1tsramen
itsramen
1 post
just a random passerby
Don't wanna be here? Send us removal request.
1tsramen · 4 years ago
Text
COVID-19 AT ANG PAGBABAGONG HINDI NAIWASAN
Tumblr media
“I can’t believe we’re adjusting to COVID-19, instead of getting rid of it.”
Isa ito sa mga nabasa kong tweet habang naghahanap ng bagong balita patungkol sa pandemyang sumindak sa buong mundo. Tila isang litrato ang buong mundo nang kumalat ang pandemyang COVID-19 - lahat ay nakahinto. Ginulat ng COVID-19 ang buong sambayanan, ito ay hindi inaasahan at walang ibang p’puwedeng gawin kundi manatili sa kanya kanyang bahay para maging ligtas ang sarili. Parang tumugil ang oras mapa-bata, matanda, babae, lalaki, nagtatrabaho o kaya naman estudyante, ngunit wala tayong ibang magagawa kundi masanay sa dinalang “new normal” ng pandemyang ito.
Madaming nagsasabi na ayaw nila sa pagbabago dahil kung may nangyaring pagbabago, susunod at susunod at iba. Sa ayaw man o sa gusto ng sambayanan, konektado ang lahat ng bagay, tao at pangyayari sa mundo. Isang malaking halimbawa ang COVID-19. Hindi naging madali ang pamumuhay sa tinatawag ng nakakarami na ‘new normal’. Isang malaking pagsasaayos ang nagaganap sa ating pang-araw-araw na gawain para lamang hindi lumala ang sitwasyon ng ating bansa at para maging ligtas ang tao sa ating kapaligiran. Isang pagbabagong naganap alinsunod sa pandemyang ito ay ang pagkakaroon ng ‘online classes’ o ang pag-aaral ng mga estudyante gamit ang iba’t ibang kagamitang panteknolohiya.
Isa ako sa mga estudyanteng nakakaranas sa panahong ito ng ‘online classes’, maswerte ako dahil mayroon ako ng mga kailangang kagamitan para sa ganitong klase ng pag-aaral ngunit kada-tingin ko sa aking social media accounts ay makikita ko na mayroong mga ibang estudyante na katulad kong nais maipagpatuloy ang pag-aaral kaya lang ay wala silang sapat na pera para sa laptop o kaya para sa pang-araw-araw na internet connection. Mayroon ding mga estudyante na nahuhuli at hindi makahabol sa kanilang mga aralin dahil hindi sila sanay sa modular na klase ng pag-aaral. Hindi lamang tayong mga estudyante kundi pati ang ating mga guro ay nahihirapan. Kabi-kabilang pag-aayos ng mga study plan at pati din sila ay may problema din sa internet connection.
Sa aking karanasan, ang online classes ay nakakagulat, dahil na din sa dami ng pagbabago na kailangan naming makasanayan. Noong mga unang linggo ng ganitong paraan ng klase ay ayos pa lang naman, parehas na estudyante at guro ay pinapakiramdaman pa at sinasanay ang sarili sa set-up. Ngunit habang tumatagal, habang padagdag ng padagdag ang mga gawain, parang pabigat na din ng pabigat ang pasan ng aking balikat. Mayroong isang pangyayari sa akin, nawalan ako ng internet habang nasa isang synchronous na klase. Isa iyong major subject at Pre-Calculus pa, kaya sobrang pagkabigo ang naramdaman ko. ‘Kaya ko bang intindihin ang aralin sa araw na iyon kung wala ako sa klase?’ ‘Paano kung mayroong sinabi sa zoom call na importante pero hindi ko napakinggan dahil sa internet namin?’ Konti lang yan sa mga pala-isipan na umiikot sa utak ko noong mga oras na iyon, pero kahit may mga luhang lumilingid sa mga mata ko ay pinilit ko paring sumali sa klase, kahit akong nahuli na, kahit patapos na ang klase. Umaasa akong may mahahabol pa ako sa diskusyon kahit konti lang. Doon ko napagtanto, na ang ganitong uri ng pag-aaral ay hindi para sa kalahatan. Siguradong may mga taong mahuhuli, di makakasunod at wala nalang ibang magagawa kundi umiyak – gaya ng ginawa ko noong ilang minutong di ako nakasali sa isang zoom call. Kung iisipin ko, ganoong bigat na sa aking dibdib ang naramdaman ko dahil lamang hindi ako makasali sa iisang klase. Paano pa kaya ang mga ibang tao na hindi makasali sa klase ng isang lingo? Ang mga estudyanteng gustong-gusto mag-enroll sa online classes pero hindi nila magawa dahil wala silang paraan upang magawa iyon? Gaanong kalungkutan kaya ang nararamdaman nila?
Maraming nagsasabi sa social media na maswerte ang mga ‘priviledged ‘ wala silang ibang gagawin kundi ang basahin ang mga aralin, hindi nila kailangan manoblema sa pagkonek sa internet o kung saan nila gagawin ang powerpoint presentation na pinapagawa ng guro dahil wala silang laptop na gagamitin. Oo, tama nga naman sila, maswerte ang iba dahil may malakas nilang internet o kaya may ilan-ilan silang kagamitan sa bahay, pero hindi ibig sabihin non ay wala na din silang ibang pinoproblema patungkol sa ganitong pamamaraan ng klase. Mayroong mga time na bigla nalang sasakit ang aking ulo dahil sa walang tigil na pagtutok sa aking laptop para lang matapos ang mga gawaing binibigay, madalas ay hindi na natutulog para lang masiguradong naipasa lahat ng maayos at pasok sa pasahan o kaya naman hindi na kumakain para habulin ang mga pasahan.
May mga araw na gusto ko nalang huwag gumalaw at walang gawin, pero iniisip ko lagi na hindi ko dapat sinasayang ang pagkakataon kong pumasok dahil maraming may gustong mapunta sa kinakaroonan ko, maswerte ako at nakaka-aral pa ako kaya wala na dapat akong ibang reklamo. Kinalaunan ay naisip kong hindi din malusog para sa aking katawan ang ginagawa kong walang tigil na paggawa, lalo na noong sumakit ng sobra ang ulo ko, kapag bumangon ako ay parang may pumupokpok sa ulo ko at kapag haharap ako sa laptop ay humahapdi ang aking mga mata – kailangan ko din ng pahinga. Isa iyon sa mga pagbabago na kailangan kong kasanayan, kaya ginawan ko ng paraan. Naglaan ako ng oras para sa aking pahinga. Para sa akin ay parang ganito ang sitwasyon natin sa pandemyang ito.
Minsan nang tumigil ang mundo at oras dahil sa COVID-19, ngunit hindi puwedeng habang buhay ay nakahinto tayo – kaya nagkaroon ng bagong istilo ng pamumuhay.
3 notes · View notes