Text
lungkot no? deserve mo naman yan, cho, after ng nangyari at nagawa mo, kung ganyan ka ngayon, resulta yan ng mga desisyon mo, sabihin mo man na iyan na lang ang desisyong naisip mo, nakasakit ka pa rin.
alam kong di mo na alam ang gagawin, kung paano at saan ka ulit magsisimula pagkatapos nito, pero sana piliin mo laging humakbang, kahit mahirap, baunin mo na lang siya araw araw, sa isip, at higit sa lahat, sa puso.
mami-miss mo siya alam ko, pero ganon talaga, di naman magkakaganyan kung di rin dahil sayo. tatagan mo lang cho, tatagan mo pa.
1 note
·
View note
Text
minsan, may mga bagay tayo na kailangan isakripisyo para lang matustusan yung pang araw araw, pano ka papasok, pano ka kakain, etc. dami kong gusto gawin at simulan pero wala akong ipon, wala akong gamit, wala akong resources para kahit papaano lume-level up yung income.
masakit sakin dahil yung naging desisyon ko (alam kong mali) ay naging dahilan para mas mawalan pa, at yung nawala pa e mayroong malaking parte sa buhay ko.
makakabawi rin ako, di man ngayong buwan, o next month pero alam ko na makakabawi ako, magiging ako rin yung dapat na maging ako, at pag dumating ako ron sa punto na yon, magiging masayang masaya ako, tunay na masaya.
1 note
·
View note
Text
I find comfort in knowing that someday i'm gonna be dead and none of this bullshit matters anymore.
3K notes
·
View notes
Text
Minsan, kailangan mo muna mag-isa—kumain mag-isa, mag-japan mag-isa
charot, pinas lang yan
2 notes
·
View notes
Text
"bakante ka lang kaya, parang ang bagal ng usad.."
namulat tayo sa romantisismong paraan kung paano mabuhay, nasanay tayo na dapat laging maganda ang nangyayari, dapat laging masaya, dapat laging naaayon sa plano natin—hanggang sa isang araw, magigising na lang tayo sa mahabang panaginip na ito
di pala madali, di pala laging ibibigay sayo ng universe ang mga bagay na gusto mo, maski sa trabaho, sa bahay, sa kaibigan, o sa taong mahal mo
di tayo laging paborito ng mundo
di aayon sa mga plano mo ang mga bagay, di puwede ang akala mo puwede na, at masakit yon—nakakabinat, nakakahilo na para bang biglaan kang tumayo sa matagal na pagkakahiga
di tayo laging paborito ng mundo
masyadong malawak ito para ibigay sa atin ang lahat ng ginusto, di tayo paborito ng mundo pero pwede mong gawing paborito ang mga bagay na kaya mo, ang mga bagay na nasa kamay mo, at pag na-master na natin to, matututo tayong mawalan ng pake sa mga bagay na di natin kontrolado.
1 note
·
View note
Text
"it's not always easy"
sabi nga nila, di lahat ng bagay alam mo at di lahat ng alam mo ay isang daang porsyento mong alam—akala ko, alam ko na yung pasikot sikot ng daan, pero hindi pa pala ako pamilyar.
nakakaligaw pala, masyadong malawak ang mundo para sakin..
kanina, sinubukan ko ulit tumugtog ng gitara, matagal ko na yon ginagawa, nag simula ako mga first year HS, pero sumakit pa rin yung daliri ko sa ilang minutong pag-tipa ng mga chords—tuloy pa rin sa pagtugtog, hanggang sa parang unti unting nawawala yung sakit sa daliri.
ganon din siguro sa sarili, kahit alam natin sa sarili natin na alam na natin yung mga kinasanayang bagay, darating pa rin na masasaktan ka, itutuloy mo ang buhay, at eventually, kaya mo na ulit.
dami ko pang dapat balikan, dami ko pang kailangan ayusin, at marami pang kailangang matutunan, pero oks lang, mas mabuti na yung ganito, bukas sa sakit, at pagkalaon, magagawa mo na ulit.
ps. sa mga naapektuhan ng bagyo, kasama kayo sa lahat ng dasal ko.
yon lang, labyu, babalik tayo 🌻
1 note
·
View note
Text
pasensya ka na, natatakot lang akong mawala ka sakin, alam kong nakikita mo naman kung paano ko sinusubukan, paano ko inaayos, pero wala e, kahit anong paghihirap ko, naba-back to zero ulit ako.
ngayon ko lang na-realize kung gaano kalungkot yung sunset, pinapanuod mong dahan dahang lumulubog, hanggang sa wala na—madilim na..
pasensya ka na, kung di sapat yung liwanag ng araw ko para harapin ng isang mirasol na katulad mo, mahal na mahal na mahal kita tangi, alam ng diyos kung ilang beses kitang ipinagdarasal sa kanya, kahit hindi halata, ipinagdarasal kita araw araw, huwag ka magkakasakit, makauwi ka ng safe, hindi sumakit ulo mo madalas, makatulog ka ng mahimbing..
i love you love, pahinga ka na. mahal na mahal kita.
4 notes
·
View notes
Text
mula sa ilang mga paborito kong retrato mong pinagtagpi-tagpi
nakabuo ng isang imaheng ni minsa'y di sasagi sa kanilang mga sentido na ito'y galing sa mga natatangi mong larawan na kay ganda tignan—titigan
mga retratong nagpapaalala sa mga ngiti mong hindi kaya tumbasan ng ilang libong nakaraan, bagkus, simula ng pang habang buhay pang nakalatag sa di pa mabilang na lubak, guho't munomentong itatayo natin nang magkasama
linangin sana ng mga isipan nating laging pagal sa maghapong kayod ang ilang oras nating palitan ng "kumusta" pagsapit ng dilim
hanggang sa salubungin natin ang bukas ng may sabik sa ngiti't, may luha ng saya sa ating mga mata—araw araw pa rin kitang itatangi sa lahat, at paulit ulit na ihaharap sa madla.
1 note
·
View note
Text
masyado tayong maraming gusto, kaya mahirap maging totoong masaya, hindi lahat ng bagay ay pwede nating makuha sa mundo, minsan, hindi talaga papanig sayo ang mga ito, pero sana nandiyan ka pa rin—bukas sa kung ano mang bagay na darating.
kaya siguro tayo nahihirapan makuntento, maniwala, kasi masyadong mataas yung expectations natin sa iba at sa sarili natin, kung kuntento lang siguro tayo kagaya dati na candy lang masaya na, siguro hindi tayo mahihirapan gumising sa umaga "lunes na naman, tang ina"
sana hindi mawala sa atin yung batang tayo, minsan kasi nakakalimutan na natin yung 5 yrs old na tayo, gigising nang masaya, matutulog nang masaya, tipong walang bagay na hiling kundi ang magkaroon pa ng maraming umaga.
share ko lang tong morning thoughts at view ko ngayon, tara, almusal tayo
1 note
·
View note
Text
sasabak na naman ang katawang naipahinga ng isang araw sa mga taong makakasalamuha sa daan, sa mrt, sa jeep, at sa iba't ibang pilahan.
pero gayunpaman, piliin sana natin palagi ang lumaban, magpatuloy at huminga.
huwag mo sana kalilimutan kung sino ka.
dahil kapag nakilala mo na kung sino ka ba talaga, hinding hindi ka matatakot na kumalas sa pagod at piliin na gugulin ang isang araw na pahinga kasama sila—silang laging nandiyan. muli, tandaan mo kung sino ka.
3 notes
·
View notes
Text
kung alam mo lang, ayun na yung pinaka mahabang 10 minuto natin, namiss ko boses mo, namiss kita, miss na miss na kita mahal.
1 note
·
View note
Text
kung pwede ko lang ibalik yung oras, habang tumatagal lalong bumibigat, ayoko ng ganito tayo
1 note
·
View note
Text
lumipas ang mag-hapon, isang beses lang kita natawagan, gawa na rin ng puro block timer, walang newsbreak, at nagkaroon pa ng biglaang coverage dahil sa lindol.
kumusta yung araw mo?
sakin, medyo nakaka-stress yung newscast kasi puro tawag sa reporters at sa mga iniinterview, late na rin ako nakapag-lunch, after na rin yon ng newscast.
sana di ka masyadong napagod today, sana kumain ka gaya ng lagi kong paalala sayo, sana nag vitamins ka rin para di ka nagkakasipon agad, speaking of sipon, magaling na ba yung sipon mo? sana okay na rin yan :)
namimiss na kita, sana makatanggap ako ng chat na "sundo mo ko sa MRT" o kaya, "malapit na ko sa MRT" kasi once na makatanggap ako non, siguradong nagmamadali akong bumaba para sunduin ka.
namimiss ko na rin yung "tambay po anytime" mo kapag gabi, (sa wakas makakapag pahinga na ko sayo) yun din kasi lagi kong nilu-look forward kapag uuwi ako.
see you bukas mahal, alam ko di mo pa rin ako napapatawad, pero yung makita lang kita, ayos na yon. I miss you so much, at mahal na mahal kita, Tangi 🌻
2 notes
·
View notes
Text
pangalawang gabi na to, na hindi ko naririnig ang boses mo bago matulog, miss na miss na kita mahal...
3 notes
·
View notes