balakeye
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
balakeye · 2 years ago
Text
Ang Lakbay Tagaytay ni Balakeye
Ano nga ba ang kasaysayan ng Tagaytay?
Nagsimula ang Tagaytay sa salitang "taga" na nangangahulugang putulin at "itay" na ang ibig sabihin ay ama. Ayon sa isang "legend," sinasabi na mayroong mag-amang nangangaso ng baboy ramo at sila'y inatake nito. Nang nagtangkang atakihin nito ang ama, napasigaw ang anak ng "taga itay!" Sa labis na takot ng bata, ang sigaw ay narinig sa buong kanayunan. Ito rin ay kilala bilang "second summer capital of the Philippines" dahil sa klima na 22°C. Ang malamig nitong temperatura ang isa sa dahilan kung bakit ito dinadayuhan ng mga tao.
Tumblr media
Ang litrato ay nakuha mula sa internet. TAGAYTAY CITY INFORMATION AND HISTORY – Tagaytay Highlands. (2022, June 20). https://www.tagaytayhighlands.com/tagaytay-city-information-and-history/
Ano nga ba ang lokasyon at heograpiya ng tagaytay?
Ang tagaytay ay bahagi ng probinsya ng Cavite na mayroong lawak na 65 square kilometers. Nang nilakbay namin ito kasama ang aking pamilya, inabot kami ng mahigit 5 oras bago makarating dito. Kami rin ay hindi nagtagal sa Tagaytay dahil mayroong sasakyan ang aking tita na ginamit upang maglakbay. Namahinga kami sa kaniyang kondo sa Paranaque na nagngangalang Arista Place.
Ano ang mga destinasyon na aking pinuntahan?
1. Bag of Beans
Tumblr media Tumblr media
Ito ay kilala bilang "pioneer restaurant" na naging tampok sa panlasa ng mga lokal at turista. Agad kaming dumayo sa kainan na ito matapos naming malaman na isa ito sa pinagmamalaki ng Tagaytay. naIlan sa kanilang putahe ay akma sa malamig na klima ng Tagaytay, tulad na lamang na napakasarap na bulalo.
2. Highlands Tagaytay
Tumblr media Tumblr media
Ako ay nabighani sa lugar na ito dahil napakaraming matataas na puno ang nakapaligid at maaari kang maligaw. Isa ang lugar na ito sa pinakamagandang tanawin na aking nakita. Maaaring maglakad at kumuha ng maraming litrato dito kasama ang pamilya, sapagkat ang lugar na ito ay parang paraiso. Kami rin ay nagkape rito habang tinatanaw ang nasa ibaba at pinag-uusapan ang mga masasayang memorya.
3. Sky Ranch Tagaytay
Tumblr media
Ang litrato ay sinaliksik mula sa internet. J. (2019, May 23). 5 Things Every Guest Must Do in Tagaytay. Travel With Juan. https://travelwithjuan.com/5-things-every-guest-must-do-in-tagaytay/
Alam naman ng nakararami na ang Sky Ranch ay isa sa mga lugar kung saan tiyak na matutuwa ang mga turista, lalo na ang mga bata. Noon pa lamang ako na ay labis na natutuwa sa mga rides na aking nasasakyan dahil ito ay nakakatakot, ngunit ako rin ay nagkakaroon ng lakas ng loob upang harapin ang mga kinakatakutan. Sa kasalukuyang panahon ay hindi na ko natatakot sa pagsakay sa mga rides dahil nasanay na ko rito. Ngunit kahit pa hindi na ako natatakot sa mga rides, masaya pa rin sumakay dito dahil kasama ko ang aking mga kaibigan o pamilya.
Ang aking mga natutunan at realisasyon sa paglalakbay
Ang tema ng aking paglalakbay ay hindi maihahambing na kasiyahan. Ito ang tema dahil ang layunin ng aming pamilya ay dumayo upang makadiskubre ng bagong tanawin at kasiyahan sa loob ng tatlong araw. Kung ako ay magiging tapat, para sakin ay kulang ang tatlong araw upang masulit ang aming bakasyon dahil ito ay mabilis na magtatapos. Subalit sa loob ng tatlong araw na iyon, naramdaman ko na ako ang pinakamasayang tao sa mundo dahil wala akong ibang iniisip kung hindi maglakbay, at kumain ng masasarap na putahe kasama ang aking pamilya. Napagtanto ko rin na hindi mahalaga kung saang lugar ang aking pupuntahan, basta't kasama ko ang aking mga kaibigan o pamilya, alam kong ako ay malulugod. Marami pang hindi pangkaraniwang tanawin ang aking hindi nakikita, ngunit mas ikalulugod ko kung ang aking makikita ay ang abot tengang ngiti at tawa ng aking mga kaibigan at pamilya.
Sanggunian
TAGAYTAY CITY INFORMATION AND HISTORY – Tagaytay Highlands. (2022, June 20). https://www.tagaytayhighlands.com/tagaytay-city-information-and-history/
J. (2019, May 23). 5 Things Every Guest Must Do in Tagaytay. Travel With Juan. https://travelwithjuan.com/5-things-every-guest-must-do-in-tagaytay/
1 note · View note