Photo
Yung matapos kang saktan at iwanan, pagkatapos nung nakaka move on ka na, tsaka sasabihing mahal ka pa. Wag ako bes, wag ako! 😏🖕🏻💪🏻👅
8 notes
·
View notes
Text
Dapat kasi tlga di ka ulet nagparamdam. Nkka tangina mo tlga eh noh. I dunno wats ur intention., maybe to remove ur guilt., and my mistake, inentertain ko ang ideya na bka pede pa. Sana di kita inunblock nung araw na yun, punyemas nman. Wrong move. E di sana andun na ako sa acceptance stage. E di sana ngaun di ko iniisip kong ano tong game plan mo. Di ako makasunod sa mechanics mo eh. Manahimik ka na dyan okey., panindigan mo na yang pananahimik mo dyan. I wish u well and happiness. Pagpapalit mo pa ako sana dun naman sa mas matino. Kakainsulto eh. Bka kasi di mo maabot standards ko kaya dun ka sa mas mbaba, hehe! ✌🏻✌🏻✌🏻. darting ang araw, tatawanan ko na lang nangyare sateng dlawa., mkkasalubong kita sa daan at maiisip ko n lng na— “haha nauto pla aq ng lalaking to.,” wala pinalampas eh. Mukhang lhat na ata ng babae in town na syota mo na eh. Anyways tagal ko na ren nman na gusto ma feel eversince nung mga bata pa tayo how it is to be like to be your girlfriend., ganun pla yun, kaya pla wala ngtatagal na syota mo eh. Thank you na lang den , pinakilig mo din nman ako, kaso hanggang dun na lang yun,, cge na tanggap ko na, di ikaw ang mr right ko. Isa ka na nman sa mga dumaan lang at di nag stay, hmmp, balang araw mkikilala ko ren sya., at sana makilala mo na ren sya. Para patas tayo na happy, o diba bait ko pa ren sau. Ayaw ko maging bad eh kung dahil lang sa lalaking ktulad mo. Kaya go, im letting my feelings go. This time totoo na to. Pinapalaya ko na ang sarili ko sa konseptong ikaw at ako. Paalam na!
#exbf moveon paalam#hugot feels#breakup#heartbreak#single again be happy pagakonakamoveonhuyoukasaken
1 note
·
View note
Quote
…at tuluyan na ‘kong bumitiw sa paghawak sa pangako mong kahit na kailan, hinding hindi ‘ko na mahahawakan.
(via capitalsawi)
31 notes
·
View notes
Text
Diyos Ko! Bakit Mo Ako Pinabayaan?
“Nang mag-aalas tres na ng hapon, sumigaw si Hesus, ‘Eli, Eli, lema sabachtani?’ na ang ibig sabihin ay, ‘Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?’ “ - Mateo 27: 46
Marahil, karamihan sa atin ay nakapagtanong na minsan sa ating buhay ng mga katagang “Diyos ko? Diyos ko? Bakit mo ako pinabayaan?”
Sa mga puntong iyon ng ating buhay ay para bang nararamdaman nating wala ng Diyos o kung meron man, siya ay natutulog at nagpapabaya sa atin. O isang sadistang hinahayaan na lang ang kanyang mga nilikha na maghirap, magkagulo, at lamunin ng problema.
Totoo nga bang may Diyos? Totoo nga bang hindi natutulog ang diyos? Pero kung totoong nandiyan siya, bakit niya tayo pinababayaan? Hindi kaila sa atin na sadyang mapagbiro ang tadhana. Dumadating ang mga pagkakataong para bang tayo na ang pinaka-abang tao sa mukha ng lupa. Na kahit ano mang bagay ang ating gawin para ito ay masolusyonan ay tila baga wala pa ring kahihinatnang malinaw na solusyon sa ating mga problema. Dito pumapasok ang buhay at kaisipan ng kawalang pag-asa. Naiisip nating “Diyos nga ay walang pakialam sa akin at hindi ako tinutulungan, ako pa kayang hamak na tao ang makagawa?” Dito pumapasok ang buhay sa kadiliman. Ang buhay pagpapabaya. Ang buhay na malayo sa Diyos. Ilang beses na nating inakusahan ang diyos ng pagpapabaya sa atin? Kawawa naman si Lord, kahit walang sawang nagmamahal, lagi na lamang sinisisi sa mga hindi magagandang nangyayari sa buhay ng tao.
Ito ang isang klasikong halimbawa. May mga taong nasa banig ng karamdaman na halos isumpa na ang langit at lupa at ang Manlilikha. “Diyos ko! Bakit niyo naman ako binigyan ng ganitong sakit?”, marahil ang ilan sa mga linyang kanyang bibitawan. Ngunit naitanong na ba niya sa kanyang sarili, ano ang aking ginawa kaya ako nagkasakit? Ano ang aking naging lifestyle kaya ako nagkakaganito ngayon? May mga taong sinisisi ang Diyos sa lung cancer, chain smoker naman ng halos 40 taon; may mga sinisisi ang Diyos sa sakit sa puso, walang preno naman kung kumain at hindi nag-eehersisyo; sinisisi ang Diyos dahil sa karamdamang kung minsan - o madalas - bunga din naman ng sariling pagpapabaya. Dahil sa mentalidad na “wala namang diyos” (kahit meron naman talaga) ay nabubuhay tayo sa isang buhay na walang direksyon at walang kaliwanagan. Sa pagtahak natin sa ganoong klase ng “trip” sa buhay, hindi maiiwasang may mga tao tayong isasama at hahatakin doon sa “kakaibang trip” na iyon. Imbes na maging tagapagdala ng liwanag at pag-asa, dahil nga tayo ay nabubuhay ng malayo sa Diyos, tayo ay nagiging instrumento pa upang mapariwara ng landas ng iba. Imbes na tayo lang ang nakakaramdam ng “pagpapabaya ng diyos” (kahit hindi naman talaga), ipinaparamdam pa natin ito sa iba. Ilang beses na ba tayong naging instrumento para ang ating kapwa ay “mabuhay sa kadiliman?” Bakit nga ba kapag tayo ay malayo sa Diyos, tayo ay nabubuhay sa kadiliman? Ito ay sa kadahilanang Diyos ang siyang nagbibigay ng liwanag. Diyos ang talagang nagbibigay ng ilaw dahil ang Diyos ang ilaw, ang Diyos ang liwanag (1 Juan 1:5). Mas maliwanag pa ang diyos kumpara sa ilaw na ibinibigay ng Meralco. Mas Masaya, mas maganda, kapag may liwanag ang buhay. At ang liwanag ng buhay ay atin lamang makakamit sa diyos. Walang ibang nilalang ang makakapagbigay ng ganap na kaliwanagan bukod sa diyos (katunayan nga, ang Diyos ay hindi isang nilalang dahil wala naming lumalang sa kanya). Kung kaliwanagan ng buhay ang kailangan mo para sa madilim mong buhay, Diyos ang kailangan mo. Sa katunayan, kapag dumadating ang mga “kadiliman” sa ating buhay, hindi naman ito talagang ganap na kadiliman. Sabihin na nating, isa lamang itong “kulimlim” ng buhay. Kung atin itong ikukumpara sa ating buhay at Diyos ang “araw”, hindi naman talaga nawawala o nagpapabaya ang Diyos, “nakakubli” lamang siya sa likod ng mga ulap ngunit hindi siya nawawala. Kung inaakala nating nawawala ang araw, o nawawala ang Diyos sa ating buhay, iyon ay isang pagkakamali. Tayo ang nawawala, hindi ang araw. Tayo ang lumalayo sa Diyos, hindi Diyos ang lumalayo sa atin.
Hindi naman kaila sa atin na may mga taong hindi naniniwala sa Diyos. At may mga taong walang pakialam kung may Diyos ba o wala, basta’t mabubuhay sila ayon sa kanilang kagustuha at kaginhawahan.
Minsan ay naitanong ko sa isang kakilala kung bakit hindi siya naniniwala sa Diyos. Sinagot niya akong, kung may Diyos, bakit may paghihirap? Bakit may nagugutom? Bakit may sakit? Bakit may namamatay nang hindi ma lang nakatikim ng hustisya at kaginhawahan sa buhay.
Kasama sa pag-aaral ko sa Pilosopiya noong Kolehiyo ang pag-aaral tungkol sa katotohanang may Diyos at ang problema ng imperpeksyon at kasamaan sa mundo. Madali sa aking intindihin kung bakit nangyayari ang mga ganoong bagay. Hindi naman kasi kayang ‘kontrolin’ ng Diyos ang kalayaan ng tao. Binigyan niya tayo ng kalayaan - o free will - bilang mga nilalang. Malaya ang tao na gawin ang gusto niya. Ika nga, maituturing na free will ang ‘kahinaan’ ng Diyos.
Ang mga paghihirap, pagkakasakit, at mga trahedya ay hindi dahil ito ay ginusto ng Diyos. O dahil walang pakialam ang Diyos. O dahil wala naman talagang Diyos. Ito ay dahil tayo ay may kalayaan ang tao. Maaaaring ang paghihirap ng isang tao ay bunga na din ng kapabayaan at pagsasamantala ng kapwa niya tao.
E bakit pa kinakailangang magkaroon ng mga “kulimlim” na parte ng ating buhay?
Ang buhay ng tao ay hindi palaging puno ng kasiyahan. Natural sa buhay ng tao na dumadating ang mga problema at pagsubok ng buhay. Ang mga pagsubok na ito ang nagdadagdag ng “kulay” at ganda ng buhay. Masyadong “patay” ang isang buhay kung pare-pareho na lamang ang kulay at lasa nito.
Paano nating masasabing masaya ang ating buhay kung wala tayong punto ng pagkukumparahan nito (point of comparison)? Nakakasawa ang isang buhay na punong-puno ng kasiyahan at walang halong kalungkutan. Perfection is boring. Masasabi kasi nating mas nagiging ganap ang kasiyahan ng buhay kung ang kasiyahang iyon ay ang pakiramdam ng tagumpay ng paglampas sa pagsubok ng buhay. Nakakaumay ang palaging matamis na buhay. Paminsan-minsan, kailangan din nating makatikim ng maalat, mapakla, at mapait na lasa ng buhay. Ang buhay ay parang tiklada ng piano. Hindi lamang puro puting tiklada ang ating pinipindot, kinakailangan din nating daanan ang mga itim na tiklada. At alam ng mga musikero na ang kombinasyon ng mga itim at putting tiklada – na parang kombinasyon ng kaligayahan at kalungkutan ng buhay – ang siyang mas nakagagawa ng kaaya-aya at de kalidad na tunog. Bukod sa pagbibigay ng lasa at kulay ng buhay, bakit kinakailangan pa nating maghirap? Bakit pa kinakailangang magbigay ni Lord ng mga pagsubok ng buhay? Ang diyos ay diyos na kahit wala ang mga nilalang. Hindi dagdag o kabawasan sa pagiging Diyos niya ang mga nilalang. Kung tutuusin nga, hindi na niya kinakailangan pang lumikha dahil diyos na siya. Ngunit dahil sa kanyang pagmamahal ay nilikha niya tayo. Nilikha tayo ng Diyos dahil sa pagmamahal niya sa sanilibutan. Bilang mga nlalang, natural lamang na ibalik natin ang pagmamahal na iyon sa diyos na siyang unang nagmahal at lumikha sa atin. May mga pagkakataon kasi na sa kadahilanang masyado na tayong nagiging makasarili bunga ng ating tagumpay, nakakalimutan na nating magpasalamat sa diyos. Paminsan-minsan, kinakailangan tayong “kalugin” ng diyos upang magising tayo sa katotohanang mayroong diyos na pinagmumulan ng lahat ng tagumpay at ganap na kaligayahan. Gayundin naman, ang Diyos ay umaakto bilang mga “traffic signs” sa “highway ng paglalakbay natin sa buhay.” Huwag natin itong ituring bilang mga balakid sa paglalakbay sa buhay, bagkus, ituring natin ang diyos bilang isang gabay upang makarating tayo sa ating paroroonan ng ligtas. Dahil sa bandang huli, Diyos din naman ang patutunguhan nating lahat. Ang diyos ang simula at katapusan ng lahat ng mga bagay. Siya ang Alpha at Omega ng sanlibutan at ng ating mga buhay. Ang plano ng diyos para sa kanyang mga nilalang ay palaging “happy ending.” Kung sa istorya ng buhay natin ay para bang gusto na nating sumuko dahil sa mga pagsubok at problema nating hinaharap, alalahanin na nating hindi pa iyon ang “happy ending” na itinakda ng Diyos para sa atin. Iyong mga iyon ay ituring nating “pampagana at pampaganda” ng istorya ng ating buhay. Sa bandang huli, nais kong sabihing hindi naman talaga nagpapabaya ang Diyos.Kung sa tingin nating parang “nilalayasan” tayo ng diyos sa ating buhay, sana ay sumagi sa ating isipan na “nagtatago” lamang ang Diyos ngunit palagi pa rin siyang nagmamasid at gumagabay sa atin. Nawa, ang ating isigaw sa buhay ay hindi ang “pagpapabaya ng diyos” kundi “DIYOS KO! DIYOS KO! SALAMAT AT HINDI MO AKO PINABAYAAN!” Ano pa mang mga pagsubok ang dumating sa atin, kakayanin natin ito dahil alam nating may plano ang Diyos sa atin.
Pag-ibig, pagkakaisa, at pagmamahalan ang nawa’y sumaating lahat. Padayon!
This was originally written in 2009 but I tweaked it this year to tackle the issues of today. I decided to repost this one to reach wider audience. Have a blessed Good Friday everyone!
60 notes
·
View notes
Quote
Sabi mo, magaling na? Bakit masakit pa rin? Magaling na nga siguro ang sugat, kaso sa panlabas lang. Hindi pa tuluyang magaling kasi tinapalan mo lang ng panandaliang lunas. Ginamot mo gamit ang akala mong ‘sagot’ o ‘solusyon’ sa sakit na nararamdaman mo. O baka naman nilagyan mo ng benda ang parte na wala namang sugat? Sinolusyunan mo ang hindi naman problema, na akala mo 'yun ang problema pero hindi pala? Bakit tinatakasan mo? Bakit nilalayuan mo? Alam mo naman kung ano ang gagawin eh. Hindi mo lang ginagawa. Ang taas kasi ng pride mo. Naniniwala ka kasi na dapat siya ang mauna, na siya ang may kasalanan kaya dapat siya ang maunang lumapit. Hanggang kailan ka magiging ganyan? Tandaan mo, sa huli, ikaw lang din ang mahihirapan. Huminto ka na sa pagtakbo. Harapin mo ang problema para hindi na lumalim pa ang sugat.
(via isusulatkonalang)
147 notes
·
View notes
Photo
8K notes
·
View notes
Text
You deserve so much better
To the girl who is fighting for the wrong love, this is for you.
Never settle for this kind of relationship. You are exerting so much effort and he doesn’t care. You swallow your pride to text or call him and you receive no reply. Is this what you want? You deserve so much better that this sweetheart. I know. You are so into him but, do you think you matter? Do you think he cares? Cause if so, he will make an effort to see you but he doesn’t.
All this sweet talks you had. All this moments you had. It is all in the past. Wake up, stand up and move forward. Do not expect anymore. The right person will never hurt you, he will care. He will never snob you, you will get all his attention. He will never leave you, he will stay. The person who truly loves you will STAY. All the reasons to leave will just fade away.
You are a girl. You are your parent’s princess. You deserve to be someone’s queen. You’ll be okay I swear. It will be a working progress. Help yourself too. Surround yourself with people who truly loves you. And someday, somewhere, the right person and the right love you actually deserve will come, will stay and will never leave.
313 notes
·
View notes
Text
Bakit mo pa pinagpapatuloy?
Sa kabila ng mga masasakit na salitang narinig ko, sa mga taong tinalikuran ako, sa mga taong iniwan ako sa ere, sa mga rejections at disappointments na naranasan ko, bakit ko pa pinagpapatuloy? Saan ako kumukuha ng lakas ng loob para hindi sumuko?
Naisip ko, nakakapagod pala. Imagine, wala ka namang ginagawang masama sa kanila pero bakit nakukuha pa nilang manakit? Minsan nga naitatanong ko sa sarili ko, kapag ba sinaktan nila ako, makakaramdam sila ng saya? Kapag ba sinabi nila yung mga masasakit na salitang iyon, tataas ang tingin nila sa sarili nila at iisipin nilang better person na sila?
Pero sa kabila ng pagtatalo ng mga brain cells sa utak ko at kaba na nananalaytay sa mga veins ko, may isang boses ang nangibabaw. “Ako ba, sinaktan kita? Hindi diba? Tara, yakapin kita. Mahal kasi kita eh. Mahal na mahal.” Boses ni God.
Noong mga panahong nagsisimula palang ako sa pagsusulat, sinabi ko, Lord, magsusulat ako para sa Iyo. Kumbaga, gamitin ako ni God para makatulong sa ibang tao, sa mga taong nangangailangan ng sagot, sa mga taong nangangailangan ng comfort and inspiration. I did my best para makatulong. Masaya na ako sa mga mensahe ng ibang mga tao na nagpapasalamat sila dahil sa mga blogs and quotes na ibinahagi ko sa kanila. Yung sa simpleng pangungusap, kahit papaano, may epekto sa buhay nila.
Pero tao lang din ako, nasasaktan, madalas panghinaan ng loob pero sa tuwing nararanasan ko yung mga sakit, wala pa ‘to sa mga sakit na naranasan Niya. Siguro, parte talaga ng buhay ng tao ang masaktan pero never naman tayong iiwanan ni God. Ano ka ba, He died for us nga eh. Ganun Niya tayo kamahal.
At the end of the day, malalaman mo ang sagot sa tanong kung bakit pa tayo nagpapatuloy? Simple lang, because it’s our mission na makatulong sa kapwa, sa paraang alam natin, sa paraang kaya natin, may mga tumutulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera o pagkain, sa pagpapalaganap ng kaalaman, mga tumutulong sa pamamagitan ng pamumuno, mga tumutulong sa pamamagitan ng lakas at isip. Ako, ang mga letra sa bawat salita, yun siguro ang paraan ko para makatulong sa iba. Yung simpleng kaya mo yan, magpahinga ka muna, mahal ka nun, ngiti ka lang, maaayos din ang lahat - mga simpleng salita na kapag nabasa ng isang taong nangangailangan ng makakausap o ng sagot, makakatulong kahit papaano na mabawasan ang dinadala nilang problema.
Marami silang masasabi. Maraming silang mapupuna. Pero dapat, magpatuloy ka lang sa paggawa ng kabutihan - inspirasyon sa pamamagitan ng talentong ibinigay sa ‘yo ni God. Huwag mo nang isipin ang sinasabi nila, ang importante, kung ano ang sinasabi ni God sa ‘yo. :)
Magpatuloy ka lang.
512 notes
·
View notes
Text
ABC ng Pagmomove-on
ACCEPTANCE.
Tanggapin mo munang wala na. Tapos na. Wala nang kayo. Wala nang siya. puro nalng ikaw. Tanggapin mo na ang taong akala mo mag bibigay ng katuparan sa mga pangarap mo, pangarap nyo. Ay wala na. Na wala na ang Prince-in-shining armor mo na magtatanggol at magpupunas ng luha mo kapag pumapatak ang luha sa mata mo. Isiksik mo sa bawat silid ng utak mo at puso mo na wala na.
BAWASAN ang pagassume
Hindi porke’t tinetext ka nya, ay balik-kilig na. Na gusto nyo na ang isa’t- isa ulit. na babalewalain nyo na ang nangyare na parang ganun lang kadali ang lahat. Sa totoo lang, maaring namimiss nyo lang ang feeling ng inlove, ng attach, ng feeling na may magtetext sayo araw-araw at nag aalala. pero wala na. bawasan na ang pagaassume, sa huli, ikaw at ikaw lang nag masasaktan.
CHOOSE wisely.
Piliin mo, piliin mo ang mga taong pag sasabihan mo. Pumili ka ng taong pagkakatiwalaan mo at pagsasabihan mo ng nangyare. Meron kasing mga tao na nakikiusisa lang sa mga nangyayari at worst-case scenario maging isa to sa maging rason para lalong lumala ang gulo sa pagitan nyong dalawa. Kaya kung maari, mamili ka. Kung hindi mo kaya, mas magandang manatili na lamang ito sa inyong dalawa. :) Respetuhin nyo ang isa’t- isa. :D
DONE.
Tapos na. Wala nang KAYO. Wala ng SIYA. at nag meron nalang ay IKAW. Kaya dapat sa mga oras na to, natututo ka nang tumayo sa mga sarili mong paa. Tapos na ang mga oras nyo. tapos na ang mga maliligayang sandali nyo na magkasama. tapos na ang mga pangarap nyong magkasamang binuo. tapos na. :)
ENJOY the moment.
Enjoy-in mo nlang ang oras na single kana. Hindi kaba masaya? wala kana masyadong iisipin? Wala nang magagalit pag hindi ka nakapag text ng good morning o good night. Wala nang magagalit sayo. Pwede ka nang pumunta kung saan saan kasama ang mga kaibigan mo ng walang iniisip kung may magseselos ba o wala. Wala nang limitasyon lahat ng kilos mo, wala ka ng masyadong iisipin. Hindi kaba masaya? Enjoyin mo nalng ang buhay single. :D
FEELING mo kayo pa?
TAMA NA ANG PANGUNGULIT SA KANYA. Pakiusap, maawa ka sa kanya. gusto kana nyang kalimutan. at higit sa lahat, maawa ka sa sarili mo. Feeling mo kayo pa? Dapat sa mga oras na to, kinakalimuta mo na ang konseptong ng salitang Kayo. Kasi ang meron nalng ay IKAW at Siya at iniwan ka nya para sa IBA.
GIVE UP.
Sumuko ka ng umasa na babalikan ka pa nya. Sumuko ka na umasa na dadating ang isang araw nakakatok sya sa pintuan ng bahay nyo at sasabihin sayong, ikaw pa din ang mahal nya. Tama na. Umalis na sya sa buhay mo at wala nang rason para muli mo syang tanggapin pa. Wala nang rason para umasa ka pa sa mga bahay na alam mo, na walang katuturan at walang patutunguhan. Hindi masamang sumuko kung alam mo naman na wala na talagang pag asa.
HOPING ka pa kasi.
Umaasa ka pa din kasi. Dapat magkaroon ka ng solidong desisyon kung gusto mo na talagang mag move on o patuloy ka pa ding mag papakatanga sa kanya. Huwag mo nang patagalin pa ang pagdurusa mo, maawaka sa mga taong nagmamahal sayo, sila ang nasasaktan para sa’yo, higit sa lahat maawa ka sa sarili mo. Sa mga oras na ‘to, hindi masamang mahalin ang sarili, hanapin at yakapin mo ang sarili mo ng mabuong muli ang puso na minsan mong pinagkatiwala sa maling tao.
ITAPON mo
Itapon mo na lahat ng bagay na nakakapag paalala sayo sa kanya. Itapon mo na ang bigay nya sayong kendi, chocolate, mga pictures nyong magkasama, pictures nyong magkatabi, yung couple ring nyo na binigay nya sayo nung monthsary nyo, yung bouquet ng flowers na binigay nya sayo na kahit tuyo’t na tinatago mo pa din. Tandaan mo, hindi masamang gawin tong mga ito, isa kasi sa hakbang yan para mas madali mo syang makalimutan.
JUSTICE.
Bigyan mo ng hustisya ang sarili mo, hanapin mo ang sagot sa mga tanong mo, kung bakit ka nya iniwan, bakit bigla syang di nagparamdam, bakit hindi mapanatag ang loob mo. Karapatan mong malaman lahat ng iyan dahil yan ang makakatulong sayong tanggapin ang lahat. Para malaman mo rin kung saan ka nag fail sa relasyon nyo, o talagang malandi lang sya at makati na humanap ng iba. Alamin mo.
KEEP it up.
Kung sa tingin mo umaabante ka na. Keep it up! :D Tuloy mo lang yan! Wag mong madaliin ang lahat, tandaan mo na hindi ito, “kung sinong unang magkakaroon ng bf/gf sya ang panalo” dahil ang break-up ay hindi paunahan. kung abutin ka ng buwan, taon, dekada o milenyo pa man yan, ang mahalaga, step-by-step :D at makakasigurado ka na handa ka nang humarap sa panibagong yugto ng buhay mo.
LILIPAS din yan
Masakit ba? Hayaan mo lilipas din yan. Para lang ding gutom yan, makakaramdam ka ng sakit, pero di tatagal lilipas din, kailangan mo lang tiisin panandalian,at dadating ang sandaling mabubusog ka na nmn ng pag mamahal. :D kaya chin up kapag nasasaktan ka, :) maging mas malakas ka kasi dadating ang sandali sa buhay mo na hindi ka na ulit malilipasan.
MAKE yourself busy
Gawin mong busy ang sarili mo. Humanap ka ng bagay na makakapagtuonan ng pansin, mag aral kang mag gitara, kumanta o sumayaw. discover something about yourself. Umakyat ka ng sagada, isigaw mo lahat ng nararamdaman mo, umakyat ng bundok, isigaw mo hanggang maamaos ka. Puntahan mo lahat ng simbahan n gusto mong puntahan,magdasal ka. Ang daming pwedeng gawin :D mamili ka kung saan ka mas komportable at magiging masaya :D para mas makalimutan mo sya.
NOT now.
HUWAG MONG MADALIIN. Kung pakiramdam mo handa kana.For God’s sake, hindi kapa handa. Siguraduhin mo muna. I-double check mo muna ang istado ng puso mo. Kung handa ka na ba sa mga susunod na mangyayare. Kung handa ka na bang mag tiis ulit sa mga bagay na hindi mo ineexpect? Siguraduhin mo muna ang mga bagay-bagay. dahil kung ang sagot mo ay hindi pa, Hindi pa ito ang oras para diyan. Hayaan mo munang mag hilom ang malalim n sugat na naiwan sayo.
Okay lang maging bitter.
Uulitin ko,okay lang maging bitter. Nasaktan ka e. Itapon mo lahat ng bigay nya sa’yo, sabihin mo sa lahat ng couple na makikita nyo sa daan na walang forever! okay lang yan. Magpost ka ng nararamdaman mo. Magstatus ng mga hugot, na hugot na hugot. okay lang yan :D nasaktan ka, kung yan ang bagay na mas makakalimutan mo sya, Go! Suportado ka naming mga sawi. :D
PRAY.
Magdasal ka. Ito ang bagay na sigurado akong pinakamakakatulong sa’yo. Guard your heart. sa mga taong sasaktan ka lang ulit, samga taong madaming sinasabi tungkol sayo. Guard your heart. And always take time to pray. God is still writing the best love story for you. :D nasaktan ka man ngaun, malay mo, nasa introduction ka palang :D Tandaan na ang relasyon dapat may tatlong H, : HAPPY, HEALTHY, HOLY. :D
QUOTA ka na sa drama
Tama na ang drama. Hindi ka pa ba nag sasawa? Sa araw araw na ginawa ng diyos lagi ka nalang nakasimangot, gusot ang mukha, at nakamukmok kung saan saan :D Tama na kaka simangot mo :D sobra na, dadagdagang kulubot sa mukha mo at mabilis kang tatanda :D Exercise your zygomaticus major. Smiile. :D
REMEMBER na may someone out there
na may taong nakalaan para sayo, na madami pang tao jan sa paligid mo, nag aabang. maaring sya ang tiga punas ng luha sa mga mata mo ngayon, maaring sya ang taong laging nanjan para sa’yo even when all the odds are against you, maaring sya ang taong anjan para sayo sa oras na pinapaiyak ka nya, inaantay lang nya na mapansin mo sya. madaming taong nagmamahal sayo, ang kailangan mo lang ay buksan ang mga mata mo at ang puso mo para sa tamang tao.
SAY SORRY.
Manghingi ka ng kapatawaran sa kanya. Siguro ito lang din ang hinihintay nyong dalawa. Mahirap oo, lalo na kung hindi ikaw ang nagkulang, pero alam namn natin na lahat tayo, nagkakamali, nakasakit at nagkulang. Siguro take this chance para humingi ng sorry sa lahat ng nagawa mo. hayaan mo syang lamunin ng konsyensya nya.
TANGGAPIN. TIGILAN. TANTANAN.
Tatlong bagay na sigurado akong mahihirapan ka, pero kailangan mong tanggapin para mas mabilis mo syang makalimutan. Para mas madali ang paghilom ng mga sugat na naiwan sa puso mo. Para hindi na din kayong dalawa mas mahirapan pa sa sitwasyon nyo. Mas mapapadali kung iblock mo sya sa lahat ng social media na meron kayong koneksyong dalawa. Para wala kang nakikitang bakas mula sakanya.
UNLOVE?
“How do I Unlove you” - unlove. (ʌnˈlʌv) verb (transitive)archaic, literary, humorous to stop loving. Sa totoo lang hndi ko alam ang sagot, wala namn sigurong paraan to stop loving someone. Makakalimutan mo sila pero naging parte pa din sila ng buhay mo na minsan sa buhay mo naging masaya ka sa piling nila.
VICTORY
Kailan mo ma-cla-claim ang victory? Siguro when you are over him/her. Kapag nakakapunta ka na sa lugar na hindi mo kayang puntahan dati, Kapag nakakain mo na ang paborito nyong ulam? Kapag nkikita mo ang picture nya, kahit may kasama pa syang iba, okay lang sayo. siguro kapag nagagawa mo n ang bagay na dati ay hindi mo kayang gawin ng wala sya. :) kapag nasasabi mo na sa sarili mong nakamove-on kana. Kapag handa ka ng salubungin ang isang umaga ng wala sya. Walang makakapag sabi nyan, kundi ikaw lang :D
WAIT for the right time.
Antayin mo ang oras na handa ka na sa lahat ng bagay. Tandaan mo, kapag minamadali ang isang bagay, it will end up messy. it will end up regretful. May oras para sa lahat ng bagay :D matuto tayong tanggapin ang katotohanang ito :D Oras para matuto, Oras para maging masaya, Oras para masaktan at Oras para mag move-on.
X.
TANGGAPIN MO NA X MO N SYA :D Walang ibang makakatulong sa sarili mo kundi ikaw. Tanggapin mo na wala na sya. Wag kang gagaya sa mga Math professors na panay pinoproblema ang mga X nila. Masyado na silang madami, hayaan mo na sila. Ikaw, mas mag focus ka nalng sa buhay mo ngayon at tandaan mo sya bilang X mo, na minsang naging parte ng buhay mo, minsang nagbigay ng kulay sa malungkot mong mundo, at minsang nakasama mong mangarap. na ngayon ay isang mapait na alaala na lamang.
YOLO.
You Only Live Once. But if you live it right, once is enough. Mag walwal ka kung gusto mo, enjoyin mo muna ang mga sandaling wala na sya. Life is too short para mag mukmok kapa sa isang tabi. Life is too short para sayangin mo ang luha mo sa mga bagay na wala namng kwenta. Kaya pick-up yourself from being down and smile :D a bright day is coming my friend :)
Zzzzz.
Matulog ka. Ipahinga mo ang sarili mo maingay na mundo. Itigil mo na ang pagluha mo sa unan mong binabasa mo na namn ng luha mo. Lumayo ka muna sandali sa realidad. Lumayo ka mna sandali sa mundong maingay. Madaming tanong kung bakit, paano, anong kwento, at kung ano ano pa. ilayo mo muna ang sarili mo sa lahat ng to. Magpahinga ka. You’ve fought a great fight. Reward yourself.
sa huli, ikaw pa din ang makakapag dikta kung paanong paraan ka mag momove-on, walang makakapg sabi sayo kung paano, kasi magiging desisyon mo pa din kung paano ka mag momove on. walang makakapag sabi sayo kung ano ang tama at mali, kasi ikaw pa din ang nakakaalam kung anong paraan ang magiging mas maganda at makakatulong sa’yo. Ang mahalaga, kahit matagal, kahit mahirap, kahit ilang up and downs ang maranasan mo, ang pinakamahala ay bumangon ka mula sa pagkakadapa mo at natuto. :D Mahalin ang sarili sa mga oras na ito at wag kalimutang enjoyin ang mga sandaling malaya ka. Lagi ding tatandaang Wag sosobra, dahil lahat ng sobra ay masama. :)
802 notes
·
View notes
Photo
ANG KONSEPTO NG CLOSURE AY HINDI PARA SA INIWAN AT NANG-IWAN
Sabi kasi nila, kelangan daw ng closure para tuluyan kang makapagmove-on. Kelangan mong malaman ang eksaktong dahilan kung bakit kayo naghiwalay para maging malinaw sa’yo ang lahat. ‘Cos not knowing can be the worst feeling of all.
Pero kapag ba nasagot lahat ng tanong mo makakamove-on ka na nun? Maniniwala ka ba sa isasagot niya o may ineexpect kang sagot para sa kanya dahil naka-plot na sa utak mo yung mga gusto mong marinig? Di ka na ba masasaktan? Kung ganon din lang eh di sana ginawa na lang tableta o capsule yang closure na yan at ipinagbili na lang sa botika.
Ang closure ay isang malaking excuse lang para paulit-ulti mong sabihin sa sarili mo na mahirap magmove-on. Na dumedepende ka pa rin sa kapirasong salitang pwede mong marinig sa kanya para masabi mong okay ka na.
When one ends a relationship, that’s it! Tapos na. Wala ng Book 2. Wala ng Part 2. The End. Hindi ka na pwedeng humirit pa ng 4-hrs finale para mai-justify ang ending niyong dalawa. Wag mong idepende ang feelings mo sa taong iniwan ka na.
No matter how it ended, kesyo bigla na lang hindi nagparamdam o nalaman mo na lang na may iba nang kinakalantari or nagkaroon kayo ng formal break-up sa harap ng 7eleven habang sinisimot ang tirang yelo ng Slurpee, yun na yon. You. Broke. Up. Ano pa bang closure ang kelangan? Hindi ka na niya mahal. Hindi pa ba sapat na closure yon?
Minsan kinakailangan mo lang ng closure dahil meron kang “ideal way” ng pakikipagbreak. May gusto kang paraan kung paano kayo maghihiwalay. Kase ang gusto natin ay yung breakup na hindi tayo masyadong masasaktan. Yung “medyo masakit na break-up” lang. Eh wala naman kasing ganun. Break-ups never happen the way we want them too. Unless may pa-eulogy pa kayo sa isa’t-isa habang kumakanta ang Madrigal Singers ng ‘Hindi Kita Malilimutan” or may pa-impromptu kayo habang lumalaklak ng beer.
Ang konsepto ng closure ay hindi para sa iniwan at sa nang-iwan. It’s between you and yourself that you have to work things out. Wag mong ipaubaya sa “konsepto ng closure" yung kahihinatnan ng damdamin mo. Tamad mo magmove-on eh no? Sariling sikap tayo hoy. Ang issue dito ay hindi na tungkol sa’yo at sa kanya. Sa’yong sa’yo na ‘to. Ito yung kung paano mo tatanggapin sa sarili mo na tapos na ang lahat ng meron sa inyo at hindi na pwedeng ibalik pa. ‘Cos a break-up alone is already a closure.
Case closed. Uwian na. Walang nanalo. Pareho kayong talo.
609 notes
·
View notes
Quote
I asked him, ‘Were you the right person at the wrong time? Or the wrong person at the right time?’ He says, ‘We only met so that we could change each other; We weren’t supposed to last.’
Things he tells me (via wonderfhul)
2K notes
·
View notes
Photo
Kakatapos lang umulan, tas brown out pa (welcome to Pinas! 🙄). Walang tv at internet tuloy. Kaya naisip kong balikan ang first love ko....ang pagsusulat. Dati nung kabataan ko(pero bata pa naman ako ngayon, hehe 😬) gusto kong maging manunulat, pag nakakakita ako ng papel at lapis, nagana na ang utak ko at ang dami ng gustong isulat ng mga kamay ko. Kahit ano na lang, minsan tula, minsan kwento. Minsan naman na nakakita ako ng camera, at sinubukan kong pindutin ang shutter, ayun... parang gusto ko namang maging maniniyot(ooops, tawag yan sa photographer 😆). Gusto kong kunan ang pagsikat ng araw at ang paglubog nito, gusto kong i capture ang mga alon sa dalampasigan na humahalik sa mga buhangin, ang mga ibon sa himpapawid na wari'y sinasabing masarap lumipad at maging malaya. At ngayon ngay gusto ko na lang hawakan ang mga kamay ng mga pasyente ko na nagpaparamdam sa kanila ng pag-asa, pagpaparamdam na sa bawat sakit na nararamdaman nila nawa'y ang haplos sa kamay nila ay maramdaman nila na may isang kamay na gustong pawiin ang sakit na yun. Hindi ko gustong maging isang nars, noon. Sabi ko sa nanay ko dati gusto kong maging isang astronaut. Sabi nya mga kalokohan ko daw. Weird pero yun talaga ang gusto ko noon. Mag nars na lang daw ako baka sakaling makapunta ako ang Amerika at makapangasawa ng poriner (pangarap ata ni mama maging american citizen hehe). Kaya eto naging nars nga ako pero di nga lang sa Amerika, sa Saudi naman napadpad. Sa lugar na akala ng karamihan e nakakatakot (kasi nga gawa ng mga Arabo). Nakakatakot nga din naman doon nung una pero kung nasanay ka na, wala na yung takot basta sumunod ka lang sa mga batas nila. Madaming bawal, buti na lang di bawal huminga 😂. Anim na taon din akong nagtiis sa lugar na yun. Akala ko nga dalawang taon lang itatagal ko dun. Sobrang lungkot kasi nung una. Pero nadagdagan ng dalawang taon hanggang sa dalawa pa. Hanggang sa nagdesisyon akong tumapak palayo sa matagal ko ng tinatayuang comfort zone ko. Nakakatakot umalis sa lugar na kinasanayan mo na, sa lugar na kung saan madami ka ng minahal at pinahalagahan. Pero sabi nga nila may mga bagay na kahit alam mong masakit kelangan mong iwan, kelangan mong talikuran pero di mo pwedeng kalimutan(madrama yung nagsabi nun palagay ko 😜). Naiisip ko minsan kung tama ba naging desisyon ko na umalis. Kung nag stay ba ako, mas masaya ba ako ngayon? Pinagsisissihan ko bang talikuran ang minsan naging masaya kong playground? Minsan nagsisisi din ako, pero kung di ako umalis, mangyayari ba ang mga bagay na meron ako ngayon? Ah ewan, basta ang alam ko may ilaw na. Balik muna ako sa paborito kong palabas sa tv. 🤗🤗🤗

0 notes