Tumgik
gomschar · 4 years
Text
Sa Likod ng mga Ngiti
Palaging nakangiti na tila ba walang problema. Ngiting palaging nakapaskil sa mukha na para bang permanente na ito. Ngiting tila ba walang dinaramdam na kakaiba ngunit meron pala. Hindi nila maintindihan kung bakit ganon nalamang ang ngiti ko dahil sa iniiwasan kong problema.
Kailan nga ba nila malalaman ang dahilan ng pagngiti ko?
Tumblr media
0 notes
gomschar · 4 years
Text
Isa ang adobo sa pinakakilalang pagkain sa Pilipinas. Ito ay may kakaibang linamnam na bagay na bagay na iulam sa mainit na kanin. Ito ay maraming klase tulad ng adobong puti at adobong tuyo.
Ingredients
2 lbs pork belly
2 tablespoons garlic minced or crushed
5 pieces dried bay leaves
4 tablespoons vinegar
1/2 cup soy sauce
1 tablespoon peppercorn
2 cups water
Salt to taste
Instructions
Combine the pork belly, soy sauce, and garlic then marinade for at least 1 hour
Heat the pot and put-in the marinated pork belly then cook for a few minutes
Pour remaining marinade including garlic.
Add water, whole pepper corn, and dried bay leaves then bring to a boil. Simmer for 40 minutes to 1 hour
Put-in the vinegar and simmer for 12 to 15 minutes
Add salt to taste
Serve hot. Share and enjoy!
Tumblr media
0 notes
gomschar · 4 years
Text
KAKAIBANG GANDA NG ILIGAN CITY
Ang Iligan City ay isa sa pinakakilalang syudad sa Lanao del Norte. Sinasabing ang Iligan City ay ang "home of falls" dahil sa dami ng iba't-ibang falls na makikita rito. Ito ay may lawak na 813.37 kilometro kwadrado.
Tumblr media
Maria Cristina Falls
Ang Maria Cristina Falls ay isa sa pinakamagandang fall na matatagpuan sa Iligan City. Ito ay madalas na tinutukoy na kambal talon dahil ang daloy ng tubig ay pinaghihiwalay ng isang bato sa gilid ng talon.
Tumblr media
Ang Maria Cristina Falls ay nasa pangangalaga ng National Power Corporation (NPC). Ito ay bukas lamang tuwing Sabado, Linggo at sa mga mahahalagang okasyon sa lalawigan.
Paseo de Santiago
Ang Paseo de Santiago ay isa sa pinakasikat na parke na matatagpuan sa talipapa sa Barangay Santiago. Ito ay isang pribadong lugar na kamakailan lamang binuksan ng may-ari para sa mga turista. Ito ay tinaguriang "Selfie Capital" ng Iligan City dahil sa napakaganda nitong mga tanawin at tama ng ilaw.
Tumblr media
Ito ay may sea front na tanawin na talaga namang nakakabighani ang ganda. Sa Paseo de Santiago rin ang pinakamagandang lugar upang manood ng sunset.
Timoga Cold Spring Pool
Ang Timoga Cold Spring Pool ay matatagpuan sa Buru-un, Iligan City, Lanao del Norte. Ito ay isa sa pinakasikat na cold spring resort sa Iligan City. Ito ay dinudumog ng mga turista lalong-lalo na tuwing tag-init.
Tumblr media
Al Pater Kuwait
Ang pastil o mas kilalang pater ay isa sa dapat subukan sa lungsod ng Iligan. Ito ay isang halal na pagkain ng mga Maguindanawon, ito ay may kanin na nilagyan ng inihaw na manok o isda sa taas at nakabalot sa dahon na nagkakahalaga ng limang piso hanggang dalawampung piso at may kasama ng palapa. Ang Al Pater Kuwait ay isa sa pinakakilalang pateran sa lungsod ng Iligan City. Sila ay may iba't-ibang bersyon ng pater tulad ng manok, beef, at tuna na maaari para sa lahat.
Tumblr media
1 note · View note