ziio-estrada
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
ziio-estrada · 4 years ago
Text
Review & reaction for an assignment made by me Zion and assigned by sir jefferson and
Heneral Luna
Sa pagbukas ng pelikulang Heneral Luna ni Jerrold Tarog, muling balikan at buksan ang kwento ng kagitingan ng isang heneral at ng iba pang kontrobersyal na bahagi ng kasaysayan.
Hindi lubos na mauunawaan ang kasalukuyan kung hindi babalikan ang kasaysayan. Kaya sa pagbukas ng pelikulang Heneral Luna ni Jerrold Tarog noong Setyembre 9, 2015, nabuksan sa madla ang kwento ng kagitingan ng isang heneral at ng iba pang kontrobersyal na bahagi ng kasaysayan. Naging usap-usapan ng mga netizens ang pelikula at mistulang naging viral pa ang posibleng maagang pagkakatanggal nito sa mga sinehan. Muli nating hawiin ang kurtina at tanawin ang kasaysayan sa likod ni Heneral Luna.
Mapangahas at puno ng tapang ang grupo ni Direk Jerrold Tarog sa pagnanais na ibunyag ang madilim na bahagi ng kasaysayan. Ang kasaysayang kinagisnan nating mga bayani ay may kinalaman din sa kontroberysyal na krimen ng pagpatay sa kapwa Pilipino. Umiikot ang istorya sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano at kung paano lumaban ang mga Pilipino upang hindi tuluyang masakop ng mga dayuhan at makamit ang soberanya.
Pilipino Laban sa Pilipino
“Mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano, ang ating sarili,” isa sa mga matalinhagang linyang binitawan sa pelikula na sumasalamin sa madilim na lihim ng kasaysayan. Hindi man direktang ipinakita ay tila palaisipan ang matagal nang isyu na si Presidente Emilio Aguinaldo rin ang nagpapatay kay Heneral Luna gaya nang nangyari kay Andres Bonifacio. Naging tahasan din ang pagsasalaysay ng totoong kaganapan sa pagitan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Amerikano. Kahit sa pagitan ng mga miyembro ng militar o pulitika ay hindi nagkaroon ng kasunduan ang mga Pilipino sa pagdedesisyon.
Napapanahon Kahit Kahapon
Maikukumpara na magpahanggang ngayon ay nangyayari pa rin ang pagsisiraan sa pagitan ng mga Pilipino lalo na sa ating gobyerno. Kung sa pelikula ay makikitang pinatay si Heneral Luna ng kapwa Pilipino, ngayon ay wala pa ring nababago gaya nang patuloy nating nakikita sa mga balita at maging sa pulitika. Ang mga salitang ginamit ay nababagay rin sa modernong panahon lalo na ang mga punchline upang lagyan ng bahagyang komedya ang timpla. Bagaman makabago ang salita ay hindi nasakripisyo ang kwento at takbo ng istorya dahil sa katunayan, maging ang paggamit ng f imbes na p sa salitang familia ay kapansin-pansin din. Maging ang mga linya ay sadyang may laman na mas pinatindi pa ng batuhan ng mga dekalibreng artista gaya ni John Arcilla.
Atensyon para sa Suhestiyon
Talagang isa ang pelikulang ito sa mga maituturing na masterpiece sa larangan ng Philippine Movie, hindi lang dahil sa magandang storyline kundi maging ang cinematography. Makakakonekta ang lahat ng uri ng manonood sa ganitong klaseng pelikula dahil sa pagkakatalakay nito sa ating mga paaralan simula nang tayo ay nasa elementarya. Sadyang iba ang nakikita sa nababasa mula sa nilalaman ng libro kaya mas mainam kung sa susunod ay ipapalabas ito nang may subtitle upang masundan din ng mga manonood ang mga linyang tumatatak sa puso. Bagaman mayroon nang mga naunang pelikula patungkol sa ating mga bayani, maganda rin kung ang mga susunod na pelikulang tungkol sa kasaysayan ay gawing sequel style o tahiin ang mga istorya ayon sa pagkakasunod-sunod sa kasaysayan upang hindi nakalilito at mas madaling magamit bilang material sa pagtuturo sa mga paaralan.
Noon pa man ay may kakaiba nang alab ang puso nating mga Pilipino gaya nang ipinakita ng isa sa ating mga bayani. Nakakalungkot lamang na isiping tila nakakalimot tayo at pati sa simpleng pagsuporta ng sariling atin ay mistulang mabibigo pa tayo. Sa bawat pagkakataon na iniisip natin ang ating kapakanan, isaalang-alang din natin ang ating bayan. Wala mang kapa o anumang costume gaya ng mga superheroes ang ating mga bayani ay umukit sa kasaysayan ang dugong kanilang ibinuwis. Sana’y huwag tayong magbulag-bulagan sa nagaganap sa ating bansa at gaya ng sinabi sa pelikula, “hindi panlalait ang pagsasabi ng totoo.” Kaya sa mga pulitiko, pulis, estudyante at maging pedicab driver, “negosyo o kalayaan, bayan o sarili, mamili ka.”
Mga tauhan at dialogo
John Arcilla bilang Heneral Antonio Luna
Mon Confiado bilang Presidente Emilio AguinaldoEpy Quizon bilang Apolinario MabiniArchie Alemania bilang Kapitan Eduardo RuscaJoem Bascon bilang Paco RomanAlvin Anson bilang Heneral Jose AlejandrinoNonie Buencamino bilang Felipe BuencaminoPaulo Avelino bilang Heneral Gregorio del PilarAlex Medina bilang Kapitan Jose BernalRonnie Lazaro bilang Tinyente GarciaKetchup Eusebio bilang Pedro JanolinoBing Pimentel bilang Laureana LunaArt Acuña bilang Koronel Manuel BernalLeo Martinez bilang Pedro PaternoLorenzo Martinez bilang Heneral Tomas MascardoBenjamin Alves bilang Tinyente Manuel QuezonMiguel Faustmann bilang Heneral Arthur MacArthur Jr.E.A. Rocha bilang Maj. Gen. Elwell OtisGreg Dorris bilang Maj. Gen. Wesley MerrittDavid Bianco bilang Maj. Peter Lorr
John Arcilla bilang Heneral Antonio Luna- Para kayong mga berhen na naniniwala sa pag ibig ng mga Puta
Mon Confiado bilang Presidente Emilio Aguinaldo - walang sabwatan, walng nagkanta
Epy Quizon bilang Apolinario Mabini - Ipagdasal natin ang kapayapan, ngunit pagjandaan natin ang digmaan
Archie Alemania bilang Kapitan Eduardo Rusca- ang hindinko maintindihan, bakit kailangang patayin ng kapwa Pilipino ang pilipino?
Joem Bascon bilang Paco Roman - Handang magtapon ng dugo ang totoong makabayan
Alvin Anson bilang Heneral Jose Alejandrino - tama si Heneral Luna, kaylangan na tayong kuminlos
Nonie Buencamino bilang Felipe Buencamino - lahat ng pagmamalasakit, dinanas ko sa ating bayan
Paulo Avelino bilang Heneral Gregorio del Pilar- hindi kmi nakikipaglaban sa kapwa tao
Alex Medina bilang Kapitan Jose Bernal - Heneral! Hind sila makatawid.
Ronnie Lazaro bilang Tinyente Garcia -"Garcia po, Heneral"
Ketchup Eusebio bilang Pedro Janolino - Sa Presedente lang po ako sumunod ng utos.
Bing Pimentel bilang Laureana Luna - Walang nakakaangat sa batas
Art Acuña bilang Koronel Manuel Bernal- Tapat po kami sa inyo Heneral.
Leo Martinez bilang Pedro Paterno- ang kaaway ng aking kaaway ay ituturing kong kaibigan
Lorenzo Martinez bilang Heneral Tomas Mascardo- isa kang hangan, Luna...
Benjamin Alves bilang Tinyente Manuel Quezon
Miguel Faustmann bilang Heneral Arthur MacArthur Jr.
E.A. Rocha bilang Maj. Gen. Elwell Otis- We cannot afford to under estimate the enemy
Greg Dorris bilang Maj. Gen. Wesley Merritt
David Bianco bilang Maj. Peter Lorry Smith- concentrate the fire of that man, thats have a general dinner tonigjt
Arron Villaflor bilang Joven Hernando- kung panaginip lamang qng umasq sa pag-unlad, managinip tayo hanggang sa mamatay.
Mylene Dizon bilang Isabel- wala na tayong panahon para sa mga bagay na hindi natin kayang panindigan
Cinematography:
Ang mga ginamit na tulog sa pelikula tamang tama sa likasyon. Ang angulo ng pinagganapan ay makatotohan at kamangha mangha. Magagaling ang mga aktor at ang pag edit nito.
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
sa aking napanuod ay kamangha mangha, naipapakita ang pagiging matapang ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan. At ipinakita ang pagiging makabayan ng mga bayani natin. Ako ay wala ng maidadagdag pa.
6 notes · View notes