joyisntyoj
siningning
57 posts
siya nawa
Don't wanna be here? Send us removal request.
joyisntyoj · 2 months ago
Text
just learned about the dude in 1992 who got a liver transplant from a baboon and then died 70 days later
49K notes · View notes
joyisntyoj · 7 months ago
Text
21 : ang simula pagkatapos
ang sabi ay nasa labas ng institusyon ang tunay na laban at talagang magkakahusgahan.
totoo naman.
parang kung kelan ako nakapagtapos, saka pa lang ako magsisimula?
hindi ko alam anong salita ang sapat na makakapaglarawan sa estado ko ngayon—halos dalawang buwan na ang makaraan ng opisyal akong nagtapos sa kolehiyo.
nung nakaraang taon, habang naghihintay ako, sobrang sabik na sabik ako magmartsa.
ngayon hindi ko na alam.
1 note · View note
joyisntyoj · 9 months ago
Text
20 : Ako ulit
Ang tagal na ng huling sulat ko dito. Sakto lang ang panahon para bumalik ulit. Palaging may puwang ang emosyon sa pagitan ng mga alpabeto, kudlit, at tuldok.
0 notes
joyisntyoj · 2 years ago
Text
19: nobyembre
hindi ko sigurado pero may nalulunod
hindi ko sigurado pero may hindi makahinga
hindi ko sigurado pero nasa salamin siya
hindi ko sigurado pero parang ako ata
at kapag nanlambing ang kalungkutan
kasama sa yakap nito ang bagabag at alinlangan
sa lahat ng bagay ay hindi panatag
walang sapat na lugar para pumirme
mamimili ka lang
tahimik sa paningin, maingay sa pandinig
maingay sa paningin, tahimik sa pandinig
baligtad, parehas lang magulo
nakakatanda ang bawat segundo
sabi ng apat na taong gulang noon "gusto ko na tumanda"
nakakabata ang bawat karanasan—sa pakiramdam
sabi ng dalawamput dalawang taon ngayon "gusto ko na lang bumalik sa pagkabata"
nakakatakot na may alam ka na
nakakatakot na wala kang alam
nakakatakot.
nakakapagod.
baka pagod lang.
sana pagod lang.
pahinga lang.
tumahan na lang.
5 notes · View notes
joyisntyoj · 2 years ago
Photo
Tumblr media
Heat , no 12  -   Peter Frie, 2015.
Swedish , b. 1947  -
Oil on plywood, 90 x 78 cm / 35.4 x 30.7 in.
524 notes · View notes
joyisntyoj · 2 years ago
Text
thinking about that illustration of solitude vs loneliness in which solitude is a dog peacefully holding its own leash & loneliness is a feral dog fighting against the restraint of the leash & feeling slightly insane
74K notes · View notes
joyisntyoj · 2 years ago
Text
“All the hardest, coldest people you meet were once as soft as water. And that’s the tragedy of living.”
— Iain Thomas, from I Wrote This For You
2K notes · View notes
joyisntyoj · 2 years ago
Text
18: ...
Sa mga panahong gusto ko na humimlay tulad ngayon, nakakatuwang isipin na sa araw na pinaka-iintay ko, sino sino kaya ang luluha at hahalakhak sa puntod ko?
Sana yung mga bulaklak ay lila't dilaw. Ayoko sa marangyang burol kaya sana kape't pandesal naman o kaya sige ilabas niyo na ang lata ng biskwit. Payag na rin ako sa champorado o lugaw kapag naubusan.
Sana saglit lang mamalagi ang katawan ko sa kabaong dahil ayokong ilubog sa lupa. Sunugin niyo ako at ipanood sa dagat na kinatatakutan ko. Para naman kahit sa kamatayan, makayanan kong lumangoy.
Mama, ate, bunso, sushi at sneakers. Mahal ko kayo. Pamilya kong sobrang dami kong pagkukulang at pagkakamali. Nagsinungaling at nasaktan ko kayo. Pasensya na. Maging masaya kayo sa nalalabi niyong oras bago ako sundan sa mga susunod na taon. Huwag umiyak dahil ang paglisan ay regalo.
Sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung ilan kayong nagmamahal sakin at nakakaalala pa pero sana kahit sa huling pagkakataon, magkita tayo. Kahit pa sa sitwasyong wala na akong lakas at kakayanan na yakapin kayo isa isa. Maibahagi niyo sana sa mga Mahal ko sa buhay kung paano ako bilang kaibigan at indibidwal kapag hindi ko kasama pamilya ko. Galingan niyo sa landas na tatahakin. Huwag lumuha. Susunod rin naman kayo sa akin. Sadyang nauna lang ako.
Sa kilala lang ako dahil nakilala ako. Salamat sa pagkakakilalanlan mo sa akin sa kahit anong paraan pa yan. Mabuhay ka ng buong galak dahil hindi ko ata nagawa iyon? Huwag Kang papalamon at pahahari sa sakit, lungot, bangungot at pait ng buhay. Marating mo sana ang bahaghari't matagpuan ang tunay na kayamanang sinasabi nilang nasa dulo nito.
0 notes
joyisntyoj · 2 years ago
Text
Tumblr media
sorry
325 notes · View notes
joyisntyoj · 2 years ago
Text
Tumblr media
that was my part of the deal, honest
35K notes · View notes
joyisntyoj · 2 years ago
Text
17: Paalala lang
Tumblr media
at sa mga umagang lumilipas, sambit ng musmos na naninirahan sa kaibuturan ng puso ko ang mga salitang...
Laging tandaan, HINDI LAHAT MAUUNAWAN AKO. HINDI LAHAT KAYANG TANGGAPIN KUNG SINO AKO. KUNG MAYRO'N MAN, NAPAPAGOD AT NAHIHIRAPAN DIN SILA DAHIL MADALAS NA SUMOSOBRA NA AKO. MATUTO KANG DUMISTANSYA KAHIT GAANO PA KAMI MAGKASUNDO AT MAGPRENO KA PALAGI. PLEASE LANG. NAKAKAIRITA KA NAMAN KASI TALAGA.
munting paalala dahil ang ngalay ay masyadong humaling sa pahinga.
0 notes
joyisntyoj · 3 years ago
Text
16: minsan sa isang kapihan sa siyudad
taon ang lumipas bago mas naunawan ang ibig sabihin ng pag-iisa
ang bigat ng kawalan ng katuwang dahil kakaiba ang kondisyon ng katinuan sa piling ng iba 
may ligaya din pala kahit pa nakakasakal ang makulong sa apat na sulok ng iisang lugar 
ang muling kalayaan hindi talaga hudyat ng kalayaan dahil naging malapit na ang takot sa kanya higit kanino man 
tunay na kung ano hindi nahahagip ng mga mata ay higit na nakakahindik 
kahit pa mas matapang ka na sa kinatatayuan mo ngayon 
kapag yumakap ang mga kumot ng pangamba at bumulong ang mga bagabag, walang uusad
babalik at babalik ka sa unang beses na tila bumagsak ang langit at lupa
maliligaw muli sa landas na akalang ito na ang tama patungo nais na destinasyon 
ayos lang. 
normal lang. 
tunay lang. 
ikaw lang. 
nakakapanibago na ibang tao ang naghahanda ng kape ko. 
nakakapanibago na nagbabayad ako ng mas mataas na halaga para sa kape. 
nakakapanibago na nasa isang kapihan ang tulad ko matapos ang ilang taong pagsasara ng pintuan palabas 
nakakapanibago naman—ngunit maligay ang puso ko. 
ibang kaba hindi dahil sa kape
ibang kaba dahil nasa labas ulit ako
masyadong malayo ang paglalakbay ngayon—literal 
ngunit wala pa ring tatalo sa paglalakbay ng kaluluwang nalimita sa isang kwarto
misan sa isang kapihan sa siyudad, 
muling nakapagsulat at nakapaglaan ng oras sa ibang lugar ang tulad ko. 
muling sumulat ng mga bagay na matagal nanirahan sa isipan 
matagal bago na nahanap ang mga salita, ngunit muli, hindi nabibigo ang naghihintay
minsan sa isang kapihan. 
minsan … 
hanggang sa muling dumalas … 
0 notes
joyisntyoj · 3 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
851 notes · View notes
joyisntyoj · 3 years ago
Text
15: SIGAW
Ilang beses ko nang naiisip na sana makapunta ako sa isang lugar na puwede akong sumigaw. Iyong tipong ako lang ang tao. Kung hindi lang nagkaroon ng pandemiya, siguro kung saan-saan na ako nakarating para lang makasigaw. Sa dinamirami ng hinanaing ko sa buhay, baka mapaos at mapipe na lang ako kakasigaw. Bibigay litid ko. 
~~~
Dalawang taon na sa drafts ko 'tong sulat ko na 'to at hanggang ngayon, ganito pa rin ang tumatakbo sa isip ko.
SANA... SANA... SANA...
Matapang ang mga salitang lumalabas sa bibig na walang tinig
Malayang nakakasayaw ang mga paang nakapako sa iisang lugar
Malayo na ang narating ng mga bagabag, mula sa panaginip hanggang pagising
Malamig na ang panahon ngunit mainit pa rin ang panstasya sa kapanatagan
Sa patag na lupa, nanlalaban ang balanseng huwag madapa at tuluyang magpalamon sa aspalto—
Sana kayanin pang gumising sa mga darating na umaga kahit hindi naman talaga nakakatulog sa mga gabing nakalaan para sa pahinga at paghinga.
0 notes
joyisntyoj · 3 years ago
Text
14: TAGAY
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
joyisntyoj · 3 years ago
Text
13: Just Another Poem
my name never sounded pretty,
but I love being called...
you are adorable
you are talented
you are nice
you are intelligent
my name never sounded pretty,
but all such things...
acknowledgments,
always welcome;
appreciations
even more
my name never sounded pretty,
but the statements that follow...
it raises the pride
once just laying down
now she can run and jump
and fly and go places
my name never sounded pretty,
but I still love it...
aspirations
the driving force
absence of fear
one foot forward
my name never sounded pretty,
and sometimes it's not only the name...
pointed nose
slimmer thighs
fairer complexion
softer hair
my name never sounded pretty,
and the little demon within agrees...
a complicated one
best friend of no one
lover to none
just a mere soul
my name never sounded pretty,
and silence was a luxury...
disco in my head
songs about uncertainty
dance to questionable existence
cheers to fake reflection
my name never sounded pretty,
and it's okay...
like the sun and the moon
sometimes all is brightness or darkness
for my sight says otherwise
even the alphabet says so as "I" stand too stern for a reason
I'm reminded I can be the same
my name—myself
I am less, and I am more
recognition to depth
acknowledgment beyond visuals
appreciations to gentleness
it's okay when it sounded different
after all, pretty do not define a whole entity
0 notes
joyisntyoj · 3 years ago
Text
12: MANDUDULA
Sa tinagal ng panahon na nagsusulat ako para sa kawalan ng tinig ko sa mga pagkakataong nais kong sumigaw, sa unang beses ay nagawa kong maiparinig sa iba ang bawat tawa, taghoy, at ang bahagi ng boses sa kalooban ko.
Tumblr media
Ngayong taon, nawalan at nabiyayaan ako.
Hindi ko alam kung paano magdidiwang sa gitna ng pighati at pagluluksa.
Dahil kalaban ng oras ang kalimot at ang paghilom ay nakaayon sa pagtanggap, sabay-sabay kong naipon ang lakas ng loob na yakapin ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pagsusulat.
Hinayaan ako ng aking sining na alalahanin ang mga magaganda, pangit, masakit, at nakapanlulumong pangyayari sa mga lumipas na panahon.
Sa pagsilang ng dulang MAGMEMERYENDA PA BA?, nabigyang buhay sina Niño at Lolo Tubal, usaping pag-ibig, buhay, at kamatayan.
Dito ko naipamalas ang sining ng pagbabahagi ng kuwentong hindi lang pala sa puso ko may puwang.
Tumblr media Tumblr media
Salamat sa sining ng teatro at dula, sa tingin ko, nagawa ko ang parehas na bagay—pagdiriwang at pagluluksa; kasabay ng pag-iiwan ng mensahing hindi lang tungkol sa pag-alala, kung hindi pati na rin sa pag-ibig sa buhay at pagpapalaya sa mga namayapa.
Tumblr media Tumblr media
Daghang salamat, Cultural Center of the Philippines, Virgin Labfest Writing Fellowship Program '16 - 2021.
Tumblr media
Ang nagbabagang pag-ibig hindi lang sa sining ng teatro at pagsusulat kung hindi sa buong usapin ng pagpapatuloy ng isang sining na mapagpalaya, yumayakap, at boses sa mga walang tinig - ako'y walang hanggang nagpapasalamat sa kamalayang napulot at paggising sa matagal na pagkatulog.
Hanggang sa muling pagsasama bilang mandudula o artista sa tanghalan.
0 notes