catherinecarloscpha8brgy479-blog
AKING PAGLALAKBAY SA BRGY. 479 by Catherine Carlos, C-PHA-8
11 posts
Kaligtasan, Check! Mga Plano Check ! Gusto niyo bang tuklasin ang Brgy. 479? Tingan ang aking Blog ! umikot ako at nakipag-usap sa isang barangay official at nagkaroon ako ng pagkakataon upang matuto tungkol sa mga hazards at problema na kinahaharap nila at ang mga aksyon na kanilang ginagawa upang ma-resolba ang mga ito. - Catherine Carlos, C-PHA-8
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ano ang Barangay 479 ?
Ang Barangay 479 ay nasailalim ng pamumuno ng Siyudad ng Maynila, sa ilalim ng dsitriktong pamahalaan ng Sampaloc. Ayon sa Philatlas, ang population ng barangay noong 2015 ay pumalo sa 974 na katao at ang may pinakamaraming population ay ang mga nasa age group na 15 hanggang 19, na umabot sa 403 na katao.
Caption: Residential Area ng Barangay 479
0 notes
Text
Nasaan ba ang Barangay 479 ?
isang maliit na barangay lamang nag Barangay 479, kung saan pinapalibutan ito ng mga main roads katulad ng Lacson at Espana, and kalsada ng Piy Margal, Don Quijote at ang mga kalye na nasa loob ng mga ito.
Source: Google Maps
0 notes
Text
Sino ang namumuno sa Barangay 479 ?
Punong Barangay: Manthony O. Manganti
Kagawad: Pedro Magtuloy Joanne Valencia Edna Saura Edgar Tagle Edgar Reminajes Ma. Elena Factora
Secretary: Fernando C. Tugay
Treasurer: Richard Talaro
0 notes
Text
Ang Pagsisimula: Kwentuhan kasama ang Barangay Official !
Noong nakaraang November 27, 2019, nagkaroon ako ng pagkakataon para mainterview ang isa sa Barangay Official ng Barang 479 na si Mr. Fernando C. Tugay, ang nakatalaga bilang sekretarya ng barangay. Ang interview ay ginanap sa temporary barangay hall, dahil ang kanilang lumang barangay hall ay na demolish.
Bago ko nakapanayam si Mr. Tugay, ipinaliwanag ko muna ang mga objectives ng interview kung saan tatanungin ko siya ukol sa mga hazards, problema, at preventive measures na kanilang ginagawa.
Caption: Larawan habang nag iinterview
0 notes
Text
Kabanata I: Mga kalamidad at hazards na tumama sa Barangay
ANO: MGA BAGYO AT DULOT Marami nang kalamidad ang tumama sa barangay 479 sa nakalipas na, ngunit ang mga pinakamalala na tumama ay ang Bagyong Ondoy at ang Bagyong Pepeng.
KAILAN: Ang bagyo sa nakalipas na taon ay hindi na gaanong tumatama ng sobrang lakas sa Manila.
ANG BAGYONG ONDOY AT BAGYONG PEPENG Ang Bagyong Ondoy ang isa sa pinakamalalang kalamidad na tumama di lang sa Barangay 479 kundi sa buong Pilipinas. Ito ay naganap noong taong 2009, kung saan ito ay nagdala ng malalakas na hangin at madaming buhos ng ulan. Ang mga ito ay nagdulot ng mga nagsitumbahang puno at pole ng kuryente, at malalang baha, lalo na sa mga main roads ng Espana at ng Lacson na pumasok sa mga kalye ng BArangay 479. Ngunit, makalipas ang ilang araw, may isa pang malakas na bagyo ang tumama sa Pilipina, kasama na ang buong Metro Manila na nag palala ng sitwasyon sa mga bagay na inaayos pa mula sa Bagyong Ondoy.
Source: Google images on Bagyong Ondoy Caption: Ang Baha sa Ka-maynilaan
ANO: MGA LINDOL AT DULOT Nabanggit rin ni Mr. Tugay na may mga lindol man na tumatama sa barangay hindi naman gaanong kalakasan dahil hindi naman malapit ang Fault Line sa ating barangay. Ngunit, ang nagigigng pangamba ng barangay ay ang mga matatas na imprastraktura na nakatayo sa paligid ng barangay, katulad ng Grand Residences at ang bagong tinatayong building kapag gumalaw ang lupa.
KAILAN: Sa ngayon wala namang instrumento na makakpagsabi kung kailan tatama ang isang lindol,
Caption: Ang bagong tinatayong building sa may Lacson
ANO: Mga Kriminalidad Isa sa madalas na krimen sa Barangay 479 ay ang mga riding-in-tandem na sinasabi na wala na daw na pinipili na oras na kahit umaga ay paminsa na umaatake na lalo na sa mga kabataan na dumadaan kapag ang mga selpon ay nakalabas.
Source: Google Images Caption: Halimbawa ng riding-in-tandem
0 notes
Text
Kabanata II: Mga paghahanda at kilos na sinasagawa ng Barangay 479
PARA SA BAGYO 1. Ang barangay ay nagsasagawa ng annual declogging upang masigurado na ang kanilang mga drainage ay malinis at ang ulan ay hindi magdudulot gaano ng mataas na baha. Nabanggit din na ang DENR ay mahigpit nasa mga ganitong bagay at ang mga restaurant ay nirerequire na na magkaroon ng grease trap para ang mga sebo na mula sa pagkain ay hindi mapunta sa drainage.
2. May mga megaphone rin na nakapaligid sa Barangay 479 na maaring gamitin upang magbigay ng mga anunsisyo sa mga tao sa barangay kung sakaliman na may tatama na bagyo.
Caption: Megaphone sa Barangay 479
PARA SA LINDOL 1. Ang Barangay 479 ay sumasali sa programa ng MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) na tinatawag na Nationwide Shake Drill, kung saan ang mga tao ay nag sisimulate kung ano ang dapat gawin kung sakali tumama ang isang lindol.
2. Ang barangay rin ay tumutulong sa pag inspect sa mga bahay. Ngunit, ang mga ito ay private kaya ang gobyerno ang mga main inspector ng isang bahay kung ito ay nakaayon sa building code. Ang mga tao sa barangay lamang ang nag momonitor kung ang mga ito ay nasusunod ng mga tao matapos puntahan ng mga tao mula sa gobyerno.
PARA SA KRIMINALIDAD: 1. Ang pagroronda ng mga tanod kapag gabi ay sinigurado saamin ni Mr. Tugay na nagbabantay sa mga taong nasa labas.
2. Mahigpit rin na pinapatupad sa barangay ang curfew para sa mga minors
0 notes
Text
Kabanata III: Mga lugar na maaring puntahan ng mga tao
Kapag nagkakaroon ng isang kalamidad sa barangay kailangan na merong isang lugar na pupuntahan ang mga tao para magkaroon ng sistematikong pag checheck ang sa mga tao. Ang mga lugar na ito ay napili dahil sa malalaking open field na maaring puntahanang tirahan ng mga tao sa panahon ng sakuna.
1. Ramon Magsaysay High School Address: España Boulevard, corner Don Quijote St, Sampaloc, Maynila, Kalakhang Maynila
Caption: Larawan sa loob ng Ramon Magsaysay High School
Caption: Mapa papuntang Ramon Magsaysay High School
2. University of Santo Tomas Field Address: España Blvd, Sampaloc, Manila, 1008 Metro Manila
Caption: Larawan ng UST Main Field
Caption: Mapa papuntang University of Santo Tomas Main Field
0 notes
Text
Kabanata IV: Hazards sa Barangay 479
Walang bagay na perpekto, at kasama na dito ang barangay 479. Hindi maiiwasan na magkaroon ng lugar kung saan magkaroon ng hindi magagandang lugar sa isang barangay. Ngunit, ang mahalaga ay ginagawan ng paraan upang ito ay maagapan.
1. Ang mga Basura May ibang mga basura na nakakalat sa kalsada ng bargy. 479 na maaraing magdulot ng baha at ng masangsang na amoy. Makikita rin sa larawan ang basag na tiles na maaring makasugat rin sa ibang tao.
Caption: Basag na Tiles sa may Piy Margal
2. Mga Wires Maraming wires ang makikita sa palibot ng Barangay na magkakasama at walang organisasyon na maaring magdulot ng Sunog sa Barangay
Caption: Mga Wires sa isang poste sa Florentino
3. Madilim na Kalsada Hindi man madilim sa larawan ngayon, dahil umaga pa.Kapag sumapit ang gabi ang daanan sa tabi ng Dominican School ay sobrang dilim, at nakakatakot na daanan. Biliang isa sa mga estudyante na dumadaan dito kapag gabi ay binabalaan ko kayo na mag-ingat !
Caption: Ang sidewalk sa tabi ng Dominical Schol sa Piy Margal
0 notes
Text
Kabanata V: Magagandang Gawain ng Barangay 479
Marami din na naipakita na potensyal ang Barangay 479 dahil sa kanilang napakahusay na mga gawin na makikita sa mga sumusunod.
1. Waste Segregation Nakita ko sa pagiikot sa Barangay 479 na sila ay nag papatupad ng waste segregation ang kailangan nalang ay mapanatili ng mga tao ang kanilang disiplina upang masunod ang mga ito.
Caption: Waste segregation bin sa may Carola
Caption: Lagayan ng Plastic Bottles para sa Recycling
2. Ang pagiging resourceful, malikhain at pagmamahal sa kalikasan Nakita ko rin ang pagiging malikhain ng mga tao sa Barangay 479, dahil sa aking pag iikot marami akong nakita na mga bagay na may kakaibang gamit. Katulag nalang ng isang jar ng pagkain ay nagamit nila bilang paso. At para biliang isang disenyo ay gumamit nalang sila ng mga halaman imbes na isang painting.
Caption: Puno ng Cactus sa isang jar
Caption: Isang wall plant sa gilid ng Dominican School
3. Paglilinis Nakita ko rin ang paglilinis ng isang drainage na maaring magpabuti ng kalagayan ng ating barangay kapag nagkaroon ng bagyo. Dahil kapag malinis ang mga drainage ay maiiwasan ang mga baha.
Caption: Paglilinis ng isang drainage sa tapat ng Ramon Magsaysay High School
0 notes
Text
WAKAS: Kwentuhan kasama ang Barangay Official (Repleksyon)
Sa 30 minuto na pagbisita ko sa barangay 479, pakikipagusap kay Mr. Tugay at sa pagiikot sa barangay. Nakita ko ang kaayusan at ang potensyal na maari din na baguhin sa barangay para mas lalong maging maayos. Kahit na sa maikling panahon pa lamang ako nakatira sa loob ng Barangay 479, nakita ko ang interaksyon ng bawat tao, na tila ba sila ay isang pamilya ang mga maliliit na kilos katulad nalang ng paguusap ng mga magkakapit-bahay. Noong nagtanong ako nang nawala ako ay tinulungan nila ako ng walang pag aalinlangan.
Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay maayos na gawain ang nakita ko sa barangay. Ika nga nila “nobody is perfect” may mga bagay na kinakailangan ng konting pagbabago para mas maging maayos. Nakita ko naman na ang barangay ay kumikilos upang maresolba ang mga ito, nakita ko ang dedikasyon ng bawat tao sa barangay na kumilos, at magpatupad ng batas para sa ikabubuti ng bawat mamamayan.
Dahil dito nagkaroon ako ng motibasyon upang matupad ang aking responsibilidad para sa aming barangay. Dahil hindi lamang ang mga barangay official ang dapat kumilos para sa pagpapabuti ng aming barangay. Bawat tao rin sa loob nito ang nararapat na magkaroon ng disiplina para kumilos. Malakas ang aking pakiramdam na sa paglipas ng isa o dalawang taon, mas magandang barangay 479 ang makikita natin.
Caption: Pagpapasalamat kay Mr. Tugay
1 note
·
View note