capstone02-blog
capstone02-blog
W.E.A.L.T.H.
36 posts
Ang blog na ito ay tumatalakay sa W.E.A.L.T.H. , isang proyekto ng CAPSTONE Group 2 ng H11-04. Ang proyekto na ito ay kaugnay ng Sustainable Development Goal #5 na naglalayon na buwagin ang hindi pantay na pagtingin sa mga kababaihan. ♥
Don't wanna be here? Send us removal request.
capstone02-blog · 6 years ago
Text
KAKAIBABAIHAN.
Ano ang Isyu?
Kumpara sa dati, ang ating henerasyon ay tunay na umunlad sa larangan ng pagtrato at pagtingin sa kababaihan. Ayon sa World Economic Forum (WEF)'s Global Gender Gap Report for 2018, pangwalo ang Pilipinas mula sa 149 na mga bansa kung pagkamit ng gender equality ang titingnan. (Philippines climbs to No. 8 in 2018 Global Gender Gap report, 2018.) Ngunit sa ibang lugar ay makikitang marami pa ring mga Pilipinong makaluma ang pag-iisip, naniniwala na ang mga lalake ang karapat-dapat na magtrabaho para sa pamilya habang ang babae ay kinakailangang manatili sa bahay. Sa kasalukuyan, ang agwat ng lalake at babae sa LFPR (Labor Force Participation Rate) ay lalong tumaas. Mula 49.3% noong 2007, ang LFPR ng kababaihan ay bumaba ng 47.5% nitong Enero 2018. Ang unemloyment rate ng kababaihan noong Oktubre 2013 ay mas mababa pa ng 5.9%. Ibig sabihin nito na 927,000 na kababaihan lamang ang nagtatrabaho kumpara sa 1.7 milyong lalake. (Gender Equality in the Philippines, 2014.) Ang isa sa mga rason kung bakit nananatili nalang ang mga babae sa bahay ay dahil walang mag-aalaga sa mga anak nila. Isa pang rason ang hindi pagtatapos ng maraming kababaihan ng kanilang pag-aaral kung kaya’t hindi sila makahanap ng trabaho. Naging normal na para sa mga pamilya na asahan ang babae na itigil ang kanyang pagtatrabaho pagdating ng panahon na sila’y ikasal upang mag-alaga na lamang ng bahay at ng kanyang mga anak, habang ang kanilang mga asawa ay nasa trabaho. Hindi dapat nagiging normal ang konseptong ito. Bilang modernong kababaihan, hindi dapat natin nililimitahan ang mga sarili sa kung ano ang tama sa mata ng karamihan. Kinakailangang alalahanin ang sariling mga karapatan, kakayahan, at halaga sa lipunan.
Tungkol sa Barangay
Ang Barangay Mataas na Lupa ay isang pook rural sa lungsod ng Lipa, lalawigan ng Batangas. Matatagpuan ito sa timog ng Barangay San Sebastian, hilaga ng Barangay San Carlos, silangan ng Barangay Uno at kanluran ng Barangay Tambo. Ang nasabing barangay ay may lupaing 71.01 na hektarya, na kung saan ang 31.85 nito ay para sa mga residente, 21.40 para sa agrikultura, 13.61 sa mga establisyemento at 4.15 para sa gamit pang-industriya. Ang populasyon ng Mataas na Lupa ay lumaki mula sa bilang na 2,446 noong 1990, lumobo ito sa 5,093 noong 2015 na kung susumahin, umakyat ang bilang ng 2,647 na katao. Ayon sa mga pinakabagong census noong 2015, mayroong negative growth rate na 0.83% o 229 na tao ang nalagas sa populasyon, mula sa nakaraang 5,322 noong 2010. Sa tala ng 2015 Census, 3,415 ang bilang ng mga kababaihan, habang 2,036 naman ang kalalakihan, na sa kabuuan ay 5,451 residente. Ang bilang na ito ay ang 1.53% sa kabuuang populasyon ng Lipa.
Sa kasalukuyan, ang nakatalagang kapitan ng barangay ay si Edgardo D. Carbera. Ilan sa mga programang ginawa sa Barangay Mataas na Lupa ay ang 2010 at 2011 Annual Investment Programs na nakatuon sa pagpapaunlad ng panlipunan, ekonomiya at kapaligiran ng barangay, na ipinatutupad para sa ikabubuti ng bawat mamamayan. Ang iba pang programa na nakalaan ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at PhilHealth - Individual Paying at PhilHealth - Sponsored.
Ano ba ang CAPSTONE?
Bilang isang institusyon na nakaako sa tungkuling bumuo ng mga indibidwal na katalista ng pagbabago, sa pamamaraan ng pagkatuto sa ika-21 siglo, ang De La Salle Lipa at sa tulong ng pamahalaan ng lungsod ng Lipa at DLSL stakeholders ay nagtatag ng community-based action plan addressing strategically-themed learning objectives through networked environments o mas kilala bilang CAPSTONE Initiatives. Bilang parte ng kurikulum ng Integrated School, ang CAPSTONE Initiatives ay naglalayon na hulmahin ang mga estudyante sa pagtugon sa mga makatotohanang problema na mayroong makatotohanang solusyon. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagbuo ng mga programa na nakapokus sa mga napapanahong isyu sa iba’t-ibang komunidad tulad ng Mataas na Lupa sa Lipa City. Ang mga estudyanteng nasa ika-11 baitang mula sa H11-04 ay nakipagugnayan sa nasabing komunidad upang tumulong sa pagbibigay ng solusyon na hindi lamang mabisa at makatotohanan, pati na rin makakabuti at pangmatagalan para sa mga mamamayan.  
W.E.A.L.T.H. : Women Empowerment And Livelihood Training Help
Ang aming proyekto na W.E.A.L.T.H. : Women Empowerment And Livelihood Training Help ay isang livehood training program na para sa mga kababaihan ng Mataas na Lupa na nagnanais matuto at mahasa ang kanilang mga kakayahan. . Ito ay maari nilang magamit sa kanilang mapipiling bokasyon o propesyon sa hinaharap. Kaakibat ng aming proyekto ay ang Sustainable Development Goal #5 ng United Nations na tumatalakay sa Gender Inequality. Upang maging posible ang proyektong W.E.A.L.T.H. , ang grupo ay nakianib sa mga tao mulaa sa  International Training Center on Pig Husbandry, or ITCPH.
ATI-International Training Center on Pig Husbandry (ATI-ITCPH)
Ang ATI-International Training Center on Pig Husbandry (ATI-ITCPH) ay itinayo noong taon 1985, bilang isang foreign-assisted project ng gobyerno ng Netherlands. ATI-ITCPH ang bukod tanging spesyalisadong training center ng mga baboy sa Asia at Pacific Region. Ito ay isa sa mga 17 training center ng Agricultural Training Institute (ATI) na ang punong kompanya ay ang Department of Agriculture (DOA). Ang ATI-ITCPH ay namamayagpag dahil sa kanilang komprehensibo at practice-oriented trainings sa produksyon ng baboy. Bawat kurso ay masusing sinusuri upang maging angkop sa kliente. Isa itong government training-center na para sa potensyal at kakayahan ng mga kliente, upang makamit nila ang kanilang layunin at kumita. Kadalasan, ang mga kliente ay mga non-government extension workers, magsasaka, negosyo, private extension service providers, guro sa agrikultura and propersor, miyembro ng mga rural na organisasyon at kooperatiba, at mga pribadong indibidwal na may interes dito.
Alamin ang mga Layunin
Bigyang daan at kilalanin ang karapatan, kakayahan at kahalagahan ng mga kababaihan ng Mataas na Lupa.
Gabayan ang bokasyon ng mga kababaihang walang trabaho sa pamamagitan ng pagsasailalim sa kanila sa isang training program na pinangungunahan ng ITCPH (International Training Center on Pig Husbandry), kung saan magkaroon sila ng kaalaman sa pig technology at farming.
Mabago ang pananaw at inaasahan sa mga kababaihan na ‘dapat nasa tahanan lamang’ at mahikayat ang ibang kababaihan na gumawa ng aksyon upang mahugis ang kanilang kinabukasan.
Mga Panganib at Solusyon
Bilang ng mga kalahok.
PANGANIB:
-Ang mga nagtaguyod ay nararapat makamit ang bilang ng mga kalahok. Iba sa mga balakid ay ang kagustuhan at oras ng mga kalahok.
SOLUSYON:
-Gumawa ng mga imbitasyon at magsagawa ng mga orientation na pupukaw sa atensyon o kuriosidad ng mga kalahok.
-Ipagtibay sa mga kalahok na ang proyekto ay makakatulong at makakabuti sa kanila sa pamamagitan ng paglalahad ng mga matatagumpay na proyekto ng ITCPH.  
therefore eliminating sudden drop-outs from the training sessions.
-Alamin ang iskedyul ng mga kalahok upang maiwasan ang mga nakakabalakid sa nasabing programa. Sa ganitong pamamaraan, matatanggal ang mga biglaang drop-out sa training sessions.
Budget.
PANGANIB:
-Ang mga nagtaguyod ay nahihirapang umisip ng mga pamamaraan upang makalikom ng pera na gagamitin sa pagkakasakatuparan ng kabuuan ng programa. Maaring kulangin sa pondo, kaya naman hindi mabibili ang lahat ng kinakailangan.
SOLUSYON:
-Mag-isip at magsakatuparan ng isang fundraising program na bukas para sa lahat ng indibidwal.
-Kumunsulta sa ibang eksperto at makatapos nito, mag-isip ng mga mas malikhaing paraan upang makalikom ng pondo.
- Set up an efficient budget plan. Gumawa ng isang mahusay na budget plan.
-Ibahagi ang pondo sa mabisang pamamaraan at isipin lagi kung kinakailangang magdagdag o maglabas ng pondo.
Time.
PANGANIB:
-. Ang mga nagtaguyod at kalahok ay hindi nagkasundo sa oras at tagal ng mga aktibidades dahil sa iba’t ibang iskedyul.
SOLUSYON:
- Magkaroon ng isang pagpupulong tungkol sa kanilang oras at iskedyul na kasama ang mga kalahok at nagtaguyod bago pa magsimula ang mismong programa.
- Set a time and date that is convenient for all parties. Magtakda ng oras at araw na pabor sa magkabilang panig.
-Maging bukas para sa mga suhestiyon at katanungan sa lahat ng partido.
Resources.
PANGANIB:
-  Nahihirapang isakatuparan ang programa ng ayon sa plano sapagkat ang aberya ay nagmumula sa mga kagamitan na ginagamit.
SOLUSYON:
- Siguraduhin na ang lahat ng mga pagkukuhanan ng gamit ay katiwa-tiwala at maayos sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pagkonsulta sa mga kliente na nauna nang bumili  ng mga produkto.
- Laging tignan kung may sira sa mga materyales upang mapaltan ito agad sa lalong madaling panahon.
Ang mga Miyembro ng Grupo:
Grace Joy E. Barcelon ay nakatalaga sa Logistics. Siya ang responsable sa lahat ng mga kakailanganing materyales (kasama ng finance team), pulong kasama ng mga manufacturers upang pagusapan ang mga materyales kung kinakailangan, siguraduhin ang kalagayan ng mga materyales at lahat ng ito ay mailalagay sa dapat nilang kalagyan sa tiyak na oras
Ivana Louise M. Castillo ay nakatalaga sa Human Resources. handling disputes between all parties. Siya ay responsable sa ugnayan  ng mga kalahok at nagtaguyod, pagiiskedyul ng pagpupulong kasama ng mga opisyales na kasama sa proyekto at pag-awat sa mga away o ‘di pagkakaunawaan sa makabilang partido.
Patrick Ivan S. Catibog ay nakatalaga sa Finance. Siya ay responsable sa pagtatala ng mga nagastos sa bawat materyales na ginagamit at pagtatago ng mga resibo.
Tiaura U. Macabagdal ay nakatalaga sa Management. Siya ay responsable para sa maayos na daloy ng buong programa mula sa simula hanggang sa huli, nakikipagugnayan sa lahat ng mga grupo at umantabay sa progreso at bagong impormasyon at sumigurado na lahat ng aktibidades ay magagawa na nakaayon sa iskedyul.
Kristin Ann Olive A. Merin ay nakatagala sa Finance. Siya ay  responsable sa pangangalaga ng pondo na gagamitin sa proyekto, pagbuo, pagsasakatuparan at sa mga hinaharap na aktibidades (naayon sa ibang grupo). ,
Isabelle Andrea M. Quinonez ay nakatalaga sa Marketing. Siya ay responsable sa pagpapatakbo ng mga social media accounts na nakalaan para sa proyketo at magpost ng mga updates, larawan at iba’t ibang impormasyon at dokyumentasyon ng mga pangyayari sa kabuuan ng proyekto.
Justine Marie E. Resquid ay nakatalaga sa Human Resources. Siya ay responsable sa kaligtasan ng lahat na kalahok ng proyekto.
Maria Sophia Andrea E. Rosello ay nakatalaga sa Marketing. Siya ay responsable para sa pagkuha ng atensyon ng mga tao at magbigay ng impormasyon tungkol sa proyekto sa malikhaing pamamaraan (i.e., bidyo, e-flyers), at pagbuo ng mga ideya upang mas marami pang mahikayat sa programa.
Pledged Supporters:
The pledged members of ITCPH include;
Ruth S. Miclat-Sonaco, head of ITCPH.
Chiel Leijen (PUM, Netherlands), consultant from ITCPH.
Ms. Abegail Baguis, guest Speaker from ITCPH)
5 notes · View notes
capstone02-blog · 6 years ago
Quote
We need women who are so strong they can be gentle, so educated they can be humble, so fierce they can be compassionate, so passionate they can be rational and so disciplined they can be free.
Kavita Ramdass  (via theflowersinhermind)
649 notes · View notes
capstone02-blog · 6 years ago
Quote
You are born worthy. A lot of women need to hear that tonight.
The GOAT aka Viola Davis (via dailydoseofmelanin)
566 notes · View notes
capstone02-blog · 6 years ago
Quote
For too long, women have not been heard or believed if they dared to speak truth to the power of those men. But their time is up. Their time is up. Their time is up.
Oprah Winfrey at Golden Globes 2018 (via taylrs)
13K notes · View notes
capstone02-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Happy International Women’s Day! 
50K notes · View notes
capstone02-blog · 6 years ago
Text
And I will teach my daughter to plung her claws into any man who tries to touch her, without her letting him. Because it’s high time for men to realize that women are not objects, but beasts, who are strong enough to tear apart the soul of any man who tries to violate them.
— Slaying demons, Mahin Ismail.
1K notes · View notes
capstone02-blog · 6 years ago
Text
15 Empowering Quotes From Strong Women To Inspire You in 2015!
Here is to the New Year and continuing to show the world just how powerful you are! Post, share, and enjoy these 15 empowering quotes from empowering women!
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
202 notes · View notes
capstone02-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Hell yeah. 👊
298 notes · View notes
capstone02-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
56 notes · View notes
capstone02-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Art: Kelly Angelovic
65 notes · View notes
capstone02-blog · 6 years ago
Text
Tumblr media
Tonight I‘m wearing my
self-confidence
as an armour
(an excerpt from my poem „scabulous“)
42 notes · View notes
capstone02-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
177 notes · View notes
capstone02-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Happy International Women’s Day!
7K notes · View notes
capstone02-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Girls Power // moodboard
519 notes · View notes
capstone02-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
353 notes · View notes
capstone02-blog · 6 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
#happyinternationalwomensday
286 notes · View notes
capstone02-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
THIS
135K notes · View notes