Tumgik
dustylogs · 2 days
Text
RFS 10 | Samahan
Humalakhak ako matapos ikwento kay Ulan ang nangyari, saka lang napansin kung gaano nakakatawa si Henrick. Lalo na ang huli niyang sinabi. Halos mamatay kami sa katatawa dahil doon. Wala naman siyang sinabing ‘wag kong sabihin kay Ulan, hindi ba? At tingin ko gusto rin niya ng tulong umamin? Teka, naunahan ko ba siya sa pagsabi ng feelings niya? “Magaling, boi,” sabi ni Ulan. Umiling ako. Ang…
View On WordPress
0 notes
dustylogs · 5 days
Text
RFS 09.5 | Rain
cw // cheating Ngumiti ako pagbangon sa kama at masayang sinimulan ang nyudey ng buhay ko. Maaga akong nakarating sa St. John’s Colleges. Mahaba pa ang taym kaya nakipag-chikahan ako sa sekyu. Mula sa persdey ko sa hayskul, siya na ang gwardya. Aba malamang at trinopa ko! “Nagawa mo na, Kuya?” usisa ko, tinutukoy ang bebelabs niyang aalukin ng kasal. “Parang boss naman kita niyan!”…
0 notes
dustylogs · 7 days
Text
RFS 09 | Secret
Nawala iyon sa isang sulok ng aking utak nang naging abala ang lahat sa buwan ng wika. May ganap sa lahat ng sulok ng paaralan. Lahat ng parte, lahat ng gilid, may tao. “Cherry, hindi ba kilala mo ang itsura ni Mama?” tanong ni Lyka. Nasa labas kami ng gymnasium. Inalay ang last period para sa practice ng lahat. Karamihan sa mga estudyante ay sa paligid o loob ng gym napiling mag-practice.…
0 notes
dustylogs · 9 days
Text
RFS 08 | Birthday
“Mga dude!” tawag-atensyon sa amin ni ate Zowie nang napansing kumpleto na kami sa mesa. Sumayaw ang buntot ng buhok niyang naka-high ponytail dahil sa paglingon nang paulit-ulit mula kaliwa pakanan para tingnan kaming lahat sa mukha. Sama-sama kami sa tatlong pinagdikit-dikit na mesa para sa recess. Mula sa kaliwa, nakaupo si Cherry, tapos sina Ria, Lyka, Claude, Ulan, at Josh. Sa harap ng…
View On WordPress
0 notes
dustylogs · 11 days
Text
RFS 07.5 | Lyka
Posible bang magkaroon ng first love ang isang taong thirteen years old pa lang? Pwes, masasabi kong oo. At ako ang ebidensya. Lumaki akong pinapalibutan ng mga taong focused sa studies. Buong childhood ko, hindi ko nakalaro ang elder sister at brother ko dahil palagi nilang kaharap ang books nila. Palaging busy. Hindi ko sila masumbatan dahil twelve at eight years ang agwat nila sa akin.…
0 notes
dustylogs · 13 days
Text
RFS 07 | Nutrition Month
Binanggit ng host ang club namin pagkatapos ipakilala ang mga judge; tumulong kami sa criteria of judging pati sa paghati ng budget para sa mga premyo. Yumuko ako nang nakitang may ilang napabaling sa amin, habang si Ulan ay malaki ang ngisi at pumalakpak. Magkakasama kaming clubmates sa upuan, kasama ang galing sa normal class na sina ate Zowie at Riana, kaya madali para sa kanilang hanapin ang…
0 notes
dustylogs · 15 days
Text
RFS 06 | Problema
cw // a little bit of violence and swearing Habang pababa ako, hindi ko namalayang unti-unting bumuhos ang luha ko, na pilit kong pinunasan kasi ako naman ang puno’t dulo ng lahat. Sumikip ang lalamunan ko. Ang kapal niyang ihatid-hatid si Cajay sa bahay nila nang isang linggo o higit para lang manligaw sa iba. Alam kong bata pa kaming lahat para sa seryosong relasyon pero ‘tang ina niya, bakit…
1 note · View note
dustylogs · 17 days
Text
RFS 05 | Love Teams
Gusto nila ang isa’t-isa. Iyon ang alam ko. Kaso lang, torpe si lalaki at manhid si babae, kaya todo ang kumbinsi ko kay Cajay sa mga sumunod na araw. Gusto nila ang isa’t-isa, kaya ikasasaya nila kapag sinunod nila ang suggestion ko. “Sige na! Wala namang masama sa isang date, ‘di ba?” kulit ko kinabukasan pagkatapos ng incident sa rooftop. Kumunot ang noo niya. “Mow, ang desperada nga tingnan…
0 notes
dustylogs · 19 days
Text
RFS 04 | Table
Sumama ang tingin ni Candy—na sinimulan kong tawaging Sweet—kay Ulan. Nakingisi sa amin si ate Zowie, mandadatong din. Magkatabi ang dalawa habang nasa gilid nila si Sweet kaya para silang mga demonyitang may masamang balak. “Yie~” natatawang asar nila. “Damsel, siya ba—” Pero bago makapang-asar ang kaniyang Damsel, tinakpan ni Sweet ang bibig ni ate Zow. Hilaw siyang ngumiti sa kapatid ni Mr.…
View On WordPress
0 notes
dustylogs · 21 days
Text
RFS 03 | Help
Sa isang iglap, third week ko na sa Integrated Academy of Aluche. Natapos ang paghahanda namin sa presentation. Tuwing sumasali si Clive, ramdam ang tensyon at awkwardness, pero anong magagawa namin? At least tumulong pa rin siya.
Habang nagpe-present kami sa second section, hindi ko magawang tuluyang kabahan dahil nakikita ko ang motivating smile ni Isa. Maliban sa aming teammates ay kasama rin namin ang Mather kaya pampalubag-loob. Natapos kami nang walang problema at nasagot namin ang lahat ng duda.
Satisfied kaming lumipat sa grade 11 para sa presentation ni Candy, kaso sa klaseng 'to, may lalaking hindi nauubusan ng tanong. Hindi ko alam kung interesado siya sa topic o pinagti-tripan niya kami.
Nakatayo kami sa harap ng mahigit kumulang benteng estudyante. Nangangatog ang tuhod ko pero hindi ito gaanong malala.
Nagtaas ulit ng kamay ang lalaking nakilala namin bilang Maru Owen.
May pagkakapal ang kaniyang tuwid na mga kilay. Maputi siya, iyong tipong kahit umaga hanggang gabing bilad sa araw, hindi siya iitim. Sa kaniyang hooded eyes at aquiline nose, nasiguro kong hindi siya purong Pilipino. Kahit pa pang-pinoy ang kulay ng buhok at mga mata niya.
Side parted ang kaniyang buhok na naka-crew cut—kung tama ang naalala kong tawag sa gupit niya. Maayos na naka-tuck in ang uniform niya, parang role model ng students na mababait. Kita ang leather belt na kaniyang soot nang tumayo.
"It might be boring for some of us; may we know its essence so we'd know what it is for?" may accent niyang tanong.
Ipinapaliwanag namin ang fundamental theorem of calculus, na siyang topic ni Candy at malapit sa content na tinuro namin sa grade 10. Hindi importante ang subject sa Arts and Design track ng grade 11 section na 'to, pero may General Mathematics sila at wala silang magagawa dahil ito ang napiling topic ni Candy.
Nakita ko ang pagngisi ni Candy. Dahil sa project na 'to, nalaman namin kung gaano niya kagusto si Newton. Sobra niya itong nirerespeto, kaya hinayaan namin siyang sumagot. Baka masampal pa kami kapag hindi niya nasabi ang saloobin.
Pasikretong ngumiti iyong kuya Maru pagkatapos magsalita ni Candy. Kinagat niya ang pang-ibabang labi pero hindi pa rin matanggal ang kaniyang ngiti.
Tinutop ko ang bibig na umaambang tumaas. Nanggigigil kong kinurot ang katabing si Ulan pero tahimik lang siyang tumawa. Siguro napansin niya rin 'yong nakita ko.
Nagpatuloy kami sa sali-salitang pagpapaliwanag. Nakapagtanong pa si kuya Maru bago kami makaalis. Nagmadali kami dahil malapit na ang next period ni Claude, kaso masyadong natutuwa si Mr. Owen para mapansin iyon.
Sasagutin ko na siya nang dagdagan niya ang sinaad. "I want Miss Navallo to answer." mataman niyang sinabi.
Mabilis kong tinikom ang aking bibig, nangingiti. Kinikilig kong binalingan si Candy para makita ang pagsagot niya. Mukha siyang na-stress nang konti dahil naghahandang umalis tapos naantala pa. Tinulungan ko siya sa pag-aayos ng gamit, 'di bale at sa upper floor lang naman ng same wing ang rooms namin.
Kasama naming lumabas sa classroom si Mr. Owen dahil may naghahanap sa kaniya. Natigil siya sa tapat ng kanilang pinto habang kami ay dumiretso sa stairs pataas. Lumingon ako sa parte niya noong pinaghintay kami sa labas ng silid, saka nakita ang kausap niyang babae.
Kahawig niya ito kahit na maputi siya habang ang babae ay morena, na heart-shaped ang mukha at halata ang girly vibes. Mataas ang kaniyang kilay, pareho ang mata at ilong kay kuya Maru. Tuwing nagsasalita ay lumilitaw ang dimple niya sa kaliwang pisngi. Malayo na kami pero tingin ko ay halos kasingtangkad niya si Ulan; obvious na mas maliit kay kuya Maru.
Mayroon siyang soot na violet velvet choker, naka-half ponytail ang buhok at may nakita akong pulseras sa kaliwang kamay niya.
Bumaling ako sa mga kasama nang nagsimula silang umakyat.
Nagpasalamat kami sa clubmates namin sa lahat ng kanilang naitulong. Hindi kami nakontento ni Cajay kaya inaya namin ang mga babae sa Mather na sumama sa recess. Hindi kasama si Clive dahil may tension sa kanila ni Cajay, at hindi kasama si Claude dahil baka ma-awkward siyang hindi kasama ang classmate niya.
Ipinakilala namin si Isa habang si Candy ay may sinama rin. "This is my best friend, Zowie Adelaide Fulgencio. You can call her Zowie or Zow for short."
Pinagmasdan ko ang tinukoy. Hindi man fit ang kaniyang uniform pero pansing sexy. In short, attractive. Napapa-second look ako dahil captivating ang almond eyes at s-shaped brows niya, tapos mataas ang ilong at hindi makapal ang labi. Maputi at maganda.
Sakto para sa akin ang kaniyang tangkad. Mahaba ang tuwid niyang buhok na natali nang mataas, may nakadisenyong hair clips.
Mayroon siyang white gold slider bracelet na pareho ang style sa kay Candy. May nail polish na tila bamboo sa kaniyang kuko. Familiar siya sa akin, hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.
"Kilala ba kita?" nakakagagong tanong ni Ulan. Halos takpan ko ang mukha sa madramang pagpikit. Nagkamot siya ng pisngi nang nakita ang reaksyon ko.
Hindi kumakalabog ang puso ko ngayong pinapakilala sa isang tao, bagay na bihirang mangyari. Dahil ba sa marami kaming magkakasama? Wala ni katiting ng pagkataranta sa sistema ko, nagawa ko pang paikutin ang mata.
Ngumiti si Zowie kaya nakita ang dimples niya sa magkabilang pisngi. "Nag-report kayo kanina, hindi ba? Nasa Arts and Design ako," aniya.
Tinanguan siya ni Ulan na sinundan ko. Kaklase pala ni Mr. Maru Owen, so ate siya.
Bumili kami ng pagkain, masyadong natagalan sa pagpapakilala kaya rumami ang tao sa cafeteria, wala kaming makitang bakante. Narating namin ang harap ng cafeteria malapit sa stage, kung saan may tables pero medyo maiinit dahil walang roof cover.
'Di nagtagal, may nahanap na table si Isa malapit sa tree shade, may kalakihan ang mesa kaso may dalawang taong nakaupo, parehong babae na may mahabang buhok. Sobrang kulot ang isa habang ang isa ay tuwid na tuwid. Ngumingiti sa amin ang kulot pero hindi man lang tumingin ang isa.
"Hi, cuties! Can we sit with you?" ani Isa na laging natutuwa kapag nakikipag-usap sa hindi kakilala.
Pinayagan kaming sumali sa kanila. Magkakatabi sina Ulan, ate Zowie, at Candy habang kami nina Isa at Cajay ay umupo sa harap nila, katabi ng dalawa.
Nagpakilala ang babaeng curly haired. "Summer Angelica Quinto po. Lyka na lang. Sa grade 8 ako, second section."
Sa bawat pagkurap niya ay pansin na pansin ang mahahabang pilikmata, lalo't katabi ko siya. May blue stone ang kaniyang silver drop earrings. Hindi siya kaitiman at 'di masyadong matangos ang ilong, pero maganda siya. Naka-half up pigtails ang buhok niyang nagmumukhang fluffy dahil sa kulot nito. Maayos ang eyebrows niya na tila kinilayan. Pataas ang kaniyang chinitang mga mata at manipis ang labing nakaangat. Sa bait ng awra niya, tingin ko hindi siya marunong pumeke ng ngiti.
Bumaling kami sa kaniyang kaharap na tulala sa kung saan. Nalingon niya kami pero hindi kumibo. Nang natauhan siya, imbes na kami ang pansinin ay ang hawak niyang burger ang kinagatan.
Natigil ako noong nagtama ang aming mga mata. Kinilabutan ako sa lamig ng tingin niya, wala akong nakitang emosyon.
"Ah..." panis ang tawa ni Lyka. "Riana Lei Montenegro po. Galing siya sa last section ng grade 8." Siya ang nagsalita para dito.
Ang kulay ng balat niya ang ang inaasam-asam kong shade, iyong tipo ng morena na hindi sobrang itim. Mayroon siyang nunal sa gilid ng kanang kilay. Maganda ang tangos ng kaniyang ilong, mapapansin ang taas kahit saang anggulo. Natural na pumupula ang labi niya tuwing nababasa. Bagsak ang buhok niyang mukha ring likas ang pagka-straight.
Magulo ang kaniyang necktie, at imbes na lace ang gamit ay naka-clip ang ID niya sa collar ng uniform. Matangkad siyang tingnan kahit nakaupo. Siya siguro ang pinakamatangkad sa aming lahat sa mesa. Nakakainggit, pero pakiramdam ko wala akong karapatang mainggit sa kaniya.
Ang ganda niya pero wala siyang kabuhay-buhay. Kahit lungkot o pagod, hindi ko nakikita sa kaniya. Para bang sawa na siyang makaramdam kaya wala na siyang emosyong nailalabas.
Bumungisngis si Lyka kaya nawala ang mga naisip ko. "Riana o Ria ata ang palayaw niya."
"Ata?" tanong ni ate Zowie.
Sinulyapan ko siya. Pati ang katabi niyang si Candy ay nakatingin kay Lyka. Tahimik sa gilid ang problemadong si Cajay habang pinipilit siyang pangitiin ni Isa. Patuloy sa pagkain si Ulan, hindi ko mawari kung napapansin bang tahimik ang kaharap niya. Paano, hanggang ngayon hindi niya alam kung paano kausapin si Clive.
"Hindi kayo mag-best friend?" dagdag ni ate Zowie.
Ngumiti ang kausap. "Hindi po. Nagkataon lang na magkasama kami rito."
Tumaas ang dalawang kilay ko sa gulat. Noong una, akala ko magkaibigan sila at may napag-awayan kaya tahimik ang isa, pero hindi pala. Kung ganoon, bakit walang imik si Riana?
"That's amazing!" natutuwang tili ni Candy.
Nangiti ako sa reaction niya. Hindi siya naniniwala sa coincidence. Para sa kaniya, lahat ng nangyayari sa mundo ay may dahilan. Ewan ko lang kung anong theory ang pumapasok sa utak niya ngayon dahil sa narinig.
Nang-intriga si ate Zowie nang nagsimula kaming kumain. "Kumusta naman si Sweet bilang president?" Nagpunas siya ng bibig saka uminom ng juice, nasa akin ang mga mata.
Bahagyang kumunot ang aking noo. "Sweet who?"
Sandali siyang natigilan. Pati si Ulan na nakikinig pala ay napatingin sa katabi. "I meant Candy." tawa niya. "Alam mo na... sweet ang mga candy."
Tumango-tango ako. Sinagot ko ang tanong niya at nakisali si Ulan, habang nakinig sa amin si Lyka. Si Cajay ay hindi pa rin nagsasalita, at si Isa na nasa gitna namin ay parang nadamay sa kalungkutan dahil hindi niya ma-cheer up ang kaniyang Dove.
Ilang sandali pa, hindi ko napigilang tanungin si Lyka. "Bakit siya gano'n?" Sabay pasimpleng turo kay Riana.
Hindi pa niya nakakalahati ang hawak na burger, tulala na naman. Kumusta kaya siya sa klase? Hindi ba siya pinagbubuntungan ng classmates kapag na-trip-an? Hindi ba siya tinutulungan ng teachers? Naalala ko ang guro na nagdala sa akin noon sa classroom, si Ms. Monica Diaz. Sinabi niyang puntahan ko lang siya kapag may problema.
Lumapit sa akin si Lyka para bumulong. "Ang sabi po, may problema sa bahay. Last year pa 'yon nagsimula pero ngayon... lumala na ata talaga. Saka lang siya nagkaganiyan. Buti nga nakakapasok pa." Sabay naming pinagmasdan si Riana. "Actually, tingin ko po nagbago siya ng apelyido. Hindi naman Montenegro ang alam kong apelyido niya noon?"
Sa una, tingin ko ang saya ng buhay niya dahil sa ganda ng mukha. Ang babaw pala ng mga kaisipan ko.
Bago pa kami tumayo dahil sa bell ay narinig ko ang pang-aasar ni ate Zowie kay Candy tungkol sa kilig o kung ano. Hindi ko nasundan dahil sa paglapit kay Cajay na problemado pa rin. Maingay habang paakyat kami pero narinig ko ang kaniyang buntong-hininga, kaya inipit ko ang kaniyang braso para maalala niyang hindi siya nag-iisa.
Nasabi ko kay Isa ang problema niya pero hindi siguro niya alam kung paano makatutulong dahil hindi niya kilala si Clive. Wala siya roon n'ong galit ito. Hindi niya nakita ang poot sa mga mata ni Clive. 
Si Cajay ang nag-order ng pagkain noon, sa same fast food restaurant kung saan kami unang nagkita. Hinihintay namin siya nang napag-usapan namin ni Isa ang pagiging OA niya kapag si Cajay ang usapan.
"Dove is born a princess. Her family is rich and she was born rich so she hasn't really been through tough shit yet." paliwanag niya. Tinigil niya ang ginagawang assignment at tinitigan ako sa mata. "She's fragile; she can't really handle small problems, so I'm doing my best to distance her from pain."
Bumuntong hininga ako. "Pero hindi ba dapat mo siyang isanay para kapag may mangyari mang sobrang sakit, makayanan niya?"
Si Cajay rin ang mahihirapan kung wala siyang nararanasang hirap ngayon. Kapag may biglaang mabigat na pangyayari, hindi siya makakalaban nang maayos. Wala siyang lakas. Wala siyang laban dahil hindi siya natuto.
Ngumiti nang malungkot si Isa at bumuntong hininga bago hinaplos ang braso ko. "I love her so I'm protecting her."
Kumunot ang noo ko. Mas makakabuting masanay si Cajay. Siguro nga ayaw ni Isa na nakikita siyang nasasaktan, pero mas titindi 'yon kapag wala siyang alam. 
"Paano ako hihingi ng tawad?" tanong ni Cajay nang nasa third floor na kami.
Pinauna namin ang mga kaklase sa pagpasok. Patagilid akong sumandal sa pader sa gilid ng bintana, nakahalukipkip sa harap ng hindi mapakaling si Cajay.
"Ceann, help me…" Desperada ang boses niya.
Nagpakawala ako ng hininga. Gusto kong tumulong, hindi lang ako makapag-isip kung ano ang magagawa para sa kanila. Nakakatakot harapin si Clive, pero alam kong mas natatakot si Cajay.
"Hindi ako nakakatulog nang maayos 'pag alam kong may galit sa akin," dagdag niya.
Nag-aalala ang mata niyang nakadirekta sa akin. Hindi na niya kailangang lumuhod para ipakitang nagmamakaawa siya. Magkakasama at magkakasama ulit kami sa club kaya mas mabuting maayos nila 'to habang maaga pa.
Unti-unti akong tumango, at halos tumalon siya sa tuwa sa ginawa ko. Mahina akong natawa.
Nagplano kami sa lunch kung ano ang gagawin, kaya nang dismissal sa hapon ay agad kong hinanap si Clive. Pumunta ako sa rooftop ng left wing at mabilis ang mga mata ko sa paghanap sa kaniya sa baba. Maraming tao kaya nahihirapan ako, pero sinabihan ko si Cajay na mauna sa labas dahil baka kung ano pa ang mangyari 'pag magkita sila kaagad.
Nangatog ang binti ko kahit sa paghahanap pa lang. Gusto kong umatras pero nangako akong gagawin ko ito. Natatakot man, hindi ko bibiguin si Cajay.
Ilang sandali pa bago ko natagpuan si Clive na mag-isang nakatayo sa dulo ng right wing, sa harap ng emergency stairs. Nasa shade siya ng puno pero naaarawan ang kaniyang kwintas kaya kuminang. Blangko ang mukha niyang nakaangat ang tingin sa taas. Ewan ko kung ano ang ginagawa o hinihintay niya pero wala ako rito para doon.
Humugot ako ng malalim na hininga bago bumaba para lapitan siya. Para kay Cajay, Cee. Kaya mo 'yan.
"Uy!" tawag ko nang makalapit, bumibilis ang paghinga.
Napakurap siya, binababa ang ulo. Luminga-linga siya bago ako napansin. Kumabog ang puso ko sa susunod na mga sasabihin. Ngumiti siya nang ilang segundo bilang bati. Gumaan konti ang loob ko dahil at least, hindi siya nang-snob.
Tahimik kong kinalma ang sarili saka maingat na nagtanong. "Pwede mo bang kausapin si Cara?" Dineretso ko na dahil aatras ako at mawawalan ng silbi ang paglapit kapag hindi. Malakas ang ingay sa dibdib ko pero sana naman naitago ko iyon sa maliit na ngiti.
Bumalik ang mga mata niya sa kalangitan. Akala ko magkukunwari siyang hindi ako narinig, pero hindi. "Bakit? Pinadala ka niya rito?" kalmado niyang tanong.
Oo, pero gagawin ko pa rin 'to sooner or later kahit hindi niya sabihin dahil gusto kong tumulong; hindi nga lang ganito kaaga. Hindi niya sinadya ang pang-iinis kay Clive kaya nababagabag. Hindi ko matitiis na hindi lapitan si Clive.
Bumaba sa akin ang kaniyang mga mata. Para bang sinusubukan niyang basahin doon ang sagot dahil hindi ako nagsalita.
Lumunok ako, kinalma ang sarili. Sa mga oras na 'to, ang pinakamagandang kakampi ay katotohanan. "Oo na hindi," pinili kong magpakatotoo. Ngumiti ako nang mapait. "Baka itaboy mo siya… Masasaktan lang ulit."
Tumango siya. Nagpakawala ako ng hininga at natahimik kami. Kahit anong ingay ng students na naglalakad palibot sa amin, nabibingi pa rin ako sa katahimikan. Mukhang pinag-iisipan niya kung ano ang gagawin.
Naalala ko ang dahilan ng lahat ng ito. Ang pangalan niya. Galit na galit siya nang tinawag na Joshua. Hindi lahat ng tao ay rerespetuhin ang damdamin niya. Mayroong darating na tatawag at tatawag sa kaniya n'on. Hindi maiiwasan. Kung matutulungan namin siyang tanggapin ang Joshua, gagawin namin. Kahit mainis siya, gagawin ko.
"Nga pala, mas bagay talaga sa'yo ang Joshua." Matapang ang boses ko kahit na ang totoo ay halos mahimatay na ako. Umiwas ako ng tingin sabay ng pagtikom ng bibig. "Ang ibig kong sabihin… m-mas magandang pakinggan. Mas bagay sa'yo." pagdagdag ko. Mabagal akong nagpakawala ng hininga. Baka nakalagpas ako sa linya? Pero hindi ko na pwedeng bawiin 'yon!
Kinakabahan man, binalik ko ang tingin sa kaniya para panindigan ang sinabi. Nasa akin pa rin ang titig niya na siyang sumalubong sa mata ko. Natigil ako sa paghinga, takot sa magiging reaction niya at naaalala ang nangyari last week sa club room.
"Sa ayaw o sa hindi mo gusto, tatawagin ka naming Joshua." Kahit na parang umuurong ang sikmura ko dahil pakiramdam ko ang kapal-kapal ko ngayon para sabihan siya ng gano'n.
Tumawa siya, at hindi ko nakontrol ang panlalaki ng mga mata. Tumawa… siya? Magandang bagay 'yon, hindi ba? Tingin niya ba nakakatawa 'yon? Anong nakakatawa sa sinabi ko? O naiirita na kaya siya? Ngayon ko lang napagdesisyunang tawagin siyang Joshua dahil sa mga naunang naisip, pero tama ba ang desisyon ko?
Tumikhim ako. "Kakausapin mo ba?" Po?, gusto kong idugtong dahil sa kakapalan ng mukha ko sa mga sinabi kanina.
Lumapat sa akin ang tingin niyang nabaling sa taas dahil sa pagtawa. Hindi ko mabasa ang kaniyang mukha. Kahit kailan talaga, misteryoso siya, mahirap tantyahin pati ang kaniyang nararamdaman. "Nasaan siya?" tanong niyang ulit ay ikinagulat ko.
Sinuri ko siya, pero walang halong biro sa mukha niya. Marahang tumaas ang magkabilang gilid ng labi ko. Ngumiti rin siya nang makita iyon. Sandali lang ay nag-iwas siya ng tingin para tumingala ulit sa langit.
Mabigat ang loob ko at ninenerbyos kaninang hinahanap siya, pero ngayon ay magaan na sa pakiramdam. Kontento ang puso kong nakatingin sa kaniya.
Hinayaan ko silang mag-usap nang sila lang. Gaya ng usapan, hindi ko na hinintay si Cajay hanggang sa matapos sila. Sa sumunod na araw, kasama ko ulit sina Isa, ate Zowie, at Mather girls sa recess.
Nakalinya kami at nagtatanungan kung ano ang bibilhing pagkain nang umalis ang lalaking nasa harap namin. Paghakbang sa pila, nanlaki ang mata ko nang nakitang si Lyka ang kasunod. Mabilis kong kinalabit si Cajay para ituro siya.
"Lyka!" Agad siyang niyakap ni Isa.
"She was there?" rinig kong bulong-bulong ni Sweet. "This is amazing."
Wala kaming nakitang kasama niya kaya walang pag-aatubiling inanyayahan namin siyang sumama sa amin. Dahil hindi siya mahiyain na tulad ko, pumayag siya.
Punuhan kaya mahirap maghanap ng mesa na kasya kaming pito. Naisip naming puntahan ang mesa kahapon at hindi nabigo. Nakakalungkot tingnan ang kalakihan nito dahil sa mag-isang Riana na nakaupo roon. Nando'n lang siya sa pwesto kahapon kaya umupo kami kagaya rin kahapon.
Maingay kaming nagsimulang kumain. Parang ang close naming lahat, hanggang sa tumigil ang mga mata ko kay Riana. Natatakot akong makipag-usap sa hindi kakilala pero tuwing may nakikitang mag-isa ay may nagtutulak sa aking lapitan iyong tao. Gusto kong lapitan ang mga taong nag-iisa na pakiramdam ay hindi sila belong, dahil madalas pakiramdam ko hindi rin ako belong. Hindi ko lang alam kung paano sila kakausapin.
Bumuntong hininga ako.
Sa likod ng tinititigan ko ay may nakita akong pamilyar na mukha, morena na heart-shaped ang mukha at nakatali ang itaas na kalahati ng buhok. Lumilinga-linga siya, naghahanap ng upuan.
Tumingin ako sa mesa namin. Bench ang upuan, iyong tipong walang sandalan at pwedeng magsiksikan. Sa tantiya ko, kasya bilang maximum ang twelve people.
Lumapat ang tingin niya sa kung nasaan ako. Kinawayan ko siya bago umurong ang lakas ng loob. Kunot ang noo niya habang lumalapit, pero nagawa ko siyang ngitian gamit ang nanginginig na labi. Lagot kung mali ang taong inakala ko.
"Ikaw ang kausap ni Mr. Owen pagkatapos ng presentation namin, hindi ba?" Kumakabog nang malakas ang puso ko habang nag-iisip siya. Gusto ko lang namang makatulong para may maupuan siya! Mukha naman siyang mabait! Bakit ang hirap!?
Marahan siyang tumango kaya unti-unti akong nakalma. "Sister niya ako," klaro niya.
Kaya pala. Halos parehas sila ng hugis ng mata, mas inosente lang tingnan ang kanya. Iyong kay kuya Maru ay parang napakaraming tinatago. Isa pang pinagkaiba nila ang kutis: morena siya pero maputi ang kuya. Clasp bracelet ang nasa left hand niya. Nahagip ng mata ko ang kanyang violet velvet choker na may design palang nakasabit na maliit na metal mic, hindi ko napansin noon dahil sa layo.
Madrama ang pagpakawala ng hininga ni Ulan. Nilingon ko siya at nakita siyang inaalayan ng malaking ngisi si Sweet. Ngumisi rin ako, alam kung ano ang gagawin niya. Kasama ko siyang kiligin noong presentation kaya may hula ako.
"Madam pres, inbayt mo pyuchor hipag mo, oh," panunuya niya.
Namumula ang pisngi ni Sweet na tumingin sa babae, baka takot na isumbong niya sa kuya ang mga narinig, kaya lihim akong natawa. Ito na ba ang simula ng high school crushes arc ng Mather girls? 
0 notes
dustylogs · 23 days
Text
RFS 02 | Pangalan
"Good bye, Dove!" ngisi ni Isa bago bumaling sa akin. "Good bye, Babe!"
Tumawa ako sabay ng kaway. Maaga kaming nahiwalay sa kanya pagkatapos niya kaming bisitahin sa library dahil sa pagmamadali ni Cara.
Nagsimula niya akong tawaging 'babe' dahil friendly siya at nagbibigay ng call sign sa lahat. Sabi nila, mapapansin mong malapit ka sa isang tao kapag binigyan ka ng sariling term of endearment. Para sa parte ko, hindi pangalan niya ang pinalitan ko kung hindi ang spelling. Tinanggap niya iyon matapos ang dalawang araw na pangungumbinsi. Dahil doon, nag-isip din ako ng itatawag kay Cara.
"Cajay, can we please slow down? Why are you so thrilled anyway?" medyo hinihingal kong tanong sa kaniya. Sinulyapan ko ang itim na leather watch sa kaliwang kamay at nakitang may sampung minuto pa kami.
Hindi pa nga lang ako sanay sa bagong tawag sa kaniya dahil sa library ko lang iyon inimbento.
Ngayon niya naisipang sumali sa Mather, ilang minuto pagkatapos ng meeting namin kasama ni Winston. Natapos ang pagchi-chismisan namin sa hallway ng senior high. Naunang umuwi si Isa dahil ayon sa kaniya ay ayaw niya sa Math, kahit ano pang pilit namin. Naintindihan ko rin after a while nang maalalang nasa normal classes siya.
Galing kami sa first floor ng left wing, pero nasa third floor ng right wing ang club rooms kaya natural na hihingalin kami. Tumigil kami sa hagdanan papuntang ikatlong palapag.
Humalukipkip si Cajay. "We don't have much time before it bells. And the members might leave before we get there," paliwanag niya.
Naka-style ang kaniyang buhok sa isang side braided ponytail. Ang barrette niyang may disenyong pearls ay nakalagay bilang estilo sa pantali. Tuwing umaga ay nakalugay siya pero tuwing lunch o recess, bine-braid ni Isa.
Pinigilan ko ang tawa. Kailangan ko atang ipaalala na Math club ang sasalihan namin. "There might be no members though." mahinang sambit ko.
Kumunot ang kaniyang noo, hindi inasahan ang narinig mula sa akin. Nginisihan ko siya.
Sa ilang araw naming pagkakakilala, mabilis na gumaan ang loob ko sa kanilang magkaibigan. Magaling nila akong pinakisamahan at alam nila ang mga pinipiling salita para maging kumportable ako sa kanila.
"How can you say so?"
Bumuntong hininga ako. "Almost no one likes Maths, Cajay."
"Then why are we joining?" Kumunot ang noo niya.
"You were the one who decided."
Natahimik siya.
Wala akong problema sa Mather. Hindi ako palakaibigan kaya tingin ko mas makakahinga ako kapag konti lang ang kasama. Isa pa, mas gusto ko roon kaysa sa Labstarct na Chemistry at Physics ang topic.
Hindi kami nag-usap hanggang sa nakarating sa destinasyon. Nakakapagod magsalita habang umaakyat sa hagdan.
Siya ang kumatok sa pintuan. Nakita ko ang HS 2-CLUB sa taas nito.
Huminga ako nang malalim para kumalma. Nginitian niya ako, alam ang kabang nararamdaman ko. Bumuka ang bibig niya para magsalita ngunit hindi natuloy nang bumukas ang pintuan.
Napigil ang hininga ko sa papalapit na pakikipag-usap sa mga hindi kilalang tao.
Sinalubong kami ng isang muscular student. Mukha siyang mahilig mag-exercise dahil nafo-form ang muscles sa braso. Matangkad siya at sakto ang kulay ng kutis, ang buhok ay naka-caesar cut na may kaunting fringe. Hindi nakaayos ang upper button niya kaya kita ang white gold triangle necklace na soot.
Sakto ang laki at tangos ng ilong niya, deep set eyes na hirap akong basahin, at maganda ang shape ng kilay, as if isa siyang mabait na estudyante, tahimik at nakikinig sa klase.
In-invite niya kami sa loob, may maliit na ngiti.
Nag-init ang pisngi ko habang papasok ng silid na kaunti ang lamang tao, gaya ng inasahan. Malalapit ang kanilang pagkakaupo pero parang hindi komportable... o ako lang iyon.
Same size ang room sa normal classrooms, almost square-shaped, at may fixed window na makikita agad pagbukas ng pintuan.
May apat na mesang magkakatabi sa baba ng bintana, at mayroong nakalagay na folding chairs. Nasa kaliwang parte ang blackboard at basuraan, sa tabi ng isang double desk na nakasiksik sa dingding, imbes na kaharap ng board. May nakaayos ding folding chair doon at sa taas ay bulletin board.
Sa kanang bahagi, may six tier bookshelf at dalawang row ng tig-limang locker. Sa gitna nila ay pink na desk chair at isang computer desk kung saan may desktop. May orasan na mas mataas sa lagayan ng libro.
Sa gitna ng silid ay pinagdikit na dalawang double desk at walong upuan: tig-dalawa sa right at left, at tig-dalawa sa dalawang dulo. Naka-vertical itong tingnan mula sa pintuan, at magkakaharap ang mga taong uupo dahil sa ayos ng mesa. 
Tumblr media
Tahimik kong kinakalma ang sarili sa presensya nila.
Nakaupo sa desk chair iyong babaeng nag-imbita noon. Naka-ponytail ang kaniyang buhok na may pink ribbon ulit. Naka-light makeup ulit siya, pero tingin ko ay maganda pa rin kahit wala n'on, lalo at medyo kulot ang kaniyang buhok.
Tumayo siya para masalubong kami, nakangiti. "Welcome to Mather!"
Hanggang sa taas ng tuhod ang kaniyang palda. Hindi ko alam kung dahil ba sa damit pero parang... flirty ang dating niya, kahit friendly naman ang boses.
Nagkasalubong kami malapit sa bookshelf, na nasa tabi ng pinto.
Mukha siyang anghel dahil sa curve ng eyebrows niya; bilog ang mga mata, mataas ang ilong at may wide lips. Approachable siyang tingnan na may pagka-awtoridad.
Pinaglapat niya ang mga kamay kaya ko nakita nang malapitan ang kaniyang rose gold slider bracelet na may design na letters. "I'm Kennedy Navallo, the club president. You can call me Candy for informalities. I'm from the star section of grade 10 MSC." aniya, nakangiti pa rin na tila sobrang saya niya sa nangyayari.
Sabagay, matutuwa ka nga kung President ka ng club at may sasali. At galing pala siya sa MathScience Classes.
Ngumiti ako pabalik saka tumango. Kumakabog ang puso ko dahil baka ako na ang sunod na magpapakilala. Hindi ako sumulyap sa ibang kasama namin dahil sa nerbyos.
"By the way, this girl..." Sabay lahad sa babaeng nakaupo malapit sa mesa niya, nakaharap sa amin.
Siya iyong kasama niya noong mamigay ng flyers. May gamit siyang salamin, tapos isang bandana ulit na iba ang kulay. Nakatali ang kaniyang buhok kaya malinis tingnan. Tumayo siya at lumapit sa amin na blangko ang mukha, pero tingin ko ay nagta-try hard siyang hindi magpakita ng expression at ang totoo ay crackhead siya. Magulo ang pagkakalagay ng kaniyang necktie at hindi naayos ang dulo ng belt.
"She's like the vice president. Or something close to that." Sumingkit ang mga mata ni Candy sa pag-iisip ng tamang term.
Tuluyang nakalapit sa amin ang babae. Hindi siya maitim pero hindi rin gaanong maputi. Pandak siya tulad ko pero mas matangkad nang konti sa akin.
Bumuntong hininga ako sa naisip. Wala pa akong kilalang mas maliit sa akin.
"My name is Rain Olimpo," pakilala niya, lumalabas ang ngipin sa ngiting pinigilan.
May iba akong napansin pero binaliwala ko iyon. Hindi naman n'on sinusukat ang pagkatao niya. Pinagmasdan ko siya para ibaling sa iba ang atensyon.
Hindi gaanong makapal ang kaniyang kilay. Palaging nakangiti ang labi na kanina lang ay tutop; may prominent eyes na hindi ko matukoy kung nang-aasar o normal sa kaniya ang ganoon tumitig.
Bumaba ang tingin ko at nakita ang kaniyang paldang below the knee. Tumaas ulit ang mata ko kaya nakita ang ID na nagpangisi sa akin. "You mean Nezarane?" panunuya ko.
Nagulat siya noong una pero natatawang umiling pagkatapos. Nagkamot siya ng pisngi. Tinakpan niya ang pangalang binasa ko. "Knockout. That's my complete first name."
Humalakhak ako. Ewan ko kung bakit magaan ang pakiramdam ko sa kaniya. Tumigil din ako dahil baka isipin niyang feeling close ako o kaya mairita sa akin. Mabilis na nakaisip ng biro ang utak ko kung kailan ayoko. Sinigaw ko kaagad bago ko pa makontrol ang sarili. "Ulan!" Tumatawa ako sa una hanggang sa may maalala. Nanlalaki ang aking mga mata habang pinapasadahan ng tingin ang mga kasama.
Sila naman ang humalhal sa reaksyon ko.
Nagsalita ako in Filipino!
Napasandal sa shelf si Ulan na hindi na makahinga sa halakhak. Nang natapos sa pagtawa si Candy ay tinanong siya ni Cajay kung anong nakakatawa, hindi naintindihan kung ano ang nangyari. Humalhal ulit si Candy bago nagpaliwanag.
Hindi naman halatang tawang-tawa sila sa katangahan ko, 'no? Ako lang ang nag-alala na baka ma-report ako. Halos isang linggo pa lang ako rito!
Pinasadahan ko ng tingin ang mga lalaki. Nakaupo sila patalikod sa amin pero bahagyang tumagilid para maharap kami. Hindi nahahalakhak iyong isa pero nakangiti nang malapad. Iyong lalaking nagbukas sa amin ang siyang mahihimatay na ata sa tawa.
"Ayos lang talagang hindi mag-English basta walang nakarinig na teacher o sumbungerang kaklase," alo niya pagkatapos matawa na parang wala nang bukas. May maliit na ngiti sa kaniyang labi. May misteryoso siyang awra na parang puno ng sikreto, kahit nagagawang tumawa. Masigla ang kaniyang boses kaya medyo na-contradict.
Bumuntong hininga ako sa dami ng naiisip. Tumayo ang dalawang lalaki para maglakad palapit sa amin, katabi nina Candy at Cajay. Nakabuo kami ng isang maliit na bilog.
Nagpakilala ang misteryosong lalaki na nagbukas ng pinto noong kumalma ang mga kasama. "Joshua Clive Zagada nga pala. Call me Clive, never Joshua." Malakas ang boses niya na tila puno ng energy, parang naka-speaker.
Tumikhim si Cajay. "Okay, Joshua."
Umiling ako. Ganito sila ni Isa. Hindi ko malaman kung kailan sila magiging sweet, kailan mabait na parang anghel, kailan susumpungin para mang-asar, at kung kailan magiging demonyo.
Tutal nasa kaniya ang atensyon, si Cajay ang sunod na nagpakilala. Ako ang sumunod dahil nawawala na ang kaba ko. Nakita ko ang ngisi ni Ulan pagkatapos kong magsalita.
"Yangyang!" sigaw niya.
Tuluyan akong nakalma, nahalakhak sa tuwa. Hindi ako makapaniwalang mabilis siyang nakaimbento ng itatawag sa akin, palayaw ko pa noong bata ako. Kung paano niya napag-isipan ay nakakamangha, habang nalito ang mga kasama namin.
"Ceanna Reian. Ceann Reian. Eann Ian. Yan yan, Yangyang." maikling paliwanag ni Cajay.
Naikwento ko sa kanila ni Isa ang tungkol sa nickname kong iyon noong nag-iisip sila ng ipantatawag sa akin. Kung hindi ko nasabi, siguradong kasama si Cajay sa mga naguguluhan ngayon.
Pumalakpak si Ulan sa simple at malinaw na explanation.
Nabaling ang tingin namin sa lalaking nasa gitna nina Clive at Cajay dahil siya na lang ang hindi pa nagsasalita. Hindi nakaayos ang lowest button ng kaniyang uniporme. Naka-tuck in ang left side ng uniform shirt niya, pero ang kabila ay nahayaan sa labas. Ang kaniyang ID ay nakalagay sa kaliwang bulsa ng pants.
Maputi siya, halatang mayaman ang kutis. Brown ang kaniyang curly hair, hindi ko matukoy kung nagpakulay siya o natural iyon. Abo ang kaniyang mga mata at ang labi ay pumupula tuwing pinapasadahan ng dila. Sobrang tangos din ng ilong niya, parang may ibang lahi. In short, gwapo siya.
Nagmura ako sa aking utak. Hindi ako mahilig pumuri kaya pakiramdam ko masyado na akong comfortable ngayon para biglang makaisip ng gano'n. Pinilig ko ang ulo. Bumaling ulit ako sa kaniya at agad kinabahan nang nakitang dumaan sa akin ang tingin niya.
Ngumiti siya. "I'm Jean Claude Kaplan. Claude. Grade 10 MSC, second section."
Malalim ang boses niya para sa kaniyang edad, nahiya ang boses kong low register pag walang energy pero biglang high pitched kung malakas ang boses.
"Gray talaga ang mga mata mo?" tanong ni Cajay.
Binalingan siya ng Claude. Mula sa harap ko ay humakbang si Ulan palapit sa kaniya, iyong sobrang lapit. Ako pa ang na-awkward sa posisyon nila. "Aba, oo nga! Abo." Lumayo siya. "May lahi ka?"
Mukhang lahat ay naintriga. Nanatili akong nagmamasid sa kanila. Kinalabit ng President si Ulan kung tama siya. Nakitsismis sa kanila si Cajay habang natulala naman ako. Bumaling 'yong abong mga mata sa akin dahil ako lang ang hindi gumalaw.
"Ang gwapo ko, 'di ba?" ngisi niya.
Mabilis ang pagkunot ng noo ko. Gwapo sana kaso mayabang. Pinaka-ayaw ko sa mga tao ang gano'n, sa sobrang irita ay inirapan ko siya. Dahil hindi na ako ninenerbyos, nararamdaman ko ang pag-init ng ulo. Wala akong pake kung nakita niya iyon.
"French ka, Dude?" hindi makapaniwalang tanong ni Clive.
Kumunot ang noo ni Claude. "Clive, nasa iisang klase tayo." anito na para bang sapat na iyon para dapat ay alam niya.
Ngumisi ako. Ayan. Ang yabang kasi. Hindi lahat ng tao, kilala ka dahil lang sa mukha mo.
"Bakit hindi ka sigurado?" dagdag niya.
Tinawanan siya ni Clive, umiling at nagpaumanhin, kahit hindi naman kailangan. Makapal lang talaga ang mukha ni Claude.
Huminga ako ng malalim para mawala ang bwisit.
Good mood akong umuwi sa bahay. Naabutan ko sa sala ang kapatid, may hawak na gitara at may tinitingnang papel sa harap. Kunot ang kaniyang noo pero nang nakita ako ay nabura ito at kaagad niyang itinago ang mga gamit na parang sapat ang katawan niya para hindi ko makita ang gitara.
Pinigilan ko ang ngisi. Hindi siya madaldal at minsan lang naglalambing kay Lola, hindi sa'kin. Masikreto siya kaya alam kong nahu-humiliate siya ngayong naabutan kong ganito.
"May haharanahin ka?" usisa ko.
Marami kaming pinagkaiba pero may pagkakahawig kapag parehong ngumingiti. Round ang kaniyang mga mata habang ang akin ay upturned. Sa kilay, curved ang kaniya tapos angled sa'kin. Mas matangos ang ilong ko sa kaniya pero gaya ko, mas pansin ito kapag side view. Sa lips, parehas kami ng shape pero mas manipis ang labi niya. Triangular ang mukha niya, inverted. Ganoon din ang akin pero dahil sa chubby cheeks, nagiging round.
Mas matanda siya sa akin ng isang taon pero hindi ko tinatawag na Kuya dahil maarte siya. Magmumukha raw siyang matanda. "Kung makaasta ka nga minsan, parang ikaw pa ang mas matanda," rason niya isang beses.
Totoo iyon. Mahilig akong mag-utos, pero hindi ko kasalanang sumusunod siya. Nasasanay ako. Ayaw ko rin siyang tawaging Kuya dahil isang taon lang ang tanda niya.
Kaswal niyang nilapag ang gitara sa tabi, parang hindi ninerbyos kaninang itago iyon. "Ang tagal nina Henrick. Gagabihin na kami niyan sa basketball," kunwaring bulong niya kahit nilalakasan naman ang boses.
"Rix," tawag ko.
Kunwari siyang nagulat nang makita ako. So umaakto pala siya kaninang hindi ako narinig sa una kong tanong? Ngumisi ako.
"Apo. Panalangin. Bagay siguro 'yon sa boses mo." Tumatango ako habang iniisip ang kanta sa boses niya. "Maganda 'yon." Lalo na kung si Alfonso A ang kumanta.
"Ha?"
Umiling ako. Bahala kang um-acting diyan. Wala kang maloloko. Walang pag-aalinlangan akong lumapit at isinulat iyon sa papel niya. Kunwari siyang nabwisit sa ginawa ko kaya ko inirapan. "Enrico, hindi ka magaling umarte."
"Hindi ko kailangang manligaw dahil ako ang hinahabol at nililigawan nila." katwiran niyang hindi ko pinansin. Hindi ako nag-abalang tingnan ang mukha niya, baka ma-heart attack pa. "Yangyang—" Hindi niya natapos ang sinasabi nang iniwan ko siya doon, siguradong nahihiya ngayon. Nahalakhak ako sa loob-loob.
Sa Wednesday, pagkatapos ng presentation namin, in-announce sa klase ni Mrs. Tuazon na tatlo in total ang gagawin namin, isa kada section ng grade 10. Nagawa na namin ang una sa section A. Lahat ay para sa grading na ito dahil may iba siyang inihanda para sa mga susunod.
Connected ang topics sa club namin kaya naisip namin ni Cajay na manghingi ng tulong ng members. Nagtanong kami sa guro kahit malaki ang chance na 'di siya papayag, kaya nagulat kami nang umoo siya. Nakita niya ang gulat naming mga mukha.
"But you can't ask for help for the last presentation," dagdag niya.
Tumango kaming tatlo. Agad kaming nagplano nang umalis siya. Pagkatapos ng huling sampung minuto sa klaseng iyon ay bumalik kami sa kaniya-kaniyang upuan. Sa dismissal ay humingi kami ng meeting sa Mather.
Umakyat ang dugo ko sa pisngi habang nakatayo sa harap ng clubmates sa loob ng club room. Kasama ko ang mga kagrupo sa presentation. Nasa likod namin ang blackboard habang nakaupo ang members sa gitna, kung nasaan ang dalawang double desk na pinagdikit. Pa-horizontal ang mesa mula sa kinatatayuan namin.
Kung mag-isa ako ay baka nahimatay na ako. Hindi ako makatingin sa kanila kaya pinili kong balingan ang groupmates ko. Ipinaliwanag naming tatlo ang dahilan ng meeting. Minadali namin ang pagsasalita dahil nakakahiyang sayangin ang oras ng clubmates.
"What do you think?" tanong ni Winston.
Isa pa siya. Nakatapos na kami ng isang presentation pero hindi pa rin ako comfortable. Well, tingin ko hinding-hindi ako magiging comfortable sa isang lalaki.
Sumulyap ako sa harap kaya nakita ko ang ngiti ni Candy. "I'll help. Especially because it's about Sir Newton."
Tahimik na tumango si Clive na katabi niya. Sinikap kong bumaling sa kaharap niyang si Claude na nakangisi. Sa ilang pagkikita namin dahil sa club, palaging isang tanong ang entrada niya. Hindi ulit niya soot ang ID. Sigurado akong nasa kaliwang bulsa ito ng pants niya, nakalaylay ang lace na ginagawa niyang design ng uniform.
Ang kaba ko ay unti-unting napalitan ng irita.
"Bago ang lahat," anito. Humilig siya sa mesa habang pinapasadahan kami ng tingin. "Hindi ba sobrang gwapo ko?" Sabay ng kaniyang nakakatangang pogi sign at tumataas-babang mga kilay.
Hindi ko napigilan ang pag-irap. Kaya kong tiisin lahat, maliban sa kakapalan ng mukha. I-shave ko kaya ang kilay niya?
"Shut up, Claude. Kaya namin nang wala ka." Ayaw kong maging bastos pero pinakaayoko sa mga mayayabang. Hindi ko kayang manahimik. Nilipat ko ang mga mata sa katabi niya para kumalma.
Tumatawa si Ulan nang nakita ko. "Tutulong ako!" Pumalakpak siya. Nginitian ko siya. Kumuha ako ng malalalim na hininga para hindi bumalik ang masamang pakiramdam.
"When do you plan to start?" tanong ni Candy.
Nagkatinginan kaming tatlo saka nagtanguan. Kaya ko nang tumingin sa mga mata ni Winston, 'wag lang masyadong matagal. Isa iyong improvement na ikinakatuwa ko nang husto.
"Either today or tomorrow, Friday. We have to present next Wednesday again. You won't have to worry about the editing and stuff. We just really need your knowledge about the topic. Kami na ang bahala sa natira." sabi ni Winston.
Tumango si Cajay. "Pero kakailanganin namin kayo sa pag-present. Kung sino na lang ang available sa mga oras na 'yon."
"Hindi ako pwede," untag ni Clive. "Pero makakatulong ako sa preparations."
Nagkatinginan ulit kaming tatlo bago tumango sa kaniya. Napagkasunduan namin kaninang tanggapin ang kahit anong maibibigay nilang tulong. Kami na nga ang humihingi ng pabor, kami pa ang aarte?
"Bakit, Dude?" usisa ni Claude.
Umiling lang si Clive, mukhang wala sa mood. Nirerespeto namin kung personal iyon. Pumikit siya nang mariin na parang pasan ang buong mundo. May talent siguro si Claude na mang-inis ng tao.
"That's alright." singit ni Winston.
Maingay na bumuntong hininga si Clive. Tumalikod siya para umalis. Naintindihan kong baka kailangan niyang kumalma at siguro magagawa niya 'yon kung mag-isa siya, hindi nga lang iyon naisip ni Cajay.
"Joshua—" sinubukan niyang magsalita.
Nagulat ako nang marahas siyang nilingon ni Clive, nagdidilim ang mukha. Kunot ang kaniyang noo, matalim ang mga mata at mariin ang pagkakatikom ng labi. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib niya, diretso ang tingin sa kaibigan ko. Ramdam na ramdam ang poot niya na tingin ko kapag sa akin nakasentro ang kaniyang mga mata ay manginginig ang tuhod ko.
Mali ata ang timing namin sa paghingi ng meeting.
"Sinong nagsabing pwede mo akong tawagin sa pangalang 'yan?" malamig ang boses niya sa pagtanong.
Walang nangahas na magsalita sa amin. Halos marinig ko ang hangin. Hindi siya nagbuhat ng kamay; wala siyang ginawa pero nakakapanindig-balahibo pa rin. Natatakot ako para kay Cajay. Parang lahat ng emosyon niya ay walang pag-aatubiling pinakita sa amin dahil lang sa galit.
"Hindi mo ako kilala."
Tulala kami kahit nang sinara niya ang pintuan. Ngayon, naniniwala na akong mabigat ang dahilan kung bakit ayaw niya sa pangalang 'yon, dagdag pa ang frustration niya sa kung ano.
Tumikhim si Candy saka payak na tumawa, gustong pagaanin ang atmosphere. "To tell the truth, I also have a presentation next week for the grade 11 class, right after your presentation. I will be alone so may I ask for the club's help as well?" aniya.
Sa totoo lang, tingin ko kaya niyang mag-isa ang presentation at hindi niya kami hihingan ng tulong kung hindi lang dahil gusto niyang mag-open ng ibang topic.
"Opkors naman po, madam pres," walang alinlangang sagot ni Ulan.
Sumang-ayon ako. "We receive and we give back, President." Binalingan ko si Cajay na tahimik at tulala sa pinto, mukhang namomroblema pa sa nangyari kanina. Hinawakan ko ang balikat niya at tinapik, pero pagtingin sa akin ay para siyang naiiyak.
May paghahandaan pa kaming presentation kaya ilang beses naming makikita ang Mather sa mga susunod na araw. Hindi ba magiging awkward para sa kanila ni Clive?
0 notes
dustylogs · 27 days
Text
RFS 01 | IAA
Anong mangyayari kapag mag-transfer ako ng school sa huling taon ko sa bansa? Dalawa lang: ang mag-isang maging malungkot buong school year, o ang mabaliw sa sobrang pag-iisip kung ano ang mangyayari kapag nasa ibang bansa na 'ko.
Malalaman ko ang sagot simula... ngayon.
Hindi ko mabilang kung naka-ilang buntong hininga na ako. Kabababa ko sa tricycle, nasa harap ng hindi pamilyar na puting gate. Isang malaking Integrated Academy of Aluche ang nakalagay sa itaas. Ang buong address ay nakalagay sa ibaba nito.
Pigil-hininga akong nagtungo sa mas maliit na gate. Nabaling sa akin ang pansin ng guard roon dahil sa paglapit ko. Ngumiti siya at masigla akong binati.
Sinubukan kong ngumiti pabalik. "Ah... Bago po kasi ako rito. Pwede po bang pumasok?"
Ramdam ko ang pagtataka niya. Tatlong linggo na mula noong pasukan at hindi ako naka-uniform. Ngayon pa lang, ramdam ko na ang pagiging outcast. Nang nakabawi, sinenyas niya ang nakabukas na mas malaking gate. "Diretso ka lang diyan. Pumasok ka sa building saka kumaliwa. Doon mo itanong kung saan ang klase mo." turo niya.
Tumango-tango ako bago nagpasalamat at umalis. Ang unang building na naroon ay two-storey lang, pero hindi ako nagpakampante dahil siguradong may naglalakihang gusaling kasunod.
Sa buong bayan ng Aluche, isa ito sa pinakasikat na paaralan. Maraming parents ang natutuwa sa discipline system nila at mao-offer sa educational growth. Sana makayanan ko.
May dalawang wooden double doors na sumalubong pagkapasok ko, nasa magkabilang parte. Sa gitna ay daanan para siguro makapuntang school grounds.
Nangatog ang aking tuhod pero nagpatuloy. Nakabukas ang isang pinto sa kaliwa kaya pumasok ako at may naabutang porter, ang unang makikita pagpasok. Kapag liliko pakanan ay papunta naman sa nakikita kong bookshop.
Binaling ko ang atensyon sa portero saka sinabi ang tukoy. Agad itong tumawag ng tao para dalhin ako sa classroom, habang ako ay tahimik na kinakabahan at kinakain na ng pag-overthink.
May special classes ang paaralan para sa Mathematics and Sciences students. Doon ako in-enroll nina Mama at wala akong nagawa kung hindi sumunod sa gusto nila.
Tahimik akong bumuntong-hininga habang nakatayo sa gilid. Nang nagsawa ako sa pagtanaw sa bookshop ay sinulyapan ko ang black leather watch sa aking kaliwang kamay at nakitang quarter to eight na. Seven quarter nagsisimula ang klase rito.
Dumating ang isang babaeng naka-teacher’s uniform, siguro'y nasa late 20s at may malaking ngiti sa mukha. "Hi! My name is Monica Diaz, IAA's guidance counselor. I'm so pleased to meet you!" pakilala niya. Naka-bun ang kaniyang buhok, flats ang gamit sa paa at walang dalang bag. Simple siyang tingnan na pati ang make-up ay light lang. Maputi siya at matangkad sa akin ng ilang sentimetro.
Awkward akong ngumiti. "Hi, Miss Diaz. I'm Ceanna Morillo. Nice to meet you too."
Tumango siya saka nagpaalam sa portero. Tumingin din ako sa likod para magpasalamat ulit bago kami lumabas.
"So, why did you choose our center?" tanong ng counselor habang naglalakad kami.
Nanginig ang tuhod ko, hirap na sumagot dahil wala akong kaplano-plano sa future ko.
Lumabas kami mula sa unang building. Gaya ng inasahan, malawak ang space ng grounds nila. May nakapalibot na malalaking gusali pero tingin ko, isang building ito na sadyang malawak, may main building at right and left wings. May stage sa kaliwa habang sa kanan ay may separate building, hindi kasama sa right wing.
Maraming cement tables at wooden benches na na-distribute sa grounds, mayroon ding mga puno. Ngayon pa lang, iniisip ko na kung paano ako dito tuwing recess. Mawawala ako!
Nagtungo kami sa kanang parte ng gusali, lagpas sa separate building. Mas nabuhay ang anxiety ko dahil sa kalakihan ng school. Ni hindi ko namalayang ang pinasukan naming wooden door ay deretso sa stairs. Umaakyat kami sa hagdan nang natauhan ako.
“Uhm… It’s actually my mother who urged me to transfer schools…” sagot ko nang maalala.
Mukhang nahalata niya ang nararamdaman ko kaya tumawa siya para pakalmahin ako. “I won’t eat you, Miss Morillo. You can breathe.”
Mabilis akong tumango kaya natawa ulit siya. Nakatungtong kami sa second floor. Lumiko ulit kami para magpatuloy sa pag-akyat. Mabilis ang paglalakad namin pero dahil siguro sa nerbyos, pakiramdam ko ang tagal.
Nagpatuloy kami sa ikatlong palapag, lumiko, at tumigil sa unang pintong malapit sa hagdanan.
"Here you go." ngiti niya.
Binalingan ko ang pintuan ng magiging classroom ko. May nakalagay na MSC 9B sa taas nito. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.
"If you ever have problems or worries whether it be about school or not, know that you can share them to me, okay? I'll be here to guide you when you feel lost." Sabay tapik niya sa balikat ko.
Tumaas ang dalawang gilid ng aking labi. Alam kong sinasabi niya ito dahil sa trabaho niya pero hindi maiwasang gumaan ang loob ko.
"My office is just on the first floor. Right wing." Umiling siya. "This is the left wing, by the way, in case you are confused. You entered from the back gates." Kinatok niya ang pinto pagkatapos kong magpasalamat. Tahimik kong pinagpantay ang paghinga.
Estudyante lang sila kagaya ko. Kaya ko ‘to! Magkukunwari muna akong may self-confidence, para sa susunod ay magiging totoo na.
"Don't forget the English rule," paalala niya.
Pinagbuksan kami ng isang lalaking naka-clean cut, nasa mga mid 20s siguro, maputi at fit ang katawan, at naka... teacher's uniform? "Good morning, Mister Bernal. This is Ceanna Morillo, a transfer student. I hope she's not too late to attend your class?" si Ms. Diaz.
Umiling ang guro, nakangiti. "Good morning, Miss Morillo; same to you, Miss Diaz. She can still catch today's lesson up. Thank you for bringing her here."
Mabilis na umalis ang counselor at pinapasok ako sa klase. Kasalukuyang may sinusulat sa notebook ang students na hindi hihigit sa twenty. Konti lang sila pero hindi nabawasan ang naramdaman kong tensyon.
Nagsalita si Mr. Bernal kaya napunta sa amin ang mga mata. Ramdam na ramdam ko ang pagsakit ng bituka ko nang sinabihang magpakilala.
Hindi ako ganito noon. Pabibo ako at mahilig sumali sa contests bilang bata. Tinutulak ako ni Mama na makisali kahit hindi nananalo dahil wala akong talent sa sayaw. At dahil din do'n… pinagtawanan ako ng mga nanalo, sinasabing hindi raw matatawag na kembot ang pagsayaw ko.
Tama sila kaya wala akong naisumbat, kahit sa una ay sinubukan kong ipagtanggol ang sarili ko. Hindi sila nadala at mas pinagtawanan ako. Simula noon, tumigil ako sa competitions kahit anong pilit ni Mama. Naging mailap ako sa tao at nawalan ng mga kaibigan dahil nawirduhan sila sa’kin.
Huminga ako nang malalim. "Hi... I'm Ceanna Reian Morillo from Northeastern High School. I know it's a little late for the school year but... hoping not to have any problems in this class."
Kapag sinabi ko ang pangalan ko, maraming nagkakamali sa pag-spell na ang Ceanna ay nagiging Shana; kapag sinulat ko, mali ang pagka-pronounce at ang Reian ay nagiging Riyan. Ang totoong pronunciation ay Cee-yana Reh-yan. Minsan, hindi ko nasisita ang nakaka-mispronounce dahil masyado akong... nahihiya.
Ang daling sabihing lalapitan ko sila at itatama ang mali. Ang dali isipin... pero hirap akong gawin, takot na pagtawanan ulit ako kapag subukan kong itama ang mali nila. Noong umulan siguro ng pagkamahiyain, nanatili ang lahat sa kani-kanilang bahay kaya nasalo ko ang buong definition ng shy.
"Since we're in a big center, she'll certainly need some kind of help, so who's willing to accompany Ms. Morillo during her first week?" iginala niya ang tingin sa buong klase.
Kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko nang may babaeng nagtaas ng kamay, hindi mukhang napilitan. Nakaupo siya sa kanang parte sa harap. Ang una kong napansin sa kaniya ay ang maputing balat at mahabang bangs na nasa banda ng mga mata. Pansin din ang lip gloss sa labi niya.
"I volunteer, Sir." anito. "But can I ask her nickname?"
Lumaki ang mga mata ko sa katangahan. Bumaling ako sa babae. "You can call me Cee, Ceann or Ceanna." Sinubukan kong ngumiti kahit ang totoo ay halos mapaupo ako sa panginginig.
"Okay, Miss Morillo, you can sit beside Miss Bello," tinutukoy ng teacher ang nagtaas ng kamay.
Mabilis akong umalis sa harapan para umupo sa bakanteng upuan sa kaliwa ng babae. Binigyan niya ako ng isang ngiti na hindi kita ang ngipin.
Pabilog ang kaniyang mukha at hindi makapal ang kilay. Malalaki ang kaniyang bilugang mga mata kaya bagay sa bangs at hugis ng mukha; maninipis ang mga labi, maliit ang matangos na ilong. Para siyang hindi mabasag-pinggan dahil puno ng soft features.
"My name's Cara Jayenne Bello. Call me Cara," mabilis niyang bulong.
Hindi kami nakapag-usap nang matagal dahil nagpatuloy ang lesson. Nakinig akong mabuti lalo’t may mga kailangan akong habulin. Sinabihan din ako ng guro na magtanong kung may hindi maintindihan.
"I'll tour you later during the break," bulong ni Cara nang medyo nag-ingay ang klase.
Agaw-pansin ang diamond fish hook earrings niya kaya nasusulyapan ko. Hindi ako nakasagot dahil bumalik sa pagsasalita si Mr. Bernal.
Medyo matagal bago nag-bell. Kinuha ko ang dalawang sandwich at juice na pinabaon sa akin ni Lola. Nauna sa paglalakad si Cara habang papunta kami sa comfort room na nasa kabilang gilid pala ng hagdanan.
Kabado pa rin ako pero hindi gaya kanina dahil may kasamang student. Hindi na ako masyadong natataranta sa pag-iisip na baka may nakatingin sa akin dahil bagong mukha, o kung may nag-uusap para pagtawanan ako dahil sa kung anumang ginawang hindi nila nagustuhan.
Napansin ko ang mahabang buhok ni Cara na dark brown, parang nakulayan, medyo may kulot sa dulo na tingin ko ay natural.
Pagkalabas namin ng toilet, inalok ko siya ng extra kong sandwich habang tino-tour niya ako sa school grounds. Bumaba kami sa first floor at lumabas pa sa main building para maayos daw ang floor plan sa utak ko.
"Both the main and the back building have their own porters, in case there are unexpected visitors, though the back building only has two floors because it is mainly the faculty room." aniya. "The main building has four floors and houses the elementary students, including the kindergarten pupils. And that explains the noise around here," binulong niya ang huling parteng tinawanan ko.
May hiwalay na parte ang mga hagdang nagko-connect sa main building sa right at left wings, na pwede ring emergency exit stairs, although may separate pang two stairs each ang right at left wing sa kada palapag. Sinabihan akong may comfort rooms sa gilid ng lahat ng floor every building, bahala lang akong manghula kung sa right corner o left corner siya.
"The right wing third floor is full of club activity rooms, which are not yet finalized, by the way. And as you have seen earlier, the left wing third floor is reserved for the Math-Science specialized classes. The fourth floors are the rooftops, but they are open only at scheduled times."
Tahimik kong inaalala lahat ng narinig.
"Beside the right wing is the gymnasium, especially used for sports competitions with other schools or intramurals activities. After the left wing stands the theater for the performance acts all throughout the year." mahabang sabi niya. "The back building, as I've said, includes the faculty from elementary to senior high, as long as the cafeteria and the bookshop, which has printing services."
Tumingin ako sa kaniya nang huminto kami sa tapat ng flag pole at bumaling siya sa akin.
"We've got tons of school clubs that students themselves create, so don't be surprised when people invite you to their own. That is exactly why we have a whole floor dedicated for the club activities."
Tumaas ang dalawang kilay ko. "Can we enter as many groups as we want?"
Umiling siya kaya nagalaw ang diamond fish hook earrings niya. "Nope. That's why we tend to be closer; one common interest helps us create a bond." aniya.
Hindi pa kami tapos kumain nang nag-bell pero wala kaming nagawa. Mabilis kaming pumunta sa left wing. Nagpatuloy siya sa kwento para hindi sayang ang oras, lalo't mabagal ang usad. May naririnig akong boses ng babae habang paakyat pero ipinagkibit ko ng balikat.
"The basement in the theater contains the club rooms of the music and the dance clubs. On the other side of the campus, the basement of the gymnasium has various courts and the sports club room." kwento niya habang umaakyat kami. "The pool is on the second floor of the gymnasium, in case you are interested. We are allowed to go for a swim when we have free periods."
Hindi ako maka-concentrate sa sinasabi niya sa dami ng tao pero hindi ako nagsalita.
"Since this is the first year that the Academy's implementing the K-12 curriculum, we only have rooms for the grade 11 at the moment. Next year, I heard they are going to change the layout of the senior high school wing to add the extra rooms for the grade 12." Inayos niya ang fringe na tumabon sa mukha gamit ang pearl barrette niya.
Bahagya akong nagulat sa narinig, ngunit napabaling ako sa daanan nang lumakas ang boses ng babaeng narinig ko kanina, na siya palang dahilan ng pagbagal ng usad. Namimigay siya ng flyers kaya ko nakita ang kaniyang rose gold slider bracelet sa kaliwang braso. Malakas ng loob niyang nagsasalita nang malinaw at malakas sa gitna ng hagdanan.
"It's not just a club! We are a team! Mathematics matters in Mather. Be a member of our club and learn to love numbers! Learn the best formulas and take it with you in the workforce!" engganyo niya habang nakatayo sa dulo ng stairs ng floor namin.
Sinulyapan ko si Cara na deretso ang tingin sa harap. Mukhang normal dito ang ganitong pangyayari.
Sunod kong pinagmasdan ang babae, sobrang girlish ng galaw pati ng pananamit. Naka-light makeup, may ribbon sa buhok na naka-high ponytail. Inuulit-ulit nito ang sinasabi at palaging nakangiti. May nabasa akong Navallo sa ID niya.
Bumaling ako sa kasama niyang babae, ibang-iba sa kaniya. May soot siyang salamin at medyo chubby ang pisngi tulad ko. Bagay sa kaniya ang pagkamorena, kasama ng bandana sa ulo at hindi maayos na pagkakatali ng buhok pero 'di niya alintana. Namimigay rin siya ng flyers at hawak ang extra.
Mabilis kaming umupo ni Cara pagkarating sa classroom. Hinarap niya ako habang wala pang teacher. "So, how do you find this school so far?"
Masyado pang maaga para magpaka-komportable ako; alam kong babalik ang pag-ooverthink ko bukas o mamaya.
Nagkibit-balikat ako. "I can't really tell. Maybe I can answer after a week of being here."
Humalakhak siya saka tumango. "That–" Tinuro niya ang labas. "–is just an example of the hundred invites you'll get soon. Do you want to join Mather?" Sumayaw ang kulot na dulo ng buhok niyang hanggang baywang nang balingan ako. Pinakita niya ang flyer na nakuha.
Nilabas ko ang binigay sa akin para ipakita na meron ako. "I don't know yet. But I might if you will, so please inform me." Mas mabuting pumunta ako sa kung saan may kakilala ako.
Natawa siya pero hindi nagsalita.
Umayos kami nang dumating ang guro. Habang naglalabas ako ng notebook, bumulong si Cara. "We'll eat with my friend for the lunch break. Is that okay with you?"
Tumango ako kahit inaatake na naman.
Nagmadali kaming lumabas sa dismissal. Ani Cara ay rarami ang tao. Nagtungo kami sa west gates para sa fast food restaurant na katabi ng school. Bumalik ang ingay ng puso ko sa pag-iisip na may bagong tao akong makakaharap.
Maingay na nagpakawala ng hininga si Cara. "Sa wakas! Wala munang English."
Mahina akong natawa habang dumidiretso kami sa taas. Saglit naming hinanap ang kaibigan niya. Tumigil ako nang nakiyakap si Cara sa isang babaeng mas mahaba ang umaalong buhok. Wala siyang bangs pero tulad ni Cara ay maputi siya.
Huminga ako nang malalim.
Bumaling ulit ako sa kaibigan niyang tinawag niyang Dove. Mas matangkad siya kay Cara, diamond-shaped face at almond ang hugis ng mga mata. Hindi masyadong mataas ang nose bridge niya pero halatang matangos. Iyong kilay niya ang nagiging dahilan kung bakit nagmumukha siyang... mataray. Nakakatuwa lang na hugis-puso ang kaniyang labi kaya nawawala ang mataray na awra.
"Ceanna, ito ang best friend ko, si Ysabelle Fuentes." Inilahad ni Cara ang braso para ituro ang sinabi.
May thin eyeliner sa upper lash line niya. Mayroon siyang piercings at sa normal na paglagyan ng hikaw ay may mini-flower diamond earrings. Ngayon, masasabi kong mas agaw-pansin ang kaniyang hikaw sa rami nila.
Nginitian ako ni Ysabelle at sinuklian 'yon. Mukha siyang magaan at palakaibigan.
Namilog ang mga mata ko nang hindi ko inasahang yayakapin niya ako. Naglahad siya ng kamay at agad ko itong tinanggap. May silver cuff ring sa index finger niya, napaghahalataang mahilig sa jewelry.
Maliit akong napangiti.
"Hi, Ceanna!" Puno ng entusiyasmo ang boses niya. "I'm Ysabelle and my name's spelled with Y, not I. Double L then E at the end. My nickname's just as simple as what you're thinking. Ysa. I'm beyond happy to meet you."
Kumurba ang labi ko sa isang totoong ngiti. May mga tao pa rin palang ganito—nakakainit ng puso, magaling makisama at hindi namamalayan ang pagiging sweet.
Umupo kaming tatlo at agad nahiya dahil nabilhan na kami ng pagkain.
Nilahad ni Ysabelle ang pagkain, tila narinig ang isip ko. "Don't be shy around us, okay? Let's be friends." marahang sabi niya.
Tahimik akong nagpakawala ng hangin. Hindi niya alam kung paano gumagaan ang loob ko sa mga ginawa at sinabi niya.
Hinuli niya ang mga mata ko. "Please? I promise, we don't bite." Sabay tawa.
Huminga ako nang malalim. Hindi ako magaling makisama pero ang galing nilang pakitunguhan ako. Pakiramdam ko ilang linggo na kaming magkakakilala. Hindi ko namalayang kinu-kwento na niya sa akin ang piercings niya.
"This one..." tinuro ni Ysabelle ang taas na parte ng right ear na may silver hoop earring. "–is called helix."
Sinasabi niya sa akin dahil... Ni hindi ko maalala ang dahilan. Mahilig siyang mag-share at gusto niyang maging comfortable ako, kaya nagsasabi ng kung anu-ano.
"It's the first piercing I got after the standard lobe. Now, the most satisfying piercing I got... is daith." Tinuro niya ang itaas ng butas ng left ear kung saan may diamond hoop earring. "It made me feel so accomplished, and I don't even know why."
Pareho kaming natawa habang nailing si Cara.
Pinakita niya ang taas na parte ng tinawag niyang standard lobe sa kanan. "This is called upper lobe. It's the latest one so far. Had it since, what? Four... five weeks ago?" Sabay hawak sa silver na mini-heart stud earring doon.
Nanlaki ang mga mata ko.
Tumawa si Ysabelle. Naintindihan niya ang pagtatanong sa ekspresyon ko pero hindi nagsalita. Si Cara ang nag-explain para sa kaniya. "Birthday niya noong nagpabutas ulit. May 13. Higit isang buwan na rin pala?" 15th of June na.
"It was her birthday yesterday," singit naman ni Ysabelle, nakaturo kay Cara.
Nanlalaki ang mga mata ko at mabilis siyang binati, kinakabahan. "Happy belated birthday!" Wala akong dalang regalo!
"Don't worry about gifts, you are a new student and you did not know," alo ni Ysabelle, tila narinig ulit ang nasa isip ko.
Sinasali nila ako sa mga pag-uusap nila at hindi ko naramdamang iniiwan nila ako, kaya nabawasan ang tensyon sa loob ko sa sumunod na mga klase.
Nanlumo ako nang sinabi sa last period namin noong Wednesday na may gagawin kaming presentation. Kakailanganin kong tumayo sa harap ng klase para maipakita ang gawa, magsalita at magkunwaring hindi nahihiya.
Bumuntong hininga ako.
"You need to present a known mathematician's work to the grade 10 students of the normal classes." anunsyo ni Mrs. Tuazon. "Don't worry. This is a group work.”
Suminghap lang ako.
Na-grupo ako kasama si Cara at isa pang lalaki. Nagbalik ang pagkaka-ilang ko, pero at least kasama ko si Cara. Nagbunutan kami at nakuha si Isaac Newton, the father of calculus.
Isang linggo lang ang binigay para sa paghahanda. Next Wednesday agad ang presentasyon. Pinag-isipan namin ang topic at sinimulang magplano sa kailangang gawin. Lahat ay ginawa namin sa library na nasa first floor ng senior high.
Inayos ko ang aking necktie pagkatapos gawin ang mga dapat. Fortunately, may uniform na ako. Mayroong blue belt sa babang parte ng blouse, parehas ang disenyo sa palda at sa necktie. Puti ang shirt na uniform, at kita ang logo sa collar. Pleated ang blue skirt namin, habang ang boys ay darker ang shade ng blue sa trousers. Parehas na may asul na butones ang shirts ng girls at boys, kasing-kulay ng palda namin.
Tumblr media
"Are you already on a club?" biglang tanong ni Winston, ang lalaking kasama namin. "I think I'll go to the Arttakers. Are you two considering Labstract?" usisa niya since nasa MathSci classes kami. "We only have until the end of this week to choose a club, I heard they are closing the forms earlier this year."
Hindi ko siya tiningnan dahil baka mangiwian ko pa. Kita sa gilid ng mga mata ko ang paghilig niya sa mesa habang nag-aabang ng sagot namin.
Si Cara na kinakapa ang bulsa ang binigyan ko ng atensyon. Paglabas ng kamay ay may hawak siyang flyer. Isang malaking MATHER ang nakasulat doon. Binalingan niya ako, may ngisi sa labi.
Tumango ako sa ibig niyang sabihin. Magsisisi ba ako sa desisyong 'to?
0 notes
dustylogs · 29 days
Text
RFS | Start
The end of my stay in the country is probably the best way to build my greatest character. Tuwing may namamatay na parte sa pagkatao ng isang nilalang, maraming nagbabago sa buhay niya. Maganda man o nakakasuklam na pagbabago, sa ayaw at sa gusto niya.
Nagsimula ang lahat nang nalugi ang business ng mga magulang ko. Mayroon kaming land property na ginagamit para magtanim ng vegetables na sa huli ay ibebenta, kahit na hindi iyon gan'on kalawak. Sunod-sunod na na-infest ang mga pananim hanggang kinailangang isangla ang lupa dahil hindi na profitable sa amin at imbes ay nagdadala pa ng utang.
We aren't rich, and that is my family's only source of income. Nanghiram sina Papa sa relatives namin, pero hindi nabawi ang nawalang pera.
"Huwag kang mag-alala, Cee. Iyang pag-aaral ang atupagin mo. 'Wag mo nang problemahin 'to," ang laging paalala nila tuwing nagtatanong ako tungkol sa problema.
Kahit pinipilit nilang 'wag ay naapektuhan pa rin ako. I am in high school, I know I am useless, pero kahit malaman ang estado namin financially, hindi na sana ipagkait sa akin. Alam kong wala akong magagawa at maiaambag pero masama bang magtanong?
Natulala ako nang binigay sa akin ang test paper kong may malaking pulang marka—bagsak na naman. Hindi man lang nakaabot sa fifty ang score ko na over one hundred.
Bumuntong hininga ako at hinayaan iyon sa mesa. Nakita ko ang pagsulyap ng kaklase kong si Adriana, ang consistent naming top. Normally, nasasali ako sa honor roll. Ngayon lang ako nagkaganito.
She shows me her fist with an encouraging smile para i-motivate ako kaya pinilit kong ngumiti at tumango.
Mabagal umusad ang panahon noong last grading period ng grade 8. Sinubukan ko naman pero mababa pa rin ang grades na nakuha ko. Isa na rin siguro sa dahilan ang pangingibang bansa nina Mama.
Hindi ako sanay na wala sila, naninibago ako. Napakahirap mag-focus, isama pa ang laging panenermon nila tuwing tumatawag.
"Ang bababa ng mga grado mo! At may isang bagsak pa! Gusto mo bang maging repeater? Wala na nga tayong pera, hindi mo pa pinagbubuti ang pag-aaral. Jusko naman, Cee! Sige at ililipat ka namin!" singhal ni Mama.
Nakaramdam ako ng kung anong guwang sa tiyan.
Natutuwa ako tuwing may matataas na marka dahil nakaka-proud sa sarili at pinupuri ako nina Mama, pero kapag nagkakaroon ako ng mga hindi pasadong grade, kahit minsanan lang 'yon, todo ang inis nila. Nakakapagsabi siya ng nga masasakit na salitang matagal kong dinidibdib. Nanay ko siya kaya doble ang kirot, kahit na gusto lang niyang matuto ako.
Pero mas madi-disappoint ko sila sa kanilang ginagawa. Hindi ako people person. Saksakan ako sa pagiging mahiyain! Hindi ba nila naisip na mas mahirap iyon dahil kakailanganin kong mag-adjust sa hindi pamilyar na school?
At nilipat nga ako sa mas istriktong paaralan; at talagang pinarusahan nila ako dahil sa MathSci class ako ipinalagay.
The school has this English Rule—bawal magsalita kung hindi English ang gamit. They forbid visitors during school hours and other than that, marami ring bawal outside the school grounds. I wonder how the students manage to bear with all of those. Siguro mahigpit din sa kanila ang mga magulang kagaya ko?
"Huwag kang masyadong mag-alala, Cee. Kukunin namin kayo pagkatapos ng isang taon," pampalubag-loob ni Papa.
Natanga ako. Hindi ko alam kung paano mag-react. Nagdedesisyon sila tungkol sa buhay ko nang hindi ako kino-consult. Gusto kong isipin na gusto lang nila kung ano ang makabubuti sa akin... pero ako ba, hindi pwedeng magdesisyon para sa sarili? Paano ako magtitiwala sa mga kakayanan ko kung pati mga magulang ko, walang bilib sa'kin?
"Oo, Cee. Pinag-iipunan na namin."
Alam kong balak na nila iyon dahil sabay nilang nilakad ang documents namin ng kapatid ko last year, pero hindi ko inasahang ganito kaaga.
"Mas mabuting magkakasama tayong pamilya," dagdag ni Papa. "Ayaw mo ba n'on?"
I am considering the thought because of what he has said, but still hate it. Ayoko 'yong masyado akong kinokontrol. I have never liked the pressure when people expect me to get excellent grades. Wala naman akong magawa dahil feeling ko, sa ayaw man o sa gusto ko ay masusunod sila.
My nerves calm down, pero hindi nga naman umiikot ang mundo ayon sa nais mo.
Nakalimutan ko lahat ng problema mula nang nakilala ang twelve friends ko. Akalain mo 'yon, Ceanna? Pumasok kang mahiyain pero nakahanap ka ng maraming kaibigan, higit pa sa imagination mo. Iyong akala kong magiging malungkot na taon ay napuno ng tawanan at alaala. Hindi nila alam kung gaano ko sila kamahal.
Pero kung hindi iyon inasahan, mas lalo pa ang mga sumunod. Ang kasiyahang naramdaman ko sa kanila ay pinahiram lang pala. Never have I ever envisioned us ending up like... this.
"Yangyang." As Kuya calls me, I get reminded of another person who used to call me by that name, in a much livelier voice.
"Yangyang!" "Cee," "Babe~" "Mow..." "Ceann,"
Sumunod ang boses ng mga taong minsan kong naging close friends, iyong tipo ng closeness na... parang ilang taon kaming nagkakilala kahit ang totoo ay ilang buwan lang.
I feel a hollow space in my stomach. "Ano, Rix?" tanong ko, pinipiling balewalain muna ang mga nagbalik na alaala.
He has graduated in college today. Natapos ang celebration sa isang resto at pauwi kami ngayon. Bumaling ako sa kanya pagkatapos itigil ang kotse dahil sa red light.
Our parents have gone home earlier since there are so many acquaintances of Kuya that we've been bumping into. Napapatagal kami sa pakikipag-usap niya sa kanila. Hindi ko siya pwedeng iwan dahil wala siyang dalang kotse at pinagbawalan ni Mama na magpagabi sa party.
Sa aming dalawa, siya ang mahilig makihalubilo sa mga tao. I prefer staying in the house than having fun outside, so Mama is sure I will bleed to go home early.
"Uuwi ako ng Aluche," anang kapatid ko.
Bumalik ang aking mga mata sa daan. I move the gear shift as my brows furrow. Kumabog ang dibdib ko sa pagkarinig ng pangalan ng hometown namin. It has been so long, but I still feel the same.
"Sa Pilipinas ako magtatrabaho. Nasabi ko na kina Mama at Papa. Don't be a pain in the ass, okay?" Tumawa siya. "You don't really have a lot of friends kaya aasahan kong hindi ka bigla-biglang magpapa-party sa bahay."
Tinaasan ko siya ng kilay. It's true that I distance myself from people simula nong nag-aral kami rito. Nilayuan ko kahit ‘yong iilang gustong makipagkaibigan. Sabi ko, tutal ilang taon lang naman akong mag-aaral dito, pagkatapos no’n, college na ako. What will temporary people bring me anyway?
Hindi ko siya kinwestyon. Matagal na niyang binabalak umuwi. I know his reason very well. Bata pa kami noong umalis doon, pero seryoso na siya sa isang tao.
Enrico left someone. No one knows how he manages to stop himself from staying in the Philippines every time we visit for a month.
"What's this?" Sabay angat niya ng maliit na box na nilagay ko sa bukas niyang maleta.
Naka-squat siya sa gilid nito, abala sa pag-aayos. Tumingala siya sa akin at nagtaas ng kilay. Ngumisi ako sa kaniya. The box is covered so he can't see what is inside.
"For her. You're welcome."
Kumunot ang noo niya. Halatang may itatanong pa siya pero iniwan ko na.
I am busy with my job as an intern. Gaya lagi, inabala ko ang sarili at hindi pinansin ang mga taong umaaligid.
I've had the chance to build my greatest character, but did I?
Kahit pakiramdam ko sobrang tagal, nakapagtapos din ako. Miraculously, nakuha ako sa isang five-star hotel, thanks to my experiences before graduation. Nagpatayo ng negosyo sina Mama at Papa sa Pinas kaya naiwan akong mag-isa rito sa British Columbia.
That is okay with me. Wala pa nga sana akong balak bumalik kung hindi lang sa biglaang balita ni Mama.
"Ikakasal na si Rix," she announces right after I answer the video call.
Kumunot ang noo ko. "No shot," I say, baffled.
Tumawa siya saka may pinulot sa harap niya. Pagtingin ko, may hawak na siyang wedding invitation sa kamay.
Nanlalaki ang mga mata kong nakitawa, promptly leaving the FaceTime screen para ma-text ng congratulations ang kapatid ko. Ilang taon na rin sila. I just can't imagine my brother's pain when we left the country. Gaya ng akala ko, siya nga talaga ang inuwian. Lola will surely get jealous upon knowing the truth.
Umuwi ako sa Pinas with the plan of leaving right after going to the wedding reception. Umalis ako roon pagkatapos kumain at bumati.
Pagdating ko sa room ko sa bahay, tumunog ang aking cellphone bago ko pa masimulang ayusin ang maleta. Like always, I immediately answer upon seeing Mama's number.
"Sinugod namin sa ospital ang Lola mo!" salubong niya pagkasagot na pagkasagot ko.
Natigil ang mundo at nawalan ako ng sense of time. My heartbeat shortly races. Umawang ang bibig ko sa nagbabadyang tanong pero walang lumabas na boses.
Hindi ‘yan totoo.
Napaupo ako sa gilid ng kama dahil sa panghihina ng tuhod.
"You can't leave like this, Ceanna! Manatili ka rito. I won't listen to your buts." May pagbabanta sa boses ni Mama na nagpabalik sa akin sa realidad.
Halu-halong emosyon ang naghari sa akin, hindi ma-organize ang nagdagsahang tanong sa utak. Suddenly, nagsunod-sunod ang detalye sa utak ko. "She was j-just partying! Ang tindi pa ng tawa niya kanina, walang signs of any accidents." Naalala ko ang pagyakap kay Lola noong nagpaalam ako. "W-What happened?"
Mama heaves a sigh. Napasunod ako dahil sa bigat na naramdaman. Matanda na si Lola pero hindi ko iyon inaasahan. Masigla ni Lola, kaya bakit ganito bigla? Bakit biglaan? She will get better, right? She should!
Wala na akong pakialam sa iniiwasan ko. Hindi muna ako aalis. Tutulong ako sa pag-alaga kay Lola.
"Tingin ko ay na-overwhelm siya masyado sa mga nangyari. Sobrang saya niya sa kasal ni Rix nang bigla kang nagpaalam. Syempre ay napalitan iyon ng lungkot." she explains. "You can't go back to Vancouver, Cee. Please... Just not yet. Para kay Nanay."
Gusto ko sanang pumunta sa ospital pero binilinan ako ni Mama na bukas na lang. Nanatili ako sa bahay kahit puno ng pag-aalala. Nag-workout ako para mawala iyon sa isip pero wala ring silbi. I then decide to go for a cold shower and rest for the meantime.
Nagpapahinga ako sa kwarto nang nakatanggap ng email para sa isang reunion—homecoming. Galing iyon sa huling school na pinasukan ko bago umalis ng bansa noon.
My breathing goes faster as I contemplate whether to open it or not. Nanginginig ang kamay ko habang pinipindot ang mensahe. Nang nabasa ito nang tuluyan ay nahigit ko ang hininga.
It is scheduled for next month, but that next month means next next week, sa ikalawang martes.
"4th of June, school grounds at six in the evening," it says.
Hindi man lang talaga gymnasium o theater. Malawak naman sa pagkakaalala ko ang grounds pero dalawa ang floors ng gymnasium doon! Occupied ang dalawa during that date and time? Bakit hindi nila palitan ang date, kung ganoon?
Talaga ba, Ceanna? Is the venue your only problem? O hindi ka lang handa at hindi mo matanggap na kinakabahan ka agad kahit sa imbitasyon pa lang?
Nonetheless, nagsimula akong mag-type para magtanong kung ayos lang bang dumalo ako kahit one year lang nag-aral doon.
My brain recalls the moments I've been with them. Kahit tenga ko, naki-cooperate kahit na ayaw ko. Madiing pumikit ang aking mga mata nang narinig ko ang mga munting biruan namin noon.
"Yie~" "Gwapo." "Libre!" "'Ngina mo, Dude."
I shake my head. Sinend ko ang email na ginawa. Nakatulala ako sa kawalan habang naglalakbay ang utak. I have been avoiding to think about them for eight years. Akala ko nawala na 'yong sakit. Akala ko phase lang 'yon kasi teenager ako no'n, pero nakakalungkot pa rin pala.
"Gaga." "Gago nga!"
My phone beeps from the new mail received.
IAA 2015-2016 Homecoming
Hi, Ceann!
It's been so long! I'm glad you responded. The new school director and the high school department's principal are pals since first year high school. They wanted to share how they felt when they were once again reunited this year. Hence, this event. Every student in the school year 2015-2016 is invited, because that is also the year when they last met each other. If you are unsure whether or not to attend, just remember the good old days. Don't you want to greet the old teachers, see how the school and buildings have changed, or have fun with your former and present friends?
I am sorry if I may be forcing you to attend the event. But then, all shall come. May you? We will be hoping for your presence next week.
Dionne Sorrento
A sigh escapes before I can realize it. Mabilis na kumunot ang noo ko sa pag-iisip kung dadalo ba ako o hindi.
Nag-ingay ulit ang cellphone ko sa panibagong mail na natanggap. The movement of my hand slows down when I see it's from Dionne again. I click her name, not knowing that what she has sent will make me feel worse.
Suminghap ako.
It's a photo of Ranggu Family Squad—all of us—on our Christmas program. May nakalagay na "I hope this convinces you to come! Found it on the SY files." sa baba nito.
Sa picture, naka-burgundy long sleeved blouse and white pegged pants ako. May nakasabit na string ng black backpack purse ko sa isang balikat. Beside me is a girl with her hair down and a red bandana on the head. She has her black fitted skirt on. Her top is a red cardigan with a black spaghetti strap inside. Pinipisil niya ang pisngi ko at pareho kaming may malaking ngiti.
Nasa tabi niya ay ang magjowang mga kaibigan namin.
Kumalabog ang dibdib ko.
The girl has a maroon v-neck halter dress, her hair done in a bun with a red ribbon and her neck covered with a red neckerchief. Ang boyfriend niya ay nakapulang dress shirt at isang side lang ang naka-tuck in, tapos nakapulupot ang braso sa baywang ng babae. Magkadikit ang kanilang mga pisngi; nakangisi ang lalaki habang siya ay nakanguso.
Nilipat ko ang tingin sa katabi ko sa litrato, nakasoot ng green na jumpsuit. She has a small genuine smile and her hair in a half-up pigtails makes her look bubblier.
Gumala ang mga mata ko at bumuhos ang mga alaalang hindi ko makalimutan. Bumuntong-hininga ako, humihiga. I close my eyes and lock my phone's screen. Inayos ko ang comforter saka natulala sa kisame.
I admit, I have always wondered whether they've ever wanted to bring back the friendship or not; if they wanted it as much as I did.
Umiling ako, exhaling deep. Mukhang hindi ko pa nga sila nakakalimutan. Halos isang dekada na... pero heto pa rin ako, nagiging sobrang pathetic. Natuto ba talaga ako? Dapat, oo. Dapat tumigil na ako.
"We are a family."
Nagpakawala ako ng malalim na hininga.
Ranggu Family Squad has started to shit on me again.
0 notes
dustylogs · 1 month
Text
Ranggu Family Squad
Our high school lives are supposed to be filled with unforgettable memories that we’ll take with us up to our tombs. When asked about their favorite moments in high school, people would normally enumerate infinite things from the past. But in my case, there’s only one answer, and that is Ranggu Family Squad.
Isang school year. Umulan, umaraw, sila ang kasama ko. Kung may problema, sila ang takbuhan ko. We had a perfectly imperfect group that I cherished immensely. Still do. So how did we end up like this? Walang kumustahan, no communication, not caring at all. Akala namin aabot sa pagtanda ang tropa. Why did we fall apart?
1 note · View note
dustylogs · 1 month
Text
Cellphone
Labag sa loob na sumama sa evening camp with cousins dahil sa pamimilit ng ina, kaya bored na bored siya buong oras, hanggang sa may pinamigay na cellphone sa kaniya ang pinsan niya. A few hours later, may nag-message para bawiin ang phone, claiming na sa kaniya 'yon. Pero ayaw niyang ibigay ang natanggap na cellphone nang walang kapalit.
1 note · View note
dustylogs · 1 month
Text
Sige, Ma
Adriana has been working hard all her life para maramdaman niya ang pagmamahal ng Mama niya. Kahit anong utos at sinasabi ng Mama niya, sinusunod niya nang walang reklamo, pero sapat ba ang pagiging sunod-sunuran niya para makaramdam ng motherly love? Kailangan ba talaga niyang maging alipin para mahalin siya ng ina niya?
1 note · View note
dustylogs · 1 month
Text
Raining Love
One rainy afternoon, binigay ni Pierre de la Vega ang payong niya kay Maureen Pierce kahit na hindi sila magkakilala personally, not knowing na gusto siya ni Maureen. Pero ang hindi alam ni Maureen? Gusto rin siya ni Pierre.
1 note · View note