Text
do you ever get in those moods where you don’t feel like reading and you don’t feel like being on the internet and you don’t feel like watching a show and you don’t feel like sleeping and you don’t feel like existing in general
1M notes
·
View notes
Text
Sa Ilalim ng Bilog na Buwan
Malamig na hangin ang yumakap sa madilim na gabi habang ako'y nakaupo sa ilalim ng mangga sa may burol sa tabi ng aming bahay. Kunting liwanag lamang ang sumisilay sa karimlan na dala ng buwan. Hindi iyon sapat upang makita ang kaliwanagan sa paligid
Mahigit isang oras na akong nakaupo, hinihintay ang pagdalaw mo. Nasasabik na akong yakapin ka nang mahigpit upang iyong madama ang init ng pagmamahal ko. Ngunit ni kahit isang tunog ng padyak mo ay hindi mapapansin. Nasaan ka na ba mahal ko?
Palingon-lingon ako, natatakot sa huni ng mga kwago, sa balakbak ng mga aso. Nakaramdam ako ng lungkot at nabawasan ng ngiti ang aking mga labi. Nasaan ka na ba mahal ko? Hindi na ba tayo magtatagpo?
Dumaan pa ang isang oras at pasado alas onse na ng gabi. Magkasunod na putok ng baril ang sumira sa katahimikan at sinundan iyon ng kaba. Tila nag-aalab ang aking damdamin. Biglang bumukas ang pinto ng bahay namin at narinig ko na lamang na humahagulhol na si inay kaiiyak. Nakita ng dalawang mata ko ang baril na hawak ni ama. Biglang sumagi ang pangalan mo sa isip ko. Sa ilalim ng buwan tumulo ang mga luhang hindi ko inaasahan.
2 notes
·
View notes
Text
ANG MANLALAKBAY
Narating ko na kaya ang tagpo sa bawat kuwentong napapakinggan sa tuwing tatambay ako sa may kanto, sa tuwing hihinto- hihithit ng sigarilyong bigay ng tindero ng dyaryo, sa tuwing uupo at pagmamasdan ang mga taong tumatawid sa overpass, sa tuwing magpapahinga sa loob ng Jollibe- makikinig ng musikang inaawit ni Moira at iba pang kantang may kaugnay sa lungkot at saya, sa tuwing magpupuyat-. ilang oras nang nakatitig sa selpon, nagbabasa ng mga opinyon tungkol sa ECQ at sa pamamahala ng gobyerno kaugnay sa COVID-19, sa tuwing magkakape sa umaga habang nakikinig ng balita sa radyo ng katabing kwarto, sa tuwing papasok at uuwi sa trabaho, pagod, walang makausap, walang imik, walang tao. Tahimik.
Ano nga ba ang kabuluhan ng buhay?
Marahil ito iyong makikita mong nakangiti si manong drayber kahit uuwing kulang at hindi sapat ang kita, hanggang sardinas at tinapay lamang ang panlalamang tiyan sa apat na anak.
Marahil ito iyong mapapansin mong umiiyak si manang sa loob ng Jollibee habang nakikinig ng piyesang Paalam ni Moira at wakas alam niyang hanggang dun na lamang ang pag-iibigan nila ng ex niya.
Marahil ito iyong mga taong uuwing pagod sa kanilang tahanan matapos ang maghapong kayod, trabaho para lamang sa mga pangarap.
Marahil ito iyong mga batang susulyap sa'yo habang ika'y pauwing maglalakad at aabutan mo sila ng piso o kendy, mga ngiting hanggang sa pagiging bata mo lang mararanasan dahil busilak at kaytunay ang mga iyon.
Ito siguro iyong kahit mahirap lumaban, babangon pa rin tayo sa umaga. magkakape. kakain ng almusal. makikinig ng balita. magbabasa ng mga rants sa social media. uuwi kahit pagod. Subalit, sa lahat ng iyon, may aral kang natutuklasan, natutuhan na siyang gagamitin sa iyong pang araw-araw mong buhay.
Ikaw? Kumusta ang iyong paglalakbay?
4 notes
·
View notes
Text
I DREAMT OF DREAMING ABOUT BEAUTIFUL SUNSETS.
I see no reason to cry
and to not believe
that there is wonder
behind the shadows and cumulous clouds,
underneath is the light that speaks of truth that dreaming is not about whispering through the thick air or about gazing to the stars at night, while chanting one-two-three, and at times you repeat of counting the countless stars.
I dreamt of it before
about the light-peeking,
the clouds-wanting to cry,
the boat-sailing and myself, waiting to be swallowed by an unilluminating caliginous doom because of vagueness and of all the hopeless realizations.
But I see no reason to cry, holding on to my dreams
because I'm seeing it now
I need no telescope
I need no clarity
I'm seeing it now.
#poetry #sun#sunset#vissuals#visualpoem#visualpoetry#photography#dream#2019#artistic#art#colors#photo#beauty#canvas#poetry#poems#naturephotography#nature#boat#sailing#clouds #moody#worldclick
1 note
·
View note
Text
03-06-18
#Takipsilim
Palubog na ang araw
imahe mo'y inaagaw
ng dilim sa ibabaw
hindi na matanaw
na parang katulad
ng mga matang kumukurap,
nakaharap, nagsusumikap,
kahit isang iglap, pakiusap!
0 notes
Text
TAPOS NA TAYO!
Mataga ko nang tinuldukan ang matagal nang tapos!
Matagal nang iniwan ang mga panahong lumipas!
Matagal nang naglaho ang mga pinakong pangarap.
Matagal nang pagod ang pusong nasaktan!
1 note
·
View note
Text
MAHAL KITA
Iyon ang kauna-unahang mga salitang lumabas sa mundo noong mga panahong naghahanap ako ng sagot sa tanong na, Bakit ganito?
Bakit sa tuwing ako’y nag-iisa ay nakararamdam ako ng puwang sa puso?
Pero nagbago ang lahat ng iyon.
“Mahal Kita”
Tahimik ang gabi. Malamig ang samyo ng hangin at tanging hininga at tibok ng puso natin ang namumutawi sa paligid. Nabago ng gabing iyon ang lahat. Kung paano nagkakulay ang mundo ko at kung paano naglaho ang puwang sa damdamin ko.
Maraming panahon pa ang lilipas ngunit nakakasiguro akong mahal kita ngayon at mamahalin kita magpakailanman.
0 notes
Text
Lapis at Papel
L-ahat ng mga bagay ay may katanungan.
A-ng problema lang ay kaya bang sagutan.
P-udpod na ang dulo, wala pa rin.
I-isa na lang ang kailangang tuldukan
S- eseryoso ba siya kung ang sagot ay oo?
P-uti o dilaw ang madalas na gamit ko.
A-bakada ang palaging nakasulat.
P-arehas ang turan ng isip at galaw ng lapis.
E-ksakto ang nais itala.
L-ulohod kaya ang mga salita kung ang damdaming isasatitik ay magtutugma sa magbabasa?
���?��4�M
0 notes
Text
Excited na 'kong makita ang mala edsa na pilahan sa admin bukas. :-) :-) Yung tutulo ang mga pawis dahil sa mala signal number 4 na el-niño habang nangangayayat naman ang paa mo na animoy na ka 10 inches na heels ka dahil sa makupad ang proseso. Yun bang may nasesense ang ilong mo na may nagpasabog ng pabango at sa sobrang bango eh mapapa hatshi-i-hing ka pa(ironical) at pagkatapos titingin-tingin ka sa harap at kanan at ganun din ang gagawin nila sa'yo na tila inosente ang dating at taas kilay pa kung umasta- yung amoy parang tinipid na utot. (BO). Yun bang maiinis ka na talaga at gusto mo ng umayaw ngunit nag-aalangan ka dahil nakakalahati ka na. Uurong,hihinto at paulit ulit lang. Ang mga mata mo ay makakasliay ng liwanag at sasabihing "hay sa wakas ako na rin" at ikaw na ang susunod , hindi magkamayaw ang saya sapagkat "thanks lord makaeenrol na din" at yun nangyari na saktong ilalabas mo na sana yung mga kakailanganin ng may idikit sa transparent window na "lunch break, out of order". Tapos magkakagulo ang pilahan , magkakawata-watak ang mga lupon at mapapansin mong ikaw na lang ang nandun! At isasagawa ang plan b. Hindi ka kakain at maghihintay hanggang sa ikaw ang makauna sa pilahan. Limang minuto ang lumipas,sumunod ang 15 at sinundan na ang isang oras sa paghihintay. Nag-aaway na ang mga bulate sa loob at tumatagundong ang kulog na animoy may digmaan at dahil sa gutom ka na eh maririnig mo yung mga inahing nila" maawa ka pakainin mo na kameeee" at sa kabilang banda naman " kung hindi ngangatngatin namin ang loob mo hahaha" at pagkatapos maprapraning ka na. Lalabas na ang mga mantika sa kasuluksulukan ng taba at mapapaisip ka "babalik ako" Binilisan ang takbo,may makakabanggaan at may makakasalubungan. Pag dating sa puwesto ng paboritong kainan kay "lolong" uupo sa hapag. Yung aroma ng sabaw na sinigang na baboy ay nagsasabing "kaya mo yan". Matapos kang kumain sa mas mabilis pa sa inisip mong ikukunsomong oras dahil sa gusto mo ng matapos ang kalbaryo . Balik na ka agad, hindi pa man nakakalapit sa destinasyon. Inunahan ng bibig ang tulak ng utak ( pwede ba yun? :-) ) "ayoko naaaaaaaaa",iyan agad ang masasambit mo ng may halong galit, inis at dismaya. Ayun tanaw na tanaw ang pilahan sa admin kung ano ang nakita mo kanina mas malala pa sa nakikita mo ngayon bakit? Dahil babalik ka na naman sa simula . Ha ha ha ha -ang kalbaryo sa unang araw ng enrollement-
0 notes
Text
‘Pag nagmahal ka handang kang masaktan, hindi lang ito parang eksena sa pelikula na kapag sinampal ng kontrabida ang bida ay hindi na siya gaganti, syempre may damdamin din ang tao. At gaya ng sabi ko 'pag nagmahal ka , kailangan mong itatak sa kaibuturan ng isip at pananaw mo sa pag-ibig ang salitang “aray”. Kung wala ni isang pitik ng pulso mo ang tungkol dito eh hindi ka nga nagmamahal maaaring baliw ka lang o may tupak ang puso mo"para ma iba naman puso hindi palaging isip". Kaya habang maaga pa at hindi lumala ang kabaliwan mo eh itigil mo na upang hindi kumalat na parang HIV kumakalat 'pag hindi safe at nakakasakit ng damdamin. Gets mo?
0 notes
Text
Ang paglayo ay kasunod ng paglimot at ang paglimot ay hudyat ng panibagong bukas. Lumalayo ang isang tao dahil kagustuhan niya ito, maaaring ang pahayag na "sawa na" o "ayoko na" ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa mundo. Pero nagsasawa ang tao dahil rin sa atin, maaaring hindi tayo naglalaan ng oras sa kanila kaya naman naghahanap sila ng atensyon mula sa ibang tao. Habang patuloy na nangyayari ang eksenang ito dito na nabubuo ang isip ng tao na bakit pa kailangang ipagpatuloy ang nasimulan at magpatuloy sa gitna hanggang sa wakas kung hindi naman maaayos ang relasyon. Alam niyang masasaktan at makakasakit lang siya ng damdamin kung ipagpalatuloy niya ang isang bagay kung ang atensyon niya ay nasa ibang tao. Kaya naman sa puntong iyon doon na magwawakas ang storyang hindi pa natatapos ang kasukdulan. Kung baga sa pagbabasa "scanning or skimming technique" ang ginagamit sapagkat alam mo na din lang naman ang wakas.
0 notes
Text
Kahit na mahirap tanggapin na wala na tayo at mahirap isipin na nandito ka lang sa iisang mundo kasabay na dun ang paghinga na hanging hinihingaan ko. Masasabi kong labis akong nasaktan kung alam mo lang kung gaano kabigat yung puso ko ng mga araw na nilisan mo ako, kung alam mo lang kung gaano kahapdi ng mata ko sa pagiyak ng mga ala-ala binuo natin noong tayo pa. At kung alam mo lang kung paano umikot o umiikot pa ba ang mundo ko sa tuwing iniisip kita. Sana hindi na lang ako nagmahal kung sa huli ay kabiguan din lang naman ang resulta. Sana ay hindi na lang kita nakilala kung kung sa pagsulyap mo'y sa puntong iyon ang huling pagkikita. Ngunit ganun pa man, wala akong magagawa sapagkat ayun na eh, hindi mo na mabubuo pa ang basong sira na at mas lalong hindi mo na matitimbang ang pagmamahal kong kay hirap tukuyin ang pagibig na meron ako sapagkat sarado na. Umaasang sa pagbukas na panibagong nobela ng buhay ko ay hindi na mauulit pa ang mga nangyari na katulad na ito sapagkat hindi ko makakaya. Baka ikamatay ko pa...
0 notes
Text
Featuring aling tindera at mamimili Star Cinema Presents "The Unnoticed Mistakes" ni juliuscesar/BabyAma (Isang matabang tindera na parang balyena ang nakaupo sa loob ng tindahan niyang gawa pa sa marmol habang nakikiuso sa gawain ng mga henerasyon ngayon ang SELFIE. Oh kita nakikibagets , ay pumasok ang isang lalaking nakasuot ng malaking maong na pantalon at maluwag na damit na sinamahan pa ng sumbrerong astigin ang dating at gold teeth na ngipin ) Lalaki: hey you there manang! (Sabay taas ng ulo na tila nagrarap) Tindera: ui wait selfie tau, hashtag #Poor-Ren-Ger. Lalaki: pabili nga ho ng colgate na na close-up( habang taas baba ang kilay na nagsasalita) Tindera: ilan ba ? Lalaki: isa lang po,( sabay labas ng ngipin niyang galing sa loob ng imbornal na pwede nang isanla sa mumurahing sanlahan ng ginto) Tindera: oh ito na ( sabay abot sa lalaki at ) teka selfie ulit hashgtag #Poor-Ren-Ger with tooth decay! :-) Lalaki: ah nakalimutan ko . Isa pang payless na lucky me at samahan mo.na din ng tang na 8 oclock.( paulit-ulit yung pag taas baba ng kilay niya na animoy lider ng mga gangster) Tindera: oh eto . (Saktong aalis na san yung lalaki ng pigilan siya nung tindera) Tindera: ui teka selfie ulit . Look up look up. ( at pumayag nga naman nakipag look up-an ang lalaki hashtag #Poor-Ren-Ger-Peymus) Lalaki: manang talaga oh. Maliit n bagay!( sabay kindat at walk-out ) yow men!!! WAKAS- Sana nagustuhan niyo :-)
1 note
·
View note
Text
Minsan ang pag-iyak ay sanhi ng mahabang kalungkutan at ang lungkot ay sanhi ng damdaming hindi naibigkas sa ritmo ng panahaon. Minsan ginagawa nating umiyak na lang sapagakat ito ang tanging alam nating paraan upang maibsan ang nadarama
0 notes
Text
You don't have to give your best if you know that you will never win. It's wasted if you waste effort for nothing.
0 notes
Quote
The person who doesn't settle for one wont have another chance
jcesar13
0 notes