Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
June 13 - ang araw na ito ay talaga namang nakakaba dahl dito na i pipresinta ang obrang nagawa o salin dito ang aming gawa ay hindi naging pulido dahil hindi ito nanatili sa straktura at pina rebisa ng aming guro ang aming gawa tanggap na,man namin dahil kung titignan ito ay talaga namang hindi kaaya aya basahin bilang isang magsasalin kaya naman napag desisyonan ko na ako nag mag salin ng kantang country road na english patungo sa wikang tagalog at pinatignan kona din ito sa filipino guro ko noon nung high school sa Parada national high school at nag bigay siya ng suhesiyon at komentaryo upang mapaganda pa ang aming ginawang salin .....
0 notes
Text
June 6 - pangatlong lingo patuloy padin ang aming pagsaalin ng kanta na mula sa ingles at isasalin sa wikang Filipino nag karoon kami ng diskusyonan patungkol sa mga pagsusuri sa pagsasalin, at pagpuna sa pagsasalin. Pagpapatuloy sa mga nakaraang talakayan, ang paksa ngayon ay pagsusuri sa pagsasalin. Dahil dito ang ilan sa mga layunin ng pagsusuri sa pagsasalin ay tinalakay ayon kay Newmark.
0 notes
Text
May 30 - dito sa araw na ito medyo nahirapan kami sa pag salin sa kadahilanan hindi naman kami bihasa at sa buong kanda ay pinarte parte ng aming leader ang kantang hinati sa anim na segments dahil mag kakaiba ang aming genre at uri ng pagkanta dahil kailangan itong kantahin at gawaan ng music video wala kaming klase dito dahil sa araw na ito ay ibinigay ni sir ang oras para sa pagsalin
0 notes
Text
May 16 -ITO ANG PANGATLONG LINGGO NG FINALS SA IKALAWANG SEMESTRE. PANGATLO DAHIL HINDI NAKAPASOK ANG AMING GURO NOONG MAYO 9, 2022.
0 notes
Text
May 2 - pagsasaling siyentipiko at/o teknikal ang pagsasaling siyentipiko at teknikal ay pinaniniwalaan ng mga iskolar at propesyonal na may dalawang pangkalahatang uri ng pagsasalin ang pagsasaling pampanitikan at ang pagsasaling siyentipiko at teknikal. at sinasabi din ng awtoridad na teknik at pamamaraan ang dalawang pangkalahatang uring ito.Ang uring pamanitikan ay tumutukoy sa prosseso ng muling pag sulat sa ibang wika ng akdang malikhain halimbawa ng tula, dula o maikling kwento at iba pang anyo ng pamanitikan. Ngunit ang tekstong hindi pamanitikan ay sa tekstong teknikal ito na bibilang kabilang dito ang mga balita pormal na sanaysay, artikulo agham panlipunan at iba pang katulad ng karaniwang siyensiyang pangkalikasan(kapag ang usapang ginamaitan ng terminolohiyang pagsasaling siyentipiko. Ang layon naman ng pagsaslaing siyentipiko at teknikal ay komunikasyon ang panghunahing layon ng pag saslaing siyentipiko at teknikal kung sa pamanitikang salin ay nilalayon ng tagasalin makalikha ng isang bagong obra maestra batay s aorihinal na akdang naka sulat at ibang wika, sa pagsasaling siyentipiko at teknikal kariktan ng teksting nag babahagi ng impormasyon sa mas nakakaraming mamamayan na hindi lubos maunawaan ang SL na kariniwang ingles at ayon kay Antionio at inegio Jr. (2006) hindi matatawaran ang kahalagahan ng pagsasaling siyentipiko at teknikal (ST) sa pagpapalaganap ng impormasyon sa iba't ibang sangay at institusyon ng bansa ito rin ang pinakamahagang sangkap sa paglilipat , pag-iimbak at muling pagpapanumbalik ng mga karunungan sa lahat ng panig ng daigdig
0 notes
Text
magandang araw ! ako si Aries C. Simangen ang Blog na ito'y patungkol sa ikalawang semestre ng Pagsaling-wika sa ngalan ng pag tuturo ni Ginoong Bryan Capangpangan
0 notes
Text
narito ang aking ginawang infograpiks na kung saan ang tema ay Pagsasaling-wika nag kung saan ay Ang Paliwanag na ito ay ang Buod ng paliwanag na naka paloob sa aking infographic: Ang pagsasalin (pagsasalinwika) ay ang gawain ng pagpapaunawa ng mga kahulugan ng panitik (teksto), at ng kinalabasang paglikha ng katumbas na teksto – na tinatawag na salinwika na naghahatid ng kaparehong mensahe na nasa ibang wika. Tinatawag na pinagmumulang teksto ang panitik na isasalin, samantalang ang patutunguhang wika ay tinatawag naman na puntiryang wika. -Ang pagsasalin ay ang proseso ng paglilipat ng kahulugan ng isang teksto mula sa isang wika patungo sa isa pa. Nangangahulugan ito na ang pagsasalin ay batay sa kahulugan ng teksto, pati na rin ang estilo ng orihinal na wika.-Ang pagsasalin ay ang proseso ng pagsasalin ng isang piraso ng teksto mula sa isang wika patungo sa isa pa. Ito ay maaaring gawin gamit ang diksyunaryo bilang sanggunian o pagsasakonteksto nito upang mas maunawaan.
0 notes
Text
kahapon noong March 28: ay Async llamang ang aming klase kaya't wala kaming ginawa sa araw na iyon kayat naman April 4: ika anim na linggo ang huling linggo ng aming diskusyunan April 4: Lesson: Pagsasalin ng prosa at mga uri ng neolohismo Kahulugan ng prosa at mga uri nito • Ang prosa ay tumutukoy sa maluwang na pagsasama-sama ng mgasalita sa loob ng pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ngpangungusap o pagpapahayag. Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod: • Alamat • Anekdota • Mitolohiya/Mito • Nobela o Kathambuhay • Pabula • Parabula • Maikling Kwento • Balita • Talambuhay • Sanaysay • Talumpati • Kwentong Bayan • Dula • Editoryal • Liham at kasama din rito ang Pagsasalin ng prosa at Neolohismo na kung saan ang Ang neolohismo ay isang bagong termino, salita, o parirala, na maaaring nasa proseso ng pagpasok sa pangkaraniwang gamit, subalit hindi pa ganap na tanggap sa pang-araw araw na wika. at tinalakay din sa huling lunggo ay ang Mga uri ng neolohismo • Neologism ng form Ang ganitong uri ng neologism ay nagmula sa pagbabagong morpolohiko ng mga salita o salita na nasa wika na. • Mga neologism na semantiko Sa kasong ito, tumutukoy ito sa mga salitang, kahit na bahagi na sila ng isang wika, ay kinukuha sa parehong wika na may ibang kahulugan o kahulugan upang magtalaga ng mga elemento o aspeto ng iba pang mga lugar. • Stylistic neologisms Ang mga estilistikong neologismo ay ang mga salitang inilalapat upang magbigay ng isang mas sensitibo at positibong tono sa isang expression o term na nauugnay sa mga karaniwang ginagamit. • Functional neologism Ang pag-uuri ng mga neologism na ito ay nauugnay sa pangangailangan na magdagdag ng mga salita sa isang wika dahil walang ibang paraan upang italaga ang isang partikular na bagay o sitwasyon. Mga neologismong panlipunan Ang pananatili na ito ay nauugnay sa lahat ng mga salitang naglalarawan o tumutukoy sa ilang mga aspeto na nauugnay sa lipunan, sa mga kilos sa moral at pangkultura ng tao. • Mga neologism na teknolohikal Ang ganitong uri ng neologism ay nauugnay sa mga twists na ang ilang mga salita na gumawa sa mga larangan ng teknolohiya at agham.
0 notes
Text
ika limang linggo dito ay nag karoon ng munting pagsusulit na kung saan kapag ang isang magassalin ay hindi dalubhasa sa pagsalin o bihasa sa lingwahe na kanyang isasalin ay maiiba nito ang kahulugan ng orihinal mula sa wikang isinasalin March 21 Lesson: Mga metodo ng pagsasalin ayon kay newmark + pagsasalin gamit ang segmentasyon Mga metodo ni newmark Pagsasaling Salita-sa-Salita (One-on-one Translation) • Naturalisasyon (Naturalisation) • Leksikal na kasingkahulugan (Lexical Synonymy) • Kultural na Katumbas (Cultural Equivalent) • Adaptasyon o Panghihiram (Transference) • Malaya (Free Translation) • Idyomatiko at ang mga Segmentasyon at mga hakbang nito.
0 notes
Text
at ikaapat na linggo ay aming tinalakay ang Mga paraan ng pagsasalin ayon kay roman jakobson "On Linguistic Aspects of Translation" (1959) at kasama rin dito ang tatlong (3) 3 paraan ng pagsasalin • Intralingguwal na pagsasalin (o paglilipat-salita) - isang interpretasyon ng mga pasalitang tanda gamit ang ibang tanda sa isang wika. • Interlingguwal na pagsasalin (o pagsasalin mismo) - isang interpretasyon ng mga pasalitang tanda gamit ang ibang wika. • Intersemiyotikong pagsasalin (o paglilipat-anyo) - isang interpretasyon ng mga pasalitang tanda gamit ang mga tanda ng mga sistema ng di-pasalitang tanda.
0 notes
Text
ika'tlong linggo ng aming diskusuyan patungkol naman sa prinsipyo pagsasaling wika na kung saan nag bigay ang aming guro ng mga salitang ingles na isasalin sa wikang filipino March 7: Lesson: Simulain at prinsipyo sa pagsasaling wika Mga katangiang dapat taglayin ng isang tagasalin.... • Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. - Ang kakarampot na kaalaman sa alinman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin ay magiging mapanganib. Kailangan-kailangan dito ang kahusayan sa gramatika, wastong paggamit ng mga salita, wastong pagbubuo, pagsusunod-sunod at iba pa. • Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. - Nakalalamang na ang tagapagsalin na higit na may kaalaman sa paksa sapagkat siya ang higit na nakasasapol sa paksa at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito. • Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin. - Ang alinmang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Ang Ingles ay wikang kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng kanilang kultura; ang Filipino ay gayundin sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino. at kasama dito Mga nagsasalungatang paraan ng pagsasalin • Himig - orihinal laban sa Himig - salin • Salita laban sa diwa • Estilo ng awtor laban sa Estilo ng tagasalin • Panahon ng awtor laban sa Panahon ng tagapagsalin • Maaring baguhin laban aa Hindi maaaring baguhin • Tula sa tula laban sa Tula sa prosa
0 notes
Text
ikalawang linggo andito naman ang pinag usapan kung bakit ba mahalaga ang pagsaling wika o ano ang kahalahan nito sa ating bilang isang filipinong nag sasalin ng ibang wika patungo a partikular na wika nating mga filipino Feb 28 Bakit mahalaga ang pagsasaling wika? Mahalaga ito sapagkat mas naipahahayag ng isang tao ang kanyang saloobin. Kung ang isang tao ay magsasalita gamit ang kanyang katutubong wika, mas mapadadali ang pagpapahayag nito. Ito ay maaaring isalin sa ibang wika sa halip na isalin kaagad ang isang pahayag sa isang wika. at kasma narin dito ang Pampanitikan at Teknikal na pagsasalin at Kalagayan ng pagsasaling wika sa kasalukuyan
0 notes
Text
maikling kwento sa unang araw namin sa aming klase na umpisa palamang ay pinag usapan na namin ang kahulugan ng pagsaling wika na kung saan ay nag karoon ng iilang tanong at madami din ang nakipag kooerasyon sa kase Feb 21: Lesson: Mga batayang konsepto sa pagsasalin Kahulugan ng pagsasaling wika dito pinag usapan ang • Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika. at sa kabilang dako naman ay ang Kahulugan ng salin • Ito ay pagsasalin o paglilipat ng isang salita tungo sa isa pang salita upang mas maintindihan ito ng mga taong hindi nagsasalita ng orihinal na wika.
0 notes
Text
Magandang araw! Ako si ARIES C. SIMANGEN ito ang aking e-portolfio na naglalaman ng repleksyon sa bawat sesyon at nag lalaman din ng leksyon ng Pagsasaling Wika kasama at ang aking propesor na si Ginoong Bryan Capangpangan. Na talaga na’ mayroon kayong matutunan at malaman mula sa mumunting blog na ito.
0 notes