the world that she only have and world that she can say whatever she wants to say! (",)
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Nalulungkot. Hindi ko alam kung bakit. Naiinggit ako, hindi ko alam kung kanino.. Hindi ko na alam yung nararamdaman ko. Feeling ko gusto kong sumigaw hanggang mawala ng lahat ng ito. Alam ko na may mga bagay akong dapat ikasay pero bakit ko nararamdaman ito? Ayoko na nito, ayoko nan g pakiramdam na ito… Gusto kong lumimot, gusto kong mawala ng lahat ng nasa isipan ko! Ang bigat lang nito. Habang ginagawa koi to hindi ko alam kung naiiyak o kung anong nais iparating ng mabigat na pakiramdam na to.. Bwiseeet! Pwede ba bukas pag gising wala na to, okay na ko.. Sana wala na lang akong nakilala. Sana hindi na lang ako nag expect, sana hindi na lang ako naging mabait, sana okay na ako.. Pagkatapos ko makamoved on sa ex kong walangya.. Umaasa naman akong sa taong kahit kalian hindi ko naman makukuha.. nabored lang sya, hindi niya ko guto, wala syang gusto. Shit diba? Magkakagusto ka na lang sa taong hindi ko pa kilala.. Kung may mali man sa isinulat ko wag mo ng pakialamanan. Sana bukas okay na ko, sana bukas wala na to.. Gusto ko ng tahimik na buhay, gusto kong sumaya nung wala pa sila. Napapagod na ko.
0 notes
Text
AKO
“AKO”
Paalaala: Bago mo basahin ito, kailangan mo munang intindihin ang isang ako. Maliwanag na walang pumilit, walang nag aya na buksan ang lugar ko. SALAMAT!
Una
Sa una palang ako yung taong hindi mo mapupUNA. Nagtataka ka aba kung bakit? Hindi kasi ako kapuna-puna. Malayo sa pamantayan ng iba at kagustuhan nila. Makikita mo lang ako kung saan tahimik at malayo sa lugar na maraming nila. (Pero sa simplehan? PANGIT kasi ako)
Tahimik, hindi palaimik at mahiyain paulit ulit na sinasabi nila. Ang rason?
TAHIMIK AKO sa mga taong malayo. Malayong maging close ko at mukang malayong makasundo ko.
HINDI PALAIMIK AKO sa mga taong alam ko hindi naman totoo ang rason ko “Bakit ako lelebel sayo kung una pa lang alam ko kung ano ang punto mo.”
MAHIYAIN AKO kasi sa pitong bilyong tao sa mundo nahihirapan akong ianalisa kung sino ba ang dapat at di dapat pagkatiwalaan at dapat dito.
Hindi madali ang ugali ko para kang nakikipag usap sa isang kulang kulang na pahina ng libro. Pero kapag nagkasundo tayo, handa kong buksan ang masayang aklat ko para sa iyo.
Pangalawa
Bukod sa DIYOS, NANAY at TATAY ko, PAGKAIN ang pangalawa sa buhay ko… Ang babaw diba? Hindi kasi ako malalim na tao, kaya sa simpleng joke mo kaya kong tumawa ng todo.
Masaya na kong makita na masaya ang ibang tao lalo na ang pamilya ko. Wala kong hilig sa regalo, mas naaappreciate ko kung effort ang ibibigay mo. Naniniwala kasi ako na “Action speaks louder than words.” Kaya siguro kahit kanino kaya kong mag effort ng husto.
Pangatlo
Pangarap ang pumapangatlo sa buhay ko. Simple lang naman ang gusto ko, yung maging masaya ang lahat ng nasa paligid ko at maibigay ko ang kanilang gusto. Makapagtapos ng MA mapalad na kung umabot sa pagiging DR.
Ang umibig? Oo, Naranasan ko na yan, ibigay mo lahat ng N (nagmahal, nasaktan, niloko at naiwan) pero tumulong sakin yun para matuto at maging masaya(Say no to bitterness)
Pangarap ko din siyang makita na. Pero malayo pa ata kami para sa isa’t isa. (Kung nasaan man siya, “Excited na kong makita ka at promise mamahalin ko rin ang family mo!”
Ang drama ko di ba? Nahawa na ata ako sa mga pelikulang napapanood ko.. Hayaan mo na ako, gusto ko lang naman malaman mo kung ano ako.
Hindi madaling maging ako, misan ng naisip ko paano ako nakarating sa lugar na to kaya nagpasamalat na lang ako.
Basta ang alam ko, hindi man ako mayaman, at kilalang tao sa mudo, marunong akong gumalang sa mga taong marunong sa kapwa niya rin tao.
SALAMAT SA PAGBASA! Nakilala mo na ako, ngayon naman pagpasensyahan mo naman ako sa mga darating kabaliwan ko!
P.S. Mahirap ang magtagalog pero sinubakan ko! Parang ako, mahirap intindihin ngunit kung susubukan mo magiging okay tayo!
0 notes
Text
Mr. Seafarer
Naniniwala ba kayo na pede mo magustuhan ang isang tao in less than a month? Haays. Kasi ako sa tingin ko yung tuwa ko napunta sa ganito. Here it goes... Wala naman talaga akong alam about sa mga Seafarers/Seaman aside sa sinasabi manloloko sila (sila nagsabi nun hindi ako) ng biglang nagkacrush si aqu sa isang torpe na marino. (based sa sinabi niya.)😊 Kasi may nakita akong guy sa IG, nakikita ko na sya dati kapag naglalike sya sa post ko pero deadma pa ko noon, tapos last month parang I felt something about this guy na parang interesting sya (di ko pa alam na seafarer sya) that's why I added him sa fb. Ayun, accepted fb request na. Tapos parang gusto ko sya talagang ichat noon pero sabi ng other self ko DON'T. sinunod ko naman! Hanggang one time, may nagmessage sakin... then BOOM! Siya yun! Kilig mats naman si aqu. Tapos yun, chat chat lang kami but never ako nagbigay ng clue na crush ko sya, most of our conversations kasi kabaliwan lang talaga. I feel so comfortable na kausap siya.. Natutuwa ako sa kanya talaga.. Hanggang sa naging busy na ko sa school and sya sa pagrereview ata (di ko alam kung saan talaga sya busy) di na kami nakakapag usap masyado. Pero if makikilala niya ko dito, alam ko naman na hindi mo naman ako bet, hayaan ko na lang kung saan papunta itong pagkatuwa at paghanga ko sayo.I just wanna say... "HI!!! MR. SEAFARER(POY)!!! OO, CRUSH KITA! WALA PO ITONG JOKE...THANK YOU FOR MAKING ME SMILE SA PARAANG HINDI MO NALALAMAN. NAWAWALA ANG STRESS KO SA PAPERWORKS SA SCHOOL. GOD BLESS AND TAKE CARE ALWAYS MR.! IMY. 😊 *strings,drums,engineer* -maam😊
0 notes
Text
Smiling again!
Sabi nila kapag nagmahal ka kaakibat na daw non ang salitang sakit. Sino ba naman ang gustong masaktan at iwanan. Wala diba! Pero may mga bagay na kailangan na hindi maiiwasan mangyari kapag nagmahal ka. Habang nanonood ng mga palabas sa TV naosip ko. ganon ba talaga kahirap magmove on sa panahon ngayon? Nagkaron naman ako ng mga past relationships pero parang hindi naman ako gaanon nahirapan sa pagmumove on hanggang sa.... dumating SIYA. Masaya sa una pero habang tumatagal nag-iiba. Siguro nga napakabilis kong mahulog sa isang tao at magmahal. Masisisi mo ba ako? Pero kung ano yung dahilan, hindi ko din alam. Mahal ko siya inamin ko yun sa sarili ko kahit sa napakamabilis na panahon. Hinahanap mo at yung feeling na may dumagdag na isang tao na nagpapahalaga sayo bukod sa pamilya mo. Yun ang mga bagay na na alam at nararamdaman ko sa mga panahon na iyon. May mga bagay na akala mo na natural lang at magbubulagbulagan ka na ok lang ang lahat. Pilit mong sasabihin sa sarili mo na okay lang yun kasi feeling mo gusto ka niya talaga at mahal ka niyang talaga. Yun ba na pinipilit mong tama ang lahat at walang mali sa nangyayari. Nagmamahal e, sino ba naman ang taong hindi naging bulag sa pagmamahal. Hanggang sa kapipilit mo na okay ang lahat dahil pakiramdam mo pinapakita niya at pinaparamdam naman niya sayo na mahal ka niya BIGLA NALANG SIYANG NAWALA. Gaano kasakit? Nakakaiyak! Gaano kahirap maiwan? Napakahirap! Magtatanong ka kung may ginawa ka bang mali, may nasabi ka bang di dapat o nagkulang ba ako kahit alam kong ginawa ko naman ang lahat. Lahat ng baga pwedeng maging dahilan hannga't wala kang nakikitang tunay na rason ng kanyang paglayo. Naisip ko rin na maari ako ang naging problema. Yung pakiramdam na gusto mo makakuha ng sagot sa isang bata na alam mong hindi marunong magsalita. Napakahirap palang masaktan at iwan! Akala ko noon, ganon na lang kadali yun na kapag wala na, tapos na! Hindi pala napakasakit at napahirap! Gusto mong kausapin lahat ng tao, gusto mong sumigaw at higit sa lahat ang umiyak... Iiyak ka hanggang sa mawala na ang sakit at hihilingin mo na sana matapos na at mawala na ang lahat ng nararamdaman mo. At doon mo makikita ang salitang MOVE ON! Mahirap, nakakaiyak ngunin dapat! Dahil alam mong walang makakatulong sayo kundi ang sarili mo. Hindi mo parin maiiwasan ang isipin siya pero kailangan mo ibaling ang attention mo sa iba. Maalala mo siya kahit san ka magpunta pero kailangan mo na palitan ng mga magaganda and new happy memories ang mga lugar na iyon. Iwasan ang mga bagay at burahin lahat ng nagpapaalala sa kanya. Mahirap sa simula ngunit masasanay ka din. Ngunit, ang pinaka huling sangkap ANG TANGGAPIN NA HINDI KAYO PARA SA ISA'T ISA. Iwasan na ang panaginip na babalik siya sayo dahil hindi na at ang pag-asang at pag aakalang MAHAL KA NIYA. Harapin ang katotohan, dahil iyon ang makakatulong sayo para sumaya ka sa darating na mga araw. Aminin na natin na parte na ng paglimot ang PAG-IYAK. Hindi ko kinahihiya ang aking pag-iyak dahil alam ko sa paraan na iyon. Doon ko na nakita at naramdaman na tunay at wagas ang aking pagsinta! (Ang lalim diba!) Masasabi ko rin na hindi talaga madali dahil ngayon patuloy ko pa rin siyang hinaharap at binabagtas ang daan para makuha ang dalawang salitang iyon. Alam ko na unti-unti ko na siyang natatanaw. Sa lahat ng ngiti ng aking pinapakita sa ngayon, ay angpag asang pagdating ng tamang panahon ay makikita ko ang liwanag ng kasiyahan. Kung may bagay man akong natutunan yun ang MAGMAHAL at MAGPATWAD. At sa susunod kong mamahalin alam kong mas magiging masaya at mas tapat at tama ang aming nararamdan sa isa't isa. Malapit ko na rin marating ang salutang MOVED ON pero bago ko pa man iyon marating alam kong NAPATAWAD NA KITA. Hanggang sa muli at SALAMAT. Nawa'y maging masaya tayo para sa isa't isa. Salamat sa saglit na lungkot at ligaya.
0 notes
Text
I’m hurting and I have also some regrets. Right now, I cannot do anything but I’m waiting for myself to get tired or be happy. I know it will come not today but maybe tomorrow. :) #positive
0 notes
Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/b3526008f98898b3cbbf1b320db29441/tumblr_o0u4oiDKeW1rwixqmo1_500.jpg)
Starting to fall inlove with you and get jealous with your past. Here I am again doing some crazy stuffs and I hate it.
0 notes
Text
Nagkakagusto na ata ako sayo sa paraang alam ko. Hindi kita kilala, wala akong alam sayo pero sana maramdaman mo. Sana'y wala akong masaktan..
0 notes
Text
evol tsrif
NOTE: I wrote this 11:00 in the evening and ten days after we went to church. It sounds corny but who cares? I’d like to bring back all my memories 8 years ago. (Natuwa lang akong balikan at HINDI dahil gusto ko ibalik kung anong meron tayo sa nakaraan. Hindi ko pala siya isinulat iniencode ko lang sa PC ko lahat ng pumpasok sa aking mumunting mind lahat maalala ko. Nahuli lang ako pag post #impromptu #antokmode)
Nakikita na kita noon, the chubby boy na kasama si V. Naisip ko nga ang bata pa niyo para pumasok sa isang relationship. Malay ko ba na magiging part ka din ng life ko. February 15, 2006 nag-lilinis kami ni R ng room and she told me about you and ipinkita niya rin sakin yung number mo. I saved your number not knowing kung anong pwedeng dalhin sakin non. Siya ang crush mo nun at hindi mo naman talaga ako gusto. (The queston is ginusto mong ba ako?joke hehe)
I texted you and you replied “Hu u?” (You were using the number 0918*****01, actually tanda ko pa dati yung reply mo, isinulat ko siya sa diary ko but sad to say nabasa na si diary hindi ko na maalala… hehehe) Hanggang sa ayun nagdiretso na. Nagkatext tayo, palitan ng messages and ang hindi ko malilimutan ang tanong mo non na, “Pwede ba akong mag-apply?” HAHA! Lakas makatrabaho, ako naman si slow di ko agad nagets. Nagtaka ako noon, kasi bakit mo ko liligawan e si R ang crush mo. (Ang labo lang noon.)
Pumayag naman si ako, nanligaw ka, hinahatid mo ko sa room and siyempre bago pa sakin ang lahat, kinikilig naman ang lola mo. Hindi tayo makapag-usap ng matino kasi siyempre mahiyain ako “noon.”
March 16, 2006 naging tayo, kasama mo si Eldi sa ibabang canteen at sa katabi ng basurahan. (What a nice place diba?tanda ko pa.) May sasabihin ako sayo, dapat sasagutin na kita ng 15 eh, di tayo nagkita, absent ka ata or di ka lang talaga nagpakita. Simula noon lagi na tayong magkasabay halos umuwi, siyempre iba dyip mo. I was very happy at that time kasi naexperience ko lahat yun. (Di man gaanong kaperfect, okay lang kasi alam ko naman kasing nasa totoong buhay ako at wala sa fictional story.) Yung pagkanta mo ng ULAN by Cushei bet ko din yon, sayang kasi nawala yung record sa phone. Hehehe #naalalakolangulit
Naalala ko din nung nalaman ni nanay na may boyfriend na ko, parang d sila makapaniwala kasi ang bata ko pa noon. Hanggang sa pumunta ka nga dito sa amin and nagkita kayo ni nanay. Botong boto sayo yon noon akala mo ba, gusto na ata ikaw na ang maging anak. Yung pangalawang pagpunta mo dito ang the best, ang rection ni tatay, WAGAS.. pero alam mo ba sayo lang humarap ng mas maayos si tatay unlike sa ibang past boyfriends ko.
Ayun na nga, lumipas na ang mga araw, malapit ng mag end ang school year. Nagkaroon tayo noon ng swimming sa Sinipian (memorable din akin yun kahit di ko na halos maalala yung mga nangyari noon.) Masaya an ang mga sumunod na araw hanggang sa nagbakasyon na.
Minsan na lang tayo magkatext, ewan ko ba kung saan ka busy non. Wala na tayo halos time para magtext. Ang labo na noon para sakin eh. Buti nung first monthsary natin nagtext ka. Pinaghintay mo pa ko nun, mag 12am na halos noon. Grabe ka sakin! Chooss! Tapos mag second monthsary wala parin text. Nagtext ka lang nung araw mismo ng monthsary. Ewan ko nga e, akala ko wala na tayo noon.
Hanggang sa pasukan na ulit, nagkita tayo pero deadmahan lang tayo. Di kita pinapansin masyado noon kasi wala naman ako masabi at matagal tayong walang communication. Malay ko ba kung meron pa bang “tayo.” Pasilip silip lang tayo sa room ng bawat isa. (Huwag kang tatanggi ha, may proof ako!hehe)
And then, June 15 2006 lunch break yun, my classmate told me na nakikigbreak ka na and you want to end our relationship. (Hindi ko na sasabihin ang name ha.) Sabi ko na lang “oo.” At nung sinabi mo kung bakit ako hindi ako nagtanong kung bakit nung sunday. Napaisip din ako, “bakit nga ba?” Siguro kagaya ng sinabi ko sayo, kapag ayaw na ayaw na, wag na ilpilit. (batang isip pa noon pero kung ngayon nangyari iyon syemre magtatanung ako.)
Lumipas pa ang mga araw., walang imikan sa corridor, deadmahan to the max and hangin lang ang tingin natin to each other. First heartbreak ko yun. I was sad and it was hard for me to see you every day in school.
After 1 month, you’d decided to transfer in another school; we said goodbyes to each other. (With shakes hands pa nga eh. remember?Hehe) And that’s our relationship ended!
Ang relationship natin parang rainbow, hindi man nagtagal ngunit nasilayan (from MMK). I know to myself na I learned a lesson from you.
The feeling is always there. napaka hypocrite ko naman ong idedeny ko pa ngayon. Kahit dumating pa ang ilang past relationships ko, nandon lagi eh. Nawala na lang siguro when we entered college. Second year college siguro yun, when I realized na, you’re only part of my past who taught how to love. Alam ko meron parin kakaibang feelings pero may doubt na laging kasama kung ano pa ba yun.
Again, I’d like to say thank you. Kung bakit? kasi sayo nagsimula lahat ng experiences ko. Kung wala si first, wala si second, si third at hanggang makita ko si future.
I know na we can’t be friends pala talaga. Akala ko possible talagang maging magkaibigan tayo. Sayang! Pero anoon na ata talaga. One thing I wish for us, I hope we can find our real, lovable, sweet, caring, responsible and god fearing SWEEHEARTS in the near future. (walang bitterness yan! Hehe) That’s all! Thank you!
So, sino ngayon ang hindi makaalala? Ako pa ba? Joke. hehe Actually summary pa lang to ng nasa isipan ko! Kaya lang hinayaan ko na lang siya doon itabi at ngayon ilalock ko na forever. Kung mabasa mo to or hindi, wag kang magmumura ha (PLEASE LANG! THAT’S REALLY BAD!) and don’t say bad things sakin! Nako! Masesense ko yun! Corny no? Pero natuwa lang talaga ako balikan.. Kung may bad comments ka man, sarilinin mo na lang ha! Kung mabasa mo man ito siguro masaya na tayo parehas or kung ayaw or hindi mo talaga ito nabasa, okay lang ginawa ko lang naman ito para sa sarili ko..
P.S. Sorry naging rude ako sayo. Yeah I’m still scared to fall in love with you for the second time and alam ko na hindi mo pa kaya talaga magseryoso(you are looking for a relationship while I’m looking for a relationship that will last. Hindi talaga compatible.) Effective naman, kasi ikaw na yung lumayo. Huwag kang atat dadating din sayo/atin ang TRUE LOVE!
See you when I see you! J
0 notes
Text
Net Crush
Kung alam mo ang sinasabi ng title na to malalaman mo rin kung ano sasabihin ng paksa kong to. Sino ba ang hindi ninanais mapansin ng hinahangaan niya?! Sino ba ang ayaw na ilike ng hinahangaan mo ang pictures mo sa Facebbook mo?! At ifollow back ka niya sa twitter.
Habang naglilibang ka sa facebook at nakakakita ng mga bagong application at sites , hindi mo maiwasan na buksan o puntahan ang mga ito. Sa pagiging curious mo sa mga bagay bagay, may makikita ka at nagiging interaesado kang tingnan iyon. Siyempre! kung may makikita ka dun at alam mu na ang mga sinasabi ko, mga pictures at pangalan na tuwang tuwa ka kapag tinitingnan mo. Hanggang sa sinesearch mu na pati personal info niya at parang gusto mo siyang makilala at hindi sa internet lang. Eh ano naming magagawa mo eh parang nasa taas siya ng tore at ikaw ay nasa ibaba na nag aantay! Iintayin mo siyang bumaba? Kahit alam mong di pede!?
Kaya ang lagay ngayon, basa basa, tingin tingin ka lang sa status niya sa fb at tweet niya sa twitter! ANG HIRAP DIBA? Ganyan talaga ang life napaka mysterious! sa sobrang kagustuhan mo , pinahihirapan mo lang ang sarili mo. Eh sa kabilang banda, wala naman mali eh, kasi humahanga ka lang. Pero ang tanging pagkakamali mo lang siguro ay masyado ka lang nagexpect!
OUCH! MASAKIT DIBA?! at mapapamura ka nalang ng SHIT!!!
0 notes
Video
tumblr
One week left! See you soon friends! Hello fourth year! - to be continued....
0 notes
Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/tumblr_m4n0ozB5wK1rwixqmo1_400.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/tumblr_m4n0ozB5wK1rwixqmo2_540.jpg)
I miss them! OMG! I really love SASA and GEGE! They are really look good together! #superfan!
CTTO
0 notes
Text
uy.. nabura ko yung una kong account dito..
hinahanap hanap kita ~
1 note
·
View note
Text
EVOL :) ^^ :>
Anu nga ba ang love? Yan ba yung puntong may minamahal kang isang tao, pagmamahal sa kamag anak o pagmamahal sa mga nakakasalamuha mo sa araw araw. Lagi nating naririnig ang salitang “LOVE” sa mga kabataan ngayon, sino ba naman ang hindi dumaan diyan?! Simple lang naman talaga siya kung bibigyan siya ng interpretasyon ng isang tao ngunit sa bawat napagdadaanan mo makikita at malalaman mo kung ano nga ba ang LOVE na tinatawag nila o natin.
Pagmamahal sa Diyos: Lahat tayo ay mahal natin ang diyos na lagging gumagabay sa pang araw araw natin. Hindi man nakikikita ay nararamdaman natin ito.
Pagmamahal sa Pamilya: sino bang nakakasama natin kundi ang ating pamilya na laging nandyan at nakakasama natin sa mga oras din ng pangangailangan.
Pagmamahal sa Kaibigan: karamay sa kalokohan kasiyahan sa labas n ating tahanan. Sino ba naman ang liligaya ng walang kaibigan kaya ganun na lang ang pagmamahal natin sa kanila. \
Pagmamahal sa isang tao: Yung tipong nagbibigay sayo ng inspirasyon sa mga bagay na ginagawa mo at Masaya ka sa piling niya. Nagbibigay ng ngiti sa iyong mga labi na para bang napakadaming bulaklak sa iyong paligid.
Maraming uri ng pagmamahal depende na lang sayo kung paano mo sila pahahalagahan at sabay sabay na mamahalin. Dahil hindi ka magiging kumpleto kung wala kang minmahal sa mundo. Hindi ko naman sa sinsabi na humanap ka ng kasintahan upang maramdaman mo at maranasan mo ang magmahal ang ninanais ko lang malaman mo na madaming handang mahalin ka at suportahan ka sa tahimik na paraan. Saktan ka man ng pagmamahal tandaan mo hindi lang isa ang uri ng pagmamahal, marami sila na nariyan.
NOTE: walang nais patungkulan.. :) GV. Ito lamang ang mga nais sabihin ng aking isipan!
0 notes
Text
Is it true? :P
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/79bad604f236da17b17d9053a2b7923e/3a660bac23750496-18/s400x600/ac52c57c082d03df32ae62f92172b6b7ef26a7db.jpg)
Minsan may mga bagay sa buhay natin na dadanas tayo ng hindi kaayaayang panahon sa buhay na akala naman ng iba ay nasa atin na ang lahat. Sa buhay nandyan ang paghihirap na humahadlang sa ating mga kagustuhan, kagustuhan na makuha ngunit maiisip mo na lang sa bandang huli na “ay di pala pwede”. Hindi mo rin masasabi na ang mga taong mga nakakasalamuha mo ay handang tumulong sa mga bagay na dinranas mo, may mga taong nandyan lang at mga taong tunay na handang tumulong sayo kapag may kailangan ka. Minsan pa nga nagkakamali tayo ng akala sa buhay na sama tayo ng sama, nakikipagkwentuhan tayo sa kanya at pinagkakatiwalaan natin na alam natin na tutulong sa atin ay siya pang sa huli ay babali ng kahoy na na pilit niyong itinayo. Hindi ko naman sinasabing huwag tayong magpakatiwala, ang nais ko lamang sabihin ay may mga pagkakataon talaga sa ating buhay na minsan nagkakamali tayo sa pag husga sa isang tao. Akala mo madali lang ang buhay kung hindi mo ito papansinin pero may mga oras na titingin ka na lang sa itaas at maiisip mo at maitatanong mo “bakit ganito, bakit ganyan at ang tanong na bakit ako?” Ewan ba bakit ba nangyayari sa ating buhay ang mga di kanais nais na pang yayari na hahantong paminsan sa masamng epekto nito sa ating buhay. IIyak ka na lang bigla at masasabi mong “ayaw mo na”. Hindi medaling intindihin ang mga bagay sa buhay kung basta mo na lamang ito lalampasan ng ganon na lamang. Ang hirap sa isipan na isipin ang mga bagay na nakakaapekto sayo at pati na rin sa ibang tao. Mas okay naman diba a kung tayo lang sa ating sarili ang naghihirap eh ang problema may mga taong ayaw nating nasasaktan ang pilit pa ring naaapektuhan ng mga problema sa ating buhay.
Kung makukuha mo lang ang lahat ng bagay may mga ganito kayang mga pangyayari? Sabi nga nila hindi perpekto ang buhay ng bawat isa may kanya kanya tayong kahinaan at kahirapan. Gayunpaman, ang magagawa mo na lamang paminsan sa mga problemang yaon ay umiyak at ibuhos lahat ng kalungkutan sa mga nangyayari sa iyong buhay at itago sa mga nakakasama mo ang sakit na iyong nararamdaman,. Sa mga tawang ibinibigay mo sa iba, sa ngiti na tumatakip sa iyong problema bakit hindi mo ito kayang iparating o ipahayag ito sa iba? Takot na madamay sila o takot sa sarili mong katotohanan na nagyayari iyon sa iyong buhay. Alam nating hindi madali ang buhay, may pagbaba ito ay may pagtaas. Kung sa bawat pagbaba natin ay may pagtaas bakit may mga tao pa ring hindi makapunta sa tuktok o sa taas para makuha ang kaginhawaan. Napakadaling sabihin diba? Pero kung titingnan natin sa totoong buhay at sa ibang tao meron nga ba? Hindi ko sinasabing mahirap kunin ang kaginhawaan ang naiisip ko lang kung bakit may mga bagay na ang hirap intindihin at unawain. Alam kong sa parting ito ay hindi niyo ko maiintindihan subalit sana’y maunawaan niyo kung bakit iyon ang aking naisulat. Alam nating makakamit din natin ang kaginhawaan sa ating buhay sa pamamagitan n gating pagsisikap.
Kapag dumating ang araw na tayo’y nakamtam na ang kaginhawaan handa pa ba tayong tumulong sa mga nangangailangan?”yaan ang tanong na namumukadkad sa aking isipan sa oras na ito.” Ang hirap intindihin ng mga tao, kung pakikisamahan mo sila sa oras nang kaginhawaan maari ka nilang tulungan at maari ka rin nilang lampasan. Kung ikaw naman ay nasa panahon ng kahirapan malalaman mo pa ba kung kanino ka lalapit? Hindi mo masasabi na si ginhawang kaibigan ay nandyan,” kaya paano mo malulusutan ang iyong problema?”Ang problema ay problema kusang dumadating at ksa nating reresulbahin. Hindi ito madali para sa iyo, ngunit alam mo na sa bawat pagsubok ay may kaligayahan tayong matatamo. Kung kaya’t kailangan natin itong harapin at iparating sa buong mundo na kaya natin ito at handa kang harapin ang mga balakid sa paraang nararapat at dapat.Mababaw dib a? Kung sa kababawang kon ito ay naintindihan mo ako, salamat kaibigan at naintindihan mo ang nais iparating ng aking naglalarong isipan.
Wala po kong nais patamaan o sirain ang paniniwala sa aking sulat na ito, isunulat ko lang po ang mga bagay na laman ng aking isipan at opinion ko lamang na sana’y makatulong sa inyo.Hindi man ganoon kawasto ang akin pagsulat ngunit sana’y naintindihan niyo ang nais kong iparating. At kung mayroon man kahalintulad ito hindi ko nais na makaprehas at gay ng aking nasabi ay isinulat ko lamang ang mga ito mula sa aking isipan. Good Vibes lang. Salamat.
0 notes
Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/tumblr_m4hl6adkVH1rwixqmo1_500.jpg)
two conjunctions and three adjectives are need to use to describe what I feel.. :| :)
0 notes