jaja-gtc
jaja-gtc
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
jaja-gtc · 1 year ago
Text
Tara na sa Baguio!
Tumblr media
( Kinuha sa google )
Sa aking paglalakbay sa Baguio City may kwento at mga alaala na naiiwan sa puso't isipan namin ang paglakbay sa Baguio City. Ang Baguio City, na matatagpuan sa Cordillera Central ng Pilipinas, ay isa sa mga destinasyon na nagbibigay buhay sa mga paglalakbay na puno ng kulay at kakaibang karanasan.
Tumblr media
( Kinuha sa google )
Ang paglalakbay patungo sa Baguio ay parang paglisan mula sa karaniwang kaisipan ng init at alinsangan. Kapag pumasok ka sa lungsod na ito, ang unang sasalubong sa'yo ay ang malamig na simoy ng hangin. Ito ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit tinaguriang "Summer Capital of the Philippines" ang Baguio. Sa bawat paghinga, mararamdaman mo ang kakaibang lambing ng klima, naglalakbay patungo sa iyong mga balat at nagbibigay buhay sa bawat bahagi ng lungsod.
Tumblr media
( Kinuha sa google )
Isa sa masayang karanasan sa Baguio ay ang makapag-picnic sa Burnham Park kasama ang pamilya at mga kaibigan. Ito ay pagkakataon upang mag-relax, maglaro ng mga outdoor na laro, at mag-enjoy ng malamig na klima habang kumakain ng masarap na pagkain na dala-dala. Ang magandang tanawin ng park at ang masayang ambiance ay nagbibigay-daan sa mga masasayang alaala at oras ng pagsasama-sama.
1 note · View note