"Iniibig ko ang Pilipinas. Ito ang aking lupang sinilangan. Ito ang tahanan ng aking lahi. Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang. Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang. Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan. Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas. Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan. Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino, sa isip, sa salita at sa gawa." - Panatang Makabayan
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Eleksyon
(For initial reading)
Nagkaroon na ng debate noong nakaraang senatorial election ang lahat ng malalaking istasyon. Nagkaroon din silang job interview. Pero masasabi nating hindi iyon naging successful gaya ng inaasahan dahil may nanalo pa ring mga walang karanasan sa politika at public service at natalo nila ang may mga naihaing magagandang plataporma. Pero dahil hindi nga nakadalo sa debate at job interview ang ibang nanalo kaya hindi lumabas ang totoong kaalaman nila’t kakayahan na isa sa importanteng pagbabasehan ng mga botante sa pagboto, magandang maging compulsary ang pagdalo ng mga kandidato sa isang debate lalo na sa pagka-Pangulo na nasasaad ngayon sa House Bill 5269. Hindi perpekto ang ating sistema pero maaari pa ring maging collective achievement ang pagboto. Ngunit bukod sa pagkakaroon ng tapat at magaling na plataporma, mayroon pang tatlong mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang tuwing eleksyon. Ang mga ito ay ang voter education, voter participation at upholding of principles of democracy.
Walang serious voter education sa Pilipinas sa kabila ng malinaw na hindi platform-based bumoto ang karamihan sa mga Filipino. May mga nagsimula pero hanggang simula lang. May mga available materials online pero kung hindi ise-search, bubuksan o pag-aaralan hindi rin mapakikinabangan. Ito ang ilan sa mga halimbawa na epektibo kung mababasa at ia-absorb ng makakabasa:
Voter Education - Vote Right (PPT) Manual on Voter Education (PDF)
Gaano kahirap na utay-utaying i-advertise ang mga nasasaad sa mga nasabing presentasyon hanggang tumimo iyon sa isipan ng mga makakakita, makakabasa at makakarinig?
Marami ng pwedeng gamiting medium for voter education. Nandyan ang internet, radio, tv, at newspaper (in short, Philippine media). Pwede rin ang handouts gaya ng voter handbook na wala pang available sa bansa (kung trip mo mayroong madaling intindihing voter handbook ang Uganda na sadyang applicable sa mga third world countries), at public awareness talk pero walang tayong organization o grupo na nag-i-initiate nito. Dapat bang maging programa ito ng COMELEC? Meron silang program na karaniwang ginagawa kung mag-e-eleksyon pero iyon ay Comelec ad campaign kung paano gamitin ang voting tools at paalala sa mga opisyal na tatakbo upang hindi ma-disqualify. Dapat rin bang may voter education ang mga bagong rehistro? May nabasa kong komento mula sa isang artikulo na nagsasabing may proposal na magkaro'n ng voter education sa highschool at kolehiyo. Pero proposal pa nga lamang at wala pang draft, hindi na iyon pwedeng asahan para sa darating na eleksyon. At depende sa magiging resulta ng darating na eleksyon kung kakailanganin pa iyon.
Ito ang mga tumakbo bilang Pangulo at VP noong 2010. Nanalo si PNoy at Binay. Kung susuriing mabuti, sa lahat ng kandidato rito, si PNoy at Binay ba talaga ang karapat-dapat manalo?
*Ang Kapatiran - Nominated* John Carlos de los Reyes - President Dominador Chipeco, Jr. - Vice president *Bagumbayan-VNP - Nominated* Richard Gordon - President (not nominated for Lakas-Kampi Party) Bayani Fernando - Vice president (not nominated for Lakas-Kampi Party) *Bangon Pilipinas - Nominated* Eddie Villanueva - President Perfecto Yasay - Vice president *KBL - Nominated* Jay Sonza - Vice president Vetellano Acosta - President (later disqualified) *Lakas-Kampi - Nominated* Gilberto Teodoro - President (withdrew from NPC party) Edu Manzano - Vice president *Liberal - Nominated* Benigno Aquino III - President Mar Roxas - Vice president (withdrew from Presidential run) *Nacionalista - Nominated* Manny Villar - President Loren Legarda (NPC) - Vice president (withdrew from Presidential run, nominated as Manny Villar's running mate) *NPC* Francis Escudero - President (withdrew from party, later withdrew from the race) *PDP-Laban - Nominated* Jejomar Binay - Vice president (nominated as Joseph Estrada's running mate) Joseph Estrada (PMP) - President *Independents - Nominated* Jamby Madrigal - President (originally a member of the LDP) Nicanor Perlas - President
August 2009 namatay ang dating pangulo na si Cory Aquino. October filing ng candidacy. Walang planong tumakbo bilang pangulo ang anak niyang si Benigno Aquino III. Sa isang iglap siya ang piniling standard-bearer for presidency ng Liberal Party. Daang-matuwid ang kinampanya dahil ang hanap ng mga Filipino ay hindi corrupt kaya ikinampanya n'ya ring hindi siya corrupt. Okay na sa mga Pinoy 'yon. Hindi bale na ang mga plataporma. Nevermind the achievements and competence of the public official. Si Jejomar Binay naman ay matagal na naging Mayor ng maunlad na Makati. Ok sa achievement although kahit sino naman siguro maging Mayor ng Makati magiging maunlad 'yon dahil kasama sa nagpapatakbo nito ay ang aggressive na business sectors ng Makati. Wala namang lumabas na record na corrupt siya noong mga panahong iyon kaya para sa mga Pinoy clear siya. Win.
Para sa voter participation, halos kalahati lang ng registered voters ang bumoboto. At sa kalahating ito, kasama pa 'yong nagbebenta ng boto at bumoboto base sa popularidad/magandang kasinungalingan ng opisyal na tumatakbo. At may mga boto pang dumadapo para sa mga nuisance candidates at sa politikong napatalsik na sa pagkapangulo dahil guilty sa plunder o corruption.
Voter Turnout noong previous elections
PARLIAMENTARY
Year 2013 Voter Turnout 60.���70% Total Vote 31,571,930 Registration 52,014,648 VAP Turnout 50.58% Voting Age Population 62,422,907 Population 105,720,644 Invalid Votes 0 Compulsory voting No
PRESIDENTIAL
Year 2010 Voter Turnout 74.98% Total Vote 38,162,985 Registration 50,896,164 VAP Turnout 64.70% Voting Age Population 58,986,204 Population 99,900,177 Invalid Votes 0 Compulsory voting No
Iba pang resulta ng nakaraang eleksyon: Registered Voters in 17 Regions - 2010 10 Vote Rich Provinces Voter Participation 2013
Hindi nga ba posibleng bumoto ang mga Filipino ng tama at magaling?
Ang adult literacy rate ng Pilipinas ay nasa 95.4%. As of 2014, halos 50% of the population ay umabot na sa urbanidad. Ayon pa sa Manila Times, "92 percent of urban homes and 70 percent of rural homes own at least one television set... But even with more urban and rural homes owning TV sets, 50 percent of Filipinos still read newspapers and 14 percent read magazines."
Ayon naman sa internetlivestats, may 42.9+Million Internet users na sa bansa. Kaso karaniwang sa social networking ito ginagamit. Sabi nga sa pewresearch.org, "Filipinos love social networking. Among adult internet users in the Philippines, 93% say that they use social networking sites, such as Facebook and Twitter. This is the highest such percentage across the emerging and developing countries surveyed and greater than the 74% of internet users in the U.S. who use social networking sites. Roughly seven-in-ten of those Filipino social networkers use these platforms to share views about music and movies, while half talk about sports."
Ayon din sa pag-aaral ng GMA News, ang mga Filipino internet users ay naglalaan ng "53 hours socializing in a week, 11 hours more than the global average of 42 hours." Sa malas ang malaking bahagi ng mga oras na ito ay ginagamit to
"stay in touch with friends, 74 percent meet new people, 70 percent have fun, 65 percent share new experiences, 63 percent keep company, 62 percent"
Posible bang makapagluklok ang mga Filipino ng Good Leader?
Malibang magkaroon ng malawakang voter education at voter participation, magamit ang Philippine media para sa mga iyon, at sa kampanya ay maging platform at achievement-based ang mga mamboboto, tagilid pa rin ang laban ng ating mga qualified na pinuno.
Wala pang totoong dahilan para sa Pinoy pride o upang maging Proud to be Filipino sa Pilipinas dahil ito'y nakakamit lamang via collective achievement at pagiging Filipino na responsable, disiplinado at kontributor ng pag-unlad ng bansa. Pero posibleng magkaroon nito kung sa Philippine election ay magsanib pwersa ang mga Filipino sa pagboto ng pinunong kapakanan ng mga mamamayan at Pilipinas ang totoong hangad at bumoto ang mga mamamayan para sa kapakanan ng bawat isa at ng bansa.
#eleksyon#voter#voter participation#voter education#Vote#Vote Right#Filipino collective achievement#boto#Philippine Election#Philippine education#Philippine media#pinoy pride#proud to be filipino#Comelec#tonigonzaga#paulsoriano
2 notes
·
View notes
Text
Para sa Masa
Kung nabasa mo ang dahilan ng kamatayan bubugbugin mo ang dibdib mo sa hinagpis marinig mo pa lang ang awit ng pakikiramay kusang liligwak ang luha mo sa mga mata ayaw mo sanang makita ang kanilang larawan pero hayan na nga lang sila't larawan habangbuhay na tulog sa kahon na sisidlan
Saan ka maniniwala sa mga salitang inilathala upang bigyang linaw ang kasalanan diligan ang pinagmulan upang bigyang hustisya ang said na kaalaman o mga salitang isinasalita upang mapayapa ka, manatiling walang malay, paralisado't nakukubli sa dilim? Ni hindi mo na alam na malakas ka't may labang dapat simulan at tapusin na hindi mo maaalala dahil lagi kang napipigila't ipinagtutulakang ikaila ang paulit-ulit na karanasan
Biktima ka? Biktima ang maging mahirap Biktima ang mapagsamantalahan Biktima ang mawalan ng karapatan Ngunit iyon din ang kinakapitan para sa kaligtasan
Heto ang katotohanan sa palutang-lutang mong katauhan Ang pinakamalaking sindikato ng droga gobyerno at Philippine media at ginawa ka nilang adik sa rasyong libre't magmumula lamang sa kanila Nasa iyo pa ba ang kontrol kung gagawin mo ang lahat alang-alang sa pakete ng pulbura? Wala ka ng pakialam sa kahihinatnan basta't makahithit ka ng gamot sa'yong kaululan Kahit sino wala ng magagawa sa'yo maging magulang at mga kaibigan mo adik na ring tulad mo Sa oras na maisipan mong magpagamo't makawala tataasan nila ang dosis at wala ka ng magagawa
Manood ka sa palabas Makinig sa talumpati, pangako't sabi-sabi Mga kasinungalingang nagpapatuloy dahil iyong pinakikinggan Gumon ka na kaya wala kang ibang alam gawin kundi maging biktima
"Pinilit kong iahon ka ngunit ayaw mo namang sumama..."
#fallen soldiers#SAF police#philippine government#philippine media#abs-cbn#gma7#tv5#MILF#BBL#Muslim#non-Muslim#Christian#Filipino#streetchildren#Maguindanao Massacre#typhoon yolanda#pork barrel#graft and corruption#election 2016#PCOS machine#energy crisis#baha#traffic#OFW#contractualization#tax evasion#deforestation#PNoy#BIFF
3 notes
·
View notes
Quote
Minsan hindi 'yon sa "wala kayong ginagawa" kundi sa "hindi n'yo ginagawa ng tama".
1 note
·
View note
Quote
“May tatlong problema ang Pinas: una, ang mga ‘di nag-iisip na masa; pangalawa, ang maeereng elitista; pangatlo, ang mga hindi gustong tumanggap ng pagkakamali.”
#kaya walang maitama#perfect#error#arrogance#humility#generosity#industriousness#edukasyon#2015 onwards
0 notes
Text
Tanim
hangga't may ngayon may bukas
may bagong silang sa bawat tumatanda may mga lumalaki't lumalakas sa bawat nanghihina silang papalit sa mawawala
pag-asa pagkilos pagpapatuloy itanim sa puso't 'wag iwawaglit, Pinoy dinggin mong mga hinagpis at panaghoy ang ina'y iahon sa putika't pagkalunoy
hangga't may ngayon may bukas
hangga't may ako at ikaw baya't kalayaan babangon ang Pilipinas
hawakan ng mahigpit kasarinlan mo't kalayaang natatanging yaman mo't tagapagligtas kapag iya'y nasupil wala na ang ngayon wala na ang bukas paalam na rin sa inang 'di na makakaaho't tuluyang mauutas
ang iyong ina'y malakas kumakapit, naghihintay
naghihintay
kumakapit
sa pangako mong bukas
0 notes
Quote
Kung gusto mong pakinggan ka nila, magsalita ka sa lenggwaheng maiintindihan nila. Kung gusto mong maintindihan sila, kailangan mo munang pakinggan sila.
#bridgingthegap#unawaan#mas madaling umahon kung may kamay na umaabot#karaniwang tao#elistista#epic mahirap#epic mayaman#epic edukado#epic barumbado
0 notes
Link
Sa tingin ko, sina Steve Jobs/Mark Zuckerberg naimbento/natuklasan ang Apple products/Facebook hindi dahil nakapokus sila sa resulta o maaari nilang gawin bagkus ang atensyon nila ay nasa kung ano ang kaya nilang gawin.
0 notes
Quote
Tinatawag nila tayong boss at totoo 'yon, boss nila tayo, kaso hindi natin alam kung paano maging boss. Hindi natin kayang maging boss.
0 notes
Quote
The ideas of a paper are accepted in as much the same way as paper money: on faith, the faith of being in a guarantee that the paper has, in some way, a value in gold. But from time to time, the guarantee is tested to verify that there is really gold behind it. And the ultimate test for ideas may not be dying for them or going to jail for them, but actually living those ideas—practicing what one preaches.
Nick Joaquin, "Life and Hard Times of a Labor Union"
#journalism#literature#labor union#rights#less privileged#privilege#Idea is gold.#practice makes perfect so practice what you preach wehehe
0 notes
Quote
Bakit hirap na hirap tayong tuldukan ang isyung walang kinapupuntahan? Bakit hirap na hirap tayong matuto sa nakaraang pagkakamali? Bakit hirap na hirap tayong mag-focus sa kung paano kakawala sa sumpa ng bansang 'third world'? At bakit may mga aswang pa rin sa modernong panahon? Totoo bang naipapamana ang kapangyarihang itim at naipapasa ang dugong aswang?
#sa isyu ng Pilipinas dapat ba Pinoy lagi ang unang may Say?#kain ng kain payat! tulog ng tulog puyat! tanong ng tanong sagot!#brainyolanda
1 note
·
View note
Text
BATAAN NUCLEAR POWER PLANT - Use for its purpose, Maintain for other means or Close?!
Hindi ginagamit pero minimintina. Makalipas ang tatlong dekadang hindi paggamit, posible bang magamit pa? Kung walang buting idudulot, bakit ginagastusan pa? Sa kasalukuyan at paparating pang problema sa enerhiya, dating solusyon ba dapat o bago na? Kung noon, ang tono ng pag-unlad ay pinasintunado ng pamumulitika, ngayon ba'y hahayaang muli ang mga pulitikong awitan ang problema?
Kung ibebenta 'to sa isang bansang may pondo't plano sa inobasyon at advance ang teknolohiya, mapapakinabangan kaya?
Recommended readings:
Deus ex machina and nuke plants [magbasa rin po ng matatalinong comment mula sa mga mambabasa]
Bataan Nuclear Power Plant
No funds for BNPP
BNPP as Tourism Site
BNPP Conversion
8 Questions About BNPP Answered
same as the above
Important Research Project on BNPP
#Bataan Nuclear Power Plant#BNPP#power shortage#brown out#black out#NAPOCOR#DOE#kili-kili power#with great responsibility comes great power
1 note
·
View note
Quote
"The Americans are bringing us to our future, but as long as we remain true to our roots, we shall always know who we are."
Onching from NICK: The Portrait of the Artist Nick Joaquin
1 note
·
View note
Link
anything and everything Filipino food. tara, kain tayo! ☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆
Ikatlong blog na irerekomenda ko sa tumblr ko —-> pinoycuisine. Mangan tayon! ^ ^
6 notes
·
View notes
Quote
Hindi po limitado sa Luneta. Hindi po limitado sa isang milyon. Hindi rin po limitado sa kasaling grupo. At hindi po limitado sa isang araw.
hindi ibagsak hindi palitan kundi itama
0 notes
Text
SONE (State of the Nation - Emergency!)
THE PHILIPPINES IS IN A STATE OF EMERGENCY AND ALL THE GOVERNMENT CAN TALK ABOUT IS CHARTER CHANGE AND A REBIRTH OF ANOTHER MAGICAL PORK BARREL TRICK!
Why in a state of emergency?
- We are the firing line of powerful typhoons that may cause
flash floods
landslide
high water that may not fritter away for months
destruction of agricultural businesses
eradication of rural or urban area especially with weak infrastructures (near coastline)
hurricane
tsunami
deaths
(Government solution: Calamity fund, donations from countrymen and other countries)
- Strong countries keep claiming part of lands and waters (Spratly Islands, Sabah, Scarborough Shoal who knows what's next) causing
threat of war
death and imprisonment of our brothers, the Muslim claimants
being robbed of the richness of our natural resources
devastation of our natural resources
(Government solution: Stalemate, appeal to international court/economic summit)
- There's shortage on electrical power
(Government solution: Rotating brownout)
- War always breaks out in Mindanao causing dire poverty to Mindanaoans
(Government solution: annual peace talk)
- High [rising] percentage of OFWs
(Government solution for unemployment)
Clarification: THE PHILIPPINES IS IN A STATE OF EMERGENCY BECAUSE WE HAVE THE ABOVE-MENTIONED PROBLEMS AND ALL THE GOVERNMENT CAN TALK ABOUT IS CHARTER CHANGE AND A REBIRTH OF ANOTHER MAGICAL PORK BARREL TRICK!!!
#PDAF#DAP#pork barrel politics#political reform#charter change#it's more fun in the philippines#You say you'll change the constitution Well you know We all want to change your head You tell me it's the institution Well you know You bett
0 notes
Text
EDUKASYON
Hindi ko alam kung bakit ganito ko pinagsama-sama 'yong mga field of studies na pwedeng pag-aralan o kunin ng mga mag-aaral sa kolehiyo (hanggang graduate/masteral/doctorate degree). Siguro binase ko sa kakulangan, sa pangangailangan, sa popular o laganap, sa praktikalidad, sa kagalingan, sa ambisyon o pangarap.
----
geography and earth science statistics demography and population studies toponymy topology taxonomy meteorology environmental science/studies, ecology, environmental psychology economics marine biology mineralogy chemistry archaeology international relation, european/asian language study nuclear medicine aeronautics forensic science/psychology veterinary medicine botany/zoology humanities sociology philosophy ---
medicine law architecture engineering agriculture/fisheries theology military education/agents training
---
fine arts film study/animation course literature creative writing
---
athlete/sports training sports science
---
health care social work fireman/rescue training
---
computer science business management/administration marketing accounting commerce nursing tourism education hotel and restaurant management culinary studies seaman course political science journalism/mass communication psychology biology physical therapy criminology ---
fashion design interior design design and visual arts graphic design course photography acting and scene study dance/singing lesson instrument playing courses/lesson
---
midwifery caregiver pharmacy technician electronics computer technology blacksmithing construction worker sewing baking cooking/culinary arts makeup study driving bartending hairdressing call center training security guard training secretarial courses (admin/office assistants)
#college courses#kurso#kolehiyo#edukasyon#education#pangarap#God-given ability#interes#field of study#vision#mission#anong kulang?
0 notes
Link
Na-solb ko na ang problema ng Pilipinas dahil dito. Salamat, salamat! ^ ^
0 notes