ybbathedevilsadvocate-blog
WWW; WELCOME to my WEIRD WORLD
3 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Mahal kong tao,
Ang bilis ng mga araw. Sa sobrang bilis di mo namamalayang parating na pala ang iyong expiration date. Iyong panahong wala ka ng pakinabang dito sa mundong ibabaw at kailangan mo ng maggive way sa iba. NEXT PLEASE! Ipagpalagay na lang nating marami pang nakapila sa slot mo dito sa earth, Kaya BEWARE na lang pero malay mo maextend ka pa’t madaan mo sa pakiusap o pagpapaawa. 
Hindi malaEdward Collin ang life span mo. Malamang kahit lumaklak ka pa ng isang milyong tableta ng gluta, tatanda ka pa rin. Kapag matanda ka na feeling mo ilang hakbang na lang dead end mo na. Pero kung iisipin sa buhay, age really doesn't matter. Matanda o kahit bata ka man, walang excuse kung ikaw mismo ang mapagtripan ni TADHANA na sa aking maingat na pananaliksik ay isa palang secret agent ni Kamatayan.
Kaya wag kang malilingat left and right baka nag-aantay lang ng go signal ang iyong tagasundo. Buti sana kung may guardian angel ka pa, eh pano kung may sideline pala ang isang iyon at maraming binabantayan o worst linayasan ka na. Kaya ngayon palang mag-ipon ka na ng maraming lata ng gatas pampatigas ng bungo este buto kung sakali mang may suhulang maganap kapag nandiyan na ang iyong tagasundo. 
Kaya lang ibang usapan na na kung ikaw na mismo ang nagtakda ng sarili mong katapusan. Sukat ba naman kasing hindi ka umilag  nang nagpaulan ng katangahan sa mundo at sa hagdan pa talaga nagselfie! Sa kahahanap ng magandang angle at lights, na-out of balance, isinugod sa ospital at dineklarang DOA ng nakawacky. (Kamorbid man kan isip ko haha, kaya luway-luwayon ta)  o siya para mas may suspense coma muna at life support ang drama. Isa pang senaryo ay ang pagtetext habang naglalakad sa pedestrian. Swerte mo kung ambulansya ang mismo makasagasa sayo pero pano kung isang walang pakealam na motorista? Pero ang pinakacommon yet worst na katangahan ay ang pagkakamatay. Dahil isa akong concern citizen, a piece of advice; siguraduhing matalas ang kutsilyo o blade na ipanlalaslas o kaya naman matibay ang lubid na ipangbibigti! magpapakamatay na nga epic fail pa!Dobleng katangahan ang hindi matuluyan.
 Pero seryoso, kung may problema ka, wag kang masyadong emo. Isipin mong marami rin ang may problema ng problemang pinoproblema mo. Di ka ba nakokonsensya na magpapakamatay ka dahil sa problema tapos iyong iba nga diyan pinoproblema na mamamatay sila? Feeling mo solusyon ang suicide pero naisip mo man lang ba ang consequences na maiiwan mo? Paano kung kaluluwa ka na problemado ka pa rin?o di nasayang ang effort mong tumakas sa problemadong buhay na meron ka ngayon. 
Alam ko iyong feeling na pagod ka na. Nakakapikon nga naman sa part mo na napakamapang-asar ng tadhana. Iyong nabubuhay ka para sumaya pero ba’t sa tuwing masaya ka babawiin agad para palitan ng kalungkutan. Haist! Pero bakit di na lang tayo magpakapositbo na sa bawat problema eh may natutunan tayo. Natututo tayo. Nalalaman natin ang ating pagkakamali na kung hndi man natin mababago pero atleast maiiwasang mangyari ulit in the future. 
Life is too short sa mga taong  may motto ng live your life to the fullest but too long sa mga taong miserable. Kaya wag kang magpakamiserable. Make every second of your life worth remembering. Sa totoo lang di naman talaga ikaw as in kung ano ang itsura mo ang aalalahanin kung hindi iyong paano ka nagexist sa mundo. Sa tingin mo papatayuan ba ng monumento si Rizal sa Luneta kung hindi siya nagpakamartyr este nagpabakabayani na isakripisyo ang kanyang sariling buhay para sa bayan? hindi ko naman sinasabing magpabaril ka rin pero sana naman bigyan mo ng justice ang buhay mo. Takot ka sa oblivion di ba? eh di tumino ka para hindi ka makalimutan ng sanlibutan. 
Kung oras mo na oras mo na. Kung ang lahat ay may dahilan baka nga isang malaking kalokohan ang mga salitang nagkataon at aksidente. Hindi permanente ang isang tulad mo dito sa mundo. Kaya live life na para bang wala ng bukas. Wala nga kasing forever. Set your mind na lahat tayo may purpose kaya naman may halaga ang buhay natin sa mundo. Huwag mong gawing “lang” ang buhay mo. Mas higit ka pa sa kung ano ang iniisip mong ikaw. 
-Ybba, the devil’s advocate
2 notes · View notes
Text
DANGER ZONE
Tumblr media
Everywhere is a danger zone. Even in your bedroom kung saan feeling mo pinakaligtas ka, pwede kang mag 50/50.  Kaya nga one upon a time may guardian angel tayo to protect us from any means of harm until we’re capable enough to defend ourselves.
Danger attacks us more severely kapag iniwan na tayo ng ating tagapagbantay. We can sense danger in different ways. Danger can stab our back or even smack our face.  Pwedeng katabi  rin lang natin o nagtatago sa aparador.  Walang pinipiling angle or position.  Pwedeng kahit natutulog lang tayo an ugly monster will visit us, turning our dreams into nightmares.  Iyong kahit rin gising  na tayo pero feeling paralyzed, struggling na maigalaw kahit daliri lang. Sleep paralysis, nakaranas ka na ba? Kung oo congratulations dahil naka-survive ka at dalawang bagay ang pwede mong isiping rason, it’s either because of luck na buhay ka pa or fate na mabubuhay ka pa. Bahala ka.
# Struggle is real. Parang naka-program na na ang buhay mo hindi magiging madali because from the moment you’ll open your eyes in the morning means facing new set of struggles dito sa mundo. Everyday is a battle. Rule of the game: Stay alive.  Para mabuhay pa tayo kailangan laban lang. We have to fight not really to defeat the danger but to live with it. Hindi naman kasi natin mawawakasan ang panganib. Habang may buhay, may panganib. Kailangan maging matapang lang tayo na makisama sa panganib so we could experience life to the fullest.  Each one of us is a player. Kung akala mo spectator ka lang, nagkakamali ka.  Kasali ka sa laban, paplay safe ka man o risk taker. The world isn’t just a showground but a wide battlefield. Ang kaibahan lang, bawat tao may kanya- kanyang laban at pinaglalaban  .
Fighting attested our endurance kung hanggang saan lang ba talaga tayo sa mundo. Kung hanggang kelan tayo tatagal. Fighting is also a way of proving our worth to the world, it’s giving justice to our existence, kung ano nga ba talaga tayo bilang tao.  Fighting allows us to experience the perks of life. Gaano man kapanganib ang mundo, gaano man kadalang ang stress free moments sa buhay natin but then we can’t deny the fact na masarap mabuhay sa mundo. Sleeping on a soft mattress, eating sushi, reading fifty shades, watching K pop dramas or even just writing down our simple thoughts would make us feel that life is fair. There are sad and difficult parts pero meron rin naman parts na masaya. We always look forward to experience happy things in life so we keep on fighting to surpass the bad ones. Kasi alam natin na hindi naman sa lahat ng oras we are sad or miserable, along the way of our journey, we will experience countless of great things in life too.
Danger makes us forget that we are blessed. Danger makes us think that life is complicated. Danger makes us feel unappreciative and be blinded by our difficulties. Due to danger, it becomes hard for us to see and realize that great things in life could be found in simple things and to understand that simple things are what make up life. Instead of enjoying life, we are being hunted by our own fears. Pinauso natin ang iba’t- ibang uri ng phobia. Phobia sa height, confined space, sa aso, sa clown, sa multo, sa aswang. Tayo ang may gawa ng sarili nating takot. Takot na pinapalala pa natin due to overthinking. Kasi the bottomline pinakatakot tayong masugatan. Ayaw nating masaktan. We tend to forget that pain is part of being alive. Na nasasakten tayo simply because buhay tayo at masasaktan tayo kahit pa umiwas tayo ng umiwas.  Instead of acknowledging the pain, kadalasan we considered it as a kind of bullshit.  Thinking that pain is something that would make us feels fragile not knowing that it would help us to become the better and best version of ourselves. Tuloy ang feeling natin we are being tortured or we are being punished by someone. We feel threatened by the life itself.
In our perception, life is suffering and if we lose a grip, we might die. Danger terrifies us because it would have led us to death. Death must have been the most painful experience that we could undergo as a human being and yet what makes it more terrible is the fact that we will be facing it alone. Mag-isa lang nating haharapin ang kamatayan and we can’t do nothing about it. There will always be a kind of danger or attack that will send us to death. The only certain in life is it isn’t forever. It has come to an end and our ending is death. Kahit ayaw pa natin iwan ang buhay natin sa mundo at ang mga taong siguradong malulungkot sa ating pagkawala pero we can’t avoid death forever. Dahil walang forever. Kahit ano pang pagpapahaba ng buhay ang irekomenda ng pinakamagaling na doktor, ang buhay ay sadyang may katapusan pa rin. Matanda o kahit ang isang taong di pa nararanasang tumanda pwedeng maunang kunin ng isang grim reaper.
Yet, the worst effect of danger ay iyong maramdaman natin  that life is wearisome to the extent that the idea of death sounds tempting to us. Imbes matakot parang desperate measure na mamatay na lang para isahan na lang sakit.  To end up the pain. To finally have a peace of mind. Maraming tao sa mundo ang may suicidal tendency. Iyong nawawalan ng pag-asa mabuhay dahil ayaw ng makaranas ng sakit at panganib. Siguradong mamamatay ang tao but who knows what’s next after death! Maipapangako ba talaga ng kamatayan ang kapayapaan? Kapag namatay ba tayo, pwede ba nating  i-claim na finally we are free from danger?
Ybba, the devil’s advocate
0 notes
Text
12:21 am
Tumblr media
Dear Bes,
Madilim ang aktwal na mundong kinabibilangan ko sa mga oras na to. Parang Dark Age. Kasing dilim ng kalaliman ng gabi kung kelan natatakpan ng mga ulap ang buwan at mga bituin. Baka kasing dilim rin ng nakikita ng isang bulag. Madilim na madilim. Wala akong makitang liwanag dahil mas pinili ko na lamang na ipikit ang aking mga mata at itanggi ang reyalidad. Isiping ang nasa loob ng UTAK ko ang siyang tunay na mundo kung saan nabubuhay ako.
Dinaig pa si Dora ng utak kong walang ibang inisip kundi ang maglayas.Kung saan-saan ang punta. Palipat-lipat, kung ano-ano ang ginagawa! like sun bathing sa Hawaii habang nagseselfie,  nagpapalamig sa Antartica kasama ang mga Polar Bear o di kaya nag-aabang ng Aurora Borealis habang nakababad  sa sauna. Wala siyang focus. Hindi niya alam ang salitang concentrate.  Pwede siyang maglakbay sa labas ng Milky Way kahit pa nagsosolve kami ng isang problem solving. Lagi niya akong dinadamay. Ginagawang absent minded. Namemental block o kaya natutulala , mga kondisyong siya lang naman ang salarin at ako ang kawawang nabibiktima at napagkakamalang weirdo. Minsan  naiiwan niya ako sa ere pero kadalasan binibitbit niya ako sa mundong kamukhang-kamukha ng earth pero baliktad ang sistema. Kung saan siya ang may kontrol at kung saan ako ay malaya. Mundo kung saan ako ay malayang maging ako at malayang magbago sa paraang gusto ko. Kung saan aurang bida ako. Kung saan pwede ang paulit-ulit na take hanggang hindi perfect ang bawat eksena. Kung saan pwedeng mag-edit. Kung saan ang mga kahinaan ko dito ay siyang abilidad ko doon. Kung saan  masaya lang ako at napapasaya ko ang pamilya ko’t apat na aso.  Nakatira sa isang malinis at organisadong bahay.  Kusang nagigising ng maaga. Laging naghahanda ng almusal.  Pinagtitimpla ng kape ang magulang habang huni ng ibon o di kaya malamyos na kanta ni Birdy ang naririnig. Walang sigawan. Walang sumbatan. Nag-uusap ng maayos habang sabay-sabay na kumakain. May tiwalang matatapos ng maayos ang lahat ng gawain. Walang pressure. Walang cramming. Hindi sinusumpong ng katamaran. Walang kontrabida. Walang tisismosa. Walang judgmental. Kung saan ako ay may silbi at hindi ginugupo ng stress.
Dito sa aktwal na mundo, napakabaluktot ng sistema. Mas uso ang pagiging miserable dahil panandalian ang saya. Miserable palagi dahil sa kaliwa’t kanang problema. Problema. Salitang kapag dumami nakakawalang appetite mabuhay. Problema na kung saan-saan lumilitaw. Laging nakaabang. Laging umeeksena. Kahit pa maghapon nasa harap ka lang ng salamin, makakahanap ka pa rin ng problema kung paanong flat-chested ka pa rin kahit naka push-up bra ka na. Mga problemang pinapapangit ka. Ginagawang emo. Iyong pakiramdam na nabuhay ka para mamroblema, mag-tanim ng problema, mag-alaga ng problema, magparami ng problema at mag-ani ng problema. Once natutunan mo kung ano ibig sabihin ng problema, diyan na nagsisimula ang problema, problemang pwedeng ikaw ang salarin, nabiktima  ng iba o sadyang pinagdiskitahan ka lang ng tadhana.
Kung tutuusin marami din namang dahilan para sumaya dito sa mundo. Sadya nga lamang reklamadora ang mga tao for varied reasons. 1.) Simpleng mga bagay sa araw-araw, ginagawang isyu; naubusan na nang pang- OOTD, di makapag-isip ng status sa fb, konti lang ang nagpuso sa post  sa instagram, iyong bakit kailangan pang magtake down ng notes eh may hand-outs naman na ibibigay ang prof, free sermon ng nanay mo tuwing umaga, tambak na hugasin sa lababo, wala pang sinaing at gutom na gutom ka na pero tinatamad ka magluto. 2.) Isyu ng iba, nangengealam ka katulad ng pangengealam ng Amerika sa pamamalakad ng gobyerno ng Pilipinas. 3.)  Problemang hindi pa naman dumarating pero nagpapanic na, ilan lamang nito ay ang kinakatakutang the Big One at End of the World. 4.) Kahit problemang prinoblema na ng mga sinaunang tao, naisipan pang problemahin tulad ng matagal ng problema kung alin ang nauna, itlog o manok. 5.) Nagpapaapekto sa mga problemang hindi kakayaning solusyonang mag-isa tulad ng Global warming, pambubully ng China sa mga Pilipinong pangingisda, mga adbokasiya ng mga karapatang pantao na nalalabag dahil hindi naman talaga nasusunod. 6.) Pinapahirap ang dati nang mahirap na mga bagay, iyong alam nang wala naman talagang madaling trabaho, reklamo pa nang reklamo, nadedepress lang. Sa aktwal na mundo, isa pang reality check na mas tumatatak sa isip ng tao ang kamalian kaysa sa nagawang kabutihan. Kaya kailangan gumawa lagi ng tama sa mata ng lahat. Palinisan ng reputasyon “kuno”. Pagandahan ng background o record. Magmano sa matanda kahit di mo naman kilala. Ngitian ang nakakasalubong kahit mukhang suplada. Ibigay ang upuan sa matanda kahit ikaw ang nauna sa simbahan. Ngumiti kahit nasukahan ka ng katabi mong bata sa jeep. Matulog ng walang unan dahil pinahiram mo muna sa  bisita. Iyong nagluto ka ng sinabawang baboy, sabaw lang ang naulam mo. Iyong tinitiis mong wag makatulog habang nakikinig ng Homily. Iyong kahit sobra ang singil sa tricycle, pinalampas mo ang inis sa driver. Sa kabila ng lahat ng magandang pakikitungo mo sa iba, nautot ka lang ng pagkalakas-lakas sa loob ng klase, magiging usap-usapan ka na sa buong campus. Pangyayaring hindi sinasadya. Kung tutuusin hindi naman talaga kasalanan. Paano pa kaya kung nagkamali ka talaga ng desisyon?   For example, nangopya ka sa Math at nahuli ka. Kahit pa nag-aral ka sa English at nakakuha ng mataas na marka, iisipin ng tao sa paligid mo mataas ang grade mo sa English dahil nanggaya ka dati sa Math.  Na-label ka bilang cheater kahit na isang beses mo lang naman nagawa. Sa sampung ginawa mong bagay, siyam na tama’t isang mali; iyong nag-iisa mong pagkakamali, natakpan lang bigla ang siyam na ginawa mong tama sa mata nila. Masaklap na reyalidad pero nangyayari. Dito sa mundo, tao ang nasasakdal, tao rin ang nang-uusig. Ang batas ay ang mga tao. Isang masamang salita lang laban sayo, daig mo pa ang pamintang dinurog ng pinong-pino.
Makapangyarihan ang salita. Literal na nakamamatay. Kung may makasalanan mang parte ang ating katawan bukod sa utak at mata, iyon ay ang bibig.  Tama bang sabihan ng bobo ang kapwa nating tao? Lahat naman ng tao may utak. Gaano man kababa ang IQ o mentally delayed man ang isang tao may silbi pa rin siya’t may alam gawin sa mundo. Makatarungan bang tawaging tatanga-tanga ang taong may utak pero walang common sense? Tawaging lampa ang babagal-bagal? low gets ang taong mabagal umunawa ng mga bagay-bagay? Pangit ang may maraming pimples sa mukha? Baboy ang mataba? Poste ang payat? Inutil at walang silbi ang tatamad-tamad? Hindi maiiwasang  may masabi tayo sa kapwa. Kasi lahat naman tayo Bes may flaws pero kailangan bang gamitin ang nakikita nating kahinaan o ang kakulangan ng isang tao against sa kanya? Iyong obvious naman kailangan pa ba talagang sabihin? Iyong tiradang below the belt? Iyong may nakaaway lang, kung ano-ano nang ipinuputak sa social media. Ipagmamayabang pa ang pagiging palengkera. Freedom of Expression “daw”. Minsan mas mabuti pang maging pipi kaysa taong ginagamit sangkalan ang putsang freedom of expression para makapanghusga, makapanlait ng kapintasan ng iba. Freedom of expression na karapatang pantaong madalas abusuhin ang iba pang karapatang pantao. Para bang isang malaking satisfaction na makasakit ng ego ng iba. Kung bakit sumasali sa rally kapag tinatanong kung parang saan at bakit, sinikap pang gumamit ng kung anu-anong artikulo sa konstitusyon eh wala pa ring substance ang sagot, sumali lang pala due to herd-like behavior, sumali lang para ang ganap mapanood ang sarili sa TV o kaya maisamang mailathala sa pahayagan ang pangalan. Hindi mauubusan ng opinionated na tao dito sa mundong ito. Kung paanong respetado, sikat at may titulo ang iilang tsismosa sa showbiz. Minsan kasi tsismis at pag-iisyu sa pagkakamali ng iba ang bumubuhay sa iilang tao. Wala eh, marangal na hanap-buhay daw ito.
Kung paano naging ganito ang mga tao sa mundong ito, hindi ko maisip-isip ang dahilan. Ayoko idahilan ang gasgas na linyang tao lang natural na nagkakamali. Tao lang. Pefectly imperfect. Nakamulatan ko na ang iba’t ibang pangit na mukha ng lipunan na gawa ng mga tao. Bakit naging ganito ang mga tao, bakit pati ako Bes nagpakain sa sistema? Kung tutuusin bata pa lamang, tinuturuan na tayo ng magandang asal, may subject na tayong GMRC o kaya naman EP. Natatandaan ko nga na madalas kong maperfect ang exam kasi madali naman talagang malaman kung anong tama sa mali. Bilang isang bata, nauunawaan ko kung anong tama. Nakakagawa ako ng tama. Sinusunod ang payo ng mga magulang. Ginagawa ang mga nakasulat sa libro kung paano  maging mabuting bata.  Sana  bata na lang ulit ako. Napakadaling gumawa ng tama kapag bata. Kasi kapag bata, close pa kay Lord. Laging nagdadasal bago matulog. Marunong magsorry kapag nagkakamali. Nagsosorry kasi alam ang pagkakamali. Wala pang pride na iingata’t isasalba upang huwag maapakan ng Habang lumalaki, unti-unti umuusbong ang pride bunga ng iilang achievements natin sa buhay dahil nga naman sa may ipagmamalaki o sinasabi na tayo sa buhay.  Ngunit dahil rin sa pride, mas madalas tayo magkamali kung kelan nasa wasto na tayong edad para magdesisyon sa ating sarili. Dahil sa pride, nahihirapan tayong tanggapin ang sariling pagkakamali. Maibangon lang ang pride, ipipilit kung ano ang gusto. Nagiging suwail. Kapag seryosong nabigo, maghahanap ng ibang dahilan. Maninisi ng ibang tao, kukuwestiyunin ang presensya ni Lord  para ang ganap hindi tayo ang lumabas na responsable sa sarili nating kabiguan. Dahil sa pride nahihirapan tayong humingi ng tulong sa iba dahil nga matanda na tayo. Iyong mentality na dapat nang maging independent. Dahil sa pride kailangan nating magkunwaring malakas at matapang kahit ang totoo mahina tayo, tama ba Bes?
Mabuti pa ang bata…wala pang sungay. Honesto sa kapwa. Takot gumawa ng masama. Dito sa mundo, kung sino pa ang matanda siya pang  gumagawa ng kamalian, mostly for pleasures. Nadedemonyo ng desire and wants. Katanyagan, Kayamanan at Kapangyarihan.Tatlong K na laging hinahangad makuha by hook or by crook. Iyong mga kamalian pinagmumukhang cool o astig. Astig ka kung gangster ka o kaya lider ng isang frat. Astig din daw ang naninigarilyo, umiinom, nagmumura’t pumaparty. Sa mundong ito, mas umaasenso rin ang tsismosa. Uso ang networking sa mga adik, yumayaman din sila. Ibinoboboto pa rin ang tiwaling pulitiko. Patok ang mga serye ng sulutan ng may asawa dahil maraming nakakarelate, either bilang isang martyr wife o bilang isang ambisyosang keridang gustong maging legal. Iyong mga lalaki naman, GGSS dahil pinag-aagawan sila. Inaabangan rin ang sampalan at suntukan teleserye man o sa totoong buhay. Kapag may away sa kalye, imbes umawat, pinagpupustahan pa kung sino ang unang mabubuwal. Para bang katuwaan lang sa mundong ito, na may nakikitang nagkakasakitan. Binubully ang umiiyak at mahina.
Kung iyakin ka’t mahina, talagang gagaguhin ka.  Magiging apakan ka ng ibang gustong umabante. Kailangan mong lumaban at makapanlamang muna para ituring kang magaling, mas magaling o pinakamagaling. Masakit man tanggapin, pero ito ang katotohanang gusto kong takasan. Sistema ng walang katapusang kompetisyon. Kailangan mong makipagpatentero sa ibang tao. Makipag-unahan. Makipagsukatan ng kakakayahan. Kailangan ng presence of mind para manalo. Paano ako mananalo, kung parating wala ang presensya ng isip ko dito sa mundo? Wala nang interes. Pagod na sa makailang ulit na pagiging taya. Pagod na para tapusin ang larong linalaro ko araw-araw. Gusto ko ng ma-out forever sa larong wala namang kasiguraduhan.   Lagi kong naihihiling na sana panaginip lamang ang mundong ito. Kung pwede lang na ang mundo sa loob ng isip ko ang siyang totoo. Na kung hindi man ngayon maging totoo, maisakatuparan sa next life ko. Sana nga may reincarnation. Na ang tao mabubuhay, mamamatay at mabubuhay naman pero sa ibang katauhan nga lamang. Iyon bang ang kaluluwa natin malilipat sa panibagong member ng earth.  Tapos hindi na maaalala iyong past life mararamdaman na lang through dejavu. Sa ilang pangyayari sa buhay ko ngayon, may mga part na parang feeling ko nangyari na noon. Ang hiling ko lang sana iyong cast ganoon pa rin. Kung sino ang pamilya ko’t kaibigan ko ngayon, sila pa rin ang makakasama ko sa next life.  
Pero nababahala ako na dahil sa kapalpakan ko dito sa aktwal na mundo,  paano kung ang pinangarap kong mundo hindi na applicable sa panahon na isisilang ako uli. Na dahil patalino na ng mga patalino ang mga tao, mabuhay ako sa panahong ang pagkain ay anyong paracetamol na lamang. Iyong nakatableta. Kung saan nakadispose na ang sandok, kaldero’t pinggan. (on the positive side, di na kailangan maghugas ng pinggan)  O di kaya dahil sa mga kasalanan ko ngayon, maging ipis ako sa next life, (iisipin mong baliw ako pero feeling ko sa bawat ipis na nakikita ko mga kriminal sila during their past life) o di kaya mabuhay ako na nilipat na ang mga tao sa Mars dahil namatay na ang Earth sa global warming. Pwede ring mabuhay ako as endanger specie o di kaya nag-evolve at bagong version na ng tao. Pwede ring mabuhay ako sa panahong history na lang ang mga tao’t extinct na’t ako’y kabilang na sa isang  uri ng extraterrestrial being na naninirahan outside the Milky Way. Well, naniniwala ako sa alien. Sino ba naman ako para isipin na tao lang ang nabubuhay eh ang raming planeta sa kalawakan.
Kinokontra ko rin ang kasabihang, isang beses lang tayo mabubuhay kaya dapat lubos-lubosin na natin. Hindi yata applicable ito saakin, hindi lang dahil umaasa ako sa reincarnation kundi sinasayang ko ang mga sandali sa kasalukuyang buhay ko. Na kapag nagkakaroon ako ng malay sa aktwal na mundo’t nagigising isang umaga, para bang nagising lang ako upang mabigo ulit at matulog na may hinanakit sa aktwal mundo.Sa isang iglap iyong singtaas ng Eiffel tower kong standards, gumuho sa isang iglap. Iyong mga plano ko kasamang tinangay ng hanging amihan kung saan-saan at ni isa wala akong mahagilap.  Sa raming ideas na kumukulit sa utak ko, hindi na ako makapag-isip ng matino. Gulong-gulo na ako. Sinusubukan kong tumakas sa pagpikit, na tumira sa ideal na mundo ko pero nakakafrustrate lalo na kailangan kong magising paulit-ulit bilang bigo dito sa mundo. Kapag mismong sarili ang nagkamali, mahirap patawarin. Defense mechanism na may sisisihing iba. Maghanap man tayo ng sisihin pero at th e end of the day, maiisip mo na iyong “kung di sana ako nagpabaya”, “kung mas nageffort pa ako”. Iyong what “if’s” papasok sa isip mo, magseself-pity, tapos magagalit sa sarili. Sisihin ang sarili.
Iyong feeling na bakit kailangan ko pa magising. Sinubukan kong maghanap ng excuses, manisi ng iba, gumawa ng sarili kong sakit na hindi ko alam kung dahil sa self-pity, panonood ko ng mga drama o di kaya sadyang may disorder na ako sa pag-iisip. Isip ang komokontrol sa buhay ng tao hindi lang ang puso. Mas okay pa magkasakit sa puso kasi pwede palitan pero kelan kaya pwede magtransplant ng utak. Iyong mawala na ang lang linyang life support na lang ang bumubuhay dahil brain dead na ang pasyente.  Sana nga napapalitan ang utak. Iyong utak kong kinakain ang oras ko dito sa mundo na mangarap paulit-ulit ng mundong simple, tahimik, masaya’t hindi iniisip ang sasabihin ng iba.  Gusto ko mapunta sakin ang utak na marunong mag concentrate sa reyalidad. Iyong utak na nanaisin akong buhayin kaysa patayin sa mundong ito. Iyong utak na kayang gawing possible ang pinangarap kong mundo dito mismo sa mundong ito. Iyong maging simple, tahimik,masaya’t hindi iniisip ang sasabihin ng iba.
-Ybba, the devil’s advocate
0 notes