ckobe0803
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
ckobe0803 · 10 months ago
Text
Vigan: Natatanging Paglalakbay sa Kasaysayan At Kultura,
Bumalik ang aking ama mula sa Qatar, matapos ang pandemya na nagpatigil sa mundo ng dalawang taon. Napili ng aming pamilya na magtungo sa Vigan, Ilocos Sur. Matagal na itong pinaghahandaan ni Papa. Bilang paghahanda sa paglalakbay, tumungo kami sa Pilar, Bataan, upang mapa renew ang driver's licence ni Papa. Dahil malapit lang naman, pagkatapos ay umakyat kami papunta sa Mount Samat National Shrine, Ngunit sa kasamaang palad, sarado ito para sa paghahanda sa nalalapit na Araw ng Kagitingan.
Tumblr media
Mount Samat National Shrine - Photo by LJ Allinabac from Tripadvisor
Umalis kami mg 1:00 ng madalingaraw mula sa Guagua, Pampanga, Ilang minuto pa lang sa biyahe ay may malaking pagbagal ng trapiko sa NLEX sa San Fernando, maaaring papunta ang mga sasakyan na ito sa La Union, na nagsimulang sumikat at pumatok sa mga turista sa mga nakaraang linggo, ngunit di ko akalain na nagkakaroon ng mga pagbigat ng trapiko kahit 1:30 ng madalingaraw. Matapos nito ay naging matulin ang aming pagbiyahe hanggang sa makarating kami sa Victoria, Tarlac, kung saan may gasolinahan at pahingahan. Matapos nito, bumiyahe na kami patungong Vigan. Ako, dahil sa kaalaman ko sa heograpiya at sa bisa na rin ng Google Maps, ang nagsilbi na navigator, ipinaalam kung gaano katagal pa ang biyahe, ang mga mas mabilis na ruta, at ang mga madadaanan na pagbigat ng trapiko. Dahil bumiyahe kami ng madalingaraw, karamihan sa amin ay nakatulog sa biyahe, maliban lang sa aking tito na nagmamaneho at ako.
Tumblr media
Tanawin na nakuhanan ko habang binabagtas ang Sison, Pangasinan
Tumblr media
Umaga sa dalampasigan ng Urbiztondo Beach, San Juan, La Union
Pansamantala kaming huminto sa Urbiztondo Beach sa bayan ng San Juan, La Union upang magalmusal. Mahamog ang panahon at malamig ang hangin na nagmumula sa dagat. Hindi nagtagal at ipinagpatuloy na namin ang paglalakbay. Tanghali na noong nakarating kami sa aming destinasyon. agad naming tinungo ang transient house sa Bantay, katabing bayan ng Vigan sa hilaga, kung saan kami makakapahinga. Bago makarating sa transient house ay ilang minuto kaming naligaw, kung saan-saang daan ang pinasok, at nakailang beses na pagtatanong sa mga lokal, Hindi ko na nagamit ang aking phone dahil ubos na ang baterya nito. Dito namin itinuloy ang aming pahinga upang makapaghanda sa pamamasyal sa gabi.
Tumblr media
Larawang kuha ko ng Quirino Bridge, sa hangganan ng Bantay at Santa, Ilocos Sur, ang nagdudugtong sa dalawang bayan sa magkabilang gilid ng Ilog Lagben
Kinagabihan, nagtungo na kami sa Vigan. Marami kaming nakasabay na mga turista dahil Semana Santa. Halos buong Lungsod ay may mabigat na trapiko. Hirap kaming makahanap ng mapaparadahan dahil sa dami ng turista. nakappagparada lang kami at nakababa sa isang gasolinahan malapit sa Simbahan ng Bassit. Naglakad kami nang 200 metro papunta sa aming unang destinasyon, ang Calle Crisologo. Masyadong siksikan ang ang sikat na daan na may mga nagbebenta ng mga souvenirs sa gilid ng daan at may paminsan-minsa'y dumadaan na matataas na mga kalesa na may sakay na mga turista.
Tumblr media
Calle Crisologo, Vigan - Photo from Freedom Wall
Nilakad namin ang daan hanggang sa makarating kami sa Plaza Burgos at Plaza Salcedo na nasa harap ng Vigan Cathedral. Kapansin-pansin ang pinsala nito noong tumama ang isang Magnitude 7.0 na lindol na nakapinsala sa mga makasaysayan na gusali ng Vigan. Malalaki ang bitak sa mga pader sa labas ng simbahan at may nakasuportang scafforlding na bakal sa façade ng simbahan.
Tumblr media
Larawan na kuha ko ng fountain ng Plaza Salcedo at Vigan Cathedral
Dinumog ng mga turista ang Plaza Salcedo para sa Musical Dancing Fountain nito. Nakakamangha ang kaayusan at ang "pagsayaw" ng tubig at pailaw kasabay ang ilang mga sikat na kanta. Nagtagal ito hanggang 9:00 ng gabi. Ilang oras din kami nanatili sa Plaza Salcedo
Tumblr media
Larawang kuha ko ng Dancing Fountain sa Plaza Salcedo
Malapit sa Plaza Salcedo ay mayroong night market na siksik ng mga mamimili. Nag ikot -ikot kami roon upang makahanap ng makakain. Pagkatapos ay bumalik kami sa aming sasakyan upang bumalik sa tinutuluyan.
Tumblr media
Larawang kuha ko ng Ilocos Sur Provincial Capitol Building, sa kabilang dulo ng Plaza Salcedo
Kinabukasan, nagtungo muna kami sa simbahan ng Bantay at sa Bantay Bell Tower, Kasama rin ang dalawang gusali na ito sa napinsala sa lindol. Hindi puwedeng pumasok sa loob ng simbahan at sa labas pansamantalang nagmimisa ang mga residente, Mapapansin ang mga parte ng Bantay Bell Tower na nasira na at nahulog.
Tumblr media
Larawang kuha ko ng Bantay Church at Bantay Bell Tower
Tumblr media
Larawang kuha ko ng Bantay Bell Tower, kapansin-pansin ang pinsala na dinulot ng lindol.
Bumalik kami ulit sa Calle Crisologo at mabuti'y hindi pa gaanong marami ang turista. Dito na kami bumili ng mga souvenir. Bumalik kami sa Vigan Cathedral kung saan may nagaganap na prusisyon dahil araw ng Biyernes Santo. Mga ibat'ibang mga imahe ng mga santo, ni Hesus at ng Birheng Maria ang nasa mga andas. Nagpunta kami sa gilid ng simbahan at nagalay ng dasal. Nasilip namin ang loob ng simbahan, may mga malalaking bitak sa sahig at may mga bumagsak at natangal na bahagi ng mga haligi at kisame. 4:00 ng hapon nagsimula ang prusisyon na inikot ang buong lungsod ng Vigan. 6:00 na ng gabi nakabalik ang prusisyon sa Vigan Cathedral.
Tumblr media
Larawang kuha ko ng prusisyon na ginanap sa araw ng Biyernes Santo
Tumblr media
Larawang kuha ko ng isa sa mga andas sa prusisyon
Hindi ko malilimutan ang paglalakbay na ito, lalo na at kasma ko ang aking pamilya. Makikita mo rin ang iba-ibang tanawin, sa biyahe man o sa mismong destinasyon, mula sa malawak na kapatagan ng Tarlac, bulubundukin at kagubatan ng Bacnotan, La Union, hanggang sa makitid na daan sa pagitan ng bundok at dagat ng Santa, Ilocos Sur. Mararanasan ang mayamang kultura at kasaysayan ng rehiyong Ilocos, at ng ating bansa.
Siguraduhin lamang na maghanda ng husto para sa isang mahaba-habang paglalakbay. Madalas ding tingnan ang sitwasyon sa mga daan na tatahakin. Bago pa maglakbay ay mabuti na mayroong kaalaman na sa pupuntahang lugar. Asahan na rin na magiging matao ang mga pupuntahan na destinasyon, lalo na kung ang inyong pagalis ay masasabay sa mga holidays.
0 notes