Ang bawat "Kapag" na nasa listahan ay mayroong kaugnayan sa ganap sa lipunan
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text


Random List
KaIBIGAN 101
Kapag nambobola ka parang wala lang sayo Kapag bumabanat ka akala mo okay lang ako Kapag naman binalik ko sayo akala mo biro Kapag binaligtad mo ako padin ang apektado.
0 notes
Text


Random List
Kalandian 101
Kapag nagbiro ka siguraduhin mong kaya mo Kapag sineryoso baka hindi mo magawa dito Kapag nambola ka dapat mapanindigan ito Kapag bumanat ka hindi naniniwalang totoo.
0 notes
Text


Random List
Pangarap 101
Kapag may hindi ka nakuha huwag mabahala Kapag natalo huwag matakot sumubok pa Kapag nagkulang galingan mo at bumawi ka Kapag nabigo huwag mawalan ng pag-asa.
0 notes
Text
Kapag List by Makatang Prangka
1st Entry
Malapagasan
Lalang
Kapag nawawalan ng pag-asa dasal ka Kapag sa tingin mo susuko ka magtiwala Kapag akala wala na tumawag sa kanya Kapag tinanggap mo siya payapa kana.
Positibo
Kapag akala mo wala pag-asa magtiwala Kapag sobrang nalulugmok kana tumawa Kapag gusto muna sumuko lumaban kana Kapag naging positibo magtatagumpay ka.
Manalig
Kapag madami kang pagsubok kumalma Kapag bayarin tambak na wag mataranta Kapag dumolong ka sa kanya diringin ka Kapag nagdasal matatapos ang problema.
Hiling
Kapag humiling sa Diyos matutupad din Kapag hindi para sayo huwag bugnutin Kapag nanalig kusa itong darating sa atin Kapag nagdasal ng taimtim ito'y diringin.
Himala
Kapag hindi ka bumitiw aabot ka sa dulo Kapag hindi ka sumuko makukuha mo Kapag hindi mo inaasahan darating ito Kapag hindi mo hinintay darating sayo.
Maniwala
Kapag nawawalan ng pag-asa maniwala Kapag pakiramdam mo hindi muna kaya Kapag sa tingin mo may pagkukulang ka Kapag nagtiwala ka sa kanya makakaya.
Magtiwala
Kapag walang bilib sayo ang ibang tao Kapag hindi sila tiwala sa kakayahan mo Kapag naniwala sa sarili magagawa mo ito Kapag gumawa at nanalig tagumpay ka dito.
Bathala
Kapag pakiramdam mo ikaw ay nag-iisa Kapag inakala mo na sinukuan ka na nila Kapag wala ka ng ibang makakapitan pa Kapag naniwala ka sa kanya diringgin ka.
Pangarap
Kapag may gusto kahit mahirap abutin mo Kapag tingin mo kaya at magagawa mo ito Kapag nahirapan ka isipin lang pamilya mo Kapag nanalig ka at nakuha plano ito sayo.
Panalangin
Kapag may gusto kang makuha magdasal Kapag may kasalanan ginawa mangumpisal Kapag may maling nagawa baguhin ang asal Kapag may pananalig puno ng pagmamahal.

0 notes
Text


Random List
KaIBIGAN 101
Kapag nahulog talo ka kasi siya nambobola Kapag sineryoso mo mga banat niya lugi ka Kapag sinanay ang sarili patuloy kang aasa Kapag minahal mo siya ikaw lang kawawa.
0 notes
Text


Random List
Kalandian 101
Kapag walang kayo pero nandyan para sayo Kapag hindi mag-jowa pero damayan kayo Kapag may problema nasasabihan niya ako Kapag ako yung malungkot pinasasaya mo.
0 notes
Text
Kapag List by Makatang Prangka
1st Entry
Kabulokohan
Sabay
Kapag may bagong isyu nangunguna Kapag iba ang perspektibo ko gigil ka Kapag nagpost ako kagad ka nakakontra Kapag pinasahan ng research natatanga.
Kupal
Kapag may ayuda suportado si mayora Kapag sa suspensyon ng klase galit ka Kapag binigyan ka ng pera magaling siya Kapag walang nakuha panay reklamo na.
Subaybay
Kapag nakaangat pag-iisipan ng masama Kapag nagsumikap hindi sila naniniwala Kapag sa paninira sayo sila nangunguna Kapag umasenso ka marami ang ingittera.
Sablay
Kapag dating sa katarantaduhan pabida Kapag sa eskwela bulakbol tamang kopya Kapag dating sa kainan at inuman nauna Kapag sa linisan at ligpitan tinamad na.
Suway
Kapag may mali ng nakikita magsalita ka Kapag alam mong hindi na tama manita Kapag sumusobra at abusado lumaban na Kapag hindi na para sa masa manguna.
Tulak
Kapag pakiramdam mo wala lang bitaw Kapag tingin niya lang sa away mababaw Kapag titig niya sayo hindi nakakalusaw Kapag nasabi mong gusto mo na umayaw.
Away
Kapag pinatulan mo sila ikaw pa masama Kapag nanahimik ka sasabihin duwag ka Kapag sinaktan gusto mong gantihan sila Kapag kinimkim mona magkakasakit pa.
Alalay
Kapag makautos akala mo siya yung amo Kapag makasumbat akala mo kung sino Kapag nag-apura akala mo nagpasweldo Kapag umasta akala mo kaya bilhin yung tao.
Kopya
Kapag nakitang umangat hihilihin ka pababa Kapag nagtagumpay ka pikit inggit lagi sila Kapag natamo lahat ng gusto mo sisiraan ka Kapag nagbenta ka sa iba gagayahin din nila.
Lumbay
Kapag mayroon nararamdaman kang lungkot Kapag ang mundo ay tila huminto sa pag-ikot Kapag hindi muna alam kung ano ang sagot Kapag alam mong mag-isa kana at natatakot.
Dedma
Kapag halata ng may mali pero walang paki Kapag nakita ng bulok pero todo sila tanggi Kapag malala na pero sila tila bulag at pipi Kapag sobra na pero sila inuuna ang sarili.

0 notes
Text
Kapag List by Makatang Prangka
1st Entry
Kapalplastikan
Kapal
Kapag tinulungan masyadong nasasanay Kapag humingi parati at walang humpay Kapag makasumbat napakakupal at tibay Kapag sa pagiging plastik napaka husay.
Utang
Kapag siningil sadyang kinakalimutan Kapag nangailangan ay sunod-sunuran Kapag hindi nabigyan magsusumbatan Kapag umasta kala mo hindi natulungan.
Hudas
Kapag kaharap mo siya napakabuting tao Kapag nakatalikod ka puro paninira sayo Kapag may kailangan sayo napaka-amo Kapag wala ng pabor akala mo kung sino.
Garapal
Kapag sa social media payaman ang puta Kapag sa personal mandaraya sa ayuda Kapag sa usapang pera siya yung nauuna Kapag sa pakikipagkapwa tao sablay ka.
Sampal
Kapag nangopya napaka-among tupa Kapag walang kailangan napaka puta Kapag nagkwento tila tumatahol na tuta Kapag sa tsismisan kating-kati ang dila.
Tigas
Kapag tinulungan mo nagiging abusado Kapag napagbigyan ang bait nila sayo Kapag tiniis ng matuto sabihin damot mo Kapag napuno ka gagawan ka ng kwento.
Kunwari
Kapag kaharap mo panay papuri nila sayo Kapag sa likod mo puro inggit at paninira ito Kapag kinumpronta mo wala daw kwinento Kapag pinalagpas mo sinisira ka sa mga tao.
Budhi
Kapag tinuring na kapamilya tapos ginago ka Kapag niloko ka kahit pinakisamahan muna Kapag nagawa ka pang gawan ng masama Kapag likas na maitim budhi tigas ng mukha.
Inggit
Kapag mas nakakaangat ka sa kanya naiirita Kapag mas mataas ang nakuha mo galit siya Kapag may bago kang gamit gusto din niya Kapag may natanggap ka naiinggit agad sila.
Peke
Kapag nasa harap mo akala mo santo Kapag wala sa paningin mo demonyo Kapag kausap ka niya panay puri sayo Kapag sa ibang tao paninirang kwento.

4 notes
·
View notes
Text


Random List
Pangarap 101
Kapag kaya mong pagsabayin gawin Kapag palagay mo tama sila sundin Kapag may gusto ikaw ay manalangin. Kapag nasa plano niya ito ay diringin.
0 notes
Text
Kapag List by Makatang Prangka
1st Entry
Pampamilya
Kalituhan
Kapag nagsipag sasabihin may sakit ka Kapag tinamad pabigat at walang kwenta Kapag pinapagalitan sabihin sumagot ka Kapag sumagot ka sabihin lumalaban na.
Prayoridad
Kapag may problema agad nalaman nila Kapag sinungaling nahuhuli sayong dila Kapag sa pangarap sila mahalaga at una Kapag nagsakripisyo para yun sa kanila.
Damayan
Kapag nagka-problema nandyan sila Kapag lumalaban ka sila ay nakasuporta Kapag kailangan mo sila dadamayan ka Kapag nagtagumpay bumawi sa pamilya.
Diskusyunan
Kapag hindi nagkaunawaan may sagutan Kapag hindi naayos agad may tampuhan Kapag nagkapaliwanagan maayos naman Kapag nagka-alitan ay magpakatawaran.
Iringan
Kapag nagtanong palaging nakaangas Kapag nagka-initan salita ay may dahas Kapag nag-away tingin sa sarili ang taas Kapag nagsiraan tila ba sila mga ahas.
Aktibidad
Kapag ako ay kinuha huwag mangulila Kapag ako ay kinausap huwag mabahala Kapag hindi binalik sa diyos magtiwala Kapag hindi dininig wala po akong sala.
Kontrahan
Kapag may gagawin ka kagad sisitahin Kapag may usapan kagad nila susuplahin Kapag may argumento mali sa paningin Kapag may desisyon ka laging kontrahin.
Sumbatan
Kapag nagkasilipan sunod niyan kwentahan Kapag nagkagirian hahanapan ng ambagan Kapag wala kapang ambag at napatunayan Kapag hinanapan tahimik ka sa sumbatan.
Tampuhan
Kapag nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan Kapag hindi na kayo tulad noong nakaraan Kapag tahimik at hindi na nagkakaimikan Kapag hindi okay dapat ng magkapatawaran.
Bilin
Kapag ako nakulong huwag kayo malungkot Kapag ako nadakip huwag kayong matakot Kapag ako nahuli at sinabing nanlaban lagot Kapag ako napagbintangan ibigay ang sagot.

0 notes
Text


Random List
Kagaguhan
Kapag nalilibugan ka huwag mandamay pa Kapag tigang kana sarilinin mo nalang tanga Kapag hindi mapigilan ang kati asinan muna Kapag manyakis ka talaga wag mangbiktima.
0 notes
Text
Kapag List by Makatang Prangka
1st Entry
Karupokpokan
Timang
Kapag aalis kayo laging pinag-aantay ka Kapag may gala ikaw pa namilit sa kanya Kapag nag-uusap naka abang mauna siya Kapag aamin siya gusto niya ikaw muna.
Tikom
Kapag may gusto nagpapakita ng motibo Kapag aamin na natotorpe at walang kibo Kapag tumagal wala ng pagkakataon mo Kapag natakot ka walang magiging kayo.
Tatak
Kapag wala ng gana huwag nang umasa Kapag walang kayo huwag pakatanga Kapag alam mong hindi tama itigil na Kapag nasasaktan kana bumitaw kana.
Titig
Kapag nakita mo siya halos mapatanga Kapag nagkatitigan halos malusaw ka Kapag abala siya nakatitig ka at tulala Kapag tumingin siya ibabaling mo sa iba.
Tanggi
Kapag magkausap kinikilig sa bawat isa Kapag tinanong may gusto sabihin wala Kapag sumagot nagpapakiramdaman pa Kapag nahulog na tatangi dahil takot sila.
Tulak
Kapag pakiramdam mo wala lang bitaw Kapag tingin niya lang sa away mababaw Kapag titig niya sayo hindi nakakalusaw Kapag nasabi mong gusto mo na umayaw.
Tanga
Kapag palaging magkasama nagsasawa Kapag hindi nagkita nawawalan ng gana Kapag hinaharot ka nagpapakipot pa Kapag nakahanap na ng iba magsisisi ka.
Tiyak
Kapag sigurado kana huwag ng pakawalan Kapag pakiramdam mo siya talaga ingatan Kapag tingin mo siya yung pangmatagalan Kapag tiyak ka na ligawan mo at pakasalan.
Tunay
Kapag nahanap muna ang para sayo talaga Kapag natanggap mo dahil mahal mo siya Kapag nakita mo mga katangiang maganda Kapag nasabi mo na pang-habang buhay na.
Tigil
Kapag alam mong wala na talaga bumitaw Kapag walang patutunguhan dapat umayaw Kapag iba na pagmamahal sayo at pananaw Kapag takot at pananakit na ang nangibabaw.
Taguan
Kapag alam niyo na gusto niyo ang isa't isa Kapag gusto niyo umamin pero hindi handa Kapag sasabihin mo sana kaso natatakot ka Kapag pagkakaibigan niyo na mas mahalaga.

0 notes
Text


Random List
KaIBIGAN 101
Kapag mas pinatagal mo mas masasanay ka Kapag mas lumalim pa mas masasaktan na Kapag mas nahulog ka baka ikabaliw mo pa Kapag mas napamahal na ikaw ang kawawa.
0 notes
Text
Kapag List by Makatang Prangka
1st Entry
Kalkalipunan
Siraan
Kapag nagtapos ka antaas ng tingin sayo Kapag nahinto nanghihinayang mga tao Kapag umasenso ang daming kuro-kuro Kapag bumagsak ilulugmok ka nila lalo.
Mañanita
Kapag pinagbawalan laging nakahanda Kapag nilimitahan may hakbang nagawa Kapag karapatan ay paglalaban ng masa Kapag may mali kikilos agad ang madla.
Laya
Kapag ito ay naipasa tayo ang kawawa Kapag ito ay nakalusot bawal tumuligsa Kapag ito ay naisabatas tayo ang biktima Kapag ito ay naipatupad hindi na malaya.
Sita
Kapag hindi ka sumunod lagot ka Kapag walang face mask maghanda kana Kapag may sumita magpakumbaba Kapag nanlaban bugbog at kulong kapa.
Peligro
Kapag habang tumatagal nakakagimbal Kapag lalo na hindi serbisyong medikal Kapag bakuna hanggang ngayon kritikal Kapag buhay na ang kapalit at nakasugal.
Pabobo
Kapag may isyu kagad siya may komento Kapag minsan binabatikos ang gobyerno Kapag madalas halata mo lang nakikiuso Kapag manindigan laging pabago-bago.
Diskriminasyon
Kapag ibang lahi ka mababa ang tingin nila Kapag nagtrabaho sa bansa nila tingin alila Kapag ibang kulay may sakit na nakakahawa Kapag maitim ka panay asar at pangungutya.
Biktima
Kapag nanamit ng iba sa nakasanayan na Kapag nabastos ka ikaw pa ang sisisihin nila Kapag nagahasa kasalanan pa ng biktima Kapag nakisimpatya sila sa ulol na may-sala.
Delikado
Kapag nagbigay ng opinyon laban sa kanila Kapag nagsalita laban sa gobyerno lagot ka Kapag nagpahayag ng pagtutol ikukulong na Kapag namuna ka pagbibintangang terorista.
Hinto
Kapag hindi ka sumunod lagot ka Kapag walang face mask maghanda kana Kapag may sumita magpakumbaba Kapag nanlaban bugbog at kulong kapa.
Panakot
Kapag tingin nila kakalabanin sila ipapasara Kapag umalma ka sa gusto nila patitigilin ka Kapag pinuna mo sila pag-iinitan kana nila Kapag kinalaban mo sila ipakukulong ka pa.

0 notes
Text


Random List
Kalandian 101
Kapag ba na miss ka niya kikiligin kana Kapag ba nakaalala siya matutuwa ka Kapag ba mabilis magreply miss mo din siya Kapag ba walang label bawal din umaasa.
0 notes
Text
Kapag List by Makatang Prangka
1st Entry
Polpolitika
Taktika
Kapag binatikos mo sila ay mapag-iinitan Kapag nagkulang bigla may pag-uusapan Kapag sila hinanapan ikaw isasangkalan Kapag nagkagipitan ikaw pagbabalingan.
Magtigil
Kapag ibang lahi naabuso may paki kayo Kapag kababayan na dedma lang sa inyo Kapag tiningnan mas talamak yun dito Kapag nag bulag-bulagan wala lang sayo.
Tagal
Kapag napag-usapan tsaka aaksyunan Kapag may nakakita hindi tatantanan Kapag tumagal hustisya ay pahirapan Kapag wala nag-ingay hindi pakikinggan.
Kapulpulan
Kapag ka alyado ay pinapabayaan Kapag mamamayan ay pinarurusahan Kapag hindi sumang-ayon kagad kalaban Kapag nagreklamo kasama sa ambagan.
Sabwatan
Kapag nagkamali ang alagad papaboran Kapag nasilip ng taong bayan aaksyunan Kapag nagtagal tatahimik at papabayaan Kapag nagdesisyon mali ay kakampihan.
Banta
Kapag hindi mapasunod tatakutin nila Kapag maraming tumuligsa nagwawala Kapag hindi mapaniwala may ginagawa Kapag may umalma bigla may panukala.
Sikil
Kapag nagsalita laban sa kanya huli ka Kapag hindi sumang-ayon kulong kana Kapag minura bawal pwede kapag siya Kapag nagreklamo labag yun sa kanya.
Kaliwa
Kapag hindi pabor sa kanila ay huhusgahan Kapag hindi sumang-ayon ay paparatangan Kapag hindi pumayag bagsak ka sa kulungan Kapag hindi tumigil tingin nila makakaliwaan.
Bintang
Kapag may pinuna ka sa maling sistema Kapag nagsalita ka nang laban sa kanila Kapag may inilahad ka na mga mali nila Kapag nagpahayag paparatangan ka na.
Pirmado
Kapag ba nagpatuloy ako pagbibintangan mo Kapag ba nagpahayag ako patitigilin niyo ko Kapag ba namuna ako sa nangyayari dito Kapag ba nagsalita padin ako dadakpin niyo.
Pinasara
Kapag tingin nila banta ka ipapatigil ka na Kapag palagay nila sagabal patatahimikin ka Kapag hindi pabor sa kanila gigipitin kanila Kapag pinuna muna sila kayo ay ipapasara.

4 notes
·
View notes