Text
Isaiah John
When the time is right, I, the Lord, will make it happen. Isaiah 60:22.
What a lovely reminder that every little thing takes time. I love you, Isaiah John! You're the way of God para makasama ulit ni Kuya Jhiro si Mama Apple. Lahat ng bagay naging smooth lang para sa inyong pamilya buhat ng dumating ka. You're cheerful, I know! Kahit na lagi kang masungit kay Mama Peh.
Soon, you'll start to stand, walk, talk, and follow the path that God is giving you. Still, sana sa iyong pag-edad, 'wag makalimot sa mga bagay na isinakripisyo ng pamilya para maging ,mabuting tao ka. Anak, you're fam is so blessed to have you! Happy 1st birthday..
0 notes
Text
Capricorns' Birthday 2023
These girls are so close to my heart. Sana hanggang sa pagtanda namin ganito pa rin. We had unli samgyup today sa KOI Unlimited. Ang highlights nito, marami pala kaming iniinda, di lang halata. Sobrang seryoso na kailangan mo na lang itawa. These girls are genuine. Happy sila sa lahat ng achievements and ganap sa buhay pero mayayari ka kung tatanga tanga ka; sermon abot mo!
Salamat sa friendship. Sa uulitin! Cheers, happy birthday!
0 notes
Text
This must be the simplest birthday that I had. I drank some caramel macchiato and had dinner with Uchi, Nag-inuman with my sister Ne, Neo and Jong. Sana laging ganito, laging grateful ang aking puso.
It's my last year in my twenties. Ano kaya ang mangyayari sa kasunod na kabanata? Malaking part nun ay manggagaling sa decisions ko sa buhay. So I would love to ask our Humble Lord for his guidance Please make me a good decision maker!
I have major and minor goals this year.
MAJOR
Be Utang Free Be Healthy Save Enough
MINOR - I would spare this one!
Hopefully, makaya ko lahat ng ito. Love you, self! hbd mbtc!
#birthday
0 notes
Text
Panginoon, deserve ko ba ang mapatawad??
Lahat ng meron ako ay dahil yun sa nagmamahal sa akin. Malaking parte ng mga iyon si Ate. Ngunit, nabigo ko siya. To the point na hindi niya na ako halos nais kilalanin na kapatid. Naiintindihan ko siya. Future nila ng pamilya niya ang ninakaw ko, hindi lang basta pera.
Siguro nga ay kaya kong tiisin ang lahat ng sakit na nadama ko sa aking katawan ngunit hindi ang iyong pagtangis. Randam ko ang pagmamahal at pagsisisi sa iyong boses nung gabing yun. Ate, sana makabawi pa ako sa lahat ng disappointments na binigay ko sayo... Hindi ko deserve ang mga tsokolateng ito! Para akong tinutusok ng karayom nung iabot mo ito sa akin. Patawad. Gusto ko na magbago. Sana Lord, i-guide mo ako sa tamang landasin. Tulungan mo akong makaahon sa mala-kumonoy na problema.
I can't afford to make mistakes that will disappoint her again, this time I can't afford to lose her.
I love you, Ate. Salamat sa hindi pagbitaw sa akin!
0 notes
Text
2023 has said to be the year of Bad Karma. Meaning kung anong ginawa mong masasama or BAD nung nakaraang taon ay babalik sayo.
Honestly, I had lots of fear when I heard it. I know, God knows what I have done. Still, I know na kahit pa marami akong nagawang masama marami rin naman ang mabubuti. At the end of the day, lahat ng consequences ng actions ko ay kailangan ko pa ring harapin.
Ngayong taong ito, nais kong tiyakin ang malaking pagbabago sa aking mindset. Nawa ang araw-araw ay ituring kong chances na ibinigay ng Panginoon upang ako'y magbagong buhay. Ang dami kong nasaktan. Mga mahal ko pa sa buhay! Sana ito na ang maging taon ko, TAON upang maging isang MABUTING TAO.
Maligayang Bagong Taon.
Siya nga pala, naging extra-HAPPY ang aming pagsalubong sa bagong taon dahil sa mga palaro, tawanan, sayawan, kantahan ng pamilya. Mahal na mahal ko sila....
2022 gave us our cutie babies, Ijan, Sena, Luffy.. Salamat sa mga blessings at aral, 2022.
2023--> ibigay mo na sa akin ito!
1 note
·
View note