cjoooie
happiness and JOIE.
704 posts
Joie Buena. Trying hard to be someone else than she is. 
Don't wanna be here? Send us removal request.
cjoooie · 3 years ago
Text
Sarì-Sámot ni Virgilio S. Almario | 12 Mayo 2022
BAKIT KA NAG-LENI? GUSTO KITÁNG TANUNGIN, mahal kong Kakampink: Bakit mo ba ibinoto si Leni? Ayaw mo lang ba sina Duterte at Marcos? Inis ka lang sa mukha ni Gadon o sa ala-Kuya Germs na costume ni Panelo? Galít ka sa tamad at lakí-sa-layaw (o lakí-sa-nakaw)? Mas gusto mo ang himig ng “Rosas” kaysa “Bagong Lipunan”? Mas paborito mo si Angel Locsin kaysa kay Toni Gonzaga? Gasgas na ang pulá, exciting ang pink? O gusto mong iligtas ang negosyo mo sa pagkamkam ng mga oligarko? Ayaw mong maipasara ang kompanya mo, gaya ng ginawa sa ABS-CBN? Gusto mong labanan ang mga dinastiya? Biktima ka ng korupsiyon sa opisina? O nakasaksi ka ng EJK? Durugista ang anak mo? Naaawà ka kay Leila? Ayaw mo nang makinig ke Quiboloy o ke Brother Mike? Suwail kang INC? O maski di mo naiintindihan ang kaso ng Panatag Shoal, basta ayaw mo sa China? Mas bilib ka sa mga Kano?   Inihanay ko ang aking mga tanong mula sa personal tungo sa papabigat na isyung pangnegosyo, pampolitika, at pandaigdig. Lahat naman ng mga dahilan kong binanggit ay hindi masamâ. Higit na marangal kaysa bumoto kasi walâng ibáng mágawâ. Kayâ lang hindi sapat para pilìin mo si Leni. Puwede namang kampihan mo si Ping o si Pacquiao o maski si Abella dahil sa mga nabanggit. Bakit? Sapagkat si Leni ang kabuluhan at katuturan ng nagdaang eleksiyon. Kung walâ ang halimbawa ng kampanya ni Leni, ang naganap nitóng Mayo 9 ay parang isa lámang ritwal ng patúloy na pag-iral ng bulok at tradisyonal na politika sa Filipinas. At hindi rin ito dahil sa kaniyang islogan na “radikal na pag-ibig,” “malinis at matapat” na gobyerno, at “búhay ay aangat.” Ipinangakò ang mga ito mula pa sa unang eleksiyong pinayagan ng mga Americano, at ng lahat ng partido mula sa Federal, Nacionalista, Liberal, PDP-Laban, Lakas, hanggang sa sari-saring partylist sa kasalukuyan. Winasak ng liderato ni Leni ang naturang pangangakò sa partidistang politika ng Filipinas. Ginawa niyang ehemplo ang sarili sa pagbuo ng isang puwersang nása labas ng mga pangunahing partido, para patunayang naiibá at dapat paniwalàan ang kaniyang pangangakò kaysa kina Ping, Pacquiao, at Yorme. Nagawa niya ang nagawa ng Katipunan noong 1896, at sinikap muling gawin nina Recto, Sumulong, at Tañada noong 1950s-1960s at nabigò, upang umigpaw sa mga pagkukulang ng People Power ng 1986. Ang Kakampink ay hindi isang partido. Tulad ng Katipunan ay higit na isang kilusan itong walang pahintulot ng awtoridad sapagkat laban sa awtoridad ng kasalukuyan. Binubuo ito ng sari-saring layuning pampolitika at pangkabuhayan na binigkis ng paniniwalà sa simbolong “pagbabago” ni Leni. Ngunit higit sa lahat, naramdamán ito ng mga pangkating hindi karaniwang aktibo sa tradisyonal na politika nitóng nakaraang siglo. Umakit ito ng taguyod ng kabataan—gaya ng mga estudyanteng aktibista noong 1960-1970s. Napakahalaga ngayon ng muling nagisíng na damdáming makabayan para tumindig para sa nakapikit pang nakatatanda. Nilahukan ito ng mga manunulat at alagad ng sining na dáti’y nanonood lang at ngumingiti sa alikabok at sigabo ng mga kampanyang pampolitika. Kung babalikan ang Kilusang Propaganda ng ika-19 siglo, ngayon lang muli aktibong kumilos ang mga anak ng sining para sa adhikang pambayan. May ganitong hangarin ang mga pangkating anakpawista at sosyal-realista noong 1970s subalit hindi nakalaganap sa mga hanay ng anak ng sining noon. Ang paglalahok ng tula, awit, pagpipinta ng miyural, at pagganap sa entablado nang libre at walâng nag-aatas ay mahihiwatigan ng isang uri ng boluntarismong ngayon lang lumitaw sa makabagong panahon ng komersiyalismo at konsumerismo. Sa ganitong paraan ko tinitingnan, mga Kakampink, ang nagaganap na Himagsikang Rosas sa likod at paligid ni Leni.  Ang rebolusyong pangkulturang ito ang kabuluhan at katuturan ni Leni. Nag-aadhika ito ng pagtutuwid sa kasaysayan, paglayà sa mga bulok na kamulátan, at pagkakaisa tungo sa pagsasarili at pag-unlad ng ating bayan. At isang matinik at matagalang lakaran ang mga adhikang ito. Huwag nating sayangin ang isang napakagandang simula.  Ferndale Homes
2 notes · View notes
cjoooie · 4 years ago
Text
‪Flame of Kindness: The Contagion of Compassion‬
1 note · View note
cjoooie · 7 years ago
Photo
Tumblr media
1 note · View note
cjoooie · 7 years ago
Photo
Tumblr media
at The 70's Bistro
0 notes
cjoooie · 7 years ago
Photo
Tumblr media
at The 70's Bistro
0 notes
cjoooie · 7 years ago
Photo
Tumblr media
😄 (at The 70's Bistro)
0 notes
cjoooie · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Ikaw. Inabangan. Tinititigan. Dahil hindi pangkaraniwan. Ako. Ni hindi masulyapan. Sapagkat katulad lang ng karamihan. . . . . . . . #SuperBlueBloodMoon #superbluebloodmoon2018 #moon (at Antipolo, Rizal)
1 note · View note
cjoooie · 7 years ago
Photo
Tumblr media
#CynthiaAlexander (at Music Museum, Greenhills)
0 notes
cjoooie · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Dumaan Ako Cynthia Alexander X Ben&Ben (at Music Museum, Greenhills)
0 notes
cjoooie · 7 years ago
Photo
Tumblr media
😍 @benandbenmusic #cynthiaalexander Album Launch (at Music Museum, Greenhills)
0 notes
cjoooie · 7 years ago
Photo
Tumblr media
@ZildBenitez of @IVofSpades #ivofspades #vexel #art (at Marikina City)
0 notes
cjoooie · 7 years ago
Photo
Tumblr media
@benandbenmusic 😁 #vexelart #vectorart
0 notes
cjoooie · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Kumusta, @iamjensengomez 😃 #vexelart #vectorart
0 notes
cjoooie · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Tried the #vexelart technique of Emmanuel Romeuf 😁 Ngayon ay 12+05=17 😃 Lesson learned: 'Wag iinom ng @VitasoyPH Cofee Flavor sa gabi, talo ang Bacchus, Sting, Red Bull, at Cobra 😭
0 notes
cjoooie · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Isingit muna ang Soberhaul ng @milesexperience 🤗 Sarap pakinggan while pilit na #adulting dito sa bahay 😂
0 notes
cjoooie · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Ginataang Isda with Malunggay at Sitaw para #healthy 😂
0 notes
cjoooie · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Nilagang Baka
0 notes