Text
Deactivated my fb. Taking my time to have peace and think. Sa edad kong to, dapat nag mmaintain na lang ako ng mga tao sa paligid ko. Ilang taon na tayong magkakasama, pero wala kayong imik, tapos kapag ako yung nasaktan, pagsasabihan nyo pa ko na tipong bawal ako maging sensitive. Puta naman, tinuring ko kayong mga kapatid ko pero para din kayong mga "kasama" lang. Masakit sa damdamin na mga kaibigan mong malapit sayo ang mag eexclude sayo.
Sasabihan kang mayabang dahil kaya mong magprovide. tangina, yung akala kong napapasaya ko kayo, yun pala nagtatanim kayo ng sama ng loob dahil nayayabangan kayo, sana sinabi nyo na lang sa mukha ko hindi yung taon ang bibilangin.
I extend my arms and my heart when helping you guys but nobody will do that to me. Dahil may iba kayong priorities and I understand pero yung ieexclude nyo ko, pag uusapan nyo ko, tapos malalaman ko pa sa live stream, wag ganun.
I thought what I share will make everyone happy kahit wala akong nakukuha as long as masaya ang lahat. Para sakin kasi kung anong meron ako dapat naibabahagi ko. Kung kayabangan pala ang pagsshare sainyo dapat sinabi nyo para tinigilan ko. Di yung magtatanim kayo ng sama ng loob.
Di worth it sa oras ko mga ganitong bagay pero kelangan ilabas para hindi kumulo at lalo pang sumabog.
This year is really a jungle log ride for me. Started strong but too many bad things happened at wala nang bawi. Yung roller coaster tumataas at bumababa, ang jungle log pababa lang.
lol yun lang. nonsense. bye
2 notes
·
View notes
Text
Tanginang buhay yan.
Hindi ko alam kung anong definition mo sa Genuine Love na yan.
Tanginang buhay talaga yan
1 note
·
View note
Text
Lunes
Ang pinaka ayaw kong araw
Pero wala kang magagawa
Sa isang linggo ito ang unang araw
Ito ay hindi nakakatuwa
Sirain mo ang lunes ko
Buong linggo iritable ako
Siguradong mainit ang ulo
Punyeta, pero tinuloy mo
Puwede mo namang sirain
Miyerkules o huwebes ko
Pero Lunes ang pinili mo
Ngayon pareho tayong magulo
Lunes pa lang pagod na ako
Nasan na ang alak ko
Oo nga pala, wala pa
Dahil sa Biyernes pa yon
Ilang araw ang hihintayin
Ilang araw ang titiisin
Tanginang buhay nga naman
Lunes pa ko iinisin
1 note
·
View note
Text
Katawan man ay napapagod Puso ay tuloy sa pagkayod Hindi sumusuko Lalo na kung patungkol sayo
0 notes
Text
Prinsesa
Aking prinsesang natatangi Mga anghel mong ngiti Mga mata mong nakahuhumaling At boses mong musika sa pandinig
At ngayong gabi sinta Alam kong ikaw ay mahimbing na Ngunit sa isipan ko, tumatakbo ka pa Kahit ako'y natutulog na
Nais kitang bantayan Habang ika'y natutulog sa kama Titigan ang mga labi Ngumiti ng mag isa
Ganda mo'y hindi mailarawan Mga salita ay hindi sapat Sapagkat ang anghel sa paningin Ay prinsesa ko din
1 note
·
View note
Text
Kung sa pagsabi ko ng "mahal kita" At di ka agad naniniwala Hayaan mo at hindi ako mapapagod Sa pagpapatunay na ika'y mahal ko
0 notes
Text
Takbo ka ng takbo sa utak ko Araw gabi ayaw magpatulog Tila walang kapaguran ang pagtakbo At palaging puyat kapalit nito Dati'y napupuyat dahil masaya Alaala na lang ba ang lahat Ako'y nalulungkot sa bagay bagay Sapagkat di ko maintindihan Tuwing naaalala ang kita At palagi namang naalala Palaging tanong ng puso sa isipan Babalik pa kaya siya? Sana'y bumalik sa dati Sana ako'y mapansin muli Kung ako'y nagkamali Patawad mo ang aking hiling Ilang linggo na ang nakalipas Gabi gabing nararamdaman Na maglakad na parang maiiyak Dahil sa pakiramdam na mag isa O sinta ika'y bumalik na Sa dating palakwento at palatawa Ako'y nangungulila sa iyong ngiti Pakiramdam ko'y nalulumbay Ipagpatawad mo ang aking pangungulit Gusto ko lang makausap ka ulit Gaya ng dati na hindi malamig Na makausap ako ay gusto mo rin
0 notes
Text
Do I really matter?
Do I really matter? Para kasing napakadali para sa mga taong pinapahalagahan ko na iwanan ako, manlamig sakin at itapon ako na parang wala lang. Nasakin siguro ang problema kung bakit madali akong iwan kung san man. Bakit ganito na lang palagi? Wala ba talagang halaga ang mga taong nagpapahalaga? So should I adjust and care less? Ang hirap para sakin na mawalan ng pakialam lalo na sa mga taong pinapahalagahan ko ng husto. Lumaki ako na kapag pinapahalagahan, inaalagaan. Nasasaktan ako kapag pakiramdam ko iniiwan ako. Nasanay ka na palagi mo silang kausap at kasama then one fucking day, a twist just happened, and boom everything changes. Ganun kabilis. Parang naligo lang at wala ka na sa kanila. So what do I do? Its always like this. Do I even matter? Or Im just a trash dahil pinagsawaan.
1 note
·
View note
Text
Hindi mawari kung anong nilalang Anghel nga ba o isang diwata Sa ganda mong walang kapantay Ako'y nabighani mong tunay Mga ngiti mong matamis Nagbibigay saya sa akin ng saya Sa buhay na akala ko Ay wala nang kwenta Mga mata mong mapupungay Parang laging nakabantay Nagsasabi sa akin na Ako'y may pag asa pa Mga yakap na naramdaman Na nakapinta sa aking puso Ay nagpapakalma sa akin Kapag ako'y nababaliw Ikaw sa aking buhay Naghatid ng pag-asa tunay Salamat sa Diyos na nagbigay Oh sinta ko, ika'y aking mahal
0 notes
Text
You're my angel
As I see you in my eyes Thinking you're an angel in disguise Descended from heaven above Because of God's reason and love All things I could become With you in my side Anything would be done Even impossible for everyone I believe that we met For a reason I won't forget And I'm sure that I won't regret Anything that happened and will happen God gave me you for light On the world that is full of dark Hope and direction is what you bring In my life that I think is nothing
1 note
·
View note
Text
Hahawakan ko ang iyong kamay Aakapin ka ng walang humpay Isang halik sa noo Nais kong ipahayag ng totoo
Isang anghel sa aking mata Nabighani sa unang pagkikita Mga ngiting nakakapawi ng pagod Puso'y lumulundag ng lubos
O aking sintang mahal Ikaw ay gustong makita Ngayon, bukas o sa susunod na araw Basta't makasama lamang kita
Pangakong ika'y aalagaan Kahit ika'y ayaw paalaga Sa simpleng pag-aalala Yan ang aking pinapakita
Pag-ibig, mahal, pangga o kung ano mang tawag Gusto kong sayo ay ipahayag Sana'y iyong maramdaman Pag ibig na gustong isiwalat
Ito'y isang tula na gawa lamang Sa kung anong pumasok sa aking isipan Kung tawagin ay impromtu O kung ano mang kalokohan
Sa pagtatapos ng aking sinasabi Ang nais ko lang ihatid sayo Ay ang sinisigaw ng puso ko Malakas na malakas na "I love you"
0 notes
Text
Aklat
Ang aking buhay ay isang munting aklat Na sayo'y gustong ipabasa Para sa mga susunod na pahina Magkasama na tayong susulat
Minsan sa aking isip dumaan Paano na lang kung hindi ka nakilala Maaring lugmok pa rin sa kalungkutan At naghahabol na parang hibang
Ngunit sa Diyos ay aking pasalamat Sapagkat ako'y kanyang tinulungan Na ika'y mahanap at makilala Dito sa mundong kinabubuhayan
Maari ngang ang lumipas na pahina Ay hindi kanais nais at kaaya aya Ngunit ako'y nakakasiguro Wala dun ang mauulit pa
Sa mga susunod na pahina ng aking buhay Sana'y patuloy kang magbasa At wag basta basta isasara ang aklat Hangga't ang katapusa'y wala pa
0 notes
Text
Sa tuwing gabi na nakapikit At ako'y nananaginip Mga ngiti sa iyong labi Aking nasisilip Noo'y napapanaginipan Ating unang pagkikita Ngunit mas maganda pala Ang totoong kaganapan Hindi ko man sayo masambit Kahit sa malayo ako nanggaling Unang sulyap sa iyong ngiti Pagod ko'y agad namang napawi Walang malayo o malapit Gaano man kahaba ang lakbayin Masaya kong tatahakin Basta't ikaw ay makakapiling Minsan maarte lang talaga Mga salitang naisama sa aking tula Upang maging makulay Ang bawat isang talata Kahit maarte ang tulang ito Sana'y napangiti ka kahit papaano Dahil ako'y nakangiti din Habang ginagawa ko ito Masaya ako kapag ika'y kasama Kung saan saan ako napupunta Mapatimog man o hilaga Pupuntahan kita kahit saan Ako'y matutulog ng nakangiti At sana ay mapunta ka sa panaginip Makita ko lang ang iyong ngiti Puso ko rin ngumingiti
0 notes
Text
Nakaraan
"Nakaraan". Isang salita Salita na marami sa atin Ang naaalala ay kapaitan Dahil hindi makalimutan Mga bagay na akala natin Masama sa ating damdamin Ngunit hindi natin napansin Ito'y nagpalakas sa atin Marami ang tao ang sumubok Dahil sa nakaraan ay maraming hugot Sapagkat puso ay nasaktan At hindi na nagawan ng paraan (?) Kaya ang salitang " Ngayon". Katumbas ay hindi pa handa sa ngayon At ayaw iwan ang kahapon Na nagpaiyak sayo ng maghapon
4 notes
·
View notes
Text
Nasaan na ako?
Nasaan na ba ako? Saang parte ng buhay na ba ko? Karamihan sa mga kaedaran ko, bumubuo na ng pamilya, nakakapaglakbay sa iba't ibang lugar, nakakailang monthsary na, pero ako, nasaan? Wala akong maipagmalaki na kahit ano, kumbaga wala na yata sa direksyon ang tinatahak kong landas. Kung saan ako dalhin ng aking mga paa, dun na lang siguro ako. Susubukan mong magmahal ng totoo, pero sasabihin ng mamahalin mo hindi sila karapat dapat sa pagmamahal mo, tanginang buhay yan diba? Palagi na lang ganyan. Nasasayang ang oras. Puro na lang antay, antay at antay. Wala kang magawa kasi yun ang kapalit ng pagkakagusto sa isang tao. Mahal ko siya, at yung nararamdaman kong yun lalong lumalawak, lalong lumalaki. Ang kinatatakot ko baka bumagsak nanaman ako at sigurado ako na sahig nanaman ang sasalo sakin, pero bahagi yan ng desisyon kong magmahal. Nag eeffort ako para pasayahin siya no matter what will it take me. Masaya naman din ako sa ginagawa ko lalo na kapag nakikita nyang nag aappreciate siya ng effort na ginagawa ko. It feels refreshing at the same time para kong buhay na buhay because of love. Downside is I can't keep the momentum kumbaga ang bilis lumamig ng bakal. Mahirap pero masarap sa pakiramdam. Balik sa tanong, nasaan na ba ako? Sa palagay ko andun ako sa part ng gusto ko ng kasama, yung kakwentuhan ko araw araw, yung pwede kong gawan ng iba't ibang gimik para mapasaya lang siya, yung magttrabaho ako ng may inspirasyon, hindi katulad ngayon na parang isang robot, robot na walang pakiramdam, na kung ano lang ang sinabing gawin, yun lang ang gagawin. Ang sagot paghahanap ng kasama.
0 notes