Don't wanna be here? Send us removal request.
writingbeesblog · 2 years ago
Text
Pseudonym: Exesar
Teenage pregnancy
( essay)
Ang Pilipinas ay isa sa pinakamataas na teenage pregnancy rate sa mga miyembrong estado ng ASEAN. Mahigit 500 kabataan ang nabubuntis at nanganganak araw-araw. Ang prematurity ay nakakapinsala sa kalusugan at nagbabanta sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Ang mga buntis na tinedyer ay mas malamang na makatapos ng mas mataas na edukasyon at mas malamang na kumita ng malaki sa kanilang buhay, na lumilikha ng isang pang-ekonomiyang gastos sa bansa.
Ito ay negatibong nakakaapekto sa kanilang pag-aaral at mga plano sa hinaharap. Ang pagbubuntis ng mga kabataan ay nauugnay din sa mas mataas na panganib ng mga problema sa kalusugan tulad ng anemia, sexually transmitted disease (STDs), premature birth, postpartum bleeding, at mahinang kalusugan ng isip.Ang mga ina na may mahinang kalusugan ay mas malamang na magkaroon ng mga sanggol na mababa ang timbang, hindi sapat na pandagdag na pagpapakain at pagpapasuso, madalas na mga impeksyon at hindi sapat na nutrisyon, kalusugan at pangangalaga, at ang cycle ay nagpapatuloy sa mga henerasyon.
Para sa mga kabataang aktibo sa pakikipagtalik, ang paggamit ng mabisang birth control pill (hal., condom, birth control pill, patches, vaginal rings, IUDs o IUDs, at/o injectable contraceptive) tuwing nakikipagtalik sila ay maaaring mabawasan ang posibilidad ng hindi gustong pagbubuntis.
0 notes
writingbeesblog · 2 years ago
Text
Pseudonym: Satoh keid
"TAGPUAN"
(short story)
Isang tahimik at malamig na gabi, nakaupo habang nag-iintay ang isang binata sa MALL OF ASIA SEASIDE, oras na ng hapunan ngunit di nais na malayo ang sipat sa magandang tanawin ng lugar, kaya't kinuha sa MALETA ang isang supot ng ENSAYMADANG panlaman tiyan at isang BOTE NG TUBIG pampawi ng uhaw. Habing bitbit ang maleta ay pinagmamasdan ang maliwanag na ilaw na nanggagaling sa buwan at nilalasap ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa malalim at tahimik na dagat...11:30 na ng gabi nang dumating ang kanyang sundo, at yun ay ang kanyang kasintahan. Nang magtagpo ang mga mata ay di napigilang mapaluha di dahil sa lungkot na nararamdaman kundi sa labis na tuwa at galak, dali dali'y lumapit sa isa't isa na sinundan ng mahigpit na yakap at halik ng dalawang pusong nagmamahalan na pinaglayo ng matagal na paglipas ng panahon at oras.
0 notes
writingbeesblog · 2 years ago
Text
Pseudonym : Sanie Leque
"Pag-ibig nga naman"
Puso'y puno ng galak
Sa mata mong kay ganda
Ngiti'y di maipinta
Tumblr media
Nang ikaw ay makita
Sa isip di mawala
Mahal kong sinisinta
0 notes
writingbeesblog · 2 years ago
Text
Pseudonym : Archerian
Flash Ficton
Beach
The day is pale, the sky gray, a mind full of thoughts. The ocean breeze moves back what little hair he has remaining atop his head, and he smiles
Rides
My armour assembled in my body, I ride on my motorcycle and drive; saving lives.
The Darkest
My dad! “Oh. How is he doing? "I'm not sure. We haven't met since the operation.
0 notes
writingbeesblog · 2 years ago
Text
Pseudonym: Satoh keid
            " SPILL THE TEA" 
Isinulat nina : Quenie Sale, Lynuel Cellacay , John Benedict Bustamante, Christian Toling
MGA TAUHAN : 
TRISHA -  isang matapang na babae kung saan pinanindigan niya ang  kanyang sarili sa kung ano ang karapat dapat na maging desisyon niya sa buhay., nag aaral sa maynila, probinsyana at may tatlong kaibigan na kababata.
CAMILLE- Mayamang kaibigan, at kababata ni Trisha. 
MARIEL - Isa sa kaibigan at kababata ni Trisha, maingay,  matakaw
KYLIE- Kaibigan at kababata ni Trisha, seryosong babae, mahilig tumingin ng matitipunong lalaki.
MARK-  Makisig, Mala artistahin ang mukha, Isa sa mga  magagaling ng player ng basketball sa kanilang probinsya. Nagugustuhan ni Trisha at kasintahan ni Tina. 
TINA- Kasintahan ni Mark
CARL- Moreno, Matipuno ang pangangatawan, matangkad, at galing sa marangyang pamilya, kababata ng apat na magkakaibigan at may pagtingin kay Trisha.
SYNOPSIS
      Sina Trisha, Camille, Mariel, Kyle ay magbabarkada simula pagkabata nila. Isang pamilya na nagtuturunginan sa isa't-isa. Mula sa relasyon na papasukin ni Trisha ay kanya kanya ang batuhan ng mga opinyon. 
      Sina Mark at Carl  ay ang dalawang tao na pumasok sa kanyang buhay. Naiibigan ni Trisha si Mark, ngunit si Mark ay mayroon nang kasintahan na si Tina. Mula sa mga opinyon at boto ng kanyang mga kaibigan napagtanto na niya na masasaktan ang kanyang puso kung pipiliin niya ang gusto nito. Nararapat na tingnan ang kanyang tunay na kulay bago ang panlabas niyang anyo.
ANG TANGHALAN :
Isang maaliwalas na panahon ng sabado ng umaga. Inaya ni Camille ang kanyang mga kaibigan at kababata na sina Trisha, Kyle at Marie sa Coffee Shop na pagmamay ari nito sa kanilang probinsya upang makasama at makabonding ang mga ito at makamusta sila tungkol sa mga ganap nila sa buhay sapagkat ilang taon din silang hindi nagkita kita. 
[ Habang nakaupong nag-iintay, dumating na rin si Trisha]
CAMILLE: Oh!, narito ka na pala Trish. Pasok ka.
[ Agad na binuksan ni Camille ang Sliding Door ng Shop]
 
TRISHA: Ay akala ko narito na sina Mariel at Kyle.
CAMILLE: Hindi ko nga alam dun sa mga iyon. Siguro may ginagawa pa kaya hindi agad makapunta.
TRISHA: Nag iwan ako ng message sa dalawang iyon, hindi pa ako sineseen.
[ Umupo ang dalawa sa sofa]
[Agad na kumuha si camille ng tinapay na best seller nila sa shop at Isang tasa ng chocolate para kay Trisha]
CAMILLE: Makakapunta ang dalawang yon, baka may inaasikaso lang. 
[ Agad na inabot ni Camille ang kanyang dala dala]
TRISHA : Oyyyy!, Namiss ko ito. Ang tagal ko na rin hindi na natitikman ang palagiang libre ni Camz.
[ Hinampas ni Camille ang balikat ni Trisha, sabay tumawa ang dalawa]
CAMILLE: Ang tagal mo kasi sa Maynila, Namimiss ko kayong tatlo.
TRISHA: Kumusta ka naman dito, Camz?. Lalo na yung pag aaral mo?
CAMILLE: Ang hirap nga eh! Lalo na yung course na kukunin ko.
TRISHA: Huwaww! Mas lalo naman ako. [ patawa nitong sabi]
CAMILLE: kung " Education is the key to success" , sino nagtago ng susi. . Hirap na hirap na ako.
TRISHA: Baliw ka talaga ,bat ba kasi Doctorate pa kinuha mo, ang hirap nun.?
 [sabay tawa at inabot ang tasa mula sa mesa]
CAMILLE: No choices gusto din kasi ni mommy na sumunod ako sa apak niya, haysss.
TRISHA: Puro ka nalang aral ang inaatupag mo baka maging Einstein ka na niyan. [sabay tawa ng mariin]. Magkaroon ka din ng time para sa sarili mo. 
[ Biglang mayroong kumatok sa sliding Door]
MARIEL: [ kumatok]. Do you wanna build a snowman? Come on, let's go and play!
I never see you anymore. Come out the door. It's like you've gone away
  [pakantang tinig]
TRISHA : Huh? (pagtatakang sabi)
[ Agad na lumingon si Camille at Trisha. At binuksan ito ni Trisha ang Sliding Door nang makita niya ang dalawang kaibigan. ]
TRISHA : Oyyy!! Bestieeee. Hala antatangkad niyo na!! [sabay napayakap sa dalawa na may kasamang ngiti]
MARIEL: Well, ganyan talaga kapag inaalagaan. 
KYLE: Trish, lalo kang gumaganda, ano bang secret mo ha? 
TRISHA: [Naglalagay ng pampaganda sa mukha] Wala naman akong secret, Natural na talaga itong beauty ko beh.
[ Sabay na malakas na tawa ng tatlo]
CAMILLE: Mga teh, pumasok na kayo rito. Baka masira skin niyo dyan sa labas.
[ Agad naman na pumasok ang magkaka ibigan ]
[ Umupo sila sa isang sofa at umalis muna sa usapan si Camille upang handaan ang dumating na kaibigan.]
TRISHA: Naks naman!! ang ganda mo ngayon Kyle ha. 
KYLE: Noh ka ba, as always naman akong maganda. Since birth pa [sabay kurap sa dalawang mata].
[ Nagtawanan ang tatlo sa sinabi ni Kyle]
[ Humigop si Trisha ng Chocolate sa kanyang tasa]
KYLE:  Hilig mo talaga sa chocolate Trish..
TRISHA: Chocolate is my achilles' heel. Hindi ako mabubuhay haggatt di ako nakakainom nito. [ at uminom ulit ng chocolate sa kanyang tasa]
MARIEL: Oh, ikaw Trish. Balita ko may nagugustuhan ka daw rito sa baryo natin. Spill the tea naman diyan!!. [ patawa nitong sabi]
TRISHA : Huh? Sino nagsabi nun?... [ Gulat na pagkasabi ]
MARIEL: Edi, sino pa? Edi yung kaibigan nating marites as always.  [ Patawang sabit]
[ Ang tatlong magkakaibigan ay nagkatitigan at tumingin kay Camille na may hawak na tasa na naglalaman ng kape]
KYLE: Edi si Camille [ Sabay tawa]
[ Papunta si Camille sa kina-uupuan ng tatlo]
CAMILLE: Oh? Bat kayo ganyan makatingin sa akin. May dumi ba sa mukha ko?
[pagtatakang pagkakasabi ].
[ Muling nagkakatitigan sina Trisha, Kyle, at Mariel. Sabay na humalakhak]
CAMILLE: Oyy! Ano ba , ano ba kasi iyon? [ pagtataka na tinig]
KYLE: Umupo ka nga dyan, Camz.
CAMILLE: Ano ba iyon?
[Tumingin si Trisha kay Camille]
TRISHA: Ikaw ang nagsabi non?
CAMILLE: [kumunot ang noo] Ang alin?
MARIEL: Yung about kay Trish, Yung sa guy na nagustuhan niya dito.
KYLE: Ano yun? Bat hindi ko yun alam ha.
CAMILLE: Ah, nakuha ko na [Sabay tawa]
[ Maya maya ay mayroong narinig na tawag mula sa Bag Ni Trisha.  Umalis muna si Trisha upang kausapin ang tumawag sa kanyang cellphone]
KYLE: Ano ba iyon? Anong sinasabi niyong guy? Ever since na magkaibigan tayo wala namang nagugustuhan yan si Trish. Isama mo pa yung sobrang busy niya sa Maynila.
CAMILLE: Ganito kasi ang sabi sa akin ni Trish, na yung guy na iyon is nakilala niya lang dito. Diba yung tita ni Trish ay mayroong scramble na negosyo. Saktong sakto hindi siya masyado kilala sa baryo natin dahil ilang taon na siya wala rito. 
MARIEL: Ang sarap kaya ng scramble na yun parang ice cream. [Natatakam nitong banggit]
KYLE: Manahimik ka nga dyan Mariel. Puro kain na lang inaatupag mo. 
[ Nagtawanan sina Camille at Kyle]
MARIEL: By the way, Camz may tinapay pa ba kayo?
CAMILLE: Sabi na nga eh, [tumawa]. Meron diyan kunin mo nasa taas ng ref naka tupperware yun.
KYLE: Hay, naku! Balik ulit tayo sa topic. So ano ginawa at paano niya nakilala si guy? 
[ pagbalik ni Trisha ay agad na tumingin ang magkakaibigan sa kanya].
TRISHA: Oh anong ganap? Bakit nakatingin na kayo sa akin?
KYLE: Yung guy na iyon, Anong name?
TRISHA: Bakit gusto niyong malaman? [pagtataka nitong sambit]
KYLE: Parang hindi kaibigan Trish ha.  [malungkot na tinig)]
[ Humigop ng kape si Camille at napatingin si Trisha at Kyle kay Mariel na pabalik sa kina-uupuan na may dalang maraming tinapay]
CAMILLE: Hindi ka ba nabubusog Mariel?
MARIEL: Gutom pa ako beh, paano ba naman kasi ang layo ng pinuntahan namin ni Kyle.
 [ sabay kagat ng malaking tinapay]
KYLE: Okay balik tayo, so anong name nya?
TRISHA: Si Mark.
KYLE: OMG! As in si Mark yung dati kong kaklase?!
[ Kinuha agad ni Kyle ang kanyang cellphone sa bulsa at ipinakita  ang picture ni Mark]
KYLE: Ito? 
[ Tumango naman si Trisha sa picture na ipinakita ni Kyle]
CAMILLE: Ayan ba yun? Diba may jowa na yan? [malakas na tinig ng may halong pagtataka]
MARIEL: Wait! [Ibinaba ang kinakain niyang tinapay] Patingin nga ako [kinuha ang Cellphone ni Kyle] . Kasama ko yan sa inuman nung birthday ng jowa niya si Tina.
KYLE: Eh paano mo naman nagustuhan niyang si Mark? Aber.
TRISHA: Ganto kasi yun, hindi ko alam kung anong pakiramdam na mainlove pero habang nag seserved ako ng scramble. Tapos pag-abot ko sa kanya bigla na lang tumibok ang puso ko. Hindi ko mai-alis ang mga tingin ko sa kanya at hindi ko alam kung anong gagawin ko nang mga oras na iyon. Hindi ako mapakali! Bakas din ang labis na ngiti sa mga mata at labi ko. [Nakangiti habang iniisip ang pangyayari] Napaisip rin ako na baka na love at first sight nga siguro iyon.
MARIEL: Ayiehhhh, grabe ka na talaga Trish. Iba ka sa nakilala ko. [Sabay tawa]
CAMILLE: Nag served ka lang ng Scramble bigla na tumibok puso mo!. Ano kaya yun?
TRISHA: Hindi niyo kasi maintindihan na gusto ko rin na pinaglalaanan ng pagmamahal.
 [ malungkot na tinig na may halong panginginig na boses]. Wala man lang nagmahal sa akin nung panahon na down na down ako sa mga problema ko. 
[ Tinapik ni Kyle  ang likod ni Trisha]
KYLE: Alam ko naman yun Trish, pero may jowa na kasi yung nagugustuhan mo tsaka masasaktan ka rin bandang huli.
MARIEL: Mali rin kasi kayo, hindi naman kasalanan magmahal pero bakit parang pinararatangan niyo si Trish. Hindi ba kayo nagmahal ha? [Kinuha ang isa pang tinapay na nasa tupperware.]
CAMILLE: Nagkaroon na ba ng conversation between you?
TRISHA: Ilang months kaming nag usap….
CAMILLE: ANO?! Hindi na kita maintindihan Trish , paano kung nahuli ka ng jowa niya. Edi magkakagulo kayo?
TRISHA: Hindi pa kasi ako tapos Camz , pa tapusin mo muna ako. Pwede? 
CAMILLE: Ay pasensya na nabigla lang talaga ako. Concern lang naman ako sa frenny ko. [sabay yumuko ang ulo].
TRISHA: Sinabi niya sa akin na may feelings na siya sa akin, pero inayawan ko sinabi ko na maging kaibigan na lang tayo. Ayoko na ako yung dahilan ng ng problema nila. [malungkot na boses].
CAMILLE: So anong balak mo sa nanliligaw sayo na si… Sino nga yun Trish, si Carl yun diba?. 
TRISHA : Ou, si Carl yun. 
CAMILLE: Eh, paano siya?. Sasagutin mo ba?.
TRISHA: Hindi ko alam gulong gulo na buhay ko sa nangyayari. Hindi ko alam kung sasagutin ko din siya. Baka masaktan lang din siya sa  nangyayari.
MARIEL: Sino ba yun si Carl? . Siya ba yung kababata natin dati na binigyan si Trisha ng bulaklak?. Awww ang sweet!!!!. [sabay yakap kay Camille, at agad naman itong inalis sa pagkakayakap]
CAMILLE: Manahimik ka nga Mariel, kumain ka na lang ng tinapay dyan.
MARIEL: Eh busog na ako. Atsaka ang dami ko ng nakain. [sabay hawak sa tiyan]
CAMILLE: Ano na Trish, Ano na balak natin sa buhay lovelife mo?
[ Biglang mayroong kumatok sa Sliding Door. Lumingon ang Apat na magkakaibigan sa pinto.]
CAMILLE: Sino yun???
[ Binuksan agad ni Camille ang kinaroroonan ng isang makisig na lalaki.]
[Agad naman itong pinapasok ni Camille at abot naman sa tenga ang ngiti ng lalaki sa kinaroroonan ni Trisha.]
CARL: Magandang araw sa inyo.
CAMILLE: Ano ang maipaglilingkod ko sayo?
[Habang tinatanungin ni Camille si Carl sa kung ano ang sadya nito ay sa kabilang dako ay naglilihis si Trisha ng tingin na agad namang napansin ni Mariel na kanina pa tingin ng tingin kila Trisha at Carl na kanina pa kinikilig]
KYLE: Uy, Trish kanina ka pa balisa dyan.
[Umupo na si Carl ay agad na tumingin ito sa kinaroroonan nila Trisha.]
MARIEL: Siya ang tinutukoy ko kanina yung nagbigay kay Trisha ng bulaklak noong bata pa tayo. [sabay turo at sundot sa tagiliran ni Trish dahil kinikilig].
TRISHA: Uy, ano ba? [Nagulat sa pagkakiliti sa kanya ni Mariel].
KYLE: OMG sis!!, Grabe yung differences ni Carl ha!. 
TRISHA: Manahimik ka nga dyan teh!!.
KYLE: As in ang daming pinag iba sa kanya , [ inilabas nito ang daliri na para bang nagbibilang]. Mala Tito ang pormahan, tapos ang cute niya, ang ganda ng kutis, may kamukha siya parang si joshua garcia , owemjieeee !!!!!. [tinapik si Trisha]  Trisha, gora na ako dyan.  
[at humalakhak ]
 [Napangiti nalang si Carl sa narinig]
[Pagkalapag ni Camille ng order ni Carl ay inanyayahan nitong lumipat sa table nila sapagkat ay kababata naman nila ito]
MARIEL: OMG!!, papalapit na siya [sabay sundot na naman sa tagiliran ni Trish].
KYLE: Nandyan na yung manliligaw ni Trisha  girls [sabay tili ng mahina].
CARL: Hi girls, naalala niyo pa ba ako?  [malambot na boses nitong pagkakasabi].
MARIEL: Tama ba na ikaw yung guy na nagbigay  ng flowers kay Trisha nung bata pa tayo?
CARL: Actually, yes….
[biglang nalaglag ang shades na hawak ni Carl, sinusubukan itong pulutin ni Carl ngunit hindi niya maabot dahil nasa ilalim ng kinauupoan ito ni Trisha, Agad naman napansin ni Trisha kaya kinuha niya ito. Hindi sinasadya nauntog ang ulo ni Trisha sa lamesa at siya ay natapunan ng chocolate na kanyang inumin. ].
[ Nagulat ang lahat dahil sa pagtama ni Trisha sa ilalim ng lamesa].
TRISHA: shocksss!!!.. Carl shades mo pala … kainiss!!! [ inaabot kay Carl ang shades].
CARL:  I’m sorry Trish…
TRISHA: No, it’s okay
CAMILLE: owemjieee!!!! ayos ka lang sis!? [Agad kinuha ang kanyang bag, at inabot ang tissue]. ohh.. Tissue beh.
TRISHA: uhmm guys, punta muna ako ng cr…
KYLE: May extra shirt ka ba dyan pampalit o…..wala [ agad na tumango si Trisha]. ?
CAMILLE: Sorry Trish, wala akong dala eh
KYLE: Ikaw Mariel may extra Shirt ka ba dyan?
MARIEL: Ay teh , alaws ako hehehe
CARL: I’m sorry to bother you pero , i have shirt naman. [ ngumiti ang magkakaibigan maliban kay Trisha].
KYLE: owwsss!!! [sabay tawa].
TRISHA: Its okay guys, ayoko naman din manghiram sa guy dba?! [ pagtataray nitong sabi].
CARL: Atsaka don’t worry Trish.. kagagaling lang yan sa Mall. Ibibigay ko sana sayo as a gift
[ kinuha agad ang shopping bag sa kabilang upuan]. Oh ito pala [ ngiting pagkakasabi].
[ Tumili ang magkakaibigan sina Kyle, Camille, at Mariel]
KYLE: Tanggapin mo na Trish kesa naman lalanggamin ka sa tamis ng chocolate, hindi ka pa nga natatapunan ang dami ng langgam na aaligid aligid dito sa atin sa sobrang tamis niyong dalawa. [ agad na humalakhak sa tawa ang lahat]......
 [ kumati sa kanyang braso]..... haysss dami talagang langgam.
TRISHA: oh, sige na nga no choices.
[ agad na umalis si Trisha upang magpalit ng kanyang damit]
MARIEL: Carl, can i ask something?
CARL: yes, sure. ano iyon?
MARIEL: Hindi ka ba napapagod kakaantay na sagutin ka ni Trisha, uhm.. many years ka na din kasi inaayawan ni Trish pero until now nandyan ka pa din kahit napakasungit ng kaibigan namin sa iyo.
CARL: Once alam ko yung personality malalaman mo talaga na ‘ ito na yung taong pagtitiyagaan ko kahit gaano pa ito tinotoyo’ syempre ang babae magpapa hard to get pa yan eh. Sinisigurado ng iba na hindi sa una lahat magaling if you interested in things syempre pagtitiyagaan mo dba?. [ agad na tumango ang tatlo]. Mas appreciate niya yung efforts, love at assurance binibigay mo sa kanya. Sabi nga ni Mark Taiwen,  ‘‘ Never allow someone to be your priority, while allowing to be their option.’’ [ pangiti nitong sambit].
KYLE: Pero Carl what if hindi ka niya pinili at may taong siyang pinili niya?
CARL: No choice Kyle, magiging masaya na lang kung ano desisyon ni Trisha. Ayoko din na puwersiyahin siya. [ malungkot nitong tinig].
KYLE: Hahanap ka ba ng iba kapag hindi ka pinili?..
CARL: Balak kong mag pari o di kaya hahanap ulit ako ng taong desurving para sa akin.
KYLE: Ahhh, Pwede ba ako sa mga choices mo Carl?[ ngiting nitong sabi].. [ Agad na tumingin si Mariel at Camille at tumawa]. 
[ Bigla nitong hinampas  ni Camille ang braso Kyle]
[Ngumisi naman si Carl sa ginawa ni Camille].
CAMILE: Sa tingin mo magugustuhan ni Carl , Kyle?.
KYLE: Baka palarin Camz. [ sabay humagikgik sa tawa].
[ Dumating si Trisha na suot suot ang biniling Tshirt ni Carl].
[ Tumingin ang lahat sa pagdating ni Trisha at bakas sa kanilang mukha ang ngiti ].
MARIEL: Woahhhh!! bumagay sayo yung damit ah.
KYLE: Halatang pinaghandaan ni Carl ang pangyayari. 
[ Tumawa ang lahat dahil sa sinabi ni Kyle].
MARIEL: Seryoso talaga ang binata sa bff natin. [ngiting nitong pagkakasabi].
CAMILLE: [Agad na tumingin sa kinaroroonan ngayon ni Carl]  Carl, mapaninindigan mo ba tong kaibigan namin?
[Sina Kyle, Mariel ay napatingin kay Camille at nagulat sa sinabi kay Carl]
Camille: Bat ganyan kayo makatingin sa akin?  [tanong nito sa mga kaibigan]
Mariel: Ay sus, makapagsalita naman to kala mo ang tanda tanda na(sabay halakhak)
CARL: Oo naman, si Trish na lang naman ang inaantay ko [ngumiti sabay tingin kay Trish]
 
MARIEL: Trish, Ipu pursue mo pa yung feelings mo kay Mark? [ nadulas na pagkakasabi].
KYLE:  Manahimik ka nga dyan Mariel ang ingay mo. [ Sabay kurot sa tagiliran ]
 [ Maya maya ay tumingin si Carl kay Mariel dahil sa kanyang narinig]
MARIEL: Aray naman!... Bakit?? .
CAMILLE: Ikaw talaga Mariel pinapahamak mo kaibigan natin.
CARL: Tama ba narinig ko, may nagugustuhan na si Trisha? [ sabay tingin sa mga mata ni Trisha na may kalungkutan ang tinig].
 [Lalong hindi makaimik si Trisha sa tanong ni Carl].
MARIEL : uhmmmm… CARL.., ehhehehehe. Totoo kasi niyan na may nagugustuhan na si Trisha. 
 
[biglang tumahimik ang paligid dahil sa nalaman ni Carl ].
CARL: Ahhh, kung ganoon edi mabuti.  [ tumingin sa mga mata ni Trisha na may pagkabigo]. uhm guys, pwede ba ako mag out muna para mag cr?
KYLE: Ayan na yung sinasabi ko Mariel, hinayhinay sa pananalita may na aackward sa ginagawa mo?  
 [ nanahimik na lamang sa tabi si Mariel dahil sa pananalita ni Kyle sa kanya].
CARL: Okay lang yun Kyle.
TRISHA: Wag mo na awayin Kyle si Mariel pagkakamali ko yun guys, at hindi ko agad sinabi kay Carl kaagad. Pasensiya na.  [ malungkot na tinig].
CARL: Sino ba si Mark na yan?... ay waitt pagbalik ko nalang, need ko na mag cr…I’m sorry 
CAMILLE: Nope , It’s Okay Carl..Later pagbalik mo na lang.
 [ Agand naman umalis si Carl upang pumunta sa Cr].
[Habang wala si Carl ay agad na tinignan ng magkakaibigan si Trisha na kanina pa walang kibo]  
 
CAMILLE: Oh! ano Trish, mukhang maayos naman si Carl kumpara kay Mark. 
KYLE: Oo nga, at isa pa single siya at ready to mingle sayo (sabay tawa)
MARIEL: oo nga teh, at least doon kampante ka ng ikaw lang.
CAMILLE: Anong balak mo Trish?
TRISHA: Naguguluhan pa rin ako, kasi matagal nang nag-aantay sakin si Carl. Si Mark naman ang siyang nagpatibok ng puso ko.
CAMILLE: Bat ka kase nakafocus dun sa nagpatibok ng puso mo?....Hindi lahat ng nagpapatibok ng puso ay totoo at nagtatagal at isa pa baka kase mamaya nagpapabola ka naman kay Mark.
KYLE: Napakalaking redflag nyan si Mark. Kung talagang faithful siya sa girlfriend niya ay hindi ka niya ieentertain. Kung sakaling siya ang piliin mo masisiguro mo bang hindi niya gagawin sa iba yang ginagawa niyong pag-uusap ng palihim?
TRISHA: (monologue) Alam na ni Carl ang nagugustuhan ko. I’ m sure na aackward yun sa sinabi ni Mariel. Paano pala noh kung nalaman niya na kinakausap ko si Mark while he's having girlfriend, magbabago ba pagtingin niya sa akin o pagtrato?.. Naging loyal at nag eeffort siya tuwing birthday ko, di lang yan nagawa niya pa ako bigyan ng shirt [ sabay tumingin sa shirt na suot suot niya]  kahit ilang beses ko siya nireject at ilang taon na pag sasabi ko  sa kanya na wala siyang chances na gustuhin ko siya dahil sa attitude ko.….. I feel guilty sa mga pinaggagawa ko lalo kung pinapahirapan siya. Deep inside nahihirapan siya pero want pa rin mahalin ako at tanggapin sa mga desisyon ko sa buhay kahit niyang alam na masasaktan siya.
 [ nagulat na lamang si Trisha dahil sa pagtapik ni Camille sa kanya].
CAMILLE: Oyyy!!!!! Are you okay? May problem ba Trish?.
TRISHA: I feel guilty, guys. [ nagluluhang sabi].
CAMILLE: For what?? [ hinimas ang likod ni Trisha].  about ba sa sinabi Mariel kanina?. 
TRISHA: Sa pinaggagawa ko  [ tumulo ang luha mula sa mga mata ni Trisha].
KYLE: waitt… umiiyak ka ba Trisha??.  [ tiningnan ang mukha ni Trisha]. Umiiyak nga.
MARIEL: May problema ka ba Trish?, I’m sorry kanina dahil sa kadaldalan ko  [malungkot na sabi].
TRISHA: Nope di mo kasalanan yun Mariel, ako dapat ang manghingi ng tawad kay Carl�� 
[ bakas kay Trisha sa mga mata nito ang pagsisisi, tumulo ulit ang luha nito].
 [ agad naman niyakap ng lahat si Trisha dahil sa kalungkutan ng kanyang nadarama].
CAMILLE:  Sabi nga ni Helen Rowland ‘‘ The hardest task in a girl’s life is to prove to a man that his intentions are serious’’ Ohhh diba isa yan sa mga favorite kung journalist. If man really love you, hindi yan magsasawa kung gusto niyang makamit ang matamis mong ‘‘oo’’. At saka simula bata pa tayo ikaw parin yung pinapangarap niya hanggang ngayon. [ Agad naman tumili dahil  kilig ng magkakaibigan kay Trisha]. Pahirapan mo man siya kahit nasasaktan pa siya G parin yan basta hindi niya masasaktan ang pinakamamahal niya. 
MARIEL: Awwww!!! ang sweet naman yan, I wish may ganyan taong mag titiyaga kahit napaka maligalig ko hayss…
KYLE: Meron naman talaga sa tamang panahon .  [ agad naman humalakhak sa tawa ang magkakaibigan].
TRISHA: Thank you mga teh, alam na alam niyo yung kung kailangan ko ng comfort sa napakaraming problema na dumadating sa buhay ko. Kayo talaga yung kaibigan na hindi ako binigo.
CAMILLE: Awww!!  [ Nagyakapan ang apat at may mga ngiti sa kanilang mga labi].
 [maya maya ay bumalik na si Carl mula sa cr].
CARL: Hi girls, Uhmm bat ganyan yung mga mukha niyo? May problema ba?.
CAMILLE: Ah wala naman Carl, usapang babae lang  [ngumiti].
CARL: Pasensya na natagalan , sumakit bigla ang tiyan ko dahil siguro sa kinain ko kanina sa Mall hehhehhehe.
 [ Umalis muna si Camille upang kuhaan si Carl ng coffee].
CARL: uhm , girls sino pala yung nagugustuhan yung sinabi kanina?
 [ bumalik muli sa upuan si Camille at iniabot nito kay Carl ang kape. Agad naman itong tinanggap at pinasalamatan si Camille].
CAMILLE: Ah ayon si Mark yun.
CARL: Sinong Mark?  [ humigop ng mainit na kape mula sa kanyan tasa].
MARIEL: Taga dito din siya, isa rin yung sa mga magagaling na basketball player sa probinsya natin.
CARL: ah so saan kayo nagkakilala, Trish.  [ agad tumingin ang lahat si Trisha at uligaga sa hawak niyang cellphone. ].
TRISHA: huh?.... pasensya na may nag message lang.
KYLE: About sa tanong mo Carl…..
[ Nagtaka ang lahat dahil mayroong kumatok sa sliding door ng Coffee Shop at nahinto ang kwentuhan ].
[ aged pinuntahan ni Camille sa pintuan. ].
[  Habang nakikipag usap si Camille sa kumatok sa sliding door, tinapos na ni Kyle ang relasyon ni Mark kay Trisha ].
CARL: Papayag ka nun,Trish? Eh hindi matinong bf yan kung nakikipag usap siya sayo na hindi alam ng gf niya. 
[ Dumating si Camille na may kasamang guy ].
MARIEL: Trish, nag message ba sayo si Mark na pupunta siya dito? [ pagtatakang sabi ].
[agad na tumango si Trisha kasabay nito tumingin si Carl sa kinaroroonan nila Camille at Mark ].
KYLE: Diba si Mark yung kasama ni Camille
MARIEL: Oo nga eh, kaya tinatanong ko si Trisha.
[  nakita ni Mark si Trisha kaya pumunta ito at umupo ].
MARK: Oh!! Trish nandito ka pala. [  ngiti nitong pagkakasabi].
KYLE: Bakit ka nandito?
MARK: May gusto lang ako sabihin kay Trisha , ayoko kasi idaan sa messages lang. Gusto ko sana makausap si Trisha ng kaming dalawa lang.
MARIEL: Pwede naman sa kabilang table na lamang kami.
CARL: What if gusto ko makinig sa usapan nila.. [ sabay kuha sa tasa na naglalaman ng kape].
[ bigla na lamang hinatak ni Camille si Carl kaya di nakapalag ito].
 [ Agad naman lumipat ang tatlong magkakaibigan at si Carl sa kabilang Table ng Coffee Shop].
MARIEL: Ano kaya pinag uusapan ng dalawa….. 
[ Nakatingin si Carl kila Trisha at Mark  habang humihigop ng kape , kaya tinapik ito ni Kyle ].
KYLE: Oyyyy!! para kang nag hahamon ng away kanina pa masama titig mo kay Mark ha.
MARK: Masama lang talaga kutob ko sa lalaking yan kay Trisha.
* SA KINAUUPOAN NILA TRISHA AT MARK*
MARK: Uhm.. Trish, May gusto sana ako sabihin sayo.
TRISHA: Ano yun? [ habang tumitingin sa mga mata ni Mark].
MARK: Hiniwalayan ko si Tina nakaraang buwan pa, balak ko sanang magsimula tayo at buoin yung nararamdaman natin sa isa’t isa. [ at sabay hinawakan ang kamay ni Trisha, tinanggal naman ito ni Trisha dahil naiilang siya].
* SA KINAUUPOAN NILA CARL AT TATLONG MAGKAKAIBIGAN*
[ Lalong tumindi ang pagtingin ni Carl kay Mark dahil sa inis paghawak ng kamay nito kay Trisha].
CARL: Hindi na nagiging comfortable si Trisha kay Mark [ tumayo si Mark ngunit pinigilan ito ni Kyle].
KYLE: Umupo ka nga dyan Carl!! Kaya kaya yan ihadle ni Trisha yan. 
[ Agad naman iniba ni Mariel ang usapan upang malibang si Carl].
MARIEL:  By the way , kumusta pala ang pag aaral mo sa Maynila, Carl? [ habang kumakain ng tinapay].
CARL: Okay lang naman, Hindi naman nahirapan mag communicate sa mga taga syudad.
MARIEL: May mga friends ka bang nakilala dun?
CARL: Meron, marami naman pero hindi naman ako nag fofocus dun. 
[patuloy pa rin ang pagtingin kila Mark].
[ Maya maya ay may sunod sunod na tumunog ang notification ng messenger sa bag ni Mariel, kaya agad niya kinuha ang kanyang cellphone mula bag.].
( messenger Chats)
*TINA 
 : Good Afternoon , Mariel. Nakita mo ba si Mark?. 
Sabi kasi sa akin ng kaibigan niya sa liga na pumunta dyan sa Coffee Shop ng kaibigan mo.
     
       : Reply, asap. Thank you.
3:15 pm. NOW..
*MARIEL
: Yes. kakadating palang , Bakit?
sent. 3;16 pm Seen…
  
[ Hindi na nag reply si Mariel kaya binalewala na lamang niya, ikinuwento ni Mariel kay Camille at  Kyle].
CAMILLE: Bakit daw??...[pagtatakang sabi].
MARIEL: Hindi ko din alam.
[ Patuloy pa rin ang pagtingin ni Carl sa pagmumukha ni Mark].
*SA KINAUUPOAN NI MARK AT TRISHA
TRISHA: Ganoon ganoon nalang Mark!!!? Pagkatapos mo iwanan si Tina sa iba ka na naman kakapit!!?..[ inis nitong sabi].
MARK: Alam ko mali ako dun!!, ang hirap niya kasi maintindihan.
TRISHA: So bakit mo siya hiniwalayan??!!!
MARK: Nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan kaya nauwi sa hiwalayan…..
[  Hindi pa natatapos ang mga sinabi ni Carl ng bumukas ang Sliding Door at ang lahat ay nakita si Tina mula sa pintuan].
[ Tumingin si Tina sa kinaroroonan ni Trisha at Mark at lumapit patungo kay Mark].
[ Agad naman tumayo si Mark].
MARK: Ano ginagawa mo dito??!! [ bulong nitong sabi kay Tina].
TINA: May gusto lamang akong malaman…[ tumayo si Trisha dahil sa sigawan ng dalawa].
[ Itinuro ni Tina si Trisha kaya napatayo sina Carl at kanyang mga kaibigan].
MARIEL: Anong ginagawa mo  dito Tina?
TINA: Ito ba yung pinagpalit mo sa akin Mark?!!![ sabay itinuro si  Trisha].
 
MARK: Pinagsasabi mo manahimik ka nga!!!. [ hinawakan ang braso] halika nga sa labas tayo ng shop mag usap nakakahiya ka!!
CARL: Par,[tinanggal ang pagkakahawak kay Tina ] nasasaktan ang babae…
MARK: Pakialam mo ba!!!
TINA: Nahiya ka pa, eh kayo dapat dalawa [ itinuro si Mark at Trisha. ] ni Trisha ang mahiya at ngayon ko lang nalaman huh. [ sigaw nitong sinabi]. Na ilang months kayong nag uusap kaya pala gusto sa akin makipag hiwalay. [ agad na tumingin si Trisha kay Mark. ]
CAMILLE: Hoyyyy babae!!! Wag kang mag eskandalo sa Shop ko kung ayaw mo pa ipabaranggay kita…[ tinanggal ang pagkakaturo ni Tina kay Trisha] atsaka wag mo durodoruin kaibigan namin baka di mo kilala kinakalaban mo!!! [pagbabanta nitong pagkakasabi].
MARIEL: Please Tina, Umalis ka na dito nakakahiya ka sa ibang tao sa Shop.
TINA: Ayyy huwaww [ patawa nitong sabi] !!!!! kinakampihan mo pa kaibigan niyo, eh ako na nga nasaktan ako pa yung pinagtatabuyan.
TRISHA: Tina, I’m sorry sa nagawa ko. Mali ako don oo pero hindi ko na kinausap muli si Mark!!!. Nag confess lang ako sa kanya pero simula non hindi ko na kayo ginulo nang malaman kong in relationship na pala siya. 
TINA: Wala akong pakialam dyan, hinarot mo pa rin jowa ko.
 [Bigla na lamang sinampal ni Tina si Trisha at sinambunatan. Sinusubukan ng magkakaibigan at ni Mark pati na rin si Carl na tanggalin ang kamay ni Tina sa buhok ni Trisha  ]
TRISHA:  Ano ba Tina!!, Aray ko tama na!!.....
[ Agad na lamang ito huminto ang bangayan  nang sumigaw si Carl]
CARL: Tumigil na ka na Tina!!. Wag na wag mong hahawakan ang future Wife ko kundi ipapademanda kita! 
TRISHA:  " Don't underestimate the things that i can do Tina". Pinakiusapan kita pero hindi ka huminto at bakit ka pa naghahabol kay Mark kung hiniwalayan ka na nakalipas ng ilang buwan.
MARIEL: For your information Tina, Si Trisha lang ba talaga kausap ng jowa mo?... Ba’t di mo yan itanong sa mga kaibigan niyan sa liga huh!!!!
MARK: Halika ka na nakakahiya ka na !!! [ hinawakan ang kamay papalabas ngunit nagpupumiglas si Tina].
TINA: Ano ba nasasaktan ako Mark!!![ agad naman itong binitawan ni Mark] . Bago ako umalis dito na gusto ko lang sabihin gaano ka katarando sa pinag gagawa mo!!!!.... ‘‘papunta ka palang Mark, pabalik na ako’’[ May kinuha si Tina sa kanyang bag at isinampal sa pagmumukha ni Mark ] Eh hindi mo nga alam na binuntis mo pala ako eh.
[ Nakakabasag ang katahimikan at ang lahat ay nagulat sa sinabi ni Tina]
MARK: Weiytt!!![ pagtataka] paa…aano yun nangyayari [ pinulot ang ultrasound na results ni Tina], bat ngayon ko lang nalaman!!!.
[ Hindi na lamang sinagot ni Tina ,at lumabas na lamang na umiiyak. Agad naman ito sinundan ni Mark]
KYLE: Owemjieee!!! Iba pa lang ito si Mark. Ibang Mark ata ang nakilala ko hindi na Mark, tahimik lang.[ patawa nitong sabi]
CAMILLE: May gana ka pa mag joke dyan, Kyle.
MARIEL: Grabe ka kanina Trish, ang tapang mo may pasabi ka pang " Don't Understimate the things that i can do " dun ha..
KYLE: Tumatapang na pambato namin [  sabay tawa ]
KYLE: Ang mahalaga nalaman natin ang totoong pagkatao Mark na yan.
[ Agad naman hinimas ang likod ni Trisha ni Camille]
CAMILLE: Okay ka lang Trish? Pasensya na alam namin na pupunta si Tina dito pero hindi ko inexpect na ganito pala mangyayari.
TRISHA: Okay lang ako Camille, No worries sa inyo. Napagtanto ko na ganyan pala ugali ni Mark.
CARL: Uhm, guys alis na ako baka kasi di komportable si Trisha.
Trish wag ka mag-alala hindi ako mapapagod sa paghihintay basta ikaw [sabay kindat at ngiti]
KYLE: Isa rin to si Carl grabe ang tapang nagulat na lang may sumigae ng malakas bagay talaga kayo ni Trisha [sabay humagikgik sa tawa pati si Mariel]
 [Sabay na tumili sina Mariel at Kyle dahil sa pagtulong ni Carl sa kanila]
CAMILLE: Ano na Trish? wag mo sanang hintayin mapagod kakaantay yung tao sayo, baka tumanda yang binata dahil sayo hindi tulad ng isa na mabilis mag sawa [sabay tawa ng mariin]
[Dito na napagtanto ni Trisha ang nararamdaman niya para kay Carl, mas nagiging komportable siya sa mga taong na lubos niya na nakilala. Mas naiintindihan niya ang pagmamahal na binibigay ng mga taong nandyan para sa kanya.]
[Agad na tumakbo palabas si Trish at hinabol si Carl]
TRISHA: Carl!!!!!
CARL: Oh Trish, bat ka nandito? (Gulat na tanong nito)
TRISHA: Carl, may sasabihin sana ako sayo..?
CARL: Suree, Ano iyon?
TRISHA: Thank u pala sa pagtanggol mo sa akin kanina, Gusto ko lang sabihin, na maraming beses ko tinatanong sa sarili ko na bakit ganyan sila nag eefforts pero sa huli iiwan ka pala sa ere. Yung pakiramdam na binibigay mo lahat lahat kahit walang matira sayo pero hindi nila maapprecite. That's when I realized that even though I'm pushing you away and telling you to like someone else, not me. You told me and made me feel how important I am and u still waiting for me. [ Biglang tumulo ang luha ni Trisha sa saya na kanyang nadarama]
CARL: Hala!!! Umiiyak na yung Fav person ko
[ agad naman itong pinunasan ni Carl, at nagtitigan sa isa’t isa]
TRISHA: Do you still love me? [kasabay nitong patuloy na pagtulo ng kanyang luha]
CARL: Of course, since childhood pa tayo
TRISHA: Then I Love You….[ nakangiting tumitig sa mga mata ni Carl]
CARL: Wait?? What did you say??... Tama ba yung narinig ko.
[ Bakas sa mga ngiti ni Carl ang pagsagot ni Trisha sa kanya. Matagal din niyang hinintay ni Carl ang pagkakataon na iyon.]
[ Dahil sa hindi masidlan na tuwa, napatalon sa saya si Carl sa narinig mula kay Trisha]
TRISHA: [ *kissing on her lips] tamis pala ng labi mo.[ kasabay nitong ngiti]
CARL: I Love You…..
[ Lumabas ang magkakaibigan at nakita nila ang sina Trisha at Carl ]
[  Labis na saya ang nadarama nina Kyle at Mariel maliban lang sa isa nilang kaibigan]
KYLE: Grabe noh ngayon pa talaga magkakaroon ng boyfriend si Trisha. 
CAMILLE: [ monologue ]  I hope na masaya kayo sa desisyon niyong dalawa. Wala akong pinagsisihan sa desisyon ko na wag mag confess ng feelings kay Carl. Ayoko kitang saktan Trish, alam mo yan. Makahanap sana ako nang tao na para sa akin na tulad ng kay Carl. Mas okay na yung ako ang masaktan kesa sa mga kaibigan ko na tinuring kong kaibigan since childhood. [ hindi na napigilan ni Camille ang pagluha ng kanyang mga mata]. 
KYLE: [ tumingin kay Camille ] Ayos ka lang Girl?..[ tumingin sa mga mata ni Camille ].. Umiiyak ka bessy, Bakit? 
CAMILLE: Napuling lang ako , ano kaba ? Atsaka naiiyak din ako sa tuwa dahil nasa tamang relasyon na si Trish. [ sabay ngiti ng mapait]
KYLE: Ah okay. Alam kung may problema ka. Wag kang mahihiya sa amin magsabi kasi… [Inakbayan ang dalawang kaibigan]
MARIEL: Sana all makakahanap din ako ng taong deserving sa akin…..
—------------ANG WAKAS-----------------------------
1 note · View note
writingbeesblog · 2 years ago
Text
Pseudonym :Exesar
Si PonPon na hindi natutulog ng Hapon
Isinulat ni : Lynuel Cellacay, Quenie Sale, John Benedict Bustamante, Christian Toling
Si Ponpon ay batang may katigasan ang ulo at hindi sumusunod sa kanyang nanay lalo na sa pagpapatulog nito tuwing hapon.
Nanay: Ponpon!! Asan ka nanamang bata ka? Umuwi ka na at matulog para naman tumangkad tangkad ka.
Ponpon: Opo inay!! Mamaya na lang po pagkatapos kong mag merienda.
Natapos na ang meryenda, at hindi pa rin natutulog si PonPon. 
Nanay: Ponpon!!! Matulog ka na tapos ka na mag meryenda.
Ponpon: Opo inay, pag tapos ko po maglaro .
Dahil sa katigasan ng kanyang anak na si Ponpon, hindi pa rin ito natutulog sa hapon.
Habang abala ang kanyang nanay sa paggawa ng gawaing bahay ay abala rin si Ponpon sa paglalaro. 
Mag gagabi na nang makaramdam si Ponpon ng pagod sa kanyang paglalaro at hindi namalayan na nakatulog na pala ito.
Isang araw ng siya ay gumising , nagulat si Ponpon sa kanyang nakita dahil sa lakas ng yapak ng  nanay nito. Agad siyang lumabas nang makita niyang malahigante na ang kanyang ina.
Ponpon: Ahhhhhhhh!!!!(sigaw nito). Inayy! Inayy! (Tawag nito habang winawagayway ang dalawang kamay).
Dahil sa liit niya hindi siya narinig ng kanyang ina. Kaya naglakbay siya at naghanap ng solusyon kung paano babalik sa normal niyang tangkad.
Ponpon: Anong nangyayari? Kani Kanina lamang ay naglalaro kami pero bakit naging higante na aking nanay? (Tanong ni Ponpon sa sarili).
G. Langgam: Tabiiii!!
Ponpon: Arayy!!!
G. Langgam: Sabi kong tabi eh, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! Hindi mo ba nakikitang daanan ito ng mga langgam na nag iimbak ng pagkain para sa paparating na tig lamig?
Ponpon: Pasensya na po kayo ginoong Langgam, nalulungkot lang po ako dahil hindi ko po alam kung bakit lumiit ako pagkagising ko at hindi ko alam ang solusyon para tumangkad ako muli.
G. Langgam: HAHAHAHA!! isa na namang batang hindi nakikinig sa kanyang nanay ang lumiit. Hindi ka siguro natutulog ng hapon. 
Ponpon: Bakit niyo po alam? At ang lakas ng iyong pangangatawan Ginoong Langgam, hindi po ba kayo napapagod?
G. Langgam:  Pagmasdan mo ako bata, maliit ang aking pangangatawan ngunit malakas ako at patuloy na nag iimbak ng pagkain para sa tag lamig. Ang pagtulog sa hapon ay makakatulong upang maging malakas ka.
Agad nagpaalam si PonPon sa Ginoong Langgam, At muling naglakbay. Sa hindi kalayuan ay may nakita siyang masiglang tipaklong na sumasayaw at kumakanta, kaya naman ay agad niyang kinausap ito. 
Ponpon: Ginoong tipaklong, bakit kahit na mag gagabi na ay masiglang masigla pa rin po kayo?
G. Tipaklong: Dahil natutulog ako tuwing hapon at alam mo bang nakakatulong din ang pagtulog sa hapon para ipahinga ang ating mga katawan at magkaroon ng sigla?
Ponpon: Ngayon ko lang po nalaman iyon.
Agad ding nagpaalam ang tipaklong sa kanya kaya naman si Ponpon ay naglalakad na naman kahit na hindi alam ang patutunguhan. Sa kanyang paglalakad ay may nabungo siyang  malambot na nilalang, kaya naman ay agad siyang umatras at inangat ang ulo at nakita ni Ponpon ang isang Caterpillar.
Ponpon: Pasensya na po ginoong Caterpillar.
G. Caterpillar: HAHAHAAHAH!! isa na namang maliit na nilalang! (Humalakhak ng malakas)
Ponpon: Tatangkad din ako!
G. Caterpillar: Tatangkad? HAHAHAHA!! ni hindi ka nga natutulog sa hapon tapos naghahangad kang tatangkad? (Tumatawang tanong nito). Pagmasdan mo ako batang maliit, ako ay natutulog.  Sa aking pagtulog  lalong humahaba ang aking katawan. At darating ang araw na ako ay magkakaroon ng pakpak at isang maging magandang paro paro.
Nang makausap ang Ginoong Caterpillar ay agad na siyang naghahanap ng solusyon kung paano makakabalik sa kanyang dating laki. Dahil sa pagod at mahabang paglalakbay nakatulog si PonPon..
 Pagmulat ng mga mata ni Ponpon ay nagulat ito nang makitang nasa himpapawid na siya, pagtingin nito sa kanyang katawan ay may nakapulupot na paa na may matatalim na kuko mas malaki rin ito kesa sa mga manok.
Ponpon: Ahhhhhhhhh!! (Takot nitong sigaw)
Ponpon: Parang awa niyo na po G. Agila, wag niyo po akong kainin.
Agila: Isa kang batang hindi natutulog sa hapon kaya ikaw ay isa sa magiging handa ko sa aking hapunan.
Ponpon: G. Agila, parang awa niyo na po pakawalan niyo na po ako. Lagi na po akong makikinig sa aking ina at laging susundin sa kahit ano pa ang iutos sa akin, matutulog na po ako lagi. (Umiiyak na sabi nito)
Sa pagmamakaawa ni PonPon sa Agila ay hindi ito pinakinggan at patuloy pa rin ang pagtaas ng lipad nito hanggang sa inilaglag ito sa himpapawid. Habang nalalaglag si Ponpon mula sa himpapawid ay bigla na lamang itong napatalon sa kayang hinihigaan ng napagtanto nitong panaginip lang pala iyon.
Ponpon: Nay, pasensya na at dahil sa katigasan ng aking ulo hindi ako natutulog sa hapon. Simula ngayon Nanay matutulog na po ako.
Magmula noon ang batang si ponpon ay hindi na kailangang tawagin pa ng kanyang nanay si PonPon  kusa na itong sumusunod.
Pagkatapos ng merienda ay sinisimulan niya na ayusin ang higaan bago matulog sa hapon
Tinitiyak niya na rin na siya ay araw-araw na nakatutulog tuwing pagsapit ng hapon.
0 notes
writingbeesblog · 2 years ago
Text
Pseudonym: Sanie Leque
Reflection in Creative Writing
Learning and having Creative Writing as our specialized subject as a HUMSS student is one of the very challenging things for us because we have to write very long essays and another thing is that we also have to think of different ideas for Scripts and Stories we are working on. We can say that it is not easy because it cannot be denied that it really squeezes our brain. But the very good thing here is through the Writing Activities that we did actually helped us in so many things, just like our free writing, because of this we express ourselves more and besides we can activate our imagination in things, and one of the most important things is that we learn different methods and styles in writing which I can say is one of the biggest things that we can use when we start our path in our college life.
0 notes