Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Pagsusuri sa Pelikulang Inang Yaya
Maituturing na luma ang pelikula ngunit naglalaman ng magandang katangian at matatawag na may dating bagama’t kundi ako nagkakamali ang pelikulang ito ay hindi naging kilala o naging maugong, ito naman ay nagpapakita ng magandang pelikula sa industriya ng pelikula sa ating bansa.
Ang mga artistang nagsiganap, tulad ni Maricel Soriano ay naaakma, ang kanyang pagganap ay tunay na magaling. Nabigyang buhay niya ang kanyang karakter sa pelikula bilang isang mapagmahal na katulong sa kanyang alaga na nagngangalang Louise. Samantala, ang mga bata na nasa karakter nina Ruby at Louise ay masasabing mahusay din dahil sa kanilang pagganap. Tipikal na mga bata na parehas na pinalaki ni Norma (Maricel Soriano) bagamat si Ruby ay lumaki sa kanyang lola at napilitan lamang na lumuwas at sumama sa ina dahil namatay ang kanyang lola. Dito nasukat ang pagiging isang ina ni Norma. Kung paano niya hahatiiin ang kanyang sarili bilang isang yaya at bilang isang ina. Sa huli nanaig ang pagiging isang ina ng pinapili si Norma ng kanyang amo na kung sasama ito sa kanila pa-singapore o mananatili ito sa kanyang anak.
1 note
·
View note