arapaap (n.) language: ilocano english translation: dream definition: a series of thoughts, images, and sensations occurring in a person's mind during sleep.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo
// if i had my own world, i’d show you the life that's inside it, the way that it glows when you find it, the way it survives with its families, friends or its enemies //
2 notes
·
View notes
Photo
// forget your scars, we’ll forget mine //
2 notes
·
View notes
Text
MARCH 5, 2013
“Y'all smoke to enjoy it. I smoke to die.” - John Green, Looking for Alaska (2005) -
Puti. Maliit. Nakalagay sa isang kaha. Maamoy. Nakakatakot.
Nung unang beses kong subukang manigarilyo, naubo at napaluha ako sa gulat ng usok galing sa una kong yosi. Lasang-lasa ko ang nakakadiring lasa niya sa aking dila at ramdam na ramdam ko ang pagguhit ng usok nito sa aking lalamunan. Yung totoo? Nakakasuka. Pero pinilit ko pa ring sikmurain para masabing, oo, nakasubok na ‘ko.
Akala ko first and last ko na yun. Akala ko talaga ‘di ko siya ipagpapatuloy. Sadyang na-pressure lang talaga ako noon. Hindi ko akalain na habang tumatagal, magugustuhan ko ito.
Pero ganoon naman talaga ang nangyayari sa mga first time sumubok nito, hindi ba?
Nauubo. Napapaluha. Naduduwal. Napapapikit sa pangit ng lasa. Nagugulat sa tama ng unang hithit. Nahihilo sa na-inhale na nicotine.
Pero habang sinisindihan ang unang yosi, habang nakasabit ito sa mga nanginginig na labi, habang unti-uting napupuno ng usok mula sa sinasabi nilang death stick ang bibig, hindi maitatanggi na mayroon pa ring ibang kakaibang nararamdaman.
Ang adrenaline na dumadaloy sa sistema mo habang ginagawa ang isang bagay na alam mong hindi dapat. Ang thrill at excitement na baka may makahuli sa ‘yong nagyoyosi ka. At higit sa lahat, ang sense of accomplishment na sa wakas ay nasubukan mo na ring manigarilyo.
Kung ako ang tatanungin mo, ayos lang kung susubukan mong manigarilyo kung once in a lifetime mo lang ito gagawin. Pero ‘pag ipinagpatuloy mo ‘to? Well, alam naman na ng lahat ang mga side effects nito, hindi ba? Lung, nose, lips, tongue, and mouth cancer. Increased risk of stroke. Eye cataracts. Brain damage. Iilan lang ang mga ito sa napakahabang listahan ng mga pwedeng mangyari sa isang chain smoker katulad ko.
So bakit hanggang ngayon, nagyoyosi pa rin ako?
Kagaya ni Alaska Young, hindi naman kasi ako nagyoyosi para i-enjoy ito. Naninigarilyo ako dahil ito ang lowkey alternative ng pagpapakamatay.
Kapag tinanong nila kung bakit ako nagyoyosi, sasabihin ko lang na kasi pantanggal ‘to ng stress. At hindi nila ako kukulitin tungkol sa rason ko dahil hindi naman sikreto na nakakatulog talaga itong makapagbawas ng stress. Hindi katulad ng paglalaslas na kapag nakita nila ang mga pulang linya sa katawan mo ay tila nakikipaglaro sila ng Pinoy Henyo kung makatanong sila ng kung anu-ano.
Ngunit kung tatanungin mo ako kung ano ang mas matimbang sa dalalwa, ang paglalaslas o pagyoyosi, paglalaslas pa rin ang isasagot ko kahit na hindi ko na ginagawa. Kung tutuusin, alternative lang naman kasi ang pagyoyosi. Kung walang taong nagpapaulan ng mga tanong at nagtuturo ng daliri ay hindi ipinagpatuloy ang pagyoyosi.
Pero meron. Marami sila, hindi lang iisa.
Kaya mula noong March 5, 2013, tumigil na ‘kong gumuhit ng mga pulang linya sa katawan ko at nag-umpisang gumuhit ng usok sa lalamunan ko. Matatagalan, oo, pero at least wala nang mangungulit.
0 notes
Photo
// secret love, my escape, take me far, far away //
0 notes
Text
FIRST DATE
Pawis na mga palad. Hindi mapakaling mga paa. Leeg na tila mababali na sa kakaikot nito para hanapin ang taong hindi pa nakikita sa totoong buhay.
“kita nalang tayo sa may gateway foodcourt mamaya. green na tshirt at itim na pantalon suot ko.”
Hindi alam ni Francesca Delgado kung ano ang kanyang mararamdaman. Matutuwa ba siya dahil sa wakas ay pumayag nang makipagkita sa kanya ang lalaking kanyang matagal-tagal nang kinakausap sa Twitter DM? Kakabahan ba siya dahil pano kung hindi siya magustuhan ni @cxrlxsdg? O pano kung hindi niya magustuhan si @cxrlxsdg? O kikiligin ba siya dahil sabi ni @cxrlxsdg ay ito ang first date nila?
“Ikaw ba si cheskaxoxo?” tanong ng lalaking biglang lumapit kay Francesca.
Lukso ng dugo, tagos sa puso.
Marahang tumango ang dalaga. Hindi nakaimik.
“Finally! Ako nga pala si Carlos,” pakilala ng binatilyo. “Carlos Delgado. Ikaw? Anong totoong pangalan mo?”
0 notes
Text
A TOAST
here’s to you, here’s to me, here’s to us
for all the “i love you’s” and “i miss you’s,” the “good morning’s” and “good night’s,” even the “okay’s” and other one-word replys
for all the early morning brunch dates even the dinners with us just silently staring at our plates
for all the joy and laughter we shared even the pain and the tears we shed
for all the memories as bright as the sun even the dark ones we can’t outrun
for the past that brought us together even the present that’s keeping us away from each other
for what we should have been
for what we should be
and for what we always promised but never will be.
so i raise my glass
to you, to me, to us
and to the love that started blissfully but ended in lies and infidelity.
0 notes
Photo
// and the arms of the ocean are carrying me and all this devotion was rushing out of me and the crashes are heaven for a sinner like me but the arms of the ocean delivered me //
1 note
·
View note
Text
WALA SA MUNDO
Asul. Maalat. Malawak. Malinaw. Malalim. Payapa.
Bihira lang akong pumunta sa dalampasigan. At sa tuwing pupunta ako roon ay kadalasan, hanggang sa parte kung saan natatapakan pa ng aking mga paa ang buhangin lang ako umaabot bago ako tangayin ng mga alon pabalik sa tabing-dagat. Gustuhin ko mang languyin ang malawak na pagitan namin ng pisikal na anyo ng paborito kong lugar ay alam kong hindi ko rin kakayanin kaya’t habang nakabukas pa lamang ang aking mga mata ay kuntento na muna ako sa buhangin sa aking mga paa na nagpapaalala sa akin na malayo pa bago ako makarating dito.
Ngunit ibang usapan na kapag isinara ko na ang mga ito.
Bihira lang akong pumunta sa dalampasigan pero ‘di na mabilang ang mga beses na pinuntahan ko ang dagat.
Dagat na hindi matatagpuan dito sa mundo.
Dagat na ang naglikha ay walang iba kundi ako.
Sa tuwing pinupuntahan ko ang paborito kong lugar ay hindi ko kinakailangang pumunta sa dalampasigan para languyin ang libu-libong kilometro para lang makarating ako roon. Hindi ko kailangang umalis ng bahay, maglakad, tumakbo, sumakay ng bangka o lumangoy para lang makapunta sa gitna ng dagat.
Kailangan ko lamang ipikit ang aking mga mata at sa loob ng isang segundo ay nakarating na ako sa aking destinasyon.
Pagkapikit ko ay mararamdaman ko na agad ang ihip ng hangin, ang mahihinang mga alon, ang lamig ng tubig, ang init ng araw, at ang lalim ng dagat. Makikita ko rin agad ang kalawakan nito mula sa nilulutangan ko hanggang sa linya kung saan nagtatagpo ang dagat at langit. Paglubog ko naman kay makikita ko ang mga mumunting isda na nakikipaglaro sa isa’t isa, at ang mga tirahan nila na dinaig pa ang mga kulay ng isang bahaghari. Kahit kailan ko gusto, kahit umaaraw o bumabagyo, napupuntahan ko agad ito. Walang kahit na anong dagat dito sa mundo ang papantay sa dagat ko.
Sa tuwing pumupunta ako sa gitna ng dagat ay pansamantalang iniiwan ko ang lahat sa totoong buhay. Pupunta ako roon na hubo’t hubad sa kung ano mang duming nahagip ko sa realidad.
Sa gitna ng dagat ako nakakapag-isip. Sa gitna ng dagat ako kumakalma. Sa gitna ng dagat ako masaya.
Hindi bale na hanggang kathang-isip lamang ang dagat na ito. Ang importante ay mayroon akong lugar kung saan pwede akong makawala sa angkorang itinali sa aking paa ng mundong pinipilit ko lamang mahalin dahil kung bibigyan ako ng pagkakataong pumili, mas gugustuhin kong lumutang na lamang sa gitna ng dagat habang buhay.
0 notes