love ka ng tudu-tudu, tapos super matagal, tapos super intense, tapos super masaya, yung life time: Yung forever. So hangga't wala pa muna na ganun, sana lahat ng kadahilanan ng heartbreak ko, mag bigay ng lesson sa magiging forever ko. Hindi naman siguro sa nagiging anti-social ako sa ginagawa ko no? Na mas nag-bblog ako kesa sa sinasabi ko ito sa iba, nagsshare din naman ako sakanila, kaso minsan lang, mas nauuna pa ang side comments kesa sa buong kwento, kaya tuloy minsan, piling salita lang yung ino-open up ko. Pag nagsusulat kasi ako, feeling ko di ko maririnig yung mga ganung bagay. Mas nagiging bokal saakin yung ibuhos lahat ng katangahan, kamalian ko. Pero alam ko din na hindi lang basta comment yun, isang tulong din yun, advise kung baga, para maiwasan, maaayos ang mga kamalian sa buhay. Ay nako, basta! Ganern yun. Pag nagsusulat din pala ako, nilalagyan ko ng "Until then..." kasi alam kong may susunod pa, marami kasi akong kwento eh.
1 note
Ā·
View note
Link
0 notes
Text
I must realize that this is over
For over a year, my supposed to be Ranger left me over some issues - issues that I would not recommend ranting out for his privacy as well.
This one reminds me of a broken promise. We werenāt couple, we werenāt always hanging out, we communicate seldom but what I felt for him was for real, or was it? We promised to communicate as much as possible (knowing his schedule and type of work is not for an ordinary person), we promised to tell the truth (I did, he did not), he promised me that although he has that type of job, heāll not compromise what we had, and sadly I believed him. How pathetic of me.
Those months were crucial for me. Itās as if I was dating a friendly ghost. āNow you see him, now you donātā but as promised I tried to keep up. Also, in those months it left me with a fulfilled 4-month rule ā that rule was set for me: 4-months of fling, if that exceeds, this/ heās the one. And sadly, it did. We did exceeded. The four months became eight and eight became ten. We did not have any label and we never even publicized āusā. All were new for me, but I still did what I felt was good. Then at the 10th month or so, he broke the news ā the news that got me all devastated.
It was a hard punch for me. I did not even see it coming but somehow my friends did. They knew I was not ok, it was obvious.
Fast forward, I kept my sanity but my heart was on the sleeves. Slowly, I became better and stronger thereafter. Truthfully, healing takes over time so this process was more of a decade for me.
Then this Ranger came back and my consciousness started rewinding again. I seek advises and hoped a better solution, it all summed up with āMOVE ONā. I knew what to do all along, I am just afraid to face the fact that for 10 persons whom I asked, I wished that at least 1 will conceit me on my supposed-to-be decision.
I was able to talk to him, vented all my frustrations to him and he was quite receptive about it. In fact he said that heās all to be blamed. DAMN RIGHT, YOU A**HOLE. All along, I want him to suffer, to make sure that what he did to me was that one thing I do not deserve, I want him to feel what I felt but I just could not. Instead all I did is wish him well, all the time. I wish him better and to live a full life. Revenge is not even a good answer.
Maybe there are few people whoāll enter your life to affect you so much just to test your capacity to feel. To make you experience all those bad influences and learn from it. Thatāll make you a normal human being. I know everything happens for a reason, I donāt know His plans for me just yet but I know, just like what he said, āThereās be better person for you other than me.ā
And I must realize that this is over.
0 notes
Text
I was not that strong of a person, ya know.
There are many aspects in my life that I regret do: Not able to fight, not able to stand for my own and not able to achieve the best.
I was then taught to blend in, I was taught to give in, I was taught to understand more than to question what they think was best for me. I was taught not to say NO but to accept it. Although at times they taught me that itās okay to take a rest after an exhausting event and ever not quit, they did not teach me to kick harder afterwards. I was taught to go with the flow so I never had the chance to test the current on the other side. I was taught to move on when in fact, I can counter act. I could strive harder. I was always on the safe zone, in short.
I was never pushed to something I didnāt like to do, somehow they gave me options, too. I was given the chance to decide for my own, I appreciated it but thereās always this concern about risk taking that I was never taught to do. Why? Just because I will regret if I happen to oppose that decision: that thought was embroidered in my brain.
There are few things I wished I should have done and being a rebel isnāt one of them. Although, I kind of see them as the strongest person because they stand for what they know is better for them. I just wish I gave myself more time to think through on what I needed and what I wanted the most. I didnāt go for extra mile.
Leap of faith - thatās what I needed to do. Partly itās my fault because I was so selfish to myself that I was not and is not ready to be hurt anytime. I didnāt have the chance to figure out for myself what are those decisions that needed improvement and those decisions that I needed to keep up. I kept myself in the box.
This time, I am realizing every bit of it. I kind of regret what were supposed to be my strengths that turned out to be my weaknesses. N E V E R - T H E - R I S K - T A K E R, I suppose. Not to mention that I may kind of put on the best fight ā I have this strong aura, you know, strong face but never the strong heart.
How about now? I found out, little by little, step by step that I am off to something better. Take the risk. Forget that borderline. For once, I want to feel that my decision, whether it fails, or best succeed is worth the effort Iāve got myself into.
Bring it on.
0 notes
Text
Re-call of so called ātadhanaā
Itās been what? Almost a year since we have last talked. We didnāt have any closure just like what we had the first time we parted ways. It is always your indirect way of saying you havenāt valued us. Yes, you havenāt.
In some ways, I missed you. You had brought the smile on my face. You gave me butterflies. You erased ugly memories and nightmares. And you made me realize that the feelings I buried is meant to live. Yes, you did.
And then, though my fantasies were coming alive, right then and there, you were behind those resentful bitterness that was creeping in me. You caused me trouble. I never thought it would end that way. There werenāt any sign of goodbyes but I guess that abrupt event IS the sign. That became a clear signal that we werenāt meant to be. And I am glad it happened.Ā
On that circumstance I justified that everything has a reason, that there would come a person not to remain by your side but only to teach or give you a lesson: and you did. Again, you did anyways.Ā
This time, when I looked at āusā, I remembered nothing but good memories. Although it ended up too soon,Ā you didnāt wreck me.Ā Instead, you brought back the flame of this stone-hearted woman. And in case, one day, I will see you again, I will let you know that you became part of my maturity. I thank you for that.
Now, this is a good bye.
0 notes
Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/44010b9a066fc93c57753fac5146353b/tumblr_no453o8okl1qckutxo1_540.jpg)
Dear Mama, Happy Mother's day! š°š¼ Salamat sa konting "kalma, patience" na pinamana mo saakin...na hanggang ngayon ay pinapraktis ko pa rin. Salamat sa "kung hindi mo na kaya, rest ka muna" na advise mo but you never taught us how to be a quitter. Salamat sa "Ne, behave kamo dyan ni Nikki, magtext pag nasa apt/bhouse na. Ne, hain kamo? Nagkaon na kamo baby?" na paalala mo saamin parati. Mama, maski may mga pagkukulang kami saimo, at kami ang nagiging cause ng stress mo minsan ta mga "rabason" na kami, salamat sa pag-payag nyo parin na mag-enjoy kami sa kung ano man ang gustuhon mi. Thank you ta namamati mi na mga tigtaram nyo samo ni papa dati pag muya mi maghagad pangrabas o pang-gastos,"Babies, magadal kamo ning maray tas magtrabaho kamo tanganing makabakal kamo kang mga gustuhon nindo". Salamat kasi tinuruan nyo kaming maging survivor at independent in our own ways. Salamat ta tigpapakusog nyo ang buot mi pirmi. Maski habo mi man na sobrang gayun, maraming salamat at pinamana nyo saaming ššš ang ganda ng lahi nyo ni Papa. Thank you kay Baby Marteena šøš¼. PS. SALAMAT SA MGA SUSUNOD NA PAALAM NA RABAS MI NA MAPAYAG KAMO NI PAPA. š Promise behave kami. Hihihihihi. Labyu Mama! Love, Marra Nikki Martee and Papa š
0 notes
Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/76d7f2c97f49c83479a6db2e7132721d/tumblr_nl8qygW2NP1qckutxo1_540.jpg)
#Staycation with these awesome girls. šš (at Azumi Boutique Hotel)
0 notes